This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong Leni Ep. 249

    BISErbisyong Leni Ep. 249


    [START 00:33]

    ELY SALUDAR: Hoy mga kasama oras na natin sa buong kapuluan alas otso singkwenta’y nuwebe ng umaga at siyempre mga kasama ang DZLXR ay kasapi ng KBP Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Ito na po ang Biserbisyong Leni sa RMN.

    [00:55 - 01:58 Program OBB]

    [02:54]
    ELY SALUDAR: Okay good morning magandang umaga Pilipinas, Luzon, Visayas, Mindanao. At siyempre mula po dito sa DZXL RMN Manila, tayo po ay napapakinggan diyan po sa DYHP Cebu, RMN DXCC Cagayan De Oro, RMN DXDC Davao, RMN DWNX Naga at siyempre sa lahat po ng ating inaabot ng broadcast nationwide, net-wide.

    Magandang umaga. Ako pa rin ho ang inyong Radyoman Ely Saludar. At sa dito ho dahil nagsimula na po mga kababayan ang kampanya noong February 8, ay pansamantalang hindi muna sasalang dito si Vice President Leni Robredo dahil sa mga- ipinagbabawal po yan ano ng Commission on Elections at hindi muna siya makakapag-ano no makapag programa. At siyempre lahat po di ba 'yung mga celebrities, 'yung mga artista at sino pang may mga programa sa telebisyon at radyo ay wala muna sila sa kani-kanilang mga programa.

    Pero siyempre patuloy tayo na tutugaygay sa mga kaganapan sa mga aktibidad ni VP Leni mga kababayan at sa mga nakaraang araw ay marami ho siyang napuntahan ano, at una diyan siyempre 'yung kanyang kick-off, 'yung proclamation rally na ginanap diyan po sa Naga at nag-ikot ho sila diyan sa iba't-ibang lugar sa Bicol Region. At hanggang sa nagtungo rin sa may Batangas, sa Laguna, at kahapon sa Zambales at ngayong araw na ito mga kababayan ay dito naman sa Quezon City.

    Meron pong proclamation rally diyan po sa may Quezon City at alamin nga natin ang sitwasyon duon mga kababayan, Naroon po ang ating XL Radyoman 9 DK Zarate. DK kamusta diyan?

    DK ZARATE: Magandang umaga sa 'yo Radyoman Ely, Sobrang dami ng mga tao ngayon dito sa Quezon City Circle sa lungsod ng quezon. Puro kulay pink 'yung nakikita natin kapag tumingin ka sa kanan, kaliwa, harapan, at likuran dahil kahit na 'yung loob ng Quezon City Circle at 'yung labas mismo ay punong-puno ng- parang dagat ng kulay pink na ito.

    Alam mo Radyoman Ely 'yung pakiramdam 'pag nagko-cover ako ng Nazareno kung gaano karami ang tao, ganitong-ganito 'yung naramdaman ko dahil sobrang dami ng tao. Talagang sobrang dami at ramdam na ramdam dito 'yung pagpunta nila rito ay hindi lang nila gusto kay VP Leni, pagpunta nila rito mahal na mahal nila si VP Leni at ang laki ng tiwala nila sa kayang gawin nito para maiahon 'yung Pilipinas sa kahirapan, makabangon sa korapsyon, at makabangon din sa pandemya.

    'Yung senatorial slate niya rito, 'yung mga kaalyado niya sa senado na tumatakbo rin ay nandito na rin. Sila Teddy Baguilat at Chel Diokno, 'yung si Leila De Lima nagbigay na ng video greetings. Alas nuebe singkwenta ng dumating si– Alas otso singkenta nang dumating sa Quezon City Circle si VP Leni dahil nagkaroon pa siya ng courtesy call sa Quezon City Hall kanina.

    Ngayon, kasama niya si Kiko Pangilinan saka si VP Leni nakasakay sila sa truck, iniikot nila itong Quezon City Circle. Hindi niya binigo 'yung mga taga-suporta. Hindi tulad noong iba na 'pagkadating sa lugar diretso agad sa entablado, hindi. Si VP Leni inikot niya itong Quezon City Circle para mapaabot at maipakita 'yung pasasalamat niya dahil sobrang dami ng tao Radyoman Ely.

    Hindi talataga maipaliwanag ‘yan ng aking sinasabi pero kung makikita mo 'yung larawan, lalo na sa top view kung ano yung sitwasyon, sa coverage natin sa Nazareno, ganoon na ganoon 'yung nararamdaman natin at 'yung nakikita natin sa sobrang dami ng tao ngayon dito sa Quezon City.

    'Yung kakampink ang binabanggit nila 'yung "Serbisyong Tapat, Angat Buhay Lahat," ang laki ng tiwala at binibigay nila kay VP Leni na kapag siya talaga ay nanalo may magandang kinabukasan ang Pilipinas. Ngayon pa lang sinasambit na nila dito sa Quezon City "Panalo na si Vice President Leni Robredo."

    Kanina pa si VP Leni dito na dumating no, alas otso pasado pa lamang, pero hindi siya agad dumiretso sa entablado patuloy 'yung pag-iikot niya dito sa kasuluksulukan ng Quezon City Circle nang sa ganun ay maipakita naman 'yung pasasalamat niya sa pagpunta ng mga taga-suporta rito. At makikita natin 'yung mga taga-suporta rito hindi 'yung basta-bastang pinapunta lang, kapag tinanong mo kung bakit sila nandito, ituturo 'yung lider nila. Hindi, dito 'pag tinanong mo kahit sino bakit sila nandito, alam na alam nila ang isasagot nila at 'yung pagpunta nila at talagang galing sa puso sinasabi nila na si Leni ay isang– magkakaroon ng mabuting good governance kapag siya ang naluklok bilang Pangulo ng Pilipinas ngayong eleksyon.

    ELY SALUDAR: DK.

    DK ZARATE: Antabayanan, oo.

    ELY SALUDAR: DK kasi kanina ay nadaan ako diyan sa Quezon City Circle, maganda naman 'yung daloy ng trapiko at mukhang disiplinado. Pero 'yung sa loob napakaraming tao? Sa loob.

    DK ZARATE: Oo paulit, oo.

    ELY SALUDAR: So, sa loob mismo ang marami kasi kanina ay maganda 'yung daloy ng trapiko diyan sa labas sa gilid, naparaming traffic enforcer.

    DK ZARATE: Radyoman Ely [08:51 Technical Difficulties] maingay 'yung event [08:56 Technical Difficulties] yung dati pa rin dito sa may–

    [08:58-09:12 crowd cheering]

    DK ZARATE: Para diyan Ely.

    ELY SALUDAR: Okay sige at siguro kuha ka rin diyan ng mga ano, 'yung mga dumadalo diyan at makita natin o malaman natin kung ano ang kanilang saloobin.

    DK ZARATE: Radyoman Ely,tamang-tama nabanggit mo nga maghahanap tayo ng ilang taga suporta rito para makapanayam ‘no.

    ELY SALUDAR: Kahit mas maganda ‘no– mas maganda ‘yung pangkaraniwang tao para ‘di ba malaman natin ang kanilang salooobin, ‘di ba?

    DK ZARATE: Tama ‘yung pangkaraniwan lamang ‘yung hahanapin natin. Si VP Leni po ba ‘yung sinusuportahan niyo?

    INTERVIEWEE 1: Opo–

    DK ZARATE: Bakit si VP Leni ang sinusuportahan niyo?

    INTERVIEWEE 1: Si VP Leni kasi ang inuuna niya ‘yung mga nasa laylayan ‘yung mga katulad naming mahihirap, ‘yung mga katulad naming hindi pinapansin ng ibang kongreso, noong mga kongresista, ng mga ibang politiko. Si VP Leni ‘yung tumulong sa mga mahihirap, lalo na yung mga farmers ng Sumilao farmers, ‘yun doon ako humanga sa kanya, noong tinulungan niya ‘yung Sumilao farmers para mabawi ‘yung 145 hectares na nasa pangalan ng San Miguel Corporation at ‘yung Del Monte.

    DK ZARATE: Taga saan po ba kayo?

    INTERVIEWEE 1: Quezon City.

    DK ZARATE: Ano pong pangalan?

    INTERVIEWEE 1: Si Sharon po.

    DK ZARATE: Si Sharon. Alam na alam niya ‘yung sasabihin niya, Radyoman Ely. Kahit sino, kahit sinong kausapin dito alam na alam ‘yung pinaglalaban nila, alam ‘yung sinusuportahan, alam na alam nila ‘yung kanilang ginagawa. Hindi tulad noong iba na kumakalat na kailangan pang magbayad ng mga taga suporta para ipakita lang na maraming nagmamahal, Radyoman Ely.

    Subukan pa natin kumuha kasi nandito lahat eh, may PWDs, may mga taga simbahan dito, may mga Catholic religious, may mga bata, may mga matatanda, may mga senior citizen, may mga miyembro ng LGBT, may mga riders, at ang pinakamalupet natin ‘yung sa laylayan talaga ng lipunan dahil karamihan sa kanila dito benepisyaryo rin ng mga 4Ps, ng kung anu-ano. Kumabaga para sa kanila si VP Leni ay talagang nakikinig at maasahan. Hahanap pa tayo Radyoman Ely ng nandito sa loob. Subukan natin ang mga senior.

    ELY SALUDAR: Okay. Sige.

    DK ZARATE: ‘Tay si Leni po ba ang sinusuportahan niyo? Bakit si VP Leni ‘yung sinusuportahan niyo.

    INTERVIEWEE 2: Tapat.

    DK ZARATE: Tapat, ano pa?

    INTERVIEWEE 2: Mahusay.

    DK ZARATE: Mahusay. Ano pong pangalan niyo tatay?

    INTERVIEWEE 2: Oligario.

    DK ZARATE: Bakit po pala kayo nandito? Ang daming tao, buti nakapasok kayo?

    INTERVIEWEE 2: Kailangan eh.

    DK ZARATE: Buti kahit ganyan ‘yung sitwasyon niyo, nahirapan kayong makapunta, pumunta talaga kayo. Ano ‘yung pinaka nagustuhan niyong ginawa ni VP Leni, anon ‘yung sa tingin niyong magagawa niya sa Plipinas?

    INTERVIEWEE 2: Marami. [inaudible 12:12 - 12:16]

    DK ZARATE: Oh ayun si Tatay ‘yun senior citizen. Para sa kanya marami daw na sa sobrang dami hindi nya na raw kayang isa isahin pa, Radyoman Ely. Subukan pa natin– mga normal lang na tao ‘yung hinahanap natin hindi–

    ELY SALUDAR: Tama.

    [inaudible 12:32 - 12:40]

    DK ZARATE: Ito na, Radyoman, Ely. Nakikita na yata natin ‘yung [inaudible 12:44] ni VP Leni. Mga ilang minuto makakapasok na ito dito sa mismong event kung saan ginaganap itong proclamation rally. Dito sa kinalalagyan natin punong puno ng pink. Sa labas, punong puno rin ng [inaudible 13:00 - 13:06] ng Quezon City Circle.

    Antabayanan natin kung ano ‘yung sasabihin niya, Radyoman Ely, sa aking pagbabalik dahil [inaudible 13:13] nandito na si VP Leni. Pasensya na rin sa ating mga tagapakinig dahil sobrang ingay talaga rito ngayon. Sobrang dami ng tao dahil sa tindi ng pagmamahal nila at pagsuporta kay Vice President Leni Robredo na ngayong tumatakbo bilang Pangulo ng Pilipinas. Kasama mo sa Lungsod ng Quezon, Radyoman Nuwebe, DK Zarate para sa DZXL 558.

    ELY SALUDAR: Okay maraming salamat kay Radyoman DK Zarate na kung saan ay ‘yun na ho nagsimula na po ‘yung aktibidad diyan po sa may Quezon City Circle at ‘yun ho ang dami na po ng mga taga-suporta roon.

    At ‘yun nga ho kaninang umaga pa ho nagsimula ‘yan at alas otso ay nagkaroon po ng parang ano ‘no, ‘yung meet and greet sa mga opisyal ng Quezon City. Malaman ho natin ‘yung mga iba pang detalye ng aktibidad diyan sa may Quezon City Circle. Nasa linya po natin ang opisyal po na tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo, si Atty. Barry Gutierrez. Atty., Magandang umaga sa iyo.

    BARRY GUTIERREZ: Magandang umaga, Ka Ely, at magandang umaga sa lahat ng ating mga taga subaybay.

    ELY SALUDAR: Opo. Para po sa kaalaman ng mga listeners natin, hindi lamang po dito sa Metro Manila at maging sa Visayas At Mindanao, at sa iba pang lugar sa Luzon, nationwide. Ano ho ba ‘yung mga kaganapan at kanina pang alas otso ay nandiyan na si VP Leni sa Quezon City.

    BARRY GUTIERREZ: Ito ‘yung tinatawag na Pink Sunday, Ka Ely, o People’s Proclamation Rally kung maalala natin, ‘di ba nitong nakaraang Martes, opisyal na simula ng kampanya at nagkaroon ng grand rally si VP Leni sa kanyang hometown ng Naga. Ito naman parang pagsalubong ng taumbayan, ‘di ba? Mula simula naman sinasabi niya people’s campaign itong kanyang kampanyang isinasagawa–

    ELY SALUDAR: Opo

    BARRY GUTIERREZ: So, ito ang pagsalubong ng taumbayan, ng mga volunteers, ng mga iba’t ibang sektor, dito sa simula ng kampanya ni VP Leni at ni Sen. Kiko sa pagka-Pangulo at pagka-Bise Pangulo ng ating bansa. So mula nga kanina dumadagsa na ang mga tao dito sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City. Nagkaroon ng misa, nagkaroon ng pa-zumba, at sa kasalukuyan meron tayong programa ngayon. Mga artistang sumusuporta kay VP Leni, mga performers, kumakanta, nagkakaroon ng programa, at kasama din nila ‘yung kanilang buong senatorial slate at iba pang mga supporters. May mga opisyales ng Quezon City, may mga galing din sa iba’t ibang mga bahagi ng Metro Manila. So hanggang alas diyes ito ng umaga, Ka Ely.

    ELY SALUDAR: Okay, Atty?

    BARRY GUTIERREZ: Oo yeah, oo. Naririnig ba ako.

    ELY SALUDAR: Okay, so go ahead.

    BARRY GUTIERREZ: Ayun so, ayun Ka Ely, ‘yun ang mangyayari ngayong umaga.

    ELY SALUDAR: Okay, so napakaraming tao ‘no at kanina ‘yung bago kita makausap, Atty. Barry, ‘yung reporter natin doon, ‘yung reporter ng DZXL diyan sa Quezon City Circle, naku napakaraming tao at kung saan ay nagpapakita sila ng suporta kay VP Leni. Sa ngayon ay– ito Atty., binanggit ko kaina sa intro na hindi muna nila direktang mapapakinggan si VP Leni dito sa ating palatuntunan dahil sa- ‘di ba lahat ng mga celebrities at ‘yung mga iba pa na personalidad o sa media ay hindi muna- o kailangan munang ano– magbakasyon sa kani-kanilang mga programa. Tama, Atty?

    BARRY GUTIERREZ:Tama. Dahil basta kandidato ka, medyo kailangan munang mag bakasyon kung meron kang programa dahil nga ‘yan ang patakaran ng COMELEC ngayong official na campaign period.

    ELY SALUDAR: ‘Yung ano sa Fair Elections Act ba ‘yan no? Atty., maraming nagtatanong at samantalahin ko na rin, kumusta ‘yung request ng OVP sa Commissions on Elections para maipagpatuloy ‘yung mga programa na matagal na o hindi pa kandidato si VP Leni ay ‘di ba binibigay na ang serbisyo sa taumbayan at lalo na pag kasama ‘yung COVID response, ‘yung mga e-konsulta, yung bayanihan e-konsulta, ‘yung pagbibigay ng tulong medikal at iba’t iba pang mga programa. Atty. kumusta na?

    BARRY GUTIERREZ: Well, submitted na, Ka Ely, for decision sa COMELEC. Kung maaalala natin, nag-require ang COMELEC na magsubmit ang OVP ng memorandum na dini-discuss kung ano dapat– bakit ano ba ‘yung mga dahilan kung bakit dapat ibigay ang exemption na ito. So, hinihintay na lang natin ‘yun. Pero ayon doon sa mga abogado, mukha namang mukha namang optimistic sila, mukha namang bukas ang COMELEC. At hanggang ngayon, umaasa tayo na mapapagbigyan ito, dahil gaya nga ng sinabi niyo, malayo pa ang eleksyon, di ba, tuloy-tuloy na itong mga programa ng OVP na ito lalo na para sa COVID. At hanggang ngayon, sa kasalukuyan, madami pa rin talagang mga umaaasa sa mga komunidad, mga tao na natulungan talaga nitong mga programa ng OVP na ito. So, hinihintay na lang namin kung ano ‘yung mga magiging desisyon, lahat ng mga papeles, lahat ng memorandum na-submit na sa kanila. Hinihintay na lang natin sa mga darating na araw kung ano ang magiging pasya ng ating Commission on Elections.

    ELY SALUDAR: Okay, at so ngayon ay tuloy-tuloy no, ang mga aktibidad ni VP Leni. At siguro, maganda manggaling na rin sa iyo, Atty., at mapakinggan ng ating mga listeners nationwide. Kasi may mga binabanggit di ba, ‘yung naging desisyon– iskandalo no? At sabihin natin kontrobersyal na desisyon diyan sa COMELEC na kung saan ay ‘yung mga kasong pagdedeskwalipika kay dating Sen. Marcos Jr., ay ano ba talaga rito ang ano, ang reaksyon dito ng kampo ni VP?

    ELY SALUDAR: Well, gaya nga ng sabi ng sinabi ni VP Leni ilang beses na, Ka Ely, noong simulang-simula pa lang hindi konsiderasyon ‘yang mga kaso ng disqualification. Talagang nakakasa siya at handing-handa siyang manalo sa eleksyon, sino man ang kalaban. ‘Yan ang kanyang malinaw na pahayag na dati, di ba? So, ano man ang maging resulta nitong proseso sa COMELEC, at ang pagkakaintindi ko hindi pa ito tapos at meron pa yatang Motion for Reconsideration. Pwede pa yatang ia-akyat sa Korte Suprema. Wala na sa amin ‘yan. Basta malinaw kay VP Leni, noong siya ay nagdeklara noong October 7, handa siyang mangampanya, handa siyang ipanalo itong eleksyon na ito, sino man ang kanyang magiging katapat. So, ano man ang maging resulta, ng kasong ‘yan, at madami nang nagsalita tungkol doon sa nilalaman ng kasong ‘yan, ay handa siyang ipanalo ito sa eleksyon.

    ELY SALUDAR: Eh parang minsan naririnig ko, na mas– parang mas gusto niyang talunin sa eleksyon, hindi ‘yung ganyang mga decoy-decoy na ‘yan eh.

    BARRY GUTIERREZ: Eh kilala niyo naman si VP Leni, Ka Ely, di ba? Talagang matapang talaga ‘yan at matatag, walang hamong inaatrasan, di ba? Walang paghaharap na inuurungan, handa laging humarap ‘yan sa laban at ‘yun, di ba ‘yun ang hinahanap natin sa isang lider. ‘Yun ang hinahanap natin sa isang pangulo. So, makakaasa tayong lahat na ano man ang mangyari dito, hindi ‘yan bahagi sa konsiderasyon ni VP Leni mula simula. Talagang itutuloy niya ang laban na ito at ipapanalo niya ang laban na ito.

    ELY SALUDAR: Opo. Okay, para po sa kaalaman,no, ng mga nakikinig, siyempre diyan sa Cebu, Davao, Cagayan de Oro, sa Naga, at pagkatapos niyo dito sa may Quezon City, saan pa ba ‘yung mga aktibidad ni VP Leni at ng kanyang buong TRoPA? Para kasi ‘yung iba, talagang sabik na sabik na makita ng personal at kanilang iparamdam din ‘yung suporta kay VP Leni.

    BARRY GUTIERREZ: Pinaplano siyempre, Ka Ely, ‘yung mga mga dalaw sa iba’t-ibang mga probinsya at iba’t-ibang lugar sa ating bansa. Gaya nga ng sinabi ko din noong isang araw, ang preference talaga ni VP Leni, hangga’t maaari, siya mismo makadalaw sa mga iba’t-ibang bahagi ng ating bansa. ‘Yun nga lang, siyempre, pinipinta natin dito sa sitwasyon natin sa COVID, sa mga restrictions na maaaring ibaba ng IATF o ng COMELEC tungkol dito, so binabantayan natin. Pero nakaplano na ‘yung mga ibibiyahe. So, this week, halimbawa, may biyaheng nakaplano para sa Panay, di ba, kasama na ang Antique at Aklan. Later in the month, may pagpunta sa Iloilo, so– meron ding pagpunta sa Cebu sa darating na mga araw na ito. So, ilalabas namin ‘yung schedule kapag malapit-lapit na. Pero makakaasa ang ating mga supporters sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, malamang sa malamang, merong biyahe na maii-schedule na dadalaw si VP Leni sa inyong lugar. At sa aming experience, Ka Ely, sa– ito noong nakaraang linggo na ito, nagpuntang Bataan, nagpuntang Laguna, nagpuntang– siyempre nanggaling na rin sa Bicol, di ba? Parang– nagpuntang Batangas. Ang aming experience talagang kahit saan magpunta si VP Leni, ‘yung init talaga ng pagtanggap sa kanya ng ating mga kababayan, kakaiba. Para siyang artista, parang rockstar nga eh. At ‘yun naman talaga ang ano– ‘yun naman talaga ang inaasahan natin dito. Alam naman natin na kapag talagang nakasalamuha si VP Leni, kapag siya ay nakausap, siya ay nakita, talagang makukumbinsi ka na siya talaga ang nararapat na maging lider ng ating bansa. Kaya talagang tinitiyak natin na sa darating na araw, ‘yung mga naiiwang – ilan na lang ba, Ka Ely – 85 days bago mag-eleksyon ay talagang ima-maximize natin ‘yung pag-ikot ni VP Leni para mas madami sa ating mga kababayan ang makita siya, makasalamuha siya, makausap siya dito sa kampanyang ito.

    ELY SALUDAR: Opo. So, sa May 9, ‘yan ‘yung tunay na survey.

    BARRY GUTIERREZ: Tama, Ka Ely, ‘yan naman lagi eh. Matagal pa to, di ba ‘yang survey na ganitong kaaga, madami pang magbabago diyan. So, tiwala naman tayo na on-track tayo dito at unti-unti, pero sigurado na tataas ang kanyang numero. At pagdating ng May 9 eh di ba, maaabot natin itong panalong hinahangad natin.

    ELY SALUDAR: Kasi ‘yung iba talagang ‘yun ang ano– siguro baguhin na natin ‘yung mga pananaw at persepsyon sa mga nak– sa mga nakaraan na– naku, ito na ang ano ang number 1 eh. So dito na lang, wag. Dapat ay depende sa iyong prinsipyo at paniniwala, at sa iyong kung sa tingin mo ay makabubuti ba ito sa bansa, sa akin, sa lahat? ‘Yung– walang survey, huwag ho nating tignan ‘ung survey, di ba?

    BARRY GUTIERREZ: Tama ‘yan, Ka Ely, saka kilalanin talaga natin ‘yung mga kandidato, di ba? Kaya nga tayo meron campaign period eh, halos tatlong buwan pa ang naiiwan. Kasisimula pa lang ng official campaign, madami pang mapapakinggan mula sa ating mga kandidato, madami pang mga pagkakataon na sila ay makita, masiyasat natin kung ano ba talaga ‘yung kanilang pagkatao at anong klaseng lider sila.

    So, gamitin natin ‘yung panahon na ‘yun. At ako, wala akong duda, si VP Leni pag iyong nakitang magsalita, kapag iyong nakausap, kapag iyong naka-interact, magiging malinaw talaga na siya ay may kakayahan at siya ay isang tao na maging lider ng ating bansa. Kasi, isang pinaniniwalaan namin, Ka Ely, hindi tulad noong mga ibang kampanya, tinatago ‘yung kanilang mga kandidato. Parang natatakot silang ilabas. Eh kami, ang paniniwala namin baliktad, di ba? Mentras nakikilala si VP Leni, mentras siya ay naririnig, lalong siya ay nakikita, lalong lumalakas ang suporta para sa kaniya.

    ELY SALUDAR: So, ito maganda at meron tayong feed doon sa kaganapan mismo doon sa Quezon City Memorial Circle. Ang ginawa ay kasi kadalasan ay aakyat ka lang sa entablado, kakaway-kaway ka lang sa lahat ng mga taga-suporta, di ba . Ito inikot eh. Inikot lahat para mas maging ma ano– malapitan no na makita ni VP, no, at ni Sen. Kiko, ‘yung kanilang mga taga-suporta. So, so kakaiba ito, Atty. Barry, no, ‘yung istilong ito kaysa sa kadalasan, di ba? Pagtitipun-tipunin lahat ng mga supporters tapos aakyat sa entablado, magsasalitam kakaway-kaway, di ba. Ito, inikot niya.

    BARRY GUTIERREZ: Tama ‘yan, Ka Ely, kasi ano rin ‘yan eh, repleksyon din ‘yan ng style ng pamumuno ni VP Leni, di ba? Hindi lang siya basta malayo at kumakaway-kaway doon, nakikita mo pero hindi mo nakakasalamuha, di ba? Mula simula ang kanyang istilo bilang lingkod bayan at bilang isang lider, talagang malapit sa tao. Kung saan ‘yung tao, kung saan ‘yung nangangailangan, siya nagpupunta. Ito mga nakaraang dinanas nating mga kalamidad, di ba?

    Unang-una si VP Leni on the ground, di ba? Hindi lang basta nasa opisina na nag-uutos, siya mismo ang unang nagpupunta doon at sinasabi niya, sa tingin niya bilang isang pinuno, kailangan mo talagang makita for yourself, di ba, at makausap 'yung mga tao para mas maging malinaw sa'yo kung ano 'yung tulong na kailangang maibigay kung ano dapat 'yun prayoridad na kailangang habulin.

    So, ganyan talaga, reflection 'yan Ka-Ely ng kanyang style sa pamumuno. Malapit sa tao, di ba siya ang nagpupunta. Siya ay nakikipagusap at nakikisalamuha. So, 'yan sana ang mas makita ng marami sa ating mga kababayan dahil ako, malinaw sa akin di ba na 'yan ang lider na gusto natin, 'yan ang lider na kailangan natin, 'yung malapit sa tao, 'yung hindi siya 'yung maghihintay kundi siya 'yung pupunta kung nasaan ka.

    Sabi nga niya noong kanyang speech noong nakaraang Martes di ba? Lalagyan natin ng tsinelas ang gobyerno at yun gobyerno di ba ang tatawid sa pilapil paunta kung nasaan 'yung taong nangangailangan.

    So, 'yun ang maaasahan natin sa isang Leni Robredo, 'yun ang maaasahan natin sa siyang gobyernong pinangungunahan niya at malinaw, Ka Ely, na ngayon pa lang pinapakita niya na 'yan.

    ELY SALUDAR: Attorney Barry at kasi di ba, may mga itatakda na debate ang Commission on Elections at ang kanilang pangako, eh unang linggo ng Marso, dapat Pebrero 'yan eh. So, pero may mga ibang kandidato na parang titingnan mo na mas gusto nila ang interview no kaysa debate at si VP Leni, handa bang makipag-balitaktakan, debate sa mga kapwa kandidato?

    BARRY GUTIERREZ: Naku, mula simula, Ka Ely, 'yan na ang kanyang pinaghahandaan. Di ba nakita natin 'yan, tumakbo siyang Bise Presidente, di ba kaisa-isa siyang babae noon pero hindi siya umatras, di ba, sa harap noong lahat ng mga kanyang katunggali doon sa debate. Itong nakaraang mga linggo, di ba, madaming mga imbitasyon sa kanya para magpa-interview, 'yung isa pa nga dito madaming nagsasabi, wag mo nang tanggapin 'yan VP Leni dahil bias talaga 'yung isang host diyan, di ba parang binanatan ka na publicly, di ba, talagang matagal nang basher mo 'yan, di ba?

    Pero, hindi niya inatrasan di ba? Tinanggap niya, sinagot niya 'yung mga tanong at 'yun talaga 'yung kanyang ano eh, 'yan 'yung kanyang panata di ba sa eleksyong ito at sa darating pang mga araw kung siya ay mahahalal. Walang hamon siyang aatrasan, walang tatakbuhang ganyang klaseng usapan at laging titindig at haharap dahil ano eh, malinaw sa kaniya, kaya niyang gawin ito, malinaw ang kanyang paninindigan, malinaw ang kanyang plano. Wala ka naman kasing kailangan itago, kung wala ka naman talagang alinlangan, eh bakit ka aatras, di ba? Sa debate o sa interview o anumang forum tulad niyan.

    ELY SALUDAR: Opo, so 'yun nga talagang everyone has biases di ba? At lahat naman kung may kanya-kanya di ba? Depende sa paniniwala pero kung talagang sa tingin mo ay may bias 'yung isa, di ipaliwanag mo. Mas maganda dapat wag ka ngang ano eh di ba, kausapin.

    BARRY GUTIERREZ: Tama ka Ka Ely saka 'yun nga eh, ang kanilang ina-applyan dito pagkapangulo. Pagka pangulo ka, mas mabigat pa 'yung mga hamong haharapin mo di ba? Hindi laging pabor sa'yo, hindi laging friendly 'yung audience na kaharap mo.

    'Yung bilang pangulo, pangulo ka ng buong bayan, pangulo ka ng bawat pilipino, eh kailangan mong ipaglaban 'yan di ba? Kailangan mong panindigan 'yan. Kung ngayon pa lang, debate pa lang eh tinatakbuhan na, anong aasahan natin doon kapag nahalal?

    ELY SALUDAR: Kasi ako, bilang isang di ba nagsasaliksik din sa mga kandidato, mas maganda ngang ano eh, magpa-interview siya sabihin nating isa mga kritiko para di ba baka may mga nais na ano 'no marinig 'yung kritiko na 'yun eh baka malinawagan di ba magbago 'yung kanyang pananaw sa buhay.

    BARRY GUTIERREZ: Tama. At kung buo naman talaga ang loob mo na meron ka talagang klarong paninidigan, meron kang klarong plano, eh bakit ka kailangang matakot, di ba? Kahit sino, usapan lang naman 'yan eh. So di ba, sa usapan, kung mayroon ka talaga o ikaw talaga ay nasa katwiran, di ba hawak mo talaga, pinanghahawakan mo talaga ang katotohanan, eh kaya mong, kaya mong maipalabas 'yun sino man ang iyong kausap.

    ELY SALUDAR: Pero sa ngayon ay talagang napakarami no, napakarami ng ano, no, ng mga sumusuporta at parang hindi ito inaasahan mismo ni VP Leni na biglang ganito karami ang sumusuporta.

    BARRY GUTIERREZ: Oo, medyo nabigla kami Ka Ely at nagsimula 'yan noong Martes. 'Yung rally sa Naga, itong mga sumalubong sa kanya sa Bataan, sa Batangas, sa Laguna, grabe. Ang ano, ang lalaki ng mga grupo na sumasalubong at 'yung energy talaga Ka Ely kakaiba. Pag nakita nila si VP Leni, para talagang sobrang excited, sobrang ano, sobrang masayang masaya. Ibang klase. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong, ng ganitong klaseng energy ng mga supporters Ka Ely.

    Ang sabi ko nga noong isang araw, napakagandang paglunsad ito ng umpisa ng kampanya ni VP Leni at ngayong Pink Sunday dito sa Quezon City, pagpapatuloy lang nitong ganitong klaseng mainit talaga na pagsalubong sa kanya at kay Senator Kiko at tingin natin, ito ay indikasyon na sa darating na mga linggo, sa darating na mga buwan, patuloy pa lalong lalakas ang suporta para sa kaniya.

    ELY SALUDAR: Pero dito, Attorney, ang kaibahan, kasi may mga di ba, may mga kandidato na talagang may mga report 'yan na talagang naghahakot na, ganito kung ano 'yung pinapangako. Pero dito, ay lumilitaw puro mga ano, no, boluntaryo at 'yung mga ordinaryong mamamayan 'yung sumusuporta. Paki-explain nga ito, bakit ganoon Attorney?

    BARRY GUTIERREZ: Totoo 'yan Ka Ely, nako, alam mo naman, malinaw naman mula simula talagang kami 'yung naghahabol sa makinarya at sa resources para sa kampanyang ito. Wala talaga kaming kayang ipamahagi sa mga taong nagpupunta, sa mga rally o sa mga mga activities ni VP Leni pero kung makikita mo talaga, 'yung tao mismo ang gumagawa ng paraan. Kapag nalaman na dadalaw si VP Leni doon sa kanilang lugar, sila mismo ang naghahanda. Gumagaw sila ng sarili nilang campaign materials. Gumagawa sila, nagpapa-print sila ng sarili nilang mga t-shirt. Sila ang gumagawa ng sarili nilang mga poster, at sila mismo ang pumupunta doon nang kusa para sumalubong.

    Eh may mga nababalitaan ako Ka Ely na sa rally noong iba, eh may mga pamigay palang kahon kahon na mga kung ano-ano, mga goodies eh, di ba? Dito wala, baligtad. Wala na nga silang nakukuha eh sila pa ang nag-aambag. So, kakaiba Ka Ely, kakaiba talaga.

    ELY SALUDAR: May nakita ng akong video footage, 'yung binabanggit mo na kahon-kahon, uwian na kasi, di ba? Tapos, meron naman akong nakita, kay VP Leni maraming nag-aabot ng pagkain.

    BARRY GUTIEREZ: Tama. Kasi sabi ko nga sa yo eh, 'yung mga volunteers talaga at supporters ni VP LEni, sila pa talaga 'yung nagbibigay. Eh mula pa last October 'yan, 'yung mga nagpapalugaw di ba? Gasto nila 'yun. Di ba sila mismo 'yung, sila mismo 'yung gumagawa ng paraan. Pag kinukulang, kapag kinukulang 'yung kampanya, nagpi-print ng gma poster o mga tarp, 'yung mga tao mismo. Sila ang nagpapagawa at nagpapamigay at nagpapamahagi doon sa mga nanghihingi.

    So, baligtad Ka Ely talaga eh. Nakagawian natin dito, madalas 'yung kandidato siya kailangan maglabas. Dito, baligtad, 'yung mga supporters ang naglalabas, padami nang padami 'yan Ka Ely.

    ELY SALUDAR: At siyempre, mula sa mga ordinaryong mamamayan na talagang nagboboluntaryo. Attorney, nakakapagtaka rin no bakit maraming mga celebrities, kasi sa mga nakaraan, di ba 'yung mga kandidato may mga bitbit na celebrity merong talent fee 'yun eh. Pero dito–

    BARRY GUTIERREZ: Balita ko nga Ka Ely, merong isa diyan nakatanggap ilan ba, medyo mahigit 100 Million yata eh.

    ELY SALUDAR: 'Yun ang mga report-report, oo. So, kaya kahit na ano no, iniwanan na 'yung kanyang programa okay lang. Boundary na, boundary. Pero dito, maraming mga celebrities ang ano noh, nagpapahayag ng suporta kay VP Leni. Pero, ano ba talaga ito?

    BARRY GUTIERREZ: Hindi lang pahayag ng suporta, Ka Ely. Talagang– halimbawa, sa Naga, nagpunta talaga doon. Nagpunta sa Naga, naging bahagi ng programa, sumama sa kanya, doon sa pag-ikot niya sa iba't ibang bayan ng Camarines Sur. Ngayong umaga, ayan na naman, di ba? Meron tayong programa dito sa Quezon City Circle. At ito ang patotoo, Ka Ely, walang, walang talent fee na sinisingil itong ating mga celebrity supporters at endorsers. Kusang loob nilang pinapamahagi ang kanilang talento, ang kanilang oras, dahil naniniwala sila kay VP Leni, wala silang sinisingil. Di ba? So, kita mo na 'yung kanilang buy in, kumbaga, hindi lang batay sa dahil binabayaran, o dahil kikita sila dito, o dahil ito talaga 'yung trabaho nila, pero talagang batay sa paniniwala, di ba? Tiwala kay VP Leni bilang leader, paniniwala na siya ay pinakamahusay na kandidato, at pag-asa, di ba, na kapag siya ay nahalal, makapagdadala siya ng mas magandang kinabukasan para sa ating bansa.

    So, ‘yan 'yung isang sobrang nakaka-inspire talaga, Ka Ely. Hindi lang mga artista 'yan, pero iba't ibang mga propesyonal, iba't ibang mga tao galing sa iba't ibang larangan ng buhay. Talagang 'yung kanilang oras, at 'yung kanilang pagod, binibigay pagsuporta kay VP Leni. Walang bayad, walang hinihingi. At People's Campaign nga eh, Ka Ely, kaya bagay na bagay na meron din talaga tayong People's Proclamation Rally ngayong araw para tapatan 'yung naging opening salvo natin noong nakaraang Martes.

    ELY SALUDAR: Pero Attorney, sa nakaraan, ano, sa 2016 elections kasi, kakaiba, at least ay administration candidate si VP Leni. Pero ngayon ay independent ano, at talagang sa mga nakaraan nga, ako na mismo, ako nasaksihan ko, di ba, 'yung mga parang atubili na siya ay, bagamat gusto ng mga local officials na siya ay, di ba, tulungin, pero 'yung iba atubili dahil sa baka, di ba, mapakinggan tayo sa taas. So sa ngayon ay mukhang parang mas dumami ang suporta, no, at ito natural na suporta.

    BARRY GUTIERREZ: Oo, totoo yan, Ka Ely, at nagpapasalamat kami na, actually noong simula palang, di ba, meron nang mga lumantad na mga local leaders na nagdeklara ng kanilang suporta para kay VP Leni, di ba? Itong nakaraang mga linggo, padami pa ng padami, naku, mga two weeks ago yata, Ka Ely, di ba, 'yung halos mahigit 70 na mga women leaders galing sa iba't ibang mga lokalidad – mga elected officials ito, mga mayor, mga konsehal, mga board member – naglantad, naglabas ng kanilang suporta para kay VP Leni. At itong mga nakaraang mga araw, kapag siya ay umiikot, kita mo, madaming mga local officials sumasalubong sa kaniya, di ba? Tinatanggap siya ng mainit doon sa kani-kanilang mga lugar, at 'yung iba nagdeklara na. Halimbawa, sa Bicol, di ba, si Congressman Joey Salceda noong isang araw nagbigay na ng kaniyang pahayag na kaniyang ini-endorso si VP Leni.

    So, umaasa tayo na sa darating na mga araw, di ba, unti-unti pang dadami 'yung mga bukas nang sumusuporta kay VP Leni mula sa ating mga local leader. Madami nang quietly nagpaabot na naghihintay na kami ng tamang timing pero makakaasa kayo sa aming suporta. So, natutuwa kami sa ganito, at umaasa tayo na, pag nakita naman kasi ng mga local leader na 'yung mga tao sa kanilang lugar ay napakainit din ng suporta para kay VP Leni ay siyempre mas lalong lumalakas din ang kanilang loob na ipahayag na rin ang kanilang suporta. So, buo ang ating loob dito na sa darating na mga linggo dadami pa 'yan.

    ELY SALUDAR: Attorney, so sa ngayon, talagang parang– saan ba humuhugot ng lakas at resistensiya si VP Leni? Kasi may ibang mga kandidato, at least nagpapahinga, ano, walang aktibidad. Eh ngayon kahit Linggo, dire-direcho at sabi nga di ba, 18 oras ang trabaho sa isang araw. Pinagtatalunan ngayon iyan eh. Pero ako, marami akong nakikita, 'yung iba nga 24 oras nagtatrabaho eh, para lang kumayod para sa pamilya, di ba?

    BARRY GUTIERREZ: Tama, tama. Eh nako, kilala naman niyo si VP Leni di ba? Nakita ninyo, Ka Ely, 'yan noong kampanya noong 2016, talagang sobrang sipag sa pag-ikot. Noong siya ay nahalal na Bise Presidente, grabe, ang reklamo nga namin, kami 'yung, ano eh, nahihirapan sumabay eh. Ang sipag– pag masipag 'yung boss mo, talagang mapipilitan ka ding magbanat ng buto eh, di ba?

    Kita mo naman, itong panahon ng COVID, siya mismo tumatao doon sa Bayanihan E-Konsulta, di ba? Nakita na natin na siya mismo talagang tinututukan bawat programa ng OVP. So natural na talaga sa kaniya 'yan. Tingin ko, 'yung lakas na kaniyang nagagamit ay nagmumula talaga 'yan doon sa kaniyang dedikasyon sa serbisyo. Di ba? Talagang pinasok niya ito, at kaniyang panata na talagang gawin ng maayos 'yung kaniyang trabaho. Kung kailangang magbuhos ng mas madaming oras sa opisina o sa trabaho, ay kahit kailan hindi niya inatrasan 'yan. Di ba? Buong buhay niya, 'yan ang kaniyang trademark, kumbaga, at hanggang ngayon, 'yan ang kaniyang ginagawa. So dito sa kampaniyang ito, makakaasa tayo na 'yung lakas na 'yan, 'yung sipag na 'yan, magpapatuloy.

    At isa rin 'yan sa aming mga pinanghahawakan kung bakit buo ang aming loob na kayang ipanalo ito. 'Yung sipag mismo, at 'yung tatag noong kandidato. Walang inaatrasan, tuloy tuloy lang ang pagkilos, at, di ba, malaking advantage 'yun. Kasi 'yung iba makikita mo, papetiks petiks lang eh. Di ba? Hindi talaga umiikot, hindi nagpupunta sa mga interview o sa mga debate. Pag ganoon, kaya talagang lampasan 'yun kung ikaw ay mas masipag at mas masinop sa pagkilos. At 'yun si VP Leni.

    ELY SALUDAR: Attorney, kasi maraming nagtatanong, bakit kumbaga sa ano'y diba'y karamihan, hindi naman po lahat siguro, ano, pero karamihan sa mga kandidato, pag pupunta sa isang lugar, tinatanong ilan ba botante diyan? So di ba? Ay pagka kakaunti, huwag na, huwag natin puntahan 'yan. Pero bakit si VP Leni, kahit na 'yung mga maliliit na isla na talagang napakakakaunti ng mga botante, pinupuntahan kahit na napaka-habang oras ang biyahe?

    BARRY GUTIERREZ: Kasi nga ang kaniyang pananaw, di ba, bilang isang lingkod bayan, di ba, lingkod bayan ka para sa lahat. Bise presidente siya para sa bawat Pilipino, hindi lang para doon sa Pilipinong nakatira sa malalaking mga siyudad, o 'yung mga Pilipino na madaling puntahan. Di ba? 'Yun 'yung kaniyang ano, 'yun 'yung kaniyang paniniwala. So, bilang kandidato, gagwawin niya 'yan dahil gusto niyang makausap, gusto niyang makita, gusto niyang makasalamuha. Dahil kapag ikaw ay nahalal, siya ay nabigyan ng pagkakataon na maging pangulo, ay gagawin din niya 'yan eh. Di ba? Hindi na naman siya magiging pangulo ng mga taong nasa gitna eh, nasa sentro.

    Sabi nga niya noong 2016, di ba, uunahin ang laylayan. Itong nakaraang Martes, inulit niya 'yan, di ba? Magiging sentro ang laylayan. Ibig sabihin, kahit gaano ka kalayo, kahit gaano ka kalayo sa siyudad, o sa sentro, 'yung tinitirahan o 'yung iyong komunidad, makakaasa ka na ikaw ang pupuntahan. Ikaw ang lalapitan ng pamahalaan. So klaro 'yun sa prinsipyong pinanghahawakan ni VP Leni. Nakita mo na 'yan, Ka Ely. Di ba? 'Yung mga ibang mga lugar na pinuntahan niya, sobrang layo talaga. Baka mga walong oras para puntahan, mahigit. Di ba? So, ako, talagang ano lang 'yun, patunay noong tatak Robredo na kahit 'yung sa paglilingkod, walang pinipili, walang kahit gaano ka kalayo, titiyakin na ikaw ay maabot.

    ELY SALUDAR: Okay, so, 'yun talaga, at kung sabagay, isa sa ano, no, pinakabata, no, pangalawa ata, no, si VP Leni sa, kung edad ang pag-uusapan– pangatlo, pangatlo ata.

    BARRY GUTIERREZ: Pangatlo, pangatlo, pangatlo.

    ELY SALUDAR: Pangatlo sa pinakabata tapos siya pa ang babae, pero parang napakasipag at walang pinipili.

    BARRY GUTIERREZ: Oo. Naku. At tingin ko malaking tulong din 'yung nakikita niya ang pagsalubong sa kanya ng mga tao. Talagang feeling ko nakakabuhay ng loob 'yun. Eh kami nga eh, na kumbaga kasama lang niya, di ba nakikita namin ito nabubuhayan kami. Eh siya pa kaya, siya talaga 'yung hinihintay, siya talaga 'yung sinusuportahan. Ibang klase talaga, Ka Ely, 'yung energy sa eleksyon na ito. Ibang klase talaga 'yung init ng suporta noong ating mga volunteers.

    ELY SALUDAR: Pero dito, Attorney, tatanong ko lang. Di ha dito sa radio program natin, pero pwede namang marinig nila 'yung– di ba may mga speech si VP sa kanyang mga kampanya?

    BARRY GUTIERREZ: Oo naman. Basta ang importante, news program ito eh, di ba. So bahagi 'yan ng news na lalabas. Ang hindi lang talaga puwede ngayong opisyal na kampanya ay 'yung mismong kandidato merong programa at siya mismo ang haharap pa. 'Yun ang nire-restrict dahil nga gusto ng ating Comelec lahat ng kandidato patas 'yung magiging airtime para sa ganito. So 'yun lang naman 'yung ating kailangan bantayan.

    ELY SALUDAR: At siyempre kung sabagay, puwede naman kaya lang ikakaltas sa– kung ilang oras ibabawas sa...

    BARRY GUTIERREZ: Oo ibabawas doon sa oras na para sa mga advertisements di ba? Sa radyo at sa TV.

    ELY SALUDAR: Okay so kasi maraming nagtatanong, nag-aabang siguro mamaya. Sabi ko kung aabutin pa eh baka mabigyan natin ng kaunting oras kasi meron tayong reporter doon sa loob ng Quezon City Circle.

    BARRY GUTIERREZ: Puwede 'yun Ka Ely kasi ano 'yun bahagi ng balita. Di lang naman tayo kundi ibang mga istasyon, ibang mga networks, ay gagawin din naman 'yan dahil bahagi 'yan ng balita para sa eleksyon.

    ELY SALUDAR: Maliban na lang kung 'yung dati na halimbawa pupunta rito sa studio kaming dalawa, ibang usapan 'yun.

    BARRY GUTIERREZ: Tama.

    ELY SALUDAR: Kasi ang intensyon niyo talaga is programa. Pero ito, merong event diyan sa may Quezon City Circle. So at least– may nga nagtatanong din na reporter sa'kin habang nag-uusap tayo.

    BARRY GUTIERREZ: Tama lang 'yun, Ka Ely. Dapat talaga mag-ingat tayo at sumunod sa patakaran.

    ELY SALUDAR: Concerned din sila. So good morning kay Miss Jasmine Romero ng ABS-CBN. Maraming nagtatanong at alam mo naman mga kasama natin sa industriya ay patuloy na nakatutok kasi may kaniya-kaniya ho silang assignment 'yung ating mga reporters at siyempre 'yung iba naman kung saan nakatutok na kandidato, 'yung ang binabalita nila. Kasi 'yung iba inaakusahan, Attorney, naaawa ako eh– inaakusahan na, "Uy ikaw ano ka na Kakampink ka na" o 'yung isa naman, napunta sa ibang kandidato, hindi po. Ako bilang isang mamamahayag, kung saan ka naka-assign siyempre ire-report mo lahat ng galaw noon di ba?

    BARRY GUTIERREZ: Tama, tama. Siyempre di ba parang ano 'yan eh, kapag eleksyon ikaw ay reporter, ia-assign ka talaga sa isang kandidato. Talagang 'yun ang susundan mo, sasamahan mo. So natural 'yung mga report mo tungkol doon sa kandidatong 'yun. Anong mga ginawa noon di ba?

    ELY SALUDAR: Tama. So 'yun lang ho ano. Ngayon nagsasalita na si Senator Kiko diyan sa may Quezon City Circle at maya-maya siguro pahapyaw ay bago tayo magtapos sa ating palatuntunan ay mapakinggan din ng live 'yung ating special coverage diyan sa may Quezon City Circle. So ito, may mga nagte-text sa mga taga-Mindanao, partikular sa Davao. Meron bang naka-schedule din si VP sa Davao?

    BARRY GUTIERREZ: Meron 'yan, Ka Ely, sigurado. Meron siguradong pagpunta si VP Leni sa Davao at sa iba pang lugar sa Mindanao. Mahaba pa 'tong kampanyang ito. 86 days pa so meron pang– 85 days. Meron pa tayong pagkakataon na siya ay pupunta diyan.

    ELY SALUDAR: Pero ito bagamat naitanong na kay VP ito ano, kasi siyempre talagang ang misyon, ang target ay 'yung magka-tambal 'no, si VP Leni at Senator Kiko ang manalo. Pero kung saka-sakali, hindi natin masasabi, ay halimbawa kapwa babae ang nagwaging VP, anong magiging– anong trabaho, Attorney?

    BARRY GUTIERREZ: Sinabi naman 'yun ni VP Leni na kung siya ay mahahalal tapoa ang makaka-tandem niya ay hindi ang kaniyang pinili na si Senator Kiko, handa siyang makipagtrabaho. Sabi nga niya, ilang beses na, naranasan niya na bilang Bise Presidente hindi siya masyadong nabigyan ng suporta noong Pangulo, hindi siya nabigyan ng Cabinet portfolio, di ba. Pero hindi niya uulitin 'yun. Hindi niya hahayaan na mangyari 'yun doon sa magiging Bise Presidente niya kung sila ay mahalal. So sino man 'yun, handa siya makipagtrabaho, handa siyang makipag-ugnayan dahil sa dulo serbisyo sa bansa ang ating pinag-uusapan. Hindi naman ito personal na pag-aari noong taong nauupo sa pwesto, hindi naman ito tungkol sa personal na preference. Tungkol ito sa paglilingkod sa ating mga kababayan. Kaya kung ang pinili ay ibang tao eh kailangan mo maging ka-trabaho 'yun. 'Yung mandato mo galing sa taumbayan, 'yung mandato rin naman ng iyong magiging ka-tandem ay galing din sa taumbayan. So kailangan talagang magtulungan at magsama para lalong mapabuti ang ating serbisyo sa bawat Pilipino.

    ELY SALUDAR: Kasi Attorney, kung sakali halimbawa maging VP si Mayor Sara Duterte, so hindi niya ipalalasap 'yung kaniyang nadanasan sa tatay?

    BARRY GUTIERREZ: Oo, klaro 'yun. At bukas ang magiging kanilang relasyon, talagang hangga't sa maaari di ba, pareho silang makapagtrabaho nang maayos dahil 'yun 'yung ikabubuti ng mas marami sa ating mga kababayan eh. 'Yun naman 'yung gusto nating makita eh. At si VP Leni, mula simula sinasabi niya na 'yan ang kaniyang titiyakin pag siya ay mahalal. Sino man ang kaniyang maka-tambal, sino man ang kaniyang makasama, titiyakin niya na sila ay magtulungan.

    ELY SALUDAR: Okay, so okay na si VP Leni. Mukhang magsasalita na rin at naroon Attorney Barry 'yung ating reporter, so pakinggan natin si VP Leni. So salamat sa'yo Attorney Barry.

    BARRY GUTIERREZ: Sige Ka Ely. Lagi naman di ba? Talagang–

    ELY SALUDAR: So tayo na muna ang magiging regular na magka-partner dito.

    BARRY GUTIERREZ: Sige.

    ELY SALUDAR: Sige, salamat Attorney Barry. Good morning.

    BARRY GUTIERREZ: Okay, okay. Magandang umaga, Ka Ely.

    ELY SALUDAR: Mga kasama, 'yan po si Attorney Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo. Samantala, balik ho tayo diyan sa may Quezon City Circle. Alamin natin kaganapan doon at napakarami ho na mga tao na roon at siyempre pakinggan natin. Nandoon po si Radyoman DK Zarate. DK.

    DK ZARATE: [inaudible 52:06]

    ELY SALUDAR: DK.

    [VP LENI'S SPEECH 52:09 to 1:01:00]

    ELY SALUDAR: Okay DK. Okay mga kababayan 'yan po ano ang bahagi ng talumpati ni Vice President Leni Robredo kaugnay ng kaganapan diyan po sa Quezon City Circle. Salamat kay Radyo Man DK Zarate sa kaniyang reports mga kasama, kasi wala na ho tayong oras at hanggang alas diyes lang po tayo, at susunod na po ang Sapagkat Mahal Kita ni Don Lino Celle.

    Maraming salamat mga kasama sa inyong pagsubaybay dito po sa ating palatuntunan at kanina nakasama natin si Attorney Barry Gutierrez. Maraming salamat po, Luzon, Visayas, at Mindanao. Sa pangalan po ni Vice President Leni Robredo, ako pa rin po ang inyong Radyo Man, Ely Saludar.

    Muli po isang magandang umaga, Pilipinas.

    [END 1:02:00]

    Posted in Transcripts on Feb 13, 2022