This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    The 2022 Presidential One-On-One Interviews with Boy Abunda featuring Vice President Leni Robredo

    The 2022 Presidential One-On-One Interviews with Boy Abunda featuring
    Vice President Leni Robredo


    [00:00:48]

    BOY ABUNDA: Tonight our guest is the Vice President of the Republic of the Philippines, Vice President Leni Robredo. VP Leni, magandang gabi, welcome.

    VP LENI: Magandang gabi. Thank you for having me.

    BOY ABUNDA: Let’s now begin our interview. Let’s talk about the environment, specifically mining which I think is one of the most controversial environmental issues. Noong Abril 2021, President Duterte lifted the 9-year moratorium on granting new mining permits through Executive Order No. 130. Samantala, December 2021, the Department of Environment and Natural Resources also lifted the ban on open-pit mining through Department Administrative Order No. 2021-40. Pinuri ito ng mining industry, samantala binatikos ito ng mga environment and human rights defenders. Ang aking katanungan, VP Leni, you are applying to become the President of the Republic of the Philippines. If elected, pagtitibayin mo ba ang desisyong ito o ipapawalang-bisa?

    VP LENI: Ipapawalang-bisa ko. Para sa’kin, Boy, napakahalaga pagdating sa usapin ng environment na binibigyan at ineempower ‘yung mga maapektuhan. Gusto kong sabihin binibigyan ng mekanismo ‘yung mga stakeholders na pinapakinggan ‘yung boses nila. Maraming mga mahahalagang batas na kailangang ipasa na. Example lang doon ‘yung Land Use Bill. Kailangan mapasa na ‘yun bilang batas dahil ‘yun ‘yung magsasabi, ‘yun ‘yung magpapanukala alin bang mga lugar dito sa bansa natin ang kailangan ideklara na mga no-mining zones. Pag hindi pa ito napapasa, ‘yung pag-iissue natin ng mga permits ay hindi matatag ‘yung nagiging basehan nito. Pangalawa, doon sa mga lugar na ipapayag ‘yung mining dahil nakasaad sa Land Use Act na pwede ‘yung gawin mga mineral sites, sisiguraduhin natin na ‘yung mga makikinabang ‘yung locality. Hindi negosyante, hindi Pilipino, pero ‘yung makikinabang lalo na ‘yung mga indigenous peoples, dapat sila ‘yung makinabang, dapat pag papayagan ito, Tito Boy, sisiguraduhin natin na ‘yung boses noong mga maaapektuhan ay pinapakinggan.

    Having said that, maraming mga bagay na sila ‘yung– parang sila ‘yung magse-safeguard. Sila ‘yung magse-safeguard ng environment. Aasikasuhin natin ‘yung– ira-rationalize natin ‘yung mga iba’t-ibang mga opisina na walang overlapping ang functions. Halimbawa ng DENR, ng MGB, ng Climate Change Commission, sisiguraduhin natin na klaro ‘yung kanilang mga roles para ‘yung accountability klaro din. Sisiguraduhin natin na kahit sa pagpili ng mga mamumuno sa mga opisinang ito, pinakinggan din natin ‘yung boses ng mga environment advocates kasi napakahalaga, Tito Boy, na ‘yung magre-represent sa’kin sa Cabinet, siya ‘yung magiging alter ego ko. Siya ‘yung alter ego ng President, dapat nagkakasundo kami sa paniniwala. And ‘yung paniniwalang ‘yun ‘yung pinaka priority natin ano ba ‘yung makakabuti sa taumbayan? Ano ba ‘yung makakabuti sa bansa natin?

    BOY ABUNDA: Okay. VP Leni, is this tantamount to saying na ika’y para sa total mining ban? Or ika’y naniniwala ba sa sustainable mining?

    VP LENI: Ako naniniwala ako, Boy, sa sustainable mining. Pero para sa’kin kasi ‘yung sustainability ma-attain lang natin ‘yun pag meron tayong maayos na mekanismo para ‘yung mga nakatira doon, ‘yung mga taong mangangalaga ay binibigyan natin ng boses.

    BOY ABUNDA: VP, ‘yun ang sinasabi madalas. I spoke to some people involved in the mining industry and they would always say na “Pinapangalagaan naman namin ‘yung mga displaced na IPs”, “Nagbibigay kami ng trabaho”, “We make sure that we don’t pollute the rivers”, na kabaliktaran dahil ito ang reklamo ng mga environmental defenders.

    VP LENI: Saka ito kasi, Tito Boy, naaabuso. Alam mo merong requirement sa batas na konsultasyon. Pero ‘yung konsultasyon kadalasan na ginagawa– ito reklamo ‘to ng mga tao on the ground na lagi nating nakakausap. Ang kanilang reklamo ay parang masyadong superficial ‘yung consultation na ginagawa at hindi natin ‘to ipapayag. Kaya nga ang sinasabi ko ang pinakamahalaga ‘yung mekanismo, hindi pwede na basta ka lang nagpa-meeting ay ‘yun na. Sisiguraduhin natin na ‘yung tunay na boses ng mga mamamayan, pinapakinggan. Dahil kabahagi–

    BOY ABUNDA: How do you do that? ‘Yung tunay na konsultasyon na iyong sinasabi?

    VP LENI: Kailangan talaga isabatas. When I was in Congress, I was the principal author of the Empowerment Bill. ‘Yung Empowerment Bill nilalayon niya magiging mandatory hindi lang sa mga local government units pero sa lahat ng mga government agencies na magkaroon talaga ng mga People’s Councils. Na gusto sabihin nito hindi lang basta magpapa-meeting, pero ‘yung representation sa People’s Councils represented ‘yung mga mahahalagang stakeholders and meron silang voting rights. Kabahagi sila mula sa step one, mula sa planning hanggang sa implementation hanggang sa monitoring hanggang sa evaluation.

    BOY ABUNDA: So ang kapangyarihan ay manggagaling doon sa People’s Council na iyon?

    VP LENI: Dapat kasi sila ‘yung apektado.

    BOY ABUNDA: Na ikokonsulta ng gobyerno at saka ng mga tao na involved sa mining industry?

    VP LENI: Saka i-empower talaga sila. Pag sinabi kong i-empower sila, kailangan bago sila nagdedesisyon sisiguraduhin natin na naiintindihan nila.

    BOY ABUNDA: But you realize, VP, that meron ding mga contributions ang mining industry?

    VP LENI: Totoo.

    BOY ABUNDA: Sa ekonomiya…

    VP LENI: And meron talagang mga responsible na mga mining companies. Pero ang sinasabi ko [TIMER END]

    [00:07:10]

    BOY ABUNDA: Let’s talk about the pandemic. Sa kasalukuyan po, VP Leni, dalawang bagay ang alam natin: una, pinadapa tayo ng pandemyang ito. More than three million na ang confirmed cases dito sa ating bansa ayon sa Department of Health. Sa buong mundo naman, sabi ng John Hopkins COVID-19 dashboard ay 300 million people na. Higit 15 million deaths na ang naitala sa Pilipinas, and more than five million naman ang buong mundo. Maraming mga Pilipino ang nawalan ng trabaho, kabuhayan, at mga mahal sa buhay. Marami ang mga nasirang relasyon, mga nasirang plano at pangarap. ’Yan, alam natin ‘yan. Alam natin ‘yung viciousness noong virus. Pangalawa, alam natin na ang virus na ito ay napaka-unpredictable. Dito sa dalawang taon, maraming variants na ang ating naririnig: Alpha, Beta, Gamma, Delta, Delta plus, Omicron… “The virus acquires genetic changes” is another way of saying nagmu-mutate ang virus na ito. Paano, kailan, at kung ano ang susunod—nobody knows. Ang tanong, VP Leni: Given the unpredictability and the viciousness of this virus, kung ikaw halimbawa ang nakaupong presidente, ano ang programa mo sa COVID-19?

    VP LENI: Ngayong Vice President palang ako, Boy, nag-launch na kami ng COVID response initiatives. And ngayon, ‘yung ginawa namin, ang pinakasadya lang talaga is to fill in the gaps. Hindi naman namin ‘to mandato pero hindi puwede kasing nanonood lang kami. So we shifted from one initiative to another. Nag-umpisa kami sa pag-provide ng PPE sets, sinundan namin ng shuttle buses for frontliners, sumunod ‘yung mga dormitories, hanggang tinulungan na namin ‘yung mga community marts, etc.

    So it was a series of so many programs, pero we learned a lot of lessons from that. Ano ‘yung number one lesson? ‘Yung number one lesson: kailangan talaga ‘yung sense of urgency. Kailangan ‘yung sense of urgency sa pag-respond kasi every minute, every second counts. ‘Yung sa amin Tito Boy, ‘yung aming naramdaman dito sa pag-respond dito, hindi puwedeng gagalaw ka lang pag perpekto mo na ‘yung plano. Hindi, eh! Ang kailangan nandyan na, gumalaw ka na. Pag ako naging pangulo, ie-expand ko ‘yun.

    Pero ako, meron na kasi akong benefit ng science. Meron na akong benefit ng lessons from other countries. Alam natin kung sinong mga bansa ‘yung nag-perform better than the others. So dapat matuto na tayo doon. Kami, we have been following all the examples of so many countries na naging maayos na maayos ‘yung overall COVID response; and madali na para sa atin kasi meron na, eh. Meron na tayong mga modelo. Susundan nalang natin.

    Pero ang sisiguraduhin ko lang, I will be on top of everything. Pag sinabi kong on top of everything, ‘yung day-to-day na COVID response, ako mismo ‘yung tututok. Sisiguraduhin ko na lahat ng mga, the whole of government, all the agencies, all the local government units, are working harmoniously. Kasi ‘yun ‘yung tingin kong naging kakulangan ngayon. Lahat naman may ginagawa, pero kulang ng konduktor. Kaya ang desisyon ng isang opisina, iba ‘yung ginagawa ng iba. Parang sobrang mixed ‘yung messaging. Sobrang mixed kaya– nakita natin na magsasabi ng ganitong desisyon, the following day babawiin. ‘Yun ‘yung nakaka- nakakadagdag sa pagka, ano ‘yun? ‘Yung anxiety ng tao. So–

    BOY ABUNDA: Okay. You raised two points. I’m sorry, VP Leni. Una, very, very important points. Number one, marami kang mga leksiyon na natutunan, mga modelo mula sa ibang bansa. Can you be more specific kung anong mga leksiyon, anong mga modelo ang ating pinag-uusapan?

    VP LENI: Noong– iba-iba ‘yon. Tito Boy. Kasi 2020, ano ‘yung natutunan natin? ‘Yung natutunan natin noong 2020, ‘yung mayroon talagang mga pillars para sugpuin mo ‘yon. Ano ‘yung mga pillars? ‘Yung testing, tracing, ‘di ba? Saka ‘yung management ng disease. Doon pa lang nagkulang na tayo. Iniinsist pa din nang iniinsist natin na hindi tayo magte-test nang marami kasi hindi naman kailangan. ‘Yung contact tracing two years after the pandemic, hindi pa din tayo nakaka-take off ng maayos. ‘Yung mga hospitals natin two years into the pandemic, kulang pa din tayo ng health workers. So, sa akin, kailangan itong mga basic premises na ‘to, alam na natin na ito ‘yung pillars na kinakailangan nating gawin.

    BOY ABUNDA: Do you do testing, do you do all these things that you’re talking about before– because you don’t know what’s going to happen. Hindi mo talaga alam kung kailan ang susunod na variant. Do you do this even when there is no surge?

    VP LENI: Depende. Depende. Ang kami talaga, ginagawa namin siya kahit noong walang surge, mayroong mga communities– kasi kami, Boy, meron kaming tracking system sa opisina, na tina-track namin ‘yung lahat ng mga local government units. Saan ba ‘yung mataas ‘yung cases, saan ‘yung ganito. And gusto naming makatulong sa pag-contain. So kahit walang surge, pag nakikita namin na merong lugar na medyo mataas ‘yung cases, nag-ooffer kami.

    BOY ABUNDA: I only raised that point dahil hindi ka puwedeng mabigla dahil alam natin na unpredictable talaga, eh.

    VP LENI: Yes.

    BOY ABUNDA: I mean, we know that behavior of the virus. And then, you raised another point: “I will be on top, you know, of the program, of the management of this virus.” Some of your critics may say, “Isn’t that a bit too much of micromanagement,” and you might be missing on a lot of things dahil nandoon ka masyado sa detalye.

    VP LENI: Boy, pag panahon ng crisis, kailangan mong mag-micromanage. Kasi buhay ng tao ‘yung nakataya. Ako, since March of 2020, araw-araw I am on top of all the COVID response operations of the Office. At ano ‘yon ah, hindi ako namili talaga ng trabaho. Noong kulang kami ng mga tao sa Bayanihan E-Konsulta, ako mismo, ako mismo nagdu-duty. Nagdu-duty ako ‘yung mga unholy hours para makatulog naman ‘yung mga volunteers. Pag Swab Cab namin, kahit maraming nagpo-positive, nandiyan ako. Pag vacci– [TIMER END]

    [00:13:35]

    BOY ABUNDA: Let’s talk about poverty. VP, tuwing eleksyon, maraming eleksyon, madalas ang taumbayan, nakikita namin ‘yung mga slogans, ‘yung mga messages ng mga kandidato. Babalikan ko lamang ang ilan na may kinalaman sa poverty. Si President Gloria, naalala ko ‘yung “Pagkain sa bawat hapag kainan”, si President Erap, “Erap para sa mahirap”, si President Aquino, “Kung walang korap, walang mahirap.” So starring talaga ang mahirap pag eleksyon, sabi nga ng isang kaibigan.

    According to Philippine Statistics Authority, PSA, noong October 2001, 3.27 million ang walang trabaho. October 2010, 2.79 million ang walang trabaho, October 2016, 2 million ang walang trabaho. Samantala, October 2021 po, 3.5 million ang walang trabaho. Ayon naman po sa SWS, Social Weather Stations, na ang ibig sabihin po nito, perception po ito, okay. Ang ating mga kababayan na nagugutom in percentile, in percentages, taken into consideration ‘yung fluctuation ng ating population, 3rd quarter of 2001, 9.3%, 3rd quarter of 2010, 15.9%, 3rd quarter of 2016, 10.6%, September of 2021, noong nakaraang taon po, 10% or around 2.5 million Filipinos ang nagugutom.

    Ito po ang aking tanong: Sa kasalukuyan, according to PSA, meron tayong 3.5 filipinos na walang trabaho, jobless. 2.5 million na mga kababayan natin nagugutom. You’re applying to be President of this country. With these urgent problems of joblessness and hunger, ano po ang inyong gagawin?

    VP LENI: Actually, Boy, naglabas na kami ng Kabuhayan Para sa Lahat Program. Ni-roll out namin ito noong December, last month. Marami siyang components pero bigyan mo lang ako ng pagkakataon na mag run down.

    Ang pinakauna, ang aming paniniwala, kailangan talagang maibalik ang tiwala sa pamahalaan, ‘yun ‘yung number one. Pag sinabi nating kailangang ibalik ang tiwala sa pamahalaan kasi ito ‘yung crucial element para ‘yung business confidence sa gobyerno ay bumalik. Pag maraming investments, maraming trabaho. Papaano natin ibabalik ‘yung tiwala sa pamahalaan? Kailangan ang gobyerno tapat, kailangan ‘yung gobyerno maaasahan, kailangan ‘yung gobyerno hindi kurakot, kailangan ‘yung gobyerno transparent saka accountable. ‘Yun ‘yung number one.

    ‘Yung number 2 na nasa Kabuhayan Para sa Lahat program, kailangan nating tutukan ‘yung mga industries na meron tayong opportunities dito. Ito ‘yung mga local industries. Kin-lassify namin ito, Boy, into three.

    ‘Yung pinakauna, blue industries– ang blue industries, maritime saka fisheries. Kasi archipelago ‘yung Pilipinas. ‘Yung lahat binubuhos natin para sa mga kalupaan pero mas marami ‘yung ating katubigan so ‘yung opportunities nandoon.

    ‘Yung green economy, agriculture saka ‘yung mga climate jobs saka manufacturing. Kasi manufacturing is an opportunity. ‘Yung manufacturing ito ‘yung magbibigay ng jobs.

    ‘Yung pangatlo, ang tawag namin doon good industries. Ito ‘yung tech saka digital industries. Kasi tingin ng aming team ang laki ng opportunity nito at ito na ‘yung future. So sa akin dapat ‘yung pamahalaan mag-invest dito. Ito ‘yung pag-invest sa mga local industries.

    ‘Yung pangatlo, kailangan talaga nating tulungan ‘yung maliliit na mga negosyante. Kasi ngayong pandemic, sila talaga yung dapang-dapa. Alam natin na napakalaking percentage ng mga negosyante sa atin, mga maliliit. At sila ‘yung nag ge-generate ng maraming trabaho para sa atin. So ako ang proposal ko doon, dapat sana, number one, magbigay na ng conditional na stimulus grant para sa mga maliliit na negosyante. ‘Yung kundisyon noon para ‘wag siyang magtanggal ng mga empleyado, tulungan siya ng pamahalaan na magkaroon ng kapital para mabuhay ulit ‘yung kanyang negosyo. ‘Yung number 2, kailangan access sa kapital kahit mga low interest loans para doon sa mga negosyo na meron namang pambayad sa loans, kailangan niya lang ng access para mabuhay niya ulit. Ang number 3, kailangan talaga hindi lang access sa capital pero access sa market. And sinubukan na namin ‘to many, many times over.

    Halimbawa, ‘yung ating mga farmers, kailangan yung gobyerno na ‘yung bumibili ng mga produkto niya kasi ‘yung gobyerno naman kailangan niya ng pagkain para ipapamigay sa tao. Gobyerno ‘yung pinakamalaking opportunity para sa maliliit natin na negosyante na makabangon uli.

    BOY ABUNDA: Urgent ‘yung gutom, something that’s immediate. Walang makain. We’re talking about 2.5 million Filipinos are hungry. Napakinggan ko ang iyong diskurso. Naiintindihan ko ‘yun pero gaano kabilis ang resulta nun?

    VP LENI: Hindi niya mapapawi ‘yung gutom ngayon.

    BOY ABUNDA: So meron ka ba doon sa iyong programa na may short term at long term solution?

    VP LENI: Yes. Actually ‘yung trabaho both short and long term. Pero ‘yung ngayon, ‘yung mga hindi nakakapasok kasi nagkasakit. Hindi nakakapasok kasi nagsara ang opisina…

    BOY ABUNDA: What do you do to them?

    VP LENI: Sa amin, Boy, nagbibigay kami ng mga ayuda pero dapat kasi mas mekanismo. ‘Yung number one na pinopropose namin dito, maliban sa ayuda, pag sinabing ayuda, sinisiguro mong may pagkain araw-araw. Pero maliban doon, kailangan sana meron tayong unemployment insurance para ‘yung mga nawawalan ng trabaho na hindi naman nila kasalanan, at least may safety net.

    BOY ABUNDA: Anong pagkakaiba, VP, ng ayuda sa dole out?

    VP LENI: Actually ang ayuda, Boy, is dole out. Pero ito kasi crisis situation ito. Parang halimbawa, binagyo ‘yung lugar na ‘to. Walang kuryente, walang tubig…

    BOY ABUNDA: So it’s an immediate solution to the problem?

    VP LENI: Yes. Pero it’s short term. Ang tao mas maa-appreciate niya kung maliban sa ayuda bigyan mo siya ng pagkakataon makapagtrabaho kasi mas long-term ‘yun para sa kanya. [TIMER END]

    [00:20:37]

    BOY ABUNDA: Let’s now go to migrants. Overseas Filipino Workers. As of September 2019, ang estimate po ay 2.2 million OFWs worldwide, according to the Philippine Statistics Authority again. 96.8% po nito ay may mga kontrata. Ang natitira po ay ito yung mga walang kontrata. Sa remittances naman po–dahil napapag-usapan natin ito madalas, ang mga bagong bayani na nagbubuhay ng ating ekonomiya ay ang OFWs, bahagya, I’m not saying totally–ay 28.9 billion US dollars noong 2018, 30.1 billion US dollars noong 2019, 29.9 billion US dollars nung 2020, at 25.9 billion dollars as of October 2021. Noong 2018 po, remittances sent by OFWs accounted for 11% of the total GDP of the country.

    Sa kabilang dako naman ito–so, merong, napakalaki ng contribution, na napakalaki ng pera po na kanilang ipinapadala dito sa Pilipinas–sa kabilang dako po, may tinatawag na social cost. Ito ‘yung sinasabi ng mga experts na unquantifiable, and that contributes to the destruction of the Filipino family. Ang aking tanong, VP Leni: How do you balance the economic contributions of the OFWs and the unquantifiable social cost of migration that leads to the destruction of the Filipino family?

    VP LENI: Ako, again, Boy, ise-segment ko ‘yung aking sagot doon. ‘Yung number 1, dapat ang overarching principle natin, ‘yung mga kababayan natin, magtatrabaho sila abroad kasi ‘yun ‘yung gusto nila. Ang gusto ko sabihin, it is by choice, and not by necessity. Ang problema kasi ngayon, kahit ayaw naman nilang iwan ‘yung mga pamilya nila, wala silang choice kasi walang available na trabaho dito. So papaano ‘yan mangyayari? Kailangan ayusin natin ‘yung economy natin para yung mga kababayan natin na umalis, nalulungkot na sa mga pamilya nila, gustong bumalik, may babalikan. Kasi minsan gusto naman nilang bumalik, hindi naman sila makabalik kasi wala silang babalikan. Halimbawa, merong mga OFWs na nag-retire na abroad, gusto nang dito mag-retire pero hindi nila maiwan ‘yung kanilang mga tina-trabahuhan na bansa because of healthcare, dahil hindi natin ma-offer sa kanila yung nao-offer sa kanila noong kanilang bansang pinagtrabahuhan.’Yun ‘yung number 1. So, kailangan ayusin natin, ayusin natin para hindi sila napipilitan.

    Pero ‘yung number 2, ‘yung mga umaalis at naga-abroad, dapat ay binibigyan natin sila ng pagkakataon na mas maganda ‘yung mga trabahong makukuha nila. And example lang nito, Boy, ang pinaka– ang dami sa ’tin mga seafarers. Ang dami sa ’tin mga seafarers, pero pag tinignan mo, doon sa mga seafarers na umaalis, kaunting percentage lang sa kanila ‘yung opisyal. Kaunting percentage lang ‘yung opisyal, pag tinignan mo ‘yung sweldo ng opisyal tsaka hindi opisyal, ang layo.

    Pero ang gobyerno meron siyang capacity na mag-provide ng programa, para ‘yung mga nag-aambisyon maging seafarers abroad, pupunta sila, merong cadetship program para pwede silang maging opisyal. Unang-una mas mataas ‘yung sweldo nila. Pangalawa, mas mataas ‘yung remittances, ‘di ba?

    Pareho din ‘yan. ‘Yung mga nagdo-domestic workers. ‘Yung mga ibang nagtatrabaho na paminsan pupunta doon, underemployed, mga teachers pero pupunta doon mag-aalaga ng bata–

    BOY ABUNDA: –mga doktor who choose to be nurses. Pero VP, pupuntahan ko ‘yung dalawang points, because you discussed about a situation where, “sana dumating ‘yung panahon na choice nila mag-abroad. Hindi ‘yung napipilitan.” But that’s not real today. That’s not real today. Let’s talk about the reality today na kinakailangan–I just wanted to raise a point–kinakailangan magtrabaho abroad para ma-sustain ang pamilya, mabuhay ang pamilya dito. There’s another layer to this discussion. For lack of a better term, we also have dramatized, you know, the OFWs. And I don't mean to demean the contribution of the OFWs, na para bagang, “bagong bayani” which denies, you know, the fact that they are there, hirap na hirap ang sitwasyon, etc. So, my question is, okay let’s be real. Kailangan ng trabaho, napipilitan magtrabaho. What do you do?

    VP LENI: Ito nga, Boy, ito ‘yung first part ng sagot, di ba, kasi ito yung mas long term eh, gagawan mo talaga ng programa. Pero ‘yung retraining, skills training, pwede na natin ‘yun gawin ngayon. Pero ‘yung pangatlo, sa Naga meron na kaming sinimulan na migrant resource office. Ito, ang attempt nito ay mabawasan ‘yung social cost. Meaning to say, merong pagkakataon na binibigay sa mga families na naiiwan, na pinapaintindi sa kanila anong klase ng trabaho, ‘yung anytime na gusto nilang ma-contact ‘yung kanilang mga pamilya, ‘yung perang ipapadala sa kanila merong mga financial literacy program. So, ano siya, buong programa.

    BOY ABUNDA: Pero VP, to be very extreme about it, do you look forward to a day when–I’m not even talking about choices at napilitan ‘no–na walang OFW?

    VP LENI: Parang imposible ‘yun.

    BOY ABUNDA: Imposible ‘yun.

    VP LENI: Imposible ‘yun. Kasi meron naman talagang may mga Pilipino na hindi naman nila kailangan mag-abroad, pero gusto nila.

    BOY ABUNDA: But you realize also the cost?

    VP LENI: Yes. Pero ito kasi, ako kasi, ‘pag ginusto mo, ‘yung preparation doon sa social cost mas handa ka. Pero iba kasi. Iba pag napilitan ka lang. Iba pag napilitan ka lang. Halimbawa, marami ‘yung iiwanan ‘yung mga anak nila na bagong panganak o mga baby pa, pero iiwan nila, mag-aalaga sila ng ibang bata, kasi kailangan eh.

    BOY ABUNDA: ‘Pag balik nila hindi na sila kilala ng kanilang mga anak.

    VP LENI: Hindi na sila kilala.

    BOY ABUNDA: And that’s unquantifiable.

    VP LENI: And noong naga-abogado ako, Boy, ang daming mga naghihiwalay na mga asawa because of the long separation. [TIMER END]

    [00:27:18]

    BOY ABUNDA: Let’s talk about social media. Ito naman, pag-usapan natin ang internet at ang social media. Pero dito tayo, VP Leni, pumunta. I want to talk about pornography. 2021 Year in Review Report ng PornHub, isang online adult video streaming website sa internet. Sabi dito, ang mga Pinoy spend 11 minutes 30 seconds watching porn, making the Philippines top 1. Nalampasan ho natin dito ang Japan at ang France. Some of the known social media sites, apps– ang Twitter ho ngayon, medyo nagiging source na rin ng porn. Snapchat, and may mga Facebook Groups na are being used as alternative porn site. Si Billie Eilish is an American Grammy-award winning songwriter-singer. 11 years old, she got exposed to porn, she got addicted, she indulged in sex, multiple partners, and ‘yun ang naging standard. Akala niya violent ang sex, and in her words, porn destroyed her brain. She felt devastated. She had nightmares, sleep paralysis. “My mental health,” ika niya, “was damaged.” Last December, she turned 20, si Billie Eilish. Kilala ito ng mga bata, and she is now on the road to recovery. Tanong: nalaman at na-confirm mo, hypothetically ‘to VP Leni, na ang iyong anak ay addicted to cyber porn. Bilang magulang ano ang gagawin mo? At bilang Presidente, again because you’re applying for the highest position in the land, paano ito makakaapekto sa iyong polisiya on the welfare and protection of children?

    VP LENI: Ako number one bilang Nanay, pinaka priority ko gumaling yung anak ko kasi sakit siya eh. Gumaling ‘yung anak ko, sisiguraduhin ko na tatanda siya na hindi dala-dala ‘yung trauma galing doon sa pinagdaanan niya. Pero bilang Presidente, ang dami kong pwedeng gawin. ‘Yung isang wala sa atin ngayon, wala tayong batas na nagsi-seek to make accountable itong mga social media sites.

    Ang gusto kong sabihin, kung anong ilalabas sa Facebook, Twitter, Youtube whether porn ‘yan or whether fake news, wala tayong control. So para sa akin, kailangan magkaroon tayo ng batas na kini-criminalize natin, pini-penalize natin ‘yung mga social media sites for them to be accountable and to be responsible. Na hindi dapat ito accessible sa mga taong wala pa siyang kahandaan mag-process. And in this case, ‘yung example mo, mga bata na nagiging addicted to that because it’s accessible. So, dapat maging accountable, dapat maging responsible ‘yung mga social media sites. Sisiguraduhin nila na ‘yung content, accessible lang sa mga tao na kayang ma-digest ‘yung content na ‘yun.

    BOY ABUNDA: Pero may responsibility dito ang magulang?

    VP LENI: Merong responsibility ang magulang kaya nga–

    BOY ABUNDA: You know in the discussion about access to the sites.

    VP LENI: Kaya nga ako, Boy, ang paniniwala ko talaga, lahat, hindi lang sa isyung ito, pero ang paniniwala ko talaga sa lahat na pinakasusi na para maganda ang operationalization saka implementation ng mga policy, lagi talaga siyang pinagtutulungan ng mga community.

    BOY ABUNDA: Okay, I get that. ‘Yung sinasabi niyo pong control, isn’t that censorship? I mean you’re talking about control.

    VP LENI: ‘Yung sa’kin, hindi control pero ginagawa mo silang accountable na dapat sinisiguro nila na yung mga lalabas sa kanilang mga social media platform ay ang makaka-access noon ‘yung mga taong tama na yung mga mental saka psychological.

    BOY ABUNDA: VP, can that be legislated?

    VP LENI: Yes it can. Actually ito yung pinaglalaban ngayon ni Maria Ressa. Ito ‘yung content na pinaglalaban niya even before she won the Nobel Peace Prize na ‘yung social media platforms have been abused in many varied ways already, in many countries.

    BOY ABUNDA: But you have to address the abuses because napakarami rin ng mga magandang nagawa ng social media saka ng internet, ‘no?

    VP LENI: Yes. Kaya nga abused siya kasi di ba dapat sana yung social media maganda ‘yung naidulot niya sa atin kasi bigla na lang that the world has become so small na everything is in our grasp pero dapat kasi inaayos natin ‘yung accountability ng mga tao, saka mga organisasyon, saka mga negosyo na merong control sa content na nilalabas nila.

    BOY ABUNDA: That’s why yung control sa content, to me it’s a bit bordering on. Doesn’t it border on censorship? Doesn’t that infringe into the freedom of speech?

    VP LENI: It depends on how the law will be passed and what the version of the law will be passed. Pero sa akin, Boy, mas sisiguraduhin ko na halimbawa merong porn sa aking site, hindi siya accessible sa mga bata. Ako, hindi ako digital person pero I’m sure there should be a way. Kasi ngayon naman meron nang mga apps diba. Meron nang ngayong mga apps na ‘yung mga magulang can control what their children can access. So, it should be a collaboration between the social media platforms, the families, schools, pati ‘yung pamahalaan. So it is very doable.

    BOY ABUNDA: It’s doable within a certain period of time. Pero pag tiningnan mo kasi, VP, ang social media ecosystem, where would you start?

    VP LENI: Hindi siya static. Di ba, yung social media of 10 years ago is very different sa social media now. So dapat talaga, Boy, yung batas, hindi din static. Dapat sinasabayan niya ‘yung demands of the time pero ang klaro dapat sa isip ng mga legislators na ang pinaka-primary purpose is the protection of the people especially children. [TIMER ENDS]


    [00:34:16]

    BOY ABUNDA: Let’s now go to abortion. Rape-related aborition. Sinabi ng PINSAN–Philippne Safe Abortion Advocacy Network–at Engender Rights, Inc, ito po ‘yung mga data na ating nakuha. A Filipino woman, or girl, is raped every 75 minutes. About one in every eight Filipino women who resorts to abortion is a rape survivor. 70 women induce abortion every hour. Complications from unsafe abortion is one of the five leading causes of maternal death, and leading cause of hospitalization in our country. In 2012 alone, 610,00 Filipino women induced abortion. Over 100,000 women were hospitalized, and 1,000 women died due to unsafe abortion complications. Since there is no access to safe abortion in the country, at least–at least po–three women die every day from unsafe abortion complications. And based on statistics, the number of induced abortions increases proportionately with the increasing Philippine population, which means that the number will keep increasing if we don’t act on it. Kasi nga nagfa-fluctuate ‘yung numbers. My question is: it time to enact a law on abortion that would allow pregnant rape victims the choice of legal and safe abortion?

    VP LENI: Ako alam mo I will be very honest with you boy, this is a topic that I'm very conflicted about because of the data that you have mentioned. I was a member of an NGO na talagang tinutulak ‘yung pag decriminalize, at least pag decriminalize ng abortion para naiiwasan yung mga unsafe na mga ginagawa. Pero the reason why I’m so conflicted about it, kasi ako my faith teaches me na bawal talaga yung magpatay. Ang ina-allow lang sa atin, Boy na legal abortion, kung endanderged ‘yung life ng mother. Kung endangered ‘yung life ng mother ay ina-allow in very rare instances, and I think that should continue. Pero having said that, ako kontra ako sa abortion, pero sa akin, bukas akong pag-usapan ‘yung decriminalization ng abortion. I would like to listen to more people about it,. I’ve listened to so much already. Pero it is something that we should– mahirap yung balancing act eh. Kasi pag nakita natin yung ipinaglalaban ng mga sumusulong sa decriminalization ng abortion meron naman silang dahilan. Kasi pag bawal kasi nagiging underground siya eh, and pag naging underground siya, mas unsafe. Mas unsafe kasi dahil hindi mo pinapayag, marami nag re-resort sa mga practices na hindi talaga siya medically safe. So, sa akin while Im open to discussing decriminalizing abortion, if you ask me now if I am for or against it, I’m against abortion.

    BOY ABUNDA: Ok. Pero may nasabi ka kanina na in certain instances, VP na pag nasa danger ang buhay ng nanay–

    VP LENI: It is allowed.

    BOY ABUNDA: It is allowed? Can you expound on it?

    VP LENI: Pag nasa danger kasi yung buhay ng nanay, ang practice talaga, Boy, ang pinakauna sine-save talaga yung nanay. And I think that should continue.

    BOY ABUNDA: But doesn’t that go against what the church says? Dahil ang church walang buts at walang ifs eh. Ang simbahan sinasabi, abortion, abortion hindi.

    VP LENI: Pero sa akin kasi, Boy–

    BOY ABUNDA: Because you mentioned faith, VP.

    VP LENI: Kaya nga sinasabi ko na contentious siya eh. Contentious siya kasi if you are involved in a day to day, if you’re involved in a day to day–like I was, when I was still a practicing alternative lawyer–you come across so many. You come across so many victims of rape, you come across so many unsafe pregnancies. Lalo na Boy kasi kadalasan yung biktima ng rape mga minors. And talagang pag minor nag-buntis ay talagang laging questionable yung safety nung nagbubuntis.

    BOY ABUNDA: Dahil ang katawan ng minor ay hindi pag nanay pa.

    VP LENI: Ano talaga– And in fact, we’re doing a program with UNDP on teenage pregnancies and ako I would have to admit I’m conflicted, my faith tells me that abortion is not to be allowed.

    BOY ABUNDA: Have you had discussions with priests, with your council?

    VP LENI: Yes, a lot of discussions already.

    BOY ABUNDA: Alright so you've expressed your views that inasmuch as you are against abortion, you are conflicted.

    VP LENI: I'm conflicted.

    BOY ABUNDA: You're a work in progress, ika nga.

    VP LENI: Totoo. Kaya nga sinasabi ko na Im open to more discussions about it. Kasi ako ang paniniwala ko, masama siya. Pero yung realities kasi and the lesson from other countries also. Kaya ako I know of a lot of friends from the NGO community who are really pushing for decriminalization of abortion.

    BOY ABUNDA: VP, mayroong mga kwento isang doctor na nagbuntis dahil ni-rape siya ng nag paaral sa kanya, may isang babae na may dwarfism nabuntis because unsafe din ang kaniyang abortion, maraming mga kwentong ganon. At saka kung babalikan natin yung statistika na may kinalaman sa mga bansa na mga katoliko, I mean the catholic countries, Brazil, kung taga saan ang ating Sto. Papa, at marami pang mga bayan ay bukas na, on certain conditions. Meron nga mga bayan na upon request of a woman ay pwede ang abortion.

    VP LENI: Dun naman ako–

    BOY ABUNDA: Hindi ka pwede don.

    VP LENI: Hindi ako pwede don.

    BOY ABUNDA: Because that is arbitrary.

    VP LENI: Ako, klaro ‘yun sa akin. Klaro ‘yun sa akin, kasi para sa akin ‘yung pagbubuntis is a responsibility.

    BOY ABUNDA: Pero hindi ba pagpapahalaga yan duon sa babae, that’s women's rights, you know.

    VP LENI: Totoo, and talagang yung women's rights advocates, Boy, talagang merong mga diskusyon about this pero sakin kasi, Boy, napaka klaro sa akin noon eh.

    [00:41:01]

    BOY ABUNDA: Let’s talk about drugs. Iko-quote ko lamang ang sinabi ni President Duterte. And I quote: “I feel so bad about all of these things because nalaman ko, paano ko maccontrol in 3-6 months?” This was a declaration, I think, early on or in the middle of his presidency. “Ang mga generals at pulis, andiyan. Tapos yung mga Bureau of Customs na inaasahan ko. P.I nasa droga. How will I succeed eh nasa droga? Alam ko nagkamali ako. Nagkamali talaga ako. Now magtanong kayo: Ang Pilipinas-are we or are we not a narcotics country? Yes we are sabi ng presidente. Sabi ko tama yang mga kritiko ko na sabing sabi mo nung nagpresidente ka 3-6 months. Hindi ko alam. Hindi ko alam pag pasok ko. Davao lang kasi ako. So ang template ko Davao, may droga, pero sabi ko maglaro ka doon, patay ka talaga. Give me another 6 months. That self-imposed time of 3-6 months, well, I did not realize how severe and how serious the problem of drug menace in this republic until I became President.”

    My question, VP Leni, You are applying to be the President of the country. Ito gusto ko malaman: how much do you know about illegal drugs in this country at gaano kalala ito? Uulitin ko yung tanong: Are we or are we not a narco country? Depende sa iyong kaalaman kung sa problema ng illegal drugs, ano ang programa mo laban dito?

    VP LENI: I was given the opportunity to be ICAD Co-Chair. Yung ICAD yung inter-agency task force, for 18 days. Pero those 18 days gave me enough opportunity to assess what was wrong with the Anti-Drug Program. At the end of the 18 days, naglabas kami ng comprehensive na assessment of what was wrong and naglabas kami ng mga – ano yung pakiramdam namin na dapat gawin. Five points ito, Boy.

    Yung pinakauna, how to maximize ICAD as the as the inter-agency task force. Ang daming punto nito, we don’t have time. Pero halimbawa, example lang doon: The reason why sobrang street level enforcement yung anti-drug campaign na dapat sana whole of government approach. Nakatutulong doon sa much emphasis on street level enforcement kasi yung chairman is PDEA. Para sa akin, dapat sana yung chairman ng ICAD should be DDB, the Dangerous Drugs Board. Kasi yung Dangerous Drugs Board is policy making. ‘Pag DDB yung mag-chairman mas ang chance ng mas whole of government approach ang gagawin, mas malaki. So ‘yun yung number 1.

    Yung number 2, ‘pag tinignan mo talaga ‘yung ang ating datos, hindi siya kumpleto. In fact, when I was in ICAD ongoing palang yung survey kung ilan ba talaga yung mga drug users. Natapos na yung survey after I was ICAD chair pero kahit meron na tayong datos na ganoon, sobrang raw and sobrang basic. Hindi nga natin alam kung yung mga nahuhuli, yung nagsusurrender…

    BOY ABUNDA: VP, I’ll let you continue. Pero tama ka doon. Kahit yung datos ng Dangerous Drugs Board, I mean I did extensive research for this interview, ang kanilang basehan lamang nila ay yung mga facilities na non-government. So kung titignan mo since 20 years ago, wala kang masyadong makukuha. Go ahead, please.

    VP LENI: Ngayon nga ang dami nating surrenderees, ang daming nahuli. Hindi nga natin alam ano nna yung interventions na ginawa nila. Ang iba mayroong datos, ang iba wala. So ‘yun ang number 2, data.

    Yung number 3, ‘pag tinignan mo yung budget for the entire anti-drug program, a large bulk of the budget is on street enforcement. Ako, this is wrong in so many instances. Unang una, alam natin na kahit patulan natin nang patulan yung mga street level na mga drug users or small-time drug pushers, kung hindi natin tinututukan yung constriction ng supply, tuloy tuloy lang yun.

    BOY ABUNDA: Number 3 po yan. Ano’ng number 4 po?

    VP LENI: Ang number 4, alisin na yung tokhang.

    BOY ABUNDA: Okay, number 5?

    VP LENI: Ang number 5, dapat yung mga law enforcement agencies natin itutok na yung kanilang energies sa supply constriction, yung mga drug pushers na.

    BOY ABUNDA: To the best of your knowledge, are we a narco country?

    VP LENI: No. The drug problem is huge. And naniniwala ako na if we have to pursue it with much vigor. Pero there is a way of doing it.

    BOY ABUNDA: As President of the Republic of the Philippines, can you give yourself a deadline? Can you solve the drug problem within 3, 6, 9 or 12 months? Would you dare say it?

    VP LENI: I won’t. Pero ang commitment ko, Boy, we will be much better off after 6 years. Ang drug problem grabe. Kailangan natin mga legislation. Di nga natin mahiwalay yung user at pusher. Iba yung intervention noon. Dapat ma-institutionalize natin yung community based na rehabilitation. Doon sa mga habitual users na di naman addicted to it, kailangan community based ‘yun eh.

    BOY ABUNDA: My question started with actually how much do you know? Gaano mo kakilala ang isang drug dependent, halimbawa? Would you have an idea? Alam mo bakit naa-addict ang isang tao? Because to me it is an issue of loneliness, broken families, it’s a search for, it’s a journey towards something. They talk about 4-6 hours of happiness, seizure, may mga peak, may mga follow up, all kinds of drugs. How much do you know about that?

    VP LENI: It is just like any other addition which should be treated. Para sa akin, yung mga users talaga tignan natin from a science- based…

    [00:47:37]

    BOY ABUNDA: Okay, let’s talk about the Philippine debt. Utang. Here’s a data from the Bureau of the Treasury. Nang matapos ang termino ni President Erap, ang utang ng Pilipinas ay 2.6 trillion pesos. Pagkatapos ni President Arroyo, umakyat na ito ng 5.1 trillion, umabot sa 6.5 trillion pesos nang matapos ang termino ni President Aquino. As of end November 2021, ngayong administrasyong Duterte, total Philippine debt is at 11.93 trillion pesos. Naririnig ko ito at alam kong naririnig ho natin ito “hindi pa kami pinapanganak’, ‘hindi pa pinapanganak ang isang bata eh nagbabayad ka na ng utang dahil sa laki ng utang ng Pilipinas.” Ang aking tanong, kung papalarin ka, Vice President Leni, na manalo bilang presidente ng Pilipinas, paano mo babayaran ang utang?

    VP LENI: Ako number 1, I will honor the commitments. Kasi nakasalalay ‘yung integrity ng bansa natin. Pero sisiguraduhin ko..

    BOY ABUNDA: How will we.. I’m sorry.. go ahead..

    VP LENI: Sisiguraduhin ko na ‘yung inutang natin, lalo na in the last few years na doon talaga tumambak ‘yung utang natin, sisiguraduhin ko na ‘yung perang inutang natin ay napunta siya sa mga bagay na ang return sa atin a thousand fold. Kasi kung umutang tayo, tapos ‘yung return sa atin ay hindi naman malaki, bakit pa tayo umutang? So ako, susuriin ko lahat ng utang na ginawa, saan ba ‘yun ginastos, sisiguraduhin kong mapunta siya sa mga dapat na mapuntahan. Alam mo Boy, hindi naman masama umutang, hindi masama ang umutang kung kinakailangan talaga ito. And as I have said, ‘yung returns nito sa atin, mas malaki kaysa doon sa inutang mo. Pero masama ang utang kung ito ay napunta sa korapsyon; masama ang utang kung ito napunta sa mga bagay na hindi naman ‘yung karamihan sa mga Pilipino ang makikinabang. So ‘yung sa akin, having said that, pag tinignan natin ‘yung sinasabi nating Debt-to-GDP ratio, nagsimula tayo pre-pandemic, 40, if I’m not mistaken ay 44% yung Debt-to-GDP ratio. Gusto kong sabihin noon, mayroon ba tayong elbow room umutang. So dahil nangailangan tayo ng maraming pera during the pandemic, okay na umutang. Pero ngayon pag tinignan natin ang Debt-to-GDP ratio natin nasa 60% na, wala na tayong elbow room. Ang gusto kong sabihin, more than 60%, delikado na tayo na baka hindi natin mabayaran. So ano ‘yung dapat nating gawin? Una, ayusin natin na ‘yung mga inutang natin, mapunta sa mabuti. Ang number 2, kailangang mag-exert tayo ng maraming effort mapataas ‘yung GDP natin. Mapapataas natin ‘yung GDP natin, babalik ako doon sa unang tinanong mo about jobs, about economy, aayusin natin ‘yung pamahalaan. Aayusin natin ‘yung mga institusyon, aayusin natin ‘yung tiwala ng tao sa pamahalaan, kasi ‘yun lang ‘yung paraan kung papaano natin mapapalakas ulit ‘yung ating GDP, ang ating growth rate. So ‘yun ‘yung mga kailangang gawin.

    BOY ABUNDA: You mentioned about corruption, there is an estimate of 20% of the national budget goes to corruption. Your comment?

    VP LENI: Totoo ‘yun. Sa akin Boy, it’s not enough that I say na hindi ako magiging kurakot. Pero ang sasabihin ko lang, ang commitment ko pag ako ang presidente na, sisiguraduhin ko na ma-legislate ‘yung mga mechanisms to prevent corruption. Ano ‘yung mga mechanisms na ‘yun? Making sure that all government procurement processes are transparent. Nag-file ako ng bill nito, ‘Full Disclosure Bill,’ even without need of request from the people. ‘Yung lahat na ginagastos ng gobyerno, lahat ng kontratang pinapasukan, dapat available ‘yun to the public.

    BOY ABUNDA: VP, paano mo ‘yun babayaran? During your administration, would you do something like ginagawa na 20% of the national budget actually goes to debt management?

    VP LENI: Kinakailangan.

    BOY ABUNDA: Kasi maganda raw tayong debtor? ‘Yun ang aking lumalabas sa research. Hindi tayo masyadong, pinauutang tayo dahil nagbabayad naman daw tayo.

    VP LENI: Oo. Kung ako, naalala ko kasi, Economics student ako noong 1986 when the EDSA Revolution happened, this is the same question. Kasi grabe ‘yung utang ng Pilipinas pero tayo, ginapang natin eh. Ginapang..

    BOY ABUNDA: Yeah, but that was less than 30 Billion.

    VP LENI: Yes. Pero ginapang natin ‘yun, ginapang natin, pinakita natin na we will honor all our debts. Nakiusap tayo, nakiusap tayo sa mga nagpautang sa atin na bigyan tayo ng mas malaking elbow room para mabayaran natin and ‘yung ating standing sa international community, na-regain natin dahil we honored our commitments. So ngayon obligado tayong to honor our commitments, pero hahabulin natin ‘yung mga inutang natin, saan ba ‘yun napunta. Sisiguraduhin natin na napunta ‘yun sa mabuti. ‘Yun.

    BOY ABUNDA: And we make sure that we don’t get trapped. I know Uganda as a country denies this and China, na isang araw gumising na lamang, di umano, na ang isang airport ay pag-aari na ng Tsina. Ang karanasan ng Laos, at ang karanasan ng Sri Lanka na may mga course na pag-aari na ng pinagkakautangan nila.

    VP LENI: Ayaw nating mangyari ‘yun sa atin.

    BOY ABUNDA: That’s right, kaya ang sinasabi mo dapat alam kung saan mapupunta ito. So are you talking again about mechanisms, are you talking about…

    VP LENI: ‘Yung sinasabi ko kanina, ‘yung mechanisms against corruption ‘yun. ‘Yung transparency, accountability…

    BOY ABUNDA: But that can also be applied to debt management?

    Leni: Yes! Totoo. Kasi ito yung parati kong ineexplain sa mga kausap ko, Boy, na tayo, tayong mga tao, ang parati ko ngang pinapakita dito, kapag kumakanta tayo sa banyo, kahit sintunado okay kasi walang nakikinig eh.. [TIMER ENDS]

    [00:53:33]

    BOY ABUNDA: Let's talk about the West Philippine Sea, VP Leni. Sa kasalukuyan, ang Spratly Islands - we are not claiming the whole of the Spratly Islands. To be very specific, ang kasama sa West Philippine Sea ay ang Kalayaan Islands Group. Okay. At merong mga isla po - Subi, Mischief Reefs - na natayuan na po ng mga hangars, underground storage, missile, shelters, radar, arrays, and other facilities ng Tsina. Noong July 12, 2016, naglabas ng desisyon ang Permanent Court of Arbitration, PCA po, pabor sa Pilipinas sa issue ng West Philippine Sea. Pero despite this, tuloy parin ang Tsina sa pagtatayo ng mga artificial islands at infrastructures sa mga teritoryong inaangkin nila na atin. Tuloy din tayo sa pagfa-file ng diplomatic protests. As of December of 2021, we have filed 241 protests, diplomatic protests. Sinagot naman tayo ng Tsina 152 times. Tanong: dahil pag ika'y pinalad na maging Presidente, you will also be the chief architect of foreign policy. If all diplomatic efforts fail, bilang Presidente, do you think, VP Leni, the Philippines is strong enough and prepared to fight a defensive war against China to protect our territorial sovereignty?

    VP LENI: Ako paniniwala ko, Boy, hindi natin kailangan dumating sa puntong ‘yun. Unang-una, meron tayong arbitral ruling na pabor sa atin. Ang pinaka-buod noong arbitral ruling na ‘yun, atin ang West Philippine Sea. Dahil atin 'yun, ipaglalaban natin 'yun.

    Pero having said that, ang laging punto, ang focus ng lahat na efforts, ano 'yung makakabuti sa best interests ng Pilipino? Ano 'yung makakabuti sa best interests ng bansa? Hindi lang ito sovereignty, Boy, eh, pero kabuhayan ito eh. Kabuhayan ng ating mangingisda, ngayon, dadating na tayo sa time na magkakaproblema tayo sa supply ng kuryente, di ito 'yung-- di ba 'yung resource na manggagaling dito sa West Philippine Sea? Parang ito 'yung sustainability natin as a country.

    So having said that, dapat pinaglalaban natin. Una, ako I am all for nurturing our very important relationship with China. Pero that relationship with China should be based on mutual respect and adherence to international law. 'Yun 'yung sa akin.

    Pangalawa, 'yung para sa akin, that decision of the Arbitral Court of Tribunal, we should leverage that para 'yung coalition of nations na kasama natin sa pag-protect ng West Philippine Sea, mabuo natin. Kasi kung hindi tayo gumagalaw, bakit naman aasahan natin 'yung iba na gumalaw?

    So, para sa akin, Boy, napakalaking win 'yung ating pinanalunan noong 2016. Maraming mga bansa na ang naghihintay kung anong gagawin natin. Hindi tayo kailangang pumasok sa giyera. Ang kailangan lang natin, mag-enter tayo into alliances with traditional and emerging partners, allies, para tulungan tayo sa pag-protect ng West Philippine Sea.

    BOY ABUNDA: VP Leni, ang International Tribunal Court ay inimbitahan lamang - because you can only invite a country. Ang nangyari, tinanggihan ng Tsina, ayokong mag-participate. So may mga kritikong na nagsasabing paano kayo nanalo eh wala naman kayong kalaban doon sa arbitration? At ang isa pa dito ay ang sinasabi ng Tsina ay infirm ang inyong reklamo at saka ang inyong mga allegations ay hindi totoo. Tapos 'yun ang inyong kinakatigan. Ang gusto namin, bilateral talks.

    VP LENI: Alam mo, Boy, ang tagal ko nang sinasabi na sa issue ng West Philippine Sea, hindi magiging favorable sa Pilipinas ang bilateral talks kasi napakalaking bansa ng Tsina. 'Yung sa akin, 'yung multilateral na pag-uusap, 'yung pag-angkat natin ng kaso sa International Arbitral Court. Ito talaga 'yung mechanism para meron tayo ng laban.

    BOY ABUNDA: VP, so tuloy-tuloy lamang 'yun, nagpoprotesta tayo pero they continue to build facilities, halimbawa, doon sa ating West Philippine Sea. So what happens? Kasi ang pinupunto ko ay maliit tayong bayan and I am also against war. Pero huwag natin kalimutan, '79, there was that bloody border war between China and Vietnam. So minsan walang kinalaman ang laki ng bansa, kung ang pinaglalaban ay sovereignty. Pagkatao na natin ito eh.

    VP LENI: Pero sa akin, ang dami nating puwedeng gawin. Unang-una, kailangan pinapalakas natin 'yung ating defense. Pinapalakas natin 'yung ating defense, naglalaan tayo ng pera para siguraduhin na 'yung kinakailangan natin para depensahan 'yung sarili natin ay kaya natin.

    Pero having said that again, sa atin, 'yung pinaka low-hanging fruit, na to leverage that decision to form a coalition of nations para ang coalition of nations, mas malakas 'yun kaysa mag-isa lang tayo. And 'yun, kaya ko sinasabi low-hanging fruit kasi willing 'yung mga bansa. Willing 'yung mga bansa–

    BOY ABUNDA: What countries are you talking about? Countries are also involved in the South China Sea? Napakahalaga po ng South China Sea na diskusyon dahil over $5 trillion trade ang dumadaan diyan sa pathway na iyan.

    VP LENI: Totoo. Kaya nga, Boy, kung nakikita mo ngayon, sino ba 'yung mga nag-iinterest aside from those directly affected? Kasi those directly affected noong mga–

    BOY ABUNDA: We’re talking about Brunei, Malaysia, Indonesia–

    VP LENI: Vietnam.

    BOY ABUNDA: Vietnam. Yes.

    VP LENI: Aside from that, kung nakikita mo ngayon, meron nang bagong coalition ng–

    BOY ABUNDA: Anu-ano?

    VP LENI: US, Australia.

    BOY ABUNDA: Dahil ito 'yung may mga negosyo na dumadaan.

    VP LENI: Oo. Pero ito, kaya nga sila nga mismo hindi solo eh. Sila nga mismo gumagawa– [TIMER ENDS]

    [01:00:17]

    BOY ABUNDA: I’d like to talk to you, VP Leni, about the Constitutional provision on Presidential qualifications. You are applying to be the President of the Republic of the Philippines. It’s a complex, gargantuan job. Napakalaki noong trabaho. Why? Because a President is the head of government, you are the chief architect of the foreign policy, you’re Commander in Chief of the Armed Forces of the Philippines, you’ll sign budgets, manage finance, you appoint Justices recommended by the Judicial and Bar Council, you confer the National Artist Award, manage disasters, pandemic, fights, the drug war, head of your political party, has power over aliens, has power over eminent domain, practices general supervision over local governments, and pardon convicts, among others. Sinabi ko lamang po ito dahil napaka-complex ng trabaho bilang isang Presidente. Samantala, ang ating saligang batas, Article 7, Section 2 of the 1987 Constitution, ay nagsasaad na ang qualifications para maging isang Presidente, ay ang mga sumusunod: number one, natural born Filipino, registered voter, must be able to read and write, forty years of age on the day of the election, must have resided in the Philippines ten years before the election. Ang aking tanong, VP Leni: napapanahon na ba para amiyendahan ang probisyon na ito sa Saligang Batas? Oo o hindi, at bakit?

    VP LENI: Ako, Boy, hindi. Actually it’s a very contentious provision, marami tayong mga kilala na nagsasabi bakit naman ganyan ka-minimum ‘yung requirements ng pagpa-Pangulo? Pero ako kasi binasa ko ‘yung mga diskusyon, ‘yung mga debate noong framers ng 1987 Constitution. And ‘yung pinakadahilan kung bakit ganito ka-minimal ‘yung mga qualifications na binibigay kasi gustong bigyan ng pagkakataon kahit ‘yung hindi– alam mo dito kasi sa Pilipinas, ang iba hindi natatapos sa pag-aral dahil walang opportunity. So ayaw nating isara ‘yung daan para sa mga gaya nila. So ito while merong mga iba’t-ibang pagtingin tungkol dito, ‘yung sa akin naiintindihan ko kung bakit ganoon ‘yung mga requirements na nilagay, na totoo we would have wished na ang Pangulo is better prepared. Pero sa atin kasi parang we put a lot of premium on not closing the doors on people who have not been given the opportunity to have enjoyed the same privileges that others had. So ‘yun ‘yung dahilan, and ako, I agree with them. Pero ‘yung sa’kin lang, Boy, siguro ‘yung dapat pagtuunan natin ng pansin, baguhin talaga ‘yung klase ng pulitika na namumuo. Kasi over the years, ‘yung klase talaga ng pulitika na namumuo, ‘yun ‘yung hindi nagbibigay ng malaking access doon sa mga wala, dahil grabe ‘yung patronage, dahil magastos masyado ‘yung eleksyon. Pag ganito at ganito ‘yung klase ng pulitika na namumuo, ‘yung mga wala, hindi nabibigyan ng pagkakataon.

    BOY ABUNDA: I hear you, VP Leni. Pero puntahan ko lamang ‘yung sinabi mo kaninang premium na para makapag-participate ang marami– because that’s the spirit of the law. It’s democratizing participation. Malay mo si tatay ay potensyal na maging Presidente ng Pilipinas.

    VP LENI: Yes, kahit hindi nakapag-aral.

    BOY ABUNDA: Pero may premium din tayo ha, VP Leni, na naalala ko ‘to, ang diploma napakahalaga. Idini-display sa sala. Ang nanay, madalas sinasabi, “Nasaan na ang diploma mo?”

    VP LENI: ‘Yun na ‘yung pinaka pinagyayabang ng mga magulang.

    BOY ABUNDA: ‘Yun, oo, napakahalaga sa atin ‘yun. Dahil kung premium ang pag-uusapan natin, bakit ‘yung premium na ‘yun wala doon sa mga kwalipikasyon? Senator Miriam Defensor Santiago raised that point, the late good Senator. Sinabi niya, “Ang police officer nga eh hinahanapan na dapat graduate ka, Presidente pa kaya ng Pilipinas?” Reason why I have to enumerate the, you know, specific jobs.

    VP LENI: Ako naiintindihan kita, Boy, pero alam mo iba-iba kasi ‘yung dahilan kung bakit hindi nakapagtapos. Kung hindi ka nakapagtapos despite the many opportunities given to you, kasalanan mo ‘yun.

    BOY ABUNDA: Pero hindi naman natin kasi pwedeng… di ba? Hindi natin puwedeng i-qualify ‘yun.

    VP LENI: ‘Yun na nga. I mean dahil hindi mo pwede i-delineate, hindi mo pwedeng alisan ng pagkakataon ‘yung mga hindi nakapagtapos dahil walang-wala.

    BOY ABUNDA: Is that in the Constitution of Turkey, for example, meron silang batas ngayon na nagsasabing dapat may higher education. Pero we’re aware, halimbawa, na sa Great Britain, kailangan miyembro ka ng Parliament– MP ka bago maging Prime Minister. Meron namang mga bansa like France, ang isa sa mga requirements dapat may bank account ka. So sinasabi ko lamang ito, VP, dahil as the country’s President, you can initiate a move na para amyendahan, maaari, I’m not saying that you should do it, para lamang, dahil napaka-complex, napakahirap na ng buhay. 1987 is very different from 2001.

    VP LENI: Totoo. Pero para sa’kin, Boy, siguro down the road pwede ‘yang pag-usapan. Pero sa’kin kasi ‘yung accessibility na makapag-participate, napakahalaga noon sa’kin. Kahit wala kang pera, kahit hindi ka nakapagtapos, basta ‘yung reason mo naman dahil sa kawalan.

    BOY ABUNDA: But isn’t that so ideal?

    VP LENI: Ako, we can always dream for better things eh. Ako para sa’kin ang kailangan natin ngayong i-legislate, papaano ba natin mapapabuti ‘yung ating political system. Such that ‘yung political system natin ‘yung nagpo-produce ng mga kandidato na karapat-dapat.

    BOY ABUNDA: Paano?

    VP LENI: Ang daming kailangan gawin.

    BOY ABUNDA: Saan ka mag-uumpisa?

    VP LENI: Alam mo marami nang panukalang batas na finile sa Congress over the years, kahit noong nasa 16th Congress ako, na iba-iba ‘yung mga pananaw kung paano siya aayusin. Pero ako it’s high time that we assemble all those who are proposing. [TIMER END]

    [01:06:55]

    BOY ABUNDA: We’re now done with our 10 questions. Ngayon naman po, punta na tayo doon sa personal issue-based question–

    VP LENI: Okay.

    BOY ABUNDA: –para po sa’yo. Sa Isang talumpati before the Philippine Military Academy alumni in Malacañang — October 2018 po ito. President Duterte said, and I quote, “Sa totoo lang, even her–referring to you–even her public statements, I don’t mean to offend the lady. She’s very good, she’s gentle; pero mahina talaga si Leni. Mali-mali ang- medyo mahina ang… hindi mahina ang utak. Pumasa ng Bar, eh. Mahina…

    VP LENI: Diskarte.

    BOY ABUNDA: [crosstalking] … sa diskarte.

    VP LENI: [crosstalking] Sa diskarte [laughs].

    BOY ABUNDA: Your reaction in 60 seconds, and I don’t follow-up.

    VP LENI: ‘Yung diskarte, nakikiita ‘yon hindi sa salita kundi sa gawa. ‘Yung diskarte sa ordinaryo natin na pang-araw-araw na buhay, ito ‘yung ability mo na gumawa ng paraan, ito ‘yung ability mong magtrabaho nang maayos despite of the difficulties. Ako pinakita ko over the years, Boy, na ‘yung mga difficulties, mga roadblocks na tinapon sa aking daan, nalagpasan ko ‘yon lahat dahil sa diskarte. Ako, in many, many instances; and I can cite a few! Pag mayroong sakuna, mayroong krisis, sino ba ‘yung unang nasa ground? Kami! Noong nag-Marawi siege, maraming mga- maraming mga bagyo na dumaan, ‘yung lindol, kami ‘yung nandoon. Noong inoffer sa akin ‘yung ICAD, maram- lahat ng taong nakapaligid sa akin sinasabi sa akin, “Huwag mo ‘yang tanggapin kasi trap ‘yan.” Pero I felt that it was an opportunity for me to make a diffe- [TIMER ENDS]

    BOY ABUNDA: Maraming salamat. Now, we have a 60-second political fast talk. Let’s begin! VP Leni, bakit hindi dapat iboto si Bongbong Marcos?

    VP LENI: Number one, sinungaling. Pangalawa, in the difficult moments, hindi siya nagpapakita.

    BOY ABUNDA: Si Isko? Bakit hindi namin- Si Mayor Isko? Bakit hindi namin dapat iboto?

    VP LENI: Hindi klaro ‘yung paninindigan sa maraming bagay.

    BOY ABUNDA: Ping Lacson?

    VP LENI: Maraming salita pero kulang sa on-the-ground na gawa.

    BOY ABUNDA: VP Leni, bakit hindi namin dapat iboto si Manny Pacquiao- si Senator Manny Pacquiao?

    VP LENI: Ito malungkot ito, Boy, pero ‘yung kabutihan ng loob kasi sa atin hindi sapat.

    BOY ABUNDA: Bakit ikaw ang dapat naming iboto?

    VP LENI: Ako, Boy, pinakita nitong krisis na ‘to — and many other crises in the past — na ang mga babaeng lider, nagsha-shine during crisis. And ako, pinakita ko ‘yan sa maraming trabaho namin dito sa OVP, marami kaming mga krisis na nalagpasan with flying colors. Sabi ko nga, kung ‘yung 2016 hanggang 2022, nan- [TIMER END]

    [01:09:52]

    BOY ABUNDA: Here is my final question, answerable also in 60 seconds. March 19, 2018, President Duterte withdrew the Philippines from the Rome Statute. When the withdrawal took effect, March 17 ito, 2019, ang Pilipinas po ay hindi na naging miyembro ng International Criminal Court. Ang withdrawal nangyari po ito matapos ianunsyo ng then-ICC Prosecutor Fatou Bensouda ang pagbubukas ng preliminary examination sa Pilipinas with respect to the alleged crimes against humanity na nagaganap sa bansa dahil sa war on drugs. The President threatened to arrest the ICC Prosecutor if she conducts activities here in the Philippines because we are no longer an ICC member and the ICC has no right to do any investigating. On November 10, 2021, the Philippine government requested a deferral of the ICC’s investigation under the principle of complementarity, claiming that the country had begun its own investigation. Buhay ang ating justice system, in other words. The current ICC Prosecutor, Karim Khan in a document dated November 18, sinabi niya that they will temporarily suspend its investigation into the Philippines as it assesses the scope and effect of the government’s request for deferral that cited the investigations being done by the Department of Justice. Human rights and victim advocacy groups are urging the ICC to proceed with the investigation to not further the delay the justice for the victims. VP Leni, in 60 seconds, hypothetical ang aking tanong: Presidente ka ng Pilipinas sumulat ang ICC Prosecutor na si Karim Khan at nagre-request na siya at ang kanyang team ay pumunta dito sa Pilipinas para umpisahan na ang preliminary investigation sa diumano’y mga krimen laban sa sangkatauhan na may kinalaman sa war on drugs ni President Duterte. Ano po ang inyong gagawin? Papayagan niyo po ba ang team nila na pumunta dito sa Pilipinas? Oo, hindi, at bakit?


    VP LENI: Papayagan ko. Magiging very open, magiging very transparent kung wala namang tinatago, hindi tayo kailangan matakot. Hustisya ‘yung pinakabuod nito pero dapat balikan natin. In the first place bakit tayo nag member ng ICC, ang ICC is a safety net sa mga gobyernong nag-aabuse ng human rights ng kanilang mga tao, sa mga gobyernong nag ko-commit ng very high crimes. Mga diplomats natin, mga Pilipinong bahagi noong pag-draft noong pagbuo ng ICC dahil nakita natin na ito ay representative ng values natin bilang mga Pilipino na pinapahalagahan natin ‘yung human rights. So sa akin pag umupo ako, hindi ko lang papayagan na pumasok dito pero ipo-propose ko na bumalik ‘yung ating membership sa ICC dahil napakahalaga nito to keep government in check.


    [END 01:13:09]

     

    Posted in Transcripts on Jan 26, 2022