This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI Episode 215

    BISErbisyong LENI Episode 215

    ELY: Okay, magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao. At siyempre ngayon po'y araw ng Linggo, June 20, 2021. Magandang umaga. Mula pa rin ho dito sa DZXL Manila, tayo po ay napapakinggan sa RMN DYHP Cebu, RMN DXCC Cagayan de Oro, RMN DXDC Davao, RMN DWNX Naga, at siyempre sa lahat po ng ating inaabot ng broadcast, nationwide, netwide. Ako pa rin ho ang inyong radyoman, Ely Saludar. Siyempre kasama po natin, ang nag-iisang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si madame Vice President Leni Robredo. Ma'am, good morning!

    VP LENI: Good morning, Ka Ely! Good morning po sa lahat na nakikinig sa atin ngayong umaga sa DZXL saka kasama po natin sa ating Facebook live sa RMN Facebook page saka ka sa VP Leni Robredo Facebook page. Sa atin pong mga kababayan sa Bicol, marhay na aga saindo gabos! Sa ating mga kababayan sa Visayas at Mindanao, maayong buntag!

    ELY: Opo.

    VP LENI: Ka Ely, happy Father's Day! At happy Father's Day po sa lahat ng mga tatay na nakikinig sa atiing ngayon!

    ELY: Okay. Salamat po, Ma’am. At kayo rin, Ma’am, bilang tumatayong ina at ama ng inyo pong mga anak, happy Father's day din sa inyo!

    VP LENI: Salamat! Salamat, Ka Ely!

     

    ELY: Okay, Ma'am, para po sa ating mga kababayan at iyong sa nakaraang linggo at aktibidad, pakibigyan po kami ng inyong mga ginawa at siyempre ang patuloy po na pag-responde po ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo dito po sa pandemya.

     

    VP LENI: Pagdating, Ka Ely, sa COVID-19 response, ang ating Bayanihan E-Konsulta ay tuloy-tuloy pa din. Kung naalala mo, Ka Ely, nagsimula tayo talagang iyong concentration ng Bayanihan E-Konsulta NCR plus lang. NCR plus lang dahil marami kasi siyang features na kailangan talaga geographically malapit. Kasi other than teleconsultation, nag-a-assist tayo doon sa mga nagho-home quarantine, iyong mga nangangailangan ng mga ibang klaseng tulong. Halimbawa kailangan ng blood tests, kailangan nang i-RT-PCR ang mga kasama sa bahay, or dalhan ng oxygen. Kabahagi siya ng programa. So tuloy-tuloy lang iyon, Ka Ely, pero bumaba na iyong cases dito sa Metro Manila. Marami pa din, marami pa din pero compared to March, April, and May, ang June mabuti-buti na, kaya medyo nakakahinga na tayo. Iyong pagpila natin sa ospital hindi na ganoon katagal. So sana tuloy-tuloy ang pagbaba, Ka Ely, ang problema lang ang mga provinces talaga umakyat. So ang Tuguegarao, tuloy-tuloy pa din, Ka Ely, ang ating swabbing doon. Partner natin ang LGU Tuguegarao. Ang Palawan nakabalik na dito ang team, pero ang sistemang nilagay nila doon, in place na. Saka tuloy-tuloy pa din ang assistance natin as far as medical supplies, test kits, COVID care kits is concerned. So ang Tuguegarao and Palawan, tuloy-tuloy.

     

    Iyong ating Bayanihan E-Ataman, nakuwento ko na ito, Ka Ely, noong nakaraang linggo. Pero dati kasi ang focus nito ay Third District lang dahil ang partnership natin kabahagi ang office ni Congressman Gabby Bordado. Pero noong umuwi ako ng Naga two weekends ago, naki-meet sa akin iyong mga representatives ng mga ospital, at nag-request sila, Ka Ely, na gawin nang province-wide dahil marami talaga ang nangangailangan. So iyong Bayanihan E-Ataman for the entire Camarines Sur na iyon, Ka Ely. Sinulatan natin iyong mga mayors, pinaabot natin ang request ng mga ospital saka mga doktor. Hindi ko alam, Ka Ely, kung na-discuss ko ito sa iyo last time, pero gusto kong i-discuss na ngayon. Kasi I think for most of the Bicol, ganoon iyong problema. Ang isa kasi, Ka Ely, na problema ng mga ospital namin walang uniform na—walang uniform na protocols iyong buong probinsya. At that time na nag-usap kami, June 6 iyon, Ka Ely, parang of the 35 LGUs at saka one city sa Camarines Sur, parang nine pa lang ang nag-a-allow ng home quarantine. Pero ngayon dumami na. Dumami na ang nag-a-allow ng home quarantine. Ang problema kasi, Ka Ely, kapag hindi siya in-a-allow, ang iba kahit mild cases, dahil ayaw nila na mag-isolate sa iyong LGU-provided na isolation center, kasi siguro for several reasons. Baka hindi komportable etc etc, nagpapa-confine sa ospital. So ang reklamo, Ka Ely, ng mga doktor, ang dami nilang pasyente na hindi naman nangangailangan ng confinement. Puwede naman sana ang home quarantine. So sinulatan natin, Ka Ely, ang mga LGUs. Ngayon majority na. Majority na ang nag-a-allow ng home quarantine. So iyon ang isa. Kapag nag-home quarantine, Ka Ely, iyon ang kung mag-request sa atin ng COVID care kits, papadalhan natin. Tapos minomonitor sila. Mayroon tayong binuo na volunteer group doon. Lahat na mayroong COVID care kits, kasi sila ang pinagmomonitor ng symptoms nila, Ka Ely. Minomonitor din ng team natin. So tuloy-tuloy iyon.

     

    Doon sa amin sumama. Gustong sabihin, dati kasi, Ka Ely, pa-isa-isa lang ang cases. Pero ngayon may araw yatang 75, mga ganoon. Ang problema pa namin ngayon, Ka Ely, ang vaccine supply sobrang problema. Pati ang testing. Kasi ang testing, Ka Ely, marami iyong nangangailangan i-test na hindi kaagad nate-test. Hindi ko—hindi namin alam ang buong, iyong lahat na reasons pero isa sa mga reasons di ang availability ng test kits. Tapos kapag tinest, maghihintay ka pa ng ilang araw bago mo makuha iyong results. So kami, Ka Ely, pinupush sana namin na kami willing kaming tumulong sa antigen tests. Pero iyong problema sa amin, sa NCR plus kasi, Ka Ely, noong kasagsagan mayroong IATF na regulation na kapag nagpositive sa antigen test, bilang ka na. Ang gustong sabihin nasa official count ka na, considered ka nang positive. Doon sa amin, Ka Ely, hindi pa ganoon. Iyong sa amin, sabi ng mga doktor na kahit magpositive ka na sa antigen, kailangan ka pang i-RT-PCR. Iyong problema nito, Ka Ely, hindi kaagad nakukuha ang results, hindi kaagad—parang kahit nagpositive ka na, pinapauwi ka muna. Pati iyong mga contact—pati iyong contact tracing nagiging mabagal. So problema iyan sa amin sa Camarines Sur, problema din sa Albay. Nag-contact din sa atin ang grupo ng mga doktor doon. Nagrerequest nga sila, Ka Ely, na dalhin din natin ang Bayanihan E-Ataman sa Albay. So sinulatan namin iyong ilang mayors na mataas ang kaso, kasi hindi kami, Ka Ely, pumunta na walang partnership with the LGU kasi ayaw din namin mag-balga sa mga existing protocols. So sinulatan namin ang si Mayor Rosal ng Legazpi, sinulatan namin ang Daraga. Tapos nakakuha kami ng letter from Camalig, so sinulatan din namin ang mayor. Basta sa amin, Ka Ely, willing—very much willing kaming pumunta at umpisahan ang programa doon. Ang kailangan lang namin ang partnership with the LGU. So, kung may mga nakikinig, Ka Ely, kung may mga nakikinig doon sa mga nagrequest sa amin, any time po. Any time kami na pumayag ang LGU, ready po kaming pumunta.


    So ngayon, Ka Ely, iyong assistance natin hindi lang sa pagdating sa COVID care ktis, pero pati ang food supply para doon sa mga naka lockdown na communities. Gaya noong 2 days ago, nag-SOS tayo ang isang community sa Caramoan na naka lockdown, pinadalhan natin ng—pinadalhan natin ang allocation, parang food allocation habang naka lockdown sila.

     

    So tuloy-tuloy naman ito, Ka Ely. Sa ibang bahagi ng bansa, halimbawa Visayas at Mindanao kung saan mataas iyong kaso, karamihan sa requests na nakukuha namin sa kanila, Ka Ely, para sa PPEs. PPEs saka medical supplies. So nagpapasalamat kami, Ka Ely, pareho sa Cebu Pacific saka sa PAL. Philippine Airlines Cargo. Kasi dinadala nila sa iba't ibang bahagi ng Visayas at Mindanao iyong ating PPEs saka mga medical supplies ng libre. So kahapon nga, Ka Ely, nagdeliver pa lang kami ng maraming boxes for I think 34 ba o 36 hospitals and medical institutions sa Cebu province, saka 15 sa Bohol. So kinarga iyon sa PAL Cargo, so maraming salamat sa PAL Cargo. Tapos for many months iyong Cebu Pacific tinutulungan din tayo magpadala. Karamihan Visayas at Mindanao.

     

    So ito, Ka Ely, tuloy-tuloy. Pero nagkaroon tayo ng several events this week. Ito naman para doon sa Bayanihanapbuhay namin. Mayroon tayong launch ng dalawang programs. Iyong isa ang Angat Buhay Young Social Entrepreneurs Program. Partnership natin ito with La Salle at saka ING Foundation. Iyong isa naman, Ka Ely na ni-launch natin, Angat Buhay Youth Upskills Program. ING ulit ang ating partner, pero ang isang partner natin ang Dualtech Training Center na matagal na naming partner sa Angat Buhay. So nangyari iyan parang Thursday ba o Wednesday, iyong launch. Tapos ano pa ba nangyari this week.

     

    Nag-courtesy call, Ka Ely, si British Ambassador Daniel Pruce kasi patapos na. Patapos na iyong kaniyang term. Matatapos siya by August. Four years na siya dito. Sinabi niya na ang papalit ay babae na ambassador. So sabi namin looking forward tayo lalo pa kasi this year, Ka Ely, sini-celebrate natin iyong 75th anniversary ng bilateral relations between the Philippines and UK. So napaka—napaka ano din, napaka-timing ng pag-uusap. Pinag-usapan ang partnerships. Iyong AstraZeneca kasi, Ka Ely, galing iyon sa UK, ‘di ba? Parang ano iyon, Oxford University at saka may partner na pharmaceutical industries. Sila ang nagproduce ng AstraZeneca so nagpasalamat tayo sa assistance ng British Embassy sa pag-facilitate ng pagpadala dito ng mga vaccines.

     

    ELY: Opo. Ma'am, sa Bicol ay ang mga medical groups ano gusto po nilang ipa-deklarang ECQ dahil sa tumataas po ang kaso ng COVID. Ano po ang monitoring ninyo doon?

    VP LENI: Ito kasi parang may disagreement kasi, Ka Ely. May disagreement parang iyong mga medical groups gusto nila, iyong strictest na, strictest na ano ito, na quarantine category, iyong ECQ ang ilagay dahil ang pag-aalala talaga nila, Ka Ely, kapag tiningnan mo kasi ang numero, ang pinakamataas Legazpi at saka Naga. Kasi iyon naman ang major cities doon. Kapag tiningnan mo, Ka Ely, ang numero, mababa siya compared sa ibang mga lugar sa Pilipinas. Pero ang problema kasi sa Bicol kaya na—may anxiety iyong medical groups kasi kaunti iyong aming hospital beds kumpara sa NCR, kumpara sa Cebu, kumpara sa Davao. So ngayon, Ka Ely, punuan na. Dinidiscuss nga nila sa akin, kasi sabi ko kapag tiningnan kasi natin, Ka Ely, iyong stats na nilabas ng DOH parang hindi pa naman puno. Parang nasa 70%, mayroon nga iba 60%. Pero iyong claim ng mga doktor, parang hindi siya masyadong representative sa tunay na sitwasyon on the ground kasi pila na. In fact, sa Legazpi, Ka Ely, mayroon kaming partner na iyong asawa namatay. Grabe ang pila sa cremation. Parang naghintay pa sila ng more than a day bago ma-schedule for cremation dahil ganoon ka—ganoon ka-grabe iyong ano ito, ang kalagayan. So sila, Ka Ely, kung naalala mo parang may lumabas na nagwo-worry sila maging India, hindi pa naman ganoon ang sitwasyon, Ka Ely. Pero parang ayaw nilang dumating sa ganoon. So gusto nilang maaga pa, preventive na. Pero kaya may disagreement, Ka Ely, kasi iyong LGU yata hindi in favor. Ito lang ang nabasa ko, hindi ko naman nakausap—hindi ko naman nakausap ang LGU pero parang iyong province hindi in favor doon sa ECQ kasi parati kasing, Ka Ely, pagbabalanse, ‘di ba? Pagbabalanse, ang inaalala nila ang negosyo, ang trabaho, marami na naman iyong hindi makakakain kasi walang hanapbuhay. So ngayon MECQ—MECQ sa—sa Naga MECQ, sa Legazpi ata GCQ. Sa Legazpi GCQ, pero iyong GCQ yata sa Legazpi ay desisyon ng provincial government. Iyong mga doktor mayroong separate na—separate na ano ito, na request. Pero iyon ang kalagayan doon, Ka Ely. Kami closely minomonitor namin. Kausap namin lagi ang medical community, iyon nga. Iyon nga, naghihintay lang kami, Ka Ely, ng response sa LGU sa aming sulat kasi nag-express kami ng willingness to bring the program there. Maghihintay lang kami ng partnership with them. Pero kami anytime ready kami.

     

    Iyong sa CamSur naman, tuloy-tuloy. Pero tinitingnan pa Ka Ely halimbawa kahapon. Kahapon medyo worrisome din yung Camarines Norte kasi yung tinaas ng kaso ay—sa number of cases—ay mataas. So tinitingnan natin Ka Ely. Kausap natin iyong mga medical groups. In fact kahapon, may kausap ulit ako sa Camarines Sur. Nagrerequest ulit sila ng another meeting so baka mag-Zoom meeting kami anytime now. Kasi iyon nga, Ka Ely, pinag-uusapan, parang papano ma-pprevent na lumaki pa. Kasi iyong problema talaga, Ka Ely, iyon nga, iyong lack of hospital beds available. Iyon iyong pinakaproblema. So kami, Ka Ely, binaba talaga naming iyong kung mild lang naman, home quarantine na lang, basta supervised, closely supervised. Sana pumayag iyong lahat. Ang problem anito, Ka Ely, hindi rin naming hawak iyong lahat. Naghihintay rin kami. Iyong protocols, IATF. Syempre iyong mga LGU protocls, LGU rin iyong magseset. So kami Ka Ely, kung saan may espasyo, doon kami papasok. Pero alam naman nila. Kausap naman naming yung mga doctor. Alam nil ana ready naman kami anytime.

     

    ELY: Opo. Ayon nga po sa OCTA Research report, patuloy iyong pagtaas ng kaso ng COVID sa mga tinuturing na areas of concern sa labas ng Metro Manila. So grabe po.

     

    VP LENI: Actually, Ka Ely, Metro Manila area of concern pa siya kasi ‘di ba iyong mobility kasi dito iyong pinakamatindi. Pero pababa—pababa, Ka Ely, iyong kaso. Iyong positivity rate lang iyong medyo mataas. Pero iyong sa mga matataas iyong positivity rate, iyon iyong binabat natin lagi na dagdagan iyong testing. Parang sirang plaka tayo na dagdagan iyong testing, dagdagan iyong testing. Pero iyong nirerequest natin ngayon, hinid na lang dito sa Metro Manila. Pero iyong mga areas of concern all over the Philippines sana masuportahan sila, Ka Ely. Sana masuportahan sila ng testing, ng vaccines. Kasi iyon talaga iyong problema. Halimbawa Ka Ely,  dito sa Metro Manila nakita natin sa balita A5 na ngayon ‘di ba? A5 na iyong binabakunahan pero sa mga probinsya hindi pa nga tapos yung mga A2, iyong mga seniors parang kaunti pa lang. Actually Ka Ely, ang dami daming nakukuha naming na requests. Pero ang problema kasi naming we can only do so much. Kasi kailangan kami magtrabaho within IATF protocols saka yung LGU protocols din. Basta kami, Ka Ely, kausap naming iyong mga doctors, kausap naming iyong mga—Sa Camarines Sur iyong business community kausap namin. Kasi ang kagandahan dun parang yung business at medical association nag-uusap. So closely binabantayan natin, Ka Ely. May team tayo doon. Kung kailangang magdagdag, very much willing tayo magdagdag. Naghihintay lang tayo ng response ng mga LGUs.

     

    ELY: Pero may binabanggit, Ma’am, quarantine, dapat iisa na lang sa buong bansa. Kasi talagang paiba-iba po iyong bawat LGU at yung mga nasa abroad kawawa rin. Halimbawa, bakunado na po sila pagdating dito hindi kinikilala iyong bakuna sa abroad. Kailangan dito ka magpabakuna para mas umikli iyong quarantine.

     

    VP LENI: Alam mo, Ka Ely, ang tagal na iyang pinag-uusapan? Ang tagal na niyang pinag-uusapan pero hanggang ngayon wala pa ring resolution. Kasi iyon nga, wala pang nilalabas—Until now ata Ka Ely 7 days pa din. Seven days ka pa rin sa hotel magsstay. Parang on the—hindi ko alam kung pang-ilang araw itetest ka—

     

    ELY: Seventh day, Ma’am.

     

    VP LENI: On the 7th day, oo. So makakalabas ka the day after kung ma-receive mo agad yung test. Ang problema nito, Ka Ely, halimbawa yung mga OFWs natin. Iyong mga OFWs natin na nakakuha ng maiksing bakasyon na pwede sana silang umuwi para makabisita sa kanilang mga pamilya. Kung iyong halos buong lingo nasa quarantine sila, so nabawasan na iyong kanilang time na mabisita iyong mga pamilya. So sana lumabas na agad, Ka Ely. At least for those na fully vaccinated. Kasi halimbawa Ka Ely, sa EU. Sa EU, Ka Ely, iyong European Union countries parang naglabas na sila. Naglabas na sila ng protocols. Kung hindi ako nagkakamali, Ka Ely, parangmayroong—kapag fully vaccinated ka na sa apat na klaseng bakuna, hindi mo na kailangan magquarantine. Pero kapag ibang klaseng bakuna o hindi ka pa fully vaccinated, may designated number of days din sila na quarantine. Mandatory quarantine. Ang mga pinangalanan nilang bakuna, Ka Ely, Pfizer, Moderna, Johnson & Johnson, saka AstraZeneca. So kung nabakunahan ka na nitong apat na bakunang ito, hindi ka na kailangan kung pupunta ka sa EU countries, hindi ka na kailangan magquarantine. Pero doon sa hindi pa fully vaccinated or iba yung bakunang nakuha, hindi naman sa ipe-prevent kang makapasok pero parang one week rin yata, Ka Ely. Kung hindi ako nagkakamali one week ba or 10 days, may mandatory quarantine pa din. So sa kanila, klaro.

     

    ELY: Tama. Opo. So dito nga ho, talagang iba-iba. Sana magkaroon po talaga ng isang panuntunan para sa ikabubuti ng lahat. Kasi kawawa talaga, Ma’am, iyong mga OFW na binabanggit natin na mga bagong bayani. Eh kung uubusin lang dito sa quarantine, eh talaganghindi pupuwede. Ngayon may nagrereklamo sa Rizal na nagpositibo. Ipinilit sila na mapunta sa isang quarantine site sa Rizal na talagang lumang-luma na yung lugar. Ang dumi-dumi raw. Walang sariling palikuran. Eh kapag ganito, papaano makakahikayat na talagang mag-quarantine iyong ating mga kababayan.

     

    VP LENI: Iyon nga. Saka ano din, Ka Ely, ito, halimbawa kapag bago kang dating, parang required ata nila, Ka Ely, na nagbook ka na sa isang quarantine facility. Karamihan mga hotel. Ang alam ko, Ka Ely, pag OFW libre. Libre yata iyong quarantine. Hindi klaro sa akin, Ka Ely, kung nakakapili ka. Baka hindi. Baka hindi ka nakakapili. Hindi ko sigurado iyon. Pero nakita ko, Ka Ely, sa Twitter kahapon, parang may mga nagrereklamo na galling silang UAE saka isa pang lugar sa Middle East. Parang hindi yata sila, hindi sila nakakauwi. Matagal na silang nag-iintay. So mayroong nagtatanong, Ka Ely. May nagtatanong kung kaya ba dinedelay kasi puno iyong quarantine facilities? So iyon iyong—Ang problema dito, Ka Ely, kasi ‘di ba paminsan defined lang kung kalian yung bakasyon mo? Hindi ka naman talaga—Parang nag-aapply ka para doon. Nag-aapprove iyong employer. Kung mamalas ka na binigyan ka ng oras ngayon tapos kailangan mo magquarantine, iyong iba hindi na lang uuwi. Hindi na lang uuwi dahil – kahit fully vaccinated na sila kasi iyon nga, iyong quarantine period masyado pang mahaba. So ito naiintindihan naman natin, Ka Ely, na kailangan. Kailangan mas maingat pa din tayo. Kasi kahit naman bakunado na ‘di ba, nahahawa pa din.

     

    In fact, hindi ko alam, Ka Ely, kung nabasa mo iyong sa Indonesia. Iyong sa Indonesia, ang daming mga doctor, nurses. Fully vaccinated na sila, Ka Ely. Fully vaccinated na sila ng parang SinoVac yata iyong vaccine. Marami pa ding nahawa. Tapos, in fact, marami yung nasa ospital. So gustong sabihin, kahit fully vaccinated ka na iyong chances na mahahawa ka pa din, nandiyan pa din. Kaya iyon iyong important na ma-achieve sana natin iyong herd immunity. Kapag marami nang nabakunahan, mas magiging kampante. Parang sa New York, Ka Ely, nagbukas na sila the other day or kahapon, nagbukas na sila. Gustong sabihin, normal na ulit. Dahil more than 50% na yata sa kanila iyong fully vaccinated. So iyon iyong ating goal pero tiningnan kasi natin iyong parang metro, ang layo pa natin. As of June 17, parang 1.87% pa lang yung fully vaccinated sa atin. Parang iyong may first dose na, a little over 4% so sobrang layo pa natin. Sobrang layo pa sa goal. Sana mapabilis-bilis. Sana mapabilis-bilis iyong supply. Parang kung hindi din ako nagkakamali, Ka Ely, 14 million na ba? Diniscuss natin ito last Sunday pero parang nadagdagan pa. Parang 14 million na iyong vaccines na lumabas. So kung good for two doses, good for 7 million Filipinos iyon. Hindi ko alam kung tama yung pagkaintindi ko, malayo pa. Sobrang layo pa tapos iyong reklamo, Ka Ely, sa mga lugar na matataas iyong kaso. Iyon vaccine supply talaga nila sobrang baba pa. So sana mas mapabilis-bilis.

     

    ELY: Opo. At nakakainggit nga Ma’am. Tuloy sa New York ‘di ba nagbubukas na sila ng kanilang ekonomiya. Dito sa atin pinag-uusapan pa face shield eh.

     

    VP LENI: [laughs] Saka ano, Ka Ely, kung maalala mo, parang same time last year ang sama doon. Same time last year sobrang sama. Talagang ano, Ka Ely, ang daming namamatay, parang sila nga iyong pinakamaraming cases last year. Pero, Ka Ely, noong naging presidente si—after the presidential elections—parang grabe iyong trajectory pataas. Iyong vaccination naging in full force. Tapos iyong pinaka-impressive, Ka Ely, iyong economy. Ano, positive growth rate tapos iyong unemployment nila, parang halos mas okay na siya compared sa pre-pandemic levels. Ang laking bagay. So sila iyong example, Ka Ely, na kapag nagdesisyon talagang tutukan, maayos talaga iyong response para puwedeng mabaliktad iyong sitwasyon.

     

    ELY: Opo. Okay, dito naman, Ma’am, ano, iyong sa A5, iyong mga indigent at iyong mga mahihirap nating kababayan na unti-unti na ring nagkakaroon at sisimulan na ang pagpapabakuna. Siguro, ito na rin ang pasimula at mas ano, mas lalong tumaas na po ang kumpiyansa at siyempre, iyong importante rito, Ma’am, makamit natin iyong tinatawag na herd immuntiy.

     

    VP LENI: Ang nakita ko lang, Ka Ely, marami iyong nagmemessage sa amin, iyong mga seniors na hindi pa nababakunahan. Iyong sa akin, Ka Ely, kung may facility lang naman iyong LGU, baka better iyong pinupuntahan na lang, na alam mo iyon, parang today, parang gagawa ka ng separate team na today, itong lahat na seniors sa barangay na ito, sila iyong tuturukan. Kasi, Ka Ely, marami naman iyong good performing, eh. Marami iyong mga good performing na mga LGUs as far as vaccination is concerned. So iyong ano lang talaga, Ka Ely, iyong pinaka-sikreto lang talaga maghanap ka ng parang creative means para maayos iyong bakuna. Halimbawa, iyong City of Manila napakaayos ng, ano ito, iyong vaccination success nila. Iyong Quezon City—nabasa ko nga, Ka Ely, the other day parang mayroon na silang bakuna nights. So sabi ko, napaka-creative, ‘di ba. Napakagandang initiative kasi at least iyong mga nagtatrabaho na hindi makakapila sa mga vaccine centers during the day, mayroon silang option na pumunta at night. So marami naman, Ka Ely, marami namang mga magagandang practices. Kailangan lang talagang ano, eh, kailangan lang talagang magtulungan, Ka Ely. Halimbawa, iyong usual na problema, Ka Ely, kahit may supply na, kulang talaga iyong vaccinators. Kulang iyong vaccinators so ito, Ka Ely, ang suggestion ko, at ito rin iyong gagawin namin sa City of Manila doon sa aming partnership sa vaccination ng mga TODA, magpartner na rin sa mga schools. Iyong mga schools, Ka Ely, na may mga medical students, nursing students na puwedeng makatulong na maka-supervise. So ine-explore namin, Ka Ely, iyong partnerships na iyon na para makatulong na may medical, ano ito, mayroon talagang medical—kaalaman na medikal. So nagpapasalamat ako, Ka Ely, sa mga doktor. Iyong pool of doctors namin na nag-volunteer para sa aming Vaccine Express sa Manila. This week iyon, Ka Ely, mangyayari. So maraming nagvovolunteer tapos ang—iyong partnership namin with the schools, Ka Ely, iyong mga mag-a-assist sa mga doctors at saka sa mga nurses. So excited kami doon. Marami, Ka Ely, na puwedeng gawin pero iba-iba kasing klase iyong problema. Sa Manila ang kinukulang vaccinators, sa mga probinsya ang kinukulang vaccine supplies. So sana… sana maging maayos na soonest possible time. Lalo na, Ka Ely, sa mga lugar na may mga spike talaga sa number of cases.

     

    ELY: Opo. At, Ma’am, ito nga marami nang nananawagan at papaano ho kaya—anong magandang gawin sa inyong pananaw dahil sa iyong pinakahuli napakaraming nawalan ng trabaho talaga, ano. Base sa survey nasa 12 million mahigit, eh, na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Anong puwedeng gawin? Kasi hindi basta-basta, ‘di ba, buksan ang ekonomiya at balik sa normal dahil sa baka lalong mapasama ang ating sitwasyon. So ano hong nakikita niyong paraan dito, Ma’am?

     

    VP LENI: Iyong as far as the office is concerned, Ka Ely, iyong ni-launch nga namin na Bayanihanapbuhay, iba-iba. Iba-iba iyong ginagawa namin, Ka Ely. Halimbawa, iyong isang portion doon, ito iyong Sikap.PH na tinutulungan namin—parang may kausap kaming mga partners na mga employers. Kasi iyong mga number of jobs available, Ka Ely, marami. Halimbawa, parang as of last Friday—Friday ba iyon—iyong Sikap.PH namin 27,000, 27,000 jobs na ang pumasok sa system. Ang pinaka-problema na isa, Ka Ely, iyong matching. Walang facility iyong, lalo na iyong blue collar workers, na malaman kung mayroong available na trabaho at papaano sila mag-a-apply. So isang klase ng assistance iyon, Ka Ely. Isang klaseng assistance na puwedeng gawin ng pamahalaan. At iyon iyong ginagawa namin. Pero siyempre, parating limited iyong aming capacities, Ka Ely. Kaya iyong ginagawa namin, nagprovide kami ng parang jobs matching na platform para i-link iyong dalawa—iyon iyong isa. Pangalawa, ang isang pinaka-hardest hit, Ka Ely, na sektor, iyong mga MSMEs, iyong mga maliliit na negosyante. So nag-put up kami, Ka Ely, kasi ngayon talagang iyong only way to compete ay magkaroon ka ng online presence kasi halos karamihan sa mga transaksyon nangyayari online. So iyon iyong tinulong namin sa kanila, iyong Iskaparate[.com]. Tinulong namin sa kanila na nag-o-onboard sa online platform para mayroon silang online presence. Tapos iyong pangatlo nga, Ka Ely, iyon, iyong para sa mga bata. Para sa mga bata na hindi nakakapag-aral dahil sa sitwasyon o nawalan ng trabaho iyong magulang pero gustong makaipon para mag-aral. Ito iyong ginagawa namin na partnership namin with, ano ito, iyong USAID at saka Philippine Businesses for Education na again, may kausap na mga companies. Tine-train iyong mga bata, pine-prepare for that, tapos nagkakaroon sila ng apprenticeship sa mga companies. May suweldo iyon. So aside from those three, ito nga, iyong ni-launch namin, Ka Ely, ngayon na parang young entrepreneurship program. Ito naman, Ka Ely, iyong mga bata pa na nagne-negosyo na mabigyan sila ng tulong para maka-take off. Tapos itong sa Dualtech din na sinabi ko kanina na programa na—skills training din ito—na mayroong, ano ito, employment opportunities after.

     

    So ang dami, Ka Ely, na, ang daming ano ito, ang daming opportunities pero kailangan din kasi iyong pinagdadaanan noong businesses, iyong mga negosyo, isaalang-alang. Isaalang-alang iyong mga pinagdadaanan ng negosyo dahil ang dami rin talagang tinamaan, Ka Ely. So sa akin, sa akin hindi puwede iyong one-size-fits-all. Kailangan talaga kung nasaan iyong problema, doon ka papasok. So sa akin, Ka Ely, maraming nangangailangan pero maraming opportunities para tumulong. Iyon iyong kailangan lang talaga, matutukan ano bang klaseng tulong iyong kailangan. Karamihan, Ka Ely, kailangan ng shift sa ibang existing policies kasi marami tayong policies na pre-pandemic pa. Hindi pa sinang-alang-alang iyong sitwasyon ngayon. Na halimbawa, Ka Ely, iyong nakita natin noong nakaraang linggo na nagrereklamo iyong mga private schools dahil doon sa panukala na i-tax sila nang mas malaki. Nagrereklamo iyong private schools na, “ngayong pandemic, hindi ito timely kasi grabe na iyong sinuffer namin na losses dahil sa pandemic.” So para sa akin, Ka Ely, dapat i-review iyong mga policies. Tingnan na ano na siya, ang konteksto niya pandemic na. Hindi puwedeng ang konteksto niya pre-pandemic pa kasi iba-iba talaga iyong nangyari. Halimbawa, mga iyong mga restaurants, iyong mga restaurants, iyong mga paupahan sa malapit sa mga schools. Marami talaga, Ka Ely, marami talaga iyong naapektuhan. So ito, ito dapat sana matingnan, ma-retrofit iyong mga policies sa present context natin.

     

    ELY: Opo. At, Ma’am, bukod diyan sa mga binabanggit mo sa tax, pero ito, iyong mga module, ha, may mga malalaswa na lumulusot sa—ewan ko kung anong ginagawa ng DepEd dito bakit napalusot ng ganoon.

     

    VP LENI: Nakita ko nga, Ka Ely, nakakalungkot. Nakakalungkot, Ka Ely, kasi unang-una, hindi na nga ideal. Hindi talaga ideal iyong sitwasyon. Gaya ng sinasabi ko, Ka Ely, kung naalala mo, last year—mga ganitong oras last year—naging controversial iyong aming Community Learning Hubs kasi may pagkontra iyong DepEd, etc. etc. Pero sa akin, Ka Ely, buti na lang tinuloy namin. Buti na lang tinuloy namin kasi iba kasi—halimbawa, may mga problema iyong mga modules. Pero kung may nagsu-supervise na tutors or teacher, nakikita agad ito, eh. Nagagawan ng paraan, nare-report kaagad. Pero kapag walang ganitong opportunity, karamihan ng mga bata nasa bahay lang, naggagawa ng modules. Walang problema, Ka Ely, iyong may mga magulang na available. Pero marami kasing mga magulang, either hindi available kasi nagta-trabaho sa labas ng bahay or kahit nasa loob ng bahay, walang capacity na magturo.

     

    So sa akin, Ka Ely, ‘di ba ang tagal—more than a year ko na kinakampanya na again, hindi sana one-size-fits-all ang policy. Doon sana sa mga—parang hindi sana absolute na iyong mga bata wala talagang mga teacher na nakakausap, walang natatanungan, walang guidance. Parang lost opportunity iyon para sa akin, Ka Ely, na more than a year na, kung pinayag sana o ginawang programa na mayroong mga small tutorials na again ang context pandemic, hindi sana maiiwan iyong napakaraming mga bata. So kami, Ka Ely, almost 60 ba? Almost 60 iyong ating Community Learning Hubs. Ang ganda. Ang ganda, Ka Ely. Mayroon kaming thread na nagrereport iyong aming mga tutors. Parang sobrang happy kami na buti na lang, ipinaglaban natin ito. Kasi iyong mga batang natutong magbasa, na siguro kung wala iyong tutors hanggang ngayon hindi sila makakabasa one year after. Ang laking bagay. At nagpapasalamat ako, Ka Ely, doon sa mga Community Learning Hubs na chapters namin na sobra talaga iyong dedication. Nasu-sustain nila, Ka Ely, kahit walang panggastos. Parang, bahala na. Bahala na kung saan makakakuha ng pang-run nito. Basta desidido, ang daming paraan. Kaya lang iyong ginagawa kasi ngayon, Ka Ely, kahit iba-iba iyong sitwasyon sa iba-ibang mga lugar, parang iyong desisyon pareho para sa lahat. Mga bata iyong magsa-suffer.

     

    ELY: Opo. Okay. Pero may mga batas pala na hindi dapat nakikialam ang DepEd, ano, sa mga pag-iimprenta ng mga module na iyan. Siguro panahon na talaga ngayon, Ma’am, na mas higpitan kasi dati nga—ngayon malalaswa, dati may mga isyu pang pulitikal, eh, ‘di ba, Ma’am.

     

    VP LENI: Alam mo, Ka Ely, ito iyong problema ng sistema. Ito iyong problema ng sistema na kapag hindi talaga… hindi masusi iyong pag-asikaso ng lahat, may mga makakalusot talagang ganito. May mga makakalusot na hindi dapat. Pero alam mo, Ka Ely, kung maayos iyong sistema, nakikita sana early on. Nakikita sana early on. Naa-arrest iyong mga ganitong mga hindi naman dapat nakasaad sa kanilang modules. Kinuwento ko ito, Ka Ely, dati na noong hindi pa nagse-second surge, iyong pinaka-huling grupo na binisita kong mga Community Learning Hubs sa Iloilo, iyong Metro Manila kasi, Ka Ely, karamihan nabisita ko na. Iyong nasa Bicol nabisita ko na, iyong Quezon nabisita ko, iyong pinakahuli bago nag-second surge, ang nabisita ko Iloilo. Ang husay, Ka Ely. Ang husay kasi unang-una, mga in partnership with LGUs, barangay, mga munisipyo, pero mga bata talaga iyong nagra-run, mayroong mga SK, mayroong mga youth organizations. Iyong mga nabisita ko, Ka Ely, kasi naglalagay tayo ng parang internet connection doon, naglalagay tayo ng mga gadgets. Ang sabi nila, while intended ito for grade schoolers, nakikinabang din iyong mga college students. Kasi iyong mga walang gadgets nakakapunta doon. Kapag tapos na iyong session ng mga bata, sila naman. Doon sila nakakahabol sa kanilang mga klase. Mayroong internet connection. So iyong accessibility, Ka Ely, ito talaga iyong dapat na tinututukan. Kasi ngayon, halimbawa, wala pa rin tayong face-to-face. So papaano? Iyon pa rin bang dati, wala bang parang improvement sa dating ginawa natin na modules? Okay naman iyong modules kasi nag-a-adapt tayo sa context—sa present context ng pandemic. Pero hindi rin lahat na bata pare-pareho, Ka Ely, eh. May mga bata na siguro fast learners. May mga bata na kailangan ng tulong. So ano ba iyong disposisyon natin? Ano ba iyong disposisyon natin doon sa mga bata na kailangan ng tulong? Kahit, Ka Ely, iyong mga teachers napaka-helpful. Marami kami, Ka Ely, na mga Community Learning Hubs na teachers mismo, teachers mismo kahit ang dami na nilang trabaho for modules, tumutulong sila. Tumutulong sila sa mga bata. May mga teachers na mayroong special session for non-readers. So iyong desire nandoon. Iyong policy lang talaga iyong sana mag-create ng environment na iyong kapakanan talaga ng mga bata iyong iniisip. Pero of course, kapakanan din ng mga teachers. Kasi iyon din, Ka Ely, iyon din iyong reklamo ng mga teachers—parang, “sa usapin ngayong pandemic, iyong needs namin, kami iyong naiiwan.” So importante ito, Ka Ely, kasi sa kanila, sa kanila nakasalalay, ‘di ba. Sa kanila nakasalalay iyong education ng mga bata. Mayroon kaming mga Community Learning Hubs, Ka Ely, na nakikiusap iyong principal na “puwede ba kaming makigamit ng mga printers ninyo? ng mga photocopying machines para sa mga modules namin kasi kinukulang kami ng budget.” So kami, Ka Ely, maluwag kami doon kapag mayroon. Kapag mayroong resources, sige lang. Pero ang dami kasing puwedeng gawin na para sa akin hindi ginagawa. Iyong modules, okay naman iyon, Ka Ely. Pero papaano iyong iba? Papaano iyong iba na nahihirapan? Papaano iyong iba na hindi nakakabasa? Papaano iyong iba na nangangailangan ng assistance? Sana… sana isaalang-alang iyon.

     

    [END OF FIRST GAP]

     

    ISTORYA NG PAG-ASA SEGMENT

     

    ELY: Opo. Okay, Ma’am, nandito na po iyong sa ating Istorya ng Pag-asa. At para magbigay po ng inspirasyon sa ating mga kababayan sa gitna po ng mga napakaraming problema at lalo na may pandemya sa atin.

     

    VP LENI: At saka ano, Ka Ely, napakatimely na siya iyong bisita natin kasi Father’s Day ngayon, ‘di ba. I-introduce muna natin iyong bisita natin ngayon—si Mr. Geronimo Tolibas. Tatay Geronimo, good morning po sa iyo! Naka-mute ka po yata, Tatay. Naka-mute pa po iyong computer mo.

     

    GERONIMO TOLIBAS: Ayon, thank you!

     

    VP LENI: Ayon! Tatay Geronimo, Happy Father’s Day!

     

    GERONIMO TOLIBAS: Magandang umaga rin, Ma’am Vice President!

     

    VP LENI: Tatay Geronimo, sikat na sikat ka ngayon! Sikat na sikat ka ngayon dahil doon sa picture mo na nagtitinda ka ng scrunchies. Pero iyong kabutihan ka na nakilala ka namin doon, Tatay Geronimo, kasi nalaman namin iyong kuwento mo. Iyong kuwento mo galing sa mga anak mo. Ang sabi po ng mga anak mo, anim, Tatay, ang anak niyo, ano?

     

    GERONIMO TOLIBAS: Opo.

     

    VP LENI: Tapos sa anim, ilan na iyong college graduates mo?

     

    GERONIMO TOLIBAS: Apat po. Tapos iyong dalawa po ano, TESDA. Iyong apat po college graduates po.

     

    VP LENI: Iyong apat, college graduate tapos iyong isa TESDA graduate—

     

    GERONIMO TOLIBAS: Dalawa po. Iyong dalawa po TESDA graduate. Iyong apat po college graduate.

     

    VP LENI: Oh, dalawa iyong TESDA! Pero ito, Tatay, papaano niyo sila napatapos lahat?

     

    GERONIMO TOLIBAS: Siyempre, iyon lang po ang ano, iyon lang ang sandata natin. Iyong edukasyon po. Wala naman kaming ibang pinagkukunan. Ano, doon lang, iyong…

     

    VP LENI: Ano, Tatay, iyong mga tinitinda niyo?

     

    GERONIMO TOLIBAS: Napagtapos ko sila nagtitinda po talaga ako ng mani sa Doroteo Jose.

     

    VP LENI: Ng mani?

     

    GERONIMO TOLIBAS: Oo, terminal po iyon.

     

    VP LENI: So, Tatay, kayo po iyong ano, iyong nagtitinda sa terminal, sumasampa sa bus? Ginagawa niyo ba iyon?

     

    GERONIMO TOLIBAS: Opo. Pasalamat nga ako doon sa mga dispatcher, eh. Pinapaakyat kami ng mga kasama ko. Pero iyong iba pong terminal, bawal po talaga iyon. Kaya lang kami, hindi naman nawawala iyong mga pasahero. Kasi iyong ibang mga vendors, kapag wala iyong  pasahero, minsan kinukuha iyong cellphone, kinukuha iyong wallet. Kami po mahigit 15 years po akong nagtitinda diyan, ni singkong ano, kung may nakakapulot man ako na importanteng bagay, pine-presenta ko po sa dispatcher. Ito po, may napupulot ako minsan wallet, minsan payong, minsan cellphone. Tapos iyong may-ari naman bumabalik, “dito ko naiwan iyong ano…” Ayon, papasalamatan din ako ng dispatcher na kung iba iyan, binulsa ko na. Pero sabi ko, kahit na vendors kami eh hindi naman kami ganoon ka—kaya iyong mga dispatcher pinapahintulutan kami. Mangilan-ngilan lang kaming pinapahintulutan makaakyat sa bus. Mga aircon po iyon.

     

    VP LENI: Pero ang galing, Tatay, ano, nagtitinda ka ng mani sa terminal o sumasampa ka sa mga bus. Pero dahil sa sipag, napatapos mo iyong mga anak mo. Pero hindi ba sobrang hirap noon, ‘di ba? Sobrang hirap iyong sumasampa kasi umaandar iyong bus.

     

    GERONIMO TOLIBAS: Nakakahiya naman pumara—kung walang bumibili, nakakahiya naman pumara. Kaya kapag medyo mabagal, at saka ka tatalon. Eh noon kaya ko pa kasi noon, umaga hanggang gabi ako. Bina-budget ko iyong kita ko kung magkakasya na kasi bababa ako tapos iba iyong sa gasul, iba iyong sa tubig, iba iyong sa ilaw, iba iyong sa tuition nila buwan-buwan. Pinag-aano ko na iyon, pinaghahati-hati ko na. Sa anak ko naman kasi iyong panganay ko nagtatrabaho kaya hindi siya nakapag-aral ng college pero tumutulong siya. “Bahala ka na sa bigas, sa ulam, ako na sa sabon. Basta iyong bigas, intindihin mo lang sa iyo na.” Buong linggo iyan.

     

    VP LENI: Pero, Tatay, kung umaga hanggang gabi, anong oras ka lumalabas ng bahay?

     

    GERONIMO TOLIBAS: Umaalis ako diyan sa amin 7:30 a.m. Nakakarating ako roon 8:30 a.m. Umpisa na iyon. Wala nang tigil iyon. Tapos pagdating ng tanghali, kapag kaunti na lang, magpapahatid ako ng kung sino ang walang pasok noong nag-aaral ng college—“magluto kayo. Maghatid kayo rito.” Ayon, pagdating ng tanghali, iyong hinatid na iyon, maghapon hanggang gabi ko na iyon.

     

    VP LENI: So nakakauwi po kayo anong oras?

     

    GERONIMO TOLIBAS: Nasa bahay ako ng mga alas-9 na ng gabi.

     

    VP LENI: Oh my god. So mula 7-7:30 a.m. hanggang 9 p.m. nasa labas kayo?

     

    GERONIMO TOLIBAS: Opo. Mahirap ang biyahe sa gabi kasi rush hour, eh. Tapos lang po iyan hanggang Monumento. Umaabot ng isang oras kalahati.

     

    VP LENI: So iyan iyong biyaheng sinasampahan niyo, Sta. Cruz to Monumento?

     

    GERONIMO TOLIBAS: Hindi po. Iyong biyahe po na pamprobinsya iyong sinasampahan namin. Baguio, papuntang Mariveles, papuntang Sapang Palay dito sa Bulacan. Terminal talaga iyon. Bale pauwi, jeep na sinasakyan ko. Ibang way naman iyon. Minsan LRT. Pagdating ng LRT, may dala akong timba, ayaw kong makipagsiksikan minsan naaano ko iyong timba. Kaya ako nagdyi-dyip para kapag pagod ako, nakakaidlip ako lalo na kapag ma-traffic, nakakaidlip ako. Sa LRT nakatayo ka, lalo kang pagod, nakatayo ka pa. Minsan nga kapag umuuwi ako, ma-traffic. Lumalagpas pa nga ako sa Monumento. “Ibang lugar to ah.”

     

    VP LENI: So papaano, Tatay, pag-alis mo sa bahay, iyong timba na dala mo, iyong mani mo nakalagay sa timba?

    GERONIMO TOLIBAS: Opo, nakalagay sa timba iyon.

    VP LENI: Kasi ang bigat ‘non!

     

    GERONIMO TOLIBAS: Eh, talagang ganoon eh. Kapag naubos ko na lang iyon, saka na lang magpapaluto ulit. Maintain ko iyon, ganoon karami.

     

    VP LENI: Sino po iyong nagluluto ng mani? Inaangkat mo na lang o sa bahay ninyo niluluto?

     

    GERONIMO TOLIBAS: Niluluto po ng misis ko. Ako [naman] ang namimili tapos habang naliligo ako, nagluluto na siya. [‘Pag] tapos ko maligo, aalis na ako kasi inaagahan ko iyon eh. Kailangan eh, wala na ngang kape-kape minsan eh kasi nagmamadali. Nawawalan ng focus, hindi na nakakapagkape. “Oh sige, doon na lang sa terminal.” Eh tanghali na, lalo na kung ma-traffic. Nanghihinayang ako sa oras kapag tinatanghali ako eh.

     

    VP LENI: Pero ang galing! Buti hindi kayo nagkakasakit na napakahirap ng trabaho ninyo.

     

    GERONIMO TOLIBAS: Sa awa naman ng Diyos, hindi naman po kasi malakas-lakas ata ang immune system ko. Alam niyo Ma’am, simula noong pandemic, noong nakaraang Marso, wala pong tigil sa kalye. Hindi ako tumitigil sa bahay. Nagtinda ako ng face mask kasi noong lockdown na, iyong bus wala na ‘di ba? Walang byahe [kaya] wala na akong hanapbuhay. [Eh] Naisip ko [iyong] face mask, ito ang patok ngayon. Pero terminal pa rin ang pinupuntahan ko kahit bawal ang bumyahe, terminal pa rin. Konti lang naman kaming nagtitinda ng face mask eh. Kaya lang noong mga Hulyo na, marami ng kalaban. Kahit saang kanto mayroon ng face mask, mura eh. Sabi ko, “maraming kalaban, mahirap dito.”

    VP LENI: Ano na iyong tininda ninyo?

     

    GERONIMO TOLIBAS: Pagtapos ng face mask, nagtinda ako ng siopao. Dito sa amin may mga mekaniko [ng] motor. Marami diyan, 10th Avenue eh. Kapital ng mga motor yan eh. Kaya lang pumipila ako doon sa Mapua, sa may Sta. Cruz alas tres pa lang ng madaling araw dahil pila, agawan eh. Mga isang linggo pagtitinda, puyat ako tapos hindi naman ganoon kalaki ang kinikita ko. Sabi ko, “Ayoko nito, magtinda na lang ako ng pugo at saka mani.” Ganoon ang mangyayari, mabilis sa Divisoria dahil matao masiyado. Tinda ako itlog nilaga, wala, nakakapagod, ako lang mag-isa eh. Mga anak ko may mga trabaho naman. Iyong isa pinagtatawanan nga ako eh, “Itong si papa talaga, ang sipag-sipag magtinda akala mo may mga pinapaara-—bumibili pa ng gatas.” Iyong mga anak ko, okay naman. Binibigyan naman ako at saka wala na akong obligasyon sa mga bayarain sa bahay. Sila na po iyong ano--

     

    VP LENI: Oo nga, iyon nga ang itatanong ko sa iyo Tatay kasi ‘di ba dapat nagtratrabaho na iyong mga anak mo parang ikaw dapat nagpapahinga ka na [lang] dapat pero bakit gustong-gusto mo pa nagtitinda sa labas?

     

    GERONIMO TOLIBAS: Hindi po kasi-—para humaba ang buhay ko. Kasi kapag tumigil ako, iiksi ang buhay ko eh. Kapag nagtitinda-tinda ako pakiramdam ko mas hahaba pa ang buhay ko eh.

     

    VP LENI: Totoo iyon! Iyong mga sanay magtrabaho ng grabe kapag humihinto doon tuloy nagkakasakit.

     

    GERONIMO TOLIBAS: Tapos iyong huling apo, Ma’am, tapos na iyong ano-—iyong anak ko may kaunting maliit na tahian. May makina siya. May mga order siya na punda-punda, “Papa itong mga retaso mailalapad pa ‘to. Gagawa tayo ng scrunchies na ano, magtitinda kayo,” sabi ko, “Oo sige! Gawin mo iyan. Ititinda ko iyan,” eh gumawa nga. Itininda ko sa Monumento, aba ang daming nagsisibili ah [kaya] itinuloy-tuloy. Kasi yung pagtinda ko ng scrunchies, maaga ako lumalabas, alas sais pa lang pumupunta na ako ng Balintawak, kasi sa Balintawak maraming tao roon eh. Mga alas sais pa lang.

     

    VP LENI: Oo, kasi sa Balintawak nagbibilihan iyong sa market, ‘di ba?

     

    GERONIMO TOLIBAS: OO, maaga. Pagdating ng mga alas otso na, pakaunti na nang pakaunti iyong tao niyan eh. Pupumunta na lang ako ng Bagong Barrio, iyong talipapa diyan maraming tao rin [kaya] nagpupunta ako diyan. Dalawang oras, mga alas diyes o alas onse, pupunta na ako ng Monumento, sa may Puregold, iyan diyan maraming tao rin diyan kapag ganoong oras. Hanggang alas dose na, uuwi na ako.

     

    VP LENI: Pahinga ka na sa hapon?

     

    GERONIMO TOLIBAS: Hindi po. Pagkakain ko, papabunot muna ako ng puti at maka-unat-unat lang iyong likod ko, hihilutin ng mga apo ko at makaidlip kahit bente minutos lang. Kaya lang iyong mga apo ko, Papa rin ang tawag sa akin, “Papa singkwenta iyan” magbibigay ako singkwenta, bunot lang. Hindi pa nakakatatlong puti iyong nabubunot, hindi pa ako nakakaidlip, wala na sa ano ko, nandoon nag-ce-cellphone na. Iyon aalis na ako noon, alas dos hanggang gabi na iyon.

     

    VP LENI: Magtitinda ka ulit?

     

    GERONIMO TOLIBAS: Opo. Pagtapos ng kalahating oras, tinda ulit sa Monumento naman ako, doon naman ako sa Victory Mall hanggang gabi na iyon na doon na ako.

     

    VP LENI: Ilan ang apo ninyo?

     

    GERONIMO TOLIBAS: Anim po, anim.

     

    VP LENI: So anim na anak, anim na apo?

     

    GERONIMO TOLIBAS: Opo. Sa panganay ko, dalawa. Iyong pangatlo kong anak, isa ang anak. Iyong pang-apat kong anak, dalawa anak. Iyon lang ang apo ko. Hindi naman marami iyong apo ko.

     

    VP LENI: Ngayon ba Tatay kapag tinitignan mo iyong mga anak mo at saka mga apo mo parang sulit lahat ng pagod ‘no?

     

    GERONIMO TOLIBAS: Totoo iyon, Ma’am, kasi kung hindi ako nagsipag siguro hindi magiging ganoon ang kanilang kalagayan eh.

     

    VP LENI: Oo nga eh. Pero ano rin-—saka ano rin Tatay, partnership niyo rin ng asawa mo kasi noong nagtitinda ka ng mani, siya naman ang taga-luto.

     

    GERONIMO TOLIBAS: Taga-luto tapos laba, namamalengke tapos iyong mga apo ko. Iyong mga apo ko kasi may mga pasok iyong mga anak ko, wala naman sila katulong kaya iniiwan sa misis ko. Tapos darating sila gabi na. Kaya wala rin pahinga iyong misis ko. Nagpapasalamat din ako sa kaniya na kahit papaano, magkasundong-magkasundo naman kami. Eh mag-asawa kami simula 1986 pa hanggang ngayon kami pa rin. Walang involve na third party na iyan.

     

    VP LENI: Walang na-involve tatay kasi busy ka lagi.

     

    GERONIMO TOLIBAS: Totoo iyon, walang panahon.

     

    VP LENI: Pero ito Tatay, ano ha, napaka-inspiring ng kwento mo kaya ka namin fineature ngayong umaga kasi gusto naming makita ng mga kababayan natin iyong kwento mo bilang tatay na ‘pag grabe yung dedikasyon, grabe iyong pagmamahal sa anak, hindi iniinda iyong pagod, at ikaw hanggang ngayon okay na ang mga anak mo, ganoon ka pa rin. Napakasipag mo pa rin kaya inspirasyon ka po sa aming lahat.

     

    GERONIMO TOLIBAS: Ayaw kong tumigil hangga’t kaya ko pa kasi—

     

    VP LENI: Opo, ano po, kaya ngayon ikaw po yung fineature namin sa Father’s Day kasi napaka-uliran ninyong ama at dapat ho ano, slow down na kayo ng kaunti lalo na ngayon, sabi mo pinupuntahan mo iyong mga maraming tao dapat ho nag-iingat kayo-—at saka magpabakuna ho kayo Tatay. Magpabakuna po kayong mag-asawa kasi mas mabuti ng protected tayo.

     

    GERONIMO TOLIBAS: Wala pa naman hong nag-aano sa amin dito sa local wala pa pong [technical lag] nagpapareserba.

     

    VP LENI: Opo, kapag nagkaroon po ha? Kapag nagkaroon po Tatay magpabakuna kayo kasi para hindi nagaalala iyong mga anak ninyo.

     

    GERONIMO TOLIBAS: Opo, Ma’am. Saka babatiin ko lang po iyong nag-upload. Si Ma’am Cariza.

     

    VP LENI: Oo nga, kung hindi dahil sa kaniya, kung hindi niya po inupload.

     

    GERONIMO TOLIBAS: Maraming salamat po sa kaniya— [technical lag]

    VP LENI: Ayun nga Tatay, kung hindi niya po inupload iyong—

     

    GERONIMO TOLIBAS: Nagpapasalamat ako kay Ma’am Cariza—

     

    VP LENI: Ma’am Cariza. Si Ma’am Cariza iyong nag-upload. Maraming salamat—kasi nakilala ka namin Tatay. Happy Father’s Day po ulit!

     

    GERONIMO TOLIBAS: Salamat po! Maraming salamat po. Maraming salamat po, Ma’am!

     

    VP LENI: Wala na po tayong oras pero sana biyayaan kayo ng marami pang taon na healthy kayo saka masaya lang parati. Kumustahin ninyo po kami sa asawa niyo at saka mga anak ninyo. Happy Father’s Day po!

     

    GERONIMO TOLIBAS: Salamat po! Salamat!

     

    [END OF INP SEGMENT]

     

    ELY: Okay, maraming salamat po at, Ma’am, wala na nga po tayong oras at ano po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan ngayong araw na ito?

     

    VP LENI: Tayo, Ka-Ely, gusto lang natin ulit paabutan ng Happy Father’s Day iyong lahat ng nakikinig sa atin na mga tatay at tumatayong tatay ngayong umaga. Sa atin lang, Ka-Ely, ganoon pa rin, kahit bumaba na ho ang cases dito sa Metro Manila mag-iingat pa rin ho tayo kasi nandiyan pa rin iyong virus. Ayaw na po natin na magkaroon pa ng another surge.

     

    Sa atin pong mga kababayan sa probinsya lalo na po iyong mga nandoon sa lugar na medyo mataas iyong kaso. Ito po, sumunod po tayo sa health protocols. Marami na ho akong kakilala na nakakabigla kasi mga bata pa at healthy naman [pero] tinamaan ng virus, may namatay, na-grabe, [at] ayaw po natin noon. So tuloy-tuloy lang po, kapag may available na pong vaccines kung nasaan kayo at nakapaloob na kayo doon sa priority list, siguraduhin po nating magpalista na tayo. Kasi iyong pinakagusto po natin na mangyari at the soonest possible time matapos na po itong pandemic dito po sa atin sa Pilipinas. So, Ka Ely, Happy Father’s Day ulit sayo!

     

    ELY: Yes, Ma’am! Thank you, Ma’am, at ingat po kayo lagi, at ingat po tayong lahat!

     

    Mga kababayan, iyan po ang ating Bise Presidente Leni Robredo. Maraming Salamat, mga kasama! Ako pa rin ho ang inyong Radyoman, Ely Saludar. Muli po, isang magandang umaga, Pilipinas!

     

     

     

    - 30 -

     

     

     

     

    Posted in Transcripts on Jun 20, 2021