This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI Episode 221

    BISErbisyong LENI Episode 221

    ELY: Good morning, magandang umaga Pilipinas—Luzon, Visayas, Mindanao! At ito na naman po, Linggo. Ngayon po ay August 1, 2021, isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI dito po sa RMN. Mula po dito sa DZXL 558 Manila, tayo po ay napapakinggan sa DYHP Cebu, DXCC Cagayan De Oro, DXDC Davao, DWNX Naga, at siyempre sa lahat po ng sa lahat ng inaabot ng ating broadcast nationwide, netwide, ako pa rin ho ang inyong radyoman Ely Saludar. At siyempre kasama po natin ang nag-iisang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning!

    VP LENI: Good morning, Ka Ely! Good morning po sa lahat ng nanunuod sa atin ngayong umaga sa Facebook live ng RMN saka ng VP Leni Robredo. Good morning din sa mga nakikinig sa atin sa RMN DZXL Manila, saka sa nakikinig po sa atin sa Bicol, marhay na aga saindo gabos. [Sa] nakikinig sa atin sa Visayas at Mindanao, maayong buntag. Good morning sa iyo, Ka Ely!

    ELY: Opo, good morning at, Ma’am, para po sa ating mga kababayang listeners natin nationwide, netwide, espesyal din po ang ating palatuntunan ngayong araw dahil sa mayroon po kaming makakausap mamaya. Nako, ito po ay talaga namang sabihin na natin bagong bayani ng ating bansa. Pero magbalik-tanaw muna tayo, Ma’am, iyong inyong pong mga naging aktibidad sa nagdaang linggo dito po sa Tanggapan ng Pangalawang Pangulo.

    VP LENI: Ka Ely, noong Monday, State of the Nation Address, ’di ba? State of the Nation Address noong Monday. Dito ako sa bahay nag-attend ng State of the Nation—ito, Ka Ely, mayroong kaunting kalituhan kasi iyong unang invitation sa amin ay Zoom. Actually, several times namin finollow up, vinerify kung talagang Zoom iyong invitation [at] ang sabi ay “oo” pero noong Thursday, naka-receive kami ng panibagong invitation na physical na iyong invitation sa akin. So ako, Ka Ely, ready na sana ako mag-attend pero mayroon silang requirements sa mga mag-a-attend. At isa sa mga requirements ay dapat fully vaccinated. Hindi pa ako, Ka Ely, fully vaccinated kasi iyong aking second dose ay [sa] August 11. So hindi rin ako nakapag-attend, dito ulit ako nag-State of the Nation Address.

    Pero noong Tuesday, Ka Ely, nagpalabas din tayo ng sarili natin na ‘Ulat sa Bayan’. Tingin natin mahalaga ito na, nag-re-report din ako sa publiko kung ano iyong mga nagawa ng Office of the Vice President. Napakabilis lang nito, Ka-Ely, kasi we made sure na maiksi lang kasi mas gusto naman ng tao na mas maiksi. So parang iyong ‘Ulat sa Bayan’ natin parang mga 12 minutes tapos naggawa rin tayo ng mga recommendations tungkol sa COVID-19 response. Noong Wednesday, Ka Ely, buong araw nag-shoot lang tayo ng mga video messages parang kung hindi ako nagkakamali [nasa] 37 iyong shinoot namin—ay hindi, 37 plus 4, so 41 lahat iyong shinoot namin noong Wednesday, halos buong araw. Noong Thursday, Ka Ely, nag-turnover kami ito, by Zoom ng Sustainable Livelihood Subsidy para sa Litex Montalban Transport Cooperative. Parang ito, Ka Ely, iyong cooperative ng mga jeepney drivers na hindi nakakapag-biyahe, so nagbigay tayo ng tulong para mayroon silang alternative source of livelihood at iyong alternative source of livelihood nila, Ka Ely ay parang magbubukas sila ng isang bigasan saka parang grocery sa lugar nila. Ito, Ka Ely, iyong hope nito ay habang hindi normal iyong hanapbuhay ay kahit papaano makatulong. So ito, Ka Ely, na-expose ako actually, Ka Ely, last week. Na-expose ako sa isang COVID-positive patient so nag-quarantine ako. Pero nag-RT-PCR na ako at buti naman negative tayo. So bukas ay balik na tayo sa opisina. Pero iyon naman, masuwerte pa rin ako, Ka Ely, kahit na-expose ako, nagne-negative naman at iyong opisina ay istrikto rin sa quarantine protocols.

     

    Pero ngayong umaga, Ka Ely, [ay] babaguhin natin iyong format ng ating program kasi mayroon tayong bisita na napaka-espesyal. Sabi mo nga, ito iyong ating bagong bayani dahil iyong kaniyang pagkapanalo ay dumating parang sa isang point in time na sobrang kailangan natin. Halos lahat bad news iyong ating natatanggap araw-araw, karamihan ay dahil dito sa COVID, pero iyong kaniyang pagkapanalo, parang nakalimutan natin lahat iyong kahirapan ng ating pinagdaanan at nagbunyi tayo bilang isang bansa dahil sa kaniya. Sabi nga ng iba, ano iyon, parang inalsa niya iyong lahat ng kabigatan na nararamdaman natin. So tayo, Ka Ely, magpapasalamat tayo ngayon—ngayong umaga sa kaniya. I-introduce muna natin siya. Kasama na natin siya ngayon, Hidilyn Diaz. Hidilyn, nandiyan ka na?

     

    ISTORYA NG PAG-ASA SEGMENT

     

    HIDILYN DIAZ: Yes po, Vice President.

     

    VP LENI: Hidilyn, kumusta ka na? Alam ko the past few days kahit naka-quarantine ka sobrang daming interviews na ginawa mo. Siguro pagod na pagod ka na pero gusto naming ipaabot sayo, Hidilyn, na—sana personal pero dahil pareho tayong naka-quarantine—gusto namin sa iyo ipaabot, maraming salamat. Maraming salamat for making us proud. Alam namin na napakahaba ng journey mo. Ngayon, dine-deserve mo mag-pahinga muna pero iniistorbo ka pa namin lalo na on a Sunday morning. So, Hidilyn, congratulations. Maraming salamat sa iyo!

     

    HIDILYN DIAZ: Thank you so much po, Vice President. Thank you so much, DZXL sa pag-imbita sa akin dito. Kung kumusta ako, medyo tanggap ko na—na gold medalist ako kasi noong una parang hindi ako makapaniwala then siguro kahapon ko natanggap, noong nakapagpahinga na ako then ayon nga, sabi ko after winning silver alam ko na iyong feeling ng, alam mo iyon, ang daming activities, media, and thankful ako doon, sa lahat pero na-overwhelm pa rin ako. Pero ngayon nasabi ko na, “Oo nga, ano, gold medal.” Pero nakita ko pa rin na iyong responsibility after the glory.

     

    VP LENI: Ang galing. Kasi, Hidilyn, ‘di ba, ilang beses na rin tayo nagkasama. Magkasama tayo sa Istorya ng Pag-asa noong 2016. Doon ko actually narinig iyong kuwento mo kasi isa ka sa mga nag-salita doon sa Ayala Museum tapos nag-guest ka na namin dito sa BISErbisyo noong 2017. Tapos na-guest ka rin namin doon sa launch ng Istorya ng Pag-asa sa Cuneta Astrodome at alam ko iyong kuwento mo pero gusto ko kasi, Hidilyn, balikan iyon. Gusto ko balikan iyong kuwento mo kasi sinasabi—parang nasabi naman namin sa iyo iyong sadya ng Istorya ng Pag-asa dati, ’di ba, na parang mas mabuting nalalaman ng mga—lalo na iyong mga kapareho mo na mahirap din iyong pinagdaanan, mas mabuting nalalaman na hindi iyon ang katapusan kasi nasa sa iyo kung gusto mo baguhin iyong kapalaran, at iyon iyong ginawa mo. Ito, Hidilyn, ‘di ba lumaki ka sa Mampang, Zamboanga, ‘di ba. Lumaki ka sa Mampang, Zamboanga tapos iyong kuwento mo sa amin na iyong pinanggalingan mong pamilya ay simple lang naman. Simple lang naman iyong pinanggalingan na pamilya, tapos anim kayong magkakapatid, Hidilyn, ‘di ba?

     

    HIDILYN DIAZ: Yes po, Vice President.

     

    VP LENI: Tapos pang-ilan ka, Hidilyn, sa anim?

     

    HIDILYN DIAZ: Pang-lima po sa bunso.

     

    VP LENI: Pang-lima sa bunso. Tapos sabi mo, Hidilyn, dati [na] kahit simple lang iyong pamilya ninyo, ikaw mayroon kang pangarap to be good at something pero iyong tanong ko bakit weightlifting iyong naisip mo?

     

    HIDILYN DIAZ: Noong una po kasi nag-weightlifting ako dahil na-curious ako sa mga pinsan ko. Then later on, na-feel ko na sa weightlifting na na-e-enjoy ko, eh, tapos na-feel ko sa weightlifting na belong ako tapos natatalo ko na rin iyong mga pinsan kong lalaki. Sobrang saya ko kasi nga nag-try ako ng iba’t ibang sports—basketball, volleyball, badminton, kahit nga softball, baseball talo ako parati sa kanila. So sabi ko, “Weightlifting talaga ang para sa akin.”

     

    VP LENI: Tapos, Hidilyn, ‘di ba kinukwento mo na noong nag-uumpisa ka pa lang, wala namang gym sa lugar ninyo so ang ginawa mo ay parang kahoy lang iyong ginagamit mo, ‘di ba? Parang ipil-ipil na kinukuha mo sa, parang branch siya na ginagamit mo tapos parang iyong weights na ginagamit mo ay iyong lata na may pinatigas na semento o ano pa iyong ibang ginagamit niyo?

     

    HIDILYN DIAZ: Mugs ng jeep, tapos, kasi iyon level up, tapos after no’n may nag-donate po ng, ng barbel sa Mampang, galing sa isang school sa Unibersidad de Zamboanga. Tapos no’n, nag level up na kami, nabigyan kami ng scholarship sa school. Ayon sa Unibersidad de Zamboanga. Doon na, doon na nag-start. Kasi iyong weightlifting nabigyan ako ng opportunity para makapag-aral, makapag-travel, maglaro, ma-meet ang iba’t-ibang tao tapos, ayon, naging National Team din ako sa Philippines Sports Commission 2004 hanggang ngayon so…

     

    VP LENI: Grabe, ang tagal na Hidilyn, ano, 2004, 2021 na. Gusto kong sabihin kasi bata ka pa naman ngayon. Gusto ko sabihin ang bata mo, ang bata mo nung nag-ano, nung nakapasok ka sa national team. Pero ito, iyong mga unang ensayo mo sa weightlifting anong, anong edad mo noon?

     

    HIDILYN DIAZ:  Nag-start po ako sa weightlifting 11 years old po.

     

    VP LENI: Eleven. So, ano grade school ka palang noon, ano?

     

    HIDILYN DIAZ: Yes po, Grade 6.

     

    VP LENI: Grade 6 ka tapos nakakuha ka ng scholarship high school?

     

    HIDILYN DIAZ: Yes po, high school nakakuha po ako ng scholarship.

     

    VP LENI: Tapos ito na din, Hidilyn, iyong sumasali kana sa Palarong Pambansa?

     

    HIDILYN DIAZ: Sa totoo lang po walang Palarong Pambansa ang weightlifting sana magkakaroon na. [laughs] Yes po, pero nasalihin ko po ay Batang Pinoy 2002 at saka 2005.

     

    VP LENI: Tapos doon ka na na-discover, Hidilyn?

     

    HIDILYN DIAZ: Hindi pa po eh. After no’n may isang competition, natalo ako, tapos ginalingan ko. Noong 3rd competition ko medyo maganda iyong performance ko ni-rekomenda ako ng National Coach, si Coach Antonio Agustin para maging National Team noong 2004.

     

    VP LENI: Ito, Hidilyn, mahalaga ito. Mahalaga ito na marinig ng mga kababayan natin na natatalo ka din. Na natatalo ka din pero iyong pagkatalo mo ginamit mo para lalo kang mainspire na galingan pa iyong sarili, kasi ‘di ba, Hidilyn, iyong iba kapag natatalo parang nawawalan ng gana, nawawalan ng pag-asa. Pero sa iyo baligtad. Iyong sa iyo baligtad. Iyong sa iyo natalo ka pero ginalingan mo pa. Iyong una mong talo ba sa malaking competition, ito iyong Batang Pinoy?

     

    HIDILYN DIAZ: Hindi po. Kasi iyong Batang Pinoy, gold po ako kasi ako lang mag-isa naglalaro. [chuckles] Pero iyong next na competition national championship ng NSA namin po ay ayon may kalaban ako, sa senior natalo ako. So sabi ko hindi, hindi ako magpapatalo. Iyon iyong una kong talo. Tapos iyong sunod nung first SEA Games ko, talo ako. Iyong mga first international competition ko parati akong last. 

     

    VP LENI: Ah, talaga? Pero ang galing, ano, ang galing parati kang last, natatalo ka pero hindi ka nawalan ng pag-asa. Pero ano lang, Hidilyn, ha, ito mahalaga din na i-emphasize na siguro solo ka sa Batang Pinoy kasi hindi talaga very common ‘di ba? Hindi very common sa mga bata na weightlifting iyong kukunin na sport. Iyong pinaka-uso talaga iyong basketball, swimming, volleyball. Pero ikaw nga napaka—parang napaka-iba ‘di ba kasi pinili mo ‘to. Tapos ano iyong pinaka first mong international competition? Ito ba iyong Beijing?

     

    HIDILYN DIAZ: Hindi po. First competition ko 2004, Asia World Championship sa Thailand, talo din po ako, talo din po ako, tapos no’n 2005 SEA Games, talo din po ako 5/5.

     

     VP LENI: Ah, nag SEA Games ka?

     

    HIDILYN DIAZ: Yes po, then after no’n, 2006 Asian Games, talo din po ako, 12/13, pero nung SEA Games 2007 noong Thailand naging bronze po ako.

     

    VP LENI: Naging bronze ka ang galing. Ilang, ilang taon mo lang noon? Tagal na, ano? Kasi ngayon 30 ka ngayon, Hidilyn, ‘di ba? So Hindi ka pa 20, hindi ka pa 20 noong nag—lumaban ka, lumaban ka sa SEA Games? Pero ito napaka—napakahalaga nito, Hidilyn, eh, kasi mahalagang i-emphasize na hardwork talaga, ‘di ba? Parang kahit may talent ka kung walang hardwork, wala talaga and iyon iyong pinakita mo. Nag-umpisa ka sa bottom, nag-umpisa ka sa bottom, pero iyong mga talo mo ano pakiramdam? Ano iyong nararamdaman mo every talo? Gaya ng sabi mo, last ka.

     

    HIDILYN DIAZ: Siyempre noong una masaya lang po ako na makapag-compete. Pero noong, siyempre medyo matagal-tagal na, nachachallenge ako sabi hindi puwede parati akong talo. Kailangan na matuto ako bakit ako natalo, kailangan maglevel up ako as an athlete and as a person.

     

    VP LENI: So iyong una mong medalya sa international competition 2007 mo nakuha? 2007 nag-bronze ka. Pero ano ‘di ba, noong 2008 nag-Beijing Olympics ka na?

     

    HIDILYN DIAZ: Yes po, pero noong 2007 po nag-stop din po ako sa school para makapag-training ako sa China for three months. May program po kasi iyong Philippine Sports Commission, so pinapunta lahat ng mga athlete doon, so sumama ako, sabi ko sayang naman yung opportunity. Nag-training kami, tapos ayon, ready na ako pumunta sa, nanalo ako. So lahat ng sakripisyo naging maganda po. Tapos 2008 Beijing nasa training din po kami noong China, sa China, two months po ata biglang sinabi na, “maglalaro ka sa Olympics.” Sabi ko, “anong Olympics?” Hindi ko po talaga alam kung anong Olympics. Tapos sabi ko, “Sige, punta lang ako, hindi ko alam.” Pero ayon nga. nag—in-open iyong mata ko, iyong alam mo iyong nangarap ako. Dahil nung pumunta ako sa Beijing hindi ko alam pero sabi ko gusto kong mag-qualify. Next time ayaw ko lang na wild card ako.

     

    VP LENI: Pero ito, ito, Hidilyn, napaka-historic din iyong pagsali mo sa Beijing Olympics iyong first ever—first ever na babaeng weightlifter na nag-represent sa Pilipinas. So iyong sabi mo nga hindi mo naman kung ano iyong Olympics, parang gusto mo lang sumali for the experience, noong nagpunta ka na doon, nag-sink in ba sa iyo kung gaano kalaki iyong competition na sinasalihan mo?

     

    HIDILYN DIAZ: Noong paglapag ko po doon, hindi pa. Masaya na po ako noong that time kasi noong nakita ko si Senator Manny Pacquiao na nandoon, na siya iyong flag bearer, sabi ko, gusto kong magpa-picture kasi siyempre champion siya, world champion. Gusto ko magpa-picture, masaya na ako. Pero noong nakita ko iyong mga iba’t-ibang atleta sabi ko, “ang laki pala nito, iba’t-ibang country,” tapos sabi ko gus- parang ayon nga nandoon si Michael Phelps, nandoon lahat eh, si Bolt, sabi ko, “wow kakaiba ito.” Tapos nakita ko din po iyong mga NBA players. So sabi ko, “wow.” Ang dami kong picture with them noong opening.

     

    VP LENI: Oo, grabe 2008 iyon. Matagal-tagal na, tapos iyong susunod na malaking competition mo ito na ba iyong London na 2012, London Olympics?

     

    HIDILYN DIAZ: Yes po. Pero marami din po akong nilaro after noon. Pero yes po, pero iyong malaking laro syempre Olympics po 2012. Pero after 2008 nanalo na ako ng mga, alam mo iyon, medyo naging 1st na ako sa Asian Youth, naggo-gold, naggo-gold na ako. So medyo nag-level up po ako noong time na iyon tapos nag-qualify po ako noong 2012 Olympics.

     

    VP LENI: Ito, ibalik lang natin nang kaunti, Hidilyn, kasi so nag-umpisa ng sunod-sunod iyong mga competitions mo naging member kana ng national team, lumipat ka na ng Maynila?

     

    HIDILYN DIAZ: Yes po, 2007 nag-training sa China, 2008 nag-training, pero noong 2009, ay 2008 nag—bumalik ulit ako sa eskwelahan sa Unibersidad de Zamboanga pero dahil hindi ko kayang pagsabayin ang Computer Science at saka pagte-training iyong performance ko medyo pangit. Sabi ng Coach ko dati, “Kailangan mo mag-stop.” Kailangan namin mag-stop para makapag-training kami for Asian Games noong 2010. So ayon po nag-stop po ako at nagkaroon nanaman po ng, ano ito, result, kasi nakapag-qualify po ako noong 2012.          

     

    VP LENI: Pero ito, hindi ka ba nahirapan na siyempre bata ka pa, tapos iniwan mo iyong family mo sa Zamboanga. Papaano iyong adjustment mo noon? Kasi dito sa Maynila mag-isa ka ba or may family member na sumama sa iyo?

     

    HIDILYN DIAZ: Wala po akong family member pero may mga teams din po ako na National Team din before. Tapos medyo mahirap kasi nga... Although may kasama din sa dorm, kasi iyong mga athlete magkasama sa isang dorm sa Philippine Sports Commission magkakasama po kami.  Medyo masaya naman po kasi may kasama pero siyempre iba iyong nandiyan ang magulang na gina-guide ka sa buhay tapos may taga-luto, taga-laba [laughs] noong nandito na kami sa Manila, parang natuto kami.

     

    VP LENI: So lahat iyon?

     

    HIDILYN DIAZ: Yes po.

     

    VP LENI: So ikaw, parang bata pa lang tumanda ka na. Parang mabilis kang tumanda kasi mag-isa ka na. And pinagsasabay mo iyong pagiging independent sa pag-training sa sports. Hindi ba iyon mahirap, Hidilyn, na ganoon? Parang in-uproot ka, nasanay ka sa Zamboanga, in-uproot ka. Nandito ka, nakatira ka sa dorm, batang bata ka pa. Ako kasi, Hidilyn, nag-dorm din ako, pero noong nag-dorm ako medyo dalaga na. Pero parang ikaw nagsimula ka kasi sobrang bata mo pa. Hindi ba naging mahirap iyong ganoon, in-uproot ka, hindi mo nakikita magulang mo, bata ka pa kasama mo sa dorm, iba din na dormers, inaasikaso mo iyong sarili mo. Ikaw ba ang naglalaba or may naglalaba para sa inyo?

     

    HIDILYN DIAZ: May free laundry naman po sa PSC kaso minsan ako na po ang naglalaba kasi medyo malayo. Medyo noong una, nahihirapan po kasi siyempre parang iyon nga, parating nandoon ang nanay, gina-guide ako. Pero noong nandito na Maynila, siyempre mahirap iyong wala ang nanay, pag-uwi mo wala iyong alam mo iyong aruga ng isang ina? Malayo.

     

    VP LENI: Pero mabuti, Hidilyn, ano, mabuti kasi ikaw, na-meet na kita. Nakita ko gaano ka ka-humble, nakita ko kung gaano ka ka-respectful kahit sa stature mo. Napakalaking bagay noon na ganiyan na stature mo, ganiyan pa rin iyong ugali kahit maaga ka na-uproot sa family mo. Parang nadala mo iyong values na iyon. And gusto ka naming paabutan ng appreciation kasi lahat na kakilala ko na nakita, nakaisap ka, pare-pareho ang kuwento. Pare-pareho iyong kuwento na iyon nga, napaka-humble mo, napakagalang for somebody na ang dami nang na-achieve. Sabi mo after noong Beijing, maramin pang ibang competitions na nanalo ka na. Tapos sumali ka sa London Olympics noong 2012. Anong nangyari noong London Olympics?

     

    HIDILYN DIAZ: Isa din sa mga failure ko po noong London Olympics, ako iyong flag bearer noon. Siyempre nakaka-proud pero na-pressure po ako at hindi ko nagawa ang dapat kong gawin. Sa clean and jerk iyon, 118 kilos tapos na-zero po ako. Hindi ba nakakahiya na-zero ako sa Olympics?

     

    VP LENI: Pero ano, Hidilyn, nanood kasi kami noong laban mo. Nanood kami ng laban mo pero wala kaming idea kung ano and snatch, ano ba iyong clean and jerk. Ano ba ang kinaibahan noong dalawa?

     

    HIDILYN DIAZ: Iyong clean and jerk po, from the bottom to overhead, diretso lang po. Iyong clean and jerk, idadaan mo pa dito tapos iyong jerk, parang iyong Captain Barbell.

     

    VP LENI: So ano iyon, kapag clean and jerk, lahat kayo ganoon ang gagawin?

     

    HIDILYN DIAZ: Yes po. Kasi iyong event ng snatch may tatlong attempt. May tatlong attempt din po sa clean and jerk. Tapos iyong total po ang kukunin tapos iko-compare po sa kalaban. Kung sino ang pinakamataas, siya iyong malakas at siya iyong first po.

     

    VP LENI: Oo, kasi Hidilyn noong nanonood kami sa iyo, nabasa namin ang mga article na tungkol sa pagkapanalo mo. Pero pupuntahan natin iyan mamaya. Pero sabi mo parang disappointment for you iyong nangyari sa London kasi ikaw ang flag bearer pero hindi ka nanalo. Pero hindi ba iyon—I am sure pakiramdam mo noon deflated ka masyado pero hindi mo iyon hinayaan maging dahilan para hindi ka magpursigi, ‘di ba, kasi nagpursigi ka pa rin. Pero noong 2013, Hidilyn, na-recruit ka o sumama ka sa direct enlistment program ng Philippine Air Force. Bakit nag-desisiyon kang sumali doon?

     

    HIDILYN DIAZ: Sa totoo lang po, bata pa lang kami, kapag sumasali sa National Team, iyon na po ang pangarap ng bawat Filipino athlete na makapasok sa military, sa Philippine Air Force or kahit ano pong Armed Forces of the Philippines iyan. Para sa amin po kasi hindi kami forever na weightlifter. Kailangan po namin magtrabaho or stable job after ng career namin. So ayon, at saka gusto ko rin sa Philippine Air Force kasi nga pangarap ko noong bata pa ako kahit noong—kasi taga-Zamboanga po ako, marami po akong kapitbahay na sundalo. Parang bukambibig parati sa amin na, “Gusto ko mag sundalo, gusto ko maging teacher.” Ganoon sa amin kapag bata kami. So paglaki sabi ko, “Gusto ko maging sundalo.” So nabigyan po ako ng opportunity ng Philippine Air Force at na-recruit po kami dahil may quota ang weightlifting.

     

    VP LENI: Ang galing. Ang galing, Hidilyn, kasi ikaw iyong parang example na kapag mayroon kang pangarap, you work hard for it. So ikaw pangarap mong makasali sa military and nangyari iyon. Nangyari siya in between ng mahahalaga mong competitions ‘di ba kasi it was just after London Olympics. Tapos iyong 2016 na—iyon yung Rio, ‘di ba? Tama ba, noong 2016? Doon ay nag-silver ka. Nag-silver kasa women’s 53 kilos weightlifting division. Ano iyong pakiramdam na nag-silver ka doon?

     

    HIDILYN DIAZ: Kung babalikan ko po doon, sobrang nakaka-proud po. Sobrang thankful po ako kay God kasi unexpected po ang pagkakapanalo ko ng silver. Ine-expect ko po bronze kasi ang weightlifting, measurable sport siya. Before that, alam na namin ang numbers ko na pang-bronze po ako. Pero thank God, binigay Niya sa akin ang silver.

     

    VP LENI: Oo nga, sobrang saya, ano? Sobrang saya kasi iyon nga. Iyon iyong naalala ko, Hidilyn, na nag-meet tayo parang right after. Iyong nag-meet tayo right after the Rio Olympics na sobrang happy kaming lahat sa iyo. Iyon nga, iyong buong Pilipinas noon ganoon din, hindi inaasahan na magdadala ka ng silver pero nagawa mo. Kaya lahat sobrang happy sa iyo. Ito, Hidilyn, because of the silver, I am sure na-overwhelm ka din sa attention, na-overwhelm ka sa lahat ng mga pagpupuri ng mga tao sa iyo, pero ikaw mayroon kang isang magandang ginawa dahil doon sa pagkapanalo mo at iyong isang ginawa mong maganda ay iyong Hidilyn Diaz Weightlifting Gym sa Zamboanga. Papaano mo iyon naisipan na mag-put up doon?

     

    HIDILYN DIAZ: Sa totoo lang po, iyong mga bata po iyong motivation ko bakit ipinagpatuloy ko pa rin noong 2016. Kasi may injury po ako. Nagkaroon ako ng maraming, maraming injury. Tapos before Olympics may injury ako. Tapos sabi ko parang ayaw ko na, pero nakikita ko iyong saya ng mukha ng mga bata every time na nagbubuhat sila ng barbel. Tapos medyo hindi pa kagandahan ang gym ng mga bata noong time na iyon. Sabi ko, “okay, mananalo ako sa Olympics. Magpapatayo ako ng gym para sa kanila.” So ayon, pinatayo ko po iyon para sa kanila at para ma-realize nila ang pangarap nila as a weightlifter. Habang bata ma-realize nila na may opportunity sa weightlifting.

     

    VP LENI: Malaking bagay siya kasi iyong sa iyo, gumaling ka sa weightlifting na hindi ka naman sa gym nag-ensayo, ‘di ba? Hindi iyong sa mga competition, pero nag-umpisa ka na wala kang access sa gym at lahat lang kung available ginawa mo. Tapos ngayon, parang binigyan mo iyong mga bata ng pagkakataon, na bata pa lang sila mayroon silang gym na puwedeng puntahan ng libre. At napakahalaga noon. Pero ito, Hidilyn, iyong susunod noon, marami ka pang competitions na pinagdaanan pero iyong preparation sa Tokyo Olympics, anong klase iyon? Alam ko na iyong journey mo napakahirap. At one point, nagso-solicit ka nga ng help. Pero anong klase iyong preparation? Kasi pumunta ka pa sa Malaysia, ‘di ba, doon ka nag-ensayo? Gusto lang namin parang ma-picture papaano ka nag-prepare na makakuha ka ng gold?

     

    HIDILYN DIAZ: Kung gaano kahirap… Siguro noong first kasi siyempre ako ang first na babae na nanalo ng silver. Tapos pinagpatuloy ko pa rin ang journey ko papuntang Olympics. And then sabi ko hindi ko ito kaya mag-isa. Hindi ko kaya mag-isa. Pero walang naniniwala. Mayroon siguro, pero ayon nga, medyo mahirap kumbinsihin kasi nga ako ang nauunang atleta na pinagpatuloy ang career after pagkapanalo sa Olympics. So medyo mahirap kumbinsihin dahil sabi ko na hindi ko kaya mag-isa dito kasi habang tumatanda, iyong lakas ko bumaba. Gaya noong Asian Games, opo, 53 kilograms, first ako. Gold ako. Tapos noong first olympic qualifying sa world championship, 11 po yata ako. Eleventh out of 45 athletes. First tapos naging 11 ‘di ba parang, “anong nagawa kong mali?” Siyempre lahat nagsabi, “wala laos ka na, huwag ka na maglaro.” Pero siyempre masakit iyon sa akin pero ipinagpatuloy ko pa rin. Sabi ko, “kaya ko ito. Ito kasi ang gusto kong sport. Mahal ko itong sport hindi dahil sa opinyon ng ibang tao or anong sinsabi nila.” So after that, may team po ako behind me na nagsabi, iyong Team HD na sabi nila sa akin I need to stop sa school kung gusto kong mag-qualify sa Olympics. Kasi ang Olympics every four years, minsan ka lang magkakaroon ng chance mag-qualify sa Olympics, baka may chance ka pang manalo. So noong 2018 ang-file po ako ng leave of absence sa Benilde, College of Saint Benilde kasi sabi ko na hindi na ako nakapag-training ng maayos. Ang dami kong ginagawa dito. So iyong coach ko din sabi niya, we need to train outside of the Philippines kasi parating akong busy. Parati akong nasa labas, kumakain kasama kaibigan so…

     

    VP LENI: Walang focus.

     

    HIDILYN DIAZ: So walang focus, so iyong performance ko medyo pangit. First training namin sa labas, together with Team HD, sa China. Hainan, China, sa bundok po kami. two hours away from Wuzhishan, China. Basta nasa labas po kami. Then after noon...

     

    VP LENI: 2018 ito, Hidiliyn?

     

    HIDILYN DIAZ: 2019 po. 2018 November iyong 11th out of 45 athletes.

     

    VP LENI: Ah, okay.

     

    HIDILYN DIAZ: Then silver ang napanalunan ko. Silver or... basta next to China. Two or three… yeah. Tapos after noon, sabi ko, “oh, lumakas ako ha.” Then sabi ko na naman, nanghingi na ako ng support kasi siyemrpe hindi ko binabayaran si Coach Julius. Then nakakahiya naman sa kaniya na tinuturuan niya ako for how many months, four months, five months. Ayon, nanghingi ako ng sponsorship, siyempre parang hindi tanggap ng iba, bakit mo babayaran. Pero sabi ko naman, siyempre nagbibigay sila ng serbisyo sa akin, iyong time and iyong talent nila as a coach so deserve nila mabayaran. Pero ayon, nga, hindi naintindihan ng iba, so ang dami. Ang daming nangyari sa akin.

     

    VP LENI: Pero mabuti hindi ka na-apektuhan, Hidilyn. Mabuti hindi ka nagpa-apekto?

     

    HIDILYN DIAZ: Naapektuhan po ako. Sa totoo lang po naapektuhan po ako, Vice President. Pero suwerte po ako kasi may mga taong nag-guide sa akin noong time na iyon, nagpe-pray po para sa akin. Iyon, ang Team HD, Sir Noel, Philippine Air Force na nandiyan. Tapos may private sponsor po na tumulong sa amin kaya nakapag-training po kami sa labas na ayon nga para makapag-focus po ako lalo. Tapos noong World Championship, nanalo ako ng World Championship ng bronze. Siyempre one to China. World Championship iyon. Kung titingnan ninyo po, from 11th place to 3rd place, sobrang… Pero iyon din ang breaking point ko kasi nga sa lahat ng pinagdaanan ko, parang ito na ba? Ito iyong lahat ng training ko? So iyong pressure nasa sa akin. Tapos gusto kong talunin ang China that time. Tapos noon iyong snatch ko, medyo… kung nandoon po kayo kakabahan kayo kasi noong snatch ko sa laro, snatch dalawa, no lift. Tapos iyong third lift. Noong second lift pa, natamaan ako sa likod. Tapos iyong third lift nagawa ko. So ayon po, nagawa ko noong 2019. Kung hindi ko iyon nagawa, iyong third attempt, baka wala ako sa Olympics kasi may point system po iyong Olympics. Yes po. Tapos noon, SEA Games. Later on, na-realize siguro ng PSC, Philippine Sports Commission, lahat ng private sponsors, na-realize nila iyong importansya ng support system sa likod ng bawat atleta. Sumuporta na po ang Philippine Sports Commission sa training namin, sa competition namin sa Roma World Cup. Hanggang sa nag-training kami sa Malaysia. Kasi di ba may COVID-19 na mga February iyon. Dapat Taiwan kami magte-training kaso may COVID so nag-close ng border. Ka-close ni Coach Gao ang Chinese coach ng Malaysia, ayon, doon po kami nag-training. Fifty five days po sana iyon.

     

    VP LENI: Humaba nang humaba.

     

    HIDILYN DIAZ: Yes po, humaba. Hindi namin inakala na maging 19 months kami doon sa Malaysia.

     

    VP LENI: Pero ito, Hidilyn, kasi si Coach Julius kasama mo na siya since noon pa. Si Coach Gao kailan sumama sa team?

     

    HIDILYN DIAZ: Si Coach Gao, coach ko siya 2018.

     

    VP LENI: Ah, okay. So matagal na.

     

    HIDILYN DIAZ: Yes po.

     

    VP LENI: Matagal na siyang Team HD. Tapos tinitingnan ko Hidilyn, parang maliit lang iyong team ninyo.

     

    HIDILYN DIAZ: [nods]

     

    VP LENI: Hindi ba, halos ikaw, plus four other people? Si Coach Julius, Si Coach Gao, tapos isang psychologist, isang nutritionist ‘di ba? Ganoon lang ba talaga kaliit? Kasi nag-gold ka, nag-gold ka sa Olympics. Pero iyong ganoon ba, ganoon lang ba talaga kaliit ang team? Kasi para sa akin, parang amazing na kakaunti lang kayo tapos na-snatch natin iyong gold.

     

    HIDILYN DIAZ: Para po sa akin yes, siguro sa iba kaunti pero para sa iba madami na iyon. Iyon po iyong pinaka-essential na kailangan ko talaga pero may other coach din po ako na consultant sa yoga. Nagyo-yoga po ako tapos may PT consultant din. Pero sila po ang pinaka-importante na kailangan sa laro at kailangan sa training po.

     

    VP LENI: Tapos nag-lockdown din sa Malaysia. Nagkaroon kayo ng problema kasi hindi kayo pwede pumunta sa dorm, ay sa gym. Noong hindi na kayo puwedeng pumunta sa gym, puwede mo ba i-describe sa akin ano ang nangyari sa training kasi wala nang gym?

     

    HIDILYN DIAZ: Sa totoo lang po noong una, noong unang sinabihan sa Malaysia mag-lockdown na, parang, “ha? Saan ako magte-training?” Iyon iyong pinakaunang concern ko. Saan kami mag-training, saan kami mag-stay? Wala kaming kilalala noong time na iyon. Tapos noong time na iyon, first two weeks, three weeks—three months yata kami nag-training sa condo. So una, nagte-training lang kami kahoy lang, improvised lang. Talagang tumatakbo lang kami sa parking lot. Naging productive lang kami noong time na iyon basta lang hindi kami matengga sa walang ginagawa. At least… Alam naman po hindi kapag pandemic, masyadong ang taas ng anxiety, ang daming iniisip, at ang daming worries. Pero good thing nandoon ang dalawa kong coach, kung hindi sabi ko mababaliw ako na wala akong ginagawa. Buti na lang nandoon sila, inaalalayan ako.

     

    VP LENI: Pero ang galing kasi parang napaka-dramatic noong preparation mo ‘di ba? Iyong preparation mo towards Tokyo Olympics—nag-COVID, na-push back iyong Olympics. Mabuti nga hindi na-cancel, ano? Kasi pinag-uusapan pa ang cancellation. Siguro napakahirap noon for an athlete. Ano ang naramdaman mo noong nabalitaan mo na may possibility na maka-cancel?

     

    HIDILYN DIAZ: Noong na-postpone po, siyempre sobrang parang, “hala another one year? Paano na ito?” Tapos everyday parang nabubuhay po ako sa anxiety. Nabubuhay ako na parang, “hindi naman sigurado kung matutuloy ang Olympics eh. Hindi naman…” Parang alam mo iyong parang feeling ko wala na akong direksyon. Pero buti na lang may sports psychologist at may Team HD na parating nagsasabi na, “hindi, Hids, kailangan pa rin natin mag-prepare. Let’s take it day by day.” Kahit sabihin ko na, “15 months preparation na naman, ang hirap naman nito.” Pero good thing talaga nandiyan ang Team HD na nire-remind ako na, “Hids, just take it day by day. Huwag mo muna isipin na mangyari o hindi, basta preparado tayo.”

     

    VP LENI: Tapos, Hidilyn, ang hindi namin nakikita, kasi nakikita ka lang namin nagli-lift ka ng weights so ang imagination ng karamihan, ganoon lang, nagpa-practice ka lang. Lift ka lang nang lift ng weights pero hindi namin nakikita iyong sakripisyo behind it, ‘di ba. Kasi kahit pagkain kailangan mong madisiplina, kailangan iyong weight mo binabantayan, hindi mo puwedeng kainin iyong lahat na gusto mong kainin. Tapos ang dami pa ring—gaya ng sabi mo, nagyo-yoga ka, maraming mga pinagdadaanan in preparation for it. Puwede bang i-describe mo iyong sa likod noon? Anong klaseng preparation? Kasi halimbawa iyong nutritionist mo, ano iyong role niya sa iyo?

     

    HIDILYN DIAZ: Sa totoo lang po noong, ‘di ba, na-postpone ang Olympics, grabe iyong kain ko. Noong lockdown grabe iyong kain ko. Buti na lang nandiyan siya na sinasabi na, “ Hids, kailangan natin sundin ang meal plan. Kailangan natin na ganito, ganito…” Sabi ko, “Stressed ako, Ma’am, eh.” “Hindi, kailangan. Binigyan na kita ng one week para sabihin na stress-eating ang ginagawa mo.” So ayon. good thing na nandiyan sila, nandiyan si Ma’am Jeaneth na parating nire-remind sa akin. Tapos pinadali niya. Pinadali niya iyong trabaho ko. Kasi iniisip ko lang iyong buhat ko, eh. Sa totoo lang po naging mas mabait akong atleta ngayon—disiplinado. Disiplinado na ako dati kaya lang noong na-realize ko, mas naging disiplinado ako noong nasa Malacca, Malaysia na kami kasi malayo sa civilization. Malayo po kami. So 45 minutes away from Malacca tapos one hour, two hours away from KL so wala akong mabiling pagkain na masasarap. So ayon, nag-stick po ako sa goal. Tapos sabi ko, “Hindi, kailangan maging hobby ko na ito.” Twenty one days hindi ako kakain ng masyado. Susundin ko talaga iyong meal plan ni Ma’am Jeaneth. At napatunayan ko na maganda, maganda iyong naging result. Naging malakas ako tapos bumaba iyong weight ko. So noong pagdating ng Asian championship, gumanda iyong body weight ko kasi parati akong overweight kapag maglalaro. Iyong sauna parati akong nagsa-sauna. Parang one, five days before nagsa-sauna na ako para magkuwan lang…

     

    VP LENI: Pero nakakapang—Hidilyn, nakakapanghina iyong sauna, ‘di ba? Hindi ka ba humihina noon?

     

    HIDILYN DIAZ: Sa totoo lang noong last, last competition, hindi ko alam kung humina ako. Nakakapag-perform kaya lang after ng laro ko, sobrang drained po ako. Sobrang parang magkaka-injury ako. So mahirap iyong recovery. Tapos iyong lakas, parang nandoon iyong parati na malakas ako sa training tapos sa laro baka hindi na kasi nag-lose weight ako. So nandoon iyong parang may doubt ka kung naglu-lose weight ka nang masyadong mataas. So ayon, nag-start na iyong Asian championship. Tapos ngayon, parang pinattern lang namin paano ginawa noong Asian championship para pagdating sa Olympics, maganda. Sobrang galing po ng sports nutritionist ko kasi hindi ko kailangan mag-isip kung anong kakainin ko, kung anong iinumin ko kasi nandiyan siya para i-guide ako. Buti na lang nasa Olympic village siya, nasa laro ko siya kasi noong talagang Asian championship, hirap po kami. Dalawang coaches ko lang po iyong nandoon so every time na, coffee, recovery drink, water, so iyong coach ko instead na gagawin niya iyong kailangan niyang gawin, natataranta siya kasi hindi niya role iyon. Role iyon ng sports nutritionist.

     

    VP LENI: Naging sila lahat kasi sila lang iyong kasama mo. Pero ito—sige, Hidilyn.

     

    HIDILYN DIAZ: Noong Asian championship po, nakita niyo fourth place po ako roon. So iyong mali namin doon, nag-meeting po kami, Team HD. Sabi namin, “Hindi ito dapat mangyari sa Olympics kasi ang Olympics ang pinaka-importante.” So good thing din, natuto kami doon as Team HD. Nag-communicate kami and siguro, God’s blessing iyon.

     

    VP LENI: Ang galing. Pero ito, kulang na tayo sa oras, sayang ang dami pa sanang—pero ito, Hidilyn, ano, kasi sobrang amazed ako na during the competition, parang iyong hindi lang ikaw. Ang gusto kong sabihin, hindi lang iyong pag-ensayo, hindi lang iyong pag-prepare, pero parang mindgame din pala siya, ano? Parang mindgame na iyong strategy napakahalaga. Kasi binabasa ko iyong kuwento, Hidilyn, halimbawa iyong first na buhat mo, ito na iyong for gold, iyong first na buhat mo iyong nilagay mo parang 91 kilos lang, ‘di ba. Tapos iyong kalaban mo 94 sana iyong unang nilagay niya pero nakita niya iyong nilagay mo 91, 92 siya—92 iyong nilagay niya. Nabasa ko iyon, eh. So ang kabutihan, siya iyong naunang nagbuhat, ‘di ba. Siya iyong nauna sa iyo?

     

    HIDILYN DIAZ: Yes po. Sa totoo lang po, strategy po iyon ng mga coaches ko. So one week before ng laro, nag-usap po sila—personal na usapan—kasi nga nasa Malaysia kami noon. Nag-usap sila, “Ito iyong strategy natin.” One day before, sinabi ni Coach Gao, iyong Chinese coach ko, dapat one kilo lang ang lamang natin sa China, ganoon iyong strategy niya. Tapos si Coach Julius, hours before sabi niya, “Kailangan ibaba natin iyong attempt—91 lang para masira iyong…” Ganoon, eh. Ganoon, para masira iyong wire map nila. Kasi hindi nila in-expect na bigla akong tataas, magna-94. So ayon, lahat sila yata nasira din iyong wire map. So nag-attempt sila tapos ako iyong nag-94.

     

    VP LENI: Tapos noong ano, noong nagbuhat ka ba ng 94, ano iyong reaksyon ng kalaban mo?

     

    HIDILYN DIAZ: Sa totoo lang, hindi ko po alam. [chuckles] Kasi masyado po akong focused, masyado po akong—iniisip ko lang talaga iyong recovery ko, iniisip ko iyong technique ko, tapos pinapakinggan ko lang kung ano iyong sinasabi ng sports nutritionist ko na, sabi niya, “You’re prepared. You’re prepared.” Na ginuide ng sports psychologist ko na, “Ito iyong kailangan mong sabihin para mag-psych up siya. Tapos si Julius naman sinasabi niya, “One motion, one motion, one motion.” So iyon, doon ako nagsa-psych up tapos okay, ready na ako. and then tinitingnan ko po ito, hinahawakan, kasi it reminds me na—sa lahat ng mga taong nagpe-pray sa akin para sa larong iyon.

     

    VP LENI: Totoo, at buong bansa pinagdadasal ka kaya nanonood kami. Pero ito, iyong pinaka-final mong buhat, iyon iyong pinaka-dramatic talaga. Iyong final mong binuhat, ang final mo 127 kg ‘di ba? Nabasa ko na—tama ba iyong nabasa ko, Hidilyn, na sa ensayo, hanggang 125 lang iyong binubuhat mo? First time mong bumuhat ng 127 tapos kinaya. Ano iyong pakiramdam noon, Hidilyn? 

     

    HIDILYN DIAZ: Ang pakiramdam ko parang hindi po totoo. Hindi po totoo kasi twice ko pong na-try sa training puro takot ang nararamdaman ko tapos siyempre from previous experience, iyong lakas ko 121 lang, eh, iyong limit ko, tapos nagawa ko. Sa training nagawa ko 125 hindi ako makapaniwala. Tapos nagawa ko twice iyong 125, parang sabi ko, “Malakas na ako.” Pero noong nag-try ako 127 puro takot naramdaman ko. Pero noong larong iyon, nawala po iyong takot sa puso ko. Sinurrender ko talaga.

     

    VP LENI: Pero iyon, plano niyo na talaga, Hidilyn? Plano niyo na talaga—before going to the games—plano niyo na na iyong last mong bubuhatin, 127?

     

    HIDILYN DIAZ: Sa totoo po, hindi ko alam kung ano iyong plano ng coaches ko kasi kapag every time na sinasabi nila iyong number sa akin, iyong magiging strategy nila, kinakabahan po ako, nag-o-overthink po ako, tapos iniisip ko na iyong outcome. Hanggang sa hindi ako makapag-perform nang maayos. So—[chuckles]

     

    VP LENI: Tapos ano, noong nabuhat mo na iyong 127, ang daming umiiyak na mga Pilipino na kasama ka, Hidilyn. Marami kami—marami kami na hindi naman naiintindihan masyado iyong sport pero naiiyak dahil nakita namin ikaw. Nakita namin ikaw na umiiyak tapos una mong pinasalamatan iyong Diyos. Kaya napakalaking moment iyon para sa amin—para sa amin lahat. Kasi hindi namin ine-expect, Hidilyn, eh, ‘di ba. Parang kapag nagse-send off tayo ng athletes, parati nating sinasabi na go for gold. Pero dahil hindi ka pa naman naka-gold before, kahit bronze happy na kami, eh. Eh Olympics iyon. I am sure ikaw ang ine-aim mo, higher kasi nagkaroon ka ng silver. Pero kami, maka-bronze nga lang, happy na kami pero binigyan mo kami ng gold. So sobrang proud moment iyon para sa amin lahat.

     

    Si Ka Ely nakalimutan ko na. Ka Ely, malapit nang matapos iyong oras. Baka may gusto kang itanong kay Hidilyn?

     

    ELY: Kay Hidilyn, congratulations at dito sa ating bansa, ikaw siguro iyong puwedeng makagawa nito dahil sa kadalasan—at hanggang ngayon—kung kailan nagkakampeon ang isang atleta, doon dumadami ang suporta. Baliktad. Dapat bago sumabak sa kompetisyon, doon maraming suporta para makatiyak tayo. So, Hidilyn, anong masasabi mo at bagama’t ang gobyerno, ang PSC, eh tumutulong naman pero sa tingin ko at bilang nag-oobserba, eh hindi sapat para lumakas iyong ating tsansa sa lahat ng kompetisyon.

     

    HIDILYN DIAZ: Masasabi ko lang po, siguro hindi naman po puwede iasa natin parati sa gobyerno. Kailangan din po na, iyon nga, kailangan ng tulong galing sa private sponsors. Then iyon nga, kaya natin manalo ng gold kung sama-sama po tayo.

     

    ELY: Okay, sa akin, Ma’am, isang tanong na lang.

     

    VP LENI: Sige lang, Ka Ely.

     

    ELY: Anong masasabi mo kay Secretary Panelo, Hidi? [laughs]

     

    HIDILYN DIAZ: Na napatawad ko na po siya. As a Catholic and Christian, napatawad ko na po siya at masasabi ko lang na may rason bakit nangyari iyon at ito, naiuwi ko ang gold medal para sa Pilipinas.

     

    ELY: Okay, Ma’am. Okay na po ako sa dalawang tanong.

     

    VP LENI: Ayon, ayaw ko sanang itanong iyon, Hidilyn, Ka Ely, kasi baka ma-put on the spot si Hidilyn pero ang ganda ng sagot niya. Pero ito, Hidilyn, tama iyong sinabi ni Ka Ely. Noong nanalo ka kasi siyempre ang dami, ‘di ba. Ang daming—na-overwhelm ka—ang daming dumadagsa na tulong. Iyon iyong importante siguro na ipaabot—ipaabot sa lahat, hindi lang sa gobyerno pati sa private, na para maka-produce tayo ng mas maraming Hidilyn Diaz, ‘di ba, para maka-produce tayo ng mas maraming Hidilyn Diaz, maganda sana kung bago pa ng kompetisyon, sama-sama talagang sumusuporta iyong lahat. Kasi pinakita mo na kaya, eh. Kaya ng Pilipino. At iyong natalo mo, ‘di ba, iyong natalo mo, Hidilyn, talagang kilala mo na iyon, ‘di ba. Kilala mo na iyon dahil ang dami na rin niyang pinanalo for China. Pero natalo mo siya. Natalo mo siya at pinakita mo na kahit maliit ka, galing ka sa probinsya, hindi ka naman galing sa pamilyang iyong means para suportahan iyong sport mo kaya, pero nagtagumpay ka. Kaya para sa amin, Hidilyn, iyon iyong pagka-bayani, eh. Iyong pagka-bayani, parang natalo mo lahat ng mga kahirapan para magtagumpay. And iyong tagumpay mo, Hidilyn, hindi lang iyon para sa iyo pero iyong tagumpay mo para sa amin lahat—para sa Pilipinas. Itinayo mo iyong bandila natin at doon, nagpapasalamat kami nang malaking malaking pasasalamat. Kaya iyon, Hidilyn, maraming salamat sa iyo. Siguro, hingian ka lang namin ng panghuling salita. Baka gusto mong pasalamatan iyong lahat na kababayan natin na nagdasal para sa iyo at masaya para sa iyo.

     

    HIDILYN DIAZ: Gusto ko pong magpasalamat sa lahat—sumoporta, nagdasal, sumigaw at nawalan ng boses noong laro ko. Maraming, maraming salamat po kasi siyempre, thankful ako kasi lahat tayo sumoporta sa mga Filipino athletes at alam niyo iyon, nag-unite tayo, nagsama-sama sa pagpapanood ng laro naming mga atleta. Malaking bagay po iyon sa amin. And sana po, mag-unite po tayo as a Filipino hindi lang dahil sa Olympics.

     

    VP LENI: Ayon. Wala na tayong oras. Lampas na ng alas-diyes, Ka Ely. Sayang, ano, ang dami pa sana nating gustong itanong kay Hidilyn. Pero maraming salamat, Hidilyn. Humihingi kami ulit ng paumanhin na ginulo ka namin on a Sunday morning. Alam ko na pagod na pagod ka na sa mga interviews pero maraming salamat! Maraming salamat sa pagbigay sa amin ng oras ngayong umaga. Ka Ely?

     

    HIDILYN DIAZ: Salamat po! Maraming salamat po.

     

    ELY: Salamat, Hidilyn!

     

    [END OF INP SEGMENT]

     

    ELY: Okay, Ma’am, at bago tayo magtapos at ngayon nasa GCQ with heightened at mas dagdag pa na restrictions at GCQ o ECQ tayo sa August 6, Ma’am, ano pong masasabi niyo rito?

     

    VP LENI: Iyong sa akin lang, Ka Ely, paalala ulit. Paalala ulit na kahit iyong mga bakunado na, nakikita natin ngayon, Ka Ely, sa balita—nakikita natin sa balita. Kaninang umaga lang kinukuwentuhan ako ng anak ko na pinapakita iyong balita na may isang bayan sa Massachussetts, 75 percent na ng mga tao ay bakunado pero kahit iyong mga bakunado ay na-infect pa rin. So ito, Ka Ely, iyong sa atin lang, iyong pagdo-doble ingat noong mga bakunado na at saka lalo na iyong mga hindi pa bakunado. Iyong mga hindi pa bakunado, mag-rush po tayo. Kung mayroon lang namang vaccine supply na available, magpa-bakuna na tayo kasi iyong kabutihan ng mga bakunado, kahit nahahawa, iyong symptoms niya hindi niya kasing severe. Iyong hospitalization bihira na lang para doon sa mga bakunado.

     

    So, sa akin po, sa Friday, Saturday, Ka Ely, magkakaroon ulit kami ng Vaccine Express sa Iriga City. Sa Iriga City magbabakuna, Ka Ely, 5,000 na senior citizens.

     

    Iyong sa Quezon City, Ka Ely, dapat sana August 5 pero hindi pa dumarating iyong marami nilang supply. So hinihintay natin iyon baka second week of August. Ito naman sa Quezon City, para naman sa mga jeepney drivers. So gagawin natin iyon.

     

    So ito, Ka Ely, kahit mahirap ngayon, mabuti-buti na iyong panahon pero magpabakuna po tayo. Kung mayroong supply, magpabakuna na tayo. Doon sa mga nabakunahan, hindi nabakunahan, iyong klase po ng pag-iingat pareho pa rin—doble-doble iyong pag-iingat dahil sa Delta variant.

     

    May isa na lang, Ka Ely, akong isasabi. During the ECQ, magsasara na naman iyong mga negosyo. So sa akin, Ka Ely, ano iyong pinaka-tulong na puwede nating maibigay? Una, iyong mga mayroon namang pambili, baka puwedeng huwag muna tayong magluto sa bahay. Bilhan natin iyong mga nagsara. Bilhan natin iyong mga nagsara para tulong sa kanila, lalo na iyong mga mas maliliit. Iyong pangalawa, iyong—diniscuss na natin ito, Ka Ely, na during the ECQ kung mayroon tayo sa community na kakilala na hindi nakakapasok sa trabaho at no work no pay, baka puwedeng tulungan iyong pamilya at mayroon tayong mga partners na nag-a-adopt ng family na sinisiguro lang na during ECQ ay kumakain iyong pamilya. Iyong mga wala pong means para gawin iyon, baka puwede kayong mag-donate sa mga community pantries, baka puwedeng mag-donate sa mga grupo na nagsasagawa ng mga pakain. Kasi ang target natin, Ka Ely, during the ECQ, wala pa kasing kasiguruhan kung may ayudang darating, eh. Ang sabi walang pondo. Umaasa pa rin tayo na magkakaroon. Pero just in case, Ka Ely, na walang ayuda, tayo na lang. Tayo na lang iyong mag-ayuda doon sa mga nangangailangan. So iyon siguro iyong pakiusap natin, Ka Ely, na isipin iyong mga mawawalan ng hanapbuhay ngayong ECQ.

     

    ELY: Ayon, okay, so sa ating mga kababayan, ang binabanggit niyo po, Ma’am, tulong-tulong ang bawat isa na mga Pilipino, magdamayan. Ayon, okay, Ma’am, salamat po. Ingat po, Ma’am! Hanggang sa susunod na Linggo.

     

    VP LENI: Ingat din, Ka Ely.

     

    ELY: Okay, mga kababayan, iyan po ang ating Bise Presidente Leni Robredo. Maraming salamat! Ako pa rin ho ang inyong radyoman Ely Saludar. Muli po, isang magandang umaga, Pilipinas!

     

     

     

    - 30 -

     

     

     

     

     

    Posted in Transcripts on Aug 01, 2021