This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong Leni Ep. 259

    BISErbisyong Leni Ep. 259


    ELY SALUDAR: Magandang umaga, Pilipinas, Luzon, Visayas, at Mindanao. Isa na namang edisyon ng BISErbisyong Leni dito po sa RMN. At syempre, ngayon po ay araw ng Linggo. April 24, 2022. Magandang umaga, Pilipinas. Sa pangalan po ni Vice President Leni Robredo, ako pa rin po ang inyong Radyoman, Ely Saludar. At syempre patuloy po tayo na magkakasama, magkakarinigan hanggang alas-diyes ng umaga.

    At samantala mga kasama, belated happy birthday kay VP Leni na kahapon po ay nagdiriwang ng kanyang kaarawan. So, happy, happy birthday. At nako, kagabi ho mga kasama, talagang napakarami ho ng mga nag-tungo. At base po sa talaan ay nasa mahigit 412 thousand, ‘yung People’s Rally diyan po sa Pasay kagabi, mga kababayan, at kasabay ho ng kaarawan ni Vice President Leni Robredo.

    At samantala mga kasama, bahagi pa rin po ng BISErbisyong Leni dito po sa RMN [audio cuts]. Sundan po ‘yung pagsubaybay sa mga naging aktibidad po ni VP Leni, ay ibibigay po namin sa inyo ano, ‘yung mga detalye at para alam niyo lang ho ano. Talagang grabe ho, sabihin natin eh, kumbaga sa ano, ano, ‘yun ho ano, ‘yung mga kasabihan na kayod marino.

    Talagang walang sinasayang na oras, mga kababayan at tuloy-tuloy po ‘yung pagi-ikot at pag-punta ni VP Leni sa iba’t ibang mga lugar mga kababayan. Talaga namang– kahit maliit na lugar ah. ‘Yung iba nga sinasabi, bakit pinupuntahan ‘yan, eh ang liit-liit lang ng bilang ng mga botante diyan? Bakit kailangan pang pag-aksayahan ng panahon?

    Pero sabi po ni VP Leni mga kababayan, ay kasi ‘yung mga malilit na lugar na ‘yan. Kasi hindi niya issue ‘yung napaka-kaunti na mga botante. Kasi noon pa man eh, nako ang lalayo ng mga biyahe, mga kasama, at meron po silang mga proyekto, eh talagang pinupuntahan. ‘Yung iba– kaya tuwang-tuwa ho ‘yung ating mga kababayan doon eh. ‘Yung iba napapaluha dahil sa talagang halos wala pong pumupuntang opisyal ng gobyerno at para alamin ‘yung kanilang mga pangangailangan at mga hinaing para po sa ating pamahalaan.

    Okay. Samantala mga kasama at mula pa rin ho dito sa DZXL 558 Manila, tayo po ay napapakinggan sa DYHP Cebu, gayun din po sa RMN DXCC Cagayan De Oro, RMN DXDC Davao, at RMN DWNX Naga. At syempre sa lahat po ng naaabot ng broadcast nationwide at netwide mga kababayan.

    Ito na ho. Umpisahan na natin noong lunes ay ‘yung sa Infanta People’s Rally. Nagkaroon po diyan ha, pinuntahan po ‘yan ni VP Leni diyan po sa Infanta at nagkaroon po ‘yung tinatawag na Reinagkakaisa for Leni-Kiko People’s Rally. At ayan po ay ginanap sa Common Bus Terminal sa Infanta, Quezon.

    At tapos niyan, ay tumawid diyan po sa Polillo Island sa isang multi-sectoral meeting. ‘Yung Polillo Town Plaza, sa Polillo, Quezon. At pagka-tapos po niyan sa Quezon, ay pumunta naman diyan po sa Marinduque. At partikular na binisita ni VP Leni, diyan po ‘yung Marinduque Provincial Capitol, mga kababayan. At tapos po niyan, ay bumisita sa Diocese ng Boac, sa Sacred Heart Pastoral Center sa Boac, Marinduque, mga kababayan. At nagkaroon din po ng Marinduque People's Rally noong Lunes, itong Paranina. At diyan po sa Edmundo M. Reyes Sr. Recreation Center and Sports Complex, sa Boac, Marinduque.

    At kinabukasan, mga kababayan. Talaga dire-diretso ho, wala pong pahinga. Kinabukasan ay nagtungo naman si VP Leni at ang tropa diyan po sa Zambales. At ang partikular po na binisita ng ating Bise Presidente, ito pong Sebastian Catholic Church, diyan po sa San Sebastian Catholic Church sa San Narciso, Zambales.

    At nakipag-pulong din sa mga lokal na pamahalaan o local leaders, ‘yung Hiyas ng Kalikasan, San Narciso, Zambales. Okay ayun po. At pagkatapos po niyan, sa San Narciso, Zambales, ay dumalo naman si VP Leni diyan po sa Zambales People’s Rally. ‘Yung tinatawag nilang Olonggapink, sa Magsaysay Drive corner Gordon Avenue sa Quezon City, Zambales. At ayun din ‘yung binasbasan ho siya, blessing by Bishop Ruperto Santos sa Cathedral Shrine Parish of Saint Joseph, Balanga City, sa may Bataan.

    Tapos eh, ‘yung sa Bataan ho mga kababayan, grabe po roon ah. Ang dami po nating mga kababayan na nagpakita po ng suporta. ‘Yung tinatawag na Bayanihan Bataan Peoples rally, mga kababayan, at diyan po sa Sitio Maluwang, Cupang proper, Balanga City, Bataan.

    Ang dami-dami hong mga tao at nakapagtataka dahil sa kabila po ng kawalan ng mga suporta ng mga local na opisyal ng ating pamahalaan sa Tropang VP Leni, ‘yung mga tao talagang grabe ho ‘yung kanilang pagpapakita ng suporta, mga kababayan.

    At kinabukasan, araw naman ng miyerkules ay bumisita po dito po kay Bishop Julito Cortes at Clergy members, diyan po sa Dumaguete Cathedral, Perdices street, Dumaguete City, Negros Oriental. So, Oriental na naman ho, mga kababayan.

    At nakipag-pulong din kay Representative Jocelyn Limkaichong ng District 1 at ‘yung mga Alkalde at mga Barangay officials, sa Barangay Panubigan Multi-purpose Hall, Canlaon City, Negros Oriental. At ayun ho, ‘yung Pink Eruption Canlaon City People’s Rally. ‘Yung sa may Pasayaw Grounds, Canlaon City, Negros Oriental mga kababayan.

    So, ayun ho ano, sa District 1 ‘yan. Sa District 1 ‘yan mga kababayan. At sa District 3 ay nagkaroon po ng Multi-sectoral gathering sa Barangay Poblacion Multi-purpose Hall sa Bayawan City, Negros Oriental pa rin.

    Binisita rin po ni VP Leni Robredo ang Bayawan New Government Center diyan po sa Bayawan City, Negros Oriental. At 'yun din ho 'yung pagtitipon ho ng mga supporters sa Capital Square, Siquijor, sa Siquijor, mga kababayan. At ito hong SiquiRose Leni-Kiko People's Rally, ginanap naman po 'yan sa Queen Gate Center sa Larena, Siquijor. At ang Miting de Avance with Mayor Felipe Antonio Remollo sa District Two, 'yung mga mayors and barangay officials sa Pantawan, Rizal Boulevard sa Dumaguete City, Negros Oriental.

    At tapos ho niyan, mga kababayan, ay meron ho 'yung meet and greet with key sectoral heads diyan pa rin ho sa Dumaguete City. At isinunod ho diyan– ito naku, ang dami rin hong tao– 'yung Sidlak Negros Oriental People's Rally na ginanap po sa Rusi Ballfield, Dumaguete City, Negros Oriental. So, 'yan po 'yung araw ng Miyerkules, mga kababayan.

    At araw naman po ng Thursday, o Huwebes, ay nagtungo naman sa Cebu si VP Leni, mga kasama, at ang kaniyang pinuntahan diyan po sa may Bantayan Plaza, Bantayan Islands sa Bantayan Cebu. At meron po doong ano, 'yung LaBantayan People's Rally. At matapos po niyan ay ito ho isinunod ho 'yung Abante Norte for Leni-Kiko sa 4th District People's Rally, diyan naman sa Don Celestino Martinez Sr. Sports at Cultural Center sa Bogo City, Cebu. Ayun, mga kababayan.

    At tapos po niyan ay nakipagpulong kay Mayor Ramon Durano III diyan po sa may Mayor's Office, Danao City Hall, sa Danao City Cebu. Ayan, na-coveran ko ho 'yan ah. At marami rin hong mga tao doon, ano. Nagkaroon po ng Danao People's Rally diyan po sa Danao City, Cebu.

    At may mga binabanggit nga na bakit nagkakaroon pa ng mga maliliit na People's Rally si VP Leni sa bawat bayan-bayan. Pero ang sabi ho niya kasi merong mga– may tinatawag na Grand Rally, halimbawa, sa isang probinsya, mga kababayan, pero kinakailangang puntahan niya 'yung bawat maliliit na bayan– lugar kasi baka hindi po sila makakarating kung malayo-layo 'yung mismong pagdadausan ng pinaka-Grand Rally. Kaya may mga mini people's rally na ginaganap sa bawat bayan, di po ba.

    Katulad nito, diyan po sa Cebu ay 'yung pinaka malakihan, 'yung Cebu Grand People's Rally, mga kababayan, ay 'yung tinatawag na Cebooom, ayun. Naku, napakaraming tao ho. Sa may Mandaue ho 'yan ginanap, mga kababayan, 'yung sa Reclamation Area sa Mandaue City. Ang dami rin hong tao doon at daang libo ho, mga kababayan. Base ho sa estimate nasa 250,000. So, 'yun ho, at sa Mandaue City, sabi po ni VP Leni hindi niya– hindi pupuwedeng isa lang. Kasi kadalasan po 'yung ibang mga kandidato halimbawa pupunta sa isang probinsya, magdadaos na lang ng isang malaking grand rally, mga kababayan. So, 'yun po at tapos niyan ay wala na.

    Pero iba po istilo ni VP Leni. Lahat po na mga lugar, mga maliliit at sa kaniyang paniniwala na baka hindi makarating mismo sa tinatawag na grand people's rally, pinupuntahan niya umaga. Talagang sinusuyod niya ho 'yan, mga kababayan. Kasi iba pa rin ho na di ba, pag kandidato ka mas maganda talagang nakikita mo lahat. 'Yung mga tao personal mong inaalam 'yung kani-kanilang mga hinaing o anumang mga pagnanais na mabago sa kanilang buhay sa kanilang gobyerno, 'yung po ang pinaka importante, di po ba?

    At matapos po niyan sa Cebu ba– ano 'yan parang bale sa bahagi ng norte ho 'yan, ano ng Cebu. Kasi 'yung nakaraan, pumunta naman siya bale sa south naman 'yun. So, ito naman sa norte, mga kababayan. So, buong Cebu talagang halos okay na. Nalibot na ho, mga kababayan. At bagamat 'yung mga lokal na opisyal doon ay karamihan hindi sa kanya sumusuporta, pero 'yung taumbayan naku, ang dami ho 'yung po ang sumusuporta.

    At Biyernes, mga kababayan, nagkaroon po ng Covenant Signing with the transport sector diyan naman po 'yun sa may Leni-Kiko Volunteer Center, Katipunan Avenue sa may Quezon City. Kaya galing ng Cebu kinabukasan ay ang uwi dito sa Manila tapos diretso na ho diyan sa may Leni-Kiko Volunteer Center sa Katipunan City– Katipunan Avenue, Quezon City, mga kababayan.

    At ito ho 'yung endorsement at blessing ng Clergy for the Moral Choice Group sa San Pablo Apostol Parish, Tondo, Maynila. At gayun din po 'yung sa Piling ng Laylayan Prayer Vigil and People's Assembly. So, 'yan po ang kabuuan ng naging aktibidad ni VP Leni, mga kababayan, sa nagdaang linggo. Punung-puno ho mula Lunes hanggang Sabado, ano.

    Alam niyo naman 'yung kahapon 'yung Sabado, mga kababayan, ay nagkaroon po ng 'yung ArawNa10To: The People's Rally diyan po sa Diosdado Macapagal Boulevard sa may Pasay City. Naku, napakarami hong tao, mga kababayan, ano. At base po sa pinakahuling tala– kasi ako inabot din ho ako diyan kagabi ng mga alas dose na ho, mga kababayan, 412 mahigit– 412,000.

    At ngayon makakausap po natin dito po bahagi po ng Istorya ng Pag-asa sa BISERbisyong Leni sa RMN. Ito kagabi nakita ko rin ho talagang nagbabad po ito at kasama po ito diyan po sa ArawNa10. Ito 'yung the People's Rally diyan po sa Diosdado Macapagal Boulevard sa may Pasay City.

    Naku, napaka– grabe hong trapik ho diyan, mga kababayan. Kasi kung kailan ho magdadaos ho diyan ng People's Rally biglang binugkal ho. Ang ganda pa ng kalsada ho diyan sa may bandang Roxas Boulevard. Talaga naman ho, ano. Grabe kung hindi mo ano, hindi mo maalis na mag-isip.

    At samantala sa ating mga listeners, ah. Makakausap po natin si Senator Sonny Trillanes dito po sa bahagi ng Istorya ng Pag-asa para malaman po natin at kumusta na ba 'yung kanyang kampanya at 'yung kanyang pagsama rin po sa kampanya dito po ng tropang Leni sa pangunguna ni Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan. Nasa linya na po natin si Senator Antonio Trillanes. Senator, magandang umaga po sa inyo.

    SONNY TRILLANES: Magandang umaga po sa inyo, Ka Ely, at sa ating pong mga listeners.

    ELY SALUDAR: Opo, ang alam ko puyat ho kayo at ako nag-cover din ako kagabi. Talagang grabe po, 'no? Nasa 412,000, ayon po sa tala, na dumalo diyan po sa people's rally sa may Pasay City. Kayo po, ano pong impresyon niyo, Senator, diyan po sa nangyari kagabi sa people's rally sa may Pasay?

    SONNY TRILLANES: Alam niyo po, Ka Ely, historic po 'yan, ano? 'Yung people's rally kagabi kasi talagang wala tayong nakitang ganoon sa kasaysayan na ganoon kalaking rally.

    ELY SALUDAR Opo. Kasi ako, nagtungo ho ako doon, Senator, mga alas onse palang. Naku, ang dami na hong tao, nakikita talaga– naglalakad sa init ng araw. Kaya nga naikukumpara noong 2016 miting de avance ni Pangulong Duterte, 300,000. Pero ito, isang people's rally, grand rally, 412,000. So, ito ho ba ay talagang pagpapakita, Senator, ng mas lumakas na po ang suporta kay VP Leni at sa buong tropa, kabilang po kayo sa mga senatorial candidates, dito po kaugnay ng nalalapit na May 9 elections?

    SONNY TRILLANES: Opo, [inaudible] po 'yan– [line cuts]

    ELY SALUDAR: Senator, sandali, ha? Nasisira ang linya. Sen., sandali lang po, ha? Sen.? Hindi maganda po ang ating linya, maganda po ang kanyang sinasabi.

    [commercial]

    Okay, oras na ho natin mga kasama sa buong kapuluan, 09:33 na ho ng umaga. Sandali lang ho, ayusin lang po natin ang ating linya kay Senator Trillanes. At para malaman ho natin, kasi napaka importante ho nito, mga kababayan. At kayo ho siguro mismo, lalo na po 'yung mga taga suporta ni VP Leni, ay– 'di ba, kasi 'yung mula umpisa, hindi papaunti eh, paparami ng paparami. Balikan naman po natin si Senator Trillanes. Senator? Balik po tayo.

    SONNY TRILLANES: Opo, opo, Ka Ely.

    ELY SALUDAR: So, 'yung nga ho, at maraming nago-obserba, ako rin ho mismo na obserbahan ko. Simula noong kampanya, 'yung bawat, ano, 'yung mga people's rally na iyan, papalaki ng papalaki. Actually, parang naging kompetisyon ito sa bawat lugar, at ngayon, ang korona ay nasa Pasay City na.

    So, ito ho ba– kanina ang tanong ko ay pagpapakita na talagang lalo pang lumlakas 'yung suporta kay VP Leni, Senator Kiko, at sa buong mga kandidato po ng tropang Leni.

    SONNY TRILLANES: Maliwanag na indikasyon po ito ng pagpalaki ng suporta ni VP Leni.

    ELY SALUDAR: Opo.

    SONNY TRILLANES: At hindi pa po 'yan miting de avance, 'no? Kaya, inaantabayanan po natin 'yun. At dito po sa Metro Manila, supposed to be lamang po si Bongbong Marcos dito, ayon sa mga survey, pero kita niyo naman 'yung rally nila sa Manila ay ang maximum daw ay 15,000 lang.

    ELY SALUDAR: Opo.

    SONNY TRILLANES: So, ayan po.

    ELY SALUDAR: Okay, so– kasi dito, madalas pag may mga ganyang malalaking rally, si VP Leni, naglalabas na po, ano, ng mga survey. Nire-rehash kahit na luma na. Pero kayo ho, meron hong– 'di ba may Magdalo survey? Kamusta po ito, Senator?

    SONNY TRILLANES: Opo. Doon po sa internal survey po natin, kasi pinag-usapan po ng team, ano, para hindi makita noong ating mga kalaban, so for strategic purposes ay namamapa natin. Dito po sa survey natin, dito po sa NCR, dumidikit na po ang laban. Dito po sa Southern Luzon, to include Bicol, lamang po si Leni. Doon po sa Central Luzon, tabla, sa Visayas, tabla, sa Mindanao, humahabol po si VP. Kaya nga na mention ko kagabi, importanteng makuha ni VP Leni ang Metro Manila para mag tuloy siya sa tagumpay sa Mayo.

    ELY SALUDAR: Pero sa ipinakita ng mga, 'di ba, rally, halimbawa kagabi sa Pasay City, mukhang lumalakas po 'yung suporta ni VP Leni sa NCR.

    SONNY TRILLANES: Opo, dito po sa NCR, na-identify na po namin 'yung mga strong areas ni VP. Meron po siyang apat na siyudad na siya po 'yung lamang, doon sa iba, ano pa, naghahabol pa po siya.

    ELY SALUDAR: Opo.

    SONNY TRILLANES: Kaya 'yan ang kailangan po nating tutukan.

    ELY SALUDAR: Kaya naman 'yung panawagan po ni VP Leni, talagang paigtingin pa 'yung house to house para po sa ating mga kababayan kasi talagang isa po 'ito sa– Kayo ho, nakikita niyo rin ho ba ito na talagang magandang estratehiya at gawin ito ng ating– ng inyo pong tropa?

    SONNY TRILLANES: Opo, doon po sa– kakagaling ko lang po sa Mindanao at talagang, ano po 'yan, very effective po 'yung ginagawa ng mga Leni volunteers, ng team Leni-Kiko volunteers. Talagang nakaka-convert sila, lalo na sa rural areas, saka walang kalaban kasi 'yung kampo naman nila Bongbong Marcos ay wala naman pong mga volunteers na nag gaganyan. So, pinipitasan lang sila ng mga supporters everyday.

    ELY SALUDAR: Pero, Senator, dito ho, at kahapon makasaysayan 'yung nangyari diyan po sa Mindanao, dahil sa, 'di ba, 'yung MILF. Talagang ito, ngayon lang ho ito, sa kauna-unahan na pagkakataon, nag bigay po ng suporta sa isang presidential candidate. At ito– sa BARMM ho ito, BARRM. So, kayo ho, anong pong nakikita niyo ho rito na parang lalong lumalakas po ang suporta ng mga taga-Mindanao kay VP Leni?

    SONNY TRILLANES: Opo. Liliwanagin lang po natin, ano? 'Yang MILF, hindi na po 'yan grupo ng rebelde, kundi sila na po 'yung namamahala ng BARMM, kaya malaki po ang impluwensya niyan. Tapos kasama po noon doon sa endorsement ni Chief Minister Murad Ebrahim ay 'yung endorsement din ni Toto Mangudadatu na dating governor ng Maguindanao, na supposed to be i-endorso si Isko. So, bumaliktad na siya. Kaya malaking ano po ito, malaking dagdag po kay VP Leni itong nangyaring ito kahapon sa Muslim Mindanao.

    ELY SALUDAR: Opo. Kasi dito nga ho ano sa Bangsamoro Autonomous Region diyan po sa Muslim Mindanao eh bagamat iisa lang 'yung ano– ‘yung ano di ba, isang governor lang po ang ano 'yung sa Basilan ang sumusuporta, si Governor Mujiv Hataman– o si ano, Jim Hataman– pero lahat po ng mga governor ay sumusuporta sa kay Ginoong Marcos Jr.

    Pero dito ang sinasabi po Senator Trillanes, 'yung MILF at 'yung UBJP, 'yung parang pinaka partido po ito ano ng Bangsamoro, ay talagang kauna unahan na political party po ito, United Bangsamoro Justice Party, eh kauna unahan na nag-endorso. Kayo ho ba, sa inyo pong pananaw, at siguro para po sa ating mga kababayan na 'yung mga Muslim lalo na rin dito po sa Metro Manila, anong nakikita niyo na dahilan bakit po ito hong MILF– ito ay ano legal na po ito 'yung grupong ito ha– ay nagbigay po ng suporta kay VP Leni.

    SONNY TRILLANES: Okay. Marami hong kadahilanan. Unang una, 'yung historical relationship nila with the Marcoses. Naalala noong MILF kung ano 'yung mga atrocities noong martial law kaya hindi din nakakalimutan 'yan.

    Pangalawa, kinontra din po ni Bongbong Marcos 'yung Bangsamoro Basic Law, 'yung pagbuo ng BARMM. Kaya alam nilang ano 'yan magiging problema nila 'yan later on. Kasi ang gustong mangyari ni Bongbong Marcos ay kumbaga i-enforce 'yung Tripoli Agreement noong panahon ng tatay niya na ang kausap si Nur Misuari ng MNLF. So, bubuhayin 'yung MNLF at baka buwagin 'yang BARMM na 'yan with the MILF. So, 'yun 'yung naging ano niyan, background niyan.

    Sa kabilang banda naman, nakita nila si VP, siya 'yung one of the main authors ng Bangsamoro Basic Law na talagang bumuo nitong BARMM na naging daan para sa kapayapaan diyan po sa Central Mindanao with the MILF. Tapos during the Marawi siege, 'yung rehabilitation, mga baha, bagyo kung ano man, andidiyan po palagi si VP Leni. So, ang dami nilang dahilan kung bakit pipiliin nila si VP Leni. At marami silang dahilan kung bakit hindi nila pipiliin si Bongbong.

    ELY SALUDAR: Senator ito madalas na mabanggit 'yung Jabidah massacre. Ano ho ba ito? Kasi parang ito ho ang– parang kinasusuklaman ho ito ng mga Muslim eh, na nangyari talaga dito po sa ating mga kababayang Muslim.

    SONNY TRILLANES: Ito po 'yung noong panahon ni Ferdinand Marcos, 'yung dating Presidente, na nagbuo siya ng special team ano? Mga galing nga sa Muslim Mindanao na ang plano niya ay ipapadala niya sa Malaysia para maghahasik ng gulo doon para eventually magko-cause ng rebellion doon po sa Sabbah.

    Ngayon po ay nagkaroon po ng problema doon sa training at eventually ay kinuwan sila– pinagpapatay para walang mag saksi ano, mag kwento kung anong nangyari doon. So, ganyan po, 'yun nga po 'yung na-expose noong mga panahon na 'yun kaya 'yun po ang naging bunga ng rebellion din diyan sa Mindanao.

    ELY SALUDAR: So, isa po ito sa talagang masamang pangyayari at kinasusuklaman po ano ng ating mga kababayang Muslim. So, diyan po sa– kasi ang MILF ho ay, sabihin natin, sila po ang nangangasiwa na ngayon ano ng BARMM. So, malaki po ang posibleng impluwensya po nito ano dahil sa may mga binubuo po ito ng iba't ibang mga probinsya na kasama po sa ilalim po ng BARMM.

    SONNY TRILLANES: Opo. It will neutralize the endorsement noong mga governor na pumunta kay Bongbong Marcos. Kasi meron din silang counterpart na mga political officers diyan on the ground ano? Kaya ano ito, first time ito in history na mababasag 'yang Muslim Mindanao vote. Kasi normally sa administration candidate pumupunta lahat 'yan sila ano, 'yang mga political leaders. Pero ngayon, nahati sila kaya unprecedented ito.

    Tapos ito ngayon, ang kagandahan nito para kay VP Leni is marami silang nakitang mabuting ginawa ni VP. So, 'yung mga tao on the ground, 'yung mga ordinaryong FIlipino muslims eh mas malapit ang puso nila kay VP.

    Tapos 'yun nga ano, dagdag pa diyan, 'yung mga matatandang Filipino muslims eh naalala nila 'yung kung anong ginawa sa kanila noong panahon ng martial law kaya 'yun naman ang kinukwento nila doon sa mga kabataan nila na mga bagong botante. Kaya binabasag 'yung sinasabi na golden era daw noong panahon ni Marcos.

    ELY SALUDAR: Opo. So, napaka importante nito kasi base po sa tala ano 'yung registered voters dito sa Bangsamoro region, nasa 2.58 million eh. So, marami rami ho ito kasi– sabagay noong 2016 nanalo rin si VP Leni ano, laban kay Marcos Jr. sa Basilan, Lanao del Sur at Maguindanao at Tawi-Tawi. So, maaaring tumaas pa lalo itong boto ni VP Leni sa pangyayaring ito ng MILF at 'yung UBJP na endorsement.

    SONNY TRILLANES: Opo. Saka bumibisita talaga si VP Leni sa Marawi, sa Maguindanao, sa Basilan, Sulu, sa Tawi-Tawi. Kumabaga talagang pinupuntahan niya. SI Bongbong Marcos, ni isa diyan sa mga lugar na 'yan hindi siya natuntong eh. So, 'yun po ang kaibahan talaga doon. At ramdam po 'yun ng mga Muslim doon po sa Mindanao at 'yun po ano, it will matter come election day.

    ELY SALUDAR: Okay at sa labing– labing apat na araw na lang at mag-eeleksyon na, tapos na po 'yung kampanya, ngayon talagang may mga pahabol pa din na mga fake news laban po kay VP Leni at mukhang kinakabahan po 'yung kalaban ano, kaya talagang dirediretso ho 'yung kanilang mga fake news.

    Isa po sa pinaka huli senator, ayun dating opisyal po ng AFP ano sundalo, ano pa nakikita niyo? Kasi laging idinudugtong– idinidikit po 'yung mga rebeldeng komunista. Halimbawa si– 'yun nga 'yung taga CPP ano, si Joma Sison, lagi pong idinidikit dito po kay VP Leni at sa Tropa.

    So, ito 'yung sinasabi mismo ni VP Leni, malinaw na fake news eh. So ano pong masasabi niyo rito? Ano, desperado na ho ba talaga sila o papaano kinakabahan?

    SONNY TRILLANES: Opo. Well, unang-una liwanagin natin hindi po totoo 'yan, fake news po 'yan. Naandodoon po ako sa loob, wala pong nakikitang komunista doon, maliwanag po 'yan. And that is to support 'yung statement po ni VP Leni.

    So, itong mga ito, itong mga fake news na ito, tama kayo Ka Ely, talagang mga desperate measures ito kasi wala silang maibatong negatibong totoo dito sa ating kandidato, kaya kailangan nilang mag-imbento ano.

    Pero ito 'yung nakakatawa diyan, kasi 'yung– itong mga taong nagsasabing, "Oh, nakadikit 'yan sa NPA," sila 'yung mga taong sumusuporta kay Duterte na noon ay talagang nagkaroon ng coalition government with the NPAs at kausap mismo ang leader, si Joma Sison, sinasabi niya na dadalhin ko sa socialist way 'yung Pilipinas, maliwanag.

    Pero ang statement nitong mga taong ito ngayon na naglulupasay ano, kakasigaw na may NPA daw itong si VP Leni, sabi nila "Hindi, okay 'yan kasi pagbigyan natin ng pagkakataon ang kapayapaan," kung ano-anong palusot doon. Kumbaga, hypocrisy, intellectual dishonesty, ang ginagawa nitong mga ito makapanira lang kay VP Leni.

    So, ano po 'yan, maganda ito at sinalubong na ng team Leni itong issue na ito kaya lahat ng mga kababayan po natin na makaka-encounter ng ganyang statements ng mga supporters ni VP Leni, barahin niyo na na fake news 'yan, 'wag sila magkalat ng kasinungalingan, ayun po.

    ELY SALUDAR: Ayun nga, ikinuwento nga ni VP Leni kagabi ano sa kanyang talumpati mula noong mahalal din siyang bise presidente hanggang ngayon, talagang walang tigil po 'yung fake news laban sa kanya at sa buong pamilya. So, at least ngayon ay siguro magiging ano ano, mas mapannuri 'yung ating mga kababayan. Binabanggit niyo nga na talagang dapat eh, tignan ho lagi. Pero kung mag-iisip ka, napaka imposible naman na mangyari kung susuporta 'yung mga rebelde komunista. Alam naman natin 'yung estado nila.

    Pero senator, ito rin ho ano, kasi talagang wala pong tigil din 'yung ang pag– talagang 'yung pagtutok ng mga banat ni Mayor Isko, bagama't talagang sabihin natin ay umepekto na sa kanya. Marami nang umalis sa kanyang– ng supporters sa kanya.

    Pero kayo ho– kasi si VP Leni sabi niya ayaw na niyang patulan– kayo ho, ano bang nakikiita niyo ho ritong ano, motibo ni Mayor Isko at parang pinupuntirya niya si VP Leni, na base sa mga survey ay number two. Bakit hindi number one 'yung kanyang pinupuntirya?

    SONNY TRILLANES: 'Yun nga po ang ano dito, ang nakakapagtaka dito ano. Hindi natin alam, baka may mga areglong nangyayari na diyan at maliwanag naman kasi simula't sapul na itong si mayor Isko ay Marcos loyalist daw siya eh, 'di ba? Talagang maganda ang relasyon nila. At nakita rin natin all throughout the campaign, hindi mo marining nang negatibo iyan ano na mga statements laban dito kay Marcos.

    Minsan lang na nire-raise nila 'yung estate tax na 203 Billion pero after noon, umatras na ulit. Tapo nag presscon na ano. Ang bibirahin itong number two dito sa kanilang presscon at pinagiwi withdraw pa, 'di ba? So, palagay ko dito ay nakita kong wala na, parang nagkakaroon ng emotional meltdown itong si ano– si Mayor Isko, at wala na, parang nakita niya kasing naglalaho 'yung kanyang mga pangarap na akala niya noong una eh ano siya, talagang naka-destino na siyang maging presidente ng Pilipinas.

    ELY SALUDAR: Okay. At sa huli natin isyu, siyempre importante Senator, kayo ho ano bilang--anong tawag doon– kayong kumakandidato muli at mga gusto niyo pong mabalik sa Senado, para po sa kaalaman nating mga listeners, bagama't kagabi sa inyo pong talumpati talagang parang ang ginawa niyong prioridad sa inyong talumpati, maikampanya si VP Leni at 'yung sa inyo, pahapyaw. Pero dito ho sa ating palatuntunan ano, sa palatuntunan ni Vice President Leni, ano po 'yung mga aasahan po ng ating mga kababayan at kayo po ay naibalik sa Senado?

    SONNY TRILLANES: Okay. Ito po ano, Ka Ely, kung tayo palarin maging senador muli, at kung maging presidente si VP Leni, ang unang ipapasa po, 'yung kanyang post COVID economic recovery program. Ito po 'yung magbubuhay noong ating economy at mag-gegenerate ng trabaho.

    'Yan po ang– kumbaga marching orders doon sa buong senate slate ni VP Leni ano, kasi within the first 100 days kailangan natin itong maipasa dahil 'yung ating ekonomiya is in critical condition. So ano ba 'yung mga nakasaad diyan? Meron pong unemployment benefits, ito 'yung ayuda para sa mga nawalan ng trabaho para may pang tustos sila sa mga gastusin araw-araw habang naghahanap ng trabaho.

    May government employment program ito, ito 'yung mag-gegenerate ng trabaho na ang gobyerno ang mag-eemploy. Meron din pong subsidy sa– o financial assistance sa mga maliliit na negosyo para ang private sector naman ang kukuha ng– ang gagawa ng trabaho.

    So, tapos meron pong ayuda rin nito sa mga pamilya para meron silang pang gastos. May purchasing power. Ito naman ang mag-iincrease ng demand sa ating ekonomiya. So, 'yan po ang tututukan natin.

    Meron pa hong anti-corruption measures. Ito po 'yung pagkuha ng video recording ng mga public bidding sa lahat ng government agencies. At itong ano 'no, pati livestreaming kasama 'yan. Tapos 'yung recording na 'yun, puwedeng gamitin sa administrative and criminal proceedings. Pag nangyari po 'yan, 'yung mid-level bureaucratic corruption, mawawala po 'yan. Kasi diyan po nanunutok karamihan sa mga bilin-bilinan.

    Then finally, 'yung ating peace and order advocacy, palalakasin natin 'yung AFP para mas maproteksyunan natin 'yung West Philippine Sea, at ire-reporma 'yung PNP para maihiwalay po 'yung mga tiwali at mas magiging epektibo ito laban sa krimen.

    ELY SALUDAR: Ayun, naku, napakarami at kasi alam naman natin mga kababayan 'no, na isa po kayo sa pinaka-produktibo na senador noong 16th at 17th congress. Napakarami niyo hong mga panukalang batas na ipinasa, at marami rin hong naano, naging batas senator. So, ano po ba 'yung mga sabihin natin na tumatak sa inyo na talagang 'yung ano, 'yung talagang nasiyahan po kayo na naipasa ho na panukala na naging batas po?

    SONNY TRILLANES: Ang pangunahin po diyan 'yung tinatawag na 4P's Law, ito 'yung Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Ito 'yung batas na magbibigay ng buwanang ayuda sa mga kababayan po natin na mahihirap. So, 4 million families po ang nakaka-receive nitong ayuda na ito, at ka-partner ko po diyan si Senator Leila De Lima noong ipanasa po namin.

    Ngayon, pangalawa po diyan 'yung pagpataas po ng suweldo ng sundalo, pulis, teachers at lahat ng government employees. At meron din po tayong batas para sa PWDs at senior citizens, 'yung Expanded Senior Citizens Act. Ito 'yung dagdag benipisyo sa kanila particularly 'yung diskwento sa pagbili ng gamot, 'yung sa konsultasyon at saka mga hospital bills. So 'yun po.

    Then, meron din po tayo 'yung tinatawag na MARINA Law, ito po 'yung batas na napigilan po 'yung pagba-blocklist o pagbaba ng mga Filipino seaman all over the world kasi few years ago, naghanap 'yung EU, 'yung European Union ng mga requirements sa mga seaman at itong batas na ito ang nagkumpleto noon kaya napigilan po 'yung pagba-ban po sa kanila.

    ELY SALUDAR: Ayun, naku, dami hong mga batas, siguro'y napakinggan niyo ho 'no ng iba't ibang mga sektor ha, na nakikinabang na ho dito po sa mga batas na ito. Panghuli po Senator, eh ngayon may pinapalutang-lutang na baka magkaroon po ng dayaan sa eleksyon. So, ano pong masasabi niyo ho ito, sa panghuli po nating isyu senator?

    SONNY TRILLANES: Opo, 'yung Team Leni-Kiko po ano, sa pamumuno ni Senator Bam, meron po 'yan silang group of IT experts na tinitingnan kung papaano mabubutasan 'yun ano. Ngayon, meron din po tayong mga ibang volunteer organizations, like itong 1SAMBAYAN Coalition na meron po silang setup na system ng poll watching kung papaano mababantayan 'yung mga resulta kada presinto. So, merong ganyan.

    Pero still, hindi tayo magko-kompiyansiya kasi, itong mga kalaban po natin ay determi– kumbaga, desperadong hawakan 'yung kapangyarihan, ano, kaya gagawin nila lahat ng paraan. So, magbabantay pa rin tayo. Pero ultimately, ang bantay diyan, nakita niyo po 'yung rally sa Pasay. Palagay ko pag dinaya mo 'yung grupo na ‘yun ay hindi naman uupo lang 'yun. Magagalit po 'yung tao. Eh di babalik tayo doon sa nangyari noong 1986 pag ginawa nila 'yan.

    ELY SALUDAR: Opo. Okay, senator, salamat po muli sa inyong oras dito po sa BISErbisyong Leni sa RMN. At siguro sa susunod nating interview, wala na, patapos na rin po 'yung kampanya, eh sa senado na po Senator, salamat po sa inyong oras.

    SONNY TRILLANES: Maraming salamat po sa inyo, Ka Ely at sa RMN.

    ELY SALUDAR: Mga kababayan, 'yan po si Senator Antonio Trillanes, at isa po sa mga kandidatong senador ng Tropang Leni-Kiko nina Vice President Leni Robredo.

    So, marami ho napag-usapan at 'yun ho mga kababayan, eh patuloy po na lumalakas po ang suporta dito po kay VP Leni. At ang pinakahuli, 'yung MILF ho mga kababayan. Oo, itong Moro Islamic Liberation Front at ang United Bangsamoro Justice Party na kung saan, sila po ang nangangasiwa na 'no sa, 'yung sa BARMM.

    At 'yun ho, eh marami pala, 2.58 million registered voters ang mga botante ho diyan 'no, kaya malaki-laki ho. At sabihin nating maganda po itong ano 'no, puntos na nakuha ni VP Leni kaya kahapon 'no, biruin mo araw ng kanyang kaarawan mga kababayan, umaga nagtungo po sa Mindanao kasi nagpahayag po ng suporta itong MILF at ang UBJP. Tapos noong hapon ay bumalik dito sa Metro Manila at dumalo nga dito po sa may– sa people's, sa grand people's rally diyan po sa Pasay 'yun ho.

    Okay. At samantala, ang bilis ng oras. Maraming salamat po sa mga sumubaybay 'no, dito po sa BISErbisyong Leni at nagpapaabot po sila ng kanilang pagbati sa kaarawan po kahapon ni VP Leni. Ito hong sina Harry Nabalta, Liza Largo, [Tax Reyes], si Lourdes Villareal Urbino, good morning po sa inyo ha, si Jesus De Catalina, Percy Samson, Leni Ann Verdadero, Rody Santos, at Lolita J. Mendez, good morning sa inyo.

    Isabel Purimandac, si Roel Villanueva, Toby Lorete, Rhea David Caparos, Joan Manlunas, good morning po sa inyo. Maria Corazon Castro, Lianne Castillo, [Merlyn Tirol], good morning po sa inyo ha. Ang dami ho na mga nagbibigay po ng kanilang mga mensahe dito at 'yung– ito, mission impossible, okay.

    So, maraming salamat po at makakarating po kay VP Leni 'yung inyo pong mga pagbati sa kanyang kaarawan kahapon, April 23, mga kasama. Okay, maraming salamat sa inyong patuloy na pagsubaybay hanggang sa muli, dito ho sa BISErbisyong Leni sa RMN. Sa pangalan pa rin po ni Vice President Leni Robredo, ako pa rin po ang inyong Radyoman Ely Saludar. Muli po, isang magandang umaga Pilipinas.

    [END]

     

     

    Posted in Transcripts on Apr 24, 2022