This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI Episode 220

    BISErbisyong LENI Episode 220

    ELY: Good morning, magandang umaga Pilipinas—Luzon, Visayas, Mindanao. Ito na po ang BISErbisyong LENI sa RMN. Ngayon po ay araw ng Linggo, July 25, 2021. Ako pa rin po ang inyong radyoman Ely Salazar. At siyempre mula po dito sa DZXL Manila ay mapapakinggan din tayo ngayon dito po sa DYHP Cebu, RMN DXCC Cagayan De Oro, RMN DXDC Davao, RMN DWNX Naga at siyempre sa lahat ng inabot ng ating broadcast nationwide, netwide. Magandang umaga at siyempre makakasama naman po natin ngayong araw na ito ay ang opisyal na tagapagsalita ng tanggapan ng Pangalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas, si Atty. Barry Gutierrez.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Magandang umaga, Ka Ely, at kahit maulan sana maganda naging ang umaga mo. At magandang umaga sa lahat ng ating mga tagapakinig sana kayo ay ligtas at nag-iingat sa panahon ngayon.

    ELY: Okay at para sa kaalaman ng ating mga listeners at nanonood sa ating FB Live ay nasaan ang ating Bise Presidente?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Nasa Naga ngayon si VP Leni dahil mula Biyernes sinimulan iyong Naga Vax, iyong programa sa kaniyang probinsya para magbigay ng bakuna sa ating mga kababayan doon. Katulad ito, Ka Ely, noong mga nakaraang linggo na may pinatupad din na Vaccine Express naman dito sa Maynila ngayon naman ay sa Naga so siya mismo ay umuwi para siya ang manguna dito sa programang ito sa kaniyang hometown.

    ELY: Ito iyong kagaya ng ginagawa ng ating Bise Presidente, iyong kanilang pakikipag-partner ng OVP sa Maynila ‘di ba? Parang ganyan din.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama, Ka Ely, kasi wala namang supply ang OVP ng bakuna so nakikipag-partner tayo sa mga local governments na nakakakuha ng supply ng bakuna mula sa national government. At tinutulungan sila sa programa ng vaccination. Paano mag-engganyo ng mas marami sa ating mga kababayan, iyong mismong pag-aayos at pag-oorganisa noong vaccination program. So nagawa na ito sa Manila. In fact nakapag second dose na iyong mga nabakunahan sa Maynila itong nakaraang linggo lang, noong Tuesday at Wednesday. So ngayon naman sa Naga ito ginagawa. 

     

    ELY: At siyempre bukod sa pagiging abala ni VP Leni dito po sa Vaccine Express at sa Nagam siguro pahapyaw, Attorney, na ipaalam din natin sa ating mga listeners yung iba pang mga naging aktibidad ng Bise Presidente sa nagdaang linggo. Ako nakikita ko schedule niya, Attorney, parang mas marami dahil sa puro via Zoom, eh.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, Ka Ely, sa isang linggo siguro mga 50, 60 messages—video messages ang shinu-shoot ni VP Leni. So ano ito, mga imbitasyon sa mga iba’t-ibang online events, imbitasyon sa mga forum, imbitasyon para mag-participate sa kung ano-anong mga activities ng ating mga kababayan. Pero dahil nga tayo ay hindi pa rin nakakalampas dito sa krisis ng COVID, kadalasan online ito. So ang hinihiling kay VP Leni either live siyang mag-a-attend, pero mas madalas hinihingan ng recorded message. Gaya nga ng nabanggit ko, Ka Elym sa isang linggo mga 60 messages ang kanyang nire-record. Grabe, punong puno talaga iyong ano... Pero bukod diyan tuloy tuloy lang iyong ating mga ginagawang mga initiatives para sa COVID-19. Itong nakaraang linggo, tumanggap na naman ng mga donasyon si VP Leni mismo sa ating mga butihing donors sa aming opisina. Hindi ko alam kung nadaan ka doon recently, Ka Ely, pero talagang punong-puno. Parang warehouse ‘di ba?

     

    ELY: Attorney, hindi ko na nga makilala. Ito ba ang OVP? [laughs]

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, punong-puno pa rin. Papasok ang mga donasyon, ilalabas dahil dadalhin sa mga komunidad at mga lugar na kailangan mabigyan ng tulong ang ating mga kababayan. Kaya talagang parang warehouse talaga ang nangyari sa ating opisina. Pero nakakataba naman ng puso na kahit mahigit isang taon na tayong bumubuno dito sa problema natin sa COVID, hindi pa rin napapatid ang mga donasyon, ang tulong na nakukuha natin mula sa ating mga kababayan. Talagang iyong spirit ng bayanihan buhay na buhay sa Pilipinas sa aming pananaw dahil nga dito sa karanasan naming ito. At bukod diyan, gaya nga ng nabanggit ko kanina, Tuesday at Wednesday, second dose ng Vaccine Express sa Manila, partnership ni VP Leni at ni Mayor Isko Moreno. At dito sa second dose na ito halos 3,000 na mga tricycle drivers, pedicab operators, delivery riders, at mga residente ng Lungsod ng Maynila ang nabigyan ng second dose ng bakuna. At siyempre dahil nga ang idea talaga ni VP Leni para malabanan iyong vaccine hesitancy or iyong pagkakaroon ng agam-agam sa pagbabakuna, mayroong incentives na binibigay. So mayroon tayong relief packs, mayroon tayong vaccination care kits, mga mask ito, gamot, antihistamine, tubig at iba pang mga produkto na galing sa ating mga donors Ka Ely. Friday naman at Sabado, gaya nga ng nabanggit ko, NagaVax Express launch sa Naga City. Hanggang  ngayon, nandoon po si VP Leni para pangunahan itong inisyatibang ito.

     

    ELY: So ayun po ano ating mga kababayan, patuloy… Kung baga sa ano, sulit na sulit ang ating Bise Presidente. Kumpara sa iba diyan na once a week lang.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Naku, lalo na mula… alam niyo naman, Ka Ely, ito ‘di ba mula ng magsimula talaga y iyong ung problema sa COVID. Grabe ang naging schedule ni VP Leni. Hands on na hands on. Nakatutok dito sa pagkilos, pagtrabaho, pagtulong sa ating mga kababayang nangangailangan ng suporta sa panahon ng COVID. Iba’t-ibang mga inisyatiba na ang napatupad ni VP Leni sa pamamagitan ng ating tanggapan. Mula sa libreng sakay noong panahon na nagkaroon ng ECQ dito sa Maynila at sa Cebu, pag-didistribute ng PPEs or mga personal protective equipment sa ating mga frontliners, pagbibigay ng mga relief goods sa mga tinamaan ng bagyo, at lindol at pagputok ng bulkan nitong nakaraang 18 months. At ngayon siyempre ito namang pag roll out nitong Vaccine Express o itong pagbabakuna.

     

    ELY: Talagang napaka-importante na dapat talaga sa isang opisyal ng gobyerno, 24/7 lalo’t may pandemya, ang daming nangyari dito sa ating paligid. Hindi pupuwedeng isang araw sa isang linggo ka lang tapos iyong pag-aanunsyo lang ng kung ano’ng mga quarantine at babanat ka sa mga kalaban mo sa pulitika.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Feeling ko nga, Ka Ely, kung minsan iyong 24/7 kulang pa kay VP Leni sa dami ng trabahong sinisikap niyang gawin. Pero tayo naman ginagawa natin kung ano ang kailangan. Talagang sineseryoso ni VP Leni iyong kanyang tungkulin bilang isang halal na opisyal, bilang pinagkakatiwalaan at inaasahan ng marami sa ating mga kababayan. Sa kaniya malinaw na tungkulin, malasakit talaga ito para sa ating kababayan. Ito ang pinangako niya noong siya ay nahalal. Talagang gagawin niya ang lahat para makapagbigay kalinga, makapagbigay suporta, makapagbigay ng tulong sa mga pamilya ng Pilipino sa iba't-ibang bahagi ng bansa lalo na ngayong pandemya na madaming naghihirap at madaming nahihirapan.

     

    ELY: Ang DOH kinumpirma na mayroon nang local transmission nitong mas mabagsik na Delta variant ng COVID-19 dito sa ating bansa. Kasi sa Indonesia mayroon ‘di ba mula sa India, ang naging epicenter ay Indonesia. 

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama, tama.

     

    ELY: Ang pinangangambahan ngayon baka na mangyari ito sa Pilipinas ayon nga sa OCTA research. OCTA group. Ano ang pananaw ng OVP? At least binalik sa mas mahigpit sa GCQ with...

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: With restrictions.

     

    ELY: Heightened restrictions.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama. Well ‘di ba malinaw naman ang posisyon ni VP Leni mula simula: talagang kailangan nating dinggin ang sinasabi ng ating mga eksperto. Kung sinasabi ng ating mga data scientists at ating mga doktor na kailangan mag-ingat dahil nga itong Delta variant sobra daw nakakahawa nito. Parang sa isang nabasa ko parang four times more contagious than iyong regular na COVID na na engkwentro na natin nitong nakaraang isa’t kalahating taon. So kailangan talaga nating mag-ingat. Kita naman natin nga iyong nangyari sa India at sa Indonesia na umaabot ng lagpas 10,000, 20,000 a day ang kaso nilang inaabot sa isang araw. At ayaw nating mangyari iyon dito sa atin. Naranasan—nagkaroon na tayo ng surge noong nakaraang Marso. At talagang naging napakahirap particularly dito sa NCR bubble ‘di ba Ka Ely naalala mo, hindi makahanap ng ospital na mapupuntahan ang maraming mga kababayan natin na nagkasakit. Kaya nga noong panahon na iyan, dito naman sinimulan ni VP Leni ang Bayanihan E-Konsulta. Iyong tele-consultation na puwedeng magpapadala ka lang ng message sa Facebook doon sa sa Bayanihan E-Konsulta page, tatawagan ka ng staff ng OVP, at puwede kang makipag-usap at kumonsulta sa doktor sa telepono. Dahil nga madami, hindi na makapasok sa ospital. Walang makitang ospital na tatanggap sa kanila. Walang doktor na makausap, so ito iyong ginawa ni VP Leni at ang OVP noong panahon na iyon. Ayaw nating maulit iyong ganiyang klaseng problema. Nakakalungkot at nakakadismaya talaga iyong mga balitang lumalabas noon na umaabot sa ospital, hindi ma-admit, dinadala lang sa tent sa parking lot at madami doon na pumanaw. Hindi natin gustong maulit iyon. Ayaw nating mangyari yung nakikita nating nangyayari ngayon sa Indonesia at nangyari sa India at iba pang mga bansa. So welcome, Ka Ely ,mukha namang ang ating pamahalaan at IATF ay mayroon namang pagkilalala na ito ay maaring maging problema kaya nga nag impose ng mas mahigpit na restrictions ulit sa ilang lugar.

     

    Pero ang inaasahan natin dito bukod diyan, sana mas pinapalakas talaga iyong kapasidad ng ating mga ospital, mga clinic na tumanggap ng mas maraming pasyente. Kasi ito na iyong naging karanasan natin, Ka Ely, nitong nakaraang Marso. Naalala mo noon nagmadali at madaliang nagtayo ng mga modular structures para may additional na hospital beds. Pero ang sinasabi natin dito, bukod sa doon kama na literal, kailangan mayroon ding personnel. Mayroong doktor na titingin sa iyo, mayroong nurse na naka-assign doon sa pasyente na ilalagay sa kamang iyon. So sana napaghandaan natin. Alam naman natin bugbog na bugbog na rin ang ating mga frontliners, ang ating mga healthcare professionals, doktor, nurse, iba pang staff ng ospital. Dahil, well, napakahirap nitong nakaraang isat-kalahating taong ito. Inaasahan natin na ginagawa ang kailangang preparasyon. Pero noong nakaraang linggo, nagpalabas uli ng maiksing mensahe si VP Leni diyan through video. Pinapaalala lang sa ating lahat na dahil nga dito sa Delta variant, dahil nga hindi pa rin tayo umaabot sa herd immunity, kailangan pa rin natin mag-ingat. So kahit tayo ay nabakunahan na, maging first dose or second dose, kailangan pa rin nating mag-masking. Kailangan pa rin natin mag-observe ng social distancing. Kailangan pa rin nating maghugas ng kamay at mag-ingat. Iwasan pa rin ang malakihang pagtitipon ng mga tao ‘di ba at kung maiiwasan nating lumabas, well, iwasan natin ‘di ba? Kaya nga sa dito sa Vaccine Express na in-implement ni VP Leni nung nakaraang buwan, ang priority natin yung mga talagang dahil sa kanilang trabaho kailangan lumabas—tricycle driver, delivery rider, mga iba pang mga involved sa public transport dahil siyempre trabaho nila iyan. Kailangan nilang maghanapbuhay. Kailangan nilang kumita. Kailangan nilang lumabas. Kaya gusto natin protektado sila. So sana patuloy lang nag ganitong pag-iingat at pabilisin ang vaccine rollout. Kasi, Ka Ely, di ba ang matagal nang sinasabi ni VP na ang tanging solusyon dito sa ating krisis na kasalukuyang binubuno dito sa COVID, kailangang maabot natin ang herd immunity.

     

    ELY: Tama.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Kasi habang hindi pa nababakunahan ang karamihan sa ating mga kababayan, malaki ang panganib na maidudulot pa rin nitong COVID sa atin.

     

    ELY: Pero dito ano ang panukala at nakikita ninyong solusyon, Attorney, kasi talagang napaka-limitado at kakaunti ngayon ang ating healthcare workers. At ang sinasabi kasi diba naantala ng dalawang taon dahil sa K-12 ang pag-graduate ng ating mga nurse. So paano natin ito masosolusyunan kasi ang dami rin gusto mag-abroad kasi napakaliit po ng benepisyo dito. Iyong iba naglingkod na nga ng mahigit isang taon, hanggang ngayon ‘di pa nila natatanggap ang benepisyo.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Iyon nga Ka Ely dapat iyon ang unahin. Ibig sabihin iyong mga pinapangako na dagdag allowance, iyong mga hazard pay. Kailangan ibigay kasi nga, gaya ng sinabi niyo, kumpara sa puwedeng kitain ng mga healthcare workers natin kung sila ay lalabas ng bansa, mababa talaga iyong baseline na kinikita nila dito. Pero nakikita na naman natin na sa kabila noon, marami pa rin sa ating mga kababayan dito pa rin nagseserbisyo, dito naglilingkod. Pagmamahal na sa bayan iyon ‘di ba. Pero ‘di ba, dapat bigyan naman natin ng sapat na suporta ‘di ba? Tiyakin natin na iyong lahat ng mabibigay nating allowance sa kanila maibigay. Tiyakin natin na iyong gamit na kailangan nila para manatiling ligtas gaya nga ng mga personal protective equipment maibigay sa tamang panahon.

     

    Kaya nga, Ka Ely, mula last year iyan ang isang tinutukan ni VP Leni. Tiniyak natin na iyong mga nagkukulang ng PPEs, madami kasi talaga noong una, walang PPE ‘di ba?  Kapag humarap ka sa may sakit na hindi ka nakasuot talaga noon, ang laki ng tiyansa na ikaw ay mahahawa. So iyon talaga ang tinutukan ni VP Leni: iyong pagbibigay ng protective equipment sa ating mga frontliners. So iyong mga ganoong klaseng suporta kailangan tiyak iyon. Habang hindi natin naibibigay iyon, habang hindi natin naipapangako iyon, mahirap naman umasa lang na bigay nang bigay ang ating mga frontliners, bigay nang bigay ang ating healthcare workers pero hindi natin nabibigyan ng akmang suporta. At siyempre lagpas diyan sa suporta, pakinggan naman natin ‘di ba? Kung mayroon silang mga mungkahi, sinsabi nila kailangan mag-impose ng restrictions or kailangan talagang mapabilis ang vaccine roll out, pakinggan natin dahil sila ang nakakaalam niyan. At sa dulo, kapag tayo ang hindi sumusunod sa patakaran or maling patakaran ang napapatupad, dumadami ang nagkakasakit, sila naman ang sumasalo. Sila ang ating inaasahan. So sana bigyan ng mas malaking boses doon sa paghubog ng mga polisiya na ating pinapatupad. Siyempre labas diyan, Ka Ely, personal responsibility natin iyong pag-iingat ‘di ba? Kasi ayaw natin na makadagdag pa doon sa pinapasan ng ating health sector, ng ating mga frontliners. Kaya dapat patuloy… gaya nga ng sinabi ko kanina at paulit-ulit sinasabi ni VP Leni, bakuna, bakuna, bakuna. Kailangan talagang pabilisin iyong rollout ng bakuna. Kailangan talagang ensure-in na mayroong sapat na supply ang ating mga LGUs na nagsasagawa nitong vaccination programs. Dahil, Ka Ely, dati ang problema natin ano diba vaccine hesitancy. Madaming mga pilipino na ayaw, natatakot.  

     

    ELY: Walang tiwala.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Baka daw sila ay magkasakit. Baka daw may mga side effects na masama sa kanila. Pero ngayon, Ka Ely, parang ang nakikita natin parang baligtad. Madami na ngayong gustong magpabakuna at mismong sa ating mga surveys na lumalabas, tumaas na talaga iyong porsyento ng ating mga kababayan na handa, willing na magpabakuna. Ang problema, Ka Ely, supply. Minsan wala talaga. Kaya minsan yung second dose ng mga ilan sa ating mga kababayan, natagalan dahil medyo mabagal iyong pagbaba ng supply sa ating LGU. So inaasahan natin na ito ay tinututukan. Nakakainspire at nakakatuwa tuwing makakakuha tayo ng balita na may pumapasok na mga donasyon, may pumapasok na delivery ng mga vaccine na ating binili. So sana mapabilis iyong distribution. Kasi kita naman natin madami nang pilipino ngayon handa talagang magpabakuna. At kahit papaano unti-unting tumataas iyong dami ng ating mga kababayan na nababakunahan sa bawat araw so umaasa tayo Ka Ely na lalo pang bumilis ito para maabot natin sa lalong madaling panahon iyong target nating herd immunity.

     

    ELY: At isa rin sa pinapangambahan dito attorney dahil sa iyong mga pribadong ospital, kasi malaki rin sana ang kanilang maiambag lalo na sa kahandaan dito sa posibleng paglala ng problema natin sa COVID lalo na dito sa Delta variant pero nagrereklamo ang mga pribadong ospital dito sa PhilHealth. Ang tagal-tagal na hindi pa rin nababayaran. Nakailang beses na tayong rigodon diyan sa PhilHealth, ha. Parang paulit-ulit lang din ang problema, Attorney.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo nga, eh. Lalo na sa panahon na ito. Dapat talaga bayaran na iyang mga ospital kasi baka mamaya iyon pa iyong maging dahilan para hindi makapagtuloy ng operasyon dahil nga hindi nababayaran sa mga serbisyong ginagawa nila. Kasi huwag sana nating isipin na ano lang ito, eh, na usapin ng, hindi, parang—“panahon na ng krisis, ‘di ba, parang bayad ang hinihingi niyo.” Hindi, ‘di ba. Kailangan siyempre nilang bayaran iyong kanilang mga empleyado, kailangan nilang bayaran iyong kanilang mga gastusin, kailangan ma-release iyong mga allowances para doon sa ating mga frontliners, ‘di ba. Gaya nga noong binanggit ko, Ka Ely, hindi puwedeng ang expectation natin sila lang ang bigay nang bigay. Grabe na ang binigay ng health sector, Ka Ely. Grabe na ang binigay ng ating mga doktor, ng ating mga nurses, ng ating mga frontliners. Kailangan talagang tiyakin natin sa lalong madaling panahon na iyong suportang kinakailangan nila, iyong bayad na kailangang maibigay sa kanila, eh maibigay na sa lalong madaling panahon, ‘di ba. Nako, iyan ang isang kailangan nating ma-ensure, Ka Ely.

     

    ELY: Okay, iyon, ano, ating mga kababayan, talagang mag-ingat tayong lahat at ang kontribusyon sa ating gobyerno, iyong ating sarili ingatan natin. Sundin iyong mga pinairal, ‘di ba, na health protocols na iyan. Lahat sumunod.

     

    Okay, samantala, sa iba pa nating isyu, Attorney, ito ho, eh ito nabasa ko iyong tweet mo, eh, na kung saan ang binabanggit po ni Presidential Spokesman Harry Roque na kung saan ay mas pinili raw ni VP Leni na maging lider ng oposisyon kaysa noon na maging miyembro ng gabinete ng Duterte administration. So nagpakita ka ng resibo o katunayan. So sige, paki-eksplika mo nga ito, Attorney.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Klarong-klaro naman iyan, Ka Ely, ‘di ba. May resibo nga tayo, eh, gaya ng binanggit niyo, na ang nangyari talaga si VP Leni ay tinext—dinaan sa text, ‘di ba. Ang sinabi sa kaniya huwag ka nang mag-attend ng mga Cabinet meeting. Eh ‘di ba, kung ikaw ay Cabinet secretary, ‘di ba, nangunguna ka sa mga ahensya ng pamahalaan at sa kaso ni VP Leni ito ang HUDCC—ang Housing and Urban Development Coordinating Council—na noong panahon na iyon, iyan ang tumututok, nangunguna sa usaping pabahay ng ating pamahalaan. Eh paano mo naman gagawin ang trabaho mo nang hindi ka pinapa-attend sa mga meeting—sa mga Cabinet meetings? Sinasabihan ka na huwag ka na munang magpunta hangga’t sabihan ka ulit na puwede ka nang dumalo, ‘di ba. At lalo na sa panahon na may trabahong kailangang gawin, ‘di ba. Mayroong malaking pangangailangan na kailangang punuan, ‘di ba. At kung titingnan niyo, Ka Ely, unang-una, talagang ito ay isang sitwasyon na iyong paraan kung papaano ipinaalam kay VP Leni ay parang kataka-taka, ‘di ba. Iyong iba ngang mga nag-comment diyan nagsabi na napakabastos naman at wala sa lugar, ‘di ba. Parang—tingnan mo, text, tapos parang kapag binasa mo iyong text, Ka Ely, parang “sinabi kay ganito at sinasabi sa akin ni ganito na sabihan ka,” ‘di ba? Parang ganoon, eh. So ako, klarong-klaro iyong naging—iyong pangyayaring iyan, ‘di ba. Hindi tinalikuran at hindi inayawan ni VP Leni ang tungkulin. In fact, mula noong pagkaka-appoint sa kaniya sa HUDCC, dire-diretso ang kaniyang trabaho, ang kaniyang pagtutok. In fact, noong siya ay umalis—‘di ba siya ay nagbitiw niyan pagkatapos ng insidenteng iyan, nag-submit pa siya ng mahabang report kay Secretary Evasco na nilahad doon kung ano iyong kaniyang mga rekomendasyon. So sa maiksing panahon na siya ay naglingkod at nagserbisyo sa opisinang iyan, nakapagbigay siya ng malinaw at komprehensibo na mga rekomendasyon kung ano iyong dapat gawin para lalong mapalakas at mapabuti ang pagkilos ng ating pamahalaan sa usapin ng pabahay, tulad noong ginawa niya na siya naman ay in-appoint na ICAD co-chair dito sa Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs tapos after 18 days, tinanggal, ‘di ba, nakapagbigay din siya ng isang napaka-komprehensibo, napaka-kumpleto, napaka-linaw na ulat na mayroong pag-aanalisa nitong sitwasyon at pagbibigay ng mga rekomendasyon kung papaano mapapalakas ito. So klaro, Ka Ely, si VP Leni, handa laging maglingkod, handa laging makipagtulungan sa ating pamahalaan. Ginagawa niya ang kaniyang tungkulin. Sa dulo, gaya nga ng sinabi niya noon, siya handa pero mukhang iyong ibang tao iyong hindi handa para sa kaniya. So klaro iyang kuwentong iyan at kahit na ano pang pasirko-sirkong gawin ng aking kaibigan ay hindi na maiiba ang totoong nangyari.

     

    ELY: Ayon, okay. Pero talagang nakakagulat, ano, dahil sa isang pangkaraniwang employer-employee, iyong pamamaraan na kung mayroon kang mensahe sa iyong empleyado ay ‘di ba nasa maayos at hindi iyong text lang. Pero pabayaan natin, tapos na iyon at ‘di ba…

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo nga, Ka Ely, eh. Parang ‘di ba kapag nakikipag-break ka sa girlfriend mo dinadaan mo sa text o sa sulat. ‘Di ba dapat harapan.

     

    ELY: Pero ano, wala pang text noon, eh. [laughter]

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Okay, sige, sorry ha. [laughs]

     

    ELY: Okay, so ito, Attorney, iyong ito, napanood ko ito kay Christian, iyong binabanggit ng ating Bise Presidente, iyong mga ginawa sa iyo, ano bang gagawin mo kung saka-sakaling—  Alam mo naman hindi natin masabi ang panahon, ‘di ba, kung minsan iyong talagang hindi mo inaakala iyon ang mangyayari na biglang nagkapalit sila ng posisyon, ‘di ba na si VP Leni ngayon siya ang naging presidente at si Presidente Rodrigo Duterte ay naging VP kasi sabi niya tatakbo siya, eh marami ang nagulat sa sinabi ng ating Bise Presidente na kung ano iyong ginawa mong pagtrato sa akin, eh hindi ko gagawin iyon. So maganda, ano, ang naging pahayag ng ating Vice President dito, Attorney.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ako, hindi ako nagulat doon, Ka Ely, kasi ganoong klaseng tao si VP Leni, ‘di ba. Sa kaniya, hangga’t kaya nating magtulungan, hangga’t kaya nating magtrabaho nang maayos at magkasama, eh gawin natin, ‘di ba, kasi hindi naman tungkol sa atin ito, eh. Hindi naman ito tungkol sa personal nating pakiramdam o personal nating damdamin o politika, tungkol ito sa serbisyo at paglilingkod sa ating mga kababayan. So klaro kay VP Leni iyon. Sa buong termino niya bilang Bise Presidente, wala siyang pinamalas kundi kahandaang tumulong, magserbisyo, makipag-ugnayan sa ating Pangulo at sa ating pamahalaan. Sabi nga niya, ‘di ba dapat naman talaga iyong presidente at iyong bise presidente nagtutulungan. Iyon ang expectation ng ating mga kababayan. Iyon ang makakabuti para sa ating bansa. So ikinalulungkot niya, ‘di ba, na hindi siya nabigyan ng maayos na pagkakataon para gawin iyon. Tinanggal siya kaagad sa kaniyang mga posisyong ino-occupy, ‘di ba. Iniipit siya, sinisiraan siya ng ibang mga opisyal ng pamahalaan. So naranasan niya iyon at naranasan niya kung gaano kahirap iyon, kung gaano nagiging mahirap ang trabaho at nakita niya at pinaka-importante, kung papaano ito nakakaapekto doon sa trabahong kailangan nating magawa para sa ating mga kababayan. So klaro kay VP Leni na kung sakali mang mababaliktad ang mundo, siya naman ang magiging pangulo, ‘di ba, si Presidente ang magiging bise presidente, hindi mararanasan ng kaniyang bise presidente itong kaniyang pinagdaanan. Hindi niya ibibitin, hindi niya pupulitikahin. Habang handang tumulong, handa pa rin siyang tumulong.

     

    ELY: So kung ako ang gagamit ng salita, ang gagamitin ko: “iyong panggigipit mo sa akin, hindi ko gagawin iyong panggigipit ko sa iyo sa hinaharap.”

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Eh alam mo naman si VP Leni, Ka Ely, mabait iyon. Hindi iyon magrereklamo.

     

    ELY: Okay, samantala, at siyempre alam naman nating lahat ay sa Lunes, iyong huling SONA—ay, sa wakas—huling SONA ni Pangulong Duterte. Kumusta ba? Kasi ang binabanggit ni SecGen Mendoza na pinadalhan ng imbitasyon si VP Leni para puwedeng pumunta ng personal diyan sa Batasan Complex. So ano ang opisyal na tugon dito ng ating Bise Presidente?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ang buong kuwento ganito, Ka Ely. Nakatanggap tayo ng imbitasyon na magpunta. Kinlarify namin, nagtanong kami ulit doon kung ito ba ay imbitasyon para mag-attend physically sa mismong SONA sa Batasan o virtual kasi last year, Zoom lang pina-attend si VP Leni. Hindi siya pinapunta doon ng personal. So tinanong namin. Ang sabi ano raw, Zoom daw ulit, ‘di ba. So nagpahayag na si VP Leni. Siyempre, pupunta ako, Zoom. Ngayon pagkatapos naming—noong lumabas iyong balita na iyon na ang imbitasyon sa kaniya ay para lang sa virtual attendance o para lang sa attendance via Zoom hindi personal, siyempre may mga nag-react, tapos pagkatapos ng ilang araw, kinlarify, hindi raw. Mayroon daw bagong listahan na inaprubahan ang IATF at puwede na raw siyang magpunta na personal doon sa Batasan. Ang problema lang, Ka Ely, ganito, kasabay noong pangalawang imbitasyon mayroong listahan ng mga protocols na kailangang sundin at isa rito, kung ikaw ay mag-a-attend personally, kailangan nakapag-second dose ka na ng bakuna. Ang problema, si VP Leni, August 11 pa iyong schedule ng kaniyang second dose. So kung pupunta siya ng July 26, ‘di ba, hindi pa siya nakakapag-second dose. Hindi pa nakukumpleto iyong kaniyang pagbabakuna so ayaw naman niyang ipagpilitan, ‘di ba, lalabag siya sa protocol, baka malagay pa sa panganib iyong kaniyang mga makakasalamuha roon kasama na si Pangulo. So nagpaabot at nagpaabot si VP Leni na “dahil dito, dahil hindi pa ako makakatanggap ng second dose kapag sa araw ng SONA, hindi na lang ako dadalo physically. Mag-a-attend na lang ako via Zoom.”

     

    ELY: Ayon, so talagang isa iyon sa mga requirements na fully vaccinated tapos ngayon, naka-RT-PCR, tapos pagdating doon, magpapa-swab ano pa, ano, antigen swab test tapos bibigyan pa kayo ng sariling face shield.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama, Ka Ely, napaka-strikto. Si VP naman handang sumunod sa lahat ng iyon. Handa siyang magpa-RT-PCR, handa siyang magpa-antigen, pero ang problema, hindi mo puwedeng habulin iyong ano, iyong sa bakuna. At saka siyempre, sinusunod niya iyong schedule, eh, August 11, ayaw naman niyang mauna pa sa pila, ‘di ba.

     

    ELY: At saka iyong sa kapag nabakunahan ka na ng ikalawang dose, may two weeks pa dapat, eh, para talagang mabisa.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama, para iyong antibodies mabuo. Tama iyon, Ka Ely.

     

    ELY: Kasi AstraZeneca si VP Leni, eh ako SinoVac, sandali lang, fully vaccinated na ako.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, sa Quezon City kasi siya nag-avail, eh. So nataon na nakapag-AstraZeneca sila.

     

    ELY: Okay, so iyon po ang dahilan. So minabuti ng ating Bise Presidente na huwag na dahil hindi pa siya fully vaccinated. So dito ay via Zoom siya.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Via Zoom, via Zoom, Ka Ely. Si VP naman kahit kailan hindi nag-miss ng SONA. Tinatanaw niya ito bilang bahagi ng kaniyang tungkulin, bilang pangalawang pinaka-mataas na opisyal sa ating bansa. Kaya maging virtual man iyan o physical, siya ay pupunta. In fact, Ka Ely, kung umabot lang iyong kaniyang second dose, pupunta si VP Leni sa Batasan. Pero dahil nga hindi umabot, well kailangan siya mag-attend via Zoom.

     

    ELY: Ayon, iyon ho, mga kababayan, ang pangunahing rason, ano, kasi may iba’t ibang—alam mo naman usong-uso ang fake news ngayon, Attorney.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Nako, Ka Ely, sanay na sanay na tayo diyan, mga limang taon ng fake news, ‘di ba. Dapat talaga hangga’t kaya nating ikuwento iyong totoo, hangga’t kaya nating magbigay ng klaripikasyon kung ano talaga iyong totoong kuwento eh gawin na natin dahil sabi mo nga, pangunahan na natin iyong mga magkakalat ng fake news.

     

    ELY: Oo, pero diyan sa may paligid ng Batasan Complex, masyadong OA naman iyong QCPD.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Bakit, Ka Ely, doon ka ba nanggaling?

     

    ELY: Hindi, kasi taga-riyan ako, eh. Sa kabila ng Batasan Complex. Biruin mo ang daming mga residente diyan maaapektuhan sa aksyon na gagawin ng QCPD. Lahat isinara, ano, iyong kalsada, iyong north bound, iyong Commonwealth Avenue hanggang LITEX IBP road. Tapos kasi kami banda kami diyan sa may Filinvest at Marikina kami pinadadaan, diyos ko pong buhay ito. Eh 'di ba ibinabawal din nila iyong rally rally. Ngayong taon lang ito ah, ngayong taon lang ipinatupad iyong ganito na walang makakadaan sa Commonwealth kahit residente ka doon. So marami iyan mula sa may Don Antonio na mga residente iyong mga Viscareal hanggang doon sa baba eh apektado. Grab iyong ginawa ng QCPD kala mo naman, eh ang pinaka-banta naman diyan ay iyong COVID eh.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo nga, tama. Saka sino ba naman iyong lumalabas ngayon ‘di ba? Dahil hindi naman kailangan.

     

    ELY: Grabe ho, mamay i-aanunsyo ko ho mga kasama iyong mga taga Quezon City, oo, bukas ang ating palatuntunan, iyong mga puwe-puwede niyong daanan. Pero talagang grabe iyong ginawa, iyong mga residente na nasa paligid ng Batasan Complex. Ngayon lang ito nangyari sa huling SONA pa ng Pangulo, sa mga unang SONA hindi ginawa iyong ganyan eh. Ngayon lang, eh. Masyadong OA. Panawagan natin kay PNP Chief Guillermo Eleazar, sana ayusin po ito.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Baka para huwag makapasok ang COVID, Ka Ely. [laughter] Pipigilin sa mga checkpoints iyong COVID para huwag makapasok.

     

    ELY: Eh kahit isara mo iyong lahat iyong buong Commonwealth, magka-bilang panig, hindi mapipigilan iyong pagpasok ng COVID doon sa Batasan. [laughter]

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama, tama.

     

    ELY: Hindi nasa tao kasi kailangan may magdalang tao, eh kung may mahigpit sila…

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama, tama.

     

    ELY: Eh ikaw, 'di ba, taga QC ka Attorney pero hindi ka naaabot eh. Oo. Pero noong diyan kami nagtratrabaho ni VP Leni, talagang araw-araw. Pero ngayon hindi na ako nagagawi diyan.

     

    [END OF FIRST GAP]

    ISTORYA NG PAG-ASA SEGMENT

     

    ELY: Okay, samantala sa ating Istorya ng Pag-asa na tayo, Attorney. At ito ay importante. alam niyo naman sa ating mga kababayan na isa po ito sa pangunahing sangkap ng BISErbisyong LENI. Alam niyo ho itong Istorya ng Pag-asa ay dito po natin nakikita kung gaaano kagagaling ng mga Pilipino na maalpasan iyong mga problema, trahedya sa kanilang mga buhay. Dito, hindi lang basta magkamal ka ng pera, yumaman, hindi ah. Talagang iba iyong mga tagumapay dito, Attorney, dito sa Istorya ng Pag-asa.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama iyan, Ka Ely.

     

    ELY: Okay, nasa linya na natin iyong ating Istorya ng Pag-asa na guest ngayong umaga.

     

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Una, sobra akong excited, Ka Ely, na ito iyong ating guest ngayong umaga—si Ginoong Kevin Eric Reymundo—at mas kilala siguro sa social media sa kanyang ginagamit na pangalan na Tarantadong Kalbo. Ilang araw ko na rin nakikita iyong kaniyang nag-viral na artwork sa Facebook. At siyempre sa mga nakaraang buwan nasusubaybayan ko rin iyong kanyang digital comics na lumalabas sa Facebook so natutuwa ako na siya ngayon iyong ating bisita. So magandang umaga ,Sir.

     

     

    KEVIN ERIC RAYMUNDO: Magandang umaga sa inyo, Ka Ely and Sir Barry.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Barry na lang. Ano ang itatawag namin sa iyo, Kevin?

     

    KEVIN ERIC RAYMUNDO: TK na lang.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: TK, TK na lang. Una, itong past few days talagang sumabog at naging viral iyong iyong artwork doon na Tumindig. Anong pakiramdam noon? Ano ang pakiramdam na talagang kumalat, ang daming nagshashare, ang daming nakigawa rin ng kanilang version ang daming natuwa. Anong feeling no’n?

     

    KEVIN ERIC RAYMUNDO: Ano, overwhelming eh, actually medyo nakakakaba kasi ito iyong pinaka-sumabog na post ko eh. Ang daming sumali talaga, halos lahat. Saka iba’t ibang personalities ang sumali kaya nakakagulat.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo nga eh. Talagang punong-puno iyong Facebook feed ko ng ano, eh.

     

    KEVIN ERIC RAYMUNDO: [laughs] Baka naumay na kayo, ah.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Hindi, hindi umay. Para kasing ano eh, parang siguro iyong sinasabi mo rin na nakakaoverwhelm na makita na talagang ito ay naka-touch ng isang chord sa marami sa ating mga kababayan. At iyong original mo kasing ginawa, ‘di ba, madami nang nagdagdag ng kanilang version, 'di ba dumarami iyong tumitindig.

     

    KEVIN ERIC RAYMUNDO: Dumarami pa.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Dumarami pa. Tapos kani-kanilang—unique sa bawat isang tao na nagpo-post, ‘di ba? Nilalagyan nila ng mga elemento ng kanilang identity.

     

    KEVIN ERIC RAYMUNDO: Noong personality.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Noongng kanilang personality, nung kanilang pinanggagalingan. Saka nakakatuwa iyong iba nakikita ko ginagawa at ginagamit nila sa kanilang mga profile pic, ‘divba? Nakakabit iyong kanilang litrato.

     

    KEVIN ERIC RAYMUNDO: Iyong frame.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, iyong frame. Anong pinagmulan nito, ano iyong intensyon mo noong una mong ginawa iyong original na artwork?

     

    KEVIN ERIC RAYMUNDO: Iyong sa Tarantadong Kalbo page, ano iyon, eh para kasi siyang journal. Doon ko lang nilalabas lahat ng frustrations ko lalo na ngayon na ang daming bad news na nangyayari. Lalo na padating pa iyong SONA so ang daming nagpaparamdam diyan na mga politiko. So iyong Tumindig na artwork, ginawa ko lang siya out of frustration. Kasi parang pakiramdam ko noong time na iyon parang walang nangyayari, parang ako lang iyong sumisigaw. Although mayroon din naman na mga katulad ng iba’t ibang NGOs—kumbaga parang hindi siya unified. Kalat-kalat sila. Kaya ko ginawa iyong artwork na iyon.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Pero, anong tawag dito, in-expect mo ba na talagang puputok nang ganito, ‘di ba?

     

    KEVIN ERIC RAYMUNDO: Hindi.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Kasi sabi mo frustration ‘di ba, pero in-expect mo ba na maraming tao ang ganito ang pakiramdam kaya ka nag-resonate sa kanila at shinare din nila at dinagdagan nila.

     

    KEVIN ERIC RAYMUNDO: Ang in-expect ko lang na usual na magtretrend iyong mismong artwork lang. Kumbaga kasi finished piece na siya. Ang hindi ko in-expect doon na mayroong makikitindig doon sa artwork na iyon.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Noong nagsimula nang lumabas iyong ginagawa ng ibang tao, ‘di ba, kumbaga dagdagan o mag-build on doon sa iyong original na artwork, anong naramdaman mo? Natuwa ka ba?

     

    KEVIN ERIC RAYMUNDO: Noong una natuwa ako, “parang uy, ang galing ah may nag-i-insert ng kani-kanilang…” Laso noong medyo halfway through, medyo nakakakaba kasi mararamdaman mo talaga na ano, ang daming gusto sumali. Actually, nagpatulong na nga ako sa Dakila na i-collect lahat ng mga entries then i-combine sa isang malaking image. Hanggang ngayon, hirap pa rin silang ano kasi ang dami pa ring nagsa-submit eh.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo nga. Nakikita ko na talagang sumabog talaga. Lumaki na nga iyong frame ng original na ginawa niyo eh. Punong puno na eh ‘di ba? Ano naman masasabi mo sa gumawa ng tinatapakan iyong mga tao? Iyong mga dugo-dugo. [laughs]

     

    KEVIN ERIC RAYMUNDO: Ay iyon? Nakakatawa naman iyon eh. Parang ewan. Pero reactionary piece naman kasi iyon. Sa akin wala namang isyu iyon kasi artist din naman siya so hindi ko naman puwedeng pigilan iyong gusto niyang gawin na artwork. Pero sa akin, hindi ako affected doon kasi the fact na gumawa siya ng artwork based doon sa gawa ko, ibig sabihin effective iyong Tumindig na movement. Para silang natakot eh, na ano.

     

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Kumbaga sa iyo nagre-react ‘di ba?

     

    KEVIN ERIC RAYMUNDO: Siguro naghihintay sila na mag-react ako sa kanila pero wala hindi naman kailangan, eh.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama. Sabi mo ito iyong pinaka-naging viral na—kasi hindi naman ito iyong unang post mo. Binanggit ko nga kanina na sinusubaybayan ko iyong parang comic strip mo doon na lumalabas eh, na nakakatuwa na parang madaling maka-relate kumbaga, maliban sa nakakatawa. dahil 'di ba iyong mga ordinaryong nararanasan natin sa ating buhay. Pero dito sa ginawa mo, itong ginawa mo na Tumindig, at iyong pagsabog talaga niya na ang daming nagshare. Anong tingin mo bakit? Ano iyong sentimiyento, ano iyong tungkol doon na bakit naging ganito kalawak iyong kaniyang resonance sa marami sa ating mga kababayan?

     

    KEVIN ERIC RAYMUNDO: Siguro kasi ano, katulad ko rin sila na pagod na rin sila, eh, kasi 'di ba iyong the way the government is handling the pandemic, palpak eh. Ganun iyon eh. Iyong frustrations ng mga tao ka-pareho ko sila. Parang I am just an ordinary citizen na gano’n iyong nararamdaman kaya siguro ang daming naka-relate doon sa pagtindig. Kasi lalo na ngayon with the Anti-Terror Law 'di ba parang nakakatakot magsalita eh kasi may threat ng—aside from doon sa mga trolls baka pwede kang pumunta na lang iyong pulis sa bahay mo eh dakpin ka. So in a way, iyon din iyong ano ko, to resist, iyong takot ko.

     

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo talagang, ako observer lang dito pero talagang nakakatuwa na marami talagang nakahanap ng kanilang boses, ng kanilang tapang, 'di ba, ng kanilang lakas ng loob na ipahiwatig iyong ganyang sentimiyento maski sa social media ‘di ba? Dahil nga doon sa ginawa mong iyon. Ikaw, Ka Ely, baka may tanong ka?

     

    ELY: Hindi, sige, go ahead lang, Attorney.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ayon, so ang tanong ko siguro, what’s next? Paano mo mafofollow up iyong ganitong klaseng ano—at ano ang inaasahan mong makita sa mga darating na mga araw habang patuloy pa rin iyong pag-participate ng marami sa ating mga kababayan at marami sa ating mga netizens dito sa nasimulan mong, in a way, para siyang movement eh on social media. Anong inaasahan mo? Anong expectations mo? Ano iyong mensahe mo sa mga tao na gusto pang maging bahagi nito?

     

    KEVIN ERIC RAYMUNDO: Ayon, siguro ang gusto kong maging effect ng artwork is para mahikayat iyong mga tao na mag-register sila at bumoto nang tama ngayon. Kailangan na natin ibahin iyong pamamalakad ng gobyerno natin.

     

    ELY: Maging matalino sa pagboto, Kevin.

     

    KEVIN ERIC RAYMUNDO: Oo. Tama.

     

    ELY: Kasi alam niyo, iyong sa ating mga kababayan, iyong mahilig na magreklamo. Puro reklamo tayo sa gobyerno, kasi tayo rin may kasalanan, tayo rin ang bumoto eh.

     

    KEVIN ERIC RAYMUNDO: Tama.

     

    ELY: ‘Di ba? So siguro kung may palpak sa gobyerno, palpak iyong naihalal natin, sarili natin iyong sisihin. Kaya ngayon ang panahon. Tamang tama may pagkakataon tayo na bumangon. At kung gusto natin na may patutunguhan ang ating bansa… Kasi ‘di ba, Kevin, Attorney, napakaraming problema ngayon ha. Ang daming walang trabaho. Ang daming nagugutom.

     

    KEVIN ERIC RAYMUNDO: Oo.

     

    ELY: Mataas iyong presyo ng bilihin. Linggo-linggo tumataas ang presyo ng produktong petrolyo. Tapos eh maramdaman mo isang beses lang sa isang linggo nagpaparamdam ang ating Pangulo.

     

    KEVIN ERIC RAYMUNDO: Oo nga, baka natutulog. [chuckles]

     

    ELY: So papaano… [chuckles]

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Hindi, ako, ang isang… Ako, maganda talaga iyong ano eh, iyong mensahe at iyong paalala na ginawa mo. Kasi nga, paalala siya, na sa dulo, sa kabila ng ang dami daming problemang hinaharap, nasa sa atin eh, kung mayroon tayong gagawin. Nasa sa atin kung magsasalita tayo. Nasa sa atin kung tatayo tayo at kikilos para masolusyonan iyong ating mga problemang iyon. At ang isang, siguro, reminder doon sa nangyari, pagkatapos mong ginawa iyong original artwork, maaaring iniisip natin na tayo lang, tayo lang mag-isa, ‘di ba?

     

    KEVIN ERIC RAYMUNDO: Tama.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: —na wala tayong kasama. Hindi natin alam, marami pala naghihintay lang din, iyon din ang saloobin, ‘di ba?

     

    KEVIN ERIC RAYMUNDO: Nakakatuwa din, ano?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, eh. Doon ako natuwa, actually…

     

    KEVIN ERIC RAYMUNDO: Hindi ko din in-expect iyon, na ang dami din pala na ganoon sentiment nila.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, ‘di ba? At nakakapagbigay lakas, ‘di ba, na makita mo na di ka nag-iisa.

     

    KEVIN ERIC RAYMUNDO: Ang dami din sa akin nagme-message na parang, dahil nakita nga nila iyong post na iyon, nagsasalita na din sila. Dati takot sila, ngayon, ano na…

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Iyon nga, kasi…

     

    KEVIN ERIC RAYMUNDO: Kahit iyong mga kamag-anak nila sinasagot na… [laughs]

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo nga eh. Kasi minsan kailangan lang natin, ano eh, ma-realize na hindi tayo nag-iisa, ‘di ba? Na mayroon tayong kasama. Mayroon tayong magiging kakampi. At iyon ang nakakapagsimula ng lakas ng loob. At kapag nagsimula na iyon, eh tuluy-tuloy na, ‘di ba? Iyan na iyon, ‘di ba? Alam mo na eh, ‘di ba? Mayroon ka nang… Alam mo na puwede palang mangyari ito, “puwede ko nang gawin ito, ‘di ba? “Maraming iba’t ibang tao ito iyong nararamdaman at diyan nagsisimula ang pagbabago at pagkakaroon ng totoong solusyon sa mga problemang hinaharap natin. Kaya maraming salamat, TK. Napaka inspiring nung ginawa mo. Napakalaking tagumpay. Sana magpatuloy ka dito sa iyong ginagawa at talagang nakakapagbigay, hindi ng katuwaan, actually, nakakapagbigay inspirasyon at magandang paalala sa marami sa atin iyong mga nilalabas mong mga artworks at mga larawan. Mabuhay, at maraming salamat.

     

    KEVIN ERIC RAYMUNDO: Salamat, Barry.

     

    ELY: Okay. Salamat, Kevin. Okay, so iyan po si Kevin Eric Raymundo, comic artist.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Si Tarantadong Kalbo. Si TK, Ka Ely.

     

    [END OF INP SEGMENT]

     

    ELY: Pero maganda iyong ginagawa niya, attorney, kasi actually ito panlaban ito sa mga ano, sa mga trolls.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, at saka feeling ko, Ka Ely, alam mo ang isang naging problema sa trolling, mula noong limang taon, madami sa atin natakot eh. Nakakatakot na maglabas ng sentimyento sa social media, nakakatakot pumuna kapag may nakita kang mali na nangyayari kasi baka mamaya, kuyugin ka. Baka mamaya, murahin ka. Baka mamaya, i-harass ka. Kami naranasan namin yan, Ka Ely. Umabot na sa punto na parang minsan bago ka kumilos, bago ka magsalita, mag-iisip ka eh. Parang, handa ba akong harapin iyong magiging delubyo na naman ng paninira at panlalait. Pero gaya nga nitong pinakita ni TK, at madaming nakaramdam. Madaming naka-relate. Madaming nag-resonate sa kanila. Hindi dapat tayo matakot eh, ‘di ba kasi madami din tayo, ‘di ba. Iyon nga lang. Sa tingin ko, simula din ito na nababawi natin at nakakabangon tayo sa bullying na nangyari nitong nakaraang limang taon. 

     

    ELY: Tama.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Itong pagto-troll, itong paninira. At paalala sa atin na sa kabila niyan,  kaya nating tumindig. Kaya nating lumaban. Kaya nating magsalita para sa tingin nating tama. 

     

    ELY: At napapanahon ha, iyong bagong imbestigasyon ng Senado dito sa mga troll farms na ito. Kasi gagamitin ito sa eleksyon, Attorney. 

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo. Ang pinaka-nakakalungkot diyan, kung totoong ginagamit pa iyong pondo ng bayan para diyan.

     

    ELY: Iyon.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Sana naman hindi. Kasi ‘di ba talagang ang  laking anay sa lipunan iyong mga trolls. Sumisira talaga iyan sa diskursong maayos. Sumisira talaga iyan sa karapatan ng maraming mga kababayan nating makapagsalita, ‘di ba paninira lang at panlalait ang lumalabas diyan, ‘di ba. At kung tayo pa iyong nagbabayad dito, sa harapan ng panahon na ang laki ng pangangailangan natin para sa gamot, para sa bakuna, para sa ayuda, eh ewan ko na lang, Ka Ely, ;di ba? Di ko alam kung mapapatawad—dapat nating patawarin kung totoong may ganoong anggulo diyan. 

     

    ELY: Siguro, iyong Facebook, bagamat naghigpit na sila, gawin nilang triple. Kasi napakahirap iyong may account na hindi totoong tao, na hindi siya mismo. Kaya talagang lumalaban ang mga talagang grabe na mga fake news kasi hindi siya made-demanda, ‘di ba?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Umasa tayo, Ka Ely, na sa Facebook, mas maghigpit sila habang papalapit ang eleksyon. Maalala mo, ‘di ba noong 2020 sa US elections, talagang nag impose ng ano eh, mas mahigpit na mga polisiya ang Facebook mismo laban sa fake news at mga posts na mapanlinlang, ‘di ba.

     

    ELY: Tama.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Sana para sa atin gawin din nila iyan kasi napaka-importante ng magiging eleksyon sa 2022 para sa ating bansa. At ayaw natin na ang mamayani doon, ang manaig, ay iyong fake news at iyong pagto-troll, at paninira sa social media. 

     

    ELY: Dapat nga…

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ang habol lang naman natin, ‘di ba, mabigyan ng totoong kuwento, mabigyan ng tamang impormasyon iyong ating mga botante. At nagtitiwala tayo, pipili sila nang maayos at nang tama.

     

    ELY: Pero mas maganda siguro, Attorney, ipagbawal na iyong basta may mga isyu sa pulitika, bawal. Alam mo, ang pinaka-talagang layunin ng Facebook—binasa ko iyan eh—talagang iyong magkaroon ng koneksyon eh, ‘di ba, iyong mga magkakaibigan, magkakamag-anak, lahat iyong mga tao, na parang mas magkalapit. Pero ngyaon pinag-aaway tayo ng kaniya-kaniyang isyu sa pulitika. So… ‘di ba at nahahaluan. Ginagawang sindikato ng ilan itong mga troll farms na ito.

     

    Okay, Attorney, sa panghuli, ano po ang mensahe ng ating Tanggapan ng Bise Presidente sa panahong ito, na may pandemya, at dito po sa Metro Manila at ilang mga lugar ay talaga namang matindi, dumadami at dumadanas ng malalakas na pag-ulan dahil sa Habagat. 

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Una, Ka Ely, patuloy lang iyong ating paalala. Mag-iingat tayo. Mag-ingat tayo sa panahon ng malakas na ulan at baha. Mag-ingat tayo sa panahon ng pandemya. Lalo na ngayong mayroon na namang mga babala na baka pumutok iyong Delta variant at dumami ang kaso muli ng COVID sa ating bansa. So laging mag-iingat--masking, paghuhugas ng kamay,  social distancing, at iba pang… pagbabakuna kaagad sa lalong madaling panahon kung mayroong oportunidad.

     

    Pangalawa, Ka Ely, siguro gusto ko lang siguro dugtungan, iyong sinabi ni, ng ating bisita, ‘di ba, si TK. Alalahanin natin, sa dulo, kahit na isipin natin na ang hirap nung panahon ngayon, tayo ay frustrated, tayo ay nahihirapan, nasa kamay natin ang pagbabago. Nasa kamay natin iyong solusyon. Kailangan lang nating tumindig, kailangan lang nating kumilos. At huwag tayo mag-alala, hindi tayo nag-iisa. Madami din tayong ganiyan din ang nararamdaman. At sama-sama, puwede nating makamit ang hinahangad nating solusyon at pagbuti ng ating sitwasyon—sa personal, sa ating komunidad, at sa ating bansa.

     

    ELY: So makinig na lang tayo sa Lunes, attorney, sa SONA. Kasi ang...

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo nga, Ka Ely.

     

    ELY: Pero mukhang maikli lang iyon. Siguro maikli lang.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ang problema diyan parang hindi mo alam eh. Puwedeng maiksi, puwedeng hindi. 

     

    ELY: Kasi ang sabi ano eh…

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Puwedeng on-script, puwedeng hindi. 

     

    ELY: Attorney, ang sabi kasi, iyong mga nagawa eh… [laughter]

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ikaw talaga, Ka Ely. 

     

    ELY: Okay, salamat, Attorney, at good morning.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Good morning, Ka Ely, at magandang umaga din sa ating mga tagapakinig. Mag-ingat kayo.

     

    ELY: Okay, mga kababayan. Iyan po si Attorney Barry Gutierrez, ang opisyal po na tagapagsalita ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo. At sa pangalan po ni VP Leni Robredo, ako pa rin ho ang inyong radyoman, Ely Saludar. Muli po, isang magandang umaga, Pilipinas.

     

     

     

     

    - 30 -

     

    Posted in Transcripts on Jul 25, 2021