This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI Episode 218

    BISErbisyong LENI Episode 218

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI dito po sa RMN. At siyempre ngayon po ay araw ng Linggo, July 11, 2021. Mula ho dito sa DZXL-Manila, tayo po ay napapakinggan sa RMN DYHP Cebu, RMN DXCC Cagayan de Oro, RMN DXDC Davao, RMN DWNX Naga, at siyempre sa lahat po ng inaabot ng ating broadcast nationwide, net-wide. Ako pa rin ho ang inyong Radyoman Ely Saludar. Siyempre kasama po natin ang nag-iisang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning.

    VP LENI: Good morning, Ka Ely. Good morning po sa lahat na nakikinig sa atin ngayong umaga. Good morning din sa lahat na sumusubaybay sa atin sa ating Facebook page—sa atin pong VP Leni Robredo Facebook page saka sa RMN Facebook page. Sa mga kababayan po natin sa Bicol, marhay na aga saindo gabos. Sa mga kababayan natin sa Visayas at Mindanao, maayong buntag. Good morning, Ka Ely.

    ELY: Good morning, Ma’am. At para po sa kaalaman ng ating mga listeners, iyong ating mga tagasubaybay nationwide, net-wide, ay puwede po pahapyaw nating mabanggit iyong inyo pong mga naging aktibidad sa nakaraang linggo.

    VP LENI: Tuloy tuloy sa atin, Ka Ely. Noong nakaraang Linggo, noong Sunday, Ka Ely, nagpadala tayo ng teams para doon sa Taal eruption victims, iyong mga nasa evacuation centers.

    Iyong ating Swab Cab, Ka Ely, ngayong linggo sa Naga ay tuloy tuloy; sa Imus, nag-resume tayo kahapon saka ngayon. Iyong ating Bayanihan e-Konsulta ay tuloy tuloy pa din — hindi lang dito sa Metro Manila pero pati sa mga karatig na lugar gaya ng Laguna, Batangas, Cavite, Bulacan, Rizal. Sa amin naman, Ka Ely, sa Bicol ay hindi lang Naga, pero pati iyong mga karatig din na lugar sa Camarines Sur. Iyong Legazpi ay kausap na natin, gusto din natin na tumulong doon, pinaplantsa lang natin iyong mga detalye.

    Pero maliban doon, nag-umpisa na iyong caravan natin, ang tawag natin dito “KoLab”. Iyong KoLab ay Komunidad Laban sa COVID. Ito, Ka Ely, ay parang ano siya, parang kami lang iyong nag-lead, pero partner natin dito LGU, partner natin iyong mga chamber of commerce, may mga local na private partners natin, civil society, saka iyong Active One Health — parang isang... under ito sa UNILAB, Ka Ely, pero iyong ginagawa nila, nag-o-audit, mas sa preventive aspect ito, Ka Ely, ng pandemic. Gustong sabihin, para maiwasan na natin — lalo sa mga probinsya — para maiwasan na natin iyong pagdami ng kaso, ini-involve na natin iyong mga opisina para mag-exercise na ng mga preventive na mga measures, para walang mga in-office transmissions. So ngayong linggo, Ka Ely, nagkaroon kami ng dalawang webinar. Pero iyong webinar kasi, parang paraan lang. Iyong pinaka-end goal talaga nito ay magkaroon ng audit teams sa iba’t ibang mga sektor sa community para siguruhin... halimbawa, iyong pinakahuling webinar namin, sa lahat na mga customer-facing services — gustong sabihin nito mga restaurant, sa mga malls, mga tindahan, mga public offices na nag-eentertain ng mga customers — pinag-usapan paano iyong sa preventive side. So ito, Ka Ely, balak nating dalhin sa iba’t ibang mga lugar. Pinilot lang natin ito.

     

    Iyong sa Cagayan de Oro na request ni Congressman Rufus Rodriguez, tuloy tuloy iyong pag-uusap ng teams, pinaplantsa kung paano natin madadala iyong initiative doon. Iyong pinaka-problema lang talaga natin, Ka Ely, pagdating sa vaccination wala kaming access sa supply. Iyong problema, iyong nakita namin, pati kasi iyong mga LGUs outside Metro Manila, hirap na hirap din sila sa supply. So ito, hindi tayo makabuwelo, kasi while ready na iyong infrastructure namin, ready na iyong mga magvo-volunteer, ready na iyong deployment, wala iyong supply. So ito, hopefully, kasi nakita natin sa balita maraming dumating parang late last week, so hopefully mayroon na tayong supply na puwedeng i-deploy at makatulong tayo, makatulong tayo sa mas mabilis na pag-deploy ng supply.

     

    Sa ano din, Ka Ely... next week, iyon na iyong second dose natin sa mga TODA drivers sa Manila. So kung hindi ako nagkakamali, parang July 21-22 yata, iyon iyong second dose natin. So tuloy tuloy iyon. Sa ibang lugar ino-offer din natin iyong services natin, pero iyon nga iyong problema natin, Ka Ely: while naghahabol lahat, maraming mga lugar ang may problema sa supply. So sana mas lumuwag na. Marami namang dumating, marami pa din iyong expected na padating. Kapag lumuwag na ito, tutulong kami sa pag-activate ng private sector, para mas marami iyong makatulong sa mga doktor, mga nurses, ibang mga non-medical people — makatulong lang sa deployment ng vaccines. So hopefully, Ka Ely, tuloy tuloy na ito. Gusto nating makatulong sa mas agarang pag-achieve nu’ng herd immunity.

     

    ELY: Opo. Okay, iyon ho, tuloy tuloy pa rin ho ito. Pero ngayon, Ma’am, naaantala iyong pagdating ng mga bakuna, at marami pong LGU ang napilitang tumigil dahil sa wala na po. May mga mabibilis kasi na LGU na kapag ibinagsak na sa kanila ng national government, ang bilis maubos at agad na naituturok sa ating mga kababayan.

     

    VP LENI: Actually, Ka Ely, tinitingnan ko nga, parang last week ba iyon? Parang last week mayroong ginawang report doon sa deployment ng vaccines. Parang iyong pinakamataas nang nadeploy in terms of percentage, San Juan saka Manila. Iyong San Juan kasi, Ka Ely, medyo maliit. Iyong Manila, malaki pero malaki na din iyong percentage ng vaccines na nabigay nila. Pero kapag tiningnan mo, Ka Ely, iyong absolute numbers, mataas iyong Quezon City, pero mas mababa iyong percentage nila kasi ang laki kasi ng population. Pero in terms of absolute numbers, kung hindi ako nagkakamali, sila iyong pinakamataas.

     

    Iyong kabutihan lang nito, kasi may nase-sense ako, Ka Ely, na parang competition among sa Metro Manila cities. Para sa akin, okay ito. Okay ito na nag-uunahan sa pag-achieve ng herd immunity, kasi ganoon naman: kapag competitive ka, mas ganado kang gawin sa abot ng makakaya iyong pinakamabilis saka pinaka-effective na pag-deploy. So hopefully, Ka Ely, dito sa Metro Manila, very, very soon ma-achieve na iyong herd immunity. Kasi dito naman parang wala masyadong problema sa supply. Mas problema ang supply sa labas. So hopefully sa NCR, sa Metro Manila, pati siguro sa NCR Bubble — kasama iyong mga karatig probinsya — ma-achieve na iyong herd immunity, kasi parang nagre-reverberate naman ito sa labas. Kapag nakontrol nang maayos sa Metro Manila, mas assured na na susunod na iyong mga probinsya. Although kapag tiningnan natin iyong listahan ngayon, marami pa din na mga provincial cities iyong matataas iyong transmission, na dapat iyon iyong tutukan na din.

     

    ELY: Opo. Okay, Ma’am, ano pala, bukas, Lunes, July 12, ay maglilimang taon na mula nang ibinaba ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague ito hong desisyon na nagpapatunay sa claim ng Pilipinas sa West Philippine Sea laban po sa Tsina. Ngunit hanggang ngayon ay... Ano po ang pananaw n’yo dito, Ma’am, at parang nababalewala, base po sa obserbasyon ng nakararami?

     

    VP LENI: Ito, Ka Ely, fifth year na. Grabe, ano? Ang bilis. Kasi parang ni-lay down iyong desisyon July 12 of 2016. Naaalala ko, Ka Ely, HUDCC [chair] pa ako noon, so nag-aattend pa ako ng Cabinet meetings. Doon ibinaba.

     

    Ano ito... Napakalaking win para sa atin. Tapos iyong parati nating inuulit, Ka Ely, puwede sana itong gamitin natin para makipag-collaborate doon sa ibang mga bansa na mayroong mga kaniya-kaniyang issues sa West Philippine Sea saka South China Sea.

     

    Ito, Ka Ely, in the recent past, parang mula March, parang mayroong reported na more than 200 na mga Chinese vessels na nasa loob ng ating... ng West Philippine Sea. In fact, parang malapit ito, Ka Ely, doon sa tinatawag na Julian Felipe Reef. Ito, malaking concern siya. Malaking concern. Kung naaalala mo, nagkaroon ng parang palitan ng mga issues—palitan ng mga claims—noong March, kasi kung naaalala mo, Ka Ely, sinita na, ang sabi nila nagsiseek lang ng cover dahil sa bad weather, pero iyong DND mismo iyong nagsabi na hindi kapani-paniwala kasi ang tagal na nila doon. Iyong kabutihan lang nito, kasi iyong DFA nag-fire off sila ng several diplomatic protests doon sa continued na presence ng Chinese vessels nga sa West Philippine Sea. Pero nag-issue din iyong Chinese Foreign Ministry na parang nagrereklamo sila na bakit ganoon iyong mga statements na binigay.

     

    Ito kasi, Ka Ely, maraming hindi nakakaramdam kung ano iyong epekto ng encroachment sa atin. Ano iyong epekto ng encroachment sa atin. Ang iba, parang ang pakiramdam hindi naman tayo apektado. Pero mamaya, Ka Ely, sa Istorya ng Pag-asa, isa sa mga mangingisda na first-hand iyong experience, na talagang tinaboy, at nakakaawa iyong kuwento: talagang tinataboy sa dati nilang pinagkukunan ng hanapbuhay.

     

    Marami iyong epekto sa atin, pero ang pinakaramdam, itong mga maliliit na mangingisda natin, na ang pinagkukuhaan ng hanapbuhay nasa dagat natin. Ang experience talaga nila, naghahanapbuhay sila sa sariling... within our exclusive economic zone, pero tinataboy sila, may kuwento pa na kinukuha kung anuman iyong kanilang mga napangisda na.

     

    Iyong sa akin, Ka Ely, pagpapaalala iyong fifth anniversary bukas na mayroon tayong pinaglalaban pa. Na mayroon tayong pinaglalaban pa, na marami tayong mga kababayan na nakabase doon iyong kanilang hanapbuhay.

     

    Kasi iyong pagkapanalo natin, makasaysayan iyon. Tayo iyong pinakaunang bansa, ‘di ba —tayo iyong pinakaunang bansa na dinala ang China to arbitration. Naalala ko, Ka Ely, noong bago akong panalo, hindi pa ako umuupo, naimbitahan ako sa celebration ng Philippine Independence Day sa Tokyo, at habang nandoon ako, mayroong mga nakipag-meet na mga parliamentarians, mga Japanese parliamentarians, at naalala ko, Ka Ely — wala pa noong desisyon, wala pang desisyon at the time, parang June iyon... naaalala ko, parang sobra iyong anticipation nila. Sobra iyong anticipation nila sa pagbaba ng desisyon, at pinapakita na kahit sila interesado kung ano iyong magiging desisyon, kasi ito ay may epekto, hindi lang sa atin, pero may epekto ito sa lahat ng may claims over sa South China Sea saka sa West Philippine Sea.

     

    So mamaya, Ka Ely, papakinggan natin iyong bisita natin, iyong bisita natin na isa sa mga apektado, para naiintindihan ng mga kababayan natin na hindi ito isang konsepto na wala tayong pakialam. Kasi iyon iyong naririnig ko, Ka Ely, minsan — na hindi naman tayo apektado, usapan lang iyan ng mga pamahalaan. Pero ang katotohanan, Ka Ely, apektadong apektado tayo, lalo na iyong mga maliliit na mangingisda natin.

     

    Kung naaalala mo, Ka Ely, two years ago, pumunta ako sa Mindoro. Pumunta ako sa Mindoro kasi binisita ko iyong ating mga mangingisda from Mindoro, from San Jose, Mindoro. Sila iyong mga binangga, iyong Gem-Ver, na buti parang ang sumalba sa kanila parang isang Vietnamese na vessel. Naalala ko iyon, Ka Ely. Twice ako pumunta doon. Iyong una, para kumustahin sila, magbigay ng cash assistance. Iyong pangalawa, pinuntahan ko sila sa kabilang isla kung saan iyong karamihan sa kanila doon naninirahan. Kasi iyong una kong punta, Ka Ely, dito lang ako sa mainland, dito lang ako sa mainland ng Mindoro Occidental pumunta. Pero noong pumunta kasi ako, may mga hindi nakarating kasi nakatira sila doon sa kalapit na isla, so noong bumalik ako doon ako pumunta.

     

    Ano talaga, Ka Ely, iyong buong kabuhayan nila, umaasa sila sa pangingisda, kaya iyong panggigipit sa kanila, nata-translate ito sa kabuhayan nila sa pang-araw-araw. So iyon, hindi ko iyon makalimutan, Ka Ely, kasi matagal iyong kuwentuhan namin eh. Matagal iyong kuwentuhan namin — ano iyong mga kahirapan na pinagdadaanan nila dahil sa panggigipit na ito.

     

    So mamaya, Ka Ely, pakinggan natin sa Istorya ng Pag-asa iyong isa sa kanila.

     

    ELY: Pero Ma’am, ang malungkot ho rito ay makalipas ho ang dalawang taon na nangyari diyan po sa paglubog ng fishing boat ng Gem-Ver, hanggang ngayon hindi pa yata natatanggap ang kompensasyon.

     

    VP LENI: Wala pa silang nakukuha.

     

    ELY: Opo.

     

    VP LENI: Ang balita ko, Ka Ely, noong June — nito lang June — may mga pinapirmahan na sa kanila iyong abogado kasi magbabayad na daw. Hindi ko alam if as we speak nagbayad na. Wala akong update. Pero iyong pinakahuli kong update, mga several weeks ago, ang sabi magbabayad na. Kasi ‘di ba iyong DOJ... During the negotiations parang ang ibabayad yata 12 million pesos nu’ng may-ari ng Chinese vessel na nag-ram sa kanila.

     

    Kasi ang tagal na hindi nila nagamit iyong vessel. Parang recently lang yata umandar na ulit. Pagpunta ko doon, binisita ko eh, grabeng repair iyong kailangan. Kapag ganoon, Ka Ely, ilang ano sila... ilang taon din silang walang hanapbuhay. Iyong pinakahuli kong pagkumusta sa kanila, kung ano-ano na lang iyong ginagawa. Iyong pinaka-kapitan nga, Ka Ely, binisita ko iyon sa bahay. Iyong ginagawa nila, Ka Ely, iyong asawa niya iyong nagluluto — nagluluto ng barbecue, nagluluto ng mga ulam. Pagpunta ko, iyon ang hanapbuhay nila. Iyong iba naman bumalik naman sa pangingisda, pero maliliit na bangka. Ang problema sa maliliit na bangka, hindi kayang lumayo, hindi kayang pumalaot, so very limited din iyong supply na nakukuha nila. Mahalaga talagang makalaot ulit iyong Gem-Ver, iyong malaking fishing boat, kasi doon sila umaasa ng kabuhayan nila.

     

    Ang hirap ng buhay nila kapag pumapalaot na sila, mga isang buwan silang mawawala sa pamilya nila, isang buwan sila nasa gitna ng dagat, kasi doon talaga sila kumukuha ng isda na panghanapbuhay. So hindi siya madali, kasi talagang titiisin mo iyong lahat na kahirapan habang nasa gitna ng isda—ay, ng, ano ito, ng dagat. Ito, Ka Ely, mahirap na, kung iha-harass ka pa, lalong mahirap. Iyon ang point talaga doon.

     

    ELY: Yes, Ma’am. At siyempre, dahil sa bilang Pilipino, dapat protektado ka ng gobyerno. Atin po ito eh. Wala hong puwedeng sumita na dayuhan dito po sa atin.

     

    VP LENI: Alam mo, Ka Ely, kapag makausap mo sila, sobrang kawawa. Sobrang kawawa na, alam mo iyon, mahirap naman dati iyong hanapbuhay, umaasa lang na makakuha ng kaunti, hindi naman nila ikakayaman. Iyong inaasahan nilang makuhang kaunti, para makakain iyong pamilya, para mapaaral iyong mga anak. Tapos kapag hinaharass talaga, Ka Ely, wala. Iyong masama pa sa loob, iyong nangha-harass hindi naman Pilipino. Ito talaga iyong mukha noong problema doon. Ang gusto kong sabihin, mas malaki iyong problema: ang pinag-uusapan iyong sovereignty, iyong encroachment sa territory, pero iyong mukha talaga nito iyong mga maliliit na mangingisda, na sumusubok lang mabuhay, tapos sila pa iyong maha-harass, sila iyong tatakutin, sila iyong papaalisin. Ito iyong sobrang nakakaawa.

     

    ELY: Okay Ma’am, at samantala dito, nako, iyong Pilipinas daw nainsulto’t napahiya dito sa diumano’y maling education assessment report ng World Bank. Ang sabi ho ng DepEd, 2018 iyong nakuha nila eh. Pero sa inyo pong pananaw, dapat hong humingi ng tawad ang World Bank dito?

     

    VP LENI: Humingi na yata ng tawad, Ka Ely. Humingi na ng tawad pero hindi ko – Hindi kumpleto iyong aking information, pero kung ano lang iyong nabasa ko sa mga na-post, humingi ng tawad hindi dahil mali iyong datos pero parang humingi ng tawad kasi hindi nabigyan ng pagkakataon o hindi na-inform iyong DepEd bago pinublish. So parang ang sinasabi Ka Ely ng DepEd, kung tama iyong pagkakaintindi ko – ang sabi ng DepEd “dapat sana tinanong man lang kami” o “dapat sana binigyan man lang kami ng pagkakataon na sabihin kung ano iyong ginagawa namin about it.” Pero wala akong nahanap na, Ka Ely, ewan ko lang kung mayroon ah, pero wala akong nabasa na sinasabi mali iyong datos.

     

    Ang sinasabi lang, Ka Ely, iyong report ng World Bank —nakaka-alarm Ka Ely iyong report ng World Bank — nakabase sa parang datos from 2018 and 2019. Iyong 2018 na datos, parang ang tawag dito iyong PISA, iyong Program for International Student Assessment. Ito naman iyong – parang ito iyong assessment tool na ginagamit sa lahat na bansa na ina-assess. Iyong data daw nito 2018. Pero hindi kasi – Nung pagsabi kasi ng DepEd Ka Ely na luma iyong data, wala silang binigay na bago. So ako sana, iyon sana iyong hinahanap ko. Ano kaya iyong bago? Kasi kapag lumabas iyong bago, doon natin makikita kung saan iyong improvement o kung mayroon. Tapos iyong isang data na ginamit, iyong 2019 Southeast Asia Primary Learning... Metrics yata ito hindi klaro. Metrics yata, Ka Ely. Ito iyong dalawang basehan. So ang sinasabi sana – Luma iyong data, una. Pero hindi ko nakita iyong bago. Hintayin natin kung may bago, Ka Ely, para makita natin iyong improvement natin.

     

    Pero sa akin kasi, Ka Ely, kapag may mga ganitong data. ang ineexpect ko sanang reaction natin, parang lalo tayong manggigigil na ayusin. Gagamitin natin na challenge na ayusin natin para hindi na ganito iyong maging datos.

     

    Tinitingnan ko, Ka Ely, mayroong isang organisasyon na parang nagkaroon siya ng presentation kung ano iyong assessment. Hindi ko, Ka Ely, nabasa iyong buong World Bank na – parang ang nabasa ko lang iyong mga bahagi noon, pero hindi ko nabasa iyong buong report. So may nakita ako, Ka Ely, na parang report na isang grupo na ang advocacy ay education, parang may assessment siya, Ka Ely — ito ay pinagsama-sama nang assessment ng iba’t ibang mga bodies na nag-a-assess kung nasaan na tayo as far as education is concerned. Parang para sa akin, Ka Ely, isa iyong very stark na talagang may krisis tayo sa edukasyon. Hindi lang ito dala nitong World Bank. Kung naalala mo, Ka Ely, hindi lang naman ito iyong una eh. Nagkaroon na tayo ng mga unang assessments nasaan ba tayo sa Math, nasaan ba tayo sa English, nasaan ba tayo sa Science in the past years, an ang sama talaga. Masama talaga, Ka Ely. Iyong datos masama talaga.

     

    Halimbawa, tinitingnan ko itong presentation, Ka Ely. Halimbawa parang traditionally kasi, Ka Ely, pinakamataas na – parang pinakamataas ng portion ng budget natin, parating education, ‘di ba? Parating education iyong pinakamataas. Pero tinitingnan ko Ka Ely iyong – tinitingnan ko iyong parang matrix ng budget. Parang mayroon siya, Ka Ely, na parang comparative: DepEd, DILG, DPWH, DND. Parang from 2017 until 2021, hindi na DepEd iyong may pinakamalaking allocation. Ang may pinakamalaking allocation na ay – teka tinitingnan ko lang, Ka Ely – from ano pala 2018 to 2021. Kasi iyong 2017, ang budget ginawa pa ng 2016 ‘di ba? Parang from 2018 to 2021, ang pinakamalaking allocation na ng budget natin DPWH. Hindi na DepEd. Halimbawa 2018, ang DPWH allocation ay P637.8 billion. Ang DepEd ay P553.3 billion na lang. Halimbawa 2019, ang DPWH ay P549 billion. Ang DepEd ay P501 [billion]. So hindi na siya iyong dati, Ka Ely, na pinakamalaki iyong education. Ngayon, public works na. Ito, 2021 — ito iyong pinakamalaking disparity kasi P694 billion na iyong public works, ang DepEd ay P557 billion. So mas malaki na ng more than 1 billion iyong allocation ng DPWH sa DepEd. So ito, Ka Ely, ang sinasabi ng – parang ang sinasabi ng UN, United Nations, may recommendation siya Ka Ely. Ang recommendation ng United Nations, dapat daw sana iyong budget for education – iyong budget for education ay at least 6% ng GDP natin. Kung titingnan natin, Ka Ely, ngayon, parang halimbawa 2019, ang layo. Kasi 2019, ang budget for education 3.9% lang. So malayo tayo doon sa recommended na 6.9%. So ang sinasabi lang, Ka Ely... Parang ang sinasabi, sana mas bigyan natin ng importansya iyong education kasi ang laki noong problema natin, ang laki ng problema natin as far as education is concerned. So iyong number one doon, Ka Ely, ay budget. Sana bigyan ng mas malaking budget. Parang kung hindi ako nagkakamali, Ka Ely — wala lang sa akin iyong exact figures pero ang 6% ng GDP natin ay mahigit 1 trillion. So parang sinasabi niya na kung magko-comply tayo doon sa UN recommendation, dapat sana iyong budget natin for education ay parang at least P1 trillion. Tinitingnan ko din, Ka Ely... parang iyon nga, parang over the years, since 2018, bumaba iyong ating spending per student as far as basic education is concerned. Iyong isang sinasabi dito, Ka Ely, tinitingnan ko lang — Ang isang nakakatakot dito Ka Ely, malnutrition. Kasi ‘di ba ang paniniwala, kapag malnourished iyong bata, mahihirapan siyang — mahihirapan siyang mag-aral— 

     

    ELY: Tama.

     

    VP LENI:  —kapag walang laman iyong tiyan. ‘Di ba may tinatawag, Ka Ely, na stunting? Iyong parang – parang ang local term natin doon, “bansot”.

     

    ELY: Tama.

     

    VP LENI: Parang sinasabi, ang stunting daw, Ka Ely... Kaya sinasabing “nabobobo” iyong bata — hindi naman actually bobo, pero kaya nahihirapan siyang mag-aral kasi stunted nga siya. Iyong pinakahuling datos, Ka Ely — ito ay from FNRI ito, 2019 — one out of three sa mga bata sa atin ay stunted. Ito iyong children under five years old. So ang one out of three ay stunted. Gustong sabihin, ito iyong nahihirapan na... ito, Ka Ely, iyong nahihirapan na mag-aral. Mahihirapan itong matuto kasi malnourished. One out of three stunted, one out of five underweight. Ito iyong mga batang under five years old. Mayroon tayo, Ka Ely, na parang plano para sa nutrisyon. Ito ay 2017 to 2022 na plano. In fact, naging bahagi kami sa World Food Programme na mga pag-aaral. Hindi ko lang alam, Ka Ely, kung papaano ito – parang papaano siya ini-implement. Wala akong masyadong naririnig kung papaano ini-implement. Pero maraming datos na binigay, Ka Ely. Halimbawa, ang sinasabi 26% daw ng mga Grade 5 students walang sariling libro sa Math saka sa Language. Parang nagshe-share lang sa iba. So malaking bagay ito, Ka Ely, kasi wala siyang sariling napapag-aralan, kulang ang libro. So dapat kung dadagdagan ang budget for education, sisiguraduhin na bawat bata mayroon siyang sariling libro.

     

    Mayroong mga assessment, Ka Ely. Halimbawa ito sa Asia Foundation ito, 34,500 na mga paaralan natin walang internet access. Thirty-four thousand iyon. Maraming — Ang internet, Ka Ely, source na siya ng maraming mga materials for education. So anong ginagawa natin para siguruhin na karamihan sa mga paaralan magkaroon na ng internet access? Iyong parehong datos, Ka Ely, nakalagay 5,000 schools walang electricity. And ang sinasabi nito, parang correlated daw ito sa performance ng mga bata sa NAT. So walang electricity, 5,000 schools, so ang tanong, anong ginagawa natin para mapaliit itong datos na ito? Halimbawa sinasabi, Ka Ely, iyong 44 — iyong ano, iyong K to 3 teachers natin, marami ang kakulangan as far as ang pagtuturo sa mother tongue is concerned. Halimbawa, may comparative dito, Ka Ely. Comparative na 2013 saka 2019 na datos — sa Grade 3 students naman ito, Ka Ely — na sinasabi na noong 20... parang iyong 2019, bumaba ang Grade 3 students na marunong nang magbasa compared to 2013. Parang ang 2013, Ka Ely, 67.3% ang Grade 3 na nakakabasa na. Noong 2019 naging 56.8% na lang ito.

     

    ELY: Bumaba.

     

    VP LENI: Malaking bagay ito, Ka Ely, kasi datos ito, datos ng nasaan ba tayo? Halimbawa, Ka Ely, ang Grade 5 kinumpara — iyong Grade 5 students natin, kinumpara nasaan ba tayo as far as reading, writing, saka Math is concerned. Ang baba ng numbers natin, Ka Ely. Ang proficiency levels na tinatawag, sobrang baba. Pati junior high school, Ka Ely. Nakakatakot ang datos from junior high school.

     

    Ito nga, Ka Ely, ang nakalagay — DepEd na datos ito as of 2021, nakabase daw ito sa NAT scores ng Grade 10. Nakalagay 1% lang among junior high school students ang proficient in Math, 3% lang ang proficient in English, 1% lang ang proficient in Science.

     

    So para sa akin, Ka Ely, dapat magdeklara na tayong krisis sa edukasyon. Para pagtuonan na ng mas malaking pansin. Ang sa PISA 2018 — iyong sinasabi nila, Ka Ely, na obsolete na datos — nakalagay 72% ng ating 15-year-old students, low achievers pagdating doon sa PISA assessment. Seventy-two percent iyon, Ka Ely. Ang laki laki noon.

     

    And sa akin, Ka Ely, umiikot kami, ‘di ba? Mayroon kaming mga Community Learning Hubs. Ka Ely, may mga naka-come across kami na bata na nasa Community Learning Hub, Grade 5 na hindi pa nakakabasa. So malaki talaga ang problema natin.

     

    And para sa akin, Ka Ely, kailangan natin bigyan ng malaking suporta ang ating teachers. Kasi kung kulang ang support natin sa ating teachers, papaano nila matutulungan ang mga estudyante na mag-perform? So ang tanong, nag-iinvest ba tayo sa teacher training? Gaano kalaki ang ini-invest natin? Kamusta ang pay para sa ating mga teachers? Marami tayo, Ka Ely, nakikita mga teachers na — lalo ang mga nasa rural areas — dumudukot sa sariling bulsa para ipagawa ng class... ayusin ang classrooms nila. Kapag kulang ang supplies sa paaralan, sarili nilang suweldo ang ginagamit. Ako, Ka Ely, nakita ko ito noong nasa Congress ako kasi ikot ako nang ikot. May mga teachers na nagpapagawa ng — parang from their own pocket magpapaayos ng classroom. Kasi kung hindi nila gagamitin ang— Kapag hindi sila tutulong, ang mga estudyante din ang lugi.

     

    Mayroon dito, Ka Ely, ito, datos ito as of 2021, 2020-2021. Parang sinasabi, Ka Ely, ang senior high school students natin karamihan naga-graduate na ang proficiency level nila pang-Grade 6 lang. So ‘di ba? Ang hirap. Ngayon lumala pa siya. Lumala pa siya ngayong pandemic. Ang datos na pinapakita, ito, DepEd 2021 datos ito, more than 1 million na estudyante hindi nag-enroll during the pandemic. Tapos 1,179 na private schools ang permanently nagsara dahil sa pandemic.

     

    Tapos, Ka Ely, kapag tiningnan mo, grabe ang digital divide ng mga bata sa private saka sa public schools. Ang laking bagay nito. Ang tanong, ano ba ang ginagawa natin para ma-close ang gap na ito? Halimbawa ito, Ka Ely, ang nasa harap ko ang source nito DepEd 2020: Sa private schools, 41.2% na pagtuturo during the pandemic ay online. Forty-one point two percent iyon, Ka Ely. Sa public schools, ang online lang ay 2.1%. So ang layo. Ang layo ng digital divide. Sa public schools, Ka Ely, 87.4% modular — ito iyong piniprint. Pero sa private schools, ang modular lang ay 28%. So ang layo ng — ‘Di ba? Ang layo ng parang digital accessibility ng mga private school na students sa public school students.

     

    So kaya ko lang ito sinasabi, Ka Ely, kasi para sa akin, mayroong ganitong study. Sabihin pa natin na kayo natanon, etc. Dapat sana ang sa atin tingnan natin, krisis na ito. Krisis na ito na kailangan tutukan natin. Parang iyong sinasabi ko parati during the pandemic, na all-hands-on-deck na tayo. Rather than maging defensive tayo, gawin na natin ang lahat para ang krisis na ito masubvert natin. Kasi kapag hindi natin ito gagawin, sino ang kawawa? Kawawa ang mga bata. Kawawa ang mga bata na sila talaga ang nagsa-suffer. Sila talaga ang nagsa-suffer.

     

    Mayroong mga bills, mayroong mga bills na naka file sa Senado. Halimbawa, naalala mo, Ka Ely, si Sen. Joel Villanueva, mayroon siya noong Teach Bill. Ito naman ang pagka-capacitate sa mga teachers. Mayroon din si Sen. Nancy Binay, parang ang sa kanya, nakalimutan ko ang pangalan ng kaniyang bill, pero ito education din ito, Ka Ely. So ang daming puwedeng gawin. So para sa akin, iyon nga, magdeklara na tayo ng education crisis kasi mas mabagal tayong nagre-react, mas gumagrabe ang problema natin. So sana, Ka Ely, rather than magdepensa tayo, sana hanapan ng paraan.

     

    Ang sabi naman, Ka Ely – in fairness naman sa DepEd – ang sabi naman ng DepEd, marami na silang ginagawa na hindi na-reflect. Hindi na-reflect doon sa World Bank study. So sana magkaroon ng parang update. Kasi ang balita ko, Ka Ely, tinanggal muna ng World Bank. Tinanggal muna ng World Bank sa website yata nila ang study na ito. Sana magkaroon ng update. Sana magkaroon ng update based on the latest data, para mas alam natin kung saan tayo... kung saan tayo ngayon. Pero magiging very honest ako, Ka Ely, more than a year nang wala sa paaralan ang mga bata. So ako, ang tingin ko mas na-exacerbate pa. Mas lumala pa ang sitwasyon. Sana mali ako. Sana mali ako, pero sa sitwasyon ngayon — umiikot ako, Ka Ely, sa aming mga Community Learning Hubs, at parati kong sinasabi “buti na lang pinaglaban natin ito.” Kasi ang nakikinabang na mga estudyante sa Community Learning Hubs — mayroon kaming almost 60, Ka Ely, ngayon all over the country. Ang pinakahuli kong binisita ang mga sa Iloilo province. Buti na lang, Ka Ely, buti na lang na tinuloy namin kahit mayroong mga problema noong umpisa, kasi ang daming nakikinabang. So sa akin, Ka Ely, wala pang kasiguruhan kung anong mangyayari — kasi August na ang... dapat August na ang bukasan ng school year, ‘di ba? So sa akin, Ka Ely, sana mahanapan ng paraan na mayroon namang mas revolutionary, rather than parang naghihintay lang ulit doon sa modular, kasi ang dami nga, Ka Ely, na mga estudyanteng nagsasabing nahihirapan silang mag-aral with the current set-up.

     

    ELY: Siguro ang budget na ginastos ng PCOO sa mahigit sa 375 na, ‘di ba, iyong mga COS personnel... Ito, ang mga hinala ho rito, ito, mga troll farm ito. Pero iyan po ay pinabubulaanan. So sa ganito ma'am, ano ho ang tingin n’yo dito?

     

    VP LENI: Pinabulaanan naman. Pinabulaanan naman nila, Ka Ely. Pero naano lang ako, Ka Ely, noong 375 na parang—ano, parang social media consultants ba iyong term? Nakalimutan ko ang term, Ka Ely. Kasi alam mo, Ka Ely, kami hindi nga kami 300—buong OVP Na iyon. Nag-balloon lang kami, Ka Ely, kasi ngayong pandemic nagkaroon kami ng surge hires na 70. Ito, kasi mayroon na kami ngayong ambulansya, mayroong kaming EMS team, iyong Bayanihan E-Konsulta. Pero ngayon lang iyon. Pansamantala iyon, Ka Ely. Pero over the past five years, less than 300 kami, Ka Ely. Less than 300 kami, tinitingnan ko nga ang numero. Noong nabasa ko iyon, Ka Ely, tinitingnan ko ang numero sa amin. Tinitingnan ko, Ka Ely, ang numero sa amin. Sa amin, ang contractual namin ay 21. Ang Contract of Service namin ay 64. Ito, Ka Ely, ano ito... parang sa amin ang mga regular — tama ba — iyong mga regular employees namin less than 200, parang 160? 168? So kung bibigyan kami ng 375, ang dami naming magagawa, Ka Ely. Ang dami naming magagawa kapag binigyan kaming additional na 375.

     

    ELY: Saka ma'am, ang PCOO — kasi 15 years akong nag-cover sa Malacanang, naging presidente ako ng Malacanang Press Corps — ang PCOO, mayroon iyang government TV station saka radio, tapos may PIA pa iyan. So kumpleto, ibig sabihin. Kasi ang sinasabi nila, sa kanilang kampanya sa impormasyon ay ginamit nila itong 375. Eh ang daming attached agencies sa PCOO. So ewan ko lang ho kung papaano maipaliliwanag ito. COA na ang nagsabi rito, ma'am, ha. COA ang sumita dito po sa PCOO.

     

    VP LENI: Ayon nga, Ka Ely. Tinitingnan ko nga, Ka Ely, kasi parang ang nabasa ko, para ito doon sa pagpalabas nila ng... iyong social media nga na mga information. Sa amin, Ka Ely, sa opisina namin, kung hindi ako nagkakamali, ang assigned sa social media, isa o dalawa? Parang ganoon lang. Ang graphic artists namin, less than five, Ka Ely. Sa tingin ko, ang videographer namin, kino-cover noon lahat na projects namin all over the country, dalawa yata. So sa akin, hindi ko ma-imagine ang 375. Hindi ko iyon ma-imagine. For 2020 ba iyon, Ka Ely? 2020, ano? For 2020. Sa totoo lang, Ka Ely, kapag inisip ko may plus 375 kami, ang laking bagay noon for any office. Ang dami dami mo nang puwedeng gawin. Parang sinabi yata, Ka Ely, ng COA parang plus P70 million ba sa budget? Kung hindi ako nagkakamali?

     

    ELY: Seventy-one.

     

    VP LENI: Seventy-one million sa budget. Ang budget namin, Ka Ely, kakaunti lang. So kung may mag-plus 71 ka sa budget — 71 million — ang daming tulong na ang puwede mong gawin.

     

    ELY: Ma'am, isingit ko lang itong issue na ito kasi kayo bilang abogado talagang nag-bar exam kayo. Ang anak n’yo na nagdoktor, dumaan sa, ‘di ba, may mga licensure examinations. Ngayon may panukala na i-a-abolish ito. Kayo, ano ang pananaw n’yo rito, ma'am?

     

    VP LENI: Mahirap iyon, Ka Ely, kasi iyong unang titingnan natin, ano ba iyong ginagawa ng bar exam or board exam. Yung ginagawa noon tinetest kung gaano ka kahanda to practice your profession ‘di ba? Gaano ka kahanda to practice your profession. So kung aalisin mo ito, iyong tanong ko lang, Ka Ely, kung ako iyong kliyente, nagkaroon ako ng kaso, hahanap ako ng abogado, hahanap ba ako ng hindi nag-Bar exam? O halimbawa pasyente ako, hahanap ako ng doctor, hahanap ba ako ng hindi dumaan ng board exam? Siyempre iyong gusto mo iyong sigurado, iyong sigurado na pumasa. Kasi iyong mga exams naman, Ka Ely, hindi naman ito iyong walang purpose eh. Ang purpose nito ay para itest kung pumasa ka sa standards ng profession mo. Kasi para sa akin mahirap iyon eh, mahirap iyon, na hindi pwedeng tatanggalin mo lang. Halimbawa kung ayaw mo na magkaroon ng mga professional exams, kailangan i-overhaul mo iyong buong education system na nagproproduce noon. Kasi halimbawa, Ka Ely, iba-iba kasi iyong mga paaralan: may mga paaralan na mahirap talagang pumasa, may mga paaralan naman na mas maluwag — mas maluwag tapos iniisip nila “anyway mag-e-exam naman iyan; kung hindi talaga karapat-dapat, hindi naman iyan makakapasa.” Pero kapag inalis mo iyon, ano na iyong standard?

     

    So hindi siya kasing dali, Ka Ely. Hindi siya kasing dali na basta mo na lang siya aalisin. Kailangan pag-aralan mo iyong buong sistema eh. Kasi iyong mga exams ngayon mas mga assessment. Hindi naman iyon — iyong mga exams natin, Ka Ely mayroon iyong purpose na sineserve. Siyempre kung ako iyong estudyante, kapag alisin iyong exam mas okay iyon sa akin. Lalo na halimbawa kami — kami sa Bar exam, Ka Ely, iyong kahirapan na dadaanan mo, ayaw mo na pagdaanan iyon ulit kasi grabe. Halimbawa, Ka Ely, dati ga-graduate ka ng March, ang Bar exam — dati ha — dati September. So from March to September, wala kang ginawa kundi mag-aral. Tapos iyong passing average sa Bar ang baba. Iyong anak ko, nag-board exam sa medicine. Nakita ko kung gaano kahirap iyong pinagdaanan. Pero pinagdadaanan iyon kasi may purpose. At iyong purpose ay itetest kung handa ka ba na maging doktor. Kung handa ka ba maging accountant. Handa ka ba maging nurse.

     

    Pero iyong sa akin nga, Ka Ely, kung seryoso tayo na ayaw na natin na may mga professional regulatory exams, kailangan pag-aralan natin iyong buong education system na nagpoproduce ng ganitong mga... ‘di ba? So tingnan natin, kung hindi na mag-eexam, iyong higpit sa pag-aaral dapat gawin na. Pero hindi puwedeng basta mo lang tatanggalin.

     

    [END GAP]

     

    ELY: Okay po, Ma’am, kinakapos na tayo ng oras, pero talagang kailangan natin bigyan ng oras ito pong Istorya ng Pag-asa. Nasa linya na po natin, Ma’am, iyong isang mangingisda sa Masinloc, Zambales.

     

    VP LENI: Ayon, iyong ating mangingisda, Ka Ely, ay mangingisda siya sa Masinloc, Zambales. Ang kaniyang pangalan ay Ernie Egana. So Ka Ernie, nandiyan na po ba kayo?

     

    [technical difficulties]

     

    ELY: Naku, pakihinaan mo ang radyo... Okay na?

     

    VP LENI: Ka Ernie?

     

    ELY: Okay na? Sandali, napuputol ha... [music] Okay, importante ito para makamusta n’yo, Ma’am, iyong atin pong mga mangingisda kung mayroon pong pagbabago sa kanilang kabuhayan.

     

    VP LENI: Ka Ernie? Wala pa ba siya?

     

    ELY: Ma’am, inaayos pa rin po iyong ating linya doon po kay Ka Ernie.

     

    VP LENI: Kasi ikwento ko lang, Ka Ely, itong si Ka Ernie ay mangingisda siya sa San Salvador sa Masinloc. Ang pag-aari niya, Ka Ely, ay maliit na fishing boat na ang sinasabi ay kasya lang ay tatlong tao, na hindi kayang pumunta sa open sea.

     

    ELY: Nandito na po, Ma’am.

     

    VP LENI: Nandiyan na siya?

     

    ELY: Yes, Ma’am, nandito na po.

     

    VP LENI: Ka Ernie, nandiyan ka na ba?

     

    ELY: Magandang umaga po, Ka Ernie.

     

    ERNIE EGANA: Hello po.

     

    VP LENI: Ayon. Ka Ernie, kumusta po kayo?

     

    ERNIE EGANA: Okay naman po.

     

    VP LENI: Ka Ernie nabalitaan namin na mangingisda ka sa San Salvador, Masinloc, tama ba iyon, sa Zambales?

     

    ERNIE EGANA: Opo, Ma’am. Tama po, Ma’am.

     

    VP LENI: Tapos, Ka Ernie, nagkaroon ka dati nang incident, na matagal na sa Scarborough Shoal, ‘di ba, parang pumunta ka doon kasama mo iyong isang grupo ng mangingisda din, pero parang na-harass kayo ng Chinese Coast Guard, tama ba?

     

    ERNIE EGANA: Opo, Ma’am.

     

    VP LENI: Ano iyong nangyari noon, Ka Ernie?

     

    ERNIE EGANA: Kasi po, Ma’am, noong 2018, noong April 14 po, Ma’am, noong pumunta kami sa loob namana, ano po kami, pinagtabuyan po kami.

     

    VP LENI: Ano iyong sinabi sa inyo, Ka Ernie?

     

    ERNIE EGANA: Ano lang po, Ma’am, nag-monstra lang po, Ma’am, na pinapalabas po kami sa loob. Pagkatapos po kaming pinalabas, kinabukasan po, Ma’am, 15, iyon na may kinuha na po nila iyong mga gamit ng kapatid ko — pana isda saka... wala po silang tinirang gamit po nila.

     

    VP LENI: Kinuha nila sa fishing boat?

     

    ERNIE EGANA: Hindi po. Bale ano po eh, may mother boat po kami na malaki. Kami na lang po kasi iyong gumagala na maliit na bangka na nangingisda po na pamana.

     

    VP LENI: So iyong mga gamit n’yo, Ka Ernie, nandoon sa malaking boat? Kayo, para makalapit kayo, iyong maliliit iyong gamit n’yo, ‘di ba?

     

    ERNIE EGANA: Opo, Ma’am.

     

    VP LENI: So pumunta sila sa malaki para kuhanin iyong gamit?

     

    ERNIE EGANA: Ah hindi po Ma’am, hindi na po sila lumapit doon. Kasi naka-angkla po kami sa labas bago — noong inano po namin kung may pinagbabawal sila sa loob, naanuhan po kami Ma’am, dahil hindi po namin alam kung anong pinagbabawal nila doon sa Scarborough, na ayaw nilang papuntahan.

     

    VP LENI: So ito hindi na kayo nakapasok? Papasok pa lang kayo hinarang na kayo?

     

    ERNIE EGANA: Hindi naman po, Ma’am. Noong naka angkla na po kami sa labas, bale kaniya-kaniya na po kaming takbo para manisid, kaya nga po, Ma’am, iyong kapatid ko saka ako, sinubukan po naming pumunta sa loob, Ma’am. Doon po kami hinabol ng kanilang speedboat na coast guard China po.

     

    VP LENI: Hinabol kayo para lumabas na ulit kayo? Ganoon ba iyon?

     

    ERNIE EGANA: Hindi naman po kami lumampas. Ang inaano lang po namin, bakit — nagtataka po kami bakit iyong sa loob po na iyon, ayaw po nila magpaano sa loob, magpapapunta ng mga bangkang maliliit saka malaki po.

     

    VP LENI: Bakit, Ka Ernie, gusto n’yo pumasok sa loob? Dahil dati ba doon kayo nangingisda?

     

    ERNIE EGANA: Bale kasi ano po, sa loob po kasi medyo mababaw din po kasi doon saka medyo marami din sanang isda.

     

    VP LENI: So ang nangyayari — tama ba iyong pagkakaintindi ko — ang nangyayari, ayaw nila na mangisda kayo sa loob na doon sana iyong maraming isda? Sila ba iyong nangingisda?

     

    ERNIE EGANA: Kasi po, ano, iyong ano po namin, ayaw talaga nilang magpalapit, kasi doon sa loob po, may dalawang barkong China Coast Guard na naka-angkla na bantay po nila. Ewan ko po kung bakit ayaw nila magpapasok doon, wala naman pong kanilang nakalagay doon.

     

    VP LENI: Pero ito, Ka Ernie, ilang taon na kayong nangingisda?

     

    ERNIE EGANA: Ano po, kasi noong 1994 po hanggang ngayon po nangangalburo kami talaga.

     

    VP LENI: Oo, tapos dati ba napapasok n’yo iyong mga lugar na kung saan marami iyong makukuhang isda?

     

    ERNIE EGANA: Opo, Ma’am. Noon kasing 2001, nakakapasok po iyong mga malalaking bangka, noong wala pa iyang mga China coast guard po.

     

    VP LENI: Oo

     

    ERNIE EGANA: Kaya nga po —

     

    VP LENI: Tapos ngayon na lang?

     

    ERNIE EGANA: Kaya nga po medyo kabado kami dito sa labas mag angkla kasi malalaki po iyong alon. Hindi po alam kung ano mangyari kapag naano kami ng alon. Kaya kung nasa loob kami sana, kampante po sana kami.

     

    VP LENI: Oo, kasi kapag wala masyadong — mas kalmado sa loob, ‘di ba?

     

    ERNIE EGANA: Opo, Ma’am.

     

    VP LENI: Kasi, Ka Ely, ito iyong shoal, kaya iyong ibang mangingisda gusto sana ganoon, kasi mas buwelo silang makakapangisda kasi hindi malikot iyong dagat. Pero anong epekto nito sa kabuhayan n’yo, Ka Ernie, na hindi na kayo nakakapasok sa loob?

     

    ERNIE EGANA: Ma’am?

     

    VP LENI: Ano iyong epekto sa kabuhayan n’yo na hindi na kayo nakakapasok doon sa loob?

     

    ERNIE EGANA: Malaki po, Ma’am, iyong ano sa amin dahil humina na po iyong pagkuha namin ng isda. Kung nasa labas po kami manisid, malakas po ang alon. Kapag maalon, hindi po kami nakakaporma na mangisda sa labas.

     

    VP LENI: Gustong sabihin, Ka Ernie, pati iyong kita n’yo sa pang araw-araw malaki iyong epekto?

     

    ERNIE EGANA: Opo, Ma’am, malaki po iyong epekto.

     

    VP LENI: Ka Ernie, sa lugar n’yo lang, mga ilan kayong manginigsda?

     

    ERNIE EGANA: Ay, dito po sa amin, Ma’am, mga mangingisda na na kasama kong pumupunta ng Kalburo, mga nasa sampu po kami.

     

    VP LENI: So lahat kayo apektado?

     

    ERNIE EGANA: Opo, Ma’am.

     

    VP LENI: So ngayon, Ka Ernie, dahil doon sa karanasan n’yo, sumusubok pa ba kayo or natatakot na kayo?

     

    ERNIE EGANA: Ah kasi Ma’am, sa amin naman po, Ma’am, sanay naman na po kami sa pagpunta ng Kalburo, ang inaano lang po namin, iyon lang po, kinakabahan po kami sa ano ng China, kasi hindi po namin alam kung anong maisipan po na gagawin po sa amin na mangingisda.

     

    VP LENI: So karamihan sa inyo, natatakot kung mayroong gawin sa inyo kapag nagpumilit kayo.

     

    ERNIE EGANA: Opo, Ma’am dahil sa kanila po ang sasakyan nila barko; sa amin gawa lang po kahoy.

     

    VP LENI: Oo nga, maliliit lang iyong dala n’yo. Tapos nabasa ko, Ka Ernie, iyong mga kwento na paminsan, mayroon na kayong mga huli, kinukuha pa iyong magaganda n’yong isda? Tama po ba ito?

     

    ERNIE EGANA: Opo, Ma’am. Nangyari po sa amin ‘yan noong 2018, kasi po tuwing madaling araw po, Ma’am, umaakyat sila sa bangka namin, Ma’am, hinahalukay nila ‘yong mga isda na huli namin. Tapos, Ma’am, ‘yong magagandang isda kinukuha nila, pagkatapos pinapalitan lang po ng isang Maggi [noodles] at isang bote ng alak.

     

    VP LENI: Oh my God. Iyon ang iniiwan nila sa inyo.

     

    ERNIE EGANA: Opo. Iyon lang po iyong parang kapalit siguro, Ma’am.

     

    VP LENI: Oh my God. Grabe, Ka Ely, ano.

     

    ELY: Ka Ernie, naisumbong n’yo na po ba ito sa ating gobyerno? O diyan po sa inyong Mayor?

     

    ERNIE EGANA: Nakarating na po iyan sa kaniya, Sir, kaya lang —

     

    ELY: Anong nangyari?

     

    ERNIE EGANA: Ewan ko po ba, Sir, dahil noong pinatawag din kami sa kay Mayor, parang balewala din po, Sir, kasi iyong asawa niya Intsik.

     

    ELY: Naku, siguro, Ma’am, magfofollow-up na lang tayo sa kanila diyan sa Masinloc.

     

    VP LENI: Ano din... Ka Ernie, pabisitahin po namin kayo sa aming team. Tingnan din po namin kung paano makakatulong iyong opisina namin. Pero mag-iingat po kayo lagi.

     

    ERNIE EGANA: Opo, Ma’am.

     

    VP LENI: Mag-iingat po kayo lagi. Paabot lang po sa mga kasama n’yo na kaisa n’yo naman kami. Handa po iyong opisina namin na tumulong, kasi kung ganiyan iyong kuwento, gustong sabihin talagang iyong kabuhayan na iyong naapektuhan. Nakikiisa po kami. Nalulungkot po kami na nangyari ito sa inyo, pero bisitahin po kayo ng aming opisina para makatulong po kami kahit papaano.

     

    ERNIE EGANA: Ma’am, marami pong salamat.

     

    ELY: Okay, salamat po.

     

    VP LENI: Marami pong salamat, Ka Ernie.

     

    ELY: Okay po, salamat. So yan po si Ka Ernie diyan po sa Masinloc. So parang wala pong nangyari sa kanilang pagsumbong sa ating gobyerno.

     

    VP LENI: Para sa akin, Ka Ely, pambihira naman, ano. Binabawalan na sila, iyong kaunti na nakuha nila kukunin pa.

     

    ELY: Opo.

     

    VP LENI: Grabe... Grabe, nakakaawa na pinalitan lang ng, ano daw iyon, iyong noodles —

     

    ELY: Saka isang alak.

     

    VP LENI: —iyong kinuhang isda. Saka isang alak.

     

    ELY: Okay, Ma’am, wala na po tayong oras. Ano po iyong inyong mensahe dahil ang Pilipinas ay naitala na naman na pinaka kulelat sa mga ligtas na bansa dito sa Global Finance? Ang inyong mensahe po.

     

    VP LENI: Oo, Ka Ely, tama ba, 134 countries, tayo iyong pinaka last. Siguro tingnan natin — nakita ko iyong portions ng report, hindi ko pa nakikita iyong buong report. Pero ako, Ka Ely, gusto ko iyong statement na binigay ni PNP Chief Eleazar. Parang sinasabi niya na “challenge ito, challenge ito na mas lalo naming pagbutihin iyong ginagawa namin.” Para sa akin, sana ganoon parati, ganoon parati iyong pagtanggap ng ganitong mga ratings. Pagtingin bakit ba tayo pinakakulelat? Sa 134 countries, bakit sinasabi Pilipinas ang pinaka-unsafe? So dapat tingnan natin bakit ganoon, at ano iyong gagawin para hindi na maging ganoon? Kasi, Ka Ely, hindi pala ito first time — noong 2019 pala kulelat din tayo. Hinahanap ko pa iyong buong report, pero siguro sa susunod na Biserb program natin, pag-usapan natin ito.

     

    ELY: Okay, salamat po, Ma’am, at ingat po lagi.

     

    VP LENI: Ingat din, Ka Ely.

     

    ELY: At iyan po ang ating Bise Presidente Leni Robredo. Maraming salamat. Ako po muli ang inyong Radyoman Ely Saludar. Muli po, isang magandang umaga, Pilipinas.

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on Jul 11, 2021