-
Posted
in Statements on May 03, 2022
MENSAHE NI BISE PRESIDENTE LENI ROBREDO SA ARAW NG EID’L FITR 2022
Assalamualaykum! Isang masaya’t mapagpalang Eid’l Fitr sa lahat.
Higit pa sa pagdiriwang ng pagtatapos ng buwan ng Ramadan, isang makulay na paalala rin ang Eid’l Fitr ng pagkakabigkis ng isang komunidad. Anuman ang ating pananampalataya, malinaw at tagos sa puso ang mensahe ng araw na ito: Na kaakibat ng taimtim na panalangin at pagninilay ang pagkilala sa banal na tungkulin natin bilang mga tagapangalaga ng isa’t isa— bagay na paulit-ulit isinasabuhay ng bawat Pilipino, sa araw-araw man o sa gitna ng mga hamon ng pandemya at ...
Read More...
-
Posted
in Statements on May 02, 2022
Pahayag ni Bise Presidente Leni Robredo sa pagbawi ng mga testimonya laban kay Sen. Leila De Lima
Mahigit limang taon nang nakakulong si Senator Leila de Lima, pero kahit isang gramo ng ilegal na droga, kahit isang pahina ng documentary evidence, walang naihain laban sa kanya. Ngayon, pati ang mga testimonyang ginamit na batayan ng pagpapakulong kay Sen. Leila ay isa-isa nang binabawi ng mga nagbigay nito.
Patunay lang ito ng katotohanang matagal ko nang iginigiit: Walang kaso laban kay Sen Leila de Lima. Ang tanging kasalanan niya ay ang magsabi ng totoo at ipagtanggol ang karapatan ng mga ka...
Read More...
-
Posted
in Statements on May 01, 2022
Mensahe ni Vice President Leni Robredo sa Pagdiriwang ng Araw ng Paggawa
Kasama ang buong sambayanang Pilipino, nakikiisa ang Tanggapan ng Pangalawang Pangulo sa mga manggagawa ngayong Araw ng Paggawa 2022.
Muli nating pinagtitibay ngayong araw ang dignidad ng paggawa, at ang pagturing dito bilang lampas pa sa pagtawid sa pang-araw-araw na pangangailangan. Alalahanin natin na ang sinumang naghahanap-buhay nang buong puso at katapatan ay nag-aambag hindi lang sa ekonomiya, kundi pati sa pag-abot ng mga pangarap, pagpapatibay ng kapayapaan at katatagan sa mga komunidad, at pagpapalakas sa mga na...
Read More...
-
Posted
in Statements on Apr 27, 2022
STATEMENT OF VICE PRESIDENT LENI ROBREDO ON THE CEBU DEVELOPMENT AGENDA AND THE DURANO-DAVIDE TANDEM
Lagi kong sinasabi: Ang pakikihanay sa pulitika, dapat ayon sa prinsipyo at sa plano para sa Pilipino— hindi sa transaksyon. Buo ang paniniwala ko sa Cebu Development Agenda nina Ace Durano at Junjun Davide. Kaya may kapalit man o wala, buo rin ang suporta ko sa sino mang magsusulong ng planong ito. #
Read More...
-
Posted
in Statements on Apr 27, 2022
Statement of Spokesman Atty. Barry Gutierrez on Changes to the Leni Kiko Senate slate
Sen Migz Zubiri has been officially dropped from the Leni-Kiko Senate Slate. His open endorsement of another presidential candidate, in contravention of the agreement with all guest candidates, led to this decision. With 12 days remaining before elections, we are moving forward with our 11-candidate Senate slate.
#
Read More...