This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong Leni Ep. 251

    BISErbisyong Leni Ep. 251


    [START 0:02:47]

    ELY SALUDAR: Okay magandang umaga Pilipinas, Luzon, Visayas, at Mindanao. Isa na namang edisyon ng BISErbisyong Leni dito po sa RMN. At siyempre, ngayon po'y araw ng Linggo, February 27, 2022. Magandang umaga Pilipinas, mula pa rin ho dito sa RMN DZXL 558 Manila, tayo po ay sabayang napapakinggan sa RMN DYHP Cebu, RMN DXCC Cagayan De Oro, RMN DXDC Davao, RMN DWNX Naga, at siyempre sa lahat po ng ating inaabot ng broadcast nationwide, net-wide. Magandang umaga, Pilipinas, at magandang araw sa iba't ibang mga kababayan natin na nakikinig sa iba't ibang panig ng daigdig.

    At siyempre, mga kababayan, ay pahapyaw natin, ano, bibigyan natin ng pahapyaw ito hong mga nagdaang aktibidad ni VP Leni Robredo sa nakaraang linggo, mga kababayan. At simula noong 21 ng Pebrero hanggang 26, ito ho mga kababayan, at 'yung Tuesday ay nakipag-pulong si VP Leni kay Bishop Jose Rapadas III at iba pang clergies diyan po sa residente po, ano, sa residence o sa tahanan ni Bishop sa– ng Bishop sa Iligan City, Lanao del Norte, mga kababayan. At sinundan yan ng Lanao People's Rally sa Rizal Park, Iligan City, Lanao del Norte.

    At gayundin, ay dinaluhan din ang Gingoog City People's Rally sa may Pahayahay sa Pantalan Complex sa Gingoog City, Misamis Oriental. Meron din pong meet and greet dito po sa mga Tabang Sikad drivers, at 'yan ay ginanap sa Main Gate ng PHINMA COC Senior High School sa Barangay Carmen, Cagayan de Oro City, Misamis Oriental. At gayundin ho, mga kababayan, ay nakipag-pulong din si VP Leni dito po sa mga religious leaders sa Metropolitan Cathedral, Cagayan de Oro, Misamis Oriental. At gayundin po sa Cagayan de Oro City People's Rally, diyan naman ginanap sa Divisoria Plaza, Cagayan de Oro, Misamis Oriental.

    At kinabukasan ay Miyerkules, ay nagkaroon po muna, ano, ng phone patch interview sa RMN DXMB Malaybalay. Tapos ay nagkaroon din, ano, 'yung lumakad ho sila, Walk with Panao-Sumilao Farmers, sa Panao-Sumilao Coop Center, Sumilao, Bukidnon, mga kababayan. At nagkaroon din po ng covenant signing with Farmers for Leni-Kiko, diyan po pa rin sa Panao-Sumilao Coop Center, Sumilao, Bukidnon. At binisita po ni VP Leni ang Maramag Municipal Hall, diyan po sa New Legislative Building, Maramag Municipal Hall, Maramag, Bukidnon.

    At bumisita din si VP Leni diyan po sa Valencia City Hall, at sa Bukidnon, at nakipagpulong din kay Bishop Noel Pedregosa at iba pang religious leaders sa San Isidro Labrador Cathedral, Malaybalay City, Bukidnon. Tapos niyan ay nagdaos ulit ng Bukidnon People's Rally diyan din po sa Malaybalay City, mga kababayan.

    So ang dami po, ano, ng mga dinadaluhan, at napakaraming mga aktibidad ang ginagawa ho ni VP Leni. At kinabukasan, Thursday, mga kababayan, [inaudible 06:47 to 06:48] andoon ho, nandoon ho ako, kasama ako rito, ano, sa radio interview sa RMN Broadcast Center diyan po sa Cebu City. Siyempre ang kaniyang– ang nag-interview po sa kaniya ay ito pong si Attorney Ruphil Bañoc, diyan po sa Cebu City, mga kababayan. At sa pagpasok pa lamang sa studio, nako napakarami na ho ng mga– ng mga talagang sumusuporta at nais makita si VP Leni.

    At nagkaroon po ng– 'yung town hall with mananagat sa Tangke Pamo Association, mga kababayan, at nagkaroon ng video shoot for Biyahe ni Kiko. Diyan ho sa ano, 'yung town hall with mananagat with Tangke Pamo Association, ay talagang grabe ho 'yung mga ating mga kababayan doon na mga mangingisda, lalo't tinamaan po ng Odette. Pag titignan mo ho, mga kababayan– ako ang personal kong nakita roon– ay kung bibilangin mo 'yung mga botante kakaunti eh, ho, mga kababayan. Pero kay VP Leni, wala ho siyang pakialam kung marami o kakaunti na botante, mga kababayan. Basta't may mga kababayan tayo na nangangailangan ng tulong at nais niya hong mapakinggan 'yung mga hinaing ng mga ito, pinupuntahan, mga kababayan. Naku, talagang ang kipot-kipot ng lugar tapos eh di ba, ang dami ho tayong mga kababayan doon na mga mahihirap din, at lalo na 'yung iba nawala po 'yung kanilang kabuhayan, di ba, nang rumagasa ang bagyong Odette. Grabe ho. Pero kaniyang pinakinggan, mga kababayan, ang mga hinaing ng ating mga kababayan, at makakaasa po sila, lalo na't kapag siya po ay nanalo bilang Pangulo ng bansa, ay lahat 'yan babalikan niya ho yan. At siyempre, 'yung mga kaniyang mga naipangako ay kaniyang tutuparin, mga kababayan.

    Pagkatapos niyan ay nagkaroon din po ng ano, 'yung People's Rally, Talisay City, sa St. Scholastica's Academy diyan po sa Talisay City, Cebu. At tapos niyan ay nagkaroon din po sa Argao People's Rally, Cebu Technological University-Argao Campus sa Argao, Cebu. At ito rin ho, 'yung sa Toledo City People's Rally. At ang pinakamatindi ho, naku ito, andoon ho ako, 'yung Cebu People's Rally sa Senior High School Campus Grounds sa SWU-PHINMA, Urgello Street, Cebu City, Cebu. Ang daming tao ho roon, mga kababayan ano? Grabe ho ang tao. At makikita mo ho, mga kababayan, na– naobserbahan ko, papunta talaga, marami pong naglalakad papunta ho sa venue. Pagkatapos ho ng rally, uwian na. Daming naglalakad. Ibig sabihin ho, naglalakad 'yung mga tao. Wala hong mga malalaking bus at dump truck na naghakot.

    Makikita niyo kasi, sa ibang mga– sa ibang mga pagtitipon ho, mga kababayan, siguro– siguro tignan niyo hong mabuti at obserbahan niyo sa mga nagsasagawa po ng mga, di ba, rally, kung ano man. Naku, 'yung iba ho roon ay nakikita mo, ang dami, nakabalandra 'yung mga malalaking bus eh. Ano 'yun, pinagsakyan. Pinanghakot, mga kababayan. Dito ho, wala. Kaniya-kaniya po sila. Kaniya-kaniya po silang lakad at, di ba, punta ho sa isang lugar na kung saan ibig sabihin ay boluntaryo. Pumunta po sa isang lugar na wala pong inaantay na anumang kapalit na materyal na bagay. Sigurong maari ang kanilang inaantay ay 'yung sasabihin at para lalong magbigay ng pag-asa, mga kababayan, sa gitna po, di ba, ng kahirapan ng ating bansa, lalo't tayo po ay patuloy pa rin, ano ho, na dumadanas sa pandemiya. At ang matindi ho rito, di ba, 'yung giyera po, diyan po sa– 'yung paglusob ho ng Russia sa Ukriane, nako asahan po natin 'yung epekto niyan, at ayon po sa ilang mga dalubhasa ay sinasabi isa po sa maaring epekto niyan, naku, tataas ang presyo ng produktong petrolyo, mga kababayan.

    At samantala, mga kasama, ito ho, noong Biyernes– grabe ho ito ano, 'yung nangyari diyan sa Iloilo. Talagang palangga, ano, si VP Leni ng mga Ilonggo. Maayong aga ha diyan sa Iloilo. Ito sa Oton Opening Mini Rally, Plaza Municipal Hall sa Oton, Iloilo, at gayon din ho pumunta rin ho siya sa diyan ho sa Concepcion Mini Rally sa Gazebo Municipall Hall Grounds, Concepcion, Iloilo, at 'yung Ajuy Mini Rally. So, 'yung mga ginagawa puro mga Mini Rally ho mga kababayan. Talagang pinupuntahan ng mga tao. Talagang siksikan ho mga kababayan at gayon din, 'yun sa may Passi Mini Rally sa City of Passi Arena, diyan pa rin ho sa Iloilo, Pototan Mini Rally, Municipal Hall Grounds, Pototan, Iloilo, at gayon din ho mga kababayan sa Sta. Barbara Mini Rally. At ito ho, 'yung pinaka– nako ang laki ho– Iloilo City Grand Rally, Iloilo Sports Complex, Iloilo City. Nandoon ho si tukayo eh. Si Ely Buendia. 'Yun ho mga kababayan. At 'yun ho. Mamaya ha, mamaya 'yung Presidential Debate no. Kagabi ang ganda ng ano no ng balitaktakan sa mga Vice Presidential candidates ho mga kababayan.

    Okay. So, ilan lang po 'yan sa mga naging aktibidad ni VP Leni sa nagdaang linggo, mga kababayan.

    [BISErbisong Leni Intro Music 12:38 - 12:45]

    ELY SALUDAR: Oras na ho natin mga kasama, alas nuwebe dise-siyete na ho ng umaga. Oh 'yung ating mga kababayan ha. Maya-maya ay makakausap po natin si Attorney Sonny Matula na isa po sa mga kandidatong senador sa team ni VP Leni at Senator Kiko Pangilinan. Maya-maya ho paguusapan ho natin at siyempre 'yung mga dagdag niya hong mga pahayag, di po ba, patungkol po rito sa iba't ibang mga isyu na kinakaharap po natin mga kababayan. Talagang grabe ho di ba? Kaya tayo ho ah, abangan ho natin kung ano pa 'yung kaniyang mga pupuwedeng babanggitin ho. At samantala, okay good morning kina [Tax Reyes 13:33]. Uy, napapanood daw ho tayo sa Cebu at uy, napanood daw nila 'yung radio interview ni VP Leni. Si [Demetrio Pena 13:43], maraming salamat po no sa inyong pagsubaybay. Kay Brenda Bulawit, good morning, at kay Rodolfo del Mundo, good morning. Michelle Madrigal Andria, good morning at Rosalito Magpantay. Ang dami hong mga nakikinig at nanonood dito po sa ating Facebook live mga kababayan. At binabati din po natin si Nanay Edita Sadam ng Quezon City, uy 92 years old na po siya. Nobenta y dos anyos na po. Talaga namang sobra raw 'yung kaniyang paghanga kay VP Leni. Nanay Edita, good morning po sa inyo ha. Palakas ho kayo. Tapos eh 92 na di– palakas ho kayo paabot ho kayo ng isandaan, di ba? Tapos eh meron kayong ano– regalo mula ho sa ating gobyerno, 100,000 pesos.

    [BISErbisong Leni Intro Music 14:48 - 14:57]

    ELY SALUDAR: Okay, oras na ho natin mga kasama, 9:19 na ho ng umaga. At samantala, oh ito na ho, nasa linya na po natin, Senatorial candidate, si Attorney Sonny Matula. Ang binabanggit niya, hindi raw siya gaanong guwapo, pero abogado. Attorney Sonny, magandang umaga po sa inyo.

    SONNY MATULA: Hi! Magandang umaga kasamang Ely Saludar, ang paborito kong anchorman sa radyo.

    ELY SALUDAR: Natawa ako sa inyo noong nagsalita kayo sa Cebu eh. Sabi niyo, "Di gaanong guwapo, pero abodago." Aba, ayos ho ito ah. [laughter] Okay–

    SONNY MATULA: [laughter] Okay 'yun, okay 'yun.

    ELY SALUDAR: Pero, ulitin ho natin para po sa– bagamat noong una, na-interview na kita rito Attorney Matula, pero siguro mas maganda lalo pa nating ipaalam no sa ating mga kababayan, sa ating mga listeners na nakikinig ngayon nationwide. At siguro, batiin mo rin 'yung ating mga kababayan sa Visayas at Mindanao, at napapakinggan ho tayo rin no mula po rito sa Metro Manila.

    SONNY MATULA: [speaks in Ilonggo 16:00 - 16:17] napakainit at very warm po ang welcome ng ating mga Ilonggo na mga kababayan. Very electrifying po! Na-electrify din ang ating mga kaibigan dito sa labas ng Iloilo at marami po ang nagugulat at tumindig ang kanilang balahibo dahil sa dami ng tao na pumunta doon sa Iloilo Sports Center noong isang araw.

    ELY SALUDAR: Opo. Attorney, saan ho ba kayong probinsya? Para sa kaalaman ng ating mga listeners.

    SONNY MATULA: Ah, ako po'y isinilang sa Cotabato, Maguindanao na ngayon– bahagi ng Maguindanao, pero ang aking ama at ina ay mula sa Negros. Mga magsasaka na walang lupa na nag [13:03 inaudible] sa Mindanao noong 1950s.

    ELY SALUDAR: Negros ano po?

    SONNY MATULA: Isinilang ako– sabi ko nga sa Cotabato pero lumaki ako sa Agusan, sa Agusan del Sur. Oo at nag-aral tayo ng high school sa Butuan City at nagkaroon ng scholarship. Sa Butuan City, natatandaan ko, newsboy po tayo doon. At sa apat na taon, sinikap nating makapagtapos ng high school at nakakuha tayo ng scholarship, salamat sa Mindanao State University, at nagtapos tayo sa Marawi, sa MSU, at sa MLQU po tayo dito sa Manila nagtapos ng abogasya.

    ELY SALUDAR: Opo, okay. At least eh merong kinatawan mga taga-Cotabato, Butuan, Agusan, tapos meron din sa Negros. Aba, kumpleto–

    SONNY MATULA: 'Yung nanay at tatay ko po. [laughter]

    ELY SALUDAR: So, Oriental? Occidental?

    SONNY MATULA: Sa Occidental po kasamang Ely. Pero sa kasalukuyan nandito tayo nagpa-practice ng law sa Metro Manila at dito sa CALABARZON. So meron tayong residential sa Biñan, Laguna kaya–

    ELY SALUDAR: Okay, Attorney, kasi pag nabanggit Attorney Sonny Matula, eh agad naiisip kaagad, "Ito ano ito, leader ito ng mga manggagawa," di ba? At litigation lawyer ho kayo saka union leader, pero ano ho ba 'yung mga dala niyong labor agenda kung saka-sakaling kayo po'y mapunta sa Senado?

    SONNY MATULA: Oho, pinagusapan po namin sa ALL4LENI, 'yung Alliance of Labor Leaders for Leni, kasama na diyan 'yung Federation of Free Workers, 'yung SENTRO, 'yung Partido Manggagawa, 'yung National Union of Bank Employees, at 'yung mga sugar industry workers natin sa [inaudible 18:48], pinagusapan namin 'yung limang agenda kasamang Ely ano. 'Yung una po ay tungkol sa kasiguruhan sa trabaho o regular na trabaho. At 'yung pangalawa po, 'yung National Minimum Wage o Pambansang Minimum para sa mga Pilipino. At 'yung pangatlo, 'yung ayudang sapat. 'Yung social services, at kasali na diyan 'yung unemployment insurance at ayuda rin sa mga maliliit na negosyo. 'Yung pang-apat 'yung pagrespeto sa karapatang-pantao, at panlima, 'yung paborito natin, 'yung people's participation na isa rin sa mga agenda ni Vice President Leni.

    ELY SALUDAR: Okay Attorney siguro, himayan natin ng kaunti ha. 'Yung una, 'yung sa endo, 'yung contractualization– gusto sabi niyo regular. Ito muntik na ho ito eh. Muntik na kaya lang 'yung mismong nangako, ay ipinako niya– [overlapping]

    SONNY MATULA: – Ay napako.

    ELY SALUDAR: Siya mismo ang nagpako kasi siya nangako mismo, di ba, noong kampanya. Banggitin ko na ho a, si Pangulong Duterte, noong nangangampanya, binanggit niya ho 'yan. Na kanyang– [overlapping]

    SONNY MATULA: Oo, sabi niya within six months eh.

    ELY SALUDAR: Opo, na kaniyang talagang puputulin na 'yung kontraktuwalisasyon, 'yung Endo dito sa ating bansa. Kaya nagkumahog din, in fairness sa ating mga Kongresista at mga Senador, ay nagkumahog at minadali. Talagang ibig sabihin, binalangkas at binusisi ng husto itong panukalang batas at naaprubahan sa dalawang Kapulungan ng Kongreso. Kaya lang, ang masamang balita ay ivineto o tinutulan ng Pangulo. So kung saka-sakali, bubuhayin niyo po ulit ito, Attorney Sonny?

    SONNY MATULA: Oo, Ka Ely, very frustrated ang mga manggagawa lalung-lalo na 'yung kasapi ng Trade Unions dahil sa pag-veto ni Pangulong Duterte sa kaniyang ipinak– ipinangako na pagtutuldok sa Endo. Nakita natin na noong earlier na mga panahon ng Duterte Administration ay may mga maraming mga employer ang nagkusang mag-regular sa mga manggagawa dahil nga dito sa kampanya para sa pagtuldok sa Endo. Pero sa kasawiang palad ay parang ningas kugon ang kampanyang ito. May inindorso kaming batas, although may mga oposisyon dito sa mga kasama namin pero karamihan sa mga kasapi ng mga may unyon ay sumuporta dito. So, we are disappointed with the action of the President to veto the bill that was passed by the House of Representatives and the Senate of the Philippines. Kaya po bubuhayin po natin 'yan at isa 'yan sa mga priority natin na gagawin kung tayo po ay mapilling senador.

    ELY SALUDAR: Opo, pero siyempre ang kinakailangan ho kasi dito po sa ating bansa, hindi kikiling sa iisang sektor, di ba? Kinakailangan ibabalense po ito, So, papano ho ba kasi para mas maganda maaga pa lang ho, Attorney Sonny Matula, na ngayon pa lang ay mapakinggangan na rin ho kayo ng ating mga kababayan, ano, 'yung mga employers sa sektor po ng negosyo. Baka naman masyadong pabor lang sa mga manggagawa, dehado naman 'yung mga employers. So, siguro– paki-explain ninyo paano ho ito mababalanse?

    SONNY MATULA: Tama ka, Kasamang Ely, dapat din mapakinggan natin 'yung kabilang panig pero sa kasalukuyan, dehadong-dehado ang mga manggagawa. Alam niyo po 'yung labor-only contracting ay bawal 'yan sa kasalukuyang mga regulasyon. Although, wala sa batas pero sa mga Department Orders katulad ng Department Order 174, ang labor-only contracting ay prohibited sa ating kasalukuyang labor relations.

    ELY SALUDAR: Opo.

    SONNY MATULA: 'Yung Endo na sinasabi, 'yung bibigyan ka ng limang buwan na trabaho– [overlapping]

    ELY SALUDAR: Opo.

    SONNY MATULA: Tapos regular 'yung trabaho mo at– pero tinatanggal ka after five months at pinapalitan ka ng bagong empleyado na may another five months or even three months ang kontrata, ano. Sabi ng Korte Suprema diyan ay bawal din 'yan. So, 'yung labor-only contracting at 'yung Endo ay bawal sa kasalukuyan. At sang-ayon diyan 'yung ating mga employers sa Article 106 ng Labor Code. Maski babasahin natin 'yan ito ay bawal, ano.

    Pero bakit patuloy na bina-violate ng maraming employers? Sa kasalukuyan, may seven to ten million ayon sa International Labour Organization, seven to ten million na manggagawa na tinatawag na diyan sa precarious working arrangement katulad ng Abusive Contractualization at illegal na mga contractual arrangement. Dahil ito ay hindi inoobserba dahil mababa lang po ang penalty. 'Yung sa Article 303 ng Labor Code kung titignan natin, isang libo lamang hanggang sampung libo ang penalty ng mga nagva-violate ng mga probisyon ng Labor Code. So, mabuti pa sa kanila na i-violate ang Labor Code kasi magaan lang naman ang penalty, isang libo hanggang sampung libo. Kung one thousand 'yung mga manggagawang labor only contracting, one thousand din ang penalty o ten thousand parang one peso hanggang sampung peso lang 'yung penalty. Okay lang sa kanila mag-violate, magaan naman ang penalty e. Kaya po susuyurin natin 'yung Article 303 ng Labor Code at 'yung 106 ng Labor Code i-review natin– [overlapping]

    ELY SALUDAR: Opo.

    SONNY MATULA: Para mabigyan ng mas mabigat na penalty ang pagva-violate ng mga provision ng Labor Code. Gawin nating thirty thousand bawat manggagawang nabiktima o fifty thousand bawat manggagawang nabiktima ng labor-only contracting, itong Endo, para siyempre 'yung ating mga management o mga employers ay merong ikokonsidera na pagrespeto sa batas dahil mabigat ang penalty.

    ELY SALUDAR: Okay, talagang ako naunawaan ko 'yun dahil talagang kawawa dahil sa– halimbawa, limang buwan lang ang kontrata nasa apat na buwan ay may– nakaka-apat na buwan ka na, naghahanap ka na ng malilipatan. So, paulit-ulit, ang matindi rin niyan– [overlapping]

    SONNY MATULA: [inaudible 24:53-24:56]

    ELY SALUDAR: Attorney, ang– tama. Ang matindi niyan, Attorney, tumatanda na walang nakukuhang benepisyo at pagminalas-malas hindi nakakuha so, matitigil ang pagta-trabaho, papano hindi naman titigil 'yung pagkain ng pamilya. So, talagang naghihirap. Opo.

    SONNY MATULA: Oo, kino-cover 'yan ng mga– ng Social Security System natin. Ay marami din sa kanilang mga contractual workers ang hindi inire-remit ng mga employers 'yung kanilang mga kontribusyon sa SSS kaya doble ang pasakit sa mga manggagawang ito. At maraming biktima diyan, Kasamang Ely, ang mga kabataan natin. Kasi naghahanap ng trabaho, bibigyan ng tatlong buwang trabaho, okay na sa kanila para maka-survive lang. At marami dito ang wala masyadong opportunity ang mga kabataan na mga mahihirap. So mahirap ang– [overlapping]

    ELY SALUDAR: Attorney, siguro, Attorney, puwede ko rin isingit. Puwede niyo na bang masama 'yan 'yung ano, 'yung problema rin sa mga guwardiya? Kasi ang dami-daming lumalapit po sa akin na mga guwardiya na kung minsan, hindi lang dose oras 'yung kanilang trabaho. Dise otso, tapos umaabot pa ng bente-kwatro oras tapos ay hindi po sila nakakatanggap ng sapat na benepisyo sa kanilang mga employer. Kasi karamihan po– hindi naman lahat pero karamihan sa mga may-ari ng security agency, mga retiradong militar o pulis. Parang minsan dinadaan sa dahas. Tinatakot 'yung mga guwardiya. – [overlapping]

    SONNY MATULA: – Oo, tama.

    ELY SALUDAR: Opo.

    SONNY MATULA: Tama, Kasamang Ely, ano. Kuwan 'yan, kung ma-interview 'yung mga security guard ay 'yun ang usual reference na hindi sila binibigyan ng tamang sahod dahil twelve hours sila nagre-report sa trabaho pero eight hours lang binabayaran sa kanila. So, marami tayong kaso niyan naka-pending sa National Labor Relations Commission. Pero ang dapat siguro sa bago nating Secretary of Labor ay pa-igtingin pa 'yung ating inspectory power. Kasi itong mga security guard natin ay natatakot 'yan magreport. Kaya, kinakailangan magkusa 'yung Department of Labor and Employment at gamitin 'yung kaniyang powers under Article 128 ng Labor Code: 'yung Inspection and Visitorial Power ng Secretary of Labor. Puwede po na puntahan ng Secretary of Labor, o 'yung kaniyang representative sa mga regions ang mga pagawaan at i-inspeksyonin 'yung mga– kanilang mga payroll, 'yung kanilang mga time document at iba pang record ng employment na pinahintulutan ng batas. Hindi kinakailangan 'yung search warrant, basta oras lang ng trabaho ay kayang-kayang inspeksyonin ng Department of Labor 'yung pag-comply sa mga labor standards katulad ng eight-hours workday, 'yung mga overtime, 'yung pagbabayad ng mga thirteenth month pay, 'yung mga service incentive leave. Kaya magkukusa sana 'yung Department of Labor, 'yung bago nating Secretary ay tatawagan natin dapat para maimplementa 'yung labor standards natin ay ipatupad itong Inspection Power nila.

    Pero maliban diyan Kasamang Ely, kinakailangan talaga ng bagong batas din diyan na dapat budget din, ano, na ‘yung inspection department 800 lang yata ang ating mga inspector sa ating bansa kaya kulang na kulang kaya kinakailangan ng budget diyan na bibigyan ng kongreso ang Inspection Department ng ating Department of Labor para epektibong maimplementa ang ating mga labor standards.

    ELY SALUDAR: Opo. Okay. Pero sa kabilang banda naman, halimbawa, 'yung mga empleyado na nagiging regular kasi may mga sinasabi rin 'yung mga iban mga employer parang 'yung kanilang– hindi sila masyado nagiging produktibo kapag alam ng regular pagka, diba, sa trabaho dahil sa hindi mo puwedeng basta basta maalis. So papaano natin maayos ho ito, Attorney Sonny?

    SONNY MATULA: Palagay ko Kasamang Ely ay sa management skills 'yan ng ating mga employer eh. Kapag hindi marunong magdala ng mga manggagagawa– alam mo naman 'yung power of the employer ay sa lahat ng bagay sa loob ng pagawaan. Siyempre may mga kapangyarihan 'yung management na i-impose ang kanilang tinatawag na management prerogative. Halimbawa, method, 'yung ano ang gagawin, 'yung superbisyon ay nasa kapangyarihan po 'yan ng management at huwag nating i-blame sa regular na trabaho kung hindi gumagawa nang tama 'yung mga regular na trabahante kasi ang kapangyarihan naman sa pamamahala sa lahat ng aspeto sa loob ng pagawaan ay nasa management. Kung hindi gagawa ng tama 'yung kanilang mga manggagawa, kinakailangang i-impose ang disciplinary action, nasa management prerogative po 'yan.

    ELY SALUDAR: Opo. At siyempre kahit na sabihin mong regular kung sumablay, pumalpak, pwede namang tanggalin talaga eh. May batas din naman 'di ba?

    SONNY MATULA: [inaudible 29:57] Just causes tayo. 'Yung serious misconduct halimbawa, negligence, ay puwedeng gamitin po ng employer 'yan na i-disiplina o tanggalin 'yung mga regular na employado na hindi gumagawa ng tama.

    ELY SALUDAR: Okay, at Attorney Sonny Matula, dito ho ano naman 'yung inyo pong legislative agenda para sa mga magsasaka?

    SONNY MATULA: Naku napaka importante, dapat suportahan natin 'yung panawagan ni Senator Kiko Pangilinan, 'yung ating sinusuportahang Bise Presidente, 'yung pag focus sa ating agrikultura. Napaka importante po na dagdagan ng budget 'yung ating agriculture sector. Ang sabi ni Vice President Kiko, ay Senador Kiko pala, na maging Bise Presidente, ay dodoblehin 'yung budget ng ating agrikultura. Sa kasulukuyan ay napakaliit po, 1.7% lamang ng ating National Budget, kaya kung dodoblehin 'yan next year, kung maupo 'yung Robredo administration, dapat 3.4 % ang budget, at ang sususnod na mga taon pa ay dapat doblehin palagi ang ating budget sa agrikultura at syempre i-moderno natin 'yung ating agrikultura sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga technological services at assistance o subsidy sa ating mga magsasaka.

    Sa kasalukuyan po dapat i-review din natin 'yung Rice Tarrification Law sapagkat luging lugi ang mga magsasaka. Sabi 'yung– ng mga taga Federation of Free Farmers, mga kasama natin, ay luging lugi ng anim na libo bawat hektarya sa nakaraang dalawang taon ang mga magsasaka dahil dito sa Rice Tariffication Law. So average ay may dalawang hektarya yatang sinasaka 'yung ating mga magsasaka, so sa dalawang taon anim na libo, so mga 24 thousand ang nalulugi sa kanila, pero 'yung assistance na nabigay ng gobyerno sa dalawang taon ay limang libo po lamang. Kaya napakabigat po ang suliranin ng ating mga magsasaka.

    ELY SALUDAR: Okay so 'yun ho talaga ano kaya– ako nga minsan dito sa aking mga komentaryo sa aking araw-araw na radio program, Attorney, binabanggit ko baguhin na 'yung pangalan ng Department of Agriculture eh, gawin ng Department of Importation, kasi kapag 'di ba may probloema tayo sa bigas, gusto mag import, may problema sa isda, mag import, may problema sa gulay, mag i-import, may problema sa asukal, mag i-import. Eh 'yan po lahat po 'yan nasa ilalim po ng Department of Agriculture. So bakit ho kaya ganoon lagi ang, opo, solusyon, Attorney? Ano ba ang dapat na solusyon, ang tamang solusyon?

    SONNY MATULA: 'Yung ating Rice Tariffication Law dapat atin i-review 'yan. 'Yung mga polisiya natin sa pagi-import ng mga agricultural products, isang kabalintunaan po na tayo ay agricultural country at tayo ang nag i-import papasok sa bansa ng mga agricultural products. At isang kabalintunaan din ay ‘yung mga nag-aaral dito sa ating bansa ay nagamit nila ang pinag aralan nila sa kanilang bansa katulad ng Vietnam at ine-export na 'yung produkto nila sa Pilipinas. So may problema talaga tayo sa administrasyon, kaya ang bagong administrasyon dapat ay itutok o mag refocus sa kanilang administrasyon. Ang isang proposal namin diyan, Kasamang Ely, ay siguro 'yung Department of Agrarian Reform at 'yung Department of Agriculture ay pag isahin na kasi matatapos 'yung ating Agrarian Reform Program. At napaklawak po ng ating pangisdaan, at mga dagat, at mga tubig– katubigan kaya puwede po bang pag merge ng DAR at ng DA ay 'yung Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ay ating i-separate na para maka focus 'yung Agriculture sa agriculture natin sa lupa at syempre 'yung ating Department of Fisheries and Aquatic Resources sa ating karagatan at mga katubigan. So malaki sigurong magagawa 'yan legislation, tutulungan natin si Vice President Leni para mag-tagumpay ang Agricultural Sector program niya.

    ELY SALUDAR: Opo kasi sayang na sayang. Talagang ang lawak ho ng ating mga lupain na pwedeng pag taniman at hindi natin kinakailangan mag import, magtanim at alagaan 'yung mga magsasaka.

    SONNY MATULA: Oho. At isa pa diyan 'yung mga ahensya ng gobyerno ay hindi nagko-coordinate. Halimbawa, isa lang ang estraktura sa atin eh, 'yung National Irrigation Authority ay under the Office of the President, hindi po under the Department of Agriculture. So suggestion natin kay President Robredo kung siya na ang nasa Malacanang ay ibalik natin doon sa Department of Agriculture 'yung pag-control at supervision diyan sa National Irrigation Authority natin para sa patubig ng ating mga sakahan.

    ELY SALUDAR: So 'yun ho ano. Talagang– Pero ngayon Attorney, kasi marami ho sa ating mga kababayan, 'yung mga pamilya po ng mga magsasaka kapag may mga anak ho 'yan na mag-aaral, away na away na ho na– parang gusto nilang iwanan 'yung lugar na kung saan 'yun ang bumuhay sa kanila, 'yung pagsasaka. Kasi talagang imbes na– 'di ba talagang naghihirap ho talaha 'yung mga magsasaka na dapat sila po ay 'di ba maayos ang buhay, sila po nagpapakain sa atin eh.

    SONNY MATULA: Tama ka diyan, Kasamang Ely, kasi ang kita ng mga magsasaka ay hindi nakabubuhay ng pamilya kaya naghahanap talaga sila para mabuhay 'yung pamilya, kaya 'yung mga anak nila na-discourage na pumunta sa mga sakahan natin. Kaya po napaka importante 'yung ating mga State Universities na mag focus sa ating agrikultura at siyempre gagawin ng ating pamahalaan na ang pagbibigay importansya sa ating agrikultura. So ang suggestion ko diyan ay hindi naman siguro tayo gagawa ng another International Research Rice Institue o 'yung IRRI, pero 'yung ating mga State University ay tumutok sa produkto ng mga magsasaka, halimbawa, mais o sugar, ay ang mga research nila ay itututok doon. At siyempre bibigyan po natin at tutukan ang mga anak ng mga magsasaka na magkaroon ng Scholarship at lalong-lalo na sa specializations sa agrikultura.

    Dapat talagang ma moderno ang ating agrikultura at mai-connect ito sa mga manufacturing para 'yung ating mga produkto ay ma proseso at hindi malanta agad, at kung ma proseso ito sa isang industriya, ay siyempre puwede nating ikalat sa buong PIlipinas na maski may time na nagla-lapse ano? At siyempre, puwede nating ma-export sa ating bansa. Ang tawag ata niyan is agricultural industrialization, 'yung pagkakabit ng agrikultura natin sa manufacturing at puwede natin i-export sa ibang lugar sa– ibahagi sa ibang lugar ng Pilipinas at i-export sa ibang mga bansa.

    ELY SALUDAR: Okay. So ito, madalas na pinagmamalaki ng ibang kampo na hindi noon nagaano tayo eh, nage-export pa tayo eh tapos ngayon nagi-import na. So, saan ba puwede natin sabihin na nag-ugat itong problemang ito at siguro sabihin natin, sisihin kung sino man 'yung mga naging lider para mai-correct ngayon 'yung mga papasok po na lider ng ating bansa?

    SONNY MATULA: Ang palagay ko, ang isang, noong panahon ng Martial Law, alam niyo, kasamang Ely ay na-involve tayo sa mga magsasaka doon sa Lala Kapatagan kasi nag-aral ako sa Mindanao State University, 'yung MSU ay malapit lang sa Lanao Del Norte so sa mga kapatagan kaya maraming organisasyon 'yung Federation of Free Farmers. Ang sabi nila ay 'yung konsultasyon sa mga magsasaka ay nawala doon sa huling bahagi ng Marcos administration, 'yung marami nang mga abuso kasi, maraming mga magsasaka nagtatag ng mga komunista maski hindi totoo 'yun.

    So palagay ko, 'yung contact o engagement ng gobyerno sa mga batayang sektor nasa laylayan ng lipunan. Doon nagsimula ang hindi pagkakaunawaan o hindi magandang relasyon ng mga sektor ng nasa laylayan sa gobyerno 'yung panahon ni Marcos at natutuwa ako na dito sa programa ni Vice President Leni ay binibigyan niya ng diin na 'yung nasa laylayan ng lipunan ay madadala sa sentro ng pamamahala. Kaya po napili tayo ni Vice President Leni, although hindi tayo kilala masyado, ay dinala niya sa sentro para pag-usapan 'yung usapin ng mga mangagawa, 'yung usapin ng mga magsasaka.

    ELY SALUDAR: Okay, Attorney 'yung binabanggit mo 'yung sa panahon ng Martial Law, doon na, kumbaga sa ano, nasira 'yung ating sakahan, na dati nakakapagluwas pa ho tayo di ba ng bigas. So, doon ho nasira kasi sa mga naunang lider natin di ba medyo maganda naman 'yung produksyon ng– 'yung ani natin eh.

    SONNY MATULA: Oho, at mga marami 'yung mga taga ibang bansa nag-aral dito sa atin ano, pinag-aralan, bigla tayong nag-import.

    ELY SALUDAR: So sa panahon po ni yumaong Marcos, Presidente, doon ho nasira at nawala ho itong 'yung page-export natin, parang nasira ho 'yung produksyon natin pagsasaka dahil sa nangyari sa Martial Law.

    SONNY MATULA: [inaudible 00:39:15] kasi nga tawag noon eh na-alienate ata sila, o naging stranger sa pamahalaan.

    ELY SALUDAR: Ayun Oo. Okay, so 'yun ho siguro maliwanag po 'yan kasi madalas eh binabanggit ho ngayon na, hindi sa panahon ni ganito eh ano eh nagi-import, nage-export tayo. Ngayon, nagi-import. So sa panahon pala ng Marcos nasira 'yung page-export ng bigas.

    SONNY MATULA: Oo, hindi lang page-export, nasira 'yung mga magsasaka ay tinatag na mga komunista [inaudible 00:39:47]. At maraming mga abuso po ang nangyayari sa kanayunan.

    ELY SALUDAR: Ayun opo, maliwanag po yan ha. At samantala–

    SONNY MATULA: Oh alam mo ba kasamang Ely, noong bata pa ako at panahon ng Martial Law ay nakita ko– bakit naging abogado ako? Dahil nakita ko 'yung mga magsasaka na hinuli ng mga Philippine Constabulary na isa doon ay binitay nang patiwarik at umiyak 'yung pamilya niya. Kaya, ako na-inspire na maging abogado para may depensa 'yung ating mga magsasaka na inaabuso at tino-torture so isa 'yan sa mga inspiration ko bakit naging abogado ako.

    ELY SALUDAR: So, 'yung binabanggit niyo 'yung parang 'yung mga magsasaka ay 'yun ang madalas na napagbibintangan ng mga rebeldeng komunista, siyempre, matitigil po sila sa pagtatanim so talagang maaapektuhan 'yung produksyon.

    SONNY MATULA: Oho, kasi noong dumaan doon 'yung komunista sa kanila, pinakain nila, ay suspetyado na sila. Natatakot naman sila sa komunista, may armas, so pag dumaan doon sa kanila ang mga sundalo, pinapakain nila. Eh 'yung mga komunista sinususpetyahan naman. Kaya, walang mapupuntahan 'yung ating mga magsasaka, sila talaga ang aping-api at tinutulak natin sa kahirapan.

    ELY SALUDAR: So, kayo po ay– binabanggit niyo roon ay talagang tutulong kayo sa mga paglabag sa karapatang pantao ano? Pero ano ho bang posisyon niyo rito sa nangyayaring maraming patayan, 'yung mga paglabag sa karapatang pantao sa nakaraang limang taon ng Duterte administration?

    SONNY MATULA: 'Yun po ang napakalaking kamalian ng Duterte administration. Ako po ay nakasali sa mga International Conferences lalo na sa International Labor Organization at itinaas namin sa mga pag-uusap sa International Community 'yung mga patayan sa Pilipinas. Ang isa dito ay 'yung patayan ng mga Trade Unions Organizers and Leaders, sa kasalukuyan ay may 60 na ata na mga leader at organizer ang pinatay sa panahon ng nakaraang limang taon ni Duterte na walang konkretong resolusyon at sa kasalukuyang naghahanap pa ng hustisya ang pamilya nila.

    'Yung patayan ng 66 na abogado sa nakaraang limang taon, pinakamalaki ito sa nakaraang mga administrasyon ano? 66 abogado ang pinatay na lumalaban para sa karapatang pantao. Sila'y pinatay at sa kasalukuyan, walang mga konkretong resulta ang imbestigasyon at mabigyan ng katarungan sila. At siyempre, 'yung under the subject nga ng Internation Criminal Court, 'yung patayan ng anim na libo hanggang 30,000 na mga Pilipinong mamamayan na naging collateral damage sa war on drugs ni Duterte. Wala namang mga malalaking isda ang nahuli so ito po ay dapat paimbestigahan at susuportahan natin ang paghanap ng hustisya ng mga biktima o ng kanilang mga relatives para mabigyan po sila ng katarungan.

    ELY SALUDAR: So pabor ho kayo na siya ay maimbestigahan at litisin ng ICC?

    SONNY MATULA: Oho, ako po'y naga-advocate diyan sa International Labor Conferences natin sa ating mga International Human Rights Forum, at siyempre, hinikayat din natin 'yung dito sa local na 'yung gobyerno ay kinakailangang bukas para sa aktibong partisipasyon ng mga trade unions at human rights lawyers sa pagimbestiga ng mga kasong ito.

    ELY SALUDAR: At kayo rin po ano ay tagapagtaguyod po ano ng mga– tumutulong ho kayo, bukod sa mga magsasaka, pati pala sa mga jeepney drivers at 'yung mga urban poor groups. Kumusta po sila? Kasi alam niyo ho, 'yung mga jeepney drivers Attorney, 'yan po ang isa po sa talagang matinding tinamaan din ng pandemya. Ang dami nga, may mga namamalimos na nga po sa kalye.

    SONNY MATULA: Sa kasalukuyan po, kasamang Ely, meron akong petisyon sa Korte Suprema, 'yung mga Igorot natin, 'yung mga drivers dito sa Metro Manila 'yung [Bio Drivers Association 00:43:39] na pending pa sa korte suprema. Hindi ko na idi-discuss ang merito ng kasong ito, pero in general, ito po 'yung pag phase-out sa mga lumang jeepney na walang transition period at walang ayuda sa mga drivers natin.

    ELY SALUDAR: Ayun, okay. So, mag-antay antay– kaya 'yung mga jeepney drivers ano eh magkakaroon kayo ng kinatawan sa senado kung saka-sakali. Pati 'yung urban poor, Attorney, kasi ngayon, talagang 'yung iba may mga lehitimo naman tlaga na mga mahihirap, pero may mga professinal squatter naman, talagang may mga lider ho diyan na– ibig sabihin di ba, talagang sinasamantala. Nabigyan, ni-relocate tapos ibebenta babalik ulit, magiiskwaty. So kaya pabalikbalik ho ang problema Attorney.

    SONNY MATULA: Oho, kinakailangan talaga natin ng comprehensive housing program at napakalaki ang maitulong ni Vice President Leni kung siya ang maging Presidente, sapagkat may klaro siyang programa, 'yung mga housing project kung saan nandoon na 'yung mga mangagawa at dapat siyempre, kapag may mga demolition na gagawin ay dapat may relokasyon dapat mga kababayan natin kasi hindi naman nila kasalanan na ma-display sila sa mga rural communities na at pumunta ng Metro Manila at maghanap ng legitimate na mga trabaho ano. Kung nandito na sila, siyempre 'wag nating pabayaan. Dapat malapit sa kanila ay mga housing project nga.

    ELY SALUDAR: Opo. pero may mga binabanggit 'yung mga in-city relocation, ang pinakamainam daw po ano na pagtugon dito ho kasi, kadalasan ho 'di ba kapag 'yung ating mga kababayan na mga mahirap, nare-relocate sa iba't ibang mga probinsya, mga– sabihin na sulok na, babalik ho kasi wala po silang hanapbuhay doon. Puwede bang in-city kasi parang may mga– dito sa Metro Manila marami pa hong mga bakante na lupain na pag-aari ng gobyerno siguro na pupuwedeng pag-tayuan ng bahay.

    SONNY MATULA: Oho. Alam na alam palagay ko iyan ni Vice President Leni sapagkat may exposure siya doon sa housing, sa HUDCC ano. At siyempre 'yung kanyang gawain noong abogada siya ng Saliigan– 'yung isang NGO na tumutulong sa mga urban poor ay kasama niya 'yung mga maralitang taga-lungsod natin at hindi lang kasama ay– naranasan niya 'yung buhay ng mga taong ito na nasa laylayan ng ating lipunan.

    ELY SALUDAR: Okay. Sa atin ding mga kababayan natin na manggagawa at ah, nako, naiipit ho diyan po sa Ukraine na nilusob po ng Russia, Attorney. So anong take niyo rito? Anong puwedeng gawin ho nating gobyerno rito para maprotektahan natin mga mangagawa. Siyempre 'yung epekto nito ng– posibleng inaabangan ho natin 'yung posibleng epekto lalo na ho 'yung pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

    SONNY MATULA: Isang panawagan natin diyan siyempre ay hindi tayo sangayon sa giyera kasi sa International Law naman, sa UN charter ay bawal ang paggamit ng aggressive war para i-resolba ang ating mga international disputes. So, hindi tayo sang-ayon doon sa ginagawa ni Presidente Putin na salakayin 'yung Ukraine ano. Pero may ginawa na siya kaya 'yung consequences nito ay ating paghandaan at siyempre aksyunan natin. So, napakaimportante dito ang pagbibigay ng assistance, direktang assistance at pag-coordinate sa ating mga kababayan na nasa Ukraine. Napakaimportante dito 'yung function ng Department of Foreign Affairs at 'yung ating Department of Labor and Employment para sa safe na pagbabalik nila sa Pilipinas kung lumalala– lumala pa ang giyera sa Ukraine.

    Pero napakaimportante din siyempre kasi maraming mga consequences ang mangyayari dito na dapat ipatawag ng gobyerno 'yung iba't ibang sektor para pag-usapan. Pag-usapan ang mga aksyon o mga aksyon na magagawa natin dito sa Pilipinas lalong lalo na kung tumaas 'yung presyo ng gasolina. O 'yung sinasabi natin na puwedeng i-suspende ng executive department 'yung mga taxes na ipinapataw sa ating mga petroleum products para siyempre ay bumaba o mabawasan 'yung presyo ng tumataas na gasolina natin. Kailangan ito ng kolektibong mga pagkilos para maging epektibo kaya po tinatawagan– nananawagan tayo sa Duterte administration ng isang pag-uusap ng mga importanteng sektor lalong lalo na 'yung mga employers, 'yung mga workers at iba pang mga sektor sa ating lipunan.

    ELY SALUDAR. Opo. So, ngayon nga eh nakakapagtaka Attorney dahil sa di ba meron na tayong ano, may batas na ho tayo sa paglikha ng Department of Migrant Workers?

    SONNY MATULA: Oo may migrant workers pero hindi pa fully effective ito. May transition period pa ata Kasamang Ely na isang taon ano. Pero sa kasalukuyan naman ay pabor tayo diyan kasi maging isang collective effort 'yung pagtulong sa ating mga OFW na dati ay scattered sa different agencies at departments.

    ELY SALUDAR: Okay. So, Attorney Sonny Matula, at ano po ang inyong maging mensahe ngayon sa ating mga kababayan na nakikinig ho ngayon. At para po siyempre na kayo po ay suportahan sa darating na eleksyon bilang Senador ng Republika ng Pilipinas.

    SONNY MATULA: Unang-una po Kasamang Ely, saludo ako sa ating mga volunteers mula sa Naga, sa-- dito sa CALABARZON, doon sa Mindanao at dito sa nakaraang linggo– 'yung sa Central Visayas natin na mga activities, saludo po tayo sa mga volunteers, sa mga kakampink at mga ka-tropa dahil sa kanilang inisyatiba ay lalong tumibay ang suporta para kay Vice President Leni. Ituloy po natin ang laban. Itayo natin ang isang pamahalaan na may pantay na paglingap sa mga kababayan natin at dapat ang nasa laylayan ay magagawang nasa sentro ng ating pamahalaan.

    At siyempre sa gobyernong tapat at malinis may maiaangat natin ang buhay ng lahat ng mga Pillipino. Si Attorney Sonny Matula po, dekalibreng abogado, numero kwarenta'y singko sa inyong mga balota sa senado. Salamat po at mabuhay kayo Ka Ely at mga tagapakinig natin.

    ELY SALUDAR: Salamat po. Iyan po si Attorney Jose Sonny Matula at isa po sa mga kandidatong senador ng Team Leni-Kiko, mga kababayan. So ayun po, ang ganda ho ng usapan namin. At talagang kilala po si Attorney Sonny Matula sa pagtataguyod ho sa mga karapatan po ng ating mga mahihirap na kababayan, mga mangagawa at ganoon din po ng mga magsasaka at higit po sa lahat eh talagang– Maganda ho ito ano, kasi at least may mga– may mga magiging kinatawan po tayo mula po sa mga manggagawa mga kababayan.

    Okay. Samantala. Oy mamaya ah? At kumpirmado po na dadalo, sisipot at hindi ho naduduwag at handang humarap sa Presidential debate ngayong araw na ito si Vice President Leni Robredo mga kababayan. At ngayon hong araw na ito, Sunday, mamayang alas singko ng hapon ang debate at siyempre abangan niyo ho. Maganda ho itong balakitaktakan, kagabi ang ganda din noon di ba sa mga kandidatong Bise Presidente. So, ayun ho mga kababayan.

    Okay samantala bago tayo magtapos, batiin pa rin natin 'yung iba pang mga nagbigay ho ng kanilang mga pahayag at dito ho. Good morning ho kina [Ceasar Emy Basco 51:54]. Ulitin natin si [Tax Reyes 51:58] talagang aktibo sa pagbibigay po ng kaniyang mensahe dito po sa ating FB Page. Si [Maria Elizabeth De Castro 52:05] good morning po sa inyo. [Cara Nacario Jocora, Cora Nacario Ponon 52:09] good morning! [Ismael Apale Kikoy 52:16] good morning po sa inyo ha. So, [Jesus de Catalina [52:21] good morning po sa inyo. Si [Gina Aspera Coloso 52:28] good morning. Si ano ito, [Lensy? 52:31] okay, good morning.

    So, maraming salamat po sa mga patuloy na sumusubaybay dito po sa ating palatuntunan. Baka sa susunod na linggo eh makasama po natin ang opisyal po na tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo, si Attorney Barry Gutierrez. Okay nako, bilis ho ng oras ha? So, maayong buntag at maraming salamat po diyan po sa ating mga kababayan sa RMN Cebu, sa Cagayan de Oro, diyan po sa Davao, sa Naga, good morning po sa inyong lahat. At siyempre sa pangalan po ni Vice President Leni Robredo, ako pa rin po ang inyong radyo man, Ely Saludar.

    Muli po, isang magandang umaga Pilipinas.

    [END 53:22]

     

     

    Posted in Transcripts on Feb 27, 2022