This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong Leni Ep. 260

    BISErbisyong Leni Ep. 260

    ELY SALUDAR: Uy, magandang umaga, Pilipinas, Luzon, Visayas, at Mindanao. Isa na namang edisyon ng BISErbisyong Leni dito po sa RMN. At siyempre, ngayon po ay araw ng Sunday, Mayo uno, Araw ng Paggawa, mga kababayan. Sa pangalan po ni Vice President, Leni Robredo, ako pa rin po ang inyo Radyoman, Ely Saludar.

    At siyempre isang oras na talakayan dito po sa BISErbisyong Leni. Mula po dito sa DZXL RMN ay tayo po ay napapakinggan at napapanood din, ano sa Facebook live dito po sa DZXL. Napapakinggan tayo sa RMN DYHP Cebu, RMN DXCC Cagayan de Oro, RMN DXDC Davao, RMN DWNX Naga, at siyempre sa lahat po ng ating inaabot ng broadcast nationwide, netwide. Magandang umaga muli, ako pa rin ho ang inyong Radyoman, Ely Saludar.

    At siyempre, mga kasama, ay patuloy po nating tutunghayan ito hong mga naging aktibidad ni Bise Presidente Leni Robredo sa nagdaang linggo.

    Okay, oras ho natin, mga kasama, sa buong kapuluan, 9:14 in the morning. At samantala umpisahan po natin ng Lunes, Abril bente singko, mga kababayan, ay nagtungo si Bise Presidente Leni diyan po sa Nueva Ecija. At inuna niya ho na pinuntahan 'yung District 1 Multi-Sectoral Assembly sa Warehouse, Henry Ocampo Compound, Sto. Domingo, Nueva Ecija. Tapos sinundan po 'yan ng District 3 Multi-Sectoral Assembly sa Gymnasium sa PHINMA – Araullo University, Cabanatuan City, Nueva Ecija pa rin. At nakipag pulong, nakipag kamustahan din si VP Leni kay Mayor Vina Lopez ng San Isidro Municipal Hall, diyan po sa San Isidro, Nueva Ecija. At gayundin ay binisita rin at nakipagkamustahan si VP Leni Robredo diyan po sa Cabiao Volunteers– sa mga Cabiao Volunteers na idinaos sa Kadena de Amor Gym, Barangay Palasinan, Cabiao, Nueva Ecija.

    At kinabukasan, mga kasama, Martes, Abril bente sais, ay nagtungo naman si VP Leni diyan po sa Occidental Mindoro. Pinuntahan niya po ito hong Pasandal sa Isla People's Coalition Rally ng MindoRosas. At ginanap po 'yan sa Covered Court Plaza de Francisco M. Sanchez, Lubang, sa Lubang Island, Occidental Mindoro. At binisita rin po ni VP Leni ang– diyan po sa Our Lady of the Assumption Parish, mga kababayan, sa Lubang Island, Occidental Mindoro.

    At kinabukasan, Miyerkules naman ho, April 27 ay nagtungo naman sa Bulacan si VP Leni pero nagkaroon muna 'yung Dasal Bayan: An Interfaith Prayer Gathering for Leni and Kiko, ano via Zoom po 'yan. Tapos 'yung Leniwanag sa Baliuag, North Bulacan People's Rally sa Star Arena, Baliuag, Bulacan, mga kababayan. At 'yun ho 'yung kinahapunan hanggang gabi. Naku, 'yung Republika 2.0 Tindig ng Bulakenyo, Bulacan Sports Complex, Malolos City, Bulacan. Naku, napakaraming tao ho diyan, mga kababayan, ano. Talagang dinagsa ho ng ating mga kababayan diyan po sa Bulacan.

    At kinabukasan, ito grabe din ho nangyari diyan sa may Quezon, mga kababayan, ano. Talagang dagsa rin at ipinakita nila, ipinaramdam nila kay VP Leni at Senator Kiko 'yung kanilang suporta, mga kasama. Noong Huwebes, 'yun nga sa Quezon ay April 28 po 'yan, 'yung Pasikat Tanawan Multi-Sectoral Assembly na dinaluhan po ni VP Leni. At 'yan po ay ginanap sa Barangay Madulao, Tanawan, Quezon, ano 'yun ho, mga kababayan. At talagang tinutukan po 'yan ni VP Leni, ano. At 'yung sa ano– 'yung People's Rally din po, mga kasama, sa Guinayangan Government Center, Barangay Calimpak, Guinayangan, Quezon. At 'yung gabi– 'yung hapon hanggang gabi ho, mga kababayan, talagang grabe ho. 'Yung Quezonduan Grand People's Rally na ginanap po sa Lucena City Government Complex Grounds sa Lucena City, Quezon. Naku, dami hong tao talaga, mga kababayan, ano. Talagang daan-daang libo at mga kababayan, ang patuloy na dumadalo at pumupunta po sa mga people's rally ni VP Leni at ni Senator Kiko Pangilinan.

    At samantala, Biyernes, mga kababayan, ito– grabe ho dami ring tao diyan, ano. Pero ginawa muna ng ating Bise Presidente 'yung ano– 'yung Multi-Sectoral Assembly sa Wawa Park, Paete, Laguna. At nagkaroon po ng dialogue with members ng UBAP sa Sitio Cubao– Cubao, Barangay Pinagsanjan, Pagsanjan, Laguna. At meron din pong Multi-Sectoral Talakayan sa District 2 sa Don Bosco Multi-Purpose Gym, Canlubang, Calamba City, Laguna. At ito ho, ano diyan ho– nandiyan na ho ako diyan sa Nuvali Open Field, Sta. Rosa City, Laguna, 'yung Tanglaw Laguna People's Rally. Naku, napakarami ho, mga kababayan, na dumalo at pumunta, sumipot diyan po sa ating– sa grand rally na pinangunahan ni VP Leni Robredo.

    At kahapon, Sabado, mga kababayan ay 'yung Nasugbloom Multi-Sectoral Assembly na ginawa naman po sa Plaza de Rosas, Nasugbu, Batangas. At ito hong Baybay sa Baybayin ang Bukas sa– ito'y sa harap po ng OFW Building sa Lemery Municipal Hall, Lemery, Batangas. At isa rin po sa pinakatampok, mga kababayan, ay 'yung pakikipagpulong ni VP Leni kay Congresswoman Vilma Santos-Recto at Senator Ralph Recto diyan po sa Lipa City sa Batangas.

    At nakita ko nga sila, ano at 'yun nag-uusap-usap, nagkuwentuhan. At pinakagabi– grabe ho itong itong Batangas, mga kababayan, ano. Nagparamdam din po sila na kahit marami pong mga lokal na opisyal ang sumusuporta sa ibang kandidato, pero dito isa lang ho ito sa Batangas, napakarami ho, ano na mga– di ba, sa Cebu, iba't-ibang mga probinsya, mga kasama, 'yung kanilang mga matataas na opisyal o lokal na pamahalaan iba pong sinusuportahan.

    Pero hindi po ito balakid, eh. Talagang ang dami hong– nakakamangha. mga kababayan. Nakakamangha na kung saan kahit na hindi sinusuportahan ng kanilang mga lokal na opisyal si Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan, naku, dagsa pa rin ho 'yung mga tao. Dagsa pa rin ang tao, mga kababayan, at talagang hindi mo malaman kung papaano nangyari. Talagang sumusuporta at kitang-kita mo naman.

    Ako noong nandiyan ako sa Laguna, mga kababayan, ang daming naglalakad na mga tao. Anong ibig sabihin noon? Kahit na mga– nagpunta pa ako sa iba't-ibang mga probinsya, mga kababayan, na sumama ako rito sa ano– sa kampanya, makikita mo sa kalsada mga naglalakad 'yung mga tao.

    Ano po ibigsabihin niyan? Biro mo 'yung sakripisyo niyan 'di ba na maglakad ka, ang layo, mapapagod ka pero balewala. Isa po sa talagang pinaka indikasyon, hindi po sila hinahakot, 'di ba? Diyan lang ho sa Pasay talagang makikita mo sa gitna ng araw, mga alas onse– alas dose ng tanghali mga kabababayan, talagang marami pong naglalakad ano.

    So, 'yun po kahapon at kagabi ano, 'yung Barako para kay Leni-Kiko, sa Catalina Lake Shore Residences sa Bauan, Batangas, nako napakarami ho mga tao mga kababayan. Talagang hindi mahulugang karayom. Alam niyo sa mga kababayan ho natin, parang sila po ay ano ano? Nagpapasiklaban din ano. "O, marami sa ganitong lugar o, tatapatan namin 'yan,” ano.

    Pero ang nakakamangha mga kababayan, eh talagang napakarami, dinadagsa ho ng tao. Dahil sa mga nakaraan– parang ngayon lang ho ako naka-saksi, o dami ko na pong na ano– nasaksihan na mga kampanya ng mga politiko, mga presidential elections mga kasama– parangg ngayon lang ho eh, kasi sa mga nakaraan mga kasama, makikita mo 'di ba? Pag may mga grand rally na ganyan, kung ano man, mga rally ng mga politiko, dami nakahambalang na mga bus eh, 'di ba? At talaga'y nahakot mga kababayan. Pero ngayon, talagang kakaiba.

    At bahagi po ng istorya ng pag-asa, mga kababayan, ito isa po ito sa talagang buhay na saksi na talagang nakikiita niya rin po– kasi ako bukod ako, nagco-cover din po ako eh, ito isa ho ito sa buhay na saksi kung papano dinudumog ito hong mga aktibidad ni Vice President Leni Robredo at Senator Kiko sa iba't ibang mga lugar sa mga probinsya mgga kababayan. Na kung tutuusin, 'yung mga lokal na opisyal doon, iba po ang sinusuportahang kandidato. Ito po ang kakaiba, sabi nga ng kausap ko na mga political scientist, diyan po sa UP– University of the Philippines– at sa Ateneo, ito 'yung penomenon, mga kasama ano na nangyayari.

    Okay nasa linya po natin, si Kuya Alex Lacson, isa po sa mga kandidatong senador ng Leni-Kiko ano, 'ung Tropang Leni-Kiko mga kababayan. At ngayon eh, ilang araw nalang ho, huling araw na lang ho sa asiyete ang kampanya, Attorney Alex– Kuya Alex, magandang umaga po sa inyo.

    [line cuts]

    Naku, naputol?

    [commercial]

    Okay, oras ho natin mga kasama sa buong kapuluan, alas nueve beinte kwatro na ho ng umaga. Good morning kina [Jesus de Catalina], [Leni Anne Bardagero] good morning po sa inyo. [Leticia Qiazon Mayores], good morning. Kina [Krisha Tumale] good morning. Mula sa Hongkong, good morning sa 'yo Krisha. [Denmar Caballero], [Marichu Tabojara], good morning.

    Okay na po. Nasa linya na po natin si Kuya Alex Lacson. Sabi ko nga kanina 'di ba, 'yung intro ko sa kanya, ito po 'yung buhay na saksi kung papano ho dinudumog, dinadagsa 'yung mga people's rally ni VP Leni at Senator Kiko at ng buong Tropa, kahit na 'yung mga lokal na opisyal ay iba po ang sinusuportahan. Kuya Alex, Attorney Alex Lacson, magandang umaga po sa inyo..

    ALEX LACSON: Magandang umaga po, magandang umaga po sa lahat na nakikinig sa radyo po natin. Pasensya na po, medyo nawawala-wala po 'yung signal natin dito sa– actually po nasa Tagaytay po tayo ngayon tapos papunta po tayo sa Alfonso, Cavite kasi 'yung schedule po noong sorties ngayon itong araw po na ito ay may tatlong rallies po tayo sa probinsya po ng Cavite.

    Pero, kagabi po sobrang laki po ng crowd doon sa Batangas, sa Bauan Batangas ano. Almost 300,000 po, 280,000 po 'yung dumating, 'yung dumalo. Sobrang laki at talagang kitang-kita mo pag nasa taas ka po ng stage, kitang-kita mo po talaga, sobrang dami po ng tao na dumating. Kita mo po talaga po na palakas ng palakas po 'yung momentum ni VP Leni, 'yung pabilis ng pabilis po itong momentum niya. Kasi kita mo po talaga sa rallies pa lang po ano, palaki ng palaki po 'yung mga rallies, parami po ng parami 'yung mga taong sumusuporta kay VP Leni.

    So, kagabi po nasa– nasa Batangas po tayo, almost 300,000 po 'yung dumalo. The day before that po nasa Laguna po tayo, sobrang laki din po dumating doon.

    ELY SALUDAR: Tama, opo.

    ALEX LACSON: [inaudible], the day before Laguna po nasa Bulacan po tayo mga 145,000 po 'yung dumalo doon. Almost times three po ng original na dumating po ng unang rally po na– grand rally na ginawa po doon sa Bulacan. So, kita mo po talaga po ang– 'yung snowball po ng suporta kay VP Leni, palaki ng palaki po at pabilis ng pabilis po. Grabe po ang momentum. Surge na po ito, surge na po ito.

    In fact, 'yung 9 percent na increase po ni VP Leni doon po noong last March, sa last po na Pulse Asia Survey, 'yung 9 percent na increase niya po in four weeks, in one month, that was one of the highest increase ever po by a presidential candidate in the entire history of presidential elections in our country.

    Grabe po, ito po feeling ko po after po ng ano po ng ano na 'yun, kasi siguro po mga more than, more than five weeks na po 'yung survey po na 'yun, siguro po baka hindi lang nine percent 'yung in-increase po ni VP Leni. Baka sobra-sobra pa po ano.

    At ang reflection po diyan ay 'yung– 'yun nga po, 'yung Pulse Asia Survey po na 'yun ano, umangat po si VP Leni ng 28 percent, doon po sa three biggest political battlefields po ano. 'Yung sa Central Luzon, sa CALABARZON, sa NCR, in these three big, big areas po, tummaas po doon si VP Leni ng 28 percent po, ayon po sa survey po ng Pulsa Asia ngayon, 'yung latest na pinaka huling survey po ng Pulse Asia.

    So, hindi lang po– hindi lang po basta po na pagtaas po ito, surge po surge talaga ano 'yung grabe pagbulusok na paangat, at ito po na hindi lang basta basta ito paangat o paakyat, pabulusok po na [inaudible] ni VP Leni.

    ELY SALUDAR: Kuya Alex, may binabanggit nga ano, kasi parang this is not anymore a political rally ano. This is a political demonstration, a political statement of the sovereign people against the possible return ng mga Marcos sa kapangyarihan. 'Yun pong mga sinasabi-sabi.

    ALEX LACSON: Combination po, combination of course hindi lang po ito 'yung statement po na ayaw nila na bumalik 'yung– tawag dito– 'yung kandidato po na, 'yung dating diktador ano po, pamilya ng dating diktador. Ayaw rin po nila 'yung kandidato po ng fake news, alam mo 'yun, 'yung marami kasi na kasinungalingan po na lumabas eh. So produkto ho siya talaga ng fake news.

    At mas marami pong– ano rin po ito, ano, naghahanap po ng pagbabago talaga ng bagong direksyon po 'yung mga taumbayan. Gusto po nila na isang talagang matino, malinis po na gobyerno ano at matino at malinis po na presidente. It's a combination of so many factors. Kasi hindi lang po ito dahil ay laban sa mas– hindi po, hindi po laban ito po sa Marcos.

    ELY SALUDAR: At saka, maraming gustong pagbabago dahil siyempre, lalo't lugmok tayo sa pandemya, Kuya Alex di ba? So, talagang napakaraming problema. At siguro naman, kung 'yung ating mga kababayan ay magsisiyasat, titingin ho nila 'yung credentials sana ho, kasi marami ho na talagang, oh kinulapon lang napakaraming fake news si VP Leni.

    Pero kung talagang titingnan po nila 'yung totoong credentials ho, grabe po sa— UP, ekonomista, abogado, ibig sabihin kung mag-iisip lang ho 'yung tao, talagang, oh para sa bayan po di po ba Attorney Alex?

    ALEX LACSON: Kahit po, actually po, kahit na tanggaling mo 'yung pagiging ekonomista niya, pagiging abogado niya para sa mga mahihirap, kita mo pa talaga 'yung ginuntuang puso po ni VP Leni.

    And that's why noong birthday wish ko nga sa kanya sabi ko, sana makita ng sambayanang Pilipino how beautiful her heart is because really po, she has a beautiful, beautiful heart as a person po, si VP Leni. Ang– maganda ho talaga ang puso niya, ginuntuan po talaga 'yung puso niya 'no?

    Isipin niyo po 'yun, 'yung abogado siya pero hindi po ginamit 'yung pagiging abogado niya para magpayaman po. Ginamit po ito at tulungan po 'yung mga taong nasa laylayan di ba? Noong mayor po si Mayor Jesse Robredo, 'yung kanya pong asawa, marami pong pinahuli si Mayor Jesse dahil sa mga lumalabag po sa batas 'no? Ano pong ginagawa ni VP Leni? Siya po ang tumutulong doon sa mga mahihirap na nahuli po na nasa kulungan. Tinutulungan niya na makalaya [laughs].

    So, kita mo po talaga po, ginuntuan po ang puso ni VP Leni. At ang pinupuntahan po ni VP Leni, mga malalayo, 'yung mga maliliit, 'yung mga hindi po napapansin, 'yung mga nasa laylayan. So, you can really see po how beautiful her heart is as a person. At hanggang ngayon po, hindi 'yan mayaman, hindi po nagpayaman, napakasimple. Ang tirahan niya po, isang– isang two-bedroom na apartment po 'no?

    ELY SALUDAR: Condominium, opo.

    ALEX LACSON: Na condo na– So, hindi mo siya talaga, hindi ho siya nasilaw sa yaman, hindi siya nasilaw sa kapangyarihan. Hanggang ngayon po, napakabuti po talaga ng puso niya. And that's why po, ang wish ko po talaga, birthday wish ko sa kanya na sana po, makita po talaga ng taumbayan how beautiful her heart is, kung gaano po kaganda ang kanyang puso at gaano po kaganda ang kanyang intensyon, pakay po, at plano po sa ating– sa ating lahat, sa taumbayan.

    So, sabi ko nga, tanggalin mo na 'yung pagiging abogado niya, tanggalin mo na 'yung pagiging ekonomista niya. Ang matitira po, ang ginintuang puso po ni VP Leni. Really a beautiful, beautiful heart as a person po. So, ano po talaga ito po, gem, she is a gem, and sana hindi na po natin ito sayangin. Sana po hindi natin siya pabayaang mawala po sa ating ano– na may opportunity po tayo to have a really great great leader po in– for our country and for our people. Tunay po na magiging nanay para sa sambayang Pilipino at tunay po na magiging pangulo sa bawat Pilipino po, anuman ang kulay mo sa politika.

    Okay ‘yung– kasi, hindi ho siya vindictive eh. Hindi ho siya 'yung magagalit tapos babalikan ka, hindi ho siya ganoon as a person, hindi ho talaga siya vindictive. So, sana po, makita ng sambayanang Pilipino kung gaano po kaganda ang kanyang puso.

    ELY SALUDAR: Siguro, dapat eh, kung ating mga kababayan attorney 'no, oh 'yung isa'y tinatawag nila 'yung mga kasabihan na 'opportunity knocks only once'. So, wag nating palampasin ang pagkakataong ito, binabanggit niyo po Attorney Alex.

    ALEX LACSON: Opo, opo, opo, opo. At sayang na sayang po, siya, siya po talaga ang kailangan na kailangan po ng bansa ho natin. Kailangan po natin, ng pamilya natin sa panahon po na ito. Marami ho siya talagang mga mali na mas maiisaayos po. She can correct so many wrongs in our system po, and she can set aright many wrongs po sa ating, sa ating gobyerno.

    So, ang dami niya ho talagang natutulungan, kung marami ho siyang natulungan sa maliit na budget po noong siya ay bise presidente at wala siyang masyadong kapangyarihan, lalo na po kaya kung siya ay binigyan niyo po ng responsibilidad bilang presidente po ng Pilipinas, ang dami niya pong matutulungan.

    ELY SALUDAR: Pero, so, Attorney Alex, kasi ngayon marami, ako mismo, nagtataka rin marami rin na akong na cover-an no na mga eleksyon dito po sa ating bansa. Kasi noon, kapag tatakbo kang presidente, ang sinasabi, pag wala kang makinarya hindi ka kandidato ng administrasyon, o wala kang malaking partido, mahirap ang mangampanya. Pero dito po kakaiba, kasi halos marami hong mga probinsya, 'yung mga lokal na opisyal, iba po ang sinusuportang kandidato. Pero talagang dinadagsa pa rin ng mga tao, ito pong mga people's rally ni VP Leni, Senator Kiko, at buong tropa, attorney.

    ALEX LACSON: Opo, alam niyo po, masyadong overrated 'yung political machinery, 'yung machinery po nga mga politiko, masyado pong overrated 'yan. Pag dating po sa presidente at bise presidente po, talaga pong nag-iisip ang publiko, hindi po nila sinusunod 'yung mga politiko po nila, no?

    Doon po sa lokal siguro, sinusunod nila ho 'yung kung sino man 'yung ano, pero hindi din po lahat no? Siguro, may maliit na porsyento, baka 20% ng populasyon sa bawat lokalidad po ay siguro sinusunod 'yung kung sinong sinasabi ng mayor, ng congressman, ng governor. Pero pag dating po sa presidente at bise presidente, iba po mag-isip ang, ang botanteng Pilipino. Sinusunod po talaga nila kung anong nasa puso po nila at kung ano pong nasa isip nila. So, 'yun po no, kaya balewala po 'yung political machinery pag dating po sa presidente at bise presidente.

    ELY SALUDAR: Pero sa ngayon, opo. Pero ngayon attorney, marami na rin ho na mga lokal na opisyal na nagbabago at 'yung pinakahuli nga sa Mindanao di ba? 'Yung MILF at talagang marami na pong sumusuporta di po ba. 'yun sa BARMM di ba? Talagang—

    ALEX LACSON: Dagdag pa 'yun, dagdag pa 'yun kung halimbawa po, may mga politiko at mga organisasyon po na talagang sumusuporta at align po sa kanila, eh lalo pong lumalakas pero hindi po sila nagpapadikta po sa mga politiko nila pag dating po sa presidente at bise presidente. So, ibang importansya po ang nilalagay nila sa level na 'yun.

    At sa national, sa local naman po, hindi masyadong nakikialam 'yung mga local politicians, hindi nila pinupuwersa, o sasabihin nila irerespeto daw nila kung ano 'yung ano ng mga botante pagdating po sa presidente at bise presidente, hindi nila pinupuwersa. So, ang pinupuwersa po nila, 'yung sarili nila na sila'y manalo din sa lokalidad po nila.

    ELY SALUDAR: Sabagay, kanya-kanya, kung buti sana, kanya-kanyang laban din eh.

    ALEX LACSON: So in fact po, ang mga politiko po, ang mga politiko– ang may mga– di ba ho, may mga politiko nga na nagdedeklara po ng suporta nila kay VP Leni kasi alam po nila, doon sa lugar nila, ang overwhelming support ng taumbayan ay ang gusto nila ay si VP Leni at ayaw po nilang mapahiwalay doon sa suporta po ng ano nila.

    So, 'yan po no, kaya po sinasagot nila'y biglang susuporta kay VP Leni kasi alam po nila na 'yung mga botante nila sa lugar nila mismo ay may suporta po kay VP Leni at ayaw po nilang mahiwalay doon sa mga supporters nila.

    ELY SALUDAR: So, Kuya Alex 'yun no, hanggang Sabado na lang po no, 'yung huling araw ng kampanya. Kayo ho ba, at kayo ho, bilang kumakandidatong senador, may mga dagdag pa ho ba kayo na mga puwedeng ipahayag po natin? Lalo't ngayon siguro Attorney Alex, Mayo uno no, Labor Day, baka may mga gusto ho kayong banggitin para po sa ating mga kababayan lalo na po 'yung mga manggagawa.

    ALEX LACSON: Ako po, hindi po ako politiko. Ako po ay abogado at nakilala po bilang manunulat ng mga libro para sa bayan, mga libro pong nagsusulong ng mga konkretong solusyon at radikal na reporma po sa ating gobyerno. Radikal na reporma po talaga, 'yun po ang sinusulong ko, pinaglalaban ko. Dahil more than 20 years na po ako nagsusulat na mga libro para sa bayan at nagsusulong po ng mga solusyon at reporma po. Hindi ko parin siya nakikita 'yung tunay na pagbabago na gusto pong makita sa ating lipunan.

    Ang totoo lang po, sobrang sama na po ng konstitusyon sa ating bansa kaya sinusulong ko po 'yung mga radikal na reporma sa politika kasi po gusto ko pong manalo 'yung ordinaryong Pilipino, hindi lang po 'yung mga dinastiya. Gusto ko pong manalo 'yung qualification, plataporma, at kakayahan ng kandidato, hindi lang po dahil ikaw ay may pera, dahil lang po ikaw ay sikat, dahil ikaw ay miyembro ng isang dinastiya.

    Sinusulong ko rin po ang mga radikal na reporma po sa ekonomiya kasi po halos 80 milyones ng ating populasyon po, marami sa kanila po nabubuhay lang sa utang.

    So, we need to build a more caring and a more sharing economy po, 'no? Para po umunlad at umasenso din 'yung pamumuhay ng mga nasa baba po. Ako, mga specific programs po akong sinusulong diyan, para po we can build a more sharing economy po sa ating lipunan.

    Sinusulong ko rin po 'yung mga radikal na reporma sa gobyerno po para po tunay na masugpo natin ang patindi na patindi na korapsyon at katiwalian po sa ating gobyerno. Nasa batas po kasi natin mismo, nasa sistema po natin. Ito po ang ugat-ugat ng mga korapsyon at katiwalian po sa ating gobyerno. 'Yun po ang sinusulong ko: radikal na reporma po sa gobyerno, radikal na reporma sa politika, radikal na reporma sa ekonomiya.

    Ang malalim na paniniwala ko po, wala pong tunay na pagbabago na mangyayari sa ating bansa, sa ating lipunan, kung hindi po natin maisasagawa 'yung mga radikal na reporma po. Kasi po, ang sitwasyon po nating ngayon ay parang nasa kumunoy na po tayo. 'Yung bansa po natin parang nasa kumunoy na po tayo, 'no? Galaw po tayo ng galaw, gusto po natin makaahon, pero hindi po tayo nakakaahon lalo lang po tayong nalilibing kasi sistema na po mismo 'yung umano'y ang kumakain po sa atin, ang humahatak po sa atin pababa. Kailangan po natin ng radikal na reporma sa sistema kung gusto po nating makaahon sa kinalalagyan po natin ngayon.

    So– at ngayon po, sa araw po ng Mayo uno, araw po ng mga manggagawa, obrero at mga trabahador, iisa po ako sa inyong mga dasalin na sana po ay magkaroon po ng magandang ekonomiya sa ating bansa kung saan po kayo po ay tunay po ay nabibigyan po ng tamang sahod at tamang pa-sweldo po. At 'yung pamilya niyo po ay tunay po namumuhay ng may dignidad at komportable po dahil po kayo ay nabibiyayaan po ng tama ng ating ekonomiya po.

    Sa negosyo, kailangan there should be more sharing po of blessings and earnings of businesses and companies po in the country. So, mabuhay po ang lahat ng mga manggagawa, lahat po ng mga obrero, lahat po ng mga trabahador, kasama niyo po ako.

    ELY SALUDAR: Opo. Okay, so Kuya Alex, at salamat sa iyong oras. At baka may dagdag ka pa hong pahabol o paalala sa ating mga kababayan kasi sa a syete, huling araw ng kampanya, pahinga ng sabado, a otso, at sa lunes, Mayo a nuwebe, ito na po 'yung tunay na survey kasi ang dami hong mga lumalabas. Ito, kung sino po ang makakuha ng napakaraming boto, siya pong mailuluklok na Pangulo ng Republika ng Pilipinas. At siyempre, maraming mga kung anu-anong mga marites ho diyan na bulong-bulungan, baka magkaroon po ng maniobra, dayaan.

    So, ano po ang mensahe ninyo sa ating mga kababayan lalo na po 'yung mga botante?

    ALEX LACSON: Oo, meron po tayong isang kandidato po na napakaganda po ng puso at tunay po na talaga po kaya niyang i-angat ang ating bansa at kaya niya po i-angat ang pamumuhay ng bawat pamilyang Pilipino po sa ating bansa. Dahil po napakaganda po ng kanyang puso, ng kanyang intensyon, ng kanyang plano, at 'yung programa po sa sambayanang Pilipino.

    Wala na pong iba ito, 'no? Si VP Leni at ang kanya pong Bise Presidente na si Senator Kiko. Sana po huwag po natin sila sayangin. At sana po, isama niyo na rin po 'yung tropa ng senatorial candidates po doon na [inaudible] kailangan po ni VP Leni, Senator Kiko na mga kasama po sa senado.

    So sana po, iboto po natin 'yung buong tropa na mga senador. Nandiyan po si Teddy Baguilat, nandiya po si Attorney Chel Diokno, nandiyan po si Senator De Lima, nandiyan po si Senator Dick Gordon, nandiyan po si Senator Chiz Escudero, nandiyan si Senator Risa Hontiveros, nandiyan po ang inyong lingkod, si Attorney Alex Lacson, nandiyan po si Senator Sonny Trillanes, nandiyan po si Attorney Sonny Matula na defender po ng manggagawa.

    So, ulitin ko lang po, sana po huwag nating sayangin si VP Leni at Senator Kiko at 'yung buong tropa. Maraming, maraming salamat po. Ito po muli si Kuya Alex Lacson po, ika-38 sa balota, tiga sulong po ng mga radikal na reporma para po sa tunay na pagbabago kasama po ninyo.

    ELY SALUDAR: Okay, Kuya Alex, salamat po sa inyong oras, ha? Good morning. Ingat.

    ALEX LACSON: Maraming, maraming salamat po. Maraming salamat po. Thank you po, thank you po.

    ELY SALUDAR: Mga kababayan, 'yan po si Attorney Alex Lacson, isa po sa mga kandidatong senador ng tropang Leni-Kiko, mga kababayan. So, 'yun ho, maganda po 'yung kanyang mga binabanggit. At samantala, good morning muna sa mga listeners at mga viewers sa ating Facebook live, si [Maria Elizabeth De Castro], good morning. Si [Dunhill Mangilaya], good morning. "Proud kakampink. Leni-Kiko." [Jesus De Catalina], good morning. Sina [Ernesto Blasco], good morning. Binabanggit ni [Ernesto Blasco], "Paninira po ba ang sabihin na magnanakaw ang isang tao, samantalang totoo naman?" Ayun.

    So, ito si, ano, maraming– si [Let Padilla], good morning po sa inyo. Si– uy, marami hong mga– oh, 'yung mga, ano, kababayan natin na talagang patuloy ho na sumusubaybay dito po sa ating palatuntunan, salamat po sa inyo. Naku, napakarami ho, mga kababayan, na kung saan ay, doon ho sa iba't ibang mga bansa, sa ibayong dagat, marami rin po nakikinig ho dito. Salamat po sa inyong pagsuporta dito po sa palatuntunang ito, mga kababayan.

    [commercial break]

    Okay, oras na ho natin, mga kasama, 09:45 na ho ng umaga. At sa ilang sandali, mga kababayan, ay maya-maya, makakausap po natin si Ogie Diaz. Kilalang kilala niyo naman ho ito, mga kababayan, at dati rin nating kasamahan dito po sa DZXL. Pero, ito walang ano, 'no? Ito po ay boluntaryo at talagang sumusuporta po kay VP Leni.

    Alam niyo ho, mga kababayan, ay may mga nakakausap po tayo na mga political scientist at sabihin natin mga iba't iba na mga nag-aral, diyan po sa Unibersidad ng Pilipinas at maging sa Ateneo. Binabanggit ho nila, sila po ay nagtataka sa mga kaganapang ngayon sa politika, dito po sa ating bansa, mga kababayan, na kung saan– Oh, 'yung mga kabataan, alam niyo ho 'yung sa mga dati, ako rin nagtataka rin ho ako, mga kababayan, sa mga nakaraang eleksyon, naku ang dami ko na rin hong na-coveran na mga eleksyon, 'yung mga kabataan tamad na tamad ho bumoto 'yan. Tamad na tamad na makibahagi sa mga kung ano ano na aktibidad na may kinalaman sa politika, mga kababayan. Hindi po ba? 'Yung mga politiko, wala, wala silang pakialam. Kaya sa mga nakaraan eh talagang 'yung mga magulang lang ho, 'yung mga nasa katandaan, 'yun lang po ang madalas at aktibong bumoboto. At aktibong may partisipasyon sa mga kandidato, mga kababayan.

    Pero dito ho sa pangyayaring ito, ang binabanggit nga, phenomenon ho ito eh. Biruin niyo 'yung mga kabataan naging aktibo, agresibo. At talaga namang sila po ang nagsasagawa ng mga iba't ibang mga– di ba? Mga event at pag suporta dito po kay VP Leni.

    At gayun din ho, ito ho ang kataka taka. napakarami ho ng mga celebrities. Biruin niyo ho, nagtipon-tipon, nagbibigay po ng suporta dito po kay VP Leni. Lahat ho mga kilala. Kasi sa mga nakaraang eleksyon na aking kino-coveran, naku ang lalaki ho ng mga bayad, talent fee. Pero dito ho mga kababayan, ako mismo, nakausap ko 'yung mga celebrity, wala hong bayad o libre. 'Yung iba abonado pa nga ho mga kababayan, pagod.

    Isa ho diyan dito mga kababayan, ito talagang boluntaryo na sumusuporta kay VP Leni, mga kasama at buong Tropa, sina Senator Kiko at iba pang mga senatorial candidates. Kasama natin dati ano dito po sa DZXL, walang iba, itong sikat na sikat na ho ito eh. Si Ogie Diaz. Ogie, good morning sa'yo.

    OGIE DIAZ: Sobra ka naman. Si Sir Ely ba ito?

    ELY SALUDAR: Yes. Parang kailan lang ah? [laughs]

    OGIE DIAZ: Uy Sir Ely I miss you ha? Pasensya na kagagaling ko lang– tatlong araw kaming sunod sunod na nag kampanya for VP Leni and Kiko. Sa una, sa Lucena Quezon. Tapos tumawid kami ng Laguna. Tapos ito nga kagabi sa Batangas City kung saan nagbigay naman ito ng 280,000 na attendees. Tapos– oo. Tapos noong ano ito? Noong Quezon yata mga 80? 120? Ganoon. And then sa 225 doon sa Laguna sa Sta. Rosa.

    Kaya dito mo malalaman Sir Ely kung gaano talaga kalakas si VP Leni. Dahil ngayon ko lang ito na-witness, sa tagal kong nagkakampanya sa mga Presidente ha? 'Yung mga dating presidenteng nakampanya ko, may bayad 'yun.

    ELY SALUDAR: Tama tama.

    OGIE DIAZ: Hindi na ako magpapaka hipokrita, may bayad 'yun. Okay. Pero dito sa pagkakataong ito, talagang nag-- sumawsaw na ako. Kumbaga 'yung dalawang paa ko nakasawsaw na. Buong katawan ko nilubog ko na, walang bayad ito. So. dahil ako ay-- di ba pag tumatanda tayo parang na ano na natin, matanda na tayo. Ano ba para pa rin ba sa bulsa? Hindi na, para na sa bayan. 'Yun ang aking ano.

    ELY SALUDAR: Ogie kasi madalas– ako nagko-cover din ako, nandiyan lang din ako sa mga sorties ni VP Leni. Kaya lang pag nandun kami, lagi kang nasa entablado kaya hindi tayo magkita eh. Tapos pag paalis na kami, nasa entablado ka pa rin. Kaya hindi tayo nagkikita, oo.

    OGIE DIAZ: Oo. Oo.

    ELY SALUDAR: So, ngayong araw, Cavite. Ano pupunta ka roon sa Cavite?

    OGIE DIAZ: Sa Cavite eh wala kami dun ngayon. Pahinga kami ngayon. Dahil pag sinusunod sunod mo, ay talagang mawawalan ka ng boses, mapapagod ka din. Tapos lalo na tumataas ang uric acid dahil kung anu-anong pagkain ang inihahanda-- obviously, kasi nga walang bayad kaya binubusog na lang kami.

    ELY SALUDAR: Pero alam mo Ogie, matagal na akong ano nagko-cover sa iba't ibang mga nakaraan na mga eleksyon at mga kampanya, kasi ako, napupuntahan ko di ba 'yung mga ganitong political rally, parang kakaiba ano? 'Yung maraming nagbibigay, mga donasyon, ultimo 'yung mga pagkain, tubig. Kasi 'yung mga celebrities nga, talagang– ang haba ng pila ano? Talagang ibig sabihin sakripisyo rin sa kanila. 'Yung iba di ba parang dati pag kung iisang kanta lang o ano magpe-perform lang isang beses eh, ayaw eh. Di ba may bayad? Pero– may mga pa-VIP– pero ngayon kakaiba at nagtipon-tipon 'yung mga celebrities.

    OGIE DIAZ: Kakaiba ngayon. At alam mo everytime kami ay– siyempre kami ay pang 21 na namin na sampa kahapon ni Mama Loi. Everytime kami ay papasok sa venue, talagang makikita mo nakahilera 'yung mga pagkain na pink. Kung puwede nga lang gumawa ng fishball na pink 'yung, ano ito, 'yung naka coat doon sa fishball di ba gagawin nila. Mga pink juice, mga pink cookies, lahat basta may kaugnayan sa pink.

    ELY SALUDAR: Pati puto.

    OGIE DIAZ: Alam mo talagang gumagastos 'yung mga mamamayan para maipanalo lamang si Bise Leni. Kaya ako natutuwa ako dito sa– 'yung bayanihan, 'yung volunteerism. Sabi ko, pag nanalo si VP Leni, grabe mamamayani at babalik nanaman ang bayanihan system dito sa atin. Oo. Kaya lagi kong-- kaya tingnan mo naman, kung mapapansin mo, literal nag ha-house to house ang mga volunteers without asking them to do so. Kasi alam nila eh, na kinabukasan nila ang nakasalalay. So, gusto nilang maging bahagi ng tagumpay ng bayan. Hindi ng tao lang o ni VP Leni kung hindi ng bayan.

    'Yun. Kaya sobra akong-- at saka alm mo 'yung tipong 'yung– ay pag naupo si Leni sa puwesto, hihingi ako ng puwesto? Hindi eh. Hindi talaga. 'Yung parang sige lang mag trabaho ka lang ng tapat, bigyan mo lang kami ng gobyernong tapat, okay na kami, para ka na ring nakabayad sa amin. Parang ganoon 'yung isinisigaw ng puso ng lahat ng mga nagbo-boluntaryo eh. Kaya nakakatuwa.

    ELY SALUDAR: Pero nagtataka din ako ano? Bukod sa grand rally, people's rally, pati kayo nagha-house to house eh, pati iba pang mga celebrities. So. talagang – [crosstalk]

    OGIE DIAZ: Gumagastos din kami, Sir Ely ha? Gumagasto ako, gumagastos kami. Sa sarili kong bulsa. Talagang nag aano ako, nagpapagawa ako ng t-shirts, pinamimigay ko. Tapos sa tuwing umaga, nag gagala ako sa Quezon City, nag aabang ako ng mga ambulant vendors. 'Yung ganoon na siyempre bibilhan mo sila bilang pasasalamat. Tapos bibigyan mo sila ng t-shirt kasi sila 'yung gumagala sa kalye.

    So, tuwang-tuwa na sila. Tapos sasabihin nila sa'yo, ay tamang tama ano po ako, kay Leni po ako. 'Yung ganoon. Tapos meron pa akong binigyan ng t-shirt isang, ano, isang nangangalakal, alam mo 'yun? 'Yubg mga nagkukuha ng mga bote ng mineral water, mga lata. Binigyan ko siya ng t-shirt. Tapos nakita ko siya ulit. Nakita ko siya ulit, sabi niya, “Uy thank you po ah. Sir, thank you po.” “Bakit ka nag te-thank you sa akin?” Sabi niya sa akin, “Eh kasi po noong sinuot ko po 'yung t-shirt niyo, ang dami na pong humihinto sa aking sasakyan at binibigyan po ako. Binibilhan po ako–” ay “–binibigyan ako ng pera.” Binibigyan siya ng pera at binibigyan pa siya ng mga ano, mga collaterals. [laugh]

    ELY SALUDAR: Ayos 'yun ah.

    OGIE DIAZ: Mga t-shirt, lalong dumadami daw.

    ELY SALUDAR: Oo, tama. Pero Ogie, malapit na ano. Malapit na ang eleksyon, Mayo a nueve, sa Lunes na 'yan ano. At sa'yo at sa iba pang mga celebrities, talagang hindi natin maiiwasan, may mga, sabihin natin netizen na natutuwa. ‘Yung iba naman eh, nadidismaya sa iyo at napaka-raming mga fake news. Paano mo ba nalalabanan itong mga fake news na ito?

    Na ang isa diyan sa talagang pinalangandakan – nako mga bayaran naman ‘yang mga ‘yan eh. Meron pa ngang isa, babanggitin ko pa ba ‘yung pangalan? Magpapaputol daw siya ng paa, na kung hindi raw kayo nabayaran, mga ganun. So, paano niyo nalalabanan? Sa mga celebrities, ‘yung mga ganitong mga fake news at mga paninira sa inyo?

    OGIE DIAZ: Unang-una, kahit wala pang eleksyon, kapag ikaw ay nagbukas ng social media dapat handa kang ma-bash. Handa ka ring purihin ka, i-bash ka, lait-laitin ka. Dapat handa ka lahat ng bagay kasi ito na ngayon ang labanan sa social media. Ako kasi, syempre katulad mo, ako ay taga-media rin kaya alam ko, aware ako diyan.

    So, ako ang ginagawa ko, hindi ko sinasagot eh. Ina-ano ko lang – ‘yung bina-block ko lang sila. ‘Yung silent ano – kill them with silence. Parang ganun. So, ‘yung ang ginagawa ko, kapag pinansin ko pa sila, magtatampo ‘yung mga iba na nagti-thank you sa akin, pumupuri sa akin. Kasi mas binibigyan ko ng halaga, mas nagpapa-apekto ako doon sa mga bashers kaysa pasalamatan sila.

    Kaya ako, ang panuntunan ko sa buhay, kung hindi ko kayang magpasalamat sa mga pumu-puri sa akin, sa mga sumasaludo sa mga ginagawa ko, wala rin akong karapatan na sitahin ang bashers. Kasi basher nga ‘yan hindi ba, bakit ka nagpa-apekto? Samantalang kami nagti-thank you sa iyo, pinupuri ka namin. Hindi mo man lang kami sinasagot.

    Ganoon lang ang batas – ganoon lang ang pamantayan ko, kaya dedma. Ako, ang dami-dami ko ng listahan, umabot na ng libo-libo ‘yung bina-block ko sa facebook. Ganoon lang ang buhay, hindi ba?

    Meron pa nga, talagang nilait-lait ako. Tapos kung ano-ano pang inano sa mga anak ko. Pini-em ‘yun eh. PM ‘yun ah. So, noong binalikan ko siya sabi ko, ang ganda po ng pamilya ninyo. Puro rin po pala babae ang mga anak ninyo. Oo, tapos ganyan po kayo mag-salita. Gusto niyo po ipa-hatid ko ito sa mga anak ninyo? Kasi kinuha ko po ‘yung kanilang Facebook account. Tapos biglang nag-sorry siya.

    So, ‘yung isa naman sabi, huwag kang maka-punta punta dito sa Europe ha. Kapag ikaw nag-show dito sa Europe, babatuhin kita sa stage. Sinagot ko pa rin, pero sa PM ‘yun ha. Sinagot ko, sabi ko sa kanya – wow, masabi lang na nasa Europe. Sabi kong ganoon. ‘Yung ganoon na lang kasi kung minumura mo ako, bubuwisitin na lang kita. Kasi kaysa seryosohin kita. Hindi ba?

    Kaya – kasi kapag ganoon nalalaman ng mga tao na – ah, nagre-react pala ito. Ah, sumagot pala ito sa mga basher, iba-bash ko nga ito para mapansin din niya ako. Edi ganoon. Manganganak lang nang manganganak ang bilang ng mga bashers mo. Kaya dedma na ako.

    ELY SALUDAR: Sabagay ako, limang taon na rin akong ginaganyan noong magsimula ‘yung aming radio program ni VP Leni dito sa RMN. Talagang pati mga personal. Pero ngayon malapit na ang eleksyon, ano ‘yung mensahe mo Ogie dito sa ating mga taga-pakinig, mga listeners, at mga nanonood sa Facebook. Bakit si VP Leni ang iboboto niyo?

    OGIE DIAZ: Ayaw ko naman magsabi ng bakit hindi. Hindi ba? Alam mo, sa ngayon may mga tao na mga decided na kung sinong iboboto, na sarado na ang isip na kung ‘yung kabilang parlor ‘yung kanilang iboboto at hindi si VP Leni. Ako, sakay na sakay ko ‘yun at intinding-intindi ko ‘yun. Pero gusto ko lang sabihin sa kanila na, una, syempre alamin niyo ‘yung track record. Ano ba ang mga nagawa noong araw na naka-upo?

    Kung duda kayo kay VP Leni, gusto niyo siyang iboto pero duda kayo. Pero parang kasi mas malakas ‘yung isa, mas matunog itong isa kaysa kay VP Leni. Ayun, alamin niyo kung ano ‘yung mga nagawa at kay VP Leni rin, hindi ba. Pumunta kayo sa fan page ni VP Leni, ‘yung VP Leni Robredo. Tignan ninyo, mula pa 2012. 10 years ago, hindi pa nakaka-upo si VP Leni ay ang dami na niyang nagagawang tulong. Ang dami niya ng proyekto, ang dami na niyang naipagtatanggol nang libre dahil siya ay abogado. Imaginine ninyo. Tapos sa liit ng kanyang budget sa Office of the Vice President, ay talang nama-magic niya para lumaki, para magkaroon din ng maraming nagtitiwalang mga partners niya na maghahatid ng tulong sa sambayanang Pilipino. Imaginine ninyo ‘yun ha. VP pa lang ‘yan, ang dami nang nagagawa. What more kung bibigyan natin siya ng mandato bilang presidente, hindi ba?

    Sabi ko nga sa kanila, kapag hindi nagtrabaho si VP Leni, sa totoo lang, kapag hindi siya nag-trabaho, sampalin niyo ako. Ganoon ako ka-bilib kay VP Leni dahil nakilala ko na siya noon pa. Talagang napaka-consistent niya na ang iniisip niya hindi sarili kung hindi ‘yung bayan. Kung paano niya mapapaunlad ang bayan. Kung paano niya matutulungan at kung paano niya maiaahon sa kahirapan ang bansa. Kaya nga hindi ba sabi niya, sa gobyernong tapat angat buhay lahat? Gusto niyang i-angat lahat ang buhay.

    Kaya nga ‘yung mga nagsasabi diyan na nao-offend sila na ginagamit ni VP Leni ‘yung salitang laylayan, na dapat daw ang ginagamit na lang ni VP Leni ay salitang mahihirap. Huwag na ‘yung laylayan, para daw masyado silang nasa ilalim. Oo, na hindi nila alam na noon pa ginagamit ni VP Leni ‘yang salitang laylayan. Sabi ko nga, kung hindi ba sila tumakbong presidente ngayon, mao-offend sila sa salitang laylayan? Eh ang laylayan, marginalized sector ng mga naiiwan, nakakalimutan, napapabayaan at ‘yun ang tututukan ni VP Leni.

    Kaya ‘yung iba na nagsasabi na sila ay – bakit kami bang mahihirap ay wala ng karapatan? Unang-una, hindi na kayo mahirap. Kasi nakakahiya naman sa mga kababayan ninyo, na kung ang tagal-tagal na ninyo dito sa politics, wala pa rin kayong naa-achieve, hindi ba? Kaya huwag niyong ituturing ang sarili ninyo na mahihirap. Hindi kayo mahihirap. Magkalkalan na ng SALN, hindi kayo mahirap.

    ELY SALUDAR: Okay. So, nako kulang na tayo sa oras, Mama Ogs. At salamat sa iyong oras ha. Salamat. Kita tayo at kakain na.

    OGIE DIAZ: Gamitin po natin ang ating utak at ang puso. Huwag po tayong padadala sa ang kapitbahay natin ay ito kasi ang iboboto kaya ito na rin. ‘Yung nanay ko ito kasi ang iboboto, kaya ito na rin. Jusko. Mag-isip po tayo. Mag fact-check po tayo. Mag-research po tayo ng news, ang dami dami na po. I-Google niyo lamang po. Maraming salamat po.

    ELY SALUDAR: Okay, salamat Ogie. Mga kababayan, ayan po si Ogie Diaz. Isa po sa mga talagang masugid na taga-suporta ni VP Leni, mga kasama. Isa lang po ‘yan sa napakaraming celebrities na nagbibigay po ng suporta kay Vice President Leni Robredo.

    Maraming salamat mga kasama sa inyong patuloy na pagsusubaybay dito po sa BISerbisyong Leni. Sa pangalan pa rin po ni Vice President Leni Robredo, ako pa rin po ang inyong Radyoman, Ely Saludar. Muli po isang napakagandang umaga Pilipinas.

    [END]

    Posted in Transcripts on May 01, 2022