This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI Ep. 254

    BISErbisyong LENI Ep. 254

    [START]

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas – Luzon, Visayas, at Mindanao! Isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI dito po sa RMN. At siyempre ngayon po ay araw ng Sunday, March 13, 2022. Magandang umaga, ako pa rin ho ang inyong radyoman Ely Saludar. Tuloy-tuloy lang tayo sa ating mga balitaan at pagtalakay pa rin sa mga maiinit na isyu at siyempre ‘yung mga aktibidad ni Bise Presidente Leni Robredo sa nagdaang linggo, mga kababayan. At antabayanan mamaya makakausap po natin, bahagi po ng ating Istorya ng Pag-asa, si Congressman Teddy Baguilat, mga kasama. Isa po sa mga aspiranteng senador o mga kandidato po ng Tropang [Leni-Kiko], mga kababayan.

    At bigyan lang ho natin ng pasada ‘yung ating, siyempre ‘yung ating mga naging aktibidad ni VP Leni Robredo sa nagdaang linggo, mga kababayan. At noong March 7, araw po ng Lunes ay si VP Leni ay nandito ho – dumalo ho sa FSA. Ito hong Filipino Shipowners Association virtual session, mga kababayan. At siyempre, inimbitahan din po diyan si VP Leni at kasama ho diyan si Ginoong Dario Alampay, chairman at presidente ng FSA.

    At samantala, mga kasama, matapos ho niyan ay ito ho nagkaroon ng covenant signing – women’s covenant signing with VP Leni kasama ‘yung kaniyang katambal o running mate na si Sen. Kiko. Ito hong Gobyernong Tapat, Kababaihan Angat. ‘Yun ho ah.

    Tapos ho niyan, Martes, nandoon po sa Surigao si VP Leni at nagkaroon din ng phone patch interview sa RMN Surigao at gayundin, ito hong dinaluhan niya sa Bislig City multisectoral assembly diyan po sa may Bislig City Cultural Sports Center sa Bislig City, Surigao del Sur. At ‘yun ho, meron din hong misa sa San Nicolas de Tolentino New Cathedral, Tandag City, Surigao del Sur. At bumisita rin si VP Leni sa Surigao del Sur Provincial Capitol, mga kababayan, ayan ho at ginanap rin sa Tandag City, Surigao del Sur. Dinaluhan din niya itong Tandag City multisectoral assembly, mga kababayan. At matapos diyan sunod-sunod, naku, grabe ho, mga kababayan, dikit-dikit ho, eh, ‘yung mga schedule ho ni VP Leni. Ito naman ‘yung Women’s National Month Celebration Women’s Summit sa provincial gym [ng] Surigao del Norte Provincial Convention Center, Surigao City, Surigao del Norte. At gayundin ho, mga kababayan, ‘yung siyempre ‘yung pinakatampok, ‘yung Surigao City People’s Rally, mga kababayan. Naku, talagang napakaraming tao rin, ano. At matapos niyan, nakipagpulong si VP Leni dito po kay Bishop Antonieto Cabahug, ano, diyan po sa Bishop’s Residence, Surigao City, Surigao del Norte, mga kababayan.

    At kinabukasan, naku, ito talaga sunod-sunod, dikit-dikit ho, ano. Eh kaming mga reporter sumusuko, mga kababayan, eh. Talagang ‘yung ano, ‘yung iba nade-drain pero si VP Leni hindi nauubusan ng lakas, mga kababayan. Noong Miyerkules ay community visit naman sa AB-SLT beneficiaries sa Brgy. Danao, itong beach front—Brgy. Danao, Surigao City, Surigao del Norte. Nagkaroon din po siya ng phone patch interview sa RMN Butuan at nagkaroon din ng photo-op with RPC Butuan volunteers, mga kasama. At bumisita rin sa Bayugan City Hall at ‘yun ho, nagdaos din ng Bayugan City People’s Rally sa Agusan del Sur ‘yan, sa covered court ng ADSCO Bayugan City. At binisita rin itong Cabadbaran City Hall sa Agusan del Norte. Nagkaroon din po ng meet-and-greet with Cabadbaran City RPC volunteers diyan po sa Leni-Kiko Volunteer Center sa Cabadbaran City, Agusan del Norte. At matapos niyan ay humarap din si VP Leni, nakipagpulong kay Bishop Cosme Damian Almedilla, ayon. At bumisita rin sa Butuan City Hall, mga kasama. So meron ding meet-and-greet with multisectoral representatives at sa Butuan City Grand People’s Rally. Naku, ang daming tao rito, mga kababayan. Ang dami pa rin ho.

    At kinabukasan, Huwebes, ito ho ‘yung meet-and-greet with women mayors ng Romblon. At bumisita sa CLH sa Brgy. Tugdan sa Tugdan Elementary School sa Brgy. Tugdan, Alcantara, Romblon. At nakipagpulong din sa Romfalo. Bumisita rin sa San Lorenzo Ruiz Seminary at gano’n din ‘yung Odiongan City People’s Rally diyan po sa Odiongan, Romblon.

    At kinabukasan, mga kababayan—ito nandito ako, mga kababayan, grabe ho, ano. Noong Biyernes naku punong-puno rin ho mula umaga, ano, mga kababayan, hanggang gabi. Dire-diretso rin po ang mga aktibidad ni VP Leni at nakipagpulong siya kay Bishop Gerardo Almenaz at Governor Eugenio Jose “Bong” Lacson. At tapos ho niyan nagkaroon diyan sa San Carlos Opening Rally, naku, ang dami tao rin ho noon, ano, sa San Carlos Opening Rally. At nagkaroon din ng meet-and-greet, ano, with church officials sa may Sagay City, Negros Occidental at bumisita rin sa Marañon Musoleum. At ito ho ‘yung sa may Sagay City Rally. Ayan, nasaksikhan po mismo ‘yan. Ang dami hong tao doon, ano, sa may government center sa Sagay City, Negros Occidental, at maging sa Kabankalan City Rally ang dami. Talagang dinudumog ho ng mga Ilonggo, ano, si VP Leni.

    At diyan din po bumisita rin sa CLH sa Brgy. Caradio-an, sa Binalbagan meron din ho, ano, mga kababayan. Ito, sunod-sunod ho talaga, ano. Tapos whistle-stop sa Hirigaran Public Plaza sa La Carlota City Rally. At ‘yung pinakahuli, mga kababayan, ‘yung sa Paglaum Negros Occidental People’s Rally sa Paglaum Sports Stadium na kung saan talagang napakaraming tao. Mahigit sa 70,000 ang bilang, ang estimate ho, mga kasama, 70,100 ang dumalo diyan po sa people’s rally diyan sa Paglaum, Negros Occidental. Naku, talagang napakarami ho, mga kababayan, ano. Halos hindi mahulugang karayom, eh, ‘yung mga tao, mga kababayan, na dumalo diyan po sa rally. At talagang ‘yung mga tao, lalo na ‘yung mga kabataan, masigasig ho, mga kababayan, at kanilang sinisigaw na hindi sila bayaran. Alam niyo naman, kasi nakikita ko nga mismo noong papatapos na at nagsalita na, nag-speech na si VP Leni, ‘yung mga tao ayaw pang mag-uwian, eh. Wala ho. ’Yung sa ibang rally kasi pagkatapos mag-speech uwian kaagad o nagtatabihan, naniningil sa ibang rally. Dito ho wala. Tapos nagkaroon po noong sa mga street—naku, grabe ho, ano. Sinasalubong si VP Leni ng mga Ilonggo sa kalsada. Napakainit po ng pagtanggap nila, mga kababayan.

    At kinabukasan, hindi pa nagpahinga noong Sabado! ‘Yung iba, kami na nagko-cover naghahati-hati kasi, mga kababayan, ano. So diyan ho bumisita po kay Archbishop Ricardo Baccay sa Tuguegarao City, Cagayan at ‘yun, ‘yung Tuguegarao Kakampinks Assembly at gayundin, bumisita sa Cagayan Provincial Capitol sa Governor’s Office. Gayundin po ‘yung Alcala People’s Rally at ‘yung meet-and-greet with Isabela officials, mga kababayan. At ‘yun ho, mga kababayan, bumisita rin ho sa Santiago City Volunteer Center at bumisita rin po sa painted over Robredo-Pangilinan mural sa Echague, Isabela.

    Natatandaan niyo ho ‘yan, mga kababayan? Talagang ‘di ba, may mural diyan binura, pininturahan ng puti. At ito ho ‘yung Isabela People’s Rally sa Echague Banchetto Grounds sa Echague Municipal Compound sa Echague, Isabela. Naku, ang dami hong tao, mga kababayan, ano. Talagang punong-puno. Ang dami ho at unang-una, ‘yung iba parang nag-aalangan, naku baka ano ito, kumbaga sa ano, langawin ‘yung people’s rally ni VP Leni dahil sa kanilang sinasabi at pinagyayabang na ang isang kandidato ay hindi, may Solid North, mga kasama. Mukhang lumitaw ho walang Solid North. Kasi kahapon sa Isabela ay naku, ‘di ba kasama ho ‘yan, eh, sa bahagi po ng Norte. So lumilitaw ho na walang Solid North, mga kababayan.

    So dito naman, makakausap natin, taga-norte. Siguro siya rin po puwedeng magpatunay—totoo ba ito? ‘Yung sinasabi na kasabihan o ito ay isang kasaysayan na lang na noon meron pero ngayon, wala na ho. Nasa linya po natin si Cong. Teddy Baguilat, isa sa mga kandidatong senador sa Tropang Leni-Kiko, mga kababayan. Cong., magandang umaga po sa inyo!

    TEDDY BAGUILAT: Hello! Magandang umaga, Ely! [speaks in local dialect]

    ELY: Okay, Cong., kahapon ho napatunayan talaga na wala namang Solid North at sa Isabela People’s Rally, sa Echague, ang daming tao na mga Ilocano, so hindi pala totoo ito. So kayo mismo diyan sa Ifugao, ano. Taga-norte ho kayo, Cong. Ted. Ano ho ba itong Solid North na tinatawag? Wala na ho ito?

    TEDDY BAGUILAT: Well, kasi binansagang Solid North dahil bagama’t iba-iba naman ang aming lahi sa Cordillera sa Region 2, pero dahil nagkakaintindihan kami sa Ilocano, ‘yung salitang Ilocos, ‘yun, binansagan kaming Solid North na sumusunod parati kung Ilocano ‘yung tumatakbo. Pero ‘yun nga napatunayan kagabi, very proud sa aking mga kamag-anak at mga kababayan diyan sa Isabela dahil nagsidagsaan sila sa rally ni Ma’am Leni at saka ni Kiko. And in fact, nagbibigay inspirasyon siya sa atin mga kakampinks naman sa Baguio City kasi ‘yun ang pinaghahandaan natin, eh, ‘yung bisita ni Leni sa Baguio. ‘Yung umpisa kasi talagang nangangamba sila, parang mahirap daw kung ituloy ‘yung sa rally sa Baguio. But now, with what happened sa Isabela, nabuhayan at handa sa hamon na paramihin din ang dadalo sa grand rally ni Ma’am sa Baguio City.

    ELY: So kailan ho ba ‘yung sa Baguio? Next week o sa susunod pa?

    TEDDY BAGUILAT: Hindi pa namin alam, ano, pero nabanggit naman ni Ma’am Leni na papasok talaga siya sa tinatawag nating Solid North, eh, like Baguio, La Union, in fact, pati Ilocos pinag-uusapan. So ‘yan, excited na excited ang mga kakampinks sa Northern Luzon dahil sa nangyari sa Santiago at saka sa Tuguegarao, especially doon sa Echague.

    ELY: So diyan po sa Cagayan, ano, at saka sa Isabela ay tumatak din sa ating mga kababayan doon ‘yung mabilis kasi na pag-responde, ano, ni VP Leni sa panahon ng kalamidad.

    TEDDY BAGUILAT: Yeah.

    ELY: Eh sabi nga noong governor doon, eh, humingi sila ng tulong doon sa isang kandidato. Ngayon, wala siyang narinig na tugon, eh. So si VP Leni, talagang sa kabila po ng—ako, saksing buhay po ako dito kasi matagal kaming magkasama sa programa sa radyo, eh talagang kakarampot po kung ikukumpara sa ibang ahensya ng gobyerno ‘yung budget po ng Office of the Vice President. Tapos ‘di ba—napakaliit, Cong. Pero kahit na maliit, kung talagang gugustuhin, makakarating po ‘yung tulong sa ating mga kababayan. So, Cong., sa inyo hong pag-iikot, meron ho ba kayong karanasan o kuwento talaga na tumatak po sa inyo?

    TEDDY BAGUILAT: ‘Yung pagsalubong ng mga katutubo kay Leni saka kay Kiko kasi marami sa mga katutubo, hindi sila ‘yung palaging lumalabas sa publiko lalo na kung suot nila ‘yung kanilang traditional na kasuotan. Pero dito nga sa Negros, ano, nag-attend ng mga rallies ang mga atis, ang tribung Bukidnon, tribong apa in their traditional ethnic attire so nakakataba talaga ng puso. Kasi alam ko gaano kahirap [sa] mga IPs, especially ‘yung mga tribo dito sa Visayas na lumabas at makihalubilo sa publiko, lalong-lalo na ‘yung suot nila ‘yung kanilang traditional attire. So hopefully talaga ‘yung mga IPs sa buong bansa ay sumuporta kay Leni dahil malinaw naman na si Leni Robredo lang ang kandidato na merong IP agenda. Ito yata ‘yung susunod na lalagdaan, ‘yung covenant para sa mga katutubo. So ‘yun yung tumatak sa akin.

    ELY: At siyempre, halos lahat ng lugar natin dito sa ating bansa ay meron po talagang mga katutubo, ano, at kadalasan, sila po ang parang napag-iiwanan, Cong., ‘di ba. Kahit nga sa pag-unlad, ‘di ba, naiiwan ho lagi sila. At parang ang nangyayari, parang siguro hindi naman ito direktang diskriminasyon pero parang iba po ‘yung nagiging pagtrato sa kanila, lalo’t siyempre sa kaanyuan, parang iba sa mga pangkaraniwang Pilipino. Sasabihin, ‘di ba, nagkakaroon po ng hindi patas o hindi pantay na pagtingin, Cong.

    TEDDY BAGUILAT: Oo, sadya man o hindi pero talagang merong gano’ng diskriminasyon o ang pagtingin ay mas mababang uri ng tao ‘yung mga katutubo. And even sa mga IPs themselves, minsan nararansan nila na napakababa rin ng kanilang esteem. Kaya nga ngayon, talagang nagsisilabasan ‘yung mga katutubo sa Bukidnon, sa Butuan, of course, sa Cagayan and dito sa Visayas, ano. Kaya sana talagang lumabas na ang IP vote kasi matagal na naming sinasabi na merong IP vote. Pero ngayon, nagpaparamdam sila na talagang handa silang sumuporta kay Leni.

    ELY: Okay, Cong. Ted, dito ho sa ano, kasi sa mga indigenous people, ano, kasi may mga departamento, ahensya, ‘di ba na tumutugon diyan, eh. Pero sa inyo pong pagmo-monitor, natutugonan ho ba ‘yung mga, kahit papaano ‘yung sapat na pangangailangan at kalinga mula po sa gobyerno dito po sa mga katutubo?

    TEDDY BAGUILAT: ‘Yung National Commission on Indigenous Peoples ang tinutukoy mo, Ka Ely. Ito, nine years na karanasan ko sa Congress, walang budget ang NCIP—napakaliit ng kanilang budget para tugonan ‘yung kanilang mandato na pangalagaan ‘yung ninunong lupa ng IPs. Dito nga sa Bukidnon, sa Negros, ang reklamo ng mga katutubo is ang bagal ng paggawad ng kanilang certificate of ancestral domain kasi ‘yun ‘yung magsisigurado na meron silang kinikilalang ninunong lupa. Otherwise, matataboy sila kung saan-saan sila pinapalayas. So ‘yung CADT for indigenous people’s napakahalaga. Pero ‘yun nga, ang bagal ng kilos ng NCIP. So lalong-lalo na ngayon, itong mga red-tagging na sinasagawa ng NTF-ELCAC. Karamihan sa mga nire-red-tag ay ‘yung mga IPs dahil sa kanilang pagreklamo, sa kanilang pagtutol sa either mining o sa isang malaking energy project. So pinaglalaban lang nila ‘yung mga karapatan nila and yet, nare-redtag sila. At kasabwat dito ‘yung NCIP kaya ‘yun ‘yung masaklap sa mga IPs, ano. Kuwento nila na ‘yun sanang ahensya na magtatanggol sa kanila ay ‘yun pa ‘yung magiging kasabwat doon sa mga nagre-redtag sa kanila. So kinakailangan lang talaga na palakasin at siguro i-retool ‘yung NCIP para talagang gampanan nila ‘yung kanilang mandato.

    ELY: Cong., kayo ho sakaling palarin na mapunta po sa Senado, ano po ‘yung mga puwedeng gawin niyo po na mas bigyan po ng pansin dito po sa mga karapatan at maibigay ‘yung basic lang naman ho, hindi naman sinasabing gawing VIP, ‘yung basic lang po na pangangailangan ng mga katutubo?

    TEDDY BAGUILAT: Kahapon nga may mga kausap akong mga apa o ‘yung original na katutubo rito sa Negros at matingkad talaga ‘yung pangangailangan nila para sa edukasyon. So ‘yun din ‘yung naiisip ko talaga, eh. Ito, gusto ko lang igiit na ‘yung mga IPs hindi sila mangmang, mayroon kaming sariling kaalaman but kinakailangan din talagang makapagtapos sa kolehiyo, dumaan sa formal education kasi gano’n naman talaga ang mundo namin, eh, lumawak na, eh. Naging bahagi ng aming mundo ang Pilipinas so we need to learn about formal education and malaking bagay kasi kung merong makapagtapos sa mga katutubo sa kolehiyo. So ang aking panaginip ay lahat sa mga kabataang katutubo ay makapagtapos ng kanilang formal education. ‘Yon, ‘yon po ang gusto kong isulong para sa mga katutubo.

    ELY: Pero kadalasan po, Cong., madalas kumbaga nasa liblib silang lugar, napakalayo ng eskwelahan, sa elementarya at high school pa lang kasi doon nagsisimula eh tapos puwede nang idugtong diyan kung puwede nang magkaroon ng scholarship program sa kanila. Kaya lang doon muna sa elementary at high school, talagang kilo-kilometro ang lalakarin at kapag nasa school na ho, Cong. Ted, doon nakikita ‘yung diskriminasyon sa mga kapwa estudyante. Sabihin na nating hindi sinasadya o ano man, parang iba rin ang pagtingin nila. Siguro magkaroon po ng sariling eskwelahan ‘yung mga katutubo na pare-parehas po sila?

    TEDDY BAGUILAT: Meron na hong sinusulong. Noong Congressman ako ‘yung IP Education Law na kinikilala ‘yung mga IP schools, ano. Marami kasing mga IP schools, lalong lalo na sa Mindanao, pinasara ng gobyerno kaya maraming mga IPs ngayon na hindi nakapag-aral. So doon sa aking panukalang batas, maliban sa bibigyan ng priority ang DepEd na mga IP communities, kung doon naman sa mga IP communities ay meron na silang tinayo na IP school, sila mismo ‘yung nagtuturo, meron silang sariling curriculum, then ‘yun sana ‘yung kilalanin ng Department of Education. Tama, Ka Ely. Ang problema rin is ‘yung access to basic education at ito ay matutugonan ng IP Education Law.

    ELY: Okay, Cong. Ted, at marami pong nagtatanong kasi bakit ano, tuwing halimbawa sa mga rally, eh nagsusuot po kayo ng bahag. Ano ho ba talaga at – sabihin natin – ano ho ba talaga ang intensyon niyo sa mga rally? Tulad kahapon o Biyernes ng gabi, nandoon ako sa Cebu, eh, kayo ang unang-unang tinawag para magsalita sa mga kandidatong senador. So pinakita niyo po, ano. Ano po ang nais niyong iparamdam sa ating mga kababayan lalo na sa mga botante na nakasuot ho kayo ng bahag?

    TEDDY BAGUILAT: Well, para malakas talaga ang dating kasi—[chuckles]—ako ang palagi… Usually ako ang nauunang magsalita so talagang dapat buhayin mo kaagad ‘yung crowd so siyempre, nakabahag ka, ‘di ba. But actually, gusto ko lang talagang ipagmayabang ‘yung aking identity bilang isang katutubo. At dahil nga binibigyan kami ng tatlo hanggang limang minuto lang para ipaliwanag ‘yung aming programa, so ginagamit ko ‘yung kasuotan ko—‘yung bahag, ‘yung headress, ‘yung aking Ifugao blanket para ipaliwanag ‘yung mga gusto kong ipaglaban. Nabanggit kasi sa akin ni Congressman Erin Tañada, siya ‘yung aming ano eh—

    ELY SALUDAR: Campaign manager

    TEDDY BAGUILAT: Campaign manager. Sabi niya, tinanong ko kasi, “so paano ba ho, kasi first time kong tumakbo sa national level. So, paano ‘yun, isa isa kami magsasalita?” Sabi, “Oo, or usually binibigyan ka ng tatlong minuto.” Tapos sabi ko, “Anong masasabi mo sa tatlong minuto? Paano ka makikilala ng mga tao sa tatlong minuto? Lalung-lalo na ako na baguhan sa national politics. Sabi niya, “eh kung gusto mo magsuot ka ng something na hindi nila makakalimutan. So, ‘yun, bahag, definitely hindi nila makakalimutan si Tedddy Baguilat na isang katutubo na naka-bahag during the campaign.

    ELY SALUDAR: So, kayo ho ba ang kauna-unahan kung saka-sakali na mapupunta sa Senado na taga-Ifugao at masasabi natin na kakatawan po sa mga katutubo?

    TEDDY BAGUILAT: Yeah, yeah. Although nakapaghalal naman tayo ng mga Muslim na Senadors and actually, sa definition ng katutubo, kasama ‘yung mga iilang mga Muslim tribes. So, but mas siguro mas kinatawan nila ang mga Muslim kaysa sa katutubo. So, definitely, ang sabi ko na lang na ako ang magiging kauna-unahang katutubong Igorot of Cordillera na kung sakaling manalo sa Senate run.

    ELY SALUDAR: Cong. Ted, kayo ho ay naging Congressman. Tapos eh, ano ho ba ang kaibahan ng kampanya sa distrito niyo at ngayon sa national, talagang iba ho. Sabi niya nga, talagang unang-unang pagsabak niyo sa national campaign. So, ano po ang kaibahan at siguro ‘yung mga napupulot niyo na mga karanasan na pwede niyo pong ibahagi sa ating mga listeners?

    TEDDY BAGUILAT: Ibang-iba talaga sa national. Ang bilis ng schedule. Sa local kasi, hawak mo ‘yung schedule eh. Kadalasan sa amin sa Ifugao gabi ang rally kasi marami nagtatrabaho sa mga bukid, sa rice terraces sa day time. So, gabi magsisimula ‘yan ng alas-sais hanggang alas-dose ng gabi. Ngayon, ano eh, umaga pa lang hanggang gabi ang kampanya. Tapos, sa local kasi mas personal ‘yung campaign eh. Mas house to house: makikipagkwentuhan ka sa mga kagawads, sa mga magsasaka. Pero ito, mabilisan eh. Dahil si Ma’am talaga sobrang sipag. Kaya nga ako, sabi ko, huwag tayo magreklamo kahit napapagod tayo kasi ‘yung ating principal sobrang sipag. Umaga hanggang gabi ang daming rallies, mga apat o lima ‘yung aming pupuntahan. Salita ka tapos takbo ulit. So, ‘yun ‘yung pagkakaiba. Pero kahit papaano meron pa rin namang personal touch. Kahit papaano naman may nakakausap ka pa rin, mga katutubo, mga magsasaka. Pero ‘yun nga lang, mabilisan.

    ELY SALUDAR: Opo. Ok, para po sa inyo, Cong. Ted, ano ho ‘yung pinakamatinding pagsubok ninyo dito po sa pagtakbo niyo bilang Senador?

    TEDDY BAGUILAT: Well, una, pera talaga. Logistics. Kasi ako ‘yung huli sa Senate slate ni Ma’am na nag-decide tumakbo eh. Last day ng filing ng certificate of candidacy tsaka ako nag-file. So, talagang medyo hindi namin napaghandaan. So, very challenging talaga ‘yung resources. Kulang tayo sa tarpaulins. ‘Yun ‘yung problema. Kulang tayo talaga sa mobility rin. Kaya nga andito ako sa Negros, hindi na ako makahabol sa Cagayan. Wala tayong chopper. Samantalang ‘yun dapat ‘yung region ko pero pinaalam ko naman kina Ma’am Leni na dito na lang muna ako sa Negros. So, yeah, challenging talaga ‘yung resources dahil kasi ‘yun ‘yung kinakailangan mo para mas makilala ka ng mga tao. Mga ads, mga social media campaign.

    ELY SALUDAR: Kasi talagang sa kampanya, para po sa ating mga listeners, kayo po ay naging Mayor, ‘di po ba? 1995 to 2001. Tapos naging Ifugao Governor, tapos naging Kongresista. Eh ngayon, magiging Senador. So, ano ang kaibahan at siguro malaki ho ang magiging kaibahan niyo sa iba pang kandidato dahil sa ‘yung pati sa local, alam niyo ho ‘yung problema na pwede niyong dalhin sa Senado.

    TEDDY BAGUILAT: Yeah, 15 years ako naging local official and lalung-lalo na ngayon na tataas ang budget ng lokal na pamahalaan. So, mas madami ‘yung kanilang mga tungkulin. Mag-iiba ‘yung kanilang mandato, so baka kinakailangan baguhin rin ‘yung batas, ‘yung Local Government Code. So, ‘yun ‘yung aking maiaambag pagdating sa local governance. ‘Yung mga possible amendments sa Local Government Code para palakasin ‘yung mandato ng mga local governments. Kung sa totoo lang, marami sa mga programa ng pamahalaan, ang implementation actually nasa local level. So, that’s going to be one of my main qualifications. Maliban doon, ‘yung aking 9 years na Kongresista. So, lagi ko nga iginigiit sa mga botante na sana maintindihan nila na ang pangunahing tungkulin ng Senador ay ‘yung magpasa ng batas.

    ELY SALUDAR: Tama, opo.

    TEDDY BAGUILAT: Hindi ‘yung magbigay ng ayuda o maging bodyguard ng Pangulo. And, ‘yun, my experience na bilang isang Kongresista for 9 years plus ‘yung aking karanasan bilang local official. ‘Yun ‘yung maico-contribute ko sa Senado.

    ELY SALUDAR: Opo. At siyempre, ngayong Marso kinilalang Women’s Month. At noong kayo po ay nasa Kongreso ay kayo po ‘yung kaisa-isang lalaki na nagsulong ng Expanded Maternity Leave Law. Bakit importante po para sa inyo ‘to?

    TEDDY BAGUILAT: Bagamat wala akong asawa, pero noong Mayor ako tsaka noong Governor, marami talaga akong nakakausap na mga nanay na ang problema nga nila pag manganganak sila ay, dahil na rin sa kahirapan, hindi na talaga maalagaan ‘yung kanilang mga anak kasi kinakailangan bumalik sa opisina o ‘di kaya bumalik sa trabaho. That’s why noong naging Congressman ako talagang isinulong ko ito. In fact, ang alam ko dapat 6 months eh, 6 months sana ‘yung talagang ideal pero siyempre hindi pa kaya. At least nailaban natin is 105 days. Kung sa akin lang, 6 months. Kasi ang isang importante dito, Ely, ‘yung breastfeeding.

    ELY SALUDAR: Opo.

    TEDDY BAGUILAT: Siyempre ‘pag pumunta ka sa opisina, unless sana meron tayo talagang mga breastfeeding spaces.

    Batas naman ‘yan eh. Pero, ‘yun nga, maraming mga opisina ang walang ganoon. So, sa akin, naisip ko talaga na maganda ‘yung maternity leave na pahabain kasi at least nabibigyan talaga ng breastfeeding ang mga anak. Kasi importante ‘yun eh, sa kalusugan at tsaka sa nutrisyon ng bata.

    ELY SALUDAR: Tama, opo.

    TEDDY BAGUILAT: So, ‘yun rin, the law is also about promoting ‘yung breastfeeding. And, in fact, gusto ko rin sana later isulong ‘yung Expanded Paternity Leave. Kailangan rin naman ng mga tatay na mag-leave para alagaan ‘yung asawa nila at tsaka siyempre ‘yung anak din.

    ELY SALUDAR: Opo. Okay, ano ho ba itong apat na “K” na gusto niyo pong ilaban sa Senado?

    TEDDY BAGUILAT: Kultura, siyempre. Huwag natin kalimutan ‘yung kultura ng Pilipino. Kasama na diyan ‘yung pagturo ng cultural values natin, positive cultural values.

    Pangalawa, ‘yung kabuhayan. Particularly sa agrikultura at tsaka turismo. Kasi ‘yun rin ‘yung ginamit namin na stratehiya noong ako ay naging Governor at naialis namin ‘yung Ifugao sa list of 10 poorest provinces in the Philippines. It’s really on agriculture and tourism.

    And then, third is Kalikasan. Lalung-lalo na itong issue ng climate change. Pag-protekta ng naiiwan natin na mga kagubatan at tsaka samut-saring buhay o biodiversity.

    Lastly, is ‘yung Karapatan. Hindi lang karapatan ng katutubo, kundi karapatan ng mga nasa laylayan, mga naaapi, whether senior citizens, persons with disabilities (PWDs), mga bata, o yung LGBTQ community. So, ‘yun in summary. ‘Yun po ‘yung apat na K’s na bahagi ng aking plataporma.

    ELY SALUDAR: Okay. So, pero may isang pumapalag na kandidato na huwag daw gamitin ‘yung terminong “laylayan” sa mga mahihirap, insulto [daw]. Ano kaya—

    TEDDY BAGUILAT: Ah, okay.

    ELY SALUDAR: Pero, ano kayang ano roon—kasi talagang ganoon naman eh, ‘di ba, laylayan ng lipunan eh. Minsan napag-iiwanan ka—

    TEDDY BAGUILAT: Yeah. Well, siguro, laylayan man, o ‘yung poorest of the poor, o ‘yung marginalized—

    ELY SALUDAR: Parang parehas din ‘yun eh.

    TEDDY BAGUILAT: Sa akin siguro, ‘yung kadalasan na walang boses—

    ELY SALUDAR: Yes. Dehado.

    TEDDY BAGUILAT: Dehado, nasa sa iyo na ‘yun. Alam naman natin ‘yung ibig sabihin natin, ‘yung gusto nating sabihin.

    ELY SALUDAR: Opo. So, ‘yun ho ano. Pero kanya-kanyang termino. [Kay] VP Leni noon pa, noong kumakandidato pang Bise Presidente, talagang ‘yun ang ginagamit niyang termino, laylayan, Tama naman, laylayan ng lipunan kasi kinakailangang i-angat mo eh. ‘Di ba? Kumbaga nasa laylayan, nasa bingit na pwedeng talagang napag-iiwanan. Eh ‘yun ‘yung dapat. Pero, Cong. Ted, dahil sa ngayon, marami ang ano ‘no, ako napapansin ko rin, nagmo-monitor, sumasama rin ako sa coverage, sa mga aktibidad ni VP Leni, parang papatagal ng papatagal parami ng parami ‘yung mga dumadalo sa mga People’s Rally. ‘Di ba nagsimula sa may Quezon City, 20,000. Tapos nagpunta sa Cavite, Bulacan. Tapos, ‘yung pinakahuli sa Cebu, Biyernes. 70,000 mahigit.

    TEDDY BAGUILAT: Bacolod

    ELY SALUDAR: Sa Bacolod pala. Cebu muna, tapos Bacolod. So, ano ho ba ang nakikita niyo rito at bakit paparami ng paparami. Samantalang ‘yung ibang rally ng kandidato papakaunti ng papakaunti? Hehehe

    TEDDY BAGUILAT: Inuulan, kaya napo-postpone. Grabe, grabe talaga. Ako feeling ko nasa atin ang momentum ngayon. Hindi lang siguro ‘yung bilang ng tao. Though ngayon may paligsahan na eh. Sinimulan ‘yan ng Quezon City tapos Iloilo, 40,000. Hinamon ng Bacolod, hihigitan pa nila. Kaso lang biglang lumabas ang 45,000 ng Bulacan, tapos 47,000 sa Cavite. So, ngayon sabi ng Bacolod, hihigitan natin lahat ‘yan, ayun naging 70,000. Kaya ‘yung mga Pasigueños, naghahanda na rin. Sabi nila 100,000 daw. But sa akin, hindi lang ‘yung bilang pero ‘yung energy ng tao. ‘Yun ‘yung talagang nakakatindig-balahibo. Hindi pa nagsisimula ‘yung programa andoon na sila, nagkumpulan na doon. Tapos, grabe ang ingay na nila. And then magmula doon sa first part ng program hanggang magsalita si Leni, hindi bumababa ‘yung energy level, talagang humihiyaw sila. Maraming naiiyak actually, naiiyak during the program. So, ‘yung passion talaga, tsaka ‘yung enerhiya ng crowd talagang I think infectious siya eh, nakakabigay ng momentum para sa Leni-Kiko campaign. Marami doon tuloy sa mga kababayan natin, siyempre lalung-lalo na ‘yung mga undecided, nae-enganyo kasi nakikita nila na grabe ‘yung support ng mga kakampinks. Lalung-lalo na ‘yung mga kabataan. I think half siguro, or even more than half ng crowd usually ay mga kabataan and many of them are first-time voters kaya ‘yun ‘yung nakakataba rin ng puso kasi at least ngayon ‘yung mga kabataan ay lumalabas na at iniisip nila ‘yung kanilang kinabuksan kaya sila lumalahok sa mga rallies.

    ELY SALUDAR: ‘Yung diyan nga sa Bacolod, ‘yung pinagdausan ay tinatawag na Paglaum. ‘Yun pala eh, sabi nga ni Gov. Lacson eh, ang kahulugan nito ay “hope.”

    TEDDY BAGUILAT: Hope, yeah. Pagasa.

    ELY SALUDAR: So, VP Leni is hope for the Philippines.

    TEDDY BAGUILAT: Totoo ‘yun, totoo ‘yun.

    ELY SALUDAR: Opo. So, sa ngayon talagang nakikita rin na, Cong. Ted na puro mga kabataan ‘yung mas malakas at ‘yung nakukuha na supporta ni VP Leni. Ano bang nakikita niyo rito at bakit puro kabataan ay talagang agresibo at ang sisipag na dumadalo dito po sa mga People’s Rally?

    TEDDY BAGUILAT: Simple lang eh. Kasi iniisip nila ‘yung kanilang kinabukasan. Dati kasi ‘yung mga kabataan, lalung-lalo na sa aming mga katutubo, respect for elders. So, sunud-sunuran lang sa mga kung anong sinabi ng mga magulang, sinabi ng mga elders. Pero ngayon, nahuhubog na ‘yung kanilang sariling kaisipan. In fact, baligtad eh. Sila na ‘yung nagkukumbinse sa kanilang mga magulang at mga lolo’t lola na tuminding para kay Leni. Maraming mga ganoong kwento. In fact, sa Isabela, sabi nga nila na bagamat karamihan daw ng mayors ay parang publicly sinasabi na doon sa kabila, pero ‘yung mga anak nila, na mas marami, ay lahat kay Leni. So, ‘yun. Nafi-feel mo na rin na ‘yung ating younger generation ngayon, sila ‘yung nagse-set ng tone para sa ating bansa. And many of them, vast majority ay kumikiling kay Leni kasi nakikita nila ang pag-asa ng kanilang kinabukasan kay Leni Robredo.

    ELY SALUDAR: Ang kagandahan nito, Cong. Ted, dahil sa ako matagal tagal na rin akong broadcaster, sa mga nakaraang eleksyon, ‘yung ibang mga kabataan tamad bumoto. Ayaw nila. Inaasa sa magulang, “bahala na kayo.” Talagang ‘yung pag nakita niyo, ‘di ba ‘yung populasyon, ‘yung mga registered voters na mga kabataan kakaunti. ‘Yung iba ayaw eh. Pero ngayon parang bakit naging interesado sila makilahok dito po sa eleksyon?

    TEDDY BAGUILAT: Yeah. ‘Yun nga ‘yung pag-aaral eh. Especially noong 2019. Marami sa mga university surveys ang taas nung mga Otso Diresto candidates. And yet, noong nagkaroon ng study after the election, marami din doon sa mga estudyante hindi pala rehistrado. Pero these days, I think even before the elections, ‘di ba may registration period? Grabe ‘yung mga kabataan. Pumipila sila madaling araw pa lang doon sa mga registration centers. Kaya nga tuloy-tuloy na ‘yun eh. Nag-register talaga sila kasi gusto nilang bumoto and then sila rin ‘yung mga nangunguna sa mga rallies ni Ma’am Leni kasi gusto talaga nila ipadama ‘yung support nila kay Leni Robredo. Grabe.

    ELY SALUDAR: Opo. Cong. Ted dito kasi, eto. Sunud sunod ‘no. ‘Di ba mula Quezon City tapos hanggang noong Biyernes sa Bacolod talagang napakaraming mga tao. Pero parang ‘yung timing naman nung paglalabas ng mga lumang survey. December 2021 pa, Marso na ho ngayon eh. So, may nakikita ho ba kayo rito na parang, ninenerbyos na ‘yung ibang kampo o papaano?

    TEDDY BAGUILAT: Oo, oo ganoon ‘yun. Even nga ‘yung pagbatikos nila doon sa mga sumama sa Cavite rally na bayaran daw. Talagang calculated ‘yan na talagang sirain ‘yung momentum ng Leni-Kiko campaign. So, ganoon usually. ‘Pag grabe ‘yung crowd, talagang napakalaking support kay Leni, bigla na lang maglalabas ‘yung kampo nila na supposedly tatarget-in ‘yung supporters ni Leni. Pero ‘di na nila mapipigil ito eh.

    ELY SALUDAR: Wala na, kasi ngayon, Cong. Ted, may mga alegasyon pa, naku may mga komunista parang gustong takutin ‘yung mga pumupunta sa rally.

    TEDDY BAGUILAT: Pero, ‘yun nga. Kasi sa totoo lang sa akin, ang malaking hamon was ‘yung kahapon sa Isabela. Because alam naman natin na ‘yung Iloilo, ‘yung Bacolod, these are the bailiwicks supposedly of Leni Robredo. So, expected naman, although talagang sobra rin ‘yung crowd. Pero ‘yung kagabi, Isabela ‘yan eh. Heartland of the north. The biggest province in Region II and yet ganoon karami ‘yung mga tao. So, ‘yun ang test talaga na ang Leni-Kiko campaign nasa kanya talaga ‘yung momentum. Kahit anong gawin nila, mag-spread man sila ng mga fake news, or mga old surveys o mga batikos na bayaran ay di na nila mapipigil ito.

    ELY SALUDAR: Kahapon nga merong text blast pa eh. Na kung saan ay parang iniu-ugnay pa kay Joma Sison si VP Leni na wala namang katotohanan eh.

    TEDDY BAGUILAT: Yeah, yeah nag-iisip na sila ng mga issues. Pero sa akin kasi, limang taon na binash at trinoll si Leni magmula nang maupo siya bilang Vice President. So, there was a point na talagang mababa ‘yung kanyang survey ratings dahil sa disinformation. Pero hanggang doon na ‘yun eh. Hanggang doon na ‘yun. Ngayon naman napag-uusapan na ‘yung kanyang ginawa, ‘yung tinatawag natin na resibo, kaya paangat na ‘yan. Kumbaga, narating na niya ‘yung pinakamababa dahil limang taon nga siyang kinulimbas sa tingin ko ‘di na bababa ‘yan. Aangat na ‘to.

    ELY SALUDAR: Okay, Cong. Teddy. Mamayang gabi pala kasama kayo sa 8th CNN Senatorial forum ngayong Linggo. So, ano pong aasahan ng ating mga kababayan at siguro imbitahan niyo po sila.

    TEDDY BAGUILAT: Yeah, pauwi na po akong Maynila tapos pagdating doon kampanya kaagad. [laughter] Meron tayong forum sa CNN na 8th Senatorial forum, pang-walo na kaming episode. I think andoon si Luke Espiritu so maganda, magkekwentuhan kami, magco-compare kami ng aming mga programa and plataporma. Sana mahusay na talagang makilala kami, ako na–kasi sa mga speeches 3 minutes lang pero ito sa Senatorial forum mapag-uusapan talaga yung aming mga kuro-kuro at saloobin tungkol sa mga mahahalagang issues o issues at usapin tungkol sa ating bansa. So, please join kayo, manood sa Senatorial forum mamayang gabi at 7pm sa CNN.

    ELY SALUDAR: Okay, Cong. Teddy. Huli na lang po. At itong tanong ko siguro para sa kaalaman din ng ating mga kababayan lalo na po ‘yung mga botante. Bakit ho kayo dapat i-boto sa Senado?

    TEDDY BAGUILAT: Sa tingin ko kinakailangan naman natin ng isang progresibong mambabatas. Kasi lagi kong sinasabi na ‘yung mga problema natin–kahirapan, katiwalian–matagal na ‘yan eh. Kaso lang ‘yung laging napo-propose ay mga band-aid solutions. Kinakailangan talaga natin ng isang progresibong mambabatas. Ako naman po, matagal na ako bilang isang public official, 9 years bilang legislator. Meron pong lente ng isang katutubo na malapit sa kalikasan, tsaka sa tingin ko rin kasi mahalagang sabihin ang kalikasan. So, subukan naman po niyo na ihalal at suportahan ang magiging kauna-unahang katutubo sa Senado.

    ELY SALUDAR: Opo. Okay, Congressman, Senator, magandang umaga at maraming salamat po sa inyong oras.

    TEDDY BAGUILAT: Maraming salamat rin, Ely. Sige, thank you very much. Mabuhay po kayong lahat.

    ELY SALUDAR: Good morning. Mga kasama, yan po si dating Congressman, dating Governor, dating Mayor, si Teddy Baguilat mga kababayan, isa po sa mga kandidatong senador sa ilalim po ng Tropang Leni-Kiko, mga kababayan. Nasa sa inyo ang pagkakataon, at hinimay po natin, tinanong po natin sa kanya lahat ng mga balakin niyang gagawin, kayo na ho ang huhugsa, mga kababayan.

    GREETINGS [43:53 to END]

    Posted in Transcripts on Mar 13, 2022