This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong Leni Ep. 257

    BISErbisyong Leni Ep. 257


    [START]

    ELY SALUDAR: Magandang umaga Pilipinas! Luzon, Visayas at Mindanao! Isa na namang edisyon ng BISErbisyong Leni dito po sa RMN. At siyempre mga kasama, ngayon po ay araw ng Linggo, Abril 10, 2022. Sa ngalan po ni Vice President Leni Robredo, ako pa rin po ang inyong radyoman, Ely Saludar, siyempre tuloy-tuloy ho tayo sa ating mga balitaan. Malaman po natin 'yung mga aktibidad– naging aktibidad po ng ating busy presidente sa nagdaang Linggo at mai-detalye ho natin. Dahil sa– naku, napakarami, punong-puno po ang schedule ni VP Leni ngayong nagdaang Linggo. At siyempre nagpapatuloy po 'yung kanyang kampanya mga kababayan. Naku, talaga namang napakarami po ang nagpapakita ng suporta mula po sa ating mga kababayan, mga mamamayan at maging iba pang mga prominenteng politiko, mga kababayan, na talaga namang sila po ay sumusuporta na kay VP Leni at marahil siguro kanilang napagtanto at nasuri, mga kababayan, na talagang ito po 'yung tamang kandidato para sa bayan. So, kanya-kanya pong dahilan 'yan mga kababayan at talagang ganoon ho, dumadami ho nang dumadami, parami nang parami, at pinakahuli kagabi ano, ay sa Pampanga.

    So, umpisahan po natin 'yung nagdaang Linggo ni VP Leni Robredo mga kababayan. Siyempre una muna, Lunes. Lunes, Abril– so, noong Lunes ho ay wala po siyang public events, ito po ay private, pero noong Martes mga kababayan, nandito ho ako niyan ah at nag-cover po ako diyan. Unang-una muna, ay bumisita si VP Leni kay Bishop Francisco de Leon, diyan po sa Clergy Session Hall sa Regina Pacis Center, Diocese of Antipolo, Barangay Dela Paz, Antipolo CIty, Rizal. So, Martes ho 'yan, ay lalawigan ng Rizal 'yung binisita ni VP Leni at pagkatapos ho niyan, ay dumiretso diyan po sa Tanay, Tanay Park, Yujuico St., Tabing, Tanay, Rizal sa Tanay– 'yung Tanay Mini Rally na ginawa. Alam niyo, kakaiba ho ito ha, [inaudible]. Naku, ang lakas ho ng ulan. Ang lakas po ng ulan pero 'yung mga kababayan na dumalo diyan po sa Tanay Mini Rally ay hindi po natinag. Hindi inalintana ito hong malakas na ulan at sila pa rin po ay dumalo dito po sa Tanay Mini Rally at kanilang ipinakita, ipinaramdam kay VP Leni 'yung kanilang buong suporta diyan po sa idinaos na Tanay Mini Rally sa Tanay Park, mga kababayan.

    At pagkatapos po niyan ay sinundan ito hong covenant signing ng One [inaudible], 'yan po ay idinaos sa Sumulong Farm, Antipolo City, Rizal. At, 'yung gabi ho, ito naku napakarami hong tao mga kababayan, kahit na inuulan, hindi rin po nagpatinag, ito hong tinatawag na "Leniwanag ang Silangan." Ito ho 'yung pinaka-Grand People's Rally ng tambalang Leni-Kiko, mga kababayan, 'yan po ay dinaos sa Grounds, Rizal Provincial Capitol, Ynares Center Complex, Antipolo City, Rizal. So, nako, napakarami hong tao mga kababayan ang– di ba nagtungo ho diyan, siguro nabalitaan niyo naman ho 'yan sa mga balita at pahayagan, telebisyon, sa radyo at maging sa social media, mga kababayan, na talaga namang lakas po ng ulan ano pero hindi po, imbis na numipis 'yung tao, lalo pong kumapal. Pero ang nagtatanong ho kasi, eh ganoong umulan dapat ipina-ano eh ano, ipinagamit na lang 'yung Ynares Coliseum mga kababayan. Di ba, 'yun sana may bubungan. Eh siyempre kaso hindi po sumusuporta eh, kay VP Leni ito hong pamilya Ynares diyan po sa Rizal, so pinabayaan po nila at di ba? 'Yung mga kababayan natin na mabasa. Samantalang 'yung Ynares Colosseum, sino ho ba nagpagawa diyan? Ang mga Ynares ba? Pera ba nila 'yan? Siyempre hindi. Pera po ng taumbayan 'yan. Kaya may mga nagtatanong, “Eh bakit pinangalan sa Ynares eh pera ng taumbayan 'yan ah? Hindi naman pera ng kanilang pamilyang Ynares, di po ba?” 'Yun po ang maraming tanong. At kung 'yan po ay pera ng taumbayan, sana pinagamit po sa taumbayan. Kaso, ‘yan po eh, kalaban po sa politika.

    So, 'yun po mga kababayan at talagang dito ho sa atin di ba, 'yung mga politiko pag nagpapagawa po ng proyekto, ako dami kong nakikita mga kababayan, talagang ngayon eh napapasama ako sa pag-ikot sa iba't ibang panig ng ating bansa mga kababayan, makikita mo may mga malalaking tarpaulin, ang lalaki ho, may mga signages na ito, ang lalaki ng mukha ng mga politiko, na akala mo 'yung pinanggastos po sa proyektong 'yun, kanila. Grabe ho ano, 'yan ho mga kababayan, maaaring sa talagang mabago ho 'yung ganyang mga sistema mga kababayan di po ba? Halimbawa itong Coliseum, Ynares, hindi naman pera nila pinanggawa, bakit ipinangalan daw sa kanila? 'Yun po ang daming tanong ho ng mga tao, mga kababayan natin, at hindi daw– bakit hindi pinapagamit sa taumbayan? Ayun.

    Okay, samantala matapos po diyan po sa Rizal, mga kababayan, nako ito kinabukasan, Abril 6, Miyerkules, ay nagtungo naman si VP Leni diyan po sa may Occidental Mindoro sa may San Jose. Nagkaroon po ng dialogue sa Barangay San Jose Juan fisherfolk community sa Aplaya, Barangay San Jose, mga kababayan. Sa Mindoro rin po ‘yan, sa Occidental. At isinunod po diyan ‘yung pagbisista kay Bishop David William Antonio, mga kababayan. At gayon din po ‘yung mga Occidental Mindoro parish priests. ‘Yung mga pari ho, mga kababayan.’Yun po ay ginanap sa Ground Floor Main Lobby [inaudible] Sa Saint— Sa Main Lobby ng Saint Joseph Seminary, Barangay Labangan, San Jose, Occidental Mindoro. Mga kababayan, at siyempe nagkaroon po ng ‘yung rally sa Occidental Mindoro, People’s Rally sa San Jose Municipal Plaza, San Jose, Occidental Mindoro.

    At tapos ho niyan, mga kababayan, grabe ho ah, mula po sa Occidental Mindoro ay nagtungo naman si VP Leni diyan po sa Palawan Provincial Capitol. ‘Yun ho at sa may, ano ‘no, ‘yung ito ho sa receiving office ng Executive Assistant Palawan Provincial Capital, Puerto Princesa City, Palawan. At doon po, nagsagawa po ng aktibidad si VP Leni, bumisita rin po sa, ano no? Nagkaroon rin po ng, ano no, ‘yung Palawan People’s Rally diyan po sa Puerto Princesa Baywalk Park, Puerto Princesa City, Palawan. ‘Yung nakita niyo siguro sa social media, na sumayaw ng cultural dance si VP Leni, at talagang mabilis na ‘yung nakasabay ho kaagad sa indak ho, cultural dance po ‘yan, mga kababayan. At kinabukasan naman ay Thursday ay bumisita rin po sa WesCom, Western Command Headquarters, ng AFP diyan po sa Puerto Princesa, Palawan. At nagkaroon din po, ‘yung idinaraos itong interfaith prayover at meet and greet with religious leaders diyan po sa Seminaryo De San Jose Chapel, Puerto Princesa City, sa may Palawan. At nakipagharap din si VP Leni dito po sa business group and sectoral representatives sa Ponce De Leon Garden Resort, Puerto Princesa City, Palawan. Oo, mga kababayan.

    At ito ho, pagkatapos niyan, ‘yun nag-cover naman ako diyan sa may Tagum City. Unang-una, bumisita muna si VP Leni kay Bishop Medil Aseo at ang clergy ng Tagum. Tapos ay bandang hapon— umuulan-ulan parin ho roon, pero talagang ang tao ang dami rin. ‘Yan po ‘yung tinatawag na REPORMA: Angat Buhay Lahat People’s Grand Rally sa Tagum City Hall Grounds sa Tagum City, diyan po sa Davao del Norte. At alam niyo naman siguro, ‘yan po ‘yung balwarte ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez, mga kababayan. Dahil sila po ay naglipat na po ng suporta kay VP Leni, na kandidatong presidente, para po sa 2022 elections. Nako, napakarami po ng tao doon, napakainit din po ng pagtanggap diyan po kay VP Leni at iba pang mga kandidatong senador diyan po sa Tagum City, Davao del Norte.

    At kinabukasan naman ho, mga kababayan, noong Biyernes, ay bumisita rin naman si VP Leni diyan po sa may ano, sa Dagupan sa Pangasinan. Binisita muna si Archbishop Socrates Villegas at iba pang clergy members at ‘yun din po, ginanap po ‘yan sa University of Pangasinan, Dagupan City, Pangasinan. ‘Yung The Education President: Interviews with Presidential Aspirants on Philippine Education, ayun. Tapos, pumunta rin sa Bani People’s Rally, diyan po sa Bani Manpower Development Center sa Bani, Pangasinan. At diyan po sa Villasis People’s Rally, pinuntahan din po ‘yan sa Villasis Auditorium, Villasis, Pangasinan.

    ‘Yan po, maliit lang po ‘yung pagtitipon na ‘yan, mini rally, pero meron din hong mga sumugod doon na mga BBM-Sara supporters, mga kababayan. At sa likuran na sumisigaw-sigaw ng mga “BBM”, kung anu-ano, pero ‘yan po, hindi po, ano, hindi po tinangka. Wala po, wala pong ginawa si VP Leni na sabihin na paalisin. Kasi sa iba-iba ho na rally, papa-disperse ‘yun, papaalis sa mga pulis, pero hindi, pinayagan ni VP Leni na makinig dito ho ‘yung mga sinasabing mga supporters ng kanyang katunggali sa eleksyon, mga kababayan. At ipinakita, isinukli po ‘yung kabutihang asal. O sige, welcome kayo rito, sabi po ni VP Leni, at saka talaga ‘yung respeto ng mga Pilipino, likas sa mga Pilipino ‘yan eh. ‘Yung respeto sa kapwa, ayun. So, tumahimik po sila, wala naman nangyaring gulo, mga kababayan. At nakinig ho sila ng talumpati ni VP Leni diyan po sa Villasis.

    At sa kinagabihan naman, mga kasama, kasi nag-cover ho ako diyan, tapos doon na ho ‘yung Talindeg Pangasinan, ‘yung Pangasinan People’s Rally sa CSI Stadia, Dagupan City, Pangasinan. At isa ho sa malaking kaganapan diyan naman po sa Dagupan City, diyan po sa Pangasinan People’s Rally ay ‘yung pagbibigay po ng suporta ng mga kilalang politiko diyan po sa Pangasinan. At siguro matatandaan ninyo, di ba? Itong si dating House Speaker Jose de Venecia Jr. o tinatawag na JDV, mga kababayan. Isa po sa mga prominenteng politiko diyan po sa Pangasinan. ‘Yung kanyang may bahay, si Manay Gina de Venecia at ‘yung kanyang anak na si Congressman Toff de Venecia, mga kababayan, ay nagbigay na po ng suporta kay VP Leni sa kanyang kandidatura at anim pang mga alkalde ng iba’t ibang bayan diyan po sa Pangasinan, di po ba? So, patuloy na lumalakas po, no, suporta. Talagang napakarami ho ng mga tao doon, at sasabihin ‘yung iba, “Naku, wala, laos na ‘yan si JDV.

    Eh ako sa aking pananaw ho mga kababayan, ako matagal ko ng na-cover ho 'yan, nag-cover ho ako diyan sa mababang kapulungan ng Kongreso at sa Malacañang, sa ilalim po ng Ramos Administration kasi 'yun, talagang sikat na sikat ho 'yan pero sa tingin ko, hindi kukupas ho, hindi lalaos eh bakit ho? 'Yung anak, eh Congressman pa rin eh, mga kababayan diyan po sa Pangasinan, sa 4th district. Kaya mananatili po no na sila po ay patuloy na kumikinang at walang kalausan. Bagamat, sabihin natin iba 'yung kilos niya, oo, otsenta y singko anyos na po eh, ito pong si Manong Jo, dating House Speaker de Venecia, mga kababayan. At napakarami po, anim na alkalde diyan po sa iba't ibang bayan sa Pangasinan ang nagbigay na po ng suporta kay Vice President Leni Robredo.

    At kinabukasan, nako, grabe ho talagang sakit sa katawan nito, nagpunta naman ho kami diyan sa may ano, nag-cover din ho ako diyan sa may Baler, Aurora at pagtungo ho diyan ni VP Leni ay nagkaroon muna no ng meet and greet with the Christian leaders at matapos ho niyan ay nagkaroon po ng multisectoral assembly diyan po sa second floor Conference Room Baler Municipal Hall, Baler, Aurora at tapos niyan, sinundan na ho agad nito 'yung Awra Aurora People's Rally sa Plaza Baler Municipal Hall, Baler, Aurora mga kababayan, oh na-coveran ko ho 'yan.

    Nako, ang dami hong mga kabataan ho natin no. Talagang sila po ang nangunguna at nagresibo ho na nagbibigay po, nagpapakita po ng suporta kay VP Leni mga kababayan. Pagkatapos po ng rally, ako nakita ko, na-videohan ko pa eh na bago sila umalis sa lugar na kanilang pinag-rallyhan mga kababayan, 'yung event, nililinis ho nila 'yun mismo kusa, sila-sila mismo nagdadampot ng mga kalat. Pag-alis ho ang linis eh, parang walang nangyari, di ba ganyan din ho ginagawa po sa mga nakaraang people's rally na dinadaluhan no ni VP Leni. Talagang 'yung mga kabataan grabe ho, pag sila pong ang nag-organisa alam niyo ho eh parang hindi po nila alintana, umulan man o umaraw.

    Pagkatapos po niyan sa Baler ay nagtungo sa Angeles City People's Rally si VP Leni diyan po sa Don Juan Nepomuceno Avenue'no, sa may Angeles City Pampanga at 'yung kagabi, nako, grabe ho no? Tanghali pa lang, napakarami na hong mga tao diyan po sa Robinsons Starmills sa San Fernando City Pampanga, 'yung Manalakáran Pampanga People's Rally at marami rin pong mga lokal na opisyal ang nagbigay ng suporta at kagabi nako, maghahating gabi na ho nakaalis ho kami pero base po sa pag-estima ay umaabot po sa 220,000 na mga dumalo diyan po sa people's rally sa Pampanga People's Rally na dinaos ho kagabi mga kababayan. So, napakarami ho ang dumadalo at patuloy na sumusuporta sa team ni VP Leni at Senator Kiko Pangilinan.

    Talagang haba, ang dami, ang daming probinsya mga kasama na pinupuntahan eh. Biro mo, sa loob ng isang linggo, anim, at least anim ho na mga probinsya ang pinupuntahan. Grabe ho kaya nga maraming tanong ho kay VP Leni, saan kayo humuhugot ng lakas at resistensya? Talagang naiikot ho at kahit sabihin mo na maliliit lang na bayan ha, pinupuntahan ho kasi ang paninindigan ho ni VP Leni, hindi 'yung dami ng tao eh, kakaunti 'yung tao sabihin natin, kaunti kasi mga botante diyan eh, nako hindi, wala sa kanya 'yun, oo 'yun po kanyang paglilinaw. Dito po sa aming palatuntunan ho at sa aming radio program, binabanggit niya ho lagi 'yan noon pa, hindi pa ho siya kandidato na ang haba ho ng mga biyahe na pinupuntahan na pag binilang mo, napakakaunti ho ng mga rehistradong botante pero wala ho sa kanya 'yun eh, ang gusto niya maipaabot ang tulong kasi 'yung mga malalayo na lugar, eh 'yun po ang talagang halos hindi po napupuntahan ng opisyal ng gobyerno kaya 'yun po ang nais niyang puntahan para maihatid po 'yung tulong. So, 'yun ho maganda no? Sana ganito rin gawin ng iba pang mga opisyal ng gobyerno na mga politiko, di po ba?

    Oras na ho natin mga kasama sa buong kapuluan, 9:32 na po ng umaga at samantala, dito ho tayo sa ating istorya ng pag-asa, ito napakaimportante ho mga kababayan, alam niyo naman ho dito po sa BISErbisyong Leni, 'yung istorya ng pag-asa isa po ito sa mga pangunahing sangkap na talaga namang nais po ni VP Leni na laging kasama po sa kanyang radio program mga kababayan. Kasi dito ho, nakikita ho 'yung bawat ano no, partisipasyon ng isang mamamayan at maaaring makatulong po sa kapwa o sa lipunan mga kababayan at sa ibang mga ano no, sa iba pang mga ginagawa nating mga panayam, talagang naipapakita ho 'yung mga kababayan natin di ba? Na tumutulong ho, tumutulong sa kanilang kapwa, hindi ho materyal na bagay pero napakarami ho at pagkalinga at 'yung iba naman ay nakaalpas po sa mga, sa mga problema, sa mga trahedya na kanilang nasuong, at sila po'y tagumpay na nakaalpas sa kanilang mga trahedya sa kani-kanilang buhay. Pero ngayon mga kababayan, ito pag-usapan ho natin 'yung tungkol po sa Angat Buhay Edukasyon Movement at kasi ito ho, ang dami ho 'no? Kumakalat po 'yung mga disinformation at historical revisionism o DepEd modules— Okay, nasa linya po natin via Zoom si Director Vernon Totanes ng Ateneo de Manila University Rizal Library.

    ELY SALUDAR: At bago ko po siya tawagin ay– para malaman po natin, ano 'yung kaniyang credentials at siyempre background ho. Importante ho ito para makita niyo ho kung sino ho 'yung nagsasalita, mga kababayan. Ito pong si Direktor Von Totanes, siya po ay direktor ng Rizal Library ng Ateneo de Manila University. At siya po ay lisensyadong librarian with a PhD from the University of Toronto, Masters Degree mula po sa University of the Philippines, at undergrad ng sa Ateneo de Manila University.

    So, 'yun ho mga kasama, itanong ho natin at importante ho ito, Angat Buhay Edukasyon Movement. Nasa linya na po natin si Sir Von Totanes. Sir Von, magandang umaga po sa inyo.

    VERNON TOTANES: Magandang umaga po, Sir Ely.

    ELY SALUDAR: Opo at para po sa ating mga kababayan at siyempre 'yung mga nakikinig at nanonood dito po sa radio program ni VP Leni. Nitong nakaraang Huwebes, Abril 7, ay may mga inilunsad ho– inilunsad po 'yung grupong Angat Buhay Edukasyon. Ano ho ba ito at bakit ito binuo?

    VERNON TOTANES: Nagsimula 'yang Angat Buhay Edukasyon dahil napansin na, uy sunod-sunod na 'yung mga statement na inilalabas ng iba't-ibang unibersidad. Well– okay, I have to clarify. Nilalabas ng mga faculty at estudyante ng iba't-ibang unibersidad. Tapos naisip na pagsama-samahin lahat 'yan at para mas may lakas na dating sa mga tao. So, ayan kaya nabuo 'yung Angat Buhay Edukasyon.

    ELY SALUDAR: Opo. Okay, so ano ho ba 'yung mga nagtulak po sa ano, sa iyo na sumali dito po sa Angat Buhay Edukasyon Movement?

    VERNON TOTANES: Okay, so ako naman ag simula niyan ay merong ano, may statement, may ilalabas 'yung faculty ng Ateneo. At nakita ko na dapat sumali ako kaya sabi ko oh, sige pipirma ako.

    ELY SALUDAR: Opo.

    VERNON TOTANES: Tapos pagkatapos noon, noong ano na nga, noong ginawa na 'yung Angat Buhay Edukasyon, sinama ako doon sa ano– inimbitahan ako doon sa press conference na gagawin kaya naisulat ko 'yung ano– naisulat ko 'yung statement ko at binasa ko nga doon sa press conference.

    ELY SALUDAR: Opo. So, dito ho para po sa kaalaman, ano ng ating mga kababayan, ano ho ba itong Angat Buhay Edukasyon Movement na– kasi di ba, sa gitna po ng napakalawak po na mga disinformation, 'yung mas kilala sa tawag na fake news. So, ano ho ba? Papaano ho ito makatutulong, Sir Von?

    VERNON TOTANES: Ang tulong na gagawin ng mga guro sa mga natitirang araw ng kampanya, ay hindi mangampanya. Okay, kasi hindi naman trabaho ng guro 'yun.

    ELY SALUDAR: Opo.

    VERNON TOTANES: Ang trabaho ng guro ay magturo. Okay, at 'yun alam ng guro kung paano gawin magturo. [Inaudible] sa mga natitirang araw ng ng school year, okay. Medyo matatapos na rin ang school year. Kayang ano 'yan eh– kayang isingit ng guro kung paano mas lalong pag-isipan, okay, kung paano magdesisyon.

    ELY SALUDAR: Opo.

    VERNON TOTANES: Di ba? Hindi naman kailangang tungkol sa eleksyon, di ba. Hindi kailangang ano kung sinong iboboto. Puwedeng palaisipan lamang sa loob ng classroom na– okay kung ganito ang ano– kung ganito ang napapag-usapan at alam naman natin na hindi lahat ng taong makakausap natin ay totoo ang sinasabi, di ba?

    ELY SALUDAR: Opo.

    VERNON TOTANES: Puwedeng sabihin noong mga guro na, "Paano natin ngayon malalaman kung sino ang ating paniniwalaan?"

    ELY SALUDAR: Ayun.

    VERNON TOTANES: So, ayun puwedeng tulungan ng guro 'yung kaniyang mga estudyante para mapag-isipan ng mabuti kung ano ang dapat gawin, ano ang dapat paniwalaan.

    ELY SALUDAR: Sa mga nakaraang halalan dito po sa ating bansa hindi po kayo gaanong ka-vocal, ano, sa inyong mga sinusuportahan. Ano ho ba ang kaibahan ngayon sa kasalukuyang sitwasyon? At bakit po nabago ang inyong pananaw o posisyon sa larangan po ng politika?

    VERNON TOTANES: Salamat sa iyong tanong, ano. Ang ano kasi niyan dati noong bata pa ako, okay, grade six–

    ELY SALUDAR: Opo.

    VERNON TOTANES: 1986– 1987– 1986, sorry. 'Yung nanay ko kasi public school teacher, okay. 'Yung mga public school teacher dahil sila 'yung ano, sila 'yung umuupo sa Board of Election Inspectors, merong ano, merong expectation na hindi nila sasabihin sa mga tao kung sino 'yung iboboto nila, di ba. Kasi sila 'yung ano eh, sila 'yung magbibilang. Tapos batang-bata pa ako noon, tinutulungan ko siya. Medyo na-ano ko na 'yun– medyo nakuha ko na 'yun. 'Yung pag-iisip na hindi ko dapat sinasabi sa ibang tao kung sinong iboboto ko. Kasi pagkatapos noong pagtulong ko sa nanay ko noong grade six, nasundan pa 'yun.

    ELY SALUDAR: Opo.

    VERNON TOTANES: 1987, tapos nag-volunteer pa ako eventually sa NAMFREL, naging voting center manager sa NAMFREL. Tapos 'yun, tuwing may eleksyon tatanungin ako hindi na ako mag– sasabihin ko, "Alam niyo parang ano 'yan, eh parang sweldo 'yan eh. Huwag na nating pag-usapan. Ako na lang nakakaalam kung sino ang iboboto ko." Pero noong isang taon, naisip ko, hindi na ano eh, hindi na ako kailangang magtago kung sino ang susuportahan ko. Dahil 'yung nanay ko hindi na ano, hindi na siya umuupo sa eleksyon, maski 'yung tatay ko retired na. So, wala namang ano, wala nang kailangang bantayan.

    And ngayon, sa panahon ngayon, naisip ko rin na kung meron lang akong isang tao na makumbinsi na mag-isip, hindi man lang ano, hindi man lang bumoto para kanino man, dahil nakita nila na yung Facebook ko ay pink na pink di ba, sana may ano, sana may lumapit sa akin at magtanong, bakit mo ba gustong iboto si Leni Robredo at si Kiko Pangilinan? At 'yun sana mapag-usapan, masimulan 'yung usapan.

    ELY SALUDAR: Ayun opo. Okay so, at least 'yung binabanggit niyo ano ng hindi na po siya sabihin natin lumalahok at wala ng papel ang iyong mother dito po sa eleksyon, eh nag-ano kayo ano, lumantad na ho kayo. At least may delikadesa ho kayo. Kasi 'yung iba talagang, 'yung iba talagang andoon na, opisyal 'yung kanyang tatay, 'yung anak lahat eh. Pero grabe ho ano talaga 'yung pakikialam sa politika.

    Pero napakaimportante ho niyan sa kasalukuyang sitwasyon kasi 'yung pinaka-adbokasiya nga po ano ni VP Leni, at madalas kong marinig ito sa kanyang mga talumpati, at mga pahayag dito po sa kanyang radio program. Nagko-cover din po ako, eh gusto niyang baguhin 'yung ano 'yung sistemang politikal dito po sa ating bansa, na kung minsan di ba kanya-kanyang kampihan, tapos talagang grabe 'yung dinastiya dito sa atin Sir Von ano. 'Yung dinasty parang, sa isang probinsya iisang pamilya o iilang pamilya lang ang gustong humawak ng mga posisyon. At ngayon pinakamatindi Sir Von, ako I'm sure namo-monitor mo ito, hindi na nagkasya sa mga posisyon ano, sa mga probinsya, sumama pa sa Partylist eh, 'yung mga politiko grabe ho.

    So, kayo ho di ba kasi maaaring bahagi ito ng Angat Buhay Edukasyon Movement, eh para matulungan din natin 'yung ating mga kababayan kasi ang talagang, ang kapangyarihan nasa tao rin eh, di ba sa pagboto? Kaya madalas po nating marinig sa ilang mga politiko, “Eh hindi binoboto kasi kami eh.” Eh baka kulang ho siguro ang edukasyon Sir Von.

    VERNON TOTANES: Mabuti nabanggit niyo ano, kasi may mga tao na ang iniisip nila, kapag kamaganak ko yung Mayor eh dapat siguro ano, dapat madali na akong ma-appoint kung saang posisyon. Pero, 'yun na nga 'yung delikadesa eh. At nasa batas 'yan di ba. Na hindi puwedeng basta-basta mag-appoint ng kahit sino. Or kumita di ba dahil nasa pwesto 'yung tatay mo, nanay mo. Okay.

    Kaya nga merong ano eh di ba, kaya nga merong declaration of assets and liabilities. So, kailangang ano eh, hindi– meron ding aspeto na hindi natin totally nasasabi na kasalanan ng bumoboto di ba, ng taumbayan.

    Kasi 'yan na 'yung kinalakhan nila, 'yan na 'yung kinalakhan natin na oo parang di ba– pagka ikaw 'yung nasa mataas na posisyon, ikaw 'yung kikita. Di ba? Kasi 'yan 'yung nakikita ng mga tao eh. So, parang iniisip nila, “Oh kami naman ngayon kasi kami nanalo eh.” So, ang ganda noong ano, ang ganda noong posisyon ni VP Leni na kapagka naupo siya eh gusto niya na lahat transparent. Gusto niya alam ng lahat ng tao na kung merong nagbi-bid, eh dapat malinaw na ano ito eh, 'yung nagbi-bid eh kapatid, kamaganak di ba? Noong kung sinuman 'yung nakaupo na mayor, governor—

    ELY SALUDAR: Kone-koneksyon eh.

    VERNON TOTANES: Kone-koneksyon di ba? So, mas maganda rin 'yung baguhin nga natin 'yung sistema, ang duda ko mapapalaban si VP Leni pero kaya nating simulan ito.

    ELY SALUDAR: Opo, kasi ako, narinig ko rin sa kanya mismo dahil sa— kasi, kadalasan ngayon di ba, “Uy sino iboboto mo?” “Ay hindi kasi, kababayan ko 'yan eh.” Halimbawa, 'yung isa Bikolano, “Hindi, Bikolano kasi ako eh.” Ang sabi ni VP Leni noong isang gabi 'no, sa kanyang speech, talumpati sa Dagupan, lagi niyang sinasabi— “Iboboto niyo ako dahil sa magka-ano tayo, magkababayan? Huwag. Iboto niyo ako dahil sa aking track record,” hindi— Kasi di ba, may mga, “Ilokano ako kaya Ilokano rin iboboto ko,” bakit nga? Hindi basta, kababayan, napakababaw na dahilan. So, siguro maisama rin po ito no sa edukasyon para po sa ating mga kababayan, para umangat po ang buhay, di po ba Sir Von?

    VERNON TOTANES: Tama, tama at medyo may naisip lang akong analogy ano, kung bakit ganyan siguro mag-isip ang Pinoy kasi, in some ways parang hinahalintulad ang eleksyon sa mga beauty pageant, okay? Kasi sa beauty pageant, di ba kahit sino pa 'yang ano, kung sino pa 'yang isali natin diyan, basta Pilipinas doon tayo sa Pilipinas di ba, okay? Or kung probinsya, di ba parang— Oy, merong sumali sa Binibining Pilipinas na taga-Quezon Province, eh di siyempre, doon tayo sa ano, doon sa kasama natin sa probinsya di ba? Pero iba 'yung eleksyon, di ba?

    At dito pumapasok ‘yung mga guro. Hindi ba, na kailangan, kilatisin natin talaga, dahil itong mga ito ay hindi lang mananalo ng korona, di ba? Mananalo ito at magsisilbi sa taumbayan. So kailangan tignan natin kung meron na silang nagawa dati. Hindi ba? Hindi lang ano to eh– hindi lang ganda at galing sa pagsasallita, na kapag sinabi nila na, “Ito ang gagawin ko kapag nanalo ako,” tingnan natin, nagawa na ba nila dati noong hindi pa sila tumatakbo?

    ELY SALUDAR: Ayon. Tama.

    VERNON TOTANES: Di ba? Na meron ba silang track record?

    ELY SALUDAR: ‘Yung termino diyan Sir Von, ni VP Leni. Meron ba silang resibo?

    VERNON TOTANES: Yes, kailangan ng resibo. And sa akin, mas ihahalintulad ko pa ang pagtakbo sa halalan, hindi ba, sa pag-apply ng trabaho sa kumpanya. Di ba? Kasi ‘yung mga kumpanya, ang ginagawa niyan. So, magpapa-fill up ng form, tapos iinterviewhin. Kapag hindi ka sumipot sa interview, bakit ka nila– hindi ka nila kukunin. So, pag-dating sa interview, tatanungin nila, ito ba talaga nagawa mo? Or magsabi ka – sabi mo ganito, pero meron ka na bang nagawa dati noong kabataan mo, sa huli mong trabaho na masasabi mong maipagmamalaki mo o ito ‘yung nangyari, so anong ginawa mo? So, ‘yung mga tao na masasagot ‘yung mga tanong na, oo meron na akong nagawa dati, ito ‘yung pruweba, ito ‘yung resibo. Hindi ba hahanapan tayo ng resibo, maski sabihin natin na grumaduate tayo sa isang unibersidad, binabalikan ng kumpanya ‘yan. Totoo ba ang sinabi nito. Kapag dating doon sa ano– kapag nakita ng kumpanya na kung ito pa lang, itong maliit na bagay na ito, nagsisinungaling na siya, bakit natin siya kukunin? Baka mamaya kapag umupo na siya dito sa kumpanya natin, mas lalo pa siyang magsinungaling at magkaproblema pa tayo sa kanya. So, ayan ang mga dapat tinuturo ng guro sa paaralan. Salamat.

    ELY SALUDAR: Ayun. Siyempre, hindi ba mahirap din kung meron kang– sabihin natin may kasaysayan. Ikaw man o ‘yung pamilya ng pagnanakaw, hahawak ka ng kaban ng bayan eh. Hindi ba. So, napakahirap. Ikaw ang may kontrol. So, ayun ho siguro at talagang napakatindi. Pero Sir Von, dito ho, noong una niyong nakilala si VP Leni sa Istorya ng Pag-asa launch sa Ateneo Rizal Library. So, paano ho ba ‘yung pagkakakilala niyo sa kanya noon at paano ito nakaapekto sa pagsuporta niyo sa kanya ngayon?

    VERNON TOTANES: Ah, sa akin ano ha. Ito na ‘yung sinasabi ko kanina na dapat ihiwalay natin. Kasi maraming nagpupunta sa Rizal Library, pero hindi dahil nagpunta sila sa Rizal Library eh, iboboto ko na sila. Okay? Pero natuwa lang ako kasi noong pumunta siya sa Rizal Library dati para nga doon sa launching noong Istorya ng Pag-asa photo exhibit sa Ateneo. Nagkataon na merong punto na nakatabi ko siya at may nabanggit siya akin. Ang sabi niya– well noong nagpakilala ako na ako po ‘yung direktor ng Rizal Library, ang sabi niya sa akin, “Alam mo mahal na mahal ng mga anak ko ‘yung Rizal Library.” Kaya nagulat ako, sabi ko, hala, akala ko kung ano lang ‘yung babanggitin ni VP Leni na magandang hapon, ganyan. Pero ayun ang unang sabi niya sa akin. Kaya gulat na gulat ako. Kasi ‘yung mga anak niya, nag-aaral sa Ateneo, tapos sabi niya maski nga daw si Doc. Tricia na nasa ibang city na, kasi ‘yung Medical School nasa Pasig, eh nasa Quezon City kami. Mas gusto pa raw dumayo sa Rizal Library ng anak niya para mag-aral kaysa doon siya sa Medical School. Pero babalikan ko ‘yung tanong mo. So, talagang ano– kumbaga sa akin, ‘yung expererience na ‘yon. Natuwa lang ako na nakausap ko siya at binanggit– kumbaga, aware siya na merong Rizal Library. Pero actually sa totoo lang, walang kinalaman ‘yon sa pagdesisyon ko na– kung sino ang iboboto ko at sino ang susuportahan ko.

    ELY SALUDAR: Opo, ayun. Pero bilang isang guro at librarian ay matindi po ‘yung paniniwala niyo sa katotohanan. At tungkol po sa siyempre ‘yung DepEd Learning Modules, nako ang dami pong lumalabas ngayon na hindi ko alam kung sinasadya po ito o ano man para talagang para baluktutin ‘yung– ang matindi po dito, Sir Von parang ang tatamaan po dito ay ‘yung ating mga kabataan, ‘yung ating mga estudyante, sa nais nilang baluktutin na mga iba’t iba. Learning modules po ito eh. Hindi ba. Parang tuturuan mo ng mali ‘yung mga bata.

    VERNON TOTANES: Totoo ‘yan ano. Ang isang magandang mangyayari sa Angat Buhay Edukasyon, kasi marami dito sa mga kasapi ay hindi lang guro, kung hindi guro na nagtuturo sa guro. So, kung– maganda nga na lumabas na iyan para ayan naman ngayon ang gagamiting example ng mga guro na nagtuturo ng guro na ano kaya– hindi ba, parang mas magandang tanungin ‘yung mga guro na tinuturuan. Ano kaya ang mali dito sa mga ginamit na statement na ganito para sa learning module. So, ayun. Mapaguusapan ‘yan. Kasi ang duda ko ang nangyari diyan eh hindi na napag-usapan, merong nagmamadali, "O sige puwede na, okay na 'yan, ilabas na natin 'yan." Medyo problematic kasi nga parang walang ibang tumingin, pero sana 'yung gumawa mismo eh medyo naturuan siya na, "Alam mo, hindi tama 'yung sistema na ganiyan."

    ELY SALUDAR: Siyempre, papaano ba natin malalaman, Sir Von, 'yung historical revisionism na patuloy na lumalaganap po ngayon no lalo na po sa social media at sa mga paaralan din?

    VERNON TOTANES: Mahirap labanan no. Pero ang maganda diyan, kung makaupo na si VP Leni, may pag-asa na pagtutuunan niya ng pansin ang edukasyon, okay. Kasi ang nakikita ko, kulang talaga ang usapan sa kasaysayan sa mga high school natin kasi ang nangyayari ngayon, sa buong high school, from Grade 7 to Grade 12, walang itinuturo na kasaysayan ng Pilipinas na subject ha.

    ELY SALUDAR: Opo.

    VERNON TOTANES: So ang sinasabi ng DepEd ay nakapaloob 'yung kasaysayan ng Pilipinas sa mga modules na naka-spread out di ba, from Grade 7 to 12. Pero sa totoo lang, tao rin po ang mga guro, at 'yung mga public school teacher, mga bayani sila, pero hindi nila kayang gawin lahat. And ang hindi nila kayang gawin is kung halimbawa, di ba, Social Studies teacher ako, tapos ang sabi eh according to the modules from DepEd, ito 'yung kailangang ituro ngayong taon, ngayong buwan, so susundin niya 'yun. Pero kung isisingit niya ngayon, di ba, hindi ganoon kadali basta isingit 'yung kasaysayan ng Pilipinas doon sa mga pinapaturo. Kaya ang duda ko ang nangyayari, nakakalimutan 'yung kasaysayan ng Pilipinas sa pagtuturo. Kaya nangyayari, nakakatapos ng Grade 12 ang isang estudyante na walang kaalam-alam tungkol sa Martial Law.

    Kasi ang isa pang practical matter sa teacher ay may sinusunod nga siya, pero ang sa totoo niyan, nade-delay 'yan. So kumbaga, July ngayon or August, ay dapat ito ang tinuturo ko pero na-delay na kasi ang daming mga celebration, Buwan ng Wika mga ganiyan. So 'yung tinuturo ko dapat ng August ay ginawa ko ng September. Pagdating ng dulo ng school year, "Ay, hindi ko pala naturo 'yung Martial Law, paano ba 'yun?" Eh di ang gagawin, "O, sige, basahin niyo na lang sa textbook ninyo ha." Tapos wala na, hindi na naituro. 'Yun ang nangyayari. So it's the practicality of teaching that sometimes is leading to lack of knowledge of our students regarding 'yung kasaysayan natin sa Pilipinas.

    ELY SALUDAR: Okay, Sir Von, sa panghuli, ano po ang inyong mensahe sa ating mga listeners? At siguro panawagan po sa ating mga listeners, lalo na po 'yung mga sumusubaybay dito po sa radio program ni VP Leni?

    VERNON TOTANES: Sa akin lang, ang una kong sasabihin, iniisip ko 'yung nanay ko. Sana bumoto tayo, okay, one. Pero pangalawa, pag-isipan natin kung sino ang iboboto natin. Hindi ito beauty pageant na kung sino 'yung pinakamaganda at pinakamagaling magsalita ay siya ang iboboto natin. Ito po ay halalan at kung sino ang mananalo ay magkakaroon ng malaking impact sa buhay natin sa mga sumusunod na taon, kaya hanapan natin ng resibo, di ba? Ano nga ba ang nagawa ng taong ito sa nakaraan na magsasabi sa atin na, "O, nagawa na niya dati ito, magagawa niya ito sa hinaharap." 'Yun lang po, maraming salamat.

    ELY SALUDAR: Okay, Sir Von, salamat po muli sa inyong oras dito po sa RMN DZXL, sa radio program po ni VP Leni. Salamat! Ingat po lagi. Good morning.

    VERNON TOTANES: Thank you.

    ELY SALUDAR: Okay, mga kababayan, at 'yun ho. Maganda ho ang napag-usapan po natin. At sana po sa ating mga listeners at nagkaroon po kayo ng ideya, mga kababayan. At napakaimportante po ng mga pinag-usapan natin. So salamat po kay Vernon "Von" Totanes, ang direktor po ng Ateneo de Manila University Rizal Library.

    Okay maraming salamat din po sa ating mga listeners dito po sa palatuntunan ni VP Leni. Good morning kila Jesus de Catalina, Ayet Iglesia, Leni Anne Verdadero, Lito Teves, si Danilo Eusebio, Joe Santos. Good morning po sa inyo.

    So maraming, maraming salamat po sa inyong patuloy na pagsubaybay dito po sa BISErbisyong Leni sa RMN. At siyempre, sa pangalan po ni Vice President Leni Robredo, salamat po sa mga nanood lalo na po 'yung sa Facebook Live. Ako pa rin po ang inyong Radyoman, Ely Saludar.

    Muli po, isang magandang umaga, Pilipinas.

    [END]

     

     

    Posted in Transcripts on Apr 10, 2022