This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI Ep. 255

    BISErbisyong LENI Ep. 255

    [START 03:30]

    ELY SALUDAR: Magandang umaga, Pilipinas, Luzon, Visayas, at Mindanao. Isa na namang edisyon ng BISErbisyong Leni dito po sa RMN. At siyempre mga kasama, ngayon po'y araw ng Linggo, March 20, 2022. Magandang umaga. Ako pa rin ho ang inyong Radyo Man Ely Saludar. At siyempre, sa pangalan po ni Vice President Leni Robredo. At tayo po ay patuloy na tatalakay at siyempre 'yung kaniyang mga naging aktibidad sa nagdaang linggo, mga kababayan. At ngayon ay hindi pa rin po natin makakapiling ang ating Bise Presidente dahil sa bawal po siya eh 'no, siya po'y isang kandidato o kandidatong presidente para po sa May 9, 2022 elections, mga kababayan.

    At samantala ay bigyan po natin ng tunghay– tunghayan natin mga kababayan ito pong naging aktibidad ni VP Leni sa nagdaang linggo, mga kababayan. At siyempre, simulan natin noong Lunes.

    Lunes ay nagkaroon po ng press briefing at kasama po si Governor Daniel Fernando ng Bulacan, diyan po sa Barasoain Church sa Malolos. At alam niyo naman ho siguro dahil sa 'yun nga po ay pormal na pong inendorso ni Governor Daniel Fernando ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo bilang pangulo ng Republika ng Pilipinas, at ito po ay kaniyang susuportahan mga kababayan.

    So narinig ko nga 'yung binabanggit ni Governor Daniel Fernando na ito po ay kaniyang pansariling kapasiyahan at 'yan po ay talagang kaniyang pinag-aralan at kinonsulta sa taas. Ayun po ang naging desisyon ay kaniyang suportahan ang kandidatura ni VP Leni, mga kababayan. So 'yun po ang pinakamalaking balita noong Lunes sa mga naging aktibidad ni Vice President Leni Robredo.

    At matapos ho niyan mga kababayan ay di ba nagkaroon po siya – kinabukasan naman ay pagbisita – agad na nagtungo naman si VP Leni sa Mindanao mga kababayan. At Martes ay binisita po si Bishop Jose Colin Bagaforo at iba pang clergy members diyan po sa Barangay Balindog, Kidapawan City, North Cotabato. Ayun at pinuntahan rin po ng Bise Presidente ang North Cotabato Provincial Capitol diyan po sa North Cotabato Provincial Capitol, Matalam, North Cotabato. At gayun din 'yung pagbisita sa Kidapawan City Hall, sa Mayor's Office ng Kidapawan City Hall, sa Davao-Cotabato Road sa Kidapawan City, North Cotabato.

    At meron din po 'yung sa Tagubtob sa Kidapawan, North Cotabato multi-sectoral people's assembly naman. 'Yan po ay sa Kidapawan City Hall grounds. Bumisita rin si VP Leni diyan po sa Koronadal City Hall, General Paulino Santos Drive, sa Koronadal City, South Cotabato. At nakipagpulong din kay Vice Mayor Peter Miguel at Sangguniang Panlungsod. At siyempre 'yung isa po sa pinakamalaking event ay ito hong Koronadal People's Rally diyan po sa Rizal Park, Koronadal City, South Cotabato.

    At mga kababayan, binisita rin sa General Santos City Hall, bumisita rin si VP Leni at nagkaroon din po ng General Santos People's Rally sa Oval Plaza, General Santos City, South Cotabato. So 'yan po ang Martes na talaga namang naku, grabe ang dami pa rin hong tao mga kababayan, ano, diyan po sa pagbisita ni VP Leni sa Cotabato.

    At kinabukasan, Miyerkules ho mga kababayan, ay bumisita naman si VP Leni Robredo dito po sa Sultan Hajji Hassanal Bolkiah Grand Mosque. At 'yan mga kasama 'yung mosque ho 'yan ay nasa Tamontaka Bubong Road, Cotabato City, Maguindanao. At binisita rin po si Archbishop Angelito Lampon at iba pang clergy members diyan po sa Bishop's Palace, Sinsuat Avenue, Cotabato City, Maguindanao. Ang dami po 'no ng mga aktibidad ni VP Leni. At diyan din po 'no sa Cotabato-Maguindanao People's Rally, nagkaroon din po– isinagawa po 'yan sa Cotabato State University Oval, Cotabato City, Maguindanao.

    At ito rin ho makasaysayan 'yung pakikipagpulong ni Vice President Leni Robredo dito po sa Chief Minister Ahod Ebrahim at Cabinet members sa BARMM Compound, Cotabato City, Maguindanao. Bumisita rin sa Cotabato City Hall at gayun din dito po sa Masjid Dimaukom, Pink Mosque. Biruin niyo kulay pink 'yung mosque ho mga kababayan, 'no. At bumisita rin sa Tacurong City Hall si VP Leni at nagkaroon din po ng meet and greet with the Tacurong City supporters sa harapan po ng Tacurong City Hall diyan po sa Sultan Kudarat.

    At sa Sahaya Basilenyo, sa may ano naman– Basilan People's Rally sa Isabela City Park sa Isabela City, Basilan. 'Yun ho. Nandoon din po si VP Leni at nagsagawa rin kinabukasan– nagsagawa naman ng pagbisita sa Barangay Marang Marang, Malamawi Island, Isabela City, Basilan. At ito hong 2022 Basilan Women Executives and Legislators o BWEL Summit, Tabiawan Gymnasium, Barangay Tabiawan, Isabela City.

    At bumisita rin sa Sindangan Municipal Hall sa Zamboanga del Norte– Sindangan 'no, at Zamboanga del Norte People's Rally. Isinagawa po 'yan sa Cultural Center, Sindangan, Zamboanga del Norte. At nagkaroon din po ng siyempre sa Zamboanga del Norte– Sindangan People's Rally at 'yung blessing ho ng multi-sectoral town hall. 'Yung malakihan ho, 'yung Zamboanga People's Rally, diyan naman sa Climaco Freedom Park, Zamboanga City, Zamboanga del Sur, mga kababayan, na talaga namang naku napakarami hong mga tao at pormal na ring inendorso ni Mayor Beng Climaco ang kandidatura ni VP Leni bilang pangulo ng Republika ng Pilipinas, mga kababayan. Talagang napakarami ho.

    At diyan din po ay kinabukasan, Friday ay nagtungo din sa Pagadian Multi-sectoral People's Assembly si VP Leni at sa Plaza Luz, Pagadian City, Zamboanga del Sur, mga kababayan. So 'yan po ang mga naging aktibidad ni VP Leni at partikular 'yung pagtungo po niya sa Mindanao, mga kababayan. Talaga namang nagkulay sibuyas na naman ang mga lugar diyan po sa Mindanao.

    At siyempre talagang marami na rin po di ba ang napuntahan ang Bise Presidente diyan po sa Kabisayaan at maging dito po sa Metro Manila.

    Maayong buntag po 'no sa mga nakikinig diyan po sa ating mga kababayan sa DYHP Cebu, siyempre mula po dito sa DZXL Manila, tayo po ay napapakinggan sa DYHP Cebu, sa RMN DXCC Cagayan de Oro. Diyan po 'yung sa Cagayan de Oro mga kababayan 'yung dalawang kilalang politiko ho diyan si Deputy Speaker Rufus Rodriguez at si Mayor Oscar Moreno, hindi sila magka-alyado pero sila po ay nagkaisa na suportahan ito pong kandidatura ni VP Leni. At diyan po sa RMN DXDC Davao good morning, maayong buntag. Tayo po ay napapakinggan ngayon diyan RMN DWNX Naga at sa lahat po ng ating inaabot ng broadcast nationwide, netwide mga kababayan.

    So good morning at siyempre siguro napanood niyo naman kagabi dito 'no 'yung mga– napanood niyo rin at napakinggan ito hong unang presidential debate ng Commission on Elections, mga kababayan, na ginanap diyan po sa Sofitel. At dinaluhan po ng siyam mula po sa sampung kandidato, mga kababayan, ay siyam po ang dumalo dito po sa presidential debate na inorganisa po ng Commission on Elections, mga kababayan. At isa po sa mga tumatak na binanggit po ni VP Leni kagabi – pinanood ko po ‘yan mula sa umpisa hanggang sa matapos – ay ang sinasabi niya na the best man for the job is a woman. Aba! Ayan ho, mga kababayan, ang ganda ho. Ngayon may mga lumalabas na na maganda hong litrato. Kita niyo ‘yung sa bandang paanan, lahat ho ‘di ba nakasapatos at tanging babae lang po, ano. Talagang makikita na very powerful, ano, ‘yung litratong ‘yan, mga kababayan.

    Mamaya ha, ‘yung mga taga-Pasig, antabay ho kayo diyan. Nako, ang daming gigil na gigil ho, mga kababayan, at nag-aabang. Parang ang nangyayari ho ngayon, mga kababayan, sa lahat ng lugar ay parang nagpapasiklaban ho ang mga ito, ‘di ba? Kapag may isang lugar na naku, napakaraming tao ang pumunta, ayon, eh, “hindi, aanuhin namin ‘yan, lalampasan namin ‘yan. Lalampasan namin ‘yung bilang ng mga dumalo sa rally.” So nagiging paligsahan, mga kababayan. At siyempre, alam niyo ho talagang makikita niyo ho, ako sa tagal na nagko-cover ako sa mga eleksyon, mga kababayan, ngayon ko lang po nakita ho at nasasaksihan na talaga hong ‘yung mga bata, talagang napaka-agresibo at ang sisipag ho, mga kababayan, ha. ‘Yan ho mga boluntaryo ho ‘yan, ha. Abutan mo ng sobre ‘yan baka punitin sa harap mo yan, mga kababayan. Talagang grabe ho ‘yung mga kabataan, mga kababayan. So, kakaiba ho ito sa mga nakaraan kasi ‘yung mga nako-coveran ko na eleksyon, puro ‘yung mga senior citizens. ‘Yung mga magulang ho ang talagang bumoboto lagi. ‘Yung mga kabataan, iba hindi nakikipag-participate. Hindi lumalahok, eh. Tinatamad. Pero ngayon, kakaiba ho, mga kababayan, ha. So mukhang ngayon pong 2022 elections, ang mga kabataan ang guguhit ng kasaysayan, mga kasama.

    [OBB 14:56-15:05]

    ISTORYA NG PAG-ASA SEGMENT

    Oras na ho natin, mga kasama, sa buong kapuluan, alas nuwebe bente tres na ho ng umaga at siyempre bahagi pa rin ng BISErbisyong LENI dito po sa RMN ay siyempre, ‘yung Istorya ng Pag-asa. At ‘di ba, sunod-sunod po ‘yung ginagawa nating pakikipagpanayam sa mga kandidatong senador sa Tropang Leni-Kiko, mga kababayan. At muli, makakasama po natin ngayon si Senator Risa Hontiveros at talaga namang alam niyo ho, ang dami ho nito na mga isinusulong na mga panukalang batas at may mga naaprubahan na ho, mga kababayan, na may kinalaman siyempre sa public health, ‘yung karapatan ng mga kababaihan, at siyempre karapatan ho ng lahat, ano, ng pamilyang Pilipino. At sa kasalukuyan, siya po ang chairperson ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality. Okay, nasa linya na po natin via Zoom si Senator Risa Hontiveros. Senator, good morning po sa inyo.

    SEN. RISA HONTIVEROS: Good morning po, Radyoman Ely, at sa lahat po ng ating mga tagapanood at tagapakinig sa BISErbisyong Leni dito sa RMN.

    ELY: Opo. At siyempre ngayon Marso 20 pa rin ho at pahabol, Women’s Month at kagabi, nakapanood ho ba kayo ng debate, Senator, kagabi?

    SEN. RISA HONTIVEROS: Nako, unfortunately nasa trabaho pa ako noon, radyoman Ely, pero siyempre tulad ng buong Tropang Angat ay kasama ‘yung good vibes namin at ni Sen. Kiko para kay VP Leni sa kaniyang muling – at paulit-ulit – na pagharap sa ating publiko sa mga debate.

    ELY: Ang hindi ko makalimutan kasi ‘yung papatapos na, ‘yung binanggit ni VP, “the best man for the job is a woman.”

    SEN. RISA HONTIVEROS: Oh, ‘di ba! [chuckles] Ang galing, eh, at totoo.

    ELY: So kayo po bilang isang babaeng mambabatas at naku, eh kayo maraming naisulong ho diyan, ano hong masasabi niyo sa naging pahayag ho muna ni VP Leni? Kasi talagang sampung kandidato, siya lang po nag-iisang babae.

    SEN. RISA HONTIVEROS: Kaya nga, eh. Kaya nga visually at saka sa kaniyang pananalita at sa kaniyang track record at plataporma, Radyoman Ely, eh talagang hindi lang propaganda. Talagang totoong-totoo ang sinabi ni VP Leni muli kagabi at punong-puno siya ng mga resibo para sabihin iyan. At kaniya rin ang plataporma na habang ina-unveil niya sa ating publiko ay talagang napapatunayang may kongkretong plano, may puso, ano, at saka may paninindigan para iahon talaga ang ating lipunan mula sa pandemya, mula sa resesyon, at mula rin sa iba’t iba pa nating hamon sa ating demokrasya.

    ELY: Opo. Okay, at siyempre Marso nga po at bilang Women’s Month, Senator, kayo po kilalang-kilala sa inyong adbokasiya sa mga karapatan po ng mga kababaihan. Sa inyo pong unang termino pa lang ay talagang naisabatas niyo na ‘yung Expanded Maternity Leave Law. So, para po sa kaalaman ng ating mga listeners nationwide, eh paki-explain niyo po ito at baka—‘yung iba nakikinabang na po rito eh hindi niyo alam na kayo po ay pangunahing may-akda nito.

    SEN. RISA HONTIVEROS: Opo, Radyoman Ely. Nakakatuwa nga hanggang sa ngayon, ‘yan ‘yung happy law na tuloy-tuloy nagmemensahe ‘yung mga kabaro ko, kapwa kababaihan. Kaya Happy Women’s Month po sa inyong lahat at Happy Women’s Month, VP Leni. At mga lalaki rin, mga asawa nila o partner, nagme-message pa rin na napakinabangan talaga nila. Na hindi na lang 60 days kundi 105 days ang maternity leave ni nanay. At maraming kabaro ko nakapagpasa leave talaga ng hanggang pitong araw sa kaniyang asawa o partner, ano, sa tatay ni baby. Kaya katulad po ni VP Leni, pinagdiriwang ko talaga ang kasalukuyang buong buwan ng Marso na Women’s Month na ngayon naman, kasunod noong aking – o kaparte ng aking adbokasiyang healthy buhay at hanapbuhay – eh nagsusulong po ako ng good jobs agenda at partikular doon ‘yung good jobs for women. ‘Yung mga gagawin ko pa sana, Radyoman Ely, kung mapagbigyan ng Risa pang pagkakataon sa Senado ay ‘yung benefits for, lalo na ‘yung pregnant women and other workers in the informal sector. Tapos siyempre ‘yung balik trabahong ligtas na ligtas sa COVID-19 ‘yung mga workplaces na babalikan naming mga babae at ninyong mga lalaki at ligtas din po ‘yung public transportation na sasakyan pabalik doon.

    ‘Yung Marino Bill o Magna Carta of Seafarers kasi lingid siguro sa kaalaman ng iba, Radyoman Ely, marami rin po akong mga kabaro na babae na mga marino din, seafarers at para naman sa mga senior citizens natin siyempre, ‘yung pagdoble ng universal social pension ng senior citizens kasama po ‘yung ating mga lola. ‘Yan po, Radyoman Ely, kasunod sana on top of ‘yung mga naipasa nang mga batas para sa mga kababaihan bukod doon sa pinaguusapan nating landmark Expanded Maternity Leave Law eh pirma na lang ng presidente, magiging batas na rin po ‘yung Expanded Solo Parents’ Welfare Bill. Tapos ‘yung bagong bago po namin ngayon, Radyoman Ely, raising ‘yung age of consent mula sa dating 12 lang hanggang 16. So dagdag proteksyon laban sa statutory rape para sa ating mga bata, kasama na po ‘yung mga batang babae. ‘Yung Bawal Bastos Law, ano, ‘yung Safe Streets and Public Spaces Act at ‘yun ding Mental Health Law. Tatlo po ‘yung laman ng Good Jobs Agenda para sa mga kababaihan. ‘Yan po ay skills upgrading, mentorship para maging manager din, at saka public incentives para sa good jobs for women and men. And last but not the least po doon sa Good Jobs for Women, ‘yung pagpapagaan po sa dinadalang multitask naming mga kababaihan bilang primary caregiver pa rin po hanggang ngayon sa ating mga tahanan at sa ating mga komunidad.

    ELY: Opo. Senator, paki-explain nga po itong Expanded Solo Parents’ Welfare Act.

    SEN. RISA HONTIVEROS: Opo, okay, Radyoman Ely. Happy po talaga ito. Pag napirmahan na ng Presidente, ang mabibigyan na ng daan ang dagdag na benepisyo nitong batas ay P1,000 subsidy bawat buwan sa mga solo parents na minimum wage earner pababa. Plus 10 percent discount sa gamot sa mga solo parents na P250,000 a year ang kinikita pababa, at anim na taong gulang ang anak, pabata. Tapos automatic PhilHealth coverage para sa bawat solo parent, plus scholarships po sa DepEd, CHED, at TESDA para sa mga anak namin – namin talaga, Radyoman Ely dahil solo mom din ako – at para sa qualified solo parents din 'yung scholarships na 'yun.

    Plus, priority sa government housing program, plus, PLUS! Ika nga, "But wait, there's more!" gaya ng sinasabi ng mga bata. Dati po kasi, Radyoman Ely, kaming mga solo parents ay puwedeng mag-claim ng benepisyo hanggang 18 years old 'yung aming mga anak. Pero kasunod ng pag-pasa natin ng K-12 Law, dito sa bagong batas ay mapapakinabangan 'yung mga benepisyong iyon hanggang 22 taong gulang ang aming anak.

    ELY SALUDAR: Opo. Okay, so siguro naman ay hindi naman ive-veto 'yan ng pangulo dahil sa napakarami pong makikinabang dito. At siyempre, maganda ho, talagang dito sa atin, talagang dapat may batas para maipatutupad ho at makatulong po sa ating mga kababayan.

    At siyempre, bukod ho diyan sa mga nakasalang na iyan, andami niyo na mga naisulong di ba? 'Yung sa Philippine Mental Health Law, di ba? At ano daw ho ba nangyari dito, Senator, 'yung sa Universal Healthcare Law?

    RISA HONTIVEROS: Ah, 'yun pa rin, Radyoman Ely, ang ating magna carta, parang nanay ng lahat ng mga batas pangkalusugan. Kumbaga, bibliya natin papunta sa Universal Health Care.

    Naipasa po ito actually a few years bago tumama 'yung pandemya. So, batay sa template ng World Health Organization, anim na haligi ng UHC system para sa Pilipinas. Kahit pa nga, Radyoman Ely, noong bumanat 'yung pandemya, naisip ko na "Ok magiging terible ito, Pero at least ito na 'yung litmus test para sa pagpapatupad ng Universal Health Care law.

    Unfortunately, hindi tayo pa naging ganoong kagaling sa ating pandemic response, kahit gamit itong batas. Pero moving forward, Radyoman Ely, patungo doon sa inaasahan nating new and better health normal, wala na po tayong kailangang gabay kung hindi itong Universal Health Care Law. So in terms of 'yung pagtatatag ng ating service delivery network, o ibig sabihin lahat noong barangay health station at rural health unit, pataas sa tertiary hospitals, tapos 'yung haligi ng health human resources so 'yung ating healthcare workers, frontliners, bayani– hay naku. At patuloy nating ayusin 'yung pagsuporta sa kanila dahil sila 'yung nagliligtas sa ating buhay at nag-aalaga sa ating kalusugan.

    'Yung health promotion or 'yung pagtuturo, lalo na ng Department of Health, sa ating mga kababayan ng mga health-seeking behaviors at kaalaman tungkol sa kalusugan. 'Yung health financing and insurance, na dito po sa Pilipinas ay PhilHealth na dapat patuloy lutasin 'yung mga problema doon. Ituloy 'yung mga doon, ituloy 'yung mga repormang tagal nang ginagawa 'yan. Linisin din ang korapsyon diyan, ano po. And dalawa pang haligi.

    So ito po ay napakahalagang – hindi ko kayang i-overstate po iyon – napaka-importanteng batas. Gabayan ang ating populasyon na maging mas malusog, gumaling ng mas maigi sa anumang sakit, at gabay din po para maging matatag moving forward ang ating universal healthcare system.

    ELY SALUDAR: Okay. So, maraming nagtatanong, nagtetext dito po sa Universal Healthcare Law. Eh parang talaga ang naging problema, ma'am, ano, 'yung sa pondo talaga ano?

    RISA HONTIVEROS: Yes po. Well, pero ito sinasabi din po sa UHC law, bukod sa source na sin taxes mula sa gobyerno na inilalaan sa UHC system, at particular sa Philhealth, eh taon-taon naman nag-aappropriate kami sa Kongreso niyang General Appropriations Act o GAA, 'yung national budget, para pondohan ng sapat at maayos 'yung ating pagkakagastusan para sa kalusugan dito sa ating lipunan.

    At alam niyo, Radyoman Ely, ano, dagdag doon sa kumbaga main act na iyon ng pagtatatag ng UHC system sa ilalim ng Department of Health, sa panig ko po, Radyoman Eli, nakapag-lunsad din, nakaraang taon pa, kalagitnaan, kasagsagan ng pandemiya, ng direct service na Healthy Pinas mobile clinic. Alam niyo, nakadalaw na po 'yan sa mga limang daang munisipyo at siyudad dito sa ating bansa.

    At nakapag-dalaw na po at lingkod sa higit dalawang daang libong mga kababayan natin. Naghatid po ng libreng ECG, X-ray, ultrasound, blood chem, at saka konsultasyon sa doktor. At talaga, ang pangarap ko diyan sa mobile clinic na 'yan, Radyoman Ely, kung makapag-trabaho ako muli sa Senado, kahit tapos na ang pandemiya ay ituloy po iyan. Dahil habang itinatatag natin ang UHC system ay kahit papaano pandagdag serbisyo 'yung ganyang mga mobile clinic. Bukod pa po siyempre sa ating mga relief missions tuwing may natural disaster dito po sa ating bansa.

    ELY SALUDAR: Opo, talagang 'yan po ang ano, inaantabayanan ng ating mga kababayan. Talagang 'yan, inaasam-asam ng lahat. Na 'yung basic, ano, 'yung pangunahing serbisyo pangkalusugan eh sana maibigay po sa mga Pilipino. Kasi kapag malusog ang mga Pilipino, mas lalo tayong magiging produktibo.

    RISA HONTIVEROS: Ay opo, Radyoman Eli. Kapag lusog tayo, pagiging higit na mahusay na estudyante 'yung ating mga anak, magiging higit na produktibong empleyadong manggagawa entrepreneurs tayong lahat sa ating labor sector, magiging higit din pala, dahil kung matinong mamamayan at aktibong mamamayan tayo, kalusugan po talaga ang isang pundasyon ng lahat ng iyan.

    ELY SALUDAR: At siyempre, ang kasabihan na prevention is better than cure. Siguro mas maganda, ma'am, na 'yung mga bata palang o ano, talagang hini na hantayin na magkasakit para gamutin natin?

    RISA HONTIVEROS: 'Yan po 'yung health-seeking behavior at yan din po 'yung oryentasyon ng UHC system, actually – primary health care. Mula sa unang sandali ng pagkapanganak ay dapat alagaan ang kalusugan ni baby sa buong life cycles natin, hanggang pag senior citizen. Active aging po ang tawag ng health advocates po diyan, Radyoman Ely. At kung – huwag naman sana – pero kahit sa kabila ng ating mga pagsusumikap manatili at paunlarin ang ating kalusugan, kung magkasakit man, hanggat maaga pa, di ba, makapag-konsulta sa doktor, ma-diagnose iyan, at magamot hangga't maaga pa para hindi lalong lumala. Mababawasan ang pagdurusa ng tao sa ganyang pamamaraan. Mababawasan pati, makapag-tipid ang gobyerno sa gastos pangkalusugan na hindi na natin intaying umabot pa sa matinding sakit, mas lalong magastos po sa ating health system kung ganoong pababayaan.

    ELY SALUDAR: Kaya nga ang sinasabi, napakahirap magkasakit lalo na kung wala kang pera.

    RISA HONTIVEROS: Hay naku, talaga po. Napakasakit. Kung may kaunting ipon man, kunyari sa mga middle-class families, puwedeng ma-wipe out 'yun magkasakit lang ang isang miyembro. At lalo na sa ating mga kababayang mahihirap, napakahirap lalong magkasakit.

    ELY SALUDAR: Senator, ang natatandaan ko, isinusulong niyo rin 'yung free dialysis sa mga senior citizen?

    RISA HONTIVEROS: Yes, Radyoman Ely. Naku, at salamat sa ating mga dialysis patients organizations sa pagpa-partner sa amin dihyan. Mula sa orig, Radyoman Ely, na 45 sessions lang ay kino-cover ng Philhealth, Noong– years ago, no, 2014 - 2015, nakapagsilbi ako sa board ng Philhealth ng labing isang buwan – nadoble namin noon sa 90 sessions ang covered ng Philhealth.

    Ang mas maganda, ngayon, Radyoman Ely, sa gitna ng pandemiya ay naisulong po natin natin na 144 free dialysis sessions ang covered ng Philhealth. Nasimulan po namin 'yun ng 2020, at nag-advocate, nag-lobby sa Philhealth, salamat sa kanila pumayag sila. In-extend po iyon hanggang ngayon 2021, Radyoman Ely, adbokasiya pa rin, maisabatas na, nakapaghain po ako ng panukala diyan. 144 free dialysis sessions every year, at least simulan muna sa ating mga senior citizens and then palawakin pa natin. Kasi sabi nga po ng mga dialysis patients organizations, actually sa buong taon,156 ang sessions. So kumbaga, isang tumbling na lang, dagdagan nalang natin ng isang dosenang session para covered na po natin ang lahat ng dialysis sessions na kailangan ng ating mga kababayan. Aba, hindi lang 'yun pampahaba ng buhay nila, 'yan po ay pampataas ng kalidad ng kanilang buhay.

    ELY SALUDAR: So Senator, magkano ho ba ang ano, 'yung computation po dito sa ano, 'yung kinakailangan sa Universal Healthcare Law? Magkano ang budget? Estimate lang po, estimate.

    RISA HONTIVEROS: Oh, well, I'll get back to you on that, Radyoman Ely, dahil taon-taon, medyo siyempre tumataas 'yung gastos niyan. Pero dumadami din naman 'yung ating populasyon, dumadami 'yung pumapasok sa labor sector, so dumadami tayong nagbabayad, nagko-contribute buwan-buwan para sa ating Philhealth coverage. Pooling of risk yan eh. Siyempre ang karamihan sa atin ay malusog, knock on wood. Pero nakaka-pool tayo sa pamamagitan ng kontribusyon natin at kontribusyon din ng gobyerno, kontribusyon pati ng ating mga employers, ay kapag ka may ilan tayong mga kababayang nagkakasakit 'yun ang pangsalo sa kanila. So tumataas man taon-taon ang kailangan nating gastusin para sa kalusugan, and I will get back to you on that pa sa [crosstalk] magiging proposal

    KA ELY: Pero senator pwede na ho ba diyan mga 200 Billion? Okay na ho yan?

    SEN. RISA HONTIVEROS: Ano po?

    KA ELY: Mga 200 Billion na budget pwede na ho ba diyan?

    SEN. RISA HONTIVEROS: Magiging... baka maliit pa yun [crosstalk]

    KA ELY: 200...

    SEN. RISA HONTIVEROS: Radyoman Ely opo kasi umaabot na sa trillion 'yung ating mga budget ng gobyerno taon-taon so [crosstalk]

    KA ELY: Hindi po 'yung sa...

    SEN. RISA HONTIVEROS: Parang maliit na porsyento pa lang yan. Maaaring mas mataas pa. Kung tama ang naalala ko, ang recommendation po ng WHO taon-taon ay 5.6 percent – kailangan ko i-double check – 5.6 percent man lang ng budget taon-taon ay gastusin– palagay ko 'yung 200B ay hindi pa nga umaabot sa ganyan. So afford po natin at sulit po, sobrang sulit. Itaas po natin ang gagastusin para sa kalusugan taon-taon.

    In fact, the past two years ng pandemiya talagang tumutulak kami 'yung orig na panukala ng DBM para sa DOH ay nandun lang sya sa fifth or fourth top priority. Sabi ko noon at buti naman nagkaisa kami sa Kongreso, itinaas namin. Sabi ko pandemiya dapat kung hindi lang dahil sinabi sa Constitution, dapat ang edukasyon ang top budgetary priority, dapat pangalawa man lang, pangatlo at the least ang kalusugan. Nagawa naman po namin 'yun nitong nakaraang dalawang taon Radyoman Ely itaas sa third top priority man lang.

    KA ELY: Kasi kung namomroblema no 'yung mga economic managers ng Pangulo, merong 203 Billion na Estate tax na sinisingil... [laughter]

    SEN. RISA HONTIVEROS: Ay naku yes, naku Radyoman Ely yang estate o excise?

    KA ELY: 'Yung estate tax

    SEN. RISA HONTIVEROS: Ay estate tax, ay naku [crosstalk]

    KA ELY: 'Yung hindi pa binabayaran 'yung utang tagal na [laughter]

    SEN. RISA HONTIVEROS: Matagal na po and 'yun naman ay utang na kayang bayaran dapat kung dapat magbayad dahil napakaliit naman lang ng porsyento ng ating populasyon ay may estate na ipamamana kapag tayo ay namamatay na ipamamana sa mag tagapagmana and 'yung tax doon ay tama lamang dapat ibigay sa gobyerno precisely pampondo sa ating mga social protection programs lalong-lalo na itong kalusugan.

    KA ELY: Opo dun- sana magbayad na po yung may utang ng 203 billion [crosstalk] na estate tax.

    SEN. RISA HONTIVEROS: Ang laki talaga. Yes please.

    KA ELY: Kagabi nabanggit yan sa presidential debate, kasi kinakailangan natin ng pera dapat singilin na 'yung dapat singilin.

    SEN. RISA HONTIVEROS:: Opo.

    KA ELY: Baka matapos na ang eleksyon magkalimutan na naman tayo diyan. [laughter]

    SEN. RISA HONTIVEROS:Ay wag, di ba ang tayo nga mga indibidwal 'yung mga utang natin binabayaran natin lalo na 'yung dapat may malaking base naman para magbayad and nabanggit niyo rin lang 'yung excise tax at pumanting 'yung tenga ko dahil 'yun talaga 'yung isang kinasasakit ng ulo ng ating mga public transport drivers at operators ngayon pati 'yung mga batayang sektor natin sa kanayunan mangingisda at magsasaka at lahat po tayong mga consumers kasi sobrang sensitive ang presyo ng lahat ng produkto at lahat ng serbisyo sa presyo ng langis talaga at kaya [crosstalk] akala ko excise tax 'yung binanggit ninyo. [laughter]

    KA ELY: Hindi iba pa 'yun– 'yung estate tax 'yung utang ng ano.

    SEN. RISA HONTIVEROS: Inheritance opo.

    KA ELY: –ng mga Marcos 'yun.

    SEN. RISA HONTIVEROS: Oh! ay naku di ba iisang mamamayan lang, iisang pamilya lang ay may ganoon kalaking pagkakautang. So mas lalong tamang dapat bayaran kasi 'yun ngang may mas maliliit na estate tax ay dapat magbayad edi lalo na 'yung may pinakamalaking pagkakautang. [crosstalk]

    KA ELY: At saka ano yan importante yan ngayon lalo na nangangailangan tayo ng pera. Ang tagal nang hindi binabayaran ano kaya nababanggit ko ito dahil sa marami tayong dapat na pagkagastusan opo.

    SEN. RISA HONTIVEROS: Correct! agree, agree.

    KA ELY: Yes at syempre kung 'yung binabanggit niyo madame senator kung 'yung mga maliliit talagang nagbabayad. [crosstalk]

    SEN. RISA HONTIVEROS: Yes grabe.

    KA ELY: Dapat 'yung mga malalaking tao nagbabayad din lalo.

    SEN. RISA HONTIVEROS: Simpleng produktong binibili tingi-tingi ng mahihirap nating kababayan sa sari-sari store may tax 'yun, may VAT 'yun, otomatiko, tapos 'yung mga sweldo natin buwan-buwan talagang may awas na 'yun para din sa ating income tax. So 'yung mga may malalaking pagmamay-ari and therefore malaking buwis na obligasyon sa gobyerno ay talagang dapat magbayad di ba, fair lang sa lahat.

    KA ELY: Pero kayo senator linawin ko na kayo po ay pabor na suspendihin muna pansamantala itong excise tax sa produktong petrolyo?

    SEN. RISA HONTIVEROS: Definitely, Radyoman Ely. And in fact, yan 'yung issue kung bakit ako bumoto ng "no" sa Train Law noon. Siguro na-foresee na natin na magkakaroon ng posibleng ganitong mga sitwasyon na, halimbawa, may geopolitical event hindi man natin kontroladong lusubin ni Putin ang Ukraine, dapat naman may policy at program levers na may mandato ang gobyerno natin gamitin para bawasan ang dagok sa mamamayan. So itong pagsuspinde ng excise tax, napakarisonableng proposal kahit pansamantala, kahit habang may Ukraine crisis at kahit habang may pandemiya at resisyon pa. Pampagaan man lang ng pasanin ng ating mga kababayan, ano po.

    KA ELY: Opo. Okay so Senator maliban po dito at s iba pang mga isyu natin, paano niyo ho tinutugunan 'yung mga problema na dala po ng pandemiya para mapagaan pa no 'yung pasanin ng kababaihan at pamilyang Pilipino. Ano pa ho 'yung mga dagdag ho rito?

    SEN. RISA HONTIVEROS: Well Radyoman Ely at palagay ko 'yung isang importanteng larangan din ay nabanggit niyo na lang na halalan di ba parating na at ang ating mga guro ay magbabalikat na naman ng importanteng papel sa pagprotekta ng ating demokratikong proseso at saka resulta. Nakakagulat po noong isang araw, nabalitaan natin na pati ba naman 'yung honorarium ng ating mga gurong poll watcher, tataasan, iku-quadruple 'yung buwis doon. Noong 2019, five percent na po iyon, balak na pong gawing twenty percent ngayong 2022. Naku po Radyoman Ely hinihimok ko po ang BIR at ang Comelec at ako po'y susulat sa kanila, huwag namang magpataw ng mas mataas na withholding tax kasi naman po huwag nilang ipipilit iyan na napaka wrong timing nitong balak nilang gawin napakalupit na tax increase sa kabila pa nga ng pagtaas na ng mga presyo ng mga lahat ng bilihin at serbisyo gawa nga ng excise tax pati sa langis. Huwag pong ipilit kapag nabawasan ng twenty percent na 'yung maliit na ngang ilang libong matatanggap ng ating mga guro eh ano naman 'yung matitira, ano na lang 'yung matitira sa kanila, ano po?

    KA ELY: Opo. Okay so 'yun nga po no at talagang ibabalanse. Maganda ho 'yung binanggit ni VP Leni kagabi no sa debate patungkol po sa mga teachers, at talaga namang parang marami pang trabahong administrabo, so parang nababawasan ‘yung kanilang pagtutok sa pagtuturo, ano,

    SEN. RISA HONTIVEROS: Yes, at kaya Radyoman Ely yan din ay tinututukan ni VP Leni at ng buong Tropang Angat kasama si Sen. Kiko, and talagang habang umiikot ako ay nakakausap ‘yung mga teachers kamakailan lamang sa Tagum, may nakapulong akong mga guro, mga DepEd district supervisors – ang daming isyu na nila – usapin ng pagtaas ng sweldo, pagtaas ng salary grade, ‘yung proseso ng promotions nila, pati nga po ‘yung budget para sa COVID supplies sa bawat classroom ng mga paaralan. Idagdag pa natin itong pagtaas ng buwis sa kanilang election duties.

    At talaga, tama po si VP Leni, ang dami na ngang mga issues sa education sector, pati po sa ating mga estudyante, maging sa mga guro nga, pati guidance counselors, kaya importante po kung pag-usapan ang edukasyon, yung apprenticeship programs ng ating mga graduating at tsaka fresh graduates, ‘yung pag-counsel din sa ating mga counselors, ‘yung pagsuporta sa ating mga guro at guidance counselors sa kanilang PhilHealth claims, bukod po sa psychological triage, ‘yung pag-isip po natin para sa mga kabataan natin na out-of-school na kasabay noong ating mga fresh graduates- unang batch po ng mga K to 12 graduates, Radyoman Ely, magtatapos ngayong Abril, susunod na buwan pero sabi po ng mga industriya at kumpanya, dalawang taon bago nila maa-absorb itong mga graduates natin ngayong taon pa lamang. Paano pa kaya ‘yung sa susunod na taon, and huwag po nating kalilimutan ang ating mga out-of-school youths na ma-engganyo din sa mga apprenticeship programs pati na po, Radyoman Ely, sa youth agripreneurship. May panukala po diyan dapat bigyan ‘yan ng malakas na tulak ngayong panahon na ng education crisis po talaga.

    KA ELY: Panghuli na lang po, Senator. ‘Yung dito sa Smartmatic leak, kasi maraming nag-aagam agam dito bagamat wala pa tayong naririnig na malinaw na paliwanag mula sa Comelec. Kayo po ano pong take niyo po rito?

    SEN. RISA HONTIVEROS: Well ang take ko po diyan, Radyoman Ely, ‘nung unang banggitin yan bago itong huling confirmation, sinabi po ng Comelec na wala naman pong ganoong problema sa data security breach, wala pa rin silang pagdududa doon sa inawardan nila ng kontrata diyan. Basta po, Radyoman Ely, habang palapit ang araw ng eleksyon, eh talagang siyempre nagiging top-of-mind yung vote protection. ‘Yan po ay matagal nang isinusulong, maging ng ating mga non-partisan election watchdog groups na ano ulit, naghahanda na proteksyunan ang boto ng lahat ng mga botante at pati po kaming mga kandidato at saka partido ay naghahanda rin. Actually po, Radyoman Ely, may magandang mga panukala si Justice Carpio tungkol diyan lalo na pagkatapos ang na-awardan din ng kontrata para sa logistics ay isang kumpanya na ang may-ari ay napakalapit kay Presidente. Anyway, sabi po ni Justice, pagdating daw po ng mga election supplies sa bawat presinto, i-check na everything is order tapos.mag-mobilize po tgalawang volunteer poll watchers bawat presinto. Hindi po masyadong malaking numero ‘yun, Radyoman Ely, kulang pa sa 200,000, eh sa dami lang ng mga mga volunteers both sa mga election watchdog groups at sa mga kampanya eh kayang kaya nating gawin ‘yun. Tapos talagang isagawa daw ang random manual audit pagkatapos ng eleksyon, at pagsara ng mga presinto, pagkatapos ng araw na ‘yun ng eleksyon, ay mag-screenshot ng mga election returns bago ibato sa Comelec Central para lang may virtual paper trail ang mga mamamayan.

    KA ELY: Okay ma’am at madam Senator, ang inyo pong mensahe para ating mga listeners na nakikinig po ngayong nationwide mula diyan sa Cebu, sa CDO, sa Davao CIty gayundin po sa Naga.

    SEN. RISA HONTIVEROS: Maayong buntag kaninyong tanan, marahay na aga po sa inyo gabos. Maraming salamat po, Radyoman Ely at sa lahat ng ating mga tagapanood at tagapakinig. Muli, ako po si Risa Hontiveros, numero treinta-y-kwatro sa balota, nagbabati po sa ating mga kabaro ng happy Women’s Month, at sa lahat ng mga kababayan at kapwa ko botante, pagtulung-tulungan po nating isulong ang healthy buhay at hanapbuhay bilang bahagi po ng pagsulong natin ng gobyernong tapat para angat-buhay lahat at hari nawa po mapagbigyan niyo rin po ako ng Risa pang pagkakataong makapaglingkod sa Senado. Marami pong salamat, Radyoman Ely, at lahat po ng mga kababayan. Ingat po kayo, stay healthy.

    KA ELY: Okay, maraming salamat po, Madam Senator. Good morning, ingat. Mga kababayan ‘yan po si Senator Risa Hontiveros mga kasama at napakinggan niyo napakarami pala nitong mga panukalang batas na mga isinusulong at marami rin hong napagtibay. ‘Yun ho mga kababayan at talaga namang ito’y makatutulong para po sa ating mga kababayan at sa sambayanang Pilipino.

    At samantala mga kasama… [birthday greetings]

    ELY: Mamaya raw mayroon sa ano po, sa Pasig. O sige. may advisory po at maya-maya may sinasabing may mga kalsada na sarado po diyan sa Pasig area. So ‘yung ating mga kababayan at tignan niyo na lang ho ‘yung bawat lugar, ano, at kayo ay maapektuhan. Sabagay Linggo ho naman ngayon, mga kababayan. Huwag na ho kayong maggagala sa area na ‘yan kung hindi po kayo pupunta diyan. Pero kung kayo po ay nais na makilahok ay okay po ‘yan, welcome po kayo diyan mga kababayan.

    [Greetings]

    ELY: So, maraming salamat po mga kababayan, sa atin pong mga listeners na nakikinig ho. At siyempre mula rito sa DZXL Manila, maayong buntag po diyan po sa RMN DYHP Cebu, sa RMN Cagayan de Oro, RMN Davao, at RMN Naga, mga kababayan. So, maraming salamat! At sa pangalan po ni Vice President Leni Robredo, ako pa rin ho ang inyong Radyoman Ely Saludar. Muli po, isang magandang umaga, Pilipinas.

    [END 50:31]

    Posted in Transcripts on Mar 20, 2022