This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Ambush Interview with VP Leni in Ocampo, Camarines Sur

    23 July 2016

    Q: Ano gusto natin ma-achieve dito sa pag visit ng IP?

    VP: Ito kasi napakarami ng problema noong nasa taas. Unang una, nakatira sila sa national park so hindi sila mabibigyan ng infrastructure ng gobyerno. Iyong pinakaproblema maraming mga bata doon na hindi nag-aaral dahil sa layo ng school.

    Iyong school nandito sa baba, mga sa mabilis maglakad siguro mga 1 hour na trek pero para sa amin mas mahaba.

    Pero kailangan siguro nila gawin everyday. Ang problema din namin, gusto namin maglagay ng school doon, per 49 families lang sila, less than 300 iyong population ng lugar so hindi siya mag-fifit sa standards ng DepEd.

    Mayroon silang dating daycare, pero noong nasira iyong daycare parang hindi na siya na-revive. So siguro ngayon iyon iyong una naming aasikasuhin namin, iyong day care.

    Hindi ko alam kung possible na Grade 1-3, na multi-grade, kasi kawawang kawawa ang mga bata. Ako matanda na ako, hirap na hirap ako sa pag-akyat, lalo na sila.

    Pero siguro more than that, ma-ensure ang environmental protection masikaso kasi legally bawal tirhan iyon. Iyon nga, tatanungin ko sa DENR kung paano makakatulong.

    Iyong isa kong naiisip, gawing silang instrumento para mag-reforest, kasi wala nang kahoy sa itaas. Iyong nasa itaas, mga niyog. Bawal nga ang niyog sa national park.

    So pagbalik ko sa Manila sa Lunes or kahit iyong regional office kaya lang Sabado ngayon. Tatanungin ko kung papaano makakabit ang mga kailangan at welfare ng mga tao doon, sunod, ang environmental protection.

    Hindi ko alam eksakto iyong regulations ng DENR pero sa aking nakikita, sila ay gamitin as instrumento para seryosong pag-reforest.

    Kasi noong umakyat kami wala na talagang kahoy sa taas.

    Q: Ma’am sa ngayon ano ang pinagkakakitaan nila? Anong livelihood?

    VP: Iyong kapag May at saka sa May, June, February and March, iyong araw-araw na nagtratrabaho sila sa sugarcane plantation, pero malayo din sa kanila.

    Nag-eearn sila ng P100-P200 a day, iyong mga matatanda doon nagtratrabaho pero iyon, four months in a year lang iyon. Iyong tinatanim nilang mga gulay, the rest of the year nagtatanim sila ng gulay, tinitinda nila sa market.

    Parang halos just enough for the consumption of the family pero nagtitinda sila sa market pero ang average nilang natitinda mga P300-P500 a week lang.

    Iyong pinakaproblema nila wala namang facilities para ibaba ang mga produkto nila at hindi naman puwede maglagay ng imprastruktura ang gobyero dahil nga national park iyon.

    So mayroon akong assignment sa ibang barangay officials na kausapin ang mga land owners. Siguro ang susunod kong pagpunta dito kakausapin ko na ang mga landowners, una, baka puwede pakiusapan na kaya sila nasa national park kasi hindi sila, parang ang, walang may ari kundi ang gobyerno.

    Kakausapin ko ang mga landowners na baka mabigyan sila, tutal 49 families, mabigyan ng pagkakataon na sa private property sila nakatira, tapos sila ang gamitin na mag-reforest at tagabantay dahil sila ang pinaka-effective na tagabantay, ang tagadoon talaga.

    Q: Wala silang kuryente?

    VP: Wala silang kuryente dahil hindi nga pwede lagyan ng facilities doon. Ang nakikita kong pansamantala baka yung solar, baka mayroong may CSR na solar energy.

    Ang pinaka-worry ko doon, tinatanong ko ang papaano kung may nagkasakit. Pinagtutulungan daw, kinakarga pababa, pero pag emergency parang time bomb.

    Ngayon puwede silang tulungan sa pansamantala pero I think in the long run kailangan hanapan ng mas permanenteng solusyon.

    Hindi ko rin alam kung paano napayagan na tumira sila diyan, pero generations na iyon eh. Ang mga nakatira doon hindi naman sila bago eh, parang since time imememorial sila nakatira dun.

    Q: Ma’am, marami po ba kayong gagawin na ganito, mga community visits in the coming weeks?

    VP: Actually nilaan ko na ang mga weekends ko, parang ang tawag namin sa office ay “laylayan events.”

    Iyong Monday to Thursday or Monday to Friday naghahanap kami ng partners na iyong tutulong sa kanila, pero ang Friday to Saturday or Saturday to Sunday hinahanap naman namin ang mga problema ng mga malalayo.

    Posted in Transcripts on Jul 23, 2016