This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong Leni Ep. 258

    BISErbisyong Leni Ep. 258


    ELY SALUDAR: Magandang umaga, Pilipinas, Luzon, Visayas, at Mindanao. Isa na namang edisyon ng BISERbisyong Leni dito po sa RMN. At siyempre ngayon po ay araw ng Sunday, Linggo, April 17, 2022. Magandang umaga, Pilipinas, ako pa rin po ang inyong Radyoman Ely Saludar. At siyempre, mula po dito sa DZXL Manila 558 kilohertz sa inyo pong tala-pihitan. Tayo po ay napapakinggan diyan po sa RMN DYHP Cebu, RMN DXCC Cagayan de Oro, RMN DXDC Davao, RMN DWNX Naga. At siyempre, sa lahat po ng ating inaabot ng broadcast nationwide, netwide. Muli po, magandang umaga. Sa pangalan po ni Vice President Leni Robredo, ako pa rin po ang inyong Radyoman Ely Saludar.

    Oras na po natin sa buong kapuluan, 9:13 in the morning. Samantala, maya-maya antabayanan po ang Istorya ng Pag-asa at makakusap po natin– ito po ay isang kilalang-kilala, ano, siyempre, sa ano po ano, sa industriya ng entertainment, isa rin pong artista, comedian, entertainment reporter. Mamaya makakausap po natin 'yan, si Ogie Diaz. At isa po sa masugid po na taga-suporta ni VP Leni, mga kababayan.

    Gayunman, samantala, mga kasama, ay tulad po ng dati ay balik-tanaw po tayo, ano dito po sa mga naging aktibidad ni VP Leni. At siyempre, noong Lunes, mga kasama. April 11– wala ho silang public events pero noong Tuesday ay bumisita po sa San Fernando City Hall diyan po sa San Fernando City, La Union. At isa po sa pinakatampok, mga kababayan sa nasabing pagbisita ni VP Leni ay ito hong tinatawag na Elyu Pink Wave People's Rally na ginanap po sa ano– sa San Fernando City, La Union. At gayun din po ang pakikipagpulong kay Mayor Stephanie Ann Eriquel-Calongcagon diyan po sa Mayor's Office ng New Agoo Municipal Hall, Agoo, La Union.

    At nagkaroon din po 'yung ano– Ca10dungan para kay Leni sa may Catanduanes rally naman 'yan, sa Virac. Alam niyo, pagkatapos po diyan sa may La Union ay nagtungo kaagad, ano, si VP Leni diyan po sa Virac, Catanduanes, sa ka-Bikolan. Pero bago diyan 'yung sa ano– 'yung Elyu Pink Wave People's Rally, naku napakarami ho na mga tao na nagtungo doon. At gayun din po diyan sa may Virac, Catanduanes na nagbigay po at nangako po sila ng suporta para po sa kandidatura ni VP Leni, mga kababayan.

    At samantala kinabukasan ho, Miyerkules ay nagtungo naman diyan po sa Masbate si VP Leni at nagkaroon muna ng meet and greet kay Bishop Jose Bantolo, 'yung Parish Priest at religious leader, 'yung mga leader ho diyan, ano, na ginanap po sa Function Hall ng Liceo de Masbate, Quezon Street, Masbate City, diyan po sa Masbate. At na– pagkatapos po niyan ay isinunod ito hong Robredo Masbateno People's Rally na ginanap naman po sa JM Robredo Boulevard, Masbate City, sa Masbate, mga kababayan. At nagkaroon din po ng meet-and-greet with core municipal coordinators and youth volunteers diyan pa rin ho sa Masbate City, mga kababayan.

    So, 'yan po ang ilan sa mga naging aktibidad ni VP Leni. So, hanggang Miyerkules lang po 'yan dahil sa alam naman natin Huwebes at Biyernes Santo– Huwebes Santo at Biyernes Santo ay bawal po na mangampanya 'yung lahat po ng mga kandidatong nationwide at ipinagbabawal ho 'yan kaugnay ng Semana Santa.

    Dito naman po sa DZXL at iba pang mga radio stations, siguro alam niyo naman na off-air. Wala pong ano– wala pong sumahimpapawid na mga radio station at siyempre bilang paggunita dito po sa Semana Santa. At sa panig po ng DZXL ay sinamantala na rin po namin na makapag-recharge 'yung ta– 'yung mga empleyado ho ano. At siyempre, lalong mai-ano– maipakundisyon 'yung ating mga equipment dito po sa himpilan para– kasi alam niyo naman sasabak ho tayo sa mas malalaking coverage at partikular ito pong ano– ito hong papalapit na eleksyon sa Mayo anuebe, mga kababayan, talagang grabe ho, ano. Eh, napakarami kasing mga kandidato dito po sa atin kaya talagang mas magiging matindi po 'yung coverage, mga kababayan, ng lahat po ano, ng media. At siyempre kasama po 'yan ang DZXL at ang buong mga himpilan po ng RMN nationwide ay nakatutok po tayo dito po sa pagdaraos ng eleksyon dito po sa ating bansa, mga kababayan.

    At samantala ngayong araw na ito ay aabangan din natin ano kayang mangyayari dahil sa may press con daw ang mga presidential candidates at diyan po– mamaya alas onse, mga kababayan sa isang hotel diyan– dito po sa Makati City, pero hindi po kasama diyan si VP Leni, mga kababayan. So, 'yun ho aabangan po natin kung ano ang mga mangyayari dito po. Pero kaniya-kaniya ho na mga pahayag at siyempre kung anu-ano na 'yung mga lumalabas ho na mga issue. Merong mga aatras, kung anuman, etc. Siguro mas maganda ay abangan na lang ho natin. Abangan natin kung ano ang pag-uusapan po nila, mga kababayan. Pero eh siguro mas mahirap kasing mag-ano– manghula, mga kababayan, di po ba? So, 'yun po.

    At matagal-tagal pa ho ano, ilang araw pa. Mayo anuebe eh ngayon eh April 17 ho, mga kasama. May panahon pa tayo para makapagmuni-muni at siyempre siguro ay himayin natin mabuti 'yung ating mga pipiliing kandidato mula sa national hanggang sa local, mga kababayan. Dapat ho ay talagang busisiin nating mabuti. Huwag ho tayo masyadong magbulag-bulagan 'yung iba ho kasi, "Basta solid kami sa ganito!" Bakit? "Eh, hindi basta!" Kapag tinanong mo bakit, "Eh basta!" 'Yun ho, mga kababayan. "Eh hindi may nagawa– maraming nagawa 'yung tatay eh."

    Oh sige, sige pagbiyan natin. Maraming nagawa 'yung ta-- eh 'yung anak? [laughter] May nagawa ba? 'Yun. 'Yung kandidato mismo dapat. 'Yung kandidato ba mismo may nagawa? 'Yun ho dapat titignan ho natin, di po ba? Wala, eh hindi maraming nagawa tatay niyan, eh. Oh eh 'yung mismong kandidato, meron ba? 'Yun, 'yun dapat ang tanong.

    Alam niyo ho napakaimportante kasi itong eleksyon na ito. Bakit ho? Dami ho nating problema eh. Ang dami ho niyang mamanahin kung sino man magiging pangulo po ng ating bansa, mga kababayan, naku marami pong mamanahin na mga problema. Alam niyo ho ba lubog na lubog na lubog na lubog sa utang ang Pilipinas, mga kababayan? Dahil sa sinasabi eh kasi pinanggastos sa pandemya, mga kababayan. O sige okay yan pero sana 'yung susunod na Pangulo pinanggastos sa pandemya, tignan natin. Dapat imbistigahan ho 'yan eh. Siliping mabuti saan ba napunta 'yung mga inutang?

    Hindi naman masama na mangutang, di po ba, kung 'yang mga inutan na 'yan ay napunta sa tama, di po ba? 'Yun ang pinakaimportante kasi bakit ho? Bakit kailangan pang busisiin 'yan? Siyempre, lahat ho tayo magbabayad kahit ano mang– kahit sinuman ang iyong sinusuportahan na kandidato o kahit saang kampo ka man, anong kulay ka man, mga kababayan, lahat tayo magbabayad. Hindi lang tayo pati pa 'yung mga susunod na henerasyon dahil sa hindi naman kayang bayaran kaagad sa isang iglap 'yan, hindi po ba?

    So, lahat po tayo ay magbabayad dito ho sa utang na ito. Ang dami ho, ang laki na ho ng utang natin, mga kasama, di po ba? So, 'yan po ang isa sa mga mamanahin kung sino man ang magiging Pangulo ng ating bansa, di ba mga kababayan? At siyempre, eh bagsak ang ano ang ating– 'yung ekonomiya dito po sa ating bansa dulot po ng pandemya, mga kasama di po ba? At ang dami pong mga nagsara na mga establisyemento. Maraming mga negosyo, marami pong mga nalugi at hanggang sa ngayon ay wala po ano, wala pong maraming– o di ba, pagkakataon ng trabaho. 'Yung oportunidad, mga kababayan, di po ba. So, 'yun po ang pinakamatindi kaya sana po ay talagang pi– magaling. Dapat magaling ho 'yung mamumuno sa ating bansa, mga kasama, di po ba? Eh 'yun ang sinasabi eh baka naman ang pagbabasihan mo "Eh hindi 'yung tatay magaling eh." 'Yung mismong kandidato 'yun ating suriin, mga kasama. Ikaw ba ay– ito ba ay– ano, no? Kaya bang ano– papano ba niya babayaran? Papaano niya ba maayos itong– halimbawa, itong utang natin ngayon?

    Alam niyo ho ba as of January– ano ba 'yun April? 12 trillion eh aabot na nga sa 13 trillion pesos eh, ang inutang po ng Pilipinas. Biruin mo, labingtatlong trilyong piso ang utang natin. So, lubog ho tayo, di po ba? Lubog na lubog, mga kababayan. Papaano mababayaran 'yan? Kumbaga sa ano, sa isang pamilya– halimbawa may utang ka na ganito eh ganito lang sinusuweldo mo, eh paano mo mababayaran? Halimbawa– puwede ba? Hindi mo puwedeng bayaran ng buo. So, paunti-unti, di po ba? Eh tapos marami ka pang gastusin dito sa ating bansa, di ba? Taun-taon meron pong pambansang budget, mga kababayan di ba, na marami pong pinagkakagastusan para po sa mga pangunahing pangangailangan nating lahat, ng ating mga kababayan.'Yung mga basic, ho di po ba? So, 'yun po.

    At siyempre, dito ho pagkatapos po ng eleksyon eh papaano ho ito? Papaano mo aayusin din 'yung talagang na pagkakaisa, mga kababayan? Kasi di ba, 'yung mahahalal na Pangulo ho ngayon minority President na naman. Bakit ho? Sa dami ng kandidato di ba? Sampu. Eh kahit si Pangulong Duterte minority President po 'yan eh, di po ba? So, napakarami ho ng mga aayusin, di po ba, sa ating bansa kaya dapat ho pipili ho tayo eh 'yung maayos ho na kandidato, di po ba. 'Yung ika nga eh– 'yung track record. 'Yung resibo ho, baka naman ngayon lang ho tumutulong ang mga 'yan dahil sa kampanya sa eleksyon mga kababayan, 'di po ba? 'Yun ho, talagang ang sinasabi eh— Hindi, dilawan ka o anuman ho, oh sige pero 'yung iba naman, bakit ayaw na ayaw na tawaging magnanakaw? Totoo namang may ninakaw eh, bakit ho? 'Yung mga binawi eh, may binawi 'yung gobyerno 'di po ba? Pag may binawi, may kinuha 'di po ba?

    Okay, oras ho natin mga kasama sa buong kapuluan, 9:24 na po ng umaga. At samantala, tuloy pa rin ho tayo sa ating balitaan at pagtalakay pa rin sa ilang mga maiinit na isyu, mga kababayan, at ito po, 'yung pamilya po ni dating Presidente Ramon Magsaysay ay nagpahayag po ng kanilang buong buong suporta para po sa presidential bid ni Vice President Leni Robredo at sa isang statement ni dating Senador Ramon Magsaysay Jr., ito po 'yung anak ng yumaong pangulo, na sinasabi po na si VP Robredo ang pinaka the best na presidential candidate mga kasama at 'yun ho, na talagang maaaring ito'y tumutugon din 'no sa mga pamantayan at siyempre, mga adbokasiya ng kanyang yumaong ama mga kababayan.

    So, 'yan po'y sabi po ni dating Senator Ramon Magsaysay Jr. mga kasama, 'yun po, si VP Leni ang sinasabi niyang pinaka the best at pinaka mainam na kandidato sa lahat po, mula po sa sampung presidential candidates na sasabak po para sa May 9, 2022 elections mga kasama. So, sabi po 'yan ha ni Senator Ramon Magsaysay so, 'yung kanilang buong pamilya ay sumusuporta dito po kay VP Leni mga kababayan. At samantala, siyempre naniniwala po sila 'no, na talagang ito po ang tutugon sa napakaraming mga problema ng ating bansa.

     

    Samantala, at ito ho at least, 61 former officials, 'yung mga dating opisyales, sisenta'y uno, ang dami ho nito 61, na dating opisyal ng Philippine National Police o PNP at 'yan din 'yung dating ano, 'yung Philippine Constabulary ay nagpahayag din po ng suporta para po kay VP Leni mga kababayan. At sa isang statement ay ayon po sa mga dating police officers na ang kanilang desisyon na iendorso si VP Robredo ay resulta ng kanilang konsultasyon, 'yung mga pagpupulong, at 'yun ho mga kababayan. So, nagusap-usap po sila, may mga consultation, pagpupulong, 'yun na po ang napagdesisyunan na si VP Leni ang kanilang suportahan at naniniwala raw po sila na si Vice President Robredo ay isa sa mga kandidato kung saan ay talagang meron pong political will at leadership at siyempre 'di ba, ang kandidato kinakailangan 'yun nga, 'yung competency at 'yung moral strength para ma-implement 'yung mga critical programs para po sa interes ng ating bayan mga kababayan.

    So 'yun po ano, sa kanilang statement at sabi rin po ng mga dating police officials na ito hong ano 'no, 'yung mga usapin tungkol po sa internal security at peace and order kabilang ang ilegal na droga so 'yun po 'no? Talagang isa lang po 'yan sa mga babakahin 'no ng lider o magiging pangulo ng ating bansa mga kababayan. So 'yun ho, so nadagdagan na naman ho ang suporta ni VP Leni, bukod ho sa pamilya Magsaysay mga kasama at gayundin po 'yung mga dating opisyal po ng Philippine National Police.

    So, napakarami ho ng mga kadahilanan, at siyempre, tumutugma po 'yung kanilang paniniwala dito po sa mga adbokasiya at sabihin natin, plataporma ni VP Leni. Samantala mga kasama, ay kabilang ho sa mga lumagda dito po sa pagpapahayag ng suporta ay ito pong sina dating Philippine Constabulary Colonel at national security adviser Cesar Garcia, 'yun ho mga kababayan at gayundin si dating National Police Commissioner Luisito Palmera, dating PNP chief Ricardo Marquez at dating Presidential Anti-Organized Crime Commission executive director Reginald Villasanta mga kababayan, 'yun ho.

    At bukod ho diyan ay nagpahayag din po ng suporta kay VP Leni ito hong dating Dangerous Drug Board Chair at PNP deputy chief for administration Felipe Rojas, dating PNP deputy chief administration Francisco Uyami mga kababayan, at ito hong si dating Criminal Investigation and Detection Group chief Edgardo Matillano at 'yun ho mga kababayan. So, ang endorsement ay kasunod ng mga naunang pagsuporta rin po 'no kay VP Robredo ng iba pang mga retired uniformed personnel kabilang ho sina dating Armed Forces of the Philippines chiefs Emmanuel Bautista, Jessie Dellosa, Hernando Iriberri at Eduardo Oban Jr.

    Sa kabuuan ay 114 na miyembro mula po sa across the— 'yung generations of the University of the Philippines Vanguards ay nagpalabas din po ng unity statement para sa pagsuporta dito po kay VP Robredo at sa kanyang running mate na si Senator Kiko Pangilinan.

     

    [TWO-MINUTE BREAK]

     

    Okay, oras ho natin mga kasama sa buong kapuluan, 9:33 na ho ng umaga mga kasama. at samantala, may invitation po rito, 'yung para po sa ceremonial signing ng memorandum of agreement para po sa Let's Vote Pinas, 'yun ho. Ito'y vote counting machine demo and experience mga kasama, 'yan po'y gaganapin sa Music Hall SM Mall of Asia, Abril a Dise Otso, alas onse ng umaga. Bukas po 'yan ha mga kababayan.

     

    Okay, samantala mga kasama oras na po natin ay 9:34 na po ng umaga. At samantala mga kasama kino-contact lang ho natin si Ogie Diaz mga kababayan, inaayos lang po ang linya ng komunikasyon mga kababayan at para mahingian po natin kung ano ba 'yung kanyang mga naging experience mga kababayan kasi ito ho, talagang nakikita ho natin sa mga people's rally ng Tropang Leni-Kiko mga kababayan, ay talagang siya po ay nagtutungo doon at ang sinasabi niya, talagang ito'y kusa niya ha, boluntaryo mga kababayan. At samantala mga kasama—

     

    Okay, samantala mga kasama, oras na po natin 9:35 na po ng umaga at samantala, makakusap po natin, isa po ito sa mga grupo mga kababayan na kung saan ay dati pong sumusuporta sa kampo po ni Manila Mayor Isko Moreno na ngayon ay lumipat na po 'no ng kanilang suporta para po kay VP Leni Robredo. Nasa linya po natin si dating undersecretary ng DOTr, si USEC Tim Orbos. USEC, magandang umaga po sa inyo.

     

    TIM ORBOS: Hello? Hello?

     

    ELY SALUDAR: Usec, good morning po. Si Ely.

     

    TIM ORBOS: Ay, magandang umaga, Ely. Magandang umaga po sa ating mga taga pakinig.

     

    ELY SALUDAR: Opo. Kumusta ho muna ang inyong grupo at– 'di ba, matapos po na kayo po ay lumipat po ng suporta kay VP Leni?

     

    TIM ORBOS: Kami ho natutuwa na 'yung aming panawagan, unang una sa call for unity, nagawa po namin call for unity kay VP Leni. Natutuwa po kami na sa amin [inaudible]. Alam ko po meron ding mga hindi magandang– 'yung masama ang loob sa amin, pero mas importante ho na madeliver namin 'yung mensahe na kailangan natin magsama-sama para, ano, huwag bumalik 'yung nakaraang masama sa ating lahat ay nagkaroon ng traction sa mas madaming tao po.

     

    ELY SALUDAR: Opo. So, sa ngayon, kasi may mga pumipintas po sa inyo, "Ah hindi, wala naman, maliit lang na grupo 'yan eh." Para po sa kaalaman ng ating mga listeners, gaano ho ba kalawak ito pong grupo niyo, 'yung IM Pilipinas? At ngayon bago na ho na ngayon, hindi na IM Pilipinas, binago niyo na 'yung pangalan?

     

    TIM ORBOS: Oho. Ano, Ely, sa totoo lang, IM Pilipinas is just one organization sa amin.

     

    ELY SALUDAR: Opo.

     

    TIM ORBOS: Madami pong organisasyon 'yan, 200 organizations po 'yan, na nabuo po natin para kay Mayor Isko noong araw. Ang mga sumasama po sa amin noon, hindi lang po 'yung IM Pilipinas, kundi po 'yung mga iba't ibang organisasyon. Sabi ko lang po na hindi po namin ninais or ginawa na imbitahin sila, pero kusang gawa, loob po nilang sumasama sa atin ngayon. So, siguro kung bibilangin mo lahat 'yun, siguro nasa anywhere-- Noong huling bilang po namin, noong December, umabot na ho kami ng mahigit isang milyon.

     

    ELY SALUDAR: Madami pala.

     

    TIM ORBOS: So, noong mga February, nasa mga 2 milyon na. So, hindi ko naman sinasabi po lahat po 'yan, pero mas madami na ho kaming nakukuha sa mga kasama po natin.

     

    ELY SALUDAR: So, para po sa kaalaman ng ating mga listeners at maging mga taga suporta ni VP Leni, ano ho ba ‘yung talaga 'yung pinaka dahilan at bakit po kayo lumipat ng suporta kay VP Robredo?

     

    TIM ORBOS: Ano po, Ely, kasi ganito 'yun. Siyempre noong nagsimula kami, wala pa naman si VP Leni. Nag-ano po kami kay Yorme na sumoporta po kami sa kanya, ang panawagan ho na 'yung problema ng COVID at saka ng ekonomiya. So, nakita namin 'yung Bilis - Kilos na ginagawa ni Yorme, talaga nga namang, at that point in time, talagang 'yun ang kailangan natin. Kaya lang po, nakita natin na meron tayong mas malaking problema ngayon. Ito 'yung divisiveness, ‘yung nagkakaroon ng dibisyon sa ating lipunan at mas nakakatakot po 'yung sakaling pagbalik ng nakaraan na hindi talaga natin kagustuhan. Ito po 'yung-- Na wala naman nasasabi sa atin si Senador Marcos, pero talaga naman ho 'yun ang sinisimbolo nila 'yung pagbalik nga noong nangyari na dala ng kanyang tatay. Ang hinihingi lang po namin, hindi ho ba, ay kanilang i-acknowledge 'yun, kanilang– humingi ng paumanhin sa dapat hingian ng paumanhin sa ating lahat, at huwag na nila palitan 'yung kwento ng ating kasaysayan.

     

    Hindi po natin pwedeng payagan bumalik 'yun, kaya ho naisip namin: Noong una unity, magsama-sama lahat. Eh ganoon nga, hindi naman nila maibigay 'yung tugon. So, Si VP Leni po ngayon, na kung saan talagang siya ang nangunguna. Siya na may pagkakataon talaga na lumaban at matalo itong pagpasok nga ng ating nakaraan. Lalo na po 'yung mga volunteers nakikita natin na talagang dumadami araw-araw ni VP Leni. Naisip na po namin, even the short time that we have, napakaliit na ho ng oras, sumama na tayo sa kanya.

     

    ELY SALUDAR: Opo. Okay, 'di ba kasi kayo po'y nanawagan ng pagkakaisa, unity. Ngayon, ito nama'y pagkakaisa para kay VP Leni?

     

    TIM ORBOS: Opo. Opo. Sana maintindihan ng lahat. Kasi ano naman, Ely, ganito, 'yung term naman for unity for VP Leni does not mean na igini-give up mo 'yung sarili mo tulad ni Senator Lacson at ni Isko Moreno. Hindi naman ho. Hindi ho ba kaya sila tumakbo dahil mahal nila 'yung bayan nila? Tuloy-tuloy parin naman na minamahal ang bayan nila. Whether talagang they give up the fight or pwede naman, 'di ba? Sana napakaganda ng isang gobyerno na coalisyon na makikita mo: ang bilis kilos ni Yorme nandoon, ang strong governance at anti-corruption stance ni Lacson nandoon, ang humanness 'yung pagkatao ng ating gobyerno makikita kay Pacquiao. Puwede naman pag-uusapan natin, bakit hindi man lang nila pagbigyan ng pagkakataon?

     

    Wala tayong magagawa, si VP Leni po nangunguna. Kung ibigay po natin 'yun sa kanya, taumbayan po nagsasalita noon hindi naman ho survey survey lang ho 'yan. So, 'yun na ho namin, ano, na kung ganoon din lang, kung ayaw ng mga presidentiables, nananawagan kami sa mga supporters nila: Sumama na kayo.

     

    ELY SALUDAR: So, bago kayo nag-anunsyo, USEC Tim, 'di ba 'yung sa Visayas and Zamboanga chapters ng IM Pilipinas ay nag-anunsyo na ng paglipat ng suporta. So ito, lalawak pa ito, USEC?

     

    TIM ORBOS: Alam niyo, Ely, masabi ko lang ngayon, ang dami ng tumatawag sa akin. So, dinidistansya ko rin 'yung sarili ko sa kanilang pagbaliktad para wala namang masabi si Yorme. Pero, sa totoo lang ho, ang daming lilipat talaga. Talaga, mag mula– Katulad sa kanina, may mga iba ho, hindi ko alam, parang 'yung apat na councilors or running for councilor, isa atang incumbent councilor ng Quezon City lumipat na kay VP Leni na dating nasa Aksyon. So, makikita po natin, sunud-sunod po 'yan. Ayaw man ho naming gawin 'yan, wala naman ho kaming ginagawa pero tingin ko po, 'yung tugon po namin for a unity eh naririnig at nararamdaman ng kadamihan sa atin.

     

    ELY SALUDAR: So, USEC, sa bawat mga chapter ng IM Pilipinas, ay pag merong mga kampanya 'yung team ho ni VP Leni, ay makikipag-ano kayo– susuporta at lalahok sa mga aktibidad at may mga house-to-house din ho ngayon eh.

     

    TIM ORBOS: Opo. Tinawagan po nila ako, 'yun lang sabi nila: baka hindi kami mag [inaudible] ng kulay pink kasi gagastos pa kami. Sabi ko: hindi naman siguro 'yung kulay importante dito at saka naman siguro ang isang presidente lahat ng kulay ng ating bansa. So, i think it will not matter kung hindi sila naka pink, pero lahat po sila mangangampanya na. Kulang na ho 'yung panahon at saka sa totoo lang ho napakalakas talaga ni Senator Marcos, so talagang, ano, doble kayod tayo ngayon.

     

    ELY SALUDAR: Pero paano niyo po kukumibinsihin? Kasi ang dito ho, base sa mga survey, 'di ba, at mga pahayag, 'yung masang Pilipino, talagang 'yun po ang parang pundasyon ng pangunguna ngayon ni dating senador Marcos Junior. So, papaano babasagin ito? At kasi-- Ito nga pinakahuli 'yung Magsaysay family, na 'yung pamilya ni dating yumaong presidente, Ramon Magsaysay, nagpahayag na ng suporta dito po kay VP Leni. So, papaano ba natin makukumbinsi sila, USEC?

     

    TIM ORBOS: Ako, boss, ano, unang-una kung titingnan natin 'yung profile ng ano, ng ating mga naniniwala kay BBM, may isang katanungan doon, na 'yun 'yung leading question na pinaka madami: Bakit ka na kay BBM? Eh kasi siya 'yung-- Ang sagot doon ay: Kasi siya 'yung lamang. So nakikita po natin dito, hindi naman talaga mabigat 'yung kanilang--

     

    ELY SALUDAR: Dahilan.

     

    TIM ORBOS: Oo, 'yung hawak ni BBM sa kanila. Sa inaasahan ko pong surge na mangyayari, makikita po ng taumbayan at least, may rason siguro bakit lumalakas si VP Leni. Kung makita lang nila bakit, silipan lang nila, I am sure maco-convince po 'yung taumbayan bakit si VP Leni ang kailangan natin iboto sa panahon ngayon. We have real problem, after the election, pagkatapos po ng piyesta ng eleksyon, wala na po ito. Tapos po tayo, kailangan natin harapin ang mga problema na dapat natin hinaharap.

     

    Unfortunately, si VP Leni lang ngayon ang nagbibigay ng tugon kung paano bigyan ng resolba 'yan. At saka 'yung call for unity, 'yung kanyang non-confrontational stance is precisely what we need right now para ho malabanan natin ang problema na ibibigay sa atin after the elections.

     

    ELY SALUDAR: Opo, ngayon ho bilang ang pamilya niyo, Orbos, ay taga-Norte, Pangasinan. So, talagang wala hong "Solid North" diyan kasi noong nakaraang linggo, nag-cover ho ako diyan sa Pangasinan, maging 'yung pamilya ni dating House Speaker Jose de Venecia Jr. ay nag-endorso na rin kay VP Leni. So, lumilitaw, talagang wala ng "Solid North", USEC Tim?

     

    TIM ORBOS: Ako naman, ako Ilokano ako, Boss. Ilokano talaga kami, pero 'yung pagiging Ilokano, bago niyan, Pilipino ka. So, mararamdaman ng lahat 'yan, hindi porke Ilokano ka na, ibibigay mo na 'yung boto mo sa kapwa Ilokano. [inaudible] talaga, ibibigay mo sa karapat-dapat 'yan. So, naniniwala ako na, wala pong "Solid North," may "Solid Pilipino" 'yan po inaasahan natin.

     

    ELY SALUDAR: Okay, sa panghuli po, USEC, siguro-- Baka meron ho kayong mensahe sa ating mga kababayan, nakikinig nationwide ho tayo ngayon. Ito pong palatuntunang ito, napapakinggan po Luzon, Visayas, at Mindano.

     

    TIM ORBOS: Salamat, Ely. Seryosohin po natin ang ating boto. Importante po 'yan. Ang pagkamali po ng pagboto sa Mayo, hindi lang po anim na taon ang pinag-uusapan natin. Sa takbo ho ng ating siklo sa ating kasaysayan, ang pagkakamali ho ay umaabot ng 30 taon. Kawawa naman po ang ating mga anak, ang ating pamilya, ang ating mga ano, mga magiging apo. Pag-isipan po natin itong maigi, huwag po tayong– Tanggalin natin 'yung tintawag nilang: "Nakikita lang natin sa [inaudible], 'yung so called "echo chamber", na naririnig natin sa kalia't kanan. Mag muni-muni po tayo. Itayo po natin ang ating pagiging Pilipino. si VP Leni na po ang ating kakaisang pagkakataon na hindi ho mangyari ulit 'yung nangyaring masama noon nakaraan. 'Yun lang po. Ely, maraming salamat sa iyo.

     

    ELY SALUDAR: Salamat din po, USEC. Good morning.

     

    TIM ORBOS: Salamat din po, pasensya na po sa [inaudible]

     

    ELY SALUDAR: Okay, mga kababayan. 'Yan po si dating DOTr Undersecretary, Tim Orbos. Dating general manager po ng MMDA, mga kasama, sa ilalalim po ng Duterte Administration. So 'yun ho, mga kababayan, at sila po 'yung sa IM Pilipinas, o 'yung Ikaw Muna Pilipinas, na kung saan noong una, kanilang iniindorso ito pong si Manila Mayor Isko Moreno. Pero kasi, noong kanilang inendorso ito si Yorme, ay hindi pa ho nagdedeklara ng kandidatura ito pong si VP Leni. So, sinasabi niya ho ngayon, at bago ho sila nag-anunsyo, 'di po ba mga kababayan, eh meron ng mga– ‘yung diyan sa may Visayas at maging sa Zamboanga Chapters ng IM Pilipinas, eh nag-anunsyo na po sila eh na sila po ay lumipat na po ng suporta, dito po kay VP Leni. At ito, sinundan na po ng dating USec Tim Orbos, mga kababayan. So ngayon ho, alam niyo naman ho, talagang depende po sa kanya-kanyang mga desisyon at pananaw mga kababayan, kaya sabi po kanina ni USec Tim Orbos, may mga sumusuporta sa ibang kandidato na pupuwede pang mahikayat, mga kababayan. So, ‘yun ho kasi mababaw ang dahilan eh. Ang sinasabi mga kasama, mababaw ang dahil ano. Ibig-sabihin ay ‘yung hindi ganoon ka-solid ‘yung kapit ho mga kababayan. Hindi po ba, na pupuwede na makumbinse para po sa ikabubuti ng lahat.

     

    Okay mga kasama, oras na po natin sa buong kapuluan, 9:48 na po ng umaga. At samantala, basahin na natin ‘yung mga listeners na kababayan na nakikinig dito po sa ating palatuntunan. Mula kay Jesus de Catalina, good morning sa iyo. Gayun din kay Ezekiel Llana, o Ilan, good morning. Gayun din po kay Mabel Flores, good morning po sa inyo ha, sa ating mga listeners. Si Gina Gonzales Callado, good morning. At gayun din po si Dan Hale Mangilaya, good morning po sa inyo ha. So, lahat po sila kanya-kanya, may nagpapahayag ng kanilang pag-suporta kay VP Leni at Senator Kiko. May mga sa kabilang kandidato naman, okay lang po ‘yan. May demokrasya po tayo mga kababayan.

     

    Si Junewyn Galgo, good morning sa iyo ha. Si Daniel Bon, Allen Al, good morning. Si Johannes Andrei, good morning sa iyo, sa ating mga listeners ha. Si Ronald Tumbaga, good morning. Si Peter Portes, si Ronald Tumbagoy, nabanggit ko na ito. Si Den, ano ba ito, baliktad kasi apelyido eh. ‘Yung iba ano eh, ‘yung iba, mahirap basahin baliktad ang mga apelyido kasi. Darlene Ibabab, si Jay Hilario, Tessy Rafis, good morning po sa inyo ha. Si Cre Bandalan, si Peter Portes, at si Cora Nacarioponon, good morning po sa inyo. Si Lolita Mendez, good morning po ha. At sino pa ba ito, si Shane Ruadop.

     

    Ang dami. Soledad Librero, good morning. Kasi ‘yung iba paulit-ulit kaya nilalampasan ko na kasi nabanggit ko na po, kasi hindi lang po mensahe– ay iisa ang mensahe kanila ano. Si Lovely Tutanes, good morning po sa inyo. Si Za Oligario, good morning. Si Yuyong, Carolina Nakahashi, good morning po sa inyo ha. Si Andrew Tan, good morning. Angel Pemelen, good morning mga kababayan. Sino pa ba ito. Lolita Jay Mendez, Roy Endriga, good morning po sa inyo. Arthur Dela Vega, good morning ha. Mabel Flores at Helen Barcelona.

     

    ‘Yung inyong mga mensahe, hindi ko na po babasahin kasi kanya-kanya ho mga kababayan na mga pahayag sa kani-kanilang mga kandidato. Okay lang po iyan ha, basta kung kayo po ay sumusubaybay, nanonood, at nakikinig dito po sa palatuntunan ay babasahin ko po kayo, okay? Ay ‘yung mga pangalan na lang ha mga kababayan.

     

    Oras po natin, alas nuwebe singkwenta y dos na po ng umaga. Ingat-ingat lang ho ah, sa ating mga kababayan. At pinapa-abot po natin ‘yung ating pakikiramay, diyan po sa ating mga kababayan sa Leyte, ‘yung tinamaan po ng bagyong si Agaton. Naku, ang dami po ng namatay din mga kababayan ano. At marami pong nasira na mga ari-arian. At ayun ho ano, diyan po lalo na sa may Baybay City, mga kababayan ay talaga namang, ayan po ang tinamaan ng grabe ho, sentro po ng bagyong Agaton. Nagkaroon po ng landslide, at marami po ang natabunan nang buhay. Naku kawawa po talaga. Parang paulit-ulit na lang ho mga kababayan. Sa ngayon ho umabot na po sa 167. Isang daan at anim napu’t pito ang kumpirmadong namatay ayon ho sa pinaka-huling talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

     

    At dahil sa ‘yung walang tigil na malakas na pag-ulan, nagkaroon po ng pagbaha, at gayun din po ng landslide diyan po sa Leyte at iba pang bahagi ng Visayas noong Abril a-onse mga kababayan. So, ayun po, sa ngayon ay naibibgay naman po ng gobyerno at iba pang mga NGO ang kani-kanilang mga tulong, pero siguro lahat po ay pupuwedeng tumulong para po sa ating mga kababayan, diyan po sa Leyte, ay ipa-abot po natin ang tulong. Bagamat may paalala po, hindi ba ‘yung COMELEC sa mga politiko na gustong tumulong, dapat po wala pong mga marka, hindi ba ‘yung mga pangalan.

     

    Alam naman natin, talagang usong-uso iyan, lalo na at panahon ng kampanya. Kapag meron pong mga ano \– hindi ba, may mga ganyang kalamidad, tutulong po ‘yung iba para lang pumostura, ano mga kababayan. Lalo at panahon po ng eleksyon.

     

    Pero makikita niyo ho at masusukat niyo ho, mga kababayan, ‘yung talagang mga opisyal po ng ating gobyerno, na tumutulong kahit hindi pa po panahon ng eleksyon, ano mga kababayan. Doon ho eh, doon niyo– titignan niyo ho nang mabuti. Noong wala pang eleksyon, ano ba ito, tumutulong ba ito sa mga kababayan nating mahirap o ‘yung mga biktima ng kalamidad, kung ano-ano mang mga sakuna, trahedya? O baka ngayon lang, sa panahon po ng kampanya? Ayun, dapat titignan po natin ng mabuti ha. Kaya isa po ‘yan dapat ating ikinukunsidera, mga kababayan. Kaya– kasi baka tutulong para makakuha ng kapalit, ‘yung boto. Alam niyo ho mas maganda, pinaka-mainam na tumulong hindi ba ‘yung wala kang hinihinging kapalit. Hindi po ba, at talagang taos puso, ‘yung na sa kanyang– ‘yung talagang gustong gusto niya po tumulong, bukal po sa kanyang kalooban, ayon, ‘yun ang tamang termino. Bukal po kanyang kalooban na tumulong, hindi po ba.

     

    Okay, good morning din kila Letisha Quiazon Mayores, good morning po sa inyo. Si Denmar Caballero, good morning po sa inyo, okay. Nako, ang bilis po ng oras ano, at limang minuto na lamang bago sumapit ang alas-diyes ng umaga, mga kababayan. At siguro sa susunod na ho na ating episode, ay muli nating mai-schedule itong si Ogie Diaz, at iba pa hong mga celebrities na sumusuporta dito po kay VP Leni, mga kababayan.

     

    At marami ho ano, ‘yung ating mga kababayan sa ibayong dagat. Kung kayo po ay rehistradong botante, nagsimula na po, hindi ba ‘yung pagboto, ‘yung sa absentee voting, pupwede na po kayong bumoto, kung saan man po kayo naroon. At para hindi ba – ibigay ninyo ‘yung inyo pong karapatan na makapamili. At isa po sa mga nakita ko, ito si Miss Universe 2015, si Pia Wurtzbach. Kilala niyo naman po ito ano. Noong Abril a-trese, first time voter pala ito, mga kababayan, ito ang kanyang unang-unang pagboto.

     

    At ang sinasabi niya ay bilang isang first time voter, masasabi niyang talagang napaka-gaan ng kanyang pakiramdam, maganda ang pakiramdam sa kanyang pagboto at medyo emosyonal daw actually, pero may halong excitement att ayun po ang sa kanya. Ang binabanggit niya po, ay kanya raw pong ipinagmamalaki na ang kanyang ibinoto ay VP Leni bilang susunod na pangulo ng ating bansa at kanyang ibina-bahagi ito dahil sa naniniwala siya sa kakayahan ng isang babae. Naniniwala siya na– naninindigan siya ano para kay VP Leni. So, ayan po si Pia Wurtzbach ano. Miss Universe 2015, mga kababayan. So, doon ho siya sa abroad, bumoto na po mga kababayan.

     

    At siyempre siguro, dapat po ay mabilis ho na tignan din po nang mabuti ng ating Commission on Elections o COMELEC, hindi ba ‘yung mga report na merong pre-shaded ballots ho, mga kasama. Dapat po tignan nang mabuti ‘yan ha. At sana hindi po maging malawak, ‘yung ating mga kababayan na mga Pilipino ano na nasa ibayong dagat. Dapat po ay ano– tignan niyo nang mabuti ‘yung inyong mga balota, mga kababayan. Siyempre ay sana po ay tignan niyong mabuti kasi kung sino ‘yung gusto niyong iboto, ‘yun ang dapat ang lalabas, hindi po ba. At kayo po mismo ang dapat na – kayo mismo ang dapat na pipili, hindi po ba. Kasi ikaw ang boboto, ikaw ay may karapatan eh. So, titignan mong mabuti, hindi po ba?

     

    Okay, So, ayun po ano, may mensahe naman galing po sa ating caller, si Anton. Sana raw po ay ipag patuloy ni VP Leni ang Oplan Tokhang at Build, Build, Build sakaling manalo siya sa halalan. May mga naging pahayag na po si VP Leni at ‘yung mga maayos na mga proyekto, ipagpapatuloy po ‘yan ano. Ipagpapatuloy at para po kung ito po ay nasa interes po ng taong bayan at ‘yung– [AUDIO CUTS OFF]

     

    [END]

     

    Posted in Transcripts on Apr 17, 2022