This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI Episode 191

    BISErbisyong LENI  Episode 191

    ELY: Good morning, good morning! Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Happy New Year at ito po ang unang edisyon ng BISErbisyong LENI sa RMN ngayon pong taong 2021. Magandang umaga, Pilipinas, mula po rito sa RMN DZXL 558 Manila ay tayo po ay napapakinggan sa RMN DYHP Cebu, RMN DXCC Cagayan de Oro, RMN DXDC Davao, RMN DWNX Naga, at sa lahat ng inaabot ng ating broadcast nationwide, netwide. Magandang umaga! Ako pa rin ho ang inyong radyoman, Ely Saludar. At siyempre, kasama po natin ang nag-iisang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning.

    VP LENI: Good morning, Ka Ely! Good morning po sa lahat ng kasama natin ngayong umaga. Ka Ely, kanina pa ako ninenerbyos kasi pawala-wala ako. Ang hina ng signal dito sa bahay namin. Kapag nawala ako, Ka Ely, babalik lang kaagad ako. Pero Happy New Year! Happy New Year sa iyo, Ka Ely! Happy New Year po sa lahat na kasama natin either nanonood sa Facebook Live ng RMN at saka ng OVP or nakikinig sa atin— Sa atin pong mga kababayan sa Bicol, marhay na aga saindo gabos! Sa mga kababayan natin sa Visayas at Mindanao, maayong buntag. Happy New Year, Ka Ely.

    ELY: Opo. Happy New Year, Ma’am, at siyempre Happy New Year sa ating mga kababayan. At nako, diyan sa Bicol, Ma’am, lalo na partikular diyan sa Bulan, Sorsogon binaha. Masama ho at siyempre mukhang hindi po maganda iyong kanilang pagpasok ng taong 2021.

    At siyempre, mga kababayan—ano, okay na si Ma’am? Nawawala-wala lang ho, ha, at diyos ko pong buhay talaga ito iyong ating mga telcos, oh. Iyong ating internet service, mga kababayan, ay talaga namang wala pong pagbabago. 2021 na po, eh. Uy, maya-maya ano, sa ating mga kababayan, abangan siyempre iyong mga naging aktibidad ng ating Bise Presidente. At siyempre tayo po ay tatalakay sa iba pang maiinit na isyu at usapin lalo na po iyong may kinalaman sa ating mga kababayan, hindi po ba. At siyempre, iyong sa Istorya ng Pag-asa. Mamaya ho may makakausap tayo at siyempre iyong alam niyo po iyong Istorya ng Pag-asa dito po sa BISErbisyong LENI napakaimportante ho nito. Ang dami ho tayong mga kababayan na may kaniya-kaniyang mga kuwento, ha. Iba’t ibang mga kuwento. Hindi iyong dahil sa naging mayaman o naging maganda ang buhay, hindi ho. Dito ho sa Istorya ng Pag-asa ano man ang iyong katayuan sa buhay, eh talagang may mga sinuong po sila na mga pagsubok na kanilang lalampasan, hindi po ba. So iyon po ha, at napakaimportante at kung papaano po nila ito nalampasan at siyempre napagtagumpayan iyong mga pagsubok sa kanilang buhay.

    Okay, para po sa ating mga kababayan at dito po sa ating palatuntunan, maari niyo kaming sundan dito po sa RMN DZXL Manila at sa aming YouTube channel na DZXL 558 siyempre, sa Facebook account ng ating Bise Presidente Leni Robredo o FB account. At mayroon din po sa aking FB page, ang Mediaman Ely Saludar at ang aking YouTube channel ay Mediaman Ely Saludar.

    Okay, samantala, mga kasama, nako napakarami hong mga isyu, ano, na puwede po tayong tumalakay at mag-usap-usap patungkol ho rito. Okay, balikan ho natin si ating Bise Presidente, Ma’am, balik po tayo. Okay, Ma’am, balik po tayo. Nako, may problema yata ang ating internet.

    VP LENI: Ayan, Ka Ely, pasensya ka na ito iyong salubong sa akin ng New Year. Napakahina ng signal dito sa amin pero kumusta ka, Ka Ely?

    ELY: Okay naman po.

    VP LENI: Nag-yearender na tayo noong nakaraang linggo. Ayon, Ka Ely—

    ELY: Opo, opo okay lang. Medyo okay na.

    VP LENI: Oo, napakahina. Nag-yearender na tayo, Ka Ely, noong nakaraang linggo kaya hahabol tayo ngayon siguro pagsalubong ng New Year. Nagha-Happy New Year tayo sa mga kasama. Kahapon, Ka Ely, nabasa ko mayroon daw tatlong pinaka-popular over the years na New Year’s resolution. Iyong pinaka-una raw “mag-e-exercise na ako ngayong New Year.” Ewan ko lang kung nasa New Year’s resolution mo rin iyon, Ka Ely, pero iyon daw lagi iyong number one na New Year’s resolution.

    Iyong sa atin, Ka Ely, handa na tayong mag-opisina na ulit bukas. Mayroon kaming general assembly sa Office of the Vice President bukas. Marami tayong aasikasuhin. Tuloy-tuloy pa rin iyong ating… tuloy-tuloy pa rin iyong ating ano ito, COVID-19 response operations, iyong ating typhoon response operations. Nasa git—[technical lag]—sa Camarines Sur so busy pa rin iyong opisina namin, Ka Ely.

    ELY: Opo. Okay, at siyempre ho, Ma’am, ano, dahil sa ngayon masasabi natin kahit papaano ay marami ho, nakaligtas po tayo. Isa po tayo sa mga nakaligtas sa taong 2020 dito po sa COVID-19 at tuloy-tuloy dapat ang pag-iingat, mga kababayan. At siyempre, iyong Office of the Vice President ay tuloy-tuloy din po ang pagresponde at pagtulong sa ating mga kababayan na naapektuhan po nitong COVID-19.

    VP LENI: Totoo, Ka Ely. Hindi gustong sabihin na nagpalit na tayo ng kalendaryo nawala na iyong lahat na problema ng 2020. So tayo, iyong paalala na tuloy-tuloy pa rin. Lalo na ngayon, Ka Ely, kasi may bagong strain—may bagong strain na galing sa UK kaya tayo nagsuspend ng mga flights na papasok. Tingin ko okay naman na ginawa natin iyon, Ka Ely, kasi ayaw na natin na mangyari iyong nangyari noong nakaraang taon na hindi tayo naging maagap. Ngayon, mayroon na tayong suspension ng pagpasok ng mga flights ng mga—[technical lag]—sa pinakahuli kasama na iyong US. Kasama iyong US pero, Ka Ely, hindi rito kasama iyong mga Pilipinong papasok. Iyong mga Pilipinong uuwi. Iyong sinabi lang, Ka Ely, kahit pa negative ka sa RT-PCR required ka pa rin noong 14-day quarantine sa isang facility na approved ng pamahalaan. So kapag mayroon sa ating mga nanonood ngayon or nakikinig na galing sa ibang bansa, mayroong sila noong suspension of flights—hindi pala suspension ng flights—pagbawal sa pagpasok ng mga nanggaling doon. Iyon iyong, Ka Ely, iyong requirement. Iyong mga Pilipinong pauwi maaaring pumasok pero kailangan iyong RT-PCR test pero kahit negative ka kailangan mo pa rin ng 14-day quarantine.

    ELY: Opo. Okay, so importante ho iyan at talagang dapat pong mag-ingat at siyempre hangga’t wala pong bakuna, Ma’am, siyempre talagang dapat mag-ingat po ang lahat at sundin ang physical distancing. Inaasahan nga na baka ngayong January, Ma’am, ay muli na namang tumaas itong kaso ng COVID-19 dahil noong holiday season ay talagang nakita po natin iyong ating mga kababayan na hindi napigilan na lumabas ng kanilang bahay, magtungo sa mga pamilihan, Divisoria, etc. etc. para ‘di ba, makabili. Eh hindi po nasusunod iyong mga tinatawag ng physical o social distancing.

    VP LENI: Iyon na nga, Ka Ely. Sana hindi naman. Iyon iyong ating pinagdadasal na sana wala nang spike kasi matagal na tayong nasa ganitong sitwasyon. Kaya iyong paalala talaga, Ka Ely, paalala iyong dobleng ingat pa rin. Nakita natin sa Facebook, sa Instagram, sa Twitter, marami pa rin iyong mga Christmas gatherings na nangyari. Marami iyong nagsabi na iyong lahat na protocols sinunod so sana umepekto iyon, Ka Ely, kasi iyong ayaw natin na biglang magkaroon na naman ng spike. Lalo na kasi maraming taga-Manila iyong umuwi sa mga probinsya para makasama iyong mga pamilya. So sana, hindi na maulit iyong nangyari dati na iyong sa mga LSIs sila iyong may dala. Sana iyong mga LGUs, Ka Ely, ganoon pa rin ka-strikto sa kanilang protocols sa mga parating na galing dito sa Manila kasi dito mataas iyong kaso at saka galing sa mga lugar na matataas iyong kaso.

    ELY: Opo. Okay, Ma’am, at siyempre isa po sa inaantabayanan ngayon pong 2021 ay kasi marami na pong mga bansa, ano, ang nagbabakuna na po sa kani-kanilang mamamayan pero dito po sa Pilipinas ay wala pa hong inaaprubahan na anumang bakuna ang ating gobyerno partikular po ang FDA. Pero, may mga nabakunahan na. [laughter] Iyan po iyong—partikular po iyong Presidential Security Group na kung saan inamin ho mismo ng Armed Forces of the Philippines na iyong kanilang mga sundalo at ilang miyembro ng gabinete ang nabakunahan na po. Ano po ang magiging implikasyon nito, Ma’am, at siyempre bawal dahil lilitaw ho na smuggled po ito at bawal po iyong kanilang ginamit ho, Ma’am.

    VP LENI: Totoo, Ka Ely. Iyong pinaka-kuwestiyon—marami, actually, maraming tanong… maraming tanong na kasama ng isyung ito. Unang-una, Ka Ely, si Presidente mismo iyong nagpahayag sa publiko na mayroon nang pagbabakuna na nangyari. Ang tanong—and ang sa atin, Ka Ely, iyong hinihiling natin iyong transparency. Sana walang cover-up kasi ganoon iyong pakiramdam ngayon. Nakikita ko, Ka Ely, sa Twitter, nakikita ko sa social media, marami iyong mga claims na hindi pinapaniwalaan ng tao. Ito iyong ayaw nating mangyari. Ito iyong ayaw nating mangyari kasi sa panahon na mayroong pandemya, sa panahon na kailangan iyong tiwala ng tao nasa effectivity ng pagbabakuna, hindi natin kailangan iyong kontrobersiyang ganito.

    At maraming tanong, Ka Ely: unang-una, papaano ba nakapasok iyong… papaano ba nakapasok iyong vaccine. Ang claim, Ka Ely, donated. So ang tanong, sino nagdonate? Hindi pa iyon nasasagot. Iyon iyong pinakabasic na question. Ang pangalawa, kahit dinonate mayroong requirements. At iyong requirement na iyan, kailangan ng FDA approval. Ang problema, Ka Ely, mayroon tayong mga agencies na dapat dinaanan iyan. Iyong Customs hindi nila alam. Iyong DOH hindi niya alam. Iyong FDA sabi niya wala pa siyang binibigay na kahit emergency authorization. So kailangan itong sagutin. Kailangan sagutin kung papaano ba nakapasok o talagang—donated ba talaga o binili? Kasi ‘di ba, Ka Ely, iyong sabi noong head ng PSG, nag-research sila. Pinag-aralan nila. So nag-research sila, pinag-aralan nila, gusto bang sabihin after nilang mag-research, after nilang pag-aralan bumili sila o alin iyong totoo ‘di ba? Alin iyong totoo, dinonate ba? Sana walang… sana walang panlilinlang na gawin sa tao. Sana maging very transparent kasi ayaw natin na magduda iyong tao. Kasi iyon nga iyong pino-problema natin, Ka Ely, ‘di ba, iyon iyong pinoproblema natin. Kailangan mataas iyong confidence ng tao sa bakuna. Kung iyong pinakamalalapit kay Presidente iyon pa iyong nag-violate ng mga existing na mga protocols, na mga batas, eh hindi makakatulong.

    Ang rule, Ka Ely, whether donated, whether bumili, may mga ahensya ng pamahalaan na kailangan mag-approve nito bago siya maipasok sa Pilipinas. So ano iyong mensaheng binibigay? Kasi kung naalala mo, Ka Ely, iyong IATF sila iyong nagpahayag noong, sila iyong nagpahayag noong parang levels ng prioritization, ‘di ba. Pinag-usapan na iyon natin dito na sabi nga natin agree tayo. Iyong number one doon, health workers. So iyong unang tanong, bakit hindi iyon sinunod? Nag-a-agree naman tayo, Ka Ely, na isa sa pinaka… pinaka—parang nag-a-agree tayo na dapat talaga i-prioritize din iyong mga uniformed personnel lalo na iyong nakapaligid sa Pangulo pero bakit hindi sinunod? Bakit hindi sinunod iyong protocols, bakit may viniolate na batas, bakit hindi sinunod iyong prioritization na ginawa ng IATF, ng DOH, ng ating vaccine czar, bakit hindi iyon sinunod? Ito, Ka Ely, iyong controversy dumating sa panahon na iyong ibang bansa nakikita natin na nagpapabakuna—binabakunahan na iyong mga kailangan bakunahan tapos tayo, wala pa ngang bakuna na available, iyon nga iyong nakakadagdag sa pag-aalala ng ating mga kababayan kung kailan darating, pero may—[technical lag]—espesyal na nabakunahan na. Pero iyong problema, iyong espesyal na nabakunahan, hindi sumunod sa regulations. So maraming, maraming tanong na kailangan—[technical lag]—sa confidence ng mamamayan.

    ELY: Okay, at maging ito pong si ano, si Defense Secretary Lorenzana ay umamin po na ang—iyong Sinopharm vaccine na ginamit po ng mga kagawad ng PSG ay ipinuslit itong—ipinuslit o ini-smuggle, so, eh, mukhang mahirap po ito dahil sa may batas ‘di ba po, Ma’am, na lahat ng papasok eh dapat magsilbing halimbawa o modelo iyong ating pamahalaan o mga opisyal ng gobyerno na kapag wala pa hong aprubado na gamot tulad po ng bakuna o kung ano mang, ‘di ba, na papasok sa ating bansa. Eh kaya nga po may FDA tayo ‘di ba? May batas po riyan.

    VP LENI: At saka ang problema, Ka Ely, ano iyong mensahe? Iyong mensahe rito, puwede palang ganoon, ‘di ba. Puwede palang ganoon na kung mayroon kang means, kung mayroon kang means, kung mayroon kang pambili o mayroon kang kakilala sa labas, puwede pala iyon, ‘di ba. Kasi parati namang—kasi madali namang sabihin, Ka Ely, na justified, eh. Kapag mayroon akong sakit, puwede pa akong magpasok ng smuggled na gamot. Justified ba iyon dahil may sakit ako? Parang hindi yata ganoon. Ilegal nga, Ka Ely.

    ELY8: Illegal but justified. So parang, parang mahirap po iyon, ano. Eh ang dami nating mga kababayan na ganiyan, na napipilitan na magnakaw, eh sasabihin may sakit iyong anak, ang ganda ng layunin, ‘di po ba, para isalba iyong buhay ng kanilang anak pero mali po iyong pamamaraan hindi po ba.

    VP LENI: Totoo, totoo. Parang kahit nga pagpatay ng tao ‘di ba, Ka Ely: “Eh may ginawa siya sa aking mali kaya pinatay ko siya so justified iyon.” Kaya tayo may batas. Kaya tayo may batas. Kaya tayo may regulasyon para mas maayos, mas organisado. Sinisiguro natin na walang malalagay sa alanganin. Iyong pagpasok, Ka Ely, ng isang gamot na hindi pa binibigyan ng authorization, hindi lang sa delikado sa mga naturukan pero iyong overall message, Ka Ely, iyon iyong mahirap. Iyong overall message parang sinasabi mo na okay lang pala mag-smuggle. Okay lang mag-smuggle ng mga vaccines so kapag mayroon akong means para magpapasok okay kasi itong mga namumuno sa atin ginawa iyon. Iyon iyong, I think, Ka Ely, pinaka-delikado doon.

    ELY: Opo. Pero dito ay iimbestigahan daw po ng NBI at maging sa Senado mukhang maghahain ng resolusyon si Senate Minority Leader Franklin Drilon para imbestigahan. So maganda ho ba ito, pabor ho ba kayo na maimbestigahan po ito sa Senado?

    VP LENI: Dapat, Ka Ely, maimbestigahan kasi iyon iyong mensahe rin na hindi natin papalampasin. Iyong mensahe na kapag mali, hindi papalampasin. Kasi kung papalampasin lang, parang ine-encourage iyong tao na gumawa ng mali kasi wala namang nangyayari. Parang wala namang sanctions. Pero iyong sa akin, Ka Ely, para sana ma-shortcut na iyong—ang dami nating kailangang asikasuhin ngayon na mahalaga—sana ma-shortcut na itong mga imbestigasyon na gagawin, maging transparent na lang. Maging transparent ano ba talaga iyong nangyari, maging accountable kung mayroong kailangan maging accountable. Kasi siguro, Ka Ely, iyong mga naturukan hindi naman nila kasalanan kasi mayroon silang sinusunod na authority. Pero iyong tanong, sino ba iyong mga nakakaalam, sino ba iyong nag-authorize, dapat iyon iyong maging accountable. Tingin ko, Ka Ely, iyong individual na mga naturukan, hindi naman sila iyong may, ‘di ba, hindi sila iyong may buong accountability kasi sila iyong may sinusunod na nakatataas sa kanila. Sana maging transparent na lang tapos akuin iyong kasalanan. Wala nang cover-up kasi parang imbis na nakatutok tayo sa mga mas importanteng bagay, iyan na naman iyong aasikasuhin natin. Dapat sana iyong efforts natin, kailan ba darating iyong bakuna, susundin ba natin iyong protocols? Lalong lalo na iyong mga health workers natin, Ka Ely, iyong sa ibang bansa nakikita naman natin. Iyong mga kababayan na mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa karamihan sa kanila, iyong mga nasa US, nasa UK, nasa ibang bansa, nakakuha na ng first dose tapos tayo nandito pa rin tayo sa controversy na ito. Hindi talaga siya nakakatulong.

    ELY: At dito, Ma’am, may pagbabanta pa nga ang Pangulo dito po sa—na talagang suspendihin na itong Visiting Forces Agreement sa pagitan po ng US kung hindi raw mabibigyan ng bakuna ang Pilipinas.

    VP LENI: Ka Ely, hindi ko alam kung bakit kinakailangang gawin iyon. Hindi naman tayo kailangang magbanta, ‘di ba. Hindi tayo kailangang magbanta kung nasa ayos naman iyong—‘di ba. Kung nasa ayos naman iyong programa natin sa procurement ng vaccine, bakit kailangang may bantaan tayong bansa? Hindi iyon kinakailangan. Lalo lang—alam mo, Ka Ely, maraming mga bagay na hindi natin kailangan at this point and iyong makipag-away na wala namang basehan, hindi iyon makakatulong. Gaya ngayon, alam natin na iyong pinakaunang nabigyan ng authorization na virus—na vaccine pala iyong dalawa, dalawang nabigyan ng initial na authorization, galing sa America. Hindi natin kailangang—kung ginawa natin iyong ating trabaho, Ka Ely, makakakuha tayo kahit hindi naman kinakailangan magbanta sa iba. Ako, Ka Ely, noong nabasa ko iyon, ano talaga, iyong para sa akin bakit kinakailangang ganito iyong conversation, ‘di ba. Dapat iyong conversation ini-inform iyong tao kung nasaang stage na tayo, saan ba tayo nakapila, ilan ba iyong darating? Dapat may schedule na, Ka Ely, ‘di ba, sa ganitong— Kung mayroon na tayong pinasok na mga kontrata, alam na dapat natin kung kailan darating iyong first batch, ilan ba iyon. Halimbawa may darating na 20 million, sabihin nating isahan 20 million darating, dapat alam na kung sino iyong 20 million na iyon na dapat turukan. Dapat ganoon iyong conversation, hindi iyong pinapadaan— Hindi ko alam kung bakit kailangang ganoon iyong mga usap-usapan. Pero makakatulong kasi, Ka Ely, sa pagkampante ng mga tao na may hinihintay siya, may hinihintay siyang isang tiyak. Ibigay sa atin iyong schedule: kailan ba darating, ilan ba iyong darating, sino ba iyong mauuna. Kasi at least alam mo, alam mo, Ka Ely, kung kailan ka matuturukan. Mayroon ako, Ka Ely, na kapatid na nurse na nasa US. Doon sa kanila—sa Florida kasi siya, Ka Ely—alam niya. ICU nurse iyong kapatid ko, mayroon siyang mga COVID patients na inaasikaso, pero iyong pinrioritize sa kanila, iyong mga... ano ito... mga nurse—mga healthcare workers na nagtatrabaho sa mga home for the aged facilities. So alam na niya na iyon iyong una, pangalawa sila. At least kahit— Parang alam mo iyon— Alam nila kung kailan dadating at pang-ilan sila. Sana sa atin ganoon din.


    ELY: Opo. At dito, Ma’am, ano, pinag-uusapan iyong pipiliing brand ng bakuna, kasi parang base sa mga pagkilos po ng ating pamahalaan, mukhang mas pinapaboran po iyong Sinovac ng China. Pero ito, nakakagulat kasi ang Pilipinas ay nagnanais muli ng panibagong 300 million dollars na utang sa World Bank para pambili ng bakuna. Eh ano ba sa tingin n’yo, Ma’am, suhestiyon n’yo na sa pagpili po ng bakuna? Ano ho ba ang dapat? Kasi ito uutangin nating pera, lahat tayo, bawat Pilipino magbabayad po dito sa uutangin para po sa bakuna.

    VP LENI: Ako, Ka Ely, tingin ko iyong tao, hindi naman magrereklamo kung uutangin iyong pera, basta alam niya kung bakit kailangang umutang. Tapos alam niya na iyong pagkakagastusan ng utang ay iyon iyong makakabuti sa kaniya. Iyong pinaka-problema kasi, Ka Ely, nitong Sinovac, hindi naman dahil sa China siya ginawa. Tingin ko hindi naman ganoon, kasi marami namang gawa sa China na okay. Pero iyong tingin ko, iyong kailangang ma-explain sa tao, Ka Ely, kasi ‘di ba napa-publish kasi iyong effectivity—efficiency noong vaccine. Parang iyong Sinovac yata na napa-publish—hindi ko alam, Ka Ely, kung gaano ka-accurate ito—parang nasa 50%. Iyong explanation, Ka Ely, ng mga ekspertong iba, kahit iyong sa WHO, parang sinasabi niya na pasado na. Pasado na iyong 50%. In fact, may mga vaccine na available sa market para sa ibang sakit na ganoon din iyong level of efficiency o effectivity. Pero mahirap kasi, Ka Ely, ipaliwanag sa tao, kasi mayroong ibang available, mayroong ibang available na mas mura, na mas mataas di hamak iyong level of effectivity. Halimbawa itong Pfizer saka Moderna, saka recently iyong AstraZeneca—mas mataas, 90-plus iyong— Iyong Pfizer saka Moderna, 90—ilan ba iyon—mga 97, 96?

    ELY: 94 to 95.

    VP LENI: —iyong level of efficiency. Parang kapag ikumpara mo iyon sa 50%, malayo. Malayo. Ang presyo malayo din. Parang ang— Kung hindi ako nagkakamali, almost 3,000, 3,000-plus ba iyong Sinovac.

    ELY: Iyong Sinovac, pangalawa sa pinakamahal eh.

    VP LENI: Oo. Iyong pinakamahal, Ka Ely, iyong Moderna. Iyong pinakamahal, Moderna. Pero doon sa isa sa mga briefings sa amin, Ka Ely, ine-explain niya kung bakit mahal iyong Moderna. Iyong Moderna, parang maliit na company, maliit na company na wala siyang masyadong mga... parang iyong distribution channels niya worldwide halos wala. So talagang dahil sa ganoon, parang kaunti lang iyong level of production. Parang hindi siya magma-mass produce, so mas mahal siya. Hindi gaya, Ka Ely, ng halimbawa, Pfizer. Mas mababa siya kaysa sa Sinovac—mas mababa iyong presyo by almost a thousand. Tapos— Parang 2,000-plus yata iyong Pfizer, Ka Ely. Tapos ang level of effectivity, mas mataas. Ano ba... Iyong AstraZeneca, parang 600-plus lang, Ka Ely—ang layo ng presyo. Ang layo ng presyo ng AstraZeneca. In fact, maraming mga bansa na iyon iyong inorder dahil sa mas mababa iyong presyo, parang iyong level of effectivity mas mataas. Kaya iyong sa akin, Ka Ely, kailangang ma-explain sa tao alin bang vaccine iyong ating binili, alin ba iyong—bakit ba natin ito pinili. Kailangan ma-explain. Kasi kung hindi mae-explain, Ka Ely, lalo lang nadadagdagan iyong pangamba, lalo lang nadadagdagan iyong, alam mo iyon, iyong pag-aalala. So sa akin, Ka Ely, mas mabuti na maging very transparent tayo, saan ba tayo nakapila, saan ba tayo vaccine nakapila—‘di ba—ilan ba iyong kontrata natin, ilan ba iyong expected natin na dumating, kailan dadating? Wala, Ka Ely, eh. Parati lang tayong sinasabihan na padating na, pero hindi actually natin alam kung kailan, hindi natin alam kung ilan, hindi natin alam kung anong klaseng vaccine iyong unang dadating, tapos kung sino iyong makakatanggap ng ano. Kasi halimbawa— [technical difficulty]

     

    ELY: Okay, ito na po, balik tayo, Ma’am.

     

    VP LENI: Mahina na naman iyong signal ko. Pasensya na, Ka Ely. Pero iyon iyong sinasabi ko, Ka Ely. Kailangan alam natin ano iyong inaasahan natin, at bakit iyon iyong desisyon nating kunin.


    ELY: Opo. Pero ang sinasabi nga, Ma’am, sa Sinovac, ‘di ba 50% iyong efficacy niya, eh two doses, so 50, 50, 100. [laughter] Pero talagang binabanggit natin, Ma’am, na dito sa Pilipinas, na isang mahirap na bansa, para sa isang tao na talagang medyo hapit ang budget, kulang po, siyempre iyong magandang quality na at mura pa. Dapat iyon po ang ating kukunin, ‘di po ba?

     

    VP LENI: Kasi, Ka Ely, iyong pinakamahirap diyan... ang pinaka-kampanya nga natin iyong confidence, ‘di ba, iyong tiwala sa bakuna. Kapag alam ng tao na ang baba ng efficiency o effectivity ng vaccine na ito, ‘di ba, mababa din iyong tiwala. Pero kapag alam niya na itong klaseng vaccine na ito, ganito iyong level ng effectivity, ito iyong mga nakuha noong mga kung sino, saang mga bansa, mas tataas iyong tiwala niya sa bakuna, mas maraming magpapabakuna. Pero kung alam na, Ka Ely, na iyong level of effectivity nito mababa, lalong mahihirapan tayong magkampanya na mas maraming tao iyong magpabakuna. Lalo na kasi, gaya nga ng sabi ko, Ka Ely, na marahil totoo na iyong 50% acceptable na iyon, pero mahirap kasing ipaliwanag na mayroong iba in the market na mas mura, mas mataas nang di hamak iyong level of—[technical lag] —iyong pipiliin natin na mas mahal, mas mababa. Tingin ko, Ka Ely, kailangan ma-explain iyon. Kailangan ma-explain iyon sa tao, bakit ganoon.

     

    ELY: Agree, Ma’am. At maraming nagpapanukala. Siguro banggitin ko na rin, ano, si Senator Gordon. Ang sabi niya, mas magandang unahin ang Metro Manila, iyong CALABARZON, na mabakunahan, kasi dito po iyong sentro ng kalakalan, at marami pong mga negosyo dito. Kasi importante na buhayin ang negosyo, ang ekonomiya, para magdire-diretso po. Pero lahat naman makaka-ano, mababakunahan. Kayo po, sa inyo pong pananaw, Ma’am, ano po ang mga dapat unahin at mga prayoridad? Kasi iyong listahan parang hindi po nasusunod. Dati sinabi ito iyong prayoridad, pero mukhang naiiba po iyong listahan. Kayo po, ano pong mga lugar ang dapat unahin?

     

    VP LENI: Ako, agree naman ako, Ka Ely, kay Senator Gordon. Agree din ako sa panukala ng iba na kung mataas iyong level of transmission, unahin din. Hindi nangangahulugan na dahil sentro ng kalakal iyong Manila, dito uunahin. Pero tingnan siguro pareho, hindi lang centers ng negosyo, pero saan din mataas iyong level ng transmission, para hindi na kumalat pa.

     

    Pero iyong sa akin kasi, Ka Ely, iyong mahalaga nga, alam ng tao kapag dumating ito. Kasi hindi naman siya, Ka Ely, na darating na—ilan ba tayo, 100-plus million—hindi siya darating in one batch. Paunti-unti iyong pagdating niyan. Dapat klaro saan ba iyong una, bakit siya iyong una, para kapag may dumating—halimbawa, may dumating, Ka Ely, inuna iyong Metro Manila—alam ng tao kung ano iyong levels of priority, kung ano iyong mga areas of priority. Kasi kapag ganito, hindi niya na nga alam iyong level of priority, o may sinabi sa kaniya pero hindi sinunod— Gaya nito, mga PSG, sa Cabinet members, parang sa priority level yata mas nasa baba iyon. Sana sinabi na lang nila—from the very start, sana sinabi na lang nila na “ito iyong ipa-prioritize natin: iyong lahat na nakapaligid kay Pangulo, sila iyong priority, kasi kailangang safe iyong Pangulo.” Sana ganoon. Pero hindi sasabihin na health workers, pero iba iyong binigyan. Kasi nakakaapekto siya sa level of confidence ng mga tao.

     

    ELY: Opo. Okay, at siyempre, dapat talaga mas malinaw lahat, ano, para iyong ating mga kababayan ay maging kampante rin. Importante naman dito iyong mental health dito ha. Itong isyu na ito sa pandemyang ito, grabe din iyong epekto sa ating mga kababayan.

     

    VP LENI: Totoo, Ka Ely. Lalo pa kapag nanood tayo ng balita, kapag tumingin tayo sa internet, nakikita natin kung sino-sino, siguro mga kamag-anak natin, mga kilalang tao sa ibang bansa, tinuturukan natin, tapos parang sa atin hindi natin alam kung kailan darating. So nakaka-ano siya, Ka Ely, nakaka— Una, nakakabahala. Pangalawa, kapag nalaman pang hindi sinunod iyong protocols—na sila din iyong gumawa—mas magiging aligaga iyong tao. So iyon nga, as far as iyong pagturok sa Cabinet saka sa PSG, sana maging transparent. Sana akuin, sana akuin iyong responsibility para hindi na iyan pa iyong pagtuonan natin ng pansin. Sabihin na nila kung sino iyong accountable. [technical difficulty] —habang hindi sinasabi iyong totoo, mas marami lang— Gaya niyan, magse-Senate—[technical difficulty] Para sa akin, Ka Ely, mas marami sanang mas importanteng gagawin. Pero kung sabihin na nila iyong totoo, hindi na ito kailangan—hindi na ito kailangan, maging accountable iyong dapat maging accountable, tutok na tayo. Tutok na tayo doon sa mga mas importanteng mga bagay. At iyong pinaka-importanteng bagay, Ka Ely, una iyong pagkontrol ng level ng transmission, pagbalik ng negosyo, at pinakaimportante sa 2021, iyong bakuna—kailan ba darating, ilan iyong darating, sino iyong ipa-prioritize. Para sa akin, Ka Ely, sana ganoon. Sana ganoon ka-klaro para sa ating mga kababayan.

     

    ELY: Opo. Ma’am, sa iba pang isyu, at ito, mismong Pangulo ang umamin na wala pang hard evidence laban po sa mga kongresista na diumano ay sangkot sa katiwalian at pakikipagsabwatan sa ilang opisyal, partikular po iyong mga district engineers ng DPWH. Kayo po ay naging kongresista. Ma’am, ano pong masasabi n’yo rito?

     

    VP LENI: [technical difficulty]

     

    ELY: Sandali ha— Ma’am, pakiulit ho at—

     

    VP LENI: Ka Ely, ayan, okay na ba? Pasensya na. Pasensya na ulit.

     

    ELY: Okay po, pakiulit po.

     

    VP LENI: Ang sa akin, Ka Ely, ang tanong ko nga, kung wala namang hard evidence, bakit kailangang pangalanan? Iyong pinakamabuti, Ka Ely, na gawin, kung mayroong sumbong, kung mayroong nagpapadala ng kung ano, paimbestigahan. Paimbestigahan. Kung ano iyong makita sa investigation—[technical difficulty]

     

    ELY: Sandali. Sandali lang, Ma’am, ulit. Napuputol eh. Sandali lang, ayusin natin...

     

    VP LENI: [technical difficulty] Iyong para sa akin, Ka Ely, it doesn’t — [technical difficulty]

     

    ELY: Okay. Ma’am, sandali lang po, ha. Ayusin lang po natin iyong ating signal.

     

    [music break]

    ELY: Okay balik na po tayo mga kasama. Oras na po natin ay 9:41 A.M. Balikan natin ang ating Bise Presidente. Ma'am, balik po tayo.


    [END OF GAP 1]

    ISTORYA NG PAG-ASA SEGMENT

    VP LENI: Ayan, Ka Ely, pasensiya na. Talagang ito ang salubong sa akin ng New Year. Pero, Ka Ely, siguro unahin na natin, kasama na natin ang special guest natin ngayong umaga. Andiyan na siya, si Atty. Charles. Atty. Charles, good morning sa iyo, Charles de Belen.

    ATTY. CHARLES DE BELEN: Good morning po.

    ELY: Good morning.

    ATTY. CHARLES DE BELEN: Good morning po sa inyong lahat.

    ELY: Okay, Ma'am. Sandali ha.

    [music break]

    ELY: Okay, Ma'am, balik po tayo.

    VP LENI: Ayon. Pasensiya na ulit, Ka Ely. Ang bisita po natin ngayong umaga si Atty. Charles de Belen. Atty. Charles, good morning sa iyo.

     

    ATTY. CHARLES DE BELEN: Good morning po. Magandang umaga.

    ELY: Good morning, Atty.!

    [music break]

    ELY: Okay, sandali lang po, Atty. Charles at inaayos lang natin ang ating linya kay VP Leni. At talagang ito, bungad ng ano 2021 ano masama po ang ating internet service. Kung sa bagay pangalawa nga tayo sa pinakahuli [chuckles] sa Southeast Asia, mga kasama, at talagang napakabagal po. Inaayos lang po ang ating linya para mas maganda at maging maliwanag po ang ating talakayan sa [Pangalawang] Pangulo at siyempre dito po sa ating panauhin dito po sa Istorya ng Pag-asa.

    Napakaimportante po, mga kababayan, alam niyo ho kanina binabanggit ko nga ho, dito po ang Istorya ng Pag-asa ay bahagi po ng ating palatuntunan dito po sa BISErbisyong LENI. Para ang  mga kababayan natin na anuman ang katayuan sa lipunan ano, ay iyong papaano nakaalpas sa isang pagsubok. Ang iba naman ay pupwede namang walang gawin, pero ibig sabihin ay tumutulong mga kasama, at hindi para sila ay sumikat o kung anuman, may kanya-kanyang mga adbokasiya para tumulong sa kanilang kapwa, ganoon po ito. So iba't ibang mga kuwento ang nasa likod nito pong Istorya ng Pag-asa.

     

    [music break]

    ELY: Okay balik ho tayo, mga kasama. Oras po na po natin 9:46 AM, samantala ito na po ang BISErbisyong LENI. Balikan po natin si VP Leni. Ma’am, balik po tayo.

    VP LENI: Ayan, Ka Ely, sa telepono nalang ako kasi wala na yatang pag-asa ang aming internet. Pero gaya ng sinasabi ko, Ka Ely, kanina ang special guest natin ngayong umaga, ang ating Istorya ng Pag-asa si Atty. Charles de Belen. Batang-bata abogado, Ka Ely, pero pag binasa mo ang kanyang kuwento, ang dami na nitong na-accomplish kahit napaka—kahit napakabata pa. Noong December lang, Ka Ely, tumanggap sila ng—tumanggap sila ng, ano ito, ng isang malaking, malaking recognition. Iyong Global Students Entrepreneur award. Tanungin natin—tanungin natin si Atty. Charles. Atty. Charles, papaano kayo na-awardan nitong Global Students Entrepreneur award?

    ATTY. CHARLES DE BELEN: Sige po. Bali the Global Student Entrepreneur award, isa po itong competition, annual competition, where they look at iyong mga estudyante po ngayon, for example in my case po, I'm taking my masters in AIM. Who has a business while being a student, and then they host an annual competition to pit our businesses against each other, and to see who among us best exemplify the qualities of an entrepreneur. After po nito, next year po, magkakaroon ho tayo ng—ako po ang magiging Philippine representative in the Global Student Entrepreneur competition.

    VP LENI: Pero ito, Atty. Charles, kaya kayo na-awardan kasi ikaw ang founder ng Best Way Consultancy, ‘di ba?

    ATTY. CHARLES DE BELEN: Opo.

    VP LENI: Puwede bang sabihin—puwede bang ikuwento mo sa amin, ano ba ang Best Way Consultancy?

    ATTY. CHARLES DE BELEN: So, Best Way Consultancy is one of the consultancy groups. So we offer auditing, and legal services. And because of the pandemic po, we saw na there was a need to reach out, especially small businesses na nagrow ngayong pandemic. Kasi we saw a lot of our micropreneurs, iyong mga Filipinos who want to participate in business kaso nahihirapan ho sila because they have to learn the legal know-how to do it, and of course how to do it in terms of auditing. So that's where we come in.

    VP LENI: Pero ang husay, papaano—ang gusto kong sabihin, Atty. Charles, papaano niyo naisipan na gumawa nito, considering na estudyante pa kayo? Estudyante pa kayo, tapos ang tinutulungan niyo iyong mga parang—tinutulungan ninyo ang mga start-ups. Iyong start-ups na gustong magsimula pero nahihirapan magsimula, tapos kayo ang tumutulong sa kanila how to survive. How to survive and how to go about their business. Ano ba iyong nag-bunsod sa inyo to put this up?

     

    ATTY. CHARLES DE BELEN: Actually po kasi, I have been part of various start-ups so I am part right now of an NGO, GoodGov Philippines. And I was also part of EndCov, and doon po narealize ko as a start-up founder, one of the—ang pinakamalaki naming obstacle are usually papasok po kami sa isang business, and sometimes, even if we have a great idea, it's hard to execute because we need to know the legal know-how and the accounting know-how. And that's where we come in kasi for start-ups, limited po ang capital namin so we need to outsource those things and that's where Best Way can help.

    VP LENI: Oh. Tapos ito, aside from Best Way, Atty. Charles, sabi mo nga ano ka din, involved ka din, parang director for legal affairs, tama ba? Ikaw?

    ATTY. CHARLES DE BELEN: Yes.

    VP LENI: Sa GoodGovPh, siguro i-kuwento lang nila, naging guest na ako—pero ikuwento natin sa kanila kung ano ang GoodGovPh. Ito ay parang youth-led, ‘di ba? It's a youth-led good governance advocacy group. Tapos ang balita ko, Atty. Charles parang you were one of those awarded sa Tayo? Tayo Awards in 2020, tama ba?

    ATTY. CHARLES DE BELEN: Opo. Bali, sige po go po, Ma'am.

    VP LENI: Hindi, sige. Ito kasi siguro bigyan lang natin ng context ang Tayo, talagang hotly contested ito, ‘di ba, among the youth organizations at iyong nag-eemerge talaga dito iyong sobrang huhusay na youth organizations kaya for GoodGovPh to be one of the Tayo Awardees talagang really means a lot.

    ATTY. CHARLES DE BELEN: Thank you po. Actually, opo. GoodGov was actually born last year and we gathered this year when we reached around 8,000 volunteers for our Bantay Bayan Program. So Bantay Bayan sought to give free legal assistance or any help that we can give to individuals to Filipino who was having problems. For example, when it comes to their social amelioration program rights. Their right to assistance. So we tried to give them, or bridge that gap in terms of knowledge to them, and recently nga po, we launched our chat bot that can help you with your social pension or social amelioration question. So you can just access it para matulungan ho natin ang mas maraming tao in terms of their lack in knowledge po

    VP LENI: Pero ito Atty. Charles, iyong chat bot na sinasabi mo, iba pa ito sa Karapatan, o ito na iyong Karapatan?

    ATTY. CHARLES DE BELEN: Well actually, before Karapatan kasi, when we launched Karapatan before, we wanted to create a more of a… legal AI kumbaga. Kasi I realized as a practitioner of law na sobrang laki noong gap in terms of supply and demand with legal knowledge, that’s why legal knowledge in the Philippines is expensive. That’s why I think one of the solutions is technology to bridge that gap, kasi technology is easily scalable po. So right now, our chat bot is kind of patterned similar to Karapatan.

    VP LENI: Pero itong Karapatan Atty. Charles, how do you do this? Mayroong app, iyong Karapatan is an app or is it an organization?

    ATTY. CHARLES DE BELEN: Karapatan po, when we created it, it is an application po. We sought to create a legal AI. So through the app, it will ask you a series of yes or no questions, and then it will give you a legal advice.

    VP LENI: Oh, galing. So ito, kapag dinownload mo iyong app, pwede ka nang magtanong ng mga legal questions mo doon?

    ATTY. CHARLES DE BELEN: Opo. Although right now po, we are still trying to improve the AI behind it so that it can be a bit more responsive especially kasi marami po iyong mga tanong na legal na hindi po automatic iyong… kumbaga kahit… we have to be… make it dyanamic to the circumstances of the person po.

    VP LENI: Oo, kasi I can imagine Atty. Charles, ang dami sigurong intricacies, ano? Ang daming intricacies noong mge legal questions online kasi minsan maraming pagkakaiba sa mga situations noong mga nagtatanong, kaya sobrang nakakabilib that you thought of having an app na AI na sasagot sa kanilang mga legal questions. Pero other than this, mayroon pa kayong EndCOV, ano iyong EndCOV?

    ATTY. CHARLES DE BELEN: Ah, EndCOV is an initiative we started, me and my classmates this year. So early on, we learned kasi na, iyon nga, one of the problems when the COVID-19 pandemic began is that hindi po enough iyong contact-tracing capabilities ng government—

    VP LENI: Totoo, totoo…

    ATTY. CHARLES DE BELEN:…natin to comprehend the problem. So one of our ways to chip in and help was to create a contact-tracing app. So we were one of the first to make it with an online triage. But EndCOV was discontinued since our government already has their own contact-tracing application po.

    VP LENI: Pero Atty. Charles ang galing, kasi parang you are doing a lot of things all at the same time. Halimbawa abogado na kayo, tapos nagma-Masters ka pa sa AIM, tapos ano pa, entrepreneur—hindi lang ordinaryong entrepreneur pero matatawag natin na social entrepreneur because you are also involved in a lot of, di ba, parang in a lot of other endeavors na iyong social relevance hindi lang mataas pero napaka-appropriate for the changing landscape. Papaano mo lahat ito ginagawa?

    ATTY. CHARLES DE BELEN: I think personally I think I’m very lucky because I always get to meet the right people who will help me realize the dreams that I had. So this, I will give my  total hands down to those people who are part of Good Gov, EndCOV, and Bestway, because without them, these would not have been realized. And second, I think it’s just about always trying to contribute to something better, something bigger than yourself. Kasi ako naniniwala po ako na, kasi po ako medyo laki rin ako sa hirap, so I know how difficult it is to have no or to lack privilege. And I always believe na if you have that privilege to make a change, you have to pay your dues, it’s your responsibility to give back, and that’s my motivation to all of this.

    VP LENI: Ayun sobrang galing, Atty. Charles. Actually noong binabasa ko iyong kuwento mo, parang nalulula ako sa, nalula ako hindi lang sa achievements pero that you are able to do so much. Parang sabay-sabay mong ginagawa, and iyong ginagawa mo parang lahat siya innovative. Iyong ginagawa mo, lahat parang in response to what we are needing now. So iyong sa akin siguro, pasasalamat—pasasalamat for all you have been doing, encouragement na sana ipagpatuloy mo, ipagpatuloy mo iyong ginagawa ng grupo ninyo, and siguro Atty. Charles paubos na iyong oras natin, ano ba iyong mensahe? Ano iyong mensahe na puwedeng o advice na puwede mong ibigay sa mga kagaya mo, sa mga kagaya mo na kabataan din, na lalo na sa panahon na ito na naghahanap ng relevance pero nahihirapan dahil sa pinagdadaanan natin. Ano kaya iyong puwede nilang gawin?

    ATTY. CHARLES DE BELEN: So para po sa mga katulad ko, always know na you can contribute to a problem, you can contribute to society, kahit malaki man iyan o maliit, because each of us, we have a unique perspective into things. Mayroon po tayong tayo lang… ang problem na isang bagay, tayo lang ang nakakakita at tayo lang ang makakapagbigay ng solusyon. And madalas hindi po natin ginagawa kasi iniisip natin, are our efforts worth it? Di ba. Will our efforts be rewarded? And at the end, know na if you do it, if you pursue it, if you pursue finding a solution, then yes, it will be worth it, because at the end, society knows how to give back. And once you have that privilege to give, always give because, you know, at the end, making that small change will soon be amplified in the future kasi you will touch lives and that in itself is worth it. Maraming salamat po.

    VP LENI: Ayun ang galing, kasi parang sinasabi mo Atty. Charles na hindi lang di ba, hindi hadlang iyong kabataan. Hindi hadlang iyong kabataan to make a difference, and pinakita mo iyan—pinakita mo sa marami mong ginagawa na tuluy-tuloy lang, parang laban lang lagi. Kung ano iyong nandiyan na problema, hanapan ng solusyon. And ako agree with you in all aspects, kasi ako kasama ko rin sa opisina, lahat din bata, and ang dahilan kung bakit ang dami naming nagagawa dahil sila talaga—kayo talaga—kayong mga kabataan iyong bukas na bukas ba—bukas na bukas pa sa pag-iisip ng mga bagong mga solusyon sa mga problema. Kasi iyong mga dumadating sa atin ngayon, mga bago. Kadalasan kapag bago iyong mga dumadating, hindi na akma iyong mga kinasanayan naming mga may edad na, kami ni Ka Ely. Kaya it will benefit us kung makikinig talaga sa mga kagaya mo. Kaya sa akin lang Atty. Charles, congratulations. Congratulations sa lahat ng mga accomplishments and sana magpatuloy ka, sana hindi ka magsawa sa pagtutulong sa mga community, hindi ka magsawa sa paghahanap ng mga bagong solusyon sa mga problema natin at maghanap ng mga programang bago para sa ating mga kababayan. Kaya maraming, maraming salamat. Maraming salamat sa pagbibigay mo sa amin ng oras mo ngayong umaga.

    ATTY. CHARLES DE BELEN: Maraming salamat din po for having me. Thank you!

    ELY: Thank you, Atty. Charles! Okay, Ma’am, wala na po tayong oras, at sa muli, mensahe po ninyo sa ating mga kababayan ngayong 2021, panibagong hamon sa ating mga Pilipino.

    VP LENI: Ako lang, Ka Ely, tayo dapat excited tayo—excited tayong sasalubungin iyong 2021. Totoong napakahirap noong 2020 pero marami tayong natutunan. Marami tayong natutunan sa 2020—natuto tayong magtrabaho sa mga bagay na hindi natin kinasanayan.  Iyong sa akin, Ka Ely, iyong energy na pinakita natin noong 2020 lalo pang madagdagan ngayong 2021. Iyong pinakalesson sa atin, maraming mga dumadating na hindi expected pero iyong solusyon nasa kamay din nating lahat. Sa akin lang, Ka Ely, sana hindi mapagod—hindi mapagod iyong mga kababayan natin sa paghanap ng mga solusyon. Iyong pababayanihan, Ka Ely, ito, iyong 2020 iyong height ng nakita ko. Kung ano iyong resulta kapag tayo nagtutulung-tulungan, kung ano iyong resulta kapag tayo nagkakaisa. Marami tayong mga kababayan na matutulungan kapag tayo ay handang makipagtulungan din sa iba. So sa akin din, Ka Ely, pasasalamat—pasasalamat sa lahat ng mga kababayan natin noong 2020 na kahit sila mismo nagdadaan sa maraming pagsubok, nakukuha pang magsakripisyo pang lalo para iyong mga kababayan natin ay matulungan.

    Pagpapaalala rin, Ka Ely, pagpapaalala na marami pa tayong… marami pang pagsubok lalo na dito sa pag-ampat natin ng COVID-19. Sana hindi makakalimutan iyong mga protocols. Mag-iingat lagi, huwag magkampante. Kasi iyong sa akin, iyong pag-asa, iyong tiwala na bubuti din ang situwasyon, palaging nandoon, para laban lang lagi. Kasi, Ka Ely kapag nawawalan ng tiwala, paminsan parang napapagod, napapagod lumaban. Pero kapag alam na mayroong naghihintay na liwanag sa dulo nitong lahat, mas lalo tayong gaganahan. Kaya sana, iyong 2021 natin, ganoon. Laban lang lagi.

    ELY: Okay, Ma’am, salamat po, ingat po kayo lagi!

    VP LENI: Maraming salamat, Ka Ely, happy New Year ulit hindi lang sa iyo pero sa lahat ng kasama natin ngayong umaga.

    ELY: Opo, salamat po, happy New Year! Mga kasama mula po dito sa DZXL Manila, at siyempre napakinggan po tayo diyan sa Visayas at Mindanao, ako pa rin po ang inyong radyoman Ely Saludar. Muli po, isang magandang umaga, Pilipinas!

     

    - 30 -

     

    Posted in Transcripts on Jan 03, 2021