This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong Leni Ep. 250

    BISErbisyong Leni Ep. 250


    [START 02:19]

    ELY SALUDAR: Okay, magandang umaga Pilipinas, Luzon, Visayas, at Mindanao. Isa na namang edisyon ng BISErbisyong Leni dito po sa RMN. At siyempre, ngayon po ay araw ng Sunday, February 20, 2022. Sa pangalan po ni Vice President Leni Robredo, ako parin po ang inyong Radyoman Ely Saludar. At siyempre tuloy-tuloy lang po tayo sa ating mga pagtalakay, gayun din po 'yung mga naging aktibidad ng ating Bise Presidente. At mula po dito sa RMN DZXL Manila, tayo po ay napapakinggan sa RMN DYHP Cebu, RMN DXCC Cagayan De Oro, RMN DXDC Davao, RMN DWNX Naga, at siyempre sa lahat po ng ating inaabot ng broadcast nationwide, net-wide.

    Tuloy ho tayo, mga kasama. At siyempre, sulyapan ho natin 'yung naging aktibidad ng ating Bise Presidente sa nagdaang linggo. At maya-maya ay makakausap po natin live via Zoom si Senator Joel Villanueva, isa po sa mga kandidatong senador din mula po sa TRoPaNG Leni at Kiko, mga kababayan. At samantala, oh, ito simulan natin:

    Noong Lunes, February 14, ay bumisita si VP Leni diyan po sa Philippine National Police Headquarters. Siyempre alam niyo na, dito sa may Quezon City, diyan po sa Camp Crame. At gayun din 'yung– pinuntahan niya itong "Pusuan ang Sining at Kultura: State of the Heart." "State of the Heart," diyan po, Covered Court sa Miriam College, sa may Katipunan Avenue, Quezon City. At gayun din po 'yung Covenant Signing ng Senior for Leni. Meron ding ho na 'yung ano, 'yung Martsa para sa Pag-Ibig at Covenant Signing with LGBTQIA+ for Leni, mga kababayan. At noong kinabukasan, Tuesday, ay bumisita naman si VP Leni kay Monsignor Cyril Villareal. At 'yan po ay sa, 'yung sa Archbishop's Palace, sa Roxas City po 'yan ah, at na kung saan ay nakipag-kita nga si VP at ang kaniyang mga kasamahan na TRoPa kay Monsignor Cyril Villareal, at administrator ng Archdiocese ng Capiz, at clergy ng Archdiocese ng Capiz, mga kababayan.

    So 'yun ho, meron din ho doon sa Roxas na convention ng Robredo People's Council Capiz. At binisita rin ni VP Leni 'yung Roxas City Hall, diyan pa rin ho sa Roxas City, Capiz. At nagtungo rin ang Bise Presidente sa Third Infantry Division sa Camp General Macario Peralta Jr. sa Jamindan, Capiz. At 'yun ho, nakipag-kumustahan at nagkaroon po ng pagkakataon ang mga sundalo na makipag-usap din sa ating Bise Presidente.

    At gayun din po, 'yung ano, sa Kalibo, Aklan naman. Ayun, bumisita sa– kay Bishop Jose Corazon Tala-oc. At nagkaroon din po, nagdaos din po ng convention ng Robredo People's Council diyan po sa Aklan. At siyempre, siguro nabalitaan niyo naman sa social media, 'yung sa may– 'yung sa Ati Community diyan po sa Boracay ay binisita rin ni VP Leni. At siyempre 'yung Boracay, talagang diyan naman– isa po yan sa mga talagang sikat at sentro ho ng turismo dito po sa ating bansa. At meron din– nagkaroon po ng Boracay Multi-sectoral Assembly diyan parin ho sa may– ano ito, 'yung function hall ng Boracay Blue Lotus Guest House sa Road 1A, Malay, Aklan. Ayun.

    So sa Antique, nagtungo rin si Bise Presidente. At 'yung Thursday naman, 'yung sa Covenant Signing ng Disability Agenda. Ito napaka-importante rin ho ito, mga kasama. At kasama ho, di ba, 'yung sa Robredo People's Council, 'yung Disability Sector na kinabibilangan po ng mga leader, ng mga magulang at advocates ng mga bata at mga taong may kapansanan, mga kababayan.

    So 'yun po. At noong Biyernes, 'yung Solid Leni-Kiko Global Virtual Launch. So 'yun ho, at si Atty. Lilia Reyta, Lead Convenor at Solid Leni Pilipinas ay inimbitahan si VP Leni at para makilahok dito po at magbigay po ng mga pahayag para po sa Solid Leni-Kiko Global Virtual Launch.

    Ok, so ilan lang po 'yan, mga kababayan, sa naging aktibidad ni Vice President Leni Robredo sa nagdaang Linggo. At siyempre patuloy po 'yung kanyang pag-iikot sa iba't ibang panig ng ating bansa, mga kababayan. At tulad po ng kaniyang binabanggit, hindi niya po tinitignan kung 'yang bang lugar na 'yan na kaniyang pupuntahan ay maraming botante o kakaunti. Basta't pupuntahan niya, lalo't may mga kababayan tayo doon na kailangang maabot din, ano, ng tulong ng kaniyang tanggapan. At siyempre, 'yung importante na personal niya pong inaalam, no, 'yung mga hinaing at mga kaganapan doon mismo sa lugar, maliit man 'yan o malayo, malayo o maliit at kakaunti ang botante, kahit na malayo, ay talagang pupuntahan iyan. Noon pa ho 'yan, subok na subok na, 'no, si Vice President Leni Robredo. Noon pa sa pag-upo niya sa kaniyang tungkulin bilang Pangalawang Pangulo ng ating bansa.

    [BISErbisyong Leni program OBB 08:36 to 08:46]

    ELY SALUDAR: Okay, oras na ho natin, mga kasama, sa buong kapuluan, 9:16 na ho ng umaga. At samantala ay makakausap po natin, siguro para magbigay tayo ng pagkakataon sa ating mga kababayan na lalo pang makilala, bagama't siya pa rin ho ngayon ay naninilbihan bilang senador, ay siya po ay humihiling sa taumbayan na mapalawig pa ng karagdagang anim na taon ang kaniyang termino sa Senado. At siya po ah ay walang– kilalang-kilala niyo naman ho ito, mga kababayan, lalo na ho 'yung mga manggagawa natin, mga kababayan natin, si Mr. TESDA Man, at talagang kaniyang– naka-focus po ito, ano, 'yung siyempre sa employment, 'yung sa trabaho. Kaya nga ay sabi ni Senator Joel Villanueva, oo siya po, trabaho niya ang trabaho. Senator, magandang umaga po sa inyo.

    SEN. JOEL VILLANUEVA: Maganda at mapagpalang umaga, Sir Ely. Isang karangalan po ang makasama kayo. At sa lahat ng ating mga kababayan, Luzon, Visayas, Mindanao, at sa ibayong dagat na nakakapakinig ng ating tinig, karangalan po namin ang makasama kayo ngayong umagang ito.

    ELY SALUDAR: Opo. Senator, unang una sa lahat ay siguro, sa bilang senador, no, at mag-aanim na taon na, ano ho ba ang inyong mga, sabihin nating naging accomplishment? At siguro mamaya itatanong ko 'yung mga gusto niyo pang idagdag. So accomplishment muna, Senator Joel.

    SEN. JOEL VILLANUEVA: Salamat Radyo Man Ely. I wanted to share that we filed 500 bills and resolutions, and among these bills and resolutions, 103 laws na po, 103 batas ang naipasa natin at ngayon ay ganap na batas na. And, by the end of our term, ito ay aabot hanggang 200 laws. Mahirap pong isa-isahin ‘yung 103 laws but let me give you some. Siguro ‘yung pinaka-latest na mahirap ipasa ‘yung pagtatayo ng Department of Migrant Workers. Ito pong Department of OFWs ay trinabahong husto natin. Halos dalawang taon po ‘yun na debate at mainit na talayakan ngunit at the end of the day, we were able to do it. ‘Yung pitong ahensiya ng pamahalaan, pinag-isa natin. We wanted to make sure na laser-focused ang pamahalaan sa pagtulong at pagkalinga sa ating mga OFWs. Pag nasa ibang bansa ka, wala nang documented at undocumented, may isang lugar na lang doon sa embahada na Migrant Worker’s Office na talagang tutulong sayo, medical assistance man, legal assistance man, repatriation man, et cetera. And, the good thing about this is that even if you’re in the provinces – before lahat mga nasa Mindanao, Visayas, dulo ng Luzon, kailangan pang pumunta ng Maynila para mag-ayos ng mga papeles – but this time around isa na lang po. Magkakaroon po ng regional offices sa ating apat na sulok ng bansa kaya ma-aattend ‘yung kanilang mga pangangailangan.

    I can go on and on: 'yung Work from Home Law– Doktor Para sa Bayan, is a very good law– very timely because we need that to produce more doctors. 'Yun pong OSH: Occupational Safety and Health Standards kay Senator Villanueva din po. Free Tuition, Universal Health Care, et cetera. So, 'yun po 'yung ating mga accomplishments at gusto lang natin sabihin 'yung binanggit niyo: trabaho lang ang trabaho ni TESDA Man.

    ELY SALUDAR: Ayun, opo. At kasi kayo bilang naging dating ano no, TESDA Chief ay talagang hanggang sa pagiging Senador, idinire-diretso niyo no. Sabihin, talagang napakalapit po sa inyong puso no 'yung ating mga manggagawa. So, sa ngayon, ano bang nasa estado ho ba ng paggawa dito po sa ating bansa, Senator Joel?

    SEN. JOEL VILLANUEVA: Magandang tanong po 'yan. Kung titingnan ho natin ang ating datos, 'yung latest po, ang unemployment rate is 6.6 percent. That's about 3.27 million Filipinos na wala hong trabaho. Hindi pa po kasama dito Radyo Man Ely 'yung mga hindi naghahanap ng trabaho sa 3.27 million na 'yan. Doon naman po sa underemployment is 14.7 percent. That's about 6.81 million na workers na kung saan naghahanap pa ng additional jobs dahil kulang 'yung kanilang kinikita, kulang 'yung trabaho nila. And that's why, 'yung naging tugon natin nitong mga nakaraang panahon, tayo din po ang author at sponsor nitong tinatawag na Tulong Trabaho Law. Itong Tulong Trabaho Law ay garantisadong hindi lang libre na training, hindi lang libreng allowance, insurance, et cetera. Ito hong training program na ito gaya noong binabanggit ni VP Leni sa kaniyang Hanapbuhay Para sa Lahat Program, ito ho ay dapat naka-angkla sa industriya. So, ito hong batas natin na ito, kung ano man 'yung kailangan ng industriya, ito po 'yung pinapasok na training. Ito ho 'yung kailangang pagsasanay ng kaalaman at kasanayan ng ating mga kababayan.

    Kaya ho pag labas nila doon sa programa, meron ho silang trabaho. Gaya nitong batas na ito, meron po sila kaagad trabaho. Garantisado 'yung trabaho dahil ito po'y galing mismo sa mga industriya. And this year, we worked hard na magkaroon ng 1.5 billion ito na targeting about 60,000 workers and 80 percent at least ay makakakuha na agad ng trabaho.

    ELY SALUDAR: Opo. At dito ho sa– siyempre sa gitna po ng pandemya at sana ho talagang tuloy-tuloy na ho ito no na papatapos na itong pandemya pero, ano ho bang nakikita niyo para matugunan– at ano 'yung mga puwedeng gawin ng ating gobyerno kasi talagang nalugmok tayo sa kahirapan eh at kawalan ng napakaraming trabaho dito po sa ating bansa dulot po ng pandemya.

    SEN. JOEL VILLANUEVA: Gusto kong puntahan saglit 'yung tinatawag na Doktor Para sa Bayan Law. Radyo Man Ely, namatayan ako ng [inaudible 15:12 - 15:20] I can actually describe 'yung how devastated we are. Pero nakita ko din po doon 'yung kakulangan talaga ng ating doktor sa Pilipinas. Ang datos ho, tatlo lang 'yung doktor, ang inaasikaso, sampung libong Pilipino. Pero sabi ng WHO, dapat kung sampung libong Pilipino 'yan, dapat sampu lang 'yung doktor– sampu dapat 'yung doktor. Tayo tatlo lang. Most of them are here in Metro Manila at 'yung iba sa kanila gusto pang mag-abroad.

    May mga lugar po sa Pilipinas, even regions, na not even one doctor per 10,000. Kaya ho napakaganda at kahit papaano naibsan 'yung aking sakit na naramdaman noong mamatayan ako ng nanay at kapatid sapagkat batas na po itong Doktor Para sa Bayan Law. Libre na po ang tuition, libre na po ang allowance– living allowance, allowance sa gamit, uniporme, transportation, dormitoryo, pati ho internship fees, pati review fees, pati nga ho insurance, libre na rin po dito. At pag kayo po ay nakapasa doon sa board exam, kayo ho ay may garantisadong trabaho. At kung ilang taon kayo ginastusan ng gobyerno, ganoon din po 'yung taon na pagsisilbihan mo 'yung ating mga kababayan. At may suweldo po ito at par with the regional standards.

    So, ang naging challenge naman po dito ay, paano naman 'yung eskuwelahan dahil when we passed this measure, sampung regions sa Pilipinas, ni isa na pampublikong paaralan, wala na nag-ooffer ng School of Medicine. Kaya po last year we worked hard doon sa 1.5 billion na mag-open up ng mga eskuwelahan sa Pilipinas na pampubliko. So, 'yung mga nakikinig po sa atin diyan po sa RMN Cebu, alam nila nagpunta po ako doon sa Cebu Normal University, at last year, na-launch na po natin 'yung School of Medicine sa Cebu Normal University. The very first school of medicine in Region 7. Ganoon din po sa Davao Region, 'yung University of Southeastern Philippines, ganoon din po doon sa Zamboanga Peninsula, 'yung WMSU: Western Mindanao State University. So, ito ho na-open up na.

    This year, we're opening up at least three or four regions para– at ang commitment po ni TESDA Man, in two years time, bawat rehiyon, meron na na school of medicine na pampubliko. Ito ho ay doon sa pag COVID no, kasi nakita natin 'yung problema ng COVID. Pag tiningnan natin 'yung problema ng unemployment, underemployment, napakalaki pong hamon 'yan sapagkat 'yung trabaho ay bakuna laban sa kahirapan. Kaya po ipinush natin 'yung National Employment Recovery Strategy. Sa ngayon nga po, ang target ay maka-produce, makalikha ng dalawang milyong trabaho: bagong trabaho, recovered jobs, recovered employment. Kaya lang po, Sir Ely, ito'y mag-eend ng 2022. Kaya po sinasabi natin lagi, isa 'yan sa ipa-prioritize ni Senator Joel Villanueva dahil dapat may pandemya man o wala, dapat tuloy-tuloy ang paggawa at paglikha ng trabaho.

    ELY SALUDAR: Opo. So, dito po sa National Employment Recovery Strategy, eh di ba may napaulat na talagang napakarami ho ng mga milyon no– milyon-milyon ang naging unemployed o nawalang ng trabaho ng nakaraang dalawang taon dahil sa pandemya. So, papano kaya ito ‘yung mabilis na— sabihin natin matutulungan at ‘yung ating mga kababayan na makapagtrabaho? Kasi sa ngayon, Sen. Joel, dahil sa ito ‘yung realidad, gusto mang pumasok ‘yung mga kababayan natin, talagang ma– ‘yung kanilang ano– ‘yung kanilang kagustuhang magtrabaho, pero maraming negosyo rin ang bagsak. So, ‘yun po ang problema, Senator.

    JOEL VILLANUEVA: Yes, Radyoman Ely, tama po kayo no, ‘yung paggawa at paglikha po ng trabaho hindi lamang doon sa paggawa ng training, paggawa ng maayos na programa para ihanda ‘yung ating workforce. Kasama po diyan ‘yung kagaya noong binabanggit [inaudible 19:23-19:27] ni VP Leni ‘yung pagbabalik ng tiwala sa gobyerno kaya ‘yung [inaudible 19:30-19:41] ‘yung Anti-Red Tape Act. At ngayon nga po, ni-revise po natin ‘yan pinasa na natin [signal lost]

    ELY SALUDAR: Okay, sandali ah. I-reconnect nga natin at nasisira ‘yung signal. Napaka importante po nito, no, na pinag-uusapan ho namin ni Sen. Joel Villanueva dahil sa alam niyo po, talagang napakarami ho ng walang trabaho sa kasalukuyan dahil sa bagsak nga po ang negosyo, di po ba, dulot po ng pandemya. Marami po ang mga negosyo– ‘yung mga maliliit nagsara. ‘Yung mga malalaking negosyo, mga kababayan, na talagang ‘yung kanilang negosyo ay talagang apektado ng pandemya, eh talagang nagbawas po ng trabahador o empleyado, di po ba. ‘Yung iba naman, hindi nagbawas pero ‘yung kanilang pasok eh di ba, kalahati na lang. Imbis na tatlong araw ka sa isang ling– o anim na araw ka sa isang linggo, naging tatlong araw na lang. So lumiit ang kita, naging kalahati– okay na? Balikan natin si Sen. Joel, Senator?

    JOEL VILLANUEVA: Yes, Radyoman Ely, binabanggit ko kanina ‘yung kahalagahan din ng tiwala sa gobyerno, tiwala ng mga investors. Kailangan meron talagang mag-invest sa atin. Kailangan wag nating pabayaan ‘yung MSMEs, 98% ng– 99% ng negosyo sa Pilipinas, MSMEs eh no? So, importante po talaga na meron tayong programa para sa kanila: ‘yung maayos na credit system, ‘yung maayos na access sa programa ng pamahalaan. ‘Yung binabanggit ko po kanina na Tulong Trabaho Law, ang gobyerno ang gagawa ng paraan para tulungan ‘yung mga MSMEs, ‘yung mga negosyante na palawakin ‘yung kanilang industriya dahil ang gobyerno ang gagastos ng training. At ‘yung training naman manggagaling sa kanila, so partnership po.

    But the caveat here is that when they pass the assessment after the training program, ‘yung industriya po walang karapatan na hindi nila i-hire ‘yung ating beneficiary, ito pong ating trainees. Kaya ilan lamang ho ito, no. Marami tayong dapat gawin, Radyoman Ely, at binabanggit nga natin kanina, hindi madali ang susunod na hamon sa pagsulong natin dito sa— para makaalis tayo dito sa post-pandemic era, especially in creating jobs. We are not only competing dito sa Pilipinas, no, ‘yung trabaho dito sa loob ng ating bansa but even outside the country because ang buong mundo talagang maghahanap ng trabaho. Taas ‘yung bilihin, tataas ‘yung requirement din for jobs skill— ‘yung mga jobs skills requirement, magkakaroon ng new normal jobs skills requirement and we have to be ready for our workforce.

    ELY SALUDAR: Opo. Okay, so, ‘yun ho no, talagang grabe ho no at bagsak ang ekonomiya natin. Sabagay, hindi lang naman sa ating bansa, no, maging sa iba’t-ibang panig ng daigdig. At ano pa ho, may mga dagdag pa ho ba kayong plano sa employment opportunity, ‘yung security at economic recovery sa bansa bukod doon sa ating napag-usapan na kanina?

    JOEL VILLANUEVA: ‘Yun pong tinatawag na Unemployment Insurance. We have been pounding on this. Gusto ho natin, regular ka man o contractual, dapat pag nawalan ka ng trabaho hindi ka maiiwan sa kangkungan at wala ka nang mahihingan ng tulong dapat may insurance, no. At nakikita natin right now, currently ‘yung SSS meron na two months na unemployment insurance at binabanggit noong mga manggagawa sa atin kulang ito. Puwede sigurong i-extend natin ito . Doon naman sa mga contractual, habang nagbabayad ng contribution naman ‘yung mga contractors nila and— for example, gusto ko lang balikan ‘yung SSS, for instance. Right now, ‘yung— puwede naman na sa kada isang taon na binabayad na contribution, ‘yung kada isang taon— ‘yung isang buwan na binabayad na contribution would go to Unemployment Insurance. At ‘yan ho, pupuwedeng gamitin ‘yan ng ating mga workers kung mawalan ng trabaho, maapektuhan ‘yung kita. Nakita ho kasi natin ‘yan nitong pandemya na pilay na pilay ‘yung ating workforce at walang mapagkakitaan.

    Tapos ‘yung ayuda na pinasa namin na Bayanihan I, talagang napakahaba noong panahon bago na-implement. Bayanihan II, ganoon din po, no. And kung meron tayong mga mekanismo, ready mechanisms para masiguro na alaga at may kalinga tayo sa ating workforce, magagawa po natin ito, no. ‘Yung TUPAD – TUPAD‘yung Emergency Employment Program – tayo po ‘yung nakipaglaban ng pondo niyan, si Sen. Villanueva. Two years ago, that’s only six billion, Radyoman Ely, sabi ho natin hindi pupuwede ‘yan with the pandemic and all. We need remedial measures, ‘yung emergency program para kumita. Kasi nawalan ng kita, may bagyo ngayon, ‘yung sa Odette, di ba, ‘yun po ngayon ‘yung ginagamit natin. From six billion naging nineteen billion last year and this year we fought hard, naging twenty-six point five billion. Gusto po natin, Radyoman Ely, gawing institutionalizeD na ito. May batas na para kahit sinong administrasyong pumalit, dire-diretso po. Meron tayong mekanismo, may bagyo, may pandemya, meron tayong pantustos at merong trabahong naghihintay sa ating mga kababayan kahit emergency employment ito.

    ELY SALUDAR: Opo. Okay, Senator, marami hong nakikinig sa atin ngayon nationwide at lalo na mga manggagawa. Ano ho ba talaga ‘yung tunay na kwento at bakit ivineto ni Pangulong Duterte ito hong— di ba kayo ho nagpagal, nagpagod ho nito ‘yung–

    JOEL VILLANUEVA: Ending endo

    ELY SALUDAR: Opo, ‘yung Security of Tenure Bill o Endo Bill na mas kilala no, sa ating mga kababayan. Ano ho ba talaga– bakit hindi ito nakalusot kasi, di ba maraming natuwa, Senator, na isa po ito sa mga pangako ni Pang. Duterte noong siya ay nangangampanya. Kaya naman kayo ho sa pangunguna ninyo at iba pang senador, dali-dali no, pati ibang mga Kongresista dali-dali na binalangkas itong panukalang batas. Pero nang pipirmahan na lang, isang pirma na lang eh batas na. Ano kayang nangyari, Senator, ano ho ba ‘yung mga impormasyon na nakarating sa inyo?

    JOEL VILLANUEVA: Alam niyo, Radyoman Ely, kung merong isang tao na pinaka nasaktan during the time when it was vetoed, ay si Sen. Joel Villanueva po ‘yun. Dahil alam na alam niyo po lalo sa media how– how we worked very, very hard for this measure. Taon ‘yung binilang, consultations left and right, both camps may– may konting galit sa akin dahil makikita mo talagang balanseng-balanse po itong ginawa nating version na ito. At I will just mention facts, no, kasi ako ho mismo talagang nagulat, in fact, no one from the Palace called me up.

    Imagine ito po ay urgent measure, priority measure, ito po ay binabanggit tuwing State of the Nation Address ng ating pangulo at all of a sudden it was vetoed. Hindi po ako makapaniwala, I tried calling and asking , in fact in one of our committee hearings, then NEDA Secretary, Sec. Perña, tinanong ko po siya, ‘kayo po ba ‘yung nag influence sa ating Pangulo para i-veto yung Ending Endo Bill, Ending Endo Act kasi ho pirma na nga lang po dahil pati ang kamara ay in-adopt na ‘yung version ng senado ‘yung ginawa ni Sen. Villanueva.

    Ang naging sagot po niya at naging tugon, hindi daw po sila at ang sabi po niya, in his own words, the night before it was vetoed, the president met with the Chamber of Commerce at siya po mismo ang nagsabi nito at the rest is history. So he would surmise daw that it was then that meeting nangyari kaya vineto po.

    We filed it again the next Congress, itong nakaraang Kongreso, we keep on asking different agencies of the government, especially the Department of Labor and Employment, ano ‘yung gusto niyong i-tweak, ano ‘yung gusto niyong palitan, ano ‘yung kailangang gawin para maging katanggap tanggap at maging ganap na batas itong ‘Ending Endo’ na alam nating kailangang kailangan. Hindi po kami nabigyan ng pagkakataon na mabigyan ng litanya ng kung ano man ‘yung dahilan kung bakit ito na veto. So unfortunately po hindi po naging batas, ngunit tayo po isa po sa ating priority measure sa susunod na kongreso ay i-file ulit at praying na maipasa itong Ending Endo Bill.

    ELY SALUDAR: Senator kasi matagal din akong nag cover sa House, sa Senate at sa Malacañang, kasi pag may mga ganyang mahahalagang panukalang batas, lalo at sinertipikahan bilang urgent ng pangulo, at bukod ho diyan sinasabi niyo laging sa State of the Nation Address binabanggit, at lalo na ho noong kampanya pinangako ‘yan, ‘di ba merong ugnayan habang binabalangkas ‘yung panukalang batas, merong ugnayan din sa Ehekutibo ‘di ba?

    JOEL VILLANUEVA: Yes may pink and yellow po Sir Ely.

    ELY SALUDAR: Yes. Opo. So lahat kung ano ‘yung mga gustong ipasok din ng Malacañang o Ehekutibo, tinitimbang nila ‘yan kasi balancing act dito eh ‘yung mga manggagawa at ‘yung mga may ari, ‘di ba ‘yung mga employer. So talagang binabalanse, pero bakit ganoon ang nangyari?

    JOEL VILLANUEVA: Alam niyo Sir Ely, Radyoman Ely, lahat kami sa Senado, especially kung kayo nga po nagko cover, kami legislators for- ako ho eh almost 20 years na ho ako sa public service, I have never seen or experienced such a thing na certified urgent, minamadali supposed to be ‘yan kaya nga po ‘yung 3 day rule na, alam na alam niyo po ito na pagka may ipinasa ka on second reading, kailangan 3 day rule, but if it is urgent, pwede ka na mga go straight to third reading at mga botohan na kaagad. ‘Yun ‘yung kagandahan ng certified urgent ‘no, ng Palasyo.

    So, lahat po kami nagulat talaga and gaya noong sabi ko ho, merong PLLO na liason officer from the Executive, wala ho ni isa na tumawag o kumausap sa atin na meron pa lang problema or merong probisyon, meorng part ng batas na hindi katanggap-tanggap. Wala po eh so talagang nagka gulatan lang talaga. And you could just imagine ho kasi ‘yung kalagayan ho natin noong nasa Senado halos araw araw ‘yung lahat ng may ayaw ng ‘Ending Endo’ syempre for obvious reasons, eh nakaaway ho natin lahat eh talagang tiniis ho natin lahat ng binabato nila at sinasabing mga below the belt na pagtira sa atin dahil gusto natin itong Ending Endo na pumasa. Ngunit ‘yun nga ho sa kasawiang palad hindi po ito na pirmahan at na veto nga po ito.

    ELY SALUDAR: At kung saka sakali sabi niyo nga po ay muli niyong isusulong itong panukalang batas kasi alam niyo ho ‘di ba, ako matagal ng nagko-cover, nakita natin sa mga kalsada, ‘itigil ang kontraktwalisasyon’ ng iba’t ibang militanteng grupo ng mga grupong paggawa. Sana nawala na ‘yan kung naaprubahan po ito ‘no. Itong panukala na nagiging batas ho sana. Pero–

    JOEL VILLANUEVA: At alam niyo isisingit ko lang, Radyoman Ely, part of that bill is the unemployment insurance that we were talking about kanina. Kaya po finile agad natin ito ‘yung Senate Bill No. 806: Security of Tenure, End of Endo Act, kaya po tayo we are hoping na ‘yun nga po mangyari ito sa susunod na panahon.

    ELY SALUDAR: Kasi sa kasalukuyang batas naman, kahit na sabihin mong regular na empleyado ‘yan may karapatan pa rin naman ang employer na tanggalin siya kung hindi niya magagampanan ‘yung kanyang responsibilidad, ‘di po ba? So, walang dapat na ikatakot dito at siguro mas magiging produktibo ang lahat syempre kumbaga sa ano eh mero kang security of tenure, alam mo na anytime kasi tuwing five months. ‘Di ba Senator ngayon halimbawa ‘yung mga kontraktwal, ‘yung pang apat pa lang na buwan eh naghahanap na, hindi na mapakali–

    JOEL VILLANUEVA: Kawawa naman.

    ELY SALUDAR: –ipapakain nila sa kanilang pamilya ‘di po ba, buti sana kung siguradong may maliliptanan. So ito ho sana ‘no magiging daan para mapayapa at maging maayos ‘di ba ‘yung kaisipan ng ating mga kababayan at siguro magiging mas produktibo ito, Senator, sa kanilang trabaho.

    JOEL VILLANUEVA: Napakalaking bagay Radyoman Ely ‘yung bigyan mo ng peace of mind ‘yung ating mga manggagawa kais kung meron pong kapanatagan ‘yung isip ng ating mga manggagawa, the more that they will be able to perform their duties and responsibilities, far more efficiently. At pag naging efficient ang isang manggagawa, mas maganda ‘yung resulta ng kanyang trabaho, mas makikinabang ang employer, mas dadami ang kita nila, mas magiging kapaki pakinabang ‘yung empleyado.

    ELY SALUDAR: So napag usapan niyo na ho ba ito halimbawa kung sakaling palarin ‘no si VP Leni ay sigurado na ho ba itong makakalusot itong panukalang Endo Bill na ito.

    JOEL VILLANUEVA: Alam niyo gusto ko hong sabihin sa inyo, marami hong presidential candidates na nag adopt sa atin. SI VP Leni made sure na, we sit down and we talk about our programs especially ‘yung sa paggawa at paglikha ng trabaho and I appreciate it po ano. Because for example ‘yung pag tugon doon sa paggising ng mga industriya, that is very close to my heart and I felt na very sincere ‘yung gustong mangyari ni VP Leni doon sa program niya kung makikita niyo po doon sa mga pointers na kanyang inilahad ‘yung paggising ng maritime industry. Tayo po ay nag-file din ng Magna Carta of Seafarers Bill. In fact it is already on the plenary ‘no. Hindi lang nagkaroon ng more time to debate on it. Tapos ‘yung gawing sentro ng climate industry ang Pilipinas, pagpapalakas ng Tech industry, ‘yan din po ‘yung isinusulong at very passionate tayo kasi alam natin na yung fourth IR revolution andyan na – in fact, they're already talking about 5 IR, Industrial Revolution 'no? So, kailangan handa po talaga tayo diyan, 'yung higher levels of learning sa mga national certifications ng TESDA, pina-pound po natin nang husto 'yan, 'yung mga NC-4s, NC-5, tapos 'yung smart campuses, tayo po, si Senator Villanueva noong 3 billion na program doon sa Bayanihan Law para palakasin 'yung mga state colleges and universities. After the 3 billion this year, about 4 or 5 billion po 'yung ngayon na talagang simulan na natin kasi may new normal na. Kailangan handa na 'yung mga pampublikong unibersidad at kolehiyo natin para sa ganoon, pag-graduate ng ating mga estudyante, talagang swak sila sa trabahong naghihintay. Hindi sila mangangapa, hindi sila malayo doon sa job skills requirement na hinahanap ngayon ng mga industriya.

    ELY SALUDAR: Opo, at siyempre pinakaimportante binabanggit niyo nga, sinimulan niyo po 'yung sa, niyo sa TESDA, na talagang magkaroon ho tayo ng mga manggagawa eh halimbawa kung sakali, maga-abroad man o dito, talagang 'yung mga skilled di ba?

    SEN. JOEL VILLANUEVA: Opo.

    ELY SALUDAR: At makatutulong– pero Senator, ano ho ba nakikita niyo kasi alam naman natin na habang dumarating 'yung panahon ay nagbabago po di ba? 'Yung di ba sa teknolohiya, kung ano man, kinakailangan makasabay tayo eh, may nakikita pa ho ba kayo na pepwedeng pagtuunan din ng pansin ng TESDA para ang mga Pilipino, nakakasabay at kung merong mga pagkakataon o oportunidad, pwede nilang mapasukan kaagad at meron po silang sapat na kaalaman.

    SEN. JOEL VILLANUEVA: Tama po kayo 'no? Let me share also one of out 103 laws na pinasa. 'Yun pong Philippine Qualifications Framework, I remember, kasama ko po si Senator Bam Aquino dito 'no when we push for this measure. 'Yung kahalagahan ng synchronization ng trifocalized education sapagkat ito po masisisguro natin 'yung pangangailangan ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan from DepEd to TechVoc to Higher Education. Makita natin 'yung industriya demands so, dapat demand driven po talaga 'no?

    'Yun pong isang build din naman natin na nasa plenaryo na rin, 'yung Philippine Digital Workforce Competitiveness Act. Napakaganda po nito, Senate Bill No. 1834. Ito po 'yung mag-aaral 'no, magtatayo ng council para tignan itong emerging industries, so that we would know, ano ba itong mga requirements nila? Nang sa ganoon, ito 'yung mga matugunan na natin, kung kinakailangan pondohan, pondohan po natin 'yan. Kung kinakailangan may maliit na industriya, tulungan po natin, bigyan ng pondo o pautangin man ng soft loans et cetera.

    So, ito ho 'yung mga kailangan nating gawin kaya nga po alam niyo Radyoman Ely, doon sa pinasa natin na Department of OFWs, meron pong probisyon tayo doon and I remember, isa sa mga nag-interpolate sa akin si Vice Presidential candidate Kiko Pangilinan. We work together na we make sure na it is not a state policy that we are to push our workers na pumunta sa ibang bansa, ayaw ho natin 'yun. Kailanman, hindi dapat maging polisiya ng estado ang papuntahin ang ating workers sa ibang bansa. Ngunit, kung walang hong oportunidad dito, wala hong problema. Gusto nilang mag-abroad, sige po payagan po natin pero hindi dapat maging polisiya 'yan. Dapat ang prayoridad pa rin ng ating estado ay gumawa at lumikha ng trabaho dito mismo sa loob ng ating bansa, para dumating po Radyoman Ely balang araw, 'yung pangarap nating lahat na ang ating mga kababayan ay lilipad, pupunta sa ibang bansa dahil po choice nila 'yun. hindi dahil sila ay napipilitang mangibang bansa.

    ELY SALUDAR: 'Yun, at narinig ko rin ho mismo 'yan kay VP Leni sa mga interview na talagang maganda 'yung di sapilitan eh kasi, dahil sa walang oportunidad dito, napipilitan na mag-abroad, magtrabaho sa abroad. Okay, Senator Joel, sa panghuli ano po ang mensahe ninyo sa mga kababayan na nakikinig at nanonood ho ngayon dito po sa ating facebook live din, nationwide at ano po ang inyo pong mensahe sa kanila?

    SEN. JOEL VILLANUEVA: Well, gusto kong magpasalamat sa ating mga kababayan, Luzon, Visayas, Mindanao at even outside the country listening and getting this opportunity na mapanood ho tayo na nagpapasalamat ho ako dahil ang lakas lakas noong suporta kay Senator Joel Villanueva na ipagpatuloy 'yung paggawa at paglikha ng trabaho.

    Naintindihan ng ating mga kabataan 'yung kahala- ng ating mga kababayan 'yung kahalagahan ng trabaho eh. Ito po kasi 'yung magbibigay sa atin ng peace of mind na pwede tayong maghain ng pagkain sa hapag kainan. Meron tayong pambili ng gamot kung magkasakit ho tayo. Kaya naman po, si Senator Joel Villanueva, noong pinasa natin 'yung Work from Home Law, akala noong iba mahinang batas po ito at hindi kailangan na batas pero noong nagkapandemya ho, ito ho 'yung sumagip, nag-save ng maraming kumpanya, nag-save ng maraming trabaho. 'Yung mga manggagawa po natin, protektado rin doon sa kanilang trabaho kahit work from home sila, 'yan po 'yung batas ni Senator Joel Villanueva. 'Yun pong Tulong Trabaho Law, nabanggit po natin kanina. 'Yung first time job seekers na kung saan 'yung mga workers bagong graduate, meron ka na po kaagad na libre na pagkuha ng birth certificate, NBI clearance, Police clearance, lahat po ng government documents na kailangan sa pag-apply ng trabaho, libre na po lahat 'yan.

    Ang laking tulong po, ang gusto ho nating mangyari, tuloy tuloy pa na hindi dapat magkaroon ng pagkakataon sa buhay ng isang Pilipino na wala pong oportunidad para magkatrabaho, na wala pong oportunidad na magkanegosyo, magkahanap-buhay, magkaroon ng kita, 'yan po 'yung gusto nating mangyari, magka-access sa training nang sa ganoon po, talagang ma-experience natin 'yung masayang pagbabago sa buhay.

    Kaya po gusto ko pong humingi ng tulong, hinihiling po sa inyo ang inyong suporta, Number 61 sa balota, Senator Joel TESDAMAN Villanueva, wala pong gagawin, trabaho lang ang trabaho. Maraming salamat po, God bless you all.

    ELY SALUDAR: Salamat po, Senator Joel Villanueva. Magandang umaga po sa inyo!

    SEN. JOEL VILLANUEVA: Good morning, god bless you!

    ELY SALUDAR: Good morning po. Okay, mga kababayan, 'yan po si Senator Joel Villanueva at isa po sa mga guest candidate po 'no nito pong sa Tropang Leni-Kiko mga kababayan. Samantala,

    [Break 00:41:28- 00:41:34]

    ELY SALUDAR: Oras po natin mga kasama, 9:49 na po ng umaga. Ito importante rin ho ito mga kasama dahil sa makakausap po natin at bahagi po ito ng istorya ng pag-asa dito po sa Biserbisyong Leni at 'yung mga pinag-uusapan ho natin di ba? 'Yung mga malaking mga naiambag sa lipunan at syempre, 'yung nagbibigay po ng inspirasyon sa ating mga kababayan. Ito nasa linya na natin 'no si Ginoong Gigo Alampay, ang ito, siya po ang ano 'no, ang fundraising exhibit organizer ng Mas Radikal ang Magmahal at Sir Gigo, magandang umaga po sa inyo.

    GIGO ALAMPAY: Maganda umaga, Ka Ely. Thank you for having me here.

    ELY SALUDAR: Thank you po, and last Sunday ka dapat ho kaya lang naudlot dahil sa merong–

    GIGO ALAMPAY: Mas importante naman ang Bise Presidente.

    ELY SALUDAR: Opo 'yung, Pink Sunday 'no diyan po sa Quezon City Memorial Circle

    GIGO ALAMPAY: Oo.

    ELY SALUDAR: So, itong unang tanong, paano ho ba nagsimula itong Mas Radikal ang Magmahal Fundraising Exhibit?

    GIGO ALAMPAY: Actually, noong, kung maalala niyo noong araw, iyan ang tagal nating hinihintay na mag-decide si VP Leni kung tatakbo siya o hindi and even before doon, sabi ko na sa sarili ko na if she were to run, I would organize this show for her and in fact, I reached out to Barry Gutierrez–

    GIGO ALAMPAY: In fact I reached out to Barry Gutierrez, sabi ko sa kanya "Basta once mag-decide si VP Leni, will make sure that the artists are there beside her, standing with her for meaningful change." So, noong nag-announce siya, tinawagan ko 'yung mga contact kong artist kasi I've worked in the creative sector nearly twenty-- ano, mag-twetwenty years na, so I have a lot of contacts with the artists particularly visual artists so– It wasn't very difficult kasi marami sa kanila naniniwala rin sa mga programa at itinatakbo ni VP Leni.

    ELY SALUDAR: Opo. So, higit sa 100 na artists ang nagsama-sama at nag-volunteer para dito po sa aktibidad na ito– so sino-sino po ba 'yung mga sabihin na nating kilala? Kasi sabihin natin sa 100, mahirap banggitin, pero 'yung mga ilan lang po sa mga prominente.

    GIGO ALAMPAY: Well, National Artist Ben Cab of course, he's first in line. Marami pang mga bati– [unaudible 44:01] and ni Elmer Borlongan, si Mark Justiniani, si Manny Garibay, sina Joy Mallari. Marami rin kaming mga kasama na mga artists ng– ang Ilustrador ng Kabataan. This is the biggest and most prominent association of children's book illustrators in the country.

    ELY SALUDAR: Opo. So, dito ho, para sa iyo, ano ibig sabihin ng mas radikal ang magmahal?

    GIGO ALAMPAY: Pinag-iisipan ko nga iyan. Siguro unang-una isa siyang paala-ala na we are fighting for something larger than ourselves. So kung gusto natin ng radical change, ibig sabihin fundamental change di ba? And for that to happen, we have to remember hindi siya tungkol sa atin. It's about something bigger than us, it's for our children, it's for our country, it's for our future. So, we're not thinking about ourselves and the pursuit of change has to come from a place of love.

    Tapos pangalawa, we've all seen the numbers, the challenge for VP Leni is very steep. Ang ibig sabihin lang nito, so dahil mas radikal ang magmahal, we never give up on the Philippines and we never give up on Filipinos. So, we have to be out there. We have to engage, we have to be courageous enough to talk with people who– siguro believe differently from us. And we try to convince them that we are on the right side and that they have to join us there. But it has to be done from a– an attitude and position of respect. Kasi ang pinaka-importante dito, tandaan natin 'yung elections, it's just one day but the challenges will remain even after elections. And regardless of who wins – and I'm confident it's going to be VP Leni – VP Leni will need all of us there. Not just the ones who are supporting her right now, but also the one– that the many people who are also– who also are supporting other candidates right now. We have to be able to pull together and hindi natin magagawa iyon kung right from the get-go, divisive 'yung stand natin.

    ELY SALUDAR: So, sir Gigo bukod ho dito, founder din pala kayo ng Canvas na isang non-profit para sa kabataang Pilipino. Ano po ba 'yung ginagawa nito?

    GIGO ALAMPAY: 'Yung Canvas we work with artists and writers to produce children's books. Original children's books na magaganda 'yung quality and then pinamimigay ito sa mga disadvantaged communities saka public schools all over the country. To date we've given away, siguro mga 400,000 books in different communities and ang paniniwala namin kasi, it's not enough for children to learn to read, they have to learn to love books kasi most of the children– the good thing about the Philippines is most of the children will go to– will enter school, but a lot of them unfortunately will not finish high school.

    So kung marunong silang magbasa, okay iyon. Pero kung minamahal nila 'yung pagbabasa, that means they will continue to learn whether they are in school or not. And they will– it will be equipped to lead productive lives all throughout their years. So 'yun 'yung, ginagawa namin namimigay kami ng mga children's books all over the country.

    ELY SALUDAR: Para po sa mga interesado, saan sila puwedeng pumunta para makita at makibahagi dito sa art fundraiser?

    GIGO ALAMPAY: Ah 'yung exhibition is online at radical.ph so, www.radical.ph . I-emphasize ko lang na continuing ito so if there are artists who want to participate, puwede silang mag-inquire doon, nandoon 'yung email, [email protected] para puwede silang sumali pa at isasali namin 'yung artwork nila doon sa exhibit. For those who want to support, ganoon din. They just email us and they can inquire there on how they can help and support projects.

    ELY SALUDAR: Okay. So, sir Gigo salamat po sa inyong oras dito po sa Biserbisyong Leni sa RMN, ingat ka lagi, good morning.

    GIGO ALAMPAY: Maraming salamat din.

    ELY SALUDAR: Salamat po. Iyan po mga kababayan, si Ginoong Gigo Alampay at mas radikal magmahal fundraising exhibit organizer. Maraming salamat mga kasama, sa ating mga listeners, magbabasa tayo ng kaunti. Oh, daming nanood din o kanina at siyempre na-interview po natin si Senator Joel Villanueva.

    [Greetings 48:35 to 50:04]

    So, maraming salamat mga kasama. Sa mga sumabaybay dito po sa palatuntungang Biserbisyong Leni at alam niyo naman ho, ay hindi ho siya puwedeng mag-programa si VP Leni dahil sa kampanya niya po, simula na po ang kampanya pero pag natataon dito po sa oras na ito, mayroong mga coverage mayroon po siyang event, eh pupuwede naman ito at bukod sa kanyang pagiging kandidato, siya pa rin naman po ay Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas hanggang sa June 30, 2022. Kaya mag-antabay lang ho kayo rito at sa mga susunod pa na palatuntunan tuwing araw ng Linggo dito po mga kababayan, alas-nuwebe hanggang alas-diyes ng umaga.

    Okay, maraming salamat sa inyo pong patuloy na pag-subaybay dito po sa ating palatuntunan. Babalik po sa susunod na Linggo, alas-nuwebe hanggang alas-diyes sa pangalan po ni Vice President Leni Robredo, ako pa rin po ang inyong Radyoman, Ely Saludar. Muli po isang magandang umaga Pilipinas.

    [END 51:16]

     

     

    Posted in Transcripts on Feb 20, 2022