This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Bajekjek Orquillas at the Sumilao Farmers with Vice President Leni Robredo

    Bajekjek Orquillas at the Sumilao Farmers with Vice President Leni Robredo
    Panaw Sumilao Coop. Center, Sumilao, Bukidnon


    BAJEKJEK ORQUILLAS: [10:35 10: 56 speaks in Bisaya] Magandang Umaga po sa lahat para sa mga tagalog na hindi nakakaintindi po ng Bisaya. Mag uumpisa po ako kung saan kami nagsimula. Nag umpisa kami ng walang wala, walang lupa kaya napag isipan namin na mag hunger strike, mag protesta nang hindi violent. Naranasan kong ma bully ako sa paaralan noong ako ay grade five pa lamang. Sinabi ng mga kapitbahay namin, sinabi ng isang guro namin na squatters ‘yung tatay namin, ‘yung tatay ko. Pati si Ka Peter squatter kasi siya ‘yung namumuno ng mapalad noong 1995. Hanggang hindi kami nag tagumpay, hindi namin nakamit ‘yung aming ipinaglalaban na lupa na itong 144 hectares na pinagmamayari ni Quisumbing at marami siyang sinabi sa land conversion, papatayuan niya ng magagarang hotel at marami pang iba. Subalit ibinenta niya ito sa San Miguel Corporation, pinatayuan ng babuyan, buti na lang sa ngayon hindi nangamoy ‘yung dumi ng baboy.

    So sa pagpapatuloy ng aming pag po-protesta, paglalaban namin sa aming karapatan, taong 2007 nag martsa kami mula Sumilao Bukidnon hanggang Maynila, 1700 kilometers ang nilakbay namin, hanggang sa nanalo kami sa tulong ng nasa– ng isa sa ating mga kasama ngayon. Isa siyang abogada na kasapi sa SALIGAN, isang Bise Presidente ng Pilipinas, isa siya sa mga nakatulong sa amin. Sa lupang ito kung saan tayo nakatayo ngayon, kaakibat namin siya, isa siya sa mga taong tumulong sa amin para magtagumpay ang Panaw Sumilao Multipurpose Cooperative.

    So sa ngayon, meron na kaming mga napagtagumpayan lupa, meron kaming traktora na ibinigay ng DA, nakapag access na kami ng pondo sa mga government agencies, meron kaming isang ELF, meron kaming isang traktorang nabili namin sa sarili naming pera, meron kaming motor pool, meron kaming solar dryer, meron kaming isang malaking village type mechanical cob dryer, meron kaming warehouse, at meron din kaming forward truck na bigay ni Senator Kiko Pangilinan sa Sagip Saka Act, kasama diyan ‘yung isang maliit na multicab na nasa labas.

    Nagtagumpay kami dahil nag pursigi kaming ipaglaban ang aming karapatan, karapatan sa lupa, karapatan bilang tao. So baka maisip niyo bakit may mga nagsasalitang taga Luzon, taga Visayas o saan pa man, ang pagtitipong ito ay hindi lamang eksklusibo para sa magsasaka ng Sumilao, buong Pilipinas po ang nandito ngayon, buong Pilipinas ang ating ipinaglalaban. Ang laban ni Ma’am Leni ay laban nating lahat na mga magsasaka at mga mangingisda at lahat ng mga nasa laylayan.

    Bilang magsasaka ng Sumilao, mataba, sobrang taba ng puso ko sa tuwing dumadalaw si Ma’am dito sa atin, sa amin. Dahil hindi siya politiko para sa amin na mga magsasaka ng Sumilao. Noong una pa man kasama na namin siya, hindi na siya iba sa amin. Nakilala namin siya bilang abogada, bilang isang kaibigan, bilang isang parang ina namin ng Sumilao farmers. So, sa ngayon, ang ipinaglalaban niya ay laban din natin. Kami na nagtagumpay, gusto din naming makamit ng iba pang magsasaka sa buong Pilipinas ang napagtagumpayan namin kung saan kami ngayon nakakarating. Pero hindi doon humihinto ang istorya, ang kwento ng Sumilao farmers. In-awardan kami ng lupa noong 2010, sinabi ng DAR, sinabi ng San Miguel, walang umookupa na mga tao doon, pero sa katotohanan niyan hanggang ngayon ipinaglalaban pa rin namin kasi may mga tao doon na nag okupa na kasama pareho naming farmers. So hindi namin ‘yun gusto kasi ang pinag usapan noong nag Memorandum of Agreement signing, kailangan malinis ‘yung lupa, walang tao, walang ibang magsasaka na naka okupa doon. Pero hindi ‘yun napatotoo.

    So, pangarap namin bilang magsasaka at mga mangingisda ay kung anuman ang tagumpay ng aming nakamit ay mapagtagumpayan din ng kagaya naming mga magsasaka. So pinapangarap po namin ma'am na kung kayo man, kayo ay aming mailuklok bilang Pangulo ng Pilipinas, ito po ang aming mga pangarap. Kasa– kaming mga magsasaka at mga mangingisda, kasama kayo ma'am Leni at Senator Kiko Pangilinan, katuwang ang mga samahan at indibidwal na nakikilahok dito ay nanunumpa na itataguyod ang mga sumusunod para sa pagpapaunlad ng mga maliliit na mga magsasaka at mangingisda.

    Una, baguhin ang kaisipan ng pamamahala sa repormang agraryo at agrikultura. Sukatin ang tagumpay ng programa sa positibong pagbabago sa komunidad. Wakasan ang saradong [grupo] at grouping system sa pagbibigay ng serbisyo sa mga maliliit na magsasaka at mangingisda.

    Pangalawa, maglaan ng sapat na pondo para sa pagpapabuti at pagsasaayos ng programa sa repormang agraryo at agrikultura upang matiyak na aangat ng buhay ng lahat sa kabukiran at kalayunan.

    Ipatupad ang programang agrikultura na inuuna ang magsuporta sa lokal na produksyon kaysa sa pag-angkat ng mga dayuhang produkto upang masiguro at mapanatili ang likas kayang kita ng mga magsasaka at mangingisda, at magkaroon ng sapat, abot kaya at masustansyang pagkain para sa lahat.

    Pangapat, tiyaking lahat ng magsasaka ay makakatanggap ng sapat, akma, at komprehensibong suporta't serbisyo sa bawat bahagi ng value chain at mga suportang panlipunan.

    Ikalima, ayusin ang pagtatakda ng tarifa upang masiguro na ang pag-aagad ng produkto ng ating bansa ay hindi magdudulot ng bawas kita ng Pilipinong magsasaka. Rebisahin ang Rice Tarrification Law na maging mas kapaki-pakinabang at magsilbi sa pangunahing interes ng karapatan ng mga maliliit na magsasaka.

    Alisin ang mga sagabal sa agarang pamamahagi ng humigit kumulang 500,000 ektaryang lupa agrikultural na sinaklaw– na saklaw ng CARP sa mga magsasaka. Ayusin ang batas ukol sa Coco Levy Fund, marami pa ring mga coconut farmer natin na naghihirap hanggang ngayon, upang tiyakin ang sapat na representasyon at makabuluhang partisipasyon ng mga magsasaka, partikular sa Philippine Coconut Authority Board at Trust Fund Management Committee.

    Ipatupad ang Philippine Action Plan for Family Planning ng mga ahensya na nagsusulong ng karapatan at kapakanan ng mga magsasaka sa agrikultura. Protektahan ang yamang dagat ng Pilipinas at isulong ang karapatan at interes ng maliliit na mangingisda at ang pangangalaga ng industriya ng pangisdaan para sa kapakinabangan ng mga Pilipino.

    At ang pangsampu, isulong ang agarang pagsasabatas ng National Land Use Act. Sana po, matauhan na po 'yung ibang botante sa darating na eleksyon. Pipili po tayo nang tama. Lahat na po, kahit tawagin tayo, kahit magbitiw ng negatibong salita 'yung kalaban ni ma'am, tatanggapin natin 'yun. Hindi tayo makikipag-away. Ang mabuting botante ay pumipili nang tama. Ang mabuting botante ay hindi nakikinig sa fake news. Hindi lamang nanonoood sa Tiktok, hindi lamang– dapat hindi nagbabase sa kung anuman ang sinabi ni ganito ganiyan. Ang mabuting botante at mahusay na botante ay ang pipiliin ay si VP Leni Robredo.

    Sinalubong ka namin kanina ma'am, nakita mo 'yung streamer na dala ng isang board of directors ng kooperatiba. Sumilao Farmers for Leni to Malacañang. Naipanalo natin siya noong 2016, walang gumagalaw, walang nagtatrabahong Bukidnon. Sa totoo lang, sa isang siyudad ng Bukidnon, talo si ma'am ng dalawang libong boto. Naipanalo natin siya noong 2016 nang hindi sila katuwang sa ating boto. Ngayon pa kaya tayo magpapatalo? Kung naipanalo natin si ma'am noon, ipapanalo natin ngayon sa 2022.

    Sama-sama tayong boboto sa May 9, 2022 elections. Isipin natin, hindi tayo boboto ng taong hindi tama. Pipili tayo bilang Pilipinong botante ng tamang tao. Ang nakikita kong tama na tao para sa pagkapangulo ay si VP Leni Robredo and soon to be the President of the Philippines.

    Maraming Salamat, 'yun lamang po.

    [END 00:22:440]

     

    Posted in Transcripts on Feb 23, 2022