22 February 2017
Q: Ma’am mayroong call si Sen. Leila de Lima to declare the president incapacitated. Do you think there’s a basis to that po?
VP Leni: Mahirap kasi mag-comment kasi hindi ko naman narinig si Sen. De Lima mismo. Siguro tingnan ko muna kung ano ang basis ng kanyang pagsabi.
Q: Iyong testimony ni Lascanas, have you heard of it and what’s your assessment?
VP Leni: Narinig ko bits and pieces ng kanyang presscon sa news lang. Pero natutuwa ako kasi the Senate voted to hear it. Tingin ko makakatulong sa pag-assess natin ng kanyang credibility, ng credibility ng kanyang kuwento kapag binigyan na tayo ng mas maraming pagkakataon to assess it.
Q: Kasi nag-flip na ho siya, iyon po ang laging sinasabi.
VP Leni: Parang mahirap magsabi at this point kasi hindi pa naman nag-uumpisa ang imbestigasyon. Pero ang imbestigasyon kasi sa Senado mabibigyan tayo ng pagkakataon na ma-observe ang kanyang, hindi lang ang kanyang demeanor, pero ang kanyang statements.
Q: Hindi po siya puwedeng maging basis for an impeachment complaint against the President?
VP Leni: Depende kasi iyon sa sasabihin niya, as I have said hindi pa naman nag-uumpisa ang investigation. I think masasabi natin kung puwede siyang maging basis or not kung ongoing na ang investigation.
Q: May plans ba kayo pag inaresto na po si Sen. De Lima? Kayo po or sa LP?
VP Leni: Wala. Hindi pa nagmi-meet ang LP on that. Parang napakabilis kasi ng pangyayari. Ang daming nangyayaring sabay-sabay. Siguro one of these days kailangang mag-meet na ang LP as a party para pag desisyunan iyon. Iyong huling pag-meet ng LP ang pinag-usapan ang stand on the death penalty.
Q: Ma’am may party stand na po? Anong stand po?
VP Leni: Mayroon nang party stand. Ni-release na ng LP ang party stand. Ang LP is against the re-imposition of the death penalty.
Q: So all LP members even members of the majority in the House will vote against it po?
VP Leni: Ang napagdesisyunan, kahit may party stand walang sanctions ang hindi susunod.
Q: Can you give us in a gist ano po iyon?
VP Leni: We can give you a copy of the party stand, medyo mahaba siya 3 or 4 pages.
Q: May plans kayo sa EDSA People Power Revolution sa Saturday po?
VP Leni: I want to attend pero hindi ko pa alam kung, mayroon kasi yatang iba ibang mga celebrations na sabay-sabay na mangyayari. Actually I asked my staff kung ano iyong mga celebrations, I want to attend one of those. Siguro kung may Mass sa Edsa Shrine I will attend.
Q: Wala ka pang invite, official invite?
VP Leni: Wala, walang official invite as of now wala pa.
Q: How about the rally po na ili-lead ni former CHR Chief Etta Rosales?
VP Leni: Wala pa din akong alam na any of the plans on the 25th. Ang alam ko lang, maraming mga actions ng iba’t ibang grupo. Mas mabuti sana kung pag-isahin na lang ang celebration para magiging celebration talaga siya ng maraming sector pero I think as of now ang desisyon hiwa-hiwalay na celebration.
Q: Ma’am sufficient in form and substance daw po ang sa PET ni Sen. Marcos. Ano po ang reaksyon ninyo?
VP Leni: Tayo naman, ano iyon procedural, nirerespeto natin ang desisyon ng PET. Ano naman ‘to, ang gusto sabihin lang nito na the case can now proceed.
Q: Ma’am kung sakaling po na tanggapin ni Sen. Marcos ang post bilang DILG secretary, tingin ninyo ba pag-abandon din inyon sa protesta niya?
VP Leni: Mayroong dalawang schools of thought. Ang dalawang schools of thought, iyong umpisa considered siyang abandonment. Ang isa namang school of thought hindi siya considered na abandonment kasi appointed na position.
Q: Ikaw Ma’am anong thought mo doon?
VP Leni: Mahirap kasi para sa aking mag-comment kasi hindi ako un-biased na mag-co-comment. At saka mahirap we’ve been cautioned also not to expound so much on the case kaya siguro iiwanan ko na lang iyan sa ganyan.