This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI Episode 204

    BISErbisyong LENI Episode 204

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI dito po sa RMN. At siyempre ngayon po ay araw ng Linggo, April 4, 2021. Mula pa rin dito sa DZXL, tayo po ay napapakinggan sa DYHP Cebu, RMN DXCC Cagayan de Oro, RMN DXDC Davao, RMN DWNX Naga, at siyempre sa lahat po ng inaabot ng ating broadcast nationwide, netwide, magandang umaga! Ako pa rin ho ang inyong radyoman Ely Saludar. At siyempre, kasama po natin ang nag-iisang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning. Okay, balikan lang ho natin. Ayusin lang ho natin ang ating linya ng komunikasyon.

    VP LENI: Ka Ely? Ayon. Okay na ulit, Ka Ely?

    ELY: Kumusta na po? Yes, Ma’am.

    VP LENI: Ito iyong mahirap kapag nasa bahay kasi nawawala-wala iyong signal. Pero Happy Easter sa lahat na nakikinig! Sa ating mga kababayan sa Bicol, marhay na aga. Sa ating mga kababayan sa Visayas at Mindanao, maayong buntag. Ka Ely, good morning.

    ELY: Opo. Good morning at siyempre good morning po sa lahat ng ating mga kababayan nationwide. At ngayon, Ma’am, dito po sa NCR Plus bubble—Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal—mayroon pong pinalawig na ano, na isang linggong ECQ at sa panig po ng Office of the Vice President, Ma’am, may dagdag ho kayo na ano, na ginagawang pagtulong sa ating mga kababayan sa pagresponde po sa COVID, iyong Swab Cab. Nako, ang dami pong nagpupunta sa inyo pong proyekto.

    VP LENI: Actually, Ka Ely, ngayon marami nang nagrerequest sa atin na kung puwede pumunta rin sa lugar nila. Pero marami tayong limitations, Ka Ely. Unang-una, tatlo lang. Tatlo lang iyong ating nahiram na bus. Pangalawa, nag-appropriate kami, Ka Ely, ng funds para sa pagbili ng antigen test kits at ito ay recognized na ng DOH na parang RT-PCR siya na ang sabi, Ka Ely, kapag nag-positive dito, hind na i-a-RT-PCR. Pero kapag nag-negative dito pero may sintomas o kapag nag-negative dito pero may exposure, iyon tuloy iyong i-a-RT-PCR. Marami lang kaming limitasyon, Ka Ely, halimbawa ang isang limitasyon namin kulang kami sa tao. So kahit may mga requests sa amin na pumunta rito, pumunta roon, hindi kami kaagad puwede until mag-commit iyong LGU na sila iyong magpo-provide ng tao on the ground. Kasi hindi lang siya, Ka Ely, basta lang magsa-swab pero iyong requirement kasi namin, Ka Ely, iyong isa-swab namin dapat na-groundwork na ng LGU para hindi sayang. Kapag sinabing na-groundwork na, parang several days before kami pumunta, na-identify na dapat ng LGU kung sino iyong isa-swab namin. Na-identify na kasi ang gusto sana natin, Ka Ely, doon sa mga lugar na napakataas ng transmission, iyong mga lugar na mayroong symptoms pero hindi pa nasa-swab. Iyong mga lugar na na-expose iyong mga tao pero wala pang available na swabbing. Kasi bago namin ito ni-launch, Ka Ely, ang dami naming nakukuha na mga requests na kung puwede silang ma-test, hindi sila natetest kasi kulang iyong testing kits o iba iyong regulations ng lugar. Iyong pinaka-delikado kasi rito ayaw natin na may kailangang i-swab pero hindi nasa-swab kasi ang iba, nagiging kampante, lalo na iyong mga asymptomatic. Nagiging kampante, lumalabas pa rin, nag-i-interaction sa tao, dito talaga naga-grabe iyong transmission.

     

    So kaya tayo, Ka Ely, nauna sa Malabon kasi iyong Malabon LGU iyong unang nagsabi na “ready na kami.” Gustong sabihin, inactivate niya iyong mga barangay niyang high transmission at pagpunta namin, Ka Ely, iyong last—iyong nakaraang linggo, sobrang saludo kami sa mga barangay officials kasi sila talaga nag-groundwork. Talagang ito, Ka Ely, ito iyong parang ini-imagine na babahay-bahayin, iyon talaga iyong ginawa nila. At ito iyong doon sa mga lugar na mataas ang transmission. Iyong pinaka-problema lang namin, Ka Ely, at ito ay inilagay ko na sa Facebook, ang budget namin doon na test kits 3,000—3,000 parang dalawang araw na swabbing, 1,500, 1,500. Pero iyong first day namin iyong 1,500, 502 lang iyong na-swab namin. Hindi dahil kulang sa oras, hindi dahil kulang sa tao pero maraming ayaw magpa-swab. At ayaw nila, Ka Ely, magpa-swab kasi nag-aalala karamihan—hindi pare-pareho iyong dahilan—pero iyong karamihan, natatakot silang mag-positive sila kasi kung magpositive sila, iyong dahilan ng iba, “kasi i-a-isolate kami hindi kami makakapagtrabaho. Papaano iyong kakainin ng pamilya namin.” Iba-iba. Iyong iba iyong stigma sa barangay. So kami, Ka Ely, hindi muna namin ginawa iyong second day. Iyong second day, gagawin namin sa Tuesday. Inayos muna namin iyong programa na may incentives. Magbibigay kami ng incentives na number one, iyong mga nagpositive, magpo-provide tayo ng pagkain ng pamilya habang nasa isolation sila. Iyong number two, at gagawin natin ito sa Tuesday, iyong mga in-identify magpa-swab ay bibigyan natin ng bigas dahil talagang totoo naman talaga, Ka Ely, iyong kahirapan ngayon kasi maraming hindi nakakapagtrabaho dahil sa ECQ. So kailangan talaga magbigay ng incentives. Nagpapasalamat tayo, Ka Ely, sa LGU Malabon kasi kahit ang dami nilang problema, talagang tinutukan din nila ito. Napakacooperative. Nagbukas tayo roon ng bagong isolation center sa—ang pangalan ng school doon Doña Imelda Elementary School kung tama ako. Naglagay tayo ng bagong isolation center. Naglagay tayo ng tents na one per person doon sa tent. Mayroong nurse. Mayroong lahat na kailangan. Bawat tent mayroong mattress, mayroong mga gamit, mayroong electric fan. Kinumpleto natin para komportable sila kasi kapag hindi, Ka Ely, komportable sa isolation facility, hindi naeengganyo. Hindi naeengganyo iyong mga tao mag-isolate. Okay lang naman sana sa bahay mag-isolate pero iyong problema, Ka Ely, iyong bahay walang space. Halimbawa, isa lang iyong kuwarto o walang kuwarto o may ka-share sa kuwarto, mahirap. Mahirap kasi iyong hawaan sa loob ng bahay. So iyon iyong mga nameet namin na mga problema. Kaya sa Tuesday pagbalik namin doon, hopefully mas marami na iyong magpa-swab. Kasi halimbawa, Ka Ely, pagpunta namin—one day lang ito—34 kaagad iyong nag-positive. Thiry four kaagad iyong nagpositive tapos kahit iyong mga nag-negative na may symptoms at saka na-expose hiniwalay pa namin. Wala pa iyon doon sa 34. So iyong pinaka-problema talaga, kung walang ganito hindi nila alam na positive sila. Ang chances—lalo na kung walang symptoms—ang iba kasi kung may symptoms, hindi talaga lalabas kasi may sakit. Pero iyong pinaka-problema natin iyong nagpositive pero walang symptoms kasi ang tendency nito magtatrabaho pa, iyong pakihalubilo sa bahay tuloy-tuloy. So ito iyong nagbibigay talaga, nagdadagdag sa transmission. So sana, sana, Ka Ely, marami kaming tao. Sana marami kaming facilities para nagagawa natin ito.

     

    Pero maliban doon sa Swab Cab, mayroon kaming mga ginagawa pero hindi pa namin nilo-launch kasi inaayos pa namin. Inaayos pa namin, Ka Ely, iyong flow kasi ayaw namin na i-launch na hindi pa maayos pero marami kami —during the Holy Week, tuloy-tuloy iyong meetings namin with doctors, iba pang mga grupo. Kasi iyong nakakadurog ng puso, Ka Ely, iyong dami ng messages na natatanggap namin na nag-e-SOS, naghahanap ng ospital. Iyon talaga iyong parang—sobrang, sobrang grabe iyong bigat na alam mong naghahanap ng ospital, alam mo na nag-aagaw buhay pero wala kang magawa. Wala kang magawa kasi lahat tinatawagan mo walang bakante. Iyon talaga iyong pinaka-parang one week na iyon iyong hinaharap namin.

     

    Iyong sa amin, Ka Ely, nagpapasalamat kami actually sa One Hospital Command kasi kapag tumatawag kami roon very, very helpful sila. Ang problema lang nao-overwhelm na rin sila sa dami. Nao-overwhelm sila sa dami so iyon iyong pinag-aaralan namin ngayon, Ka Ely. Mayroon kaming mga, ano ito, mga test na gagawin at ginagawa. Papaano kami makakatulong para ma-decongest iyong mga ospital. This week, gagawin na namin ito. Kapag naayos na namin iyong sistema, i-a-announce na namin kailan ilo-launch. Pero marami na tayong mga kausap na mga volunteers, mga doktor. Naghahanap nga tayo, Ka Ely, ng mga paraan kung papaano hindi na maga-grabe iyong mga ospital. Alam kong napakaliit lang ng capacity namin pero iyong sa amin lang, baka bawat naman tulong mahalaga kasi bawat buhay talagang—hindi na lang iyong numero, Ka Ely, pero kamag-anak iyon ng kamag-anak ng mga kababayan natin kaya, grabe talaga. Na ngayong Holy Week break lang, ang dami kong kakilala na namatay. At iyong kuwento, Ka Ely, halos pare-pareho. Halos pare-pareho iyong kuwento na naikot nila iyong mga ospital, pumila sa mga tent, sa hintayan, malapit na sana makapasok sa ER, doon pa nalagutan ng hininga, iyong mga ganoon, sobrang nakakaawa.

     

    ELY: At saka, Ma’am, iyong mga tents nga, pinagbabayad kasi nga hindi sila saklaw ng PhilHealth.

     

    VP LENI: Ayon iyong kailangang ma-settle, Ka Ely, ng PhilHealth kasi ako naintindihan ko kung bakit wala iyon sa regulations nila, ‘di ba, dahil wala naman ito dati, hindi siya existing. Pero sa oras ng emergency, sa oras ng emergency, Ka Ely, dapat mabilis din iyong desisyon, mabilis iyong pag-adjust ng policy kasi hindi puwedeng—gaya nito, hindi na lang pupunta kasi may bayad pala, ‘di ba. Kaya para sa akin, hindi ito puwedeng maghintay. Hindi puwedeng maghintay. Dapat… dapat dahil nagiging practice na siya, mag-adjust na iyong policy. Kasi kung hindi mag-a-adjust dadagdag pa iyong mga namamatay dahil, parang iyong inequality, Ka Ely, lalong mapo-pronounce. Kasi kung may pambayad ka, hindi iyon consideration. Pero kung wala kang pambayad, ang pinakamahirap nito kailangan mo ng tulong, hindi ka na lang pupunta kasi may bayad pala. So sana i-adjust agad.

     

    ELY: Tama. At saka, eh common sense ito. Parang extension ito ng ospital dahil sa puno na.

     

    VP LENI: Dapat. Dapat talaga, Ka Ely, kaya nga sana iyong pag-apply natin ng mga regulasyon, huwag naman to the letter. Dapat nag-a-adjust siya kung ano talaga iyong realities on the ground kasi nasa tent ka, considered na ospital iyon. Considered na ospital iyon kasi kaya ka lang naman nasa tent dahil wala nang space sa loob.

     

    ELY: Tama. Opo. At talagang ngayon napaka-ano, dami ng mga pasyente, nasa halos full capacity na iyong lahat na mga public at private hospitals dito sa Metro Manila at sa Calabarzon. So, sa ngayon ay itong isang linggong ECQ, Ma’am, sa inyo pong pagmomonitor ay nakatulong at mas makatutulong ba ang karagdagang isang linggo?

     

    VP LENI: Ako, ako, Ka Ely, mayroong study iyong OCTA, ‘di ba, iyong mga taga-UP. Mayroon silang study na dahil dito sa one week na ECQ—although ang sinasabi nila hindi pa naman natin mararamdaman agad kasi iyong mga nagpa-positive ngayon, ito iyong mga nagpositive bago pa nag-ECQ. So iyong epekto nitong ECQ, parang iyong sinasabi nila, umpisang mararamdaman natin April 7. Sa akin, makakatulong, Ka Ely, iyong pag-extend kasi mako-constrict iyong mobility ng tao. Kapag nahinto mo iyong mobility ng tao, iyong chances ng transmission, nababawasan din. Pero iyong sa akin lang din, Ka Ely, iyong pinakamahirap nga iyong ayuda. Kasi puwedeng sa iba, wala naman iyong one week, wala naman iyong two weeks, pero mayroon tayong mga kababayan na kung hindi magtatrabaho ng isang araw, wala ring suweldo. So sa akin, Ka Ely, iyon dapat iyong—kapag every time na mag-i-ECQ tayo—iyon iyong tutukan natin, papaano iyong mga walang isusuweldo. At iyong mga walang isusuweldo, papaano kung wala naman silang savings. Kasi parang ano lang, kung walang susuwelduhin ngayon iyon din iyong ibibili mo ng pangkain. Dapat sila iyong matugonan. May ibibigay na ayuda, Ka Ely, pero tingin natin napakaliit kasi iyong ibibigay ay P1,000 na in-kind, P1,000 na in-kind. Eh iyong P1,000 parang equivalent siya sa isang—ilang araw ng trabaho lang. So ito iyong problema natin sa extension ng ECQ. Iyong extension ng ECQ, kailangan mabalanse kasi talagang makakatulong siya pagpababa ng transmission. Pero papaano iyong mga tao na walang kakainin. Papaano iyong mga magpipilit dahil walang makakain, ito iyong dapat tugonan.

     

    Tinitingnan ko, Ka Ely, iyong declaration kahapon kasi ‘di ba iyong declaration sa NCR [plus] bubble pa rin. Iyong NCR—Metro Manila, Laguna, Bulacan, Cavite, at saka Rizal—dinagdagan—instead na mag-e-end siya today, April 4, dinagdagan ng April 5 to 11. Iyong mga isyu rito may ayuda ba? Kasi ang sabi bukas yata ilalabas na iyong ayuda ng last week. Itong madadagdag, kailan matatanggap kung mayroon? Pero tinitingnan ko kasi, Ka Ely, iyong strategy. Iyong strategy nila binago iyong pangalan, eh. Dati Test, Trace, Isolate, ‘di ba. Iyon iyong dati. Ngayon, PDITR na ang tawag pero halos parehas pa rin ang gustong sabihin, iniba lang iyong term ng iba. Ang PDITR—prevent, detect, isolate, treat, reintegrate—halos pareho lang naman ito. Hindi ko na rito nakita iyong trace pero siguro iyong trace nandoon sa detect. Iyong prevent siguro iyong pag-declare ng ECQ. Pero para sa akin, Ka Ely, hindi puwede ito. Kaya may mga nakikita tayo sa social media na naghahanap kung ano iyong plano. Nagagalit iyong ibang supporters ng administrasyon na “bakit tinatanong mo na ano iyong plano? Nandito na iyong plano.” Pero iyong plano kasi masyadong general.. iyong plano masyadong general. Kapag sinabi mong PDITR iyong plano, anong kaibahan nito noong nakaraan na one year na nating ginagawa.

     

    Sa akin, Ka Ely, ang suggestion ko, para may objective, iyong sinasabi natin na may scorecard sana. Dapat lahat na ginagawa natin mayroong timeline, mayroong scorecard. Halimbawa, kung magdadagdag tayo ng one week, ano iyong gusto nating ma-achieve sa April 11 kasi matatapos na iyong April 11, ‘di ba? Kasi ang sinasabi niya naman, sa April 11, i-a-assess namin kung kailangan i-extend o hindi. Eh bumabalik lang tayo doon sa dati. So sa akin lang, Ka Ely, sana may weekly na goals. Halimbawa, kapag sinabi mong detect, ilan ba iyong idadagdag mo sa testing, ‘di ba? Kasi halimbawa kahapon, 24% iyong positivity rate, 12,000 plus iyong nagpositive. Pero kapag tiningnan mo, Ka Ely, iyong tests, 33,000 lang iyong ginawa. Ang point ko lang, noong last year na ang cases natin—ilan pa ba—iyong March, April, ilan pa ba iyong cases natin, 1,000, 2,000, ang goal na natin 30,000, eh. Pero bakit hanggang ngayon nandoon pa rin tayo na sobrang dami nang nagpa-positive? So ako, ang suggestion ko lang, Ka Ely, para mayroon tayong hinahabol na target, sana tignan natin—kami, everyday, mayroon kaming ginagawang sukat noong ilan ba iyong cases per 100,000 population. Bakit siya mahalaga? Mahalaga siya na per capita iyong tinitingnan natin kasi dapat iyon iyong basis ng pagbigay ng tulong sa mga LGUs. Halimbawa, sinasabi natin sa mga LGUs na “magbahay-bahay kayo. I-test niyo iyong lahat na dapat i-test.” Ang tanong, may capacity ba iyong LGU na bumili ng ganoon karaming test kits? Kasi kung wala silang capacity, dapat tulungan ng national government. Kasi kapag sinabi mo lang na magbahay-bahay, i-test, dapat=-parang masyado siyang general… masyado siya… Halimbawa, example lang, sa Malabon kasi nandoon kami, iyong LGU nagkuwenta na ang tulong na kailangan namin plus 3,000 na tests kasi mayroon silang formulation. So dapat sana per LGU dito sa bubble, may kuwenta na tayo ilan ba iyong kailangan niyang i-test at masasabi mo lang kung ilan iyong kailangan i-test kapag kinompute mo kung ilan ba iyong transmission—ilan ba iyong kaso rito at saka ilan iyong population. So ang suggestion ko, Ka Ely, sana ganito. Sana hindi very general. Halimbawa, kapag sinabi mong detect, ilan iyong ite-test mo, ‘di ba? Ilan iyong ite-test mo, ano iyong gagawin mo para maincentivize iyong tao magtest tapos ang pangalawa, enough ba iyong isolation centers, ‘di ba. Ilan ba iyong isolation centers kasi sinabi mo mag-isolate, saan mag-a-isolate? Kasi ang sabi sa amin, Ka Ely, on the ground, hirap na hirap pa silang maghanap ng isolation centers kasi halimbawa, may mga schools na ayaw magpahiram kasi siguro hindi naman mamamanage. So saan pupunta? Ang suggestion ko sana, Ka Ely, huwag masyadong centralized. Iplano na on a per LGU basis. Sa mga LGU na masyadong malaki, baka puwedeng per district. Halimbawa, iyong ite-test mo lahat sa distritong ito, saan iyong isolation center nila? Enough ba iyong tests? Enough ba iyong isolation? Kung sinasabi mong iti-treat sila, saan sila iti-treat, ‘di ba? Kasi ang quarantine at saka isolation iba pa iyon. Iyong mga nasa isolation din, kailangan lahat na pasyente doon mayroon silang, ‘di ba parang packs na, ano iyong mga kailangan doon, mga oximeter, may mga gamot, etc. etc.

     

    So sa akin, dapat hindi masyadong general. Dapat mayroon tayo ng ilan. Parang kapag sinabi mo ang ECQ ini-extend from April 5 to April 11, so on April 11 anong figures dapat iyong nakikita natin? Kasi kapag sinabi mo lang na PDITR, anong kaibahan nito sa dati? Pangalan lang. Pero sa akin, dapat very specific iyong scorecards natin. Halimbawa ngayon, kulang na kulang ng ospital. May announcement kahapon na sa Quezon Institute magdadagdag ng 110 beds tapos within the month daw. Ang tagal noon. Parang buong April may aasahan tayo na may 160 pa. Sa akin lang, Ka Ely, enough ba ito to sustain the needs? Kasi ang balita natin may mga ospital na ang waitlist nila ER pa lang, 100 plus na. So ang para sa akin lang, hindi tayo basta huhugot, sasabihin natin, may dagdag tayong 110. Pero dapat sana tinitingnan natin on a per area basis. Iyong mga ospital ba rito, ano ba iyong overflow ng pasyente? Ilang kama iyong kailangan? Iyon iyong isa.

     

    Tapos iyong explanation, Ka Ely, kasi nasa Zoom meeting kami with doctors halos the entire—iyong Holy Thursday hanggang kahapon—ang sinasabi nila, totoo na, kasi totoo na kapag tiningnan natin iyong soccard na pinopost ng DOH, kapag tiningnan natin 60 plus, 70 plus, 80 plus percent iyong bed occupancy. Pero hindi na tumatanggap iyong mga ospital kahit ganoon. so sinasabi ng mga doktor, Ka Ely, una, hindi pinopost kasi iyong ER availability. Ang pangalawa, totoong may kama pero wala nang personnel. Wala nang healthcare worker kasi ang dami nang may sakit. So anong plano? Anong plano? Mayroon na ba tayong bilang ilan pa iyong healthcare workers natin na available? Kasi sobra na sila, Ka Ely. More than a year na silang walang pahinga. So ano iyong plano nila to augment? Para sa akin, gaya ng ginagawa sa ibang lugar, sumundo na tayo—pero voluntary—sumundo na tayo ng mga healthcare workers sa mga lugar na mababa iyong transmission pero mag-offer tayo ng mga packages na commensurate sa sakripisyo nila. So wala akong nakitang ganito sa plano, Ka Ely. Kasi ang plano nga ng mga ospital, parang sinasabi nila—kasi kami, Ka Ely, parang gusto namin sanang gawin na kami na. Kami na iyong maglalagay ng field hospitals. Hahanap kami ng partners. Halimbawa, hahanap kami ng mga partners na iyong isang hotel, iko-convert namin na ospital. Pero ang problema, walang tao eh. At wala kaming mandato, wala kaming capacity para magtawag ng mga tao galing sa ibang lugar. So ang tanong ko lang, Ka Ely: Ano iyong plano sa kakulangan ng healthcare workers? Mayroon ba tayong sine-set aside na budget para iyong package na binibigay sa kanila ngayon, kapag pagod na pagod na sila, commensurate sa sakripisyo? May plano ba tayo na kumuha sa—alam mo iyon?—kumuha sa iba?

     

    Tapos ngayon, Ka Ely, naghahanap ng mga gamot. Naghahanap ng mga gamot. Nakita ko iyong interview ng ibang officials, parang sinasabi nila, “Hindi, mayroon.” Pero ang daming nagsasabi na mga doktor na wala. Mga gamot para sa COVID patients, parang dwindling na iyong supply. Iyong mga oxygen tanks nagkakaubusan.

     

    So para sa akin, Ka Ely, ito sana iyong planong gusto kong makita—hindi ganito ka... ano ito... ka-general. Halimbawa iyong tests, ang sinabi, “Dadagdagan namin iyong tests to...”—parang 50,000 ba? Hindi ko maalala. Pero sobrang kaunti. Kahit pa mag-50,000 tayo a day na testing, Ka Ely, hindi siya enough, kasi ang taas ng ating positivity rate. Isipin mo, Ka Ely, 24.2% kahapon ang positivity rate. Ang ideal dapat less than 5. So ang layo natin sa ideal. Dapat sana iyong objective, mapababa siya to less than 5. Paano natin mapapababa iyong positivity rate to less than 5? Dagdagan natin iyong tests. Pero iyong pagdagdag ng test, hindi ka lang magsasabi, “Gagawin naming 50—hindi na 30, 50 na.” Hindi na puwede iyon; dapat may kuwenta tayo ilang number of tests ba para ma-achieve natin iyong less than 5% na positivity rate?

     

    And para sa akin, Ka Ely, iyong LGUs naman ay competent, kailangan lang ng tulong. Kailangan ng tulong from the national government. So halimbawa, test kits, padalhan sila nang marami. Iyong isolation centers, tulungan silang—huwag masyadong centralized, kasi mahirap iyong malayo. Iyong malayo sa pamilya kasi na isolation centers, Ka Ely, hindi—again, hindi niya nai-incentivize iyong tao magpa-isolate. So para sa akin, okay naman iyong sinabi sa ECQ, pero sana mas detalyado, saka sana nag-ooperate tayo na parating may specific objectives. Kasi kapag hindi, iyong sukat natin, paano ba natin masasabi na nagtagumpay tayo? Paano natin masasabi na excellent tayo? Nacheckan ba natin iyong ating mga scorecards? Kasi madali lang, Ka Ely, na sabihin na ganito, pero kung hindi natin nakikita papaano siya gumagalaw, iyong tao ang parating tanong: “May pag-asa pa ba tayo?” Kasi karamihan sa mga messages na natatangga ko ngayon, Ka Ely, natatakot. At iyong parating tanong: “May pag-asa pa ba tayo?” At ako, parati kong sagot, parating may pag-asa basta pagtulung-tulungan natin.

     

    So sa akin, mahalaga na nakikita ng tao na mayroon tayong specific objectives, at ina-achieve natin iyon. Tingin ko iyon ang kulang dito.

     

    ELY: Opo. Iyon po talaga, maraming panawagan, talagang magkaroon po ng libre, free mass testing, iyong talagang agresibong contact tracing. At siyempre iyong pagbabakuna, Ma’am, talagang napaka-importante din. Napakabagal ng ating pagbabakuna.


    VP LENI: Actually, Ka Ely, ako nakita ko iyong mga LGUs—halimbawa iyong Manila... iyong mga nababasa ko lang: Manila, Quezon City, Parañaque—nakikita ko na parang efficient naman iyong pag-rollout ng bakuna. Pero ang mga problema, number one, kulang talaga. Nakita ko iyong post ni Mayor Vico kahapon, parang ang sinasabi niya, “May 3,000 na dumating sa amin for seniors, pero ayusin natin iyong pag-register, kasi”—tama ba, 80,000 iyong seniors sa kanila? Hindi ko maalala iyong exact number. Pero ganoon siya kakaunti. So nakikita ko, Ka Ely, iyong LGUs, ginagawa niya iyong lahat para efficiently ma-rollout. Iyon iyong unang problema: Kulang.

     

    Pangalawa, ang problema, Ka Ely, grabe pa talaga iyong mistrust sa pagbabakuna. Marami iyong ayaw, marami iyong ayaw magpabakuna. So nag-eexert ba tayo ng enough effort para yayain iyong mga tao na walang danger iyong—hindi naman sa walang danger, pero pareho lang ito noong ibang bakuna? Kailangang mag-exert ng effort. Kami, Ka Ely, sinusubukan namin na mag-partner din—kaya ang dami na naming ginagawa na kakaunti lang kami—na makatulong din sa vaccine information drive.

     

    Pero ito iyong problema: Hindi natin alam kung kailan dadating susunod, hindi natin alam kung ilan ba iyong inaasahan natin—though may mga pinost na, may mga pinost na na listahan, pero marami pa din iyong nag-aalala na “Kailan kaya kami? Kailan kaya kami mababakunahan?” etc., etc. Hindi ko alam, Ka Ely, kung ikaw nagpalista na.

     

    ELY: Pero Ma’am iyong media, pang-apat yata. Pang-apat iyong media, Ma’am. Matagal-tagal pa. Mahaba-haba pa.

     

    VP LENI: Actually, Ka Ely, nakita ko sa Quezon City, kasi taga-Quezon City ako... Nakita ko na ngayon, ngayon iyong start—saka sa Manila yata ngayon iyong start—parang iyong hanggang 59 years old na may co-morbidities, puwede nang mag-register o magpalista. Ako nga, Ka Ely, pasok ako doon kasi hypertensive ako eh. Pero alam ko kasing kakaunti pa lang iyong bakuna. Alam kong kakaunti pa lang iyong bakuna, kaya hindi muna ako nag-register; doon na lang ako kapag marami nang dumating. Pero ngayon, puwede na. Ang gustong sabihin, mayroon pa siyang tira. Pero ang sinasabi, ka Ely, noong mga nakakausap natin sa LGU, ang daming ayaw—at kailangan mag-exert tayo ng effort na yayain iyong tao na magpabakuna, kasi hindi natin mari-reach iyong herd immunity, tatagal pa tayo sa ganitong sitwasyon kapag hindi natin naabutan iyong herd immunity. Kasi kakaunti na lang nga, Ka Ely, iyong vaccines available, ayaw pa ng tao.

     

    Tinitingnan ko nga, Ka Ely, nag-post kasi—mayroong nag-post, Ka Ely, iyong vaccination dito sa... parang ilan na iyong nabakunahan dito sa atin. Tinitingnan ko siya, Ka Ely, parang 700-plus. Tama ba, 700-plus—tinitingnan ko lang, Ka Ely, kung nasaan na... Kinompute ko iyon, Ka Ely, eh. Parang sa atin, parang buong March, ang nabakunahan sa atin, 700-plus thousand. Binilang ko, Ka Ely, nag-aaverage tayo ng 23,835 a day ang nababakunahan. Ang ideal sa atin para maabot natin iyong herd immunity, parang hundred... kung hindi ako nagkakamali, parang 156,000 a day dapat, parang somewhere doon. Pero tinitingnan ko, Ka Ely, iyong Indonesia—kasi iyong Indonesia, nag-start siya ng— Ang dami na niyang nabakunahan; sa Southeast Asia, siya iyong pinakamarami. Nag-start siya ng January 13. Kinompute ko iyon, nag-aaverage siya, Ka Ely, na 151,000 a day. So sana ma-approximate natin iyon. Kasi ‘di ba iyong [Indonesia], siya iyong pinakamasama sa Southeast Asia dati, pero dahil naayos niya iyong vaccine rollout, grabe iyong binaba ng trajectory ng kaso niya. Dati, nangangawat sila sa pinakamaraming kaso, pero dahil sa vaccine rollout, very apparent iyong pagbaba ng kaso doon. So ganoon din iyong ating wish sa atin. Pero dahil nga wala pang kasiguruhan iyong daloy—hindi natin alam kung ilan iyong dadating within the year—kailangan muna nating gawin iyong test, trace, and isolate. So iyon iyong paghusayan natin, kasi hindi naman puwedeng naghihintay lang tayo sa pagdating ng ibang bakuna.

     

    ELY: Tama... Okay, Ma’am, at siyempre dito po sa pagpapairal ng ECQ, marami pang mga isyu na lumulutang kung ano iyong essential o ano. [chuckles] Itong lugaw pinag-debatehan din sa social media na ang lugaw ay essential, at ang isa sa pinakamatindi dito, Ma’am, ay isang undersecretary, ano... ito, talunan pala ito, hindi nanalo kahit saang ano, kahit saang pinagkandidatuhan sa Parañaque.

     

    VP LENI: Ako, Ka Ely—

     

    ELY: Kayo, Ma’am, anong masasabi n’yo dito, Ma’am?

     

    VP LENI: Ako, Ka Ely, ayaw ko na iyon pag-aksayahan ng panahon. Ayaw ko iyong pag-aksayahan ng panahon, kasi kung ganoon bumababa iyong conversation, baka nakukulangan ng trabaho, ‘di ba?

     

    Pero sa akin, may lesson iyon, Ka Ely. May lesson iyon. Kasi Ka Ely, marami akong kilala sa DILG. Marami akong kilala sa DILG na mga career, mga professional, napakahuhusay, na nalulungkot ako para sa kanila kapag nahahaluan ng ganitong klaseng public official. Siguro iyong lesson, Ka Ely, sa mga appointing powers: Naiintindihan naman natin na iyong ibang appointments ay political appointments, ‘di ba, pero sana naman kahit political appointments, iyong capacity tinitingnan. Kasi kapag basta politika lang, hindi iyong husay iyong tinitingnan, ganitong klaseng mga public officials ang mayroon tayo. Eh dahil pinagsisilbihan iyong public, iyong public iyong lugi.

     

    So para lang sa akin— Kaya ako, Ka Ely, sa opisina, iyong pag-aappoint ng mga empleyado, wala akong say na kahit ano. Wala akong ine-endorse. Mayroon kaming committee na nag-aaral kung sino iyong mga dapat i-hire. Kahit mayroon akoing mga kakilala na gustong mag-apply sa office, nagte-text sa akin na baka puwedeng mag-apply, sa akin hindi ko iyon pinapakialaman. Kasi para sa akin, Ka Ely, obligasyon natin na siguraduhin—dahil ang pang-suweldo sa kanila pera ng taumbayan—na iyong i-a-appoint natin maninilbihan nang maayos, hindi nandiyan para sa kapangyarihan, pero nandiyan para pagsilbihan iyong tao kahit kakampi niya sa politika o hindi.


    Para sa akin, iyon iyong lesson. Pero para makipag—magsayang ako ng oras para depensahan iyong sarili ko sa mga ganoong klaseng opisyal, hindi ko na iyon gagawin, ka Ely. Pero para sa akin, lesson iyon. Lesson sa ating mga nasa gobyerno na tayo iyong nagha-hire, nag-aappoint, na sana naman pagbasehan natin sa competency, hindi lang sa politika, para naman iyong naninilbihan sa mga kababayan natin ay maayos. Iyon lang naman sa akin.

     

    ELY: Okay. [chuckles] Dapat essential iyong mga i-a-appoint. [laughter]

     

    VP LENI: Ano nga, Ka Ely, parang sa gitna ng pandemya, pagde-debatehan natin kung essential ang lugaw o hindi. Parang... ‘di ba reflective iyan anong klaseng mundo mayroon na tayo.

     

    ELY: Okay, Ma’am, sa huli nating isyu, at bago tayo pumunta sa ating Istorya ng Pag-asa, ito, iyong problema sa West Philippine Sea. Talagang hanggang ngayon ay mukhang nagmamatigas, at nandiyan pa din iyong mga Chinese ships ng China sa Julian Felipe Reef. Bagamat mayroon nang matigas na pahayag si Defense Secretary Delfin Lorenzana. So anong nakikita n’yo, Ma’am, na puwedeng solusyon dito?

     

    VP LENI: Ako, Ka Ely, nasa leadership natin iyan, kung gaano niya paninindigan iyong ating soberanya. Ako... Parang source of comfort sa akin na nagbigay ng strong statement si Secretary Lorenzana, kasi para sa akin, pagpapakita na hindi natin igi-give up ang ating sovereignty. Actually kahit ang DFA, Ka Ely, last week pa nagpadala na ng diplomatic protest.

     

    Iyong sa akin lang, mas na-bother ako, Ka Ely, doon sa statement ni Secretary Roque, na parang sinabi niya na non-issue naman. Parang sinabi niya na non-issue naman kasi—hindi klaro sa akin, Ka Ely, kung bumisita ba iyong Chinese Ambassador kay Presidente during his birthday—parang ganoon iyong kuwento; hindi ko alam kung ano iyong accurate na kuwento—at inassure daw si Presidente na parang mga Chinese fishing vessel iyon na parang nagsi-seek lang ng cover dahil masama ang panahon, pero kapag bumuti ang panahon aalis din, so non-issue. Hindi ko alam kung ano iyong tunay na sinabi, hindi ko alam kung ano iyong tunay na kuwento, pero ang nakita ko lang iyong sinabi ni Secretary Roque, at iba iyong sinasabi ni Secretary Lorenzana—at tingin ko si Secretary Lorenzana, hindi ito magbibigay ng ganiyang statement kung wala siyang basehan. May mga members ng media na naglabas ng footage, naglabas ng video, na sumama sila sa isang parang assessment, sumama sila sa isang military plane na inassess iyong lugar. Parang sinasabi nila, Ka Ely—siyempre hindi ko nakita, pero iyong sinasabi ng mga nakakita, definitely hindi iyon fishing vessels. At sinasabi ni Secretary Lorenzana, “kahit pa sabihin natin na fishing vessels iyon, okay na iyong panahon, okay na iyong panahon ngayon, umalis na kayo.”

     

    Sa akin, Ka Ely, napakahalaga ng ating sovereignty, hindi ito ipinagpapalit sa kahit anong consideration, kasi hindi lang ito para sa atin na nandito ngayon, pero para ito sa mga susunod na henerasyon sa atin. So mahalaga kung papaanong aaksyon iyong leadership, mahalaga kung paano niya ipapakita na ipaglalaban niya tayo.

     

    Kaya sabi ko nga, iyong statement ni Secretary Lorenzana source of comfort kahit ang diplomatic protest. Kasi pagpapakita na hindi magpapabaya. Pero ang sa akin lang, Ka Ely, titingnan natin kung papaano ito magpoprogress. Titingnan natin kung papaano tayo magrereact habang nagpoprogress ito. Pero sa atin, hindi gustong sabihin na maliit na bansa tayo, at hindi tayo mayaman ay hindi natin kayang ipagtanggol iyong sarili natin. Hindi tayo nakikipag-away, pero ang pinakapunto lang kung ano iyong atin ipagtanggol natin kasi iyon nga ang sinasabi, Ka Ely, itong lugar na ito ay bahagi ng EEZ natin. Dahil bahagi siya ng EEZ natin, karapatan ng ating mga mangingisda na mag-fish doon. Gamitin iyong resources doon. Walang karapatan ang ibang bansa na mag-set-up ng mga military installations doon. At iyong sinasabi ng mga nakakita, ang assessment nila parang mga military vessels ng China iyong nandoon. Hindi natin alam kung totoo. Pero ang sa atin, sana mag-act accordingly ang ating national government kasi napakahalaga ng issue na ito.

     

    [END OF GAP 1]

     

    ISTORYA NG PAG-ASA SEGMENT

     

    ELY: Opo. Okay, samantala mga kasama oras na po natin ay 9:43 ng umaga at narito na po ang ating Istorya ng Pag-asa. Importante, Ma'am ito dahil sa nagbibigay po ito siyempre ng inspirasyon sa ating mga kababayan lalo't nasa gitna po tayo ng pandemya.

     

    VP LENI: 'yan. Ang bisita natin ngayon, Ka Ely, nakilala namin siya during the pandemic last year. Nakilala natin siya dahil sobrang dami ng binigay nitong pagkain para sa ating—una sa ating mga frontliners, health frontliners—hanggang nag-extend na ito sa communities. Siya, Ka Ely, ay—wala na yata itong ginawa magluto. Magluto during the entire ECQ. Pero ipakilala muna natin siya, siya si Leda Badong. Leda, good morning sa iyo.


    LEDA BADONG: Marhay na aga po, VP and marhay na aga din po, Ka Ely. Marhay na aga po sa lahat ng nanonood at nakikinig ng Biserbisyong Leni today.

     

    VP LENI: Ayon, Leda, kuwento natin sa kanila. Papaano ka unang nakaisip na magluluto ka para sa ating mga frontliners kasi alam ko parang nasa business ka talaga ng catering before, di ba? Nagke-cater ka talaga before, pero noong ECQ, parang kailan at papaano mo naisipan na magluluto ka for our frontliners?

     

    LEDA BADONG: Kasi po VP, concessionaire po ako sa call center. Ibig sabihin, may canteen po ako sa call center.

     

    VP LENI: Ah okay. Ngayon ko lang iyon nalaman.

     

    LEDA BADONG: Opo. And so noong mag-lockdown last year, work-from-home po sila agad-agad. So agad-agad wala din po kaming pasok. And two days po kaming tengga, wala pong anything. So noong ano po, noong second day may nakita po akong nurse naglalakad, may dala-dalang malaking bag, may dala-dalang lagayan ng baon. So it made me think, sabi ko kawawa naman. Maghapon silang nakatayo sa hospital, tapos maglalakad pa papuntang work, maglalakad pauwi, tapos magluluto pa para may baon kasi walang bibilhan ng pagkain, eh iyon po ang strengths namin. Ang laki ng kitchen ko, ang laki ng capacity niya, pero wala kaming ginagawa. So sabi ko, magdodonate tayo. So sabi ko sa kapatid ko, kaibigan po nila si Raffy, sabi ko kontakin niyo si Raffy, magdodonate kami. Kasi po nakita ko ang bus service po ninyo, ang thinking pa po noon, maglagay kami ng pagkain doon sa may bus station po ninyo, and then they can just get one pack and then dalhin nila sa hospital, kainin nila. Parang ganoon po ang idea ko po noong una.

     

    VP LENI: Ikuwento natin. Si Raffy ay nasa OVP. Si Raffy ay staff natin sa OVP.

     

    LEDA BADONG: Yes po. Correct.

     

    VP LENI: Tapos iyong pinakauna mong tinulungan iyong Tondo Medical Center, ‘di ba?

     

    LEDA BADONG: Yes po. Which is parang naka—kasi ako lang po iyon VP, ako lang ang namigay dito lang po iyon. Siguro sa Marikina, Pasig, San Mateo area lang.

     

    VP LENI: Taga-Marikina ka.

     

    LEDA BADONG: Opo, opo. So parang nagulat po ako noong first day, I didn't even know na may Tondo General Hospital. So kung saan-saan po nakarating ang food namin. So parang sabi ko, "Wow." Iyong maliit na idea ko, you made it more bigger than what I imagined it to be. So parang nakakatuwa po na, oh my God may natulungan tayo dito  sa area na ito. Kinabukasan, ay dito naman. Parang I wouldn't even be able to go there kung saka-sakali man na ako ang talagang nagdistribute.

     

    VP LENI: Pero, Leda, sobrang, sobrang—sobrang bilib ako kasi every day, nandoon ako sa opisina, ‘di ba? So nagdedeploy kami ng mga tao. Mayroong taong aalis siguro mga 10 AM, magpipick-up ng mga pagkain sa mga donors, idadala sa mga ospital. So parang kami, nag-assign na kami ng permanent sa iyo. Kasi ikaw talaga iyong consistent na more than a year, nagpapakain. Tapos kinuwentuhan ako noong nakaraan, parang, kinuwenta daw nila ang number of meals na dinonate mo, ay parang nasa—tama ba—17,000 meals na ang dinonate mo?

     

    LEDA BADONG: Hindi ko na po alam [chuckles]. I stopped counting. Actually po ang mga drivers ninyo friends na namin kasi automatic na iyon na habang naghihintay sila, papakainin sila. Parang ganoon. So kakilala din po sila ng staff ko. Nakakatuwa lang kasi VP, kasi parang siyempre nagcha-chat po ako noong ano—kausap ko si Donna, friend ko—"Dons, magdodonate ako," sabi ko. Sabi niya, "Ay ako din, magdodonate ako? Within that conversation, wala pang two minutes may nakareceive na ako ng notification na nakatanggap ako ng pera." So sabi ko, "Dons what if, may mga mayayaman tayong friends. Magpost kaya ako sa Facebook?" Eh ayaw niya po iyan kasi VP siya for a bank call center here sa Philippines. So sabi niya, pero for that instance sabi niya, "Sige post mo. Baka may magdonate." So from then on, sobrang nag-accumulate na lang sila nang accumulate. Maraming gustong tumulong at maraming nagtitiwala. So ako naman post lang po ako ng post. Tapos pinapasalamatan namin sila, minsan sa whatsapp kasi sa iba-ibang bansa—sa UK, sa US, sa Singapore, sa Australia. So sa amin naman basta may nagdonate, tanggap lang. And isa lang po ang tinanong kong tao kung gusto magdonate.

     

    VP LENI: Lahat voluntary na talaga. Sila iyong nag-o-offer.

     

    LEDA BADONG: Yes po. And nakatulong din po ang mga supporters ninyo and of course iyong patch-up natin with Coca-Cola and Amway na talagang sila iyong nakapagpa-extend talaga dahil ang sabi ko lang talaga noon mabayaran lang ang overhead ko, okay na, ibigay na natin lahat. Hanggang kaya, go tayo.

     

    VP LENI: Pero Leda, Leda ang pinaka—alam mo iyong pinakasaludo ko sa iyo, noong nag Ulysses. Noong nag Ulysses, kasi—noong nag Ulysses si Leda po ay taga Marikina. At noong nag Ulysses bahang-baha sa kanila. Pero hindi siya huminto. Hindi siya huminto, nagluto pa din siya ng nagluto tapos nakakuha ako ng picture sa bahay niyo, Leda. Iyong staff ata namin na nagpipick-up sa inyo, nagpicture siya, pinadala niya sa thread namin sabi niya, ito ang sitwasyon dito kila Ma'am Leda, na ang ground floor mo bahang-baha. Tapos ang mga mga lutuan mo inakyat mo. Inakyat mo sa second floor para hindi ka huminto sa pagluto. At ang binibigyan natin doon iyong mga evacuation centers, ‘di ba?

     

    LEDA BADONG: Yes po. Kasi parang pumunta po kayo sa Nangka noon, actually pumunta din po kami dahil sabi ko wala po din po kasing kuryente dito sa bahay. So sabi ko naimpake na namin ang 500, iyong another 500 will take another two hours, dahil ang liit lang po ng area namin, pinagsiksikan po kami sa may terrace. So sabi ko, it will take another two hours na irepack lahat ng food. So sabi ko, dalhin na lang namin ang kaldero diyan at iyong ano—iyong mga dishes namin, iyong lagayan, tapos ipamigay na lang namin. Sabi ko may tauhan naman ko. So sabi naman nila, okay and then nagtawag pa ng Marikina police, para ipapick-up ang mga kaldero.

     

    VP LENI: Kasi sobrang baha. Parang naalala ko, Leda, na iyong unang nag-attempt pumunta sa inyo hindi naka go through. So kailangan pang palitan, kailangan maghanap ng mataas na truck, until humingi na tayo ng tulong sa pulis para lang makuha ang  mga niluto niyo.

     

    LEDA BADONG: Yes po. Actually, VP ang ano sa akin noon, 1,000 food packs iyon kaso lang dahil walang kuryente sabi ko whatever na natira diyan na pagkain, lutuin na, dalhin na natin doon and in fact, ang ano ko, pumunta po kami doon sa Nangka nakaalis na po kayo. Tapos sabi namin, o sige, ano nag-room to room po kami kasi parang may protocol din sila. And then pagbaba namin may food pa, sabi noong ano, palinya na lang, so may mga staff po doon na nagpapalinya para controlled ang social distancing. So dumating kami VP sa point na wala nang meat kasi adobo po iyon. Kanin nalang. Tapos sabi, ko pasensya na po, may pila pa eh, sabi ko pasensya na po kanin na lang ito. Eh may nakapagsabi sa kanila na masarap daw ang kanin. Sabi nila amin na lang po ang kanin, pati ang sabaw.

     

    VP LENI: Pero ito, Leda, ano iyong driving force kasi parang ordinaryo, hindi naman ordinaryo kasi sobrang hanga na tayo doon sa mga nagdodonate ng food. Pero para masustain mo iyon ng isang taon, tapos sabi sa akin mag resume ka na naman ngayon. Paano, saan mo nahuhugot iyong energy? Kasi 'di ba pag matagal mo nang ginagawa tapos wala namang parang kapalit for you pagod lang, saan mo hinuhugot iyon iyong desire iyong energy na ituloy-tuloy lang?

     

    LEDA BADONG: I guess sa Mommy ko rin VP eh. If you’ll allow me, VP, moong bata po ako, 'di ba sa atin pag binabagyo it’s either mahangin o maulan iyong preparation. Iyong Mommy ko po naglagay ng bubong iyong slanting na may butas na doon sa my laundry area namin, babagyo maulan na so bumili kayo ng chewing gum tapos iyon na iyong pinangtatapal namin. I was thinking ang mahal ba ng Vulcaseal at hindi natin kaya iyon. But you know what the next day nakikinig po kami kay Aling Sonia pa iyon, oh my 1,000 ako dito dalhin niyo sa bakery at bumili kayo ng tinapay at dalhin niyo sa Bombo Radyo at i-donate niyo. So nagmarka po iyon sa akin, wala kaming pambili ng Vulcaseal pero may pangdonate? Thinking na hindi mo kailangan maging mayaman for you to donate. If you think nasa strength mo iyon at kaya mo, and my resources ka naman makakatap ka ng tao within your circle then do it, try, try lang naman. Tapos kung wala na wala na. Pero kung kaya, why not.

     

    VP LENI: Ang galing, ang galing nga, Leda, kasi kung tutuusin nawalan kayo ng negosyo, ‘di ba, nawalan kayo ng negosyo dahil iyong canteen niyo nagsara. Nagsara siya dahil walang trabaho, pero kahit na wala nangg negosyo iyong pagtulong ay tuloy-tuloy. Parang iyong sa amin nga, alam namin iyong pinagdadaanan mo kaya parati kaming gulat na everyday—paminsan ikaw na iyong tumatawag na oh mayroon kami dito kunin niyo na walang patid. Tapos ngayon na naglockdown ulit tayo, ganoon na naman. Kaya para sa amin, Leda, kaya gusto ka namin i-feature ngayon kasi ikaw iyong example ng iyong mga tao na during the pandemic kahit may sariling pinagdadaanan ay nakahanap pa rin ng paraan para makatulong. At iyong sa iyo nga, kuwento mo, na, iyong mga kaibigan mo na, iyong mga kaibigan mo na parang on their own din. Talagang kusa na tumulong para rin sa iba at marami tayong nakita na ganoon. Marami tayong nakita na lalo na ngayong pandemic na ang dami nating kababayan na gusto talagang tumulong, ‘di ba. Naghahanap lang talaga ng paraan kung paano makatutulong, at nagpapasalamat kami sayo dahil ikaw iyong naging paraan. Dahil through you marami iyong napapakain natin, araw-araw, araw-araw marami iyong napapakain natin dahil sa mga taong katulad mo. Kaya marming, maraming salamat sa iyo, Leda.

     

    LEDA BADONG: Thank you rin po. At totoo iyon, VP, that when you give you receive more. So ito po may bago akong call center na papasok kaya po busy kami ngayon. Bali apat na sites po siya so sabi ko ma-establish lang po ito kasi marami din pong preparations in accordance din po ng protocols din ng COVID kaya hindi po basta-basta makagalaw. Iyong mga staff ko po nakabakasyon ngayon nasa Bicol kaya hindi rin kami makagalaw ng maayos ngayon. Pero once na ma-establish lang po ito, will be back again, gawin natin ulit.

     

    VP LENI: Ang ganda, ang gandang lesson, Leda, na lalo pa kasi Easter Sunday ngayon na lalo kang nagbibigay lalo kang nakakatanggap. Kaya parang hindi hahayaan na empty ka.

     

    LEDA BADONG: Hindi po talaga. Minsan nga po iniisip ko na lang na the blessings I receive is really not just mine; pinadaan lang sa akin. Kaya isipin niyo po, VP, na iyong mga tauhan ko lang iyong nag ECQ pero may mga bagong cellphone come June. Lahat sila. Kasi ang dami po talaga VP dinagsa po kami ng order. After mag declare ng ECQ two days po kami na tengga kaya nagwoworry na po talaga ako noon kasi sabi ko I have 20 plus in-house na tauhan. I can feed them for the next two months. Siguro paswelduhin in the next two months pero after noon hindi ko na alam. Pero dinagsa po kami ng orders during ECQ kaya nagpapabonus ako on a weekly basis, tapos niyan ECQ tapos lahat sila may bagong cellphone. [laughs]

     

    VP LENI: Ang galing, ang galing. Kaya, Leda, iyong lesson talaga na lalo kang tumutulong laloiyong dumarating na grasya sa atin. Kaya maraming salamat. Wala na tayong oras, Leda, pero maraming salamat at pinagbigyan mo kami on a Sunday.

     

    LEDA BADONG: Maraming salamat din po!

     

    VP LENI: And thank you sa lahat ng tulong mo, hindi lang sa OVP kung hindi sa communities.

     

    LEDA BADONG: Marami pa po yang darating.

     

    VP LENI: Salamat, salamat.

     

    LEDA BADONG: Salamat din po!

     

    VP LENI: Happy Easter!

     

    LEDA BADONG: Happy Easter din po!

     

    ELY: Salamat po.

     

    VP LENI: Ayan, Ka Ely, sobrang husay talaga niyan ni Leda saludo kami diyan kasi gaya ng sabi ko, kahit binabaha ang bahay nagluluto pa rin para may maibigay sa evacuation centers. Ano talaga, sobrang deserving na makatanggap ng sobrang daming grasya.

     

    Ito, Ka Ely, bago tayo huminto—bago tayo magpaalam. Gusto ko lang imbitahin, gusto ko lang imbitahin iyong mga kababayan natin na after po nitong BISErbisyo mayroon po tayong community gathering online. Mag-abang lang po tayo sa Facebook page na VP Leni Robredo. Mayroon po tayong misa, mayroon po tayong Easter Sunday Mass at 10:30 ngayong umaga. Pero 10:20 po ay magsi-stream na tayo kasi mayroong rosary, iyong mga gusto mag join ng rosary, mayroon po iyong 10:20 a.m. Iyong mass po ng 10:30 ay ise-celebrate ni Father Tito Caluag. Pagkatapos po noong mass mayroon tayong interreligious service na iyong iba’t ibang representatives from different churches ay maglilead ng prayer. Bakit po natin iniisiponsor ngayon araw? Kasi tingin natin napapanahon Easter Sunday ngayon pero marami tayong dapat ipagdasal. Mayroon pong kasabihan na kapag tayo ay nagdadasal nang sabay-sabay mas malakas iyong boses natin.

     

    So ipagdadasal natin iyong lahat na may sakit, ipagdadasal natin iyong bansa natin. Ipagdadasal natin iyong mga nawala sa atin dahil sa pandemya. Marami po sa atin ang nawalan ng kamag-anak, ng kaibigan, ng kakilala, ng mga mahal natin sa buhay. Gamitin po natin iyong okasyon ngayon umaga na sabay-sabay tayong mag dasal. After po ng Mass ay magbibigay tayo ng maiksing mensahe bago po iyong interreligious service natin. So sa atin po, sa ating lahat, sana po kahit ano iyong relihiyon natin sana mag-attend tayo kasi para mapalakas natin iyong loob ng bawat isa. Mahirap iyong pinagdadaanan ng bansa natin. Pero gaya po ng lagi kong sinasabi sa mga taong nagtatanong kung may pag-asa pa ba? Iyong pag-asa ay sa atin din magsisimula, basta tayo ay magtutulung-tulungan. Iwasan na muna iyong mga away. Okay lang naman na magpuna tayo, magpuna tayo ng polisiya, magpuna tayo ng mga programa, pero iyong mga pagkatao huwag na muna iyon, hindi lang dahil Holy Week ngayon o Easter Sunday ngayon, pero marami tayong kailangan harapin at magiging mas malakas tayo kapag tayo ay nagkakaisa. Kaya iniimbitahan ko po iyong lahat in 20 minutes magstart na po iyong ating streaming, at sana po sama-sama tayong magdasal mamaya.

     

    ELY: Opo. Okay, Ma’am, so ingat po kayo lagi at ingat tayong lahat dito po sa gitna ng pandemya.

     

    VP LENI: Ingat din, Ka Ely. Happy Easter ulit sa lahat!

     

    ELY: Salamat po, Ma’am. At ito nga mga kasama, isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI dito po sa RMN at inyo pong napakinggan ang nag-iisang Bise Presidente ng Pilipinas, ang ating Vice President Leni Robredo. Maraming salamat, mga kasama, ako pa rin ang inyong radyoman Ely Saludar. Muli po, isang magandang umaga, Pilipinas.

     

     

     

    - 30 -

     

     

     

     

    Posted in Transcripts on Apr 04, 2021