This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI Episode 222

    BISErbisyong LENI Episode 222 

    ELY: Good morning! Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas at Mindanao. Ito na po ang BISErbisyong Leni sa RMN. At siyempre mula po dito sa DZXL 558 Manila, tayo po ay napapakinggan sa RMN DYHP Cebu, RMN DXCC Cagayan De Oro, RMN DXDC Davao, RMN DWNX Naga, at siyempre sa lahat ng inabot ng broadcast nationwide, netwide. Mga kasama, ako pa rin ho ang inyong radyoman Ely Saludar. Siyempre kasama po natin ang nag-iisang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President, Leni Robredo. Ma’am, good morning. 

    VP LENI: Good morning, Ka Ely! Good morning po sa lahat na nanonood sa atin ngayong umaga sa Facebook live at saka nakikinig sa RMN DZXL, sa atin pong mga kababayan sa Bicol. Nasa Bicol ako, Ka Ely.

    ELY: Yes, ma’am.

    VP LENI: Marhay na aga saindo gabos sa ating mga kababayan sa Visayas, at Mindanao, maayong buntag. Ka Ely, magwa-warning lang ako, sobrang sama ng internet. Kanina pa kami… In case ma-disconnect ako mamaya, magsusubok na lang ulit kami.

    ELY: Yes, Ma’am. Pero kung sakali talagang mahina ang signal ng internet, puwede tayong mag-phone patch, Ma’am. Para mas maganda rin talagang maibahagi nyo po ang inyong mga aktibidad sa buong linggo, Ma’am, dahil sa diyan di ba bumisita kayo sa Camarines Sur at may mga inilunsad kayo na Vaccine Express na napaka-importante sa panahon na ito.

    VP LENI: Ka Ely, narinig ko lang iyong… Sobrang hirap kami. Sobrang hirap kami para makakuha ng signal. [line cut]

    ELY: Okay, mga kababayan, at siyempre nasa Bicol po ang ating Bise Presidente dahil sa mayroon po silang mga aktibidad doon. Ang alam ko noong Lunes pa umalis na at nagpunta ng Iriga at iba’t ibang lugar diyan po sa Bicol. sa Camarines Sur, mga kababayan. At siyempre nagpapatuloy po itong Vaccine Express, mga kababayan, na napaka-importante sa panahong ito. Dito po sa Metro Manila di po ba ay isinailalim sa dalawang linggong ECQ. At tuloy-tuloy po, may mga 24/7. Diyan sa Maynila, 24/7 ang gagawing bakunahan. Napaka-importante ho at para mabigyan ko ng proteksyon iyong ating mga kababayan. Basta dapat talaga, kung mayroong pang-turok, iturok kaagad. Huwag nang patagalin, mga kababayan, at napaka-importante na mabigyan po ng proteksyon, lalo’t iyong banta po ng Delta variant, ’di po ba? Kasi iyong sinasabi nga ho ng mga health expert na itong Delta variant ay sobrang bagsik. Talagang ang dami-daming puwedeng kaagad mahawaan. Iyong ating mga kababayan diyan, iyong mga bakunado, alam n’yo sa PGH naku ang dami ho mga bata. Ultimo mga bata kung saan ay na-confine at mayroon pong tatlong kritikal. Grabe po, ano? So ingat tayong lahat, mga kababayan. Hindi po lisensya na tayo po ay nabakunahan, hindi na tayo mag-iingat sa ating sarili, mga kababayan. So ayan po, ano? Mamaya alamin natin sa ating Bise Presidente iyong mga aktibidad niya diyan po sa Bicol. At siyempre, kaugnay pa rin sa COVID response at pagtulong ng tanggapan ng Pangalawang Pangulo para po sa ating mga kababayan. Sa Manila, 24/7. Iyon ho talagang grabe ho ito at napakabilis ho at siguro naman kung napakaraming bakuna, mas marami po itong matuturukan. Kasi ito nga rin ho ang naging suhestiyon ng ating Bise Presidente, si VP Leni, na talagang dagdagan pa, bilisan at damihan iyong pagtuturok ng bakuna habang naka-ECQ dito po sa Metro Manila. Kasi kinakailangan pa magkaroon pa ng espesyal na gagawin ang gobyerno para hindi masayang itong dalawang linggo na ECQ. Alam ninyo po ba, para sa kaalaman ng ating listeners nationwide, ay ayon po sa NEDA, P150 billion, as in Bravo, P150 billion, mga kasama, ang ito ang nawawala po dahil po sa lockdown nalulugi po. Ayon po iyan sa NEDA. Sa ekonomiya po ito ng Pilipinas, mga kababayan, at least 150 billion per week dahil dito sa lockdown sa Metro Manila at iba pang mga lugar na nasa ilalim po ng mas mahigpit na quarantine measure. Iyon po so ang laki po. Ayon mismo kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua, P150 billion. Grabe ho, ano? Sa kung dalawang linggo, at least nasa P300 billion. Hindi million ha? Billion. Kaya talagang dapat na po mawakasan ito pong pandmeya, iyong COVID-19 dito po sa ating bansa. Papaano po natin lalabanan iyan? Isa po talaga… Isa ho ito… Isa lang po sa pangunahing solusyon iyong bakuna para ma-proteksyonan po ang mga mamamayan, ‘di po ba? So iyon po ang pinakahuling balita sa COVID, mga kasama, 150 [billion] Aray ko po. Ang laki, ano? Lagapak na po ang ating ekonomiya, mga kababayan, so talagang dapat po ay kumbaga sa ano, susulitin natin itong dalawang linggong lockdown dito po sa Metro Manila at may mga lockdown din sa Laguna, ECQ at sa may ibang lugar na mas hinigpitan halimbawa sa Cavite, Rizal—MECQ. Iyon ho, mga kababayan. Pero diyan ho sa Manila, at siguro, ako naniniwala ako sa ibang siyudad, magkakaroon na po ng mas mabilisan na pagbabakuna. 

     

    Sa Manila, simula na po ang 24/7 vaccination service. Oo, mga kababayan. May mga tatlong public elementary schools. At mamaya… Iyan po ay inanunsyo na ng Manila Public Information Office na si Julius Leonen. Iyon po. Iyong mga kababayan natin… Pero bawal po ang walk-in, ha? Magparehistro na po kayo. Madali naman magparehistro. Kasi pag walk-in ho, mga kababayan, talagang hindi ba, kapag dinagsa, malalabag sigurado ito pong physical distancing at iba pang mga health protocols. Kaya talagang mas maganda, magparehistro. Kapag rehistrado ka, sigurado ka na. Kasi halimbawa lumagpas ka sa quota… Pero ito, 24/7 palagay ko dire-diretso na ho ito mga kasama. Iyong ating mga kababayan, malaya po kayo na pag kayo po ay nakatanggap ng notice o pasabi, halimbawa kayo puwede kayo magpabakuna sa ganitong lugar, halimbawa sa Maynila, iyon na po ang pass natin. Halimbawa mayroon pong checkpoint, mga kababayan, iyon ang madali. Talagang ipapakita mo lang. Kunyari ito po, magpapabakuna ako. Okay, aprub! Kasi ito ang isa po sa intensyon ng ating pamahalaan para dahil sa ini-lockdown, magpabakuna iyong ating mga kababayan para maprotektahan po sila laban po sa COVID lalo na po itong isa sa mabagsik iyong Delta variant, mga kababayan.

     

    [commercial break]

     

    ELY: Okay, oras na po natin 9:11 in the morning. Samantala, ang kabuuang kaso po ng COVID-19 as of August 7, 4 p.m,, mga kababayan, ay nadagdagan ho ng 11,021 new cases. Naghigpit pa tayo niyan, naka-ECQ po mga kababayan, at dahil diyan umabot na sa kabuuang 1,649,341 ang kabuoang kaso ng COVID. Ang active cases ay nasa 76,063. Ang recoveries ay nasa 1,554,443. Ang new recoveries ho nadagdagan ng 9,194. Samantala, mga kasama, ito ho isa sa mga malungkot ho lagi na balita, nadagdagan po ng 162 na bagong namatay dahil po sa COVID-19. Umabot na po ngayon sa kabuoang 28,835 ang kabuuang bilang ng mga namatay dahil po sa COVID-19. Ang isa na po sa sinasabi ng mga eksperto natin ay talaga pong inaatake ang mga senior citizen, lalo iyong mga may comorbidities, mga may sakit, mahina ang immune system, iyan po ang madalas atakihin ‘di po ba, mga kababayan? Dahil sa siyempre mabagsik nga, mga kasama, ito pong COVID talagang napakatindi. Alam ninyo sa PGH—ang sinasabi ang mga bata malakas ang immune system, hindi po. Ito po, iyong tatlo po sa anim na bata na na-admit po, na-confine diyan po sa Philippine General Hospital, ay kritikal po. Mga kababayan, kritikal po. Ibig sabihin ay malubha. Ayon kay PGH spokesperson, Doc Jonas Del Rosario, iyong dalawa ay moderate cases, samantalang iyong isa ay mild. Iyong tatlo, iyon po ang nasa kritikal, mga kababayan. Anim po kasi ang nahawaan ng COVID na kung saan ay ginagamot sa PGH. At ayon po kay Doc Jonas Del Rosario, mga kababayan, na in general, sa kabuoan, mga kasama, ang mga bata, talaga naman may malakas ang immunity, lalo na iyong mga kumpleto ang bakuna. Kung talagang inyong mga magulang nila ay masisipag na nadadala po sa health center ang kanila po ng mga anak, protektado po sila. Malakas po ang kanilang immune system, in general. Iyan po ang sabi ni Doc Jonas. Pero ito, may anim po sa PGH. Okay. Nasa linya na po natin si Bise Presidente Leni. Wala, hindi kaya ng Internet. Ma’am, balik po tayo.

     

    VP LENI: Pasensya na, Ka Ely. Kaninang-kanina pa kami sumusubok. Talagang ito ang realidad. Ito iyong realidad sa maraming mga lugar sa probinsya, Ka Ely, na talagang pahirapan lagi iyong internet. Pero anyway, pasensya na po doon sa mga nakikinig at nanonood kanina. Ito, Ka Ely, nandito pa kami kasi natapos kami gabi na. Gabi na kami natapos sa Iriga City kasi sila iyong may pending na request for Vaccine Express. Ito, Ka Ely, gusto kong i-highlight ang nangyari sa Iriga kasi best practice talaga siya in the sense na kapag sinabing “all hands on deck,” all hands on deck talaga. Maraming mga realizations doon, Ka Ely. iyong isa, kapag iyong pagtutulong talaga ng gobyerno at private citizens at saka organizations, iyong asikaso, parang iyong trabaho namu-multiply kasi pag sino-solo ng gobyerno siyempre limited. Limited iyong kanyang capacity. Ang dami niyang ibang inaasikaso. Pero kapag naging center of gravity talaga siya ng iba’t ibang mga sektor, ng iba’t ibang mga grupo, ang daming na-a-accomplish. Iyong target namin 5,000. Naka 6,100 plus kami kahapon. Pero may isang reality din na ito iyong report sa atin ni Mayor Alfelor saka iyong department heads on the ground. Marami pa sana kaming puwedeng mababakunahan. Iyong mga doctor at saka nurses, handang-handa pang mag-bakuna, mayroon isang vaccination center na before 4, tapos na kasi iyong mga pumunta doon na seniors, may brand hesitancy. May brand hesitancy, Ka Ely. Noong alam nila na ubos na—kasi iyong ininject noong Friday, Janssen. Janssen iyong in-inject for seniors, pero iyong dumating lang kasi sa kanila 5,000. Naubos iyon pero ready pa sila with another brand. Iyong mga nasa pila nalaman na ubos na iyong Janssen pero mayroon pang ibang bakuna, umayaw iyong iba.

     

    ELY: Naku.

     

    VP LENI: Kami, Ka Ely, talagang sinusubukan natin ipaintindi na kahit ano’ng brand, tulong iyon sa atin. Tulong iyon sa atin kasi iyon nga mape-prevent iyong severity. Pero ano talaga, reality. Reality na nagma-matter iyong brand. Sa Naga, ganoon din iyong ating experience. Na-confirm siya ni Mayor Alfalor. Kasi nasasayang siya na go na go kasi ang mga volunteers. Mayroon pa sanang supply, pero marami iyong umayaw noong nalaman nila na ubos na ang Janssen. So sayang na sayang kami. Actually, nakausap nga namin ang mga barangay doon. Sabi namin, ipasundo na. Ipasundo na iyong iba, mayroon pa tayong ibang brand. Hanggang mayroon pa, tuloy-tuloy tayo. Handa pa iyong mga volunteers. Pero sila ang nagsabi na ano talaga.. Nandoon na sila. Ang iba nandoon na sa vaccination center pero noong nalaman nila na ubos na iyong Janssen, umaayaw. Sa akin, kaya ko ito mine-mention, kasi sa pag-plano kung ano ang ipo-procure sa communications plan para mas makumbinsi na kahit ano’ng brand ay ok. Kailangan siya maisaalang-alang, iyong brand hesitancy, para naitatawid natin kasi sayang.

     

    ELY: Opo.

     

    VP LENI: Isa sa mga realizations namin, Ka Ely, iyong nakita namin kahapon si Mayor mismo siya ang nagdi-direct ng operations. Iyong mga department heads nandoon. Kung mayroong mga problema, na-a-aarest siya sa early stage. Smooth talaga iyong buong proseso. Nandoon ako sa bukid kahapon, kasi mayroon isang vaccination site na nasa bukid, ang laking tulong. Ang laking tulong kasi.. Ikinuwento ko ito sa video na in-upload namin kahapon. In-upload namin to give everyone an idea na sobrang importante ng accessibility. Kasi kinukuwento ng mga taga-city government, na noong hindi pa nasasabi kung ano ang vaccination center kakaunti nagpapa-register. Pero noong nalaman na na iyong vaccination center na pupuntahan nila sobrang lapit lang, ang dami na. Tapos iyong mga barangays sobrang involved. Sila ang naghahatid-sundo. Malaking tulong talaga.

     

    ELY: Opo. Okay, so iyong talaga, sa brand talaga ma'am ano ang importante sa mga kababayan natin. Siguro mapaliwanagan sila dito. Pero pupuwede pa kaya na iyong ating gobyerno—baka hindi pa naman nababayaran iyong mga order natin—na iyong inaayawan ng ating mga kababayan, ay lumipat ng mas magandang brand.

     

    VP LENI: Ka Ely, hindi ko alam kung lahat ng lugar pareho ang experience. So iyong sa akin, halimbawa sa Manila. Iyong sa Manila, Ka Ely, iyong aming vaccination Sinovac iyon. Iyon lahat. Wala naman kaming na-encounter na hesitancy. Iyong na-encounter namin na hesitancy iyong dito, iyong Naga saka Iriga. So hindi ko alam. Siguro tanong natin sa ibang lugar kung may ganoon silang experience. Pero iyong isa din, halimbawa, sabihin natin na naka-kasa na, ayusin iyong communications plan. Ayusin iyong communications plan para maalis iyong agam-agam nila about a particular brand. Kasi ano talaga, kailangan natin harapin ang reality para mas maayos iyong pag-respond natin. Pero iyon, noong kausap ko si Mayor kahapon, iyon iyong sayang na sayang kami. Tinatanong ko siya. Umiikot kasi ako, Ka Ely. Nandoon ako… Iyong Sagrada, iyon ang bukid. Pagbaba ko doon sa San Isidro, iyong isang vaccination center, tapos na. So tinatanong ko, bakit ang aga natapos? Iyon iyong sinasabi nila. Actually, ready pa sana, mayroon pang supply. Na-reach naman nila ang target nila, Ka Ely. Pero mayroon pa sanang… Mayroong iyong mga pagkakataon na mayroon pa silang naka-abang na supply, ayaw na. Ayaw na ng ibang tao. In-explain ni Mayor na kahit sila nag-exert ng effort na kumbinsihin, na sinasabi na basta bakuna, kahit anong brand pa yan, at least nakakatulong sa pagsugpo ng severity. Malakas pa rin talaga iyong hesitance so kailangan talaga siyang ma-address.

     

    ELY: Okay. At least dito sa Metro Manila, Ma'am, basta’t kung ano’ng iturok, kung ano’ng available. Ako, Sinovac ako, Ma’am.

     

    VP LENI: Oo nga. Tingin ko nga kailangan walang hesitance sa kahit ano’ng brand. Kailangan ayusin natin iyong comms plan. Kasi kahit kami sa opisina, Ka Ely. Kahit kami sa opisina noong nag-request kami sa City Government na mag-vaccinate sa opisina, 170 yata more or less na employees din ang na-vaccinate, Sinovac din. Karamihan sa frontliners natin, Sinovac din. Kung hindi lang namimili, mas marami sana ang mababakunahan. Pero kailangan natin harapin na may ganoon para ayusin natin papaano ba natin kukumbinsihin. Paano natin kukumbinsihin ang ating mga kababayan na kung ano ang available, magpa-turok. Next week, Ka Ely, hindi ko pa nakukuha iyong exact time pero Quezon City naman kami. In-announce ko na ito dati pero na-pushback lang siya dahil naghintay ng available supply. Pero ngayon, in-inform tayo ng Quezon City government, iyong inilalaan na supply para doon sa vaccination ng mga jeepney drivers ay nandiyan na. Naka-ilang meetings na tayo and ia-announce namin sa facebook page namin, Ka Ely, iyong exact na time ng vaccination. Kung hindi ako nagkakamali, parang ang tentative na lugar ay Robinsons Novaliches. Iyon iyong tentative pero kung may final na, ia-aanounce po namin.

    ELY: Opo. Okay iyon ho, para sa ating mga kababayan, binabawal muna iyong ano, walk-in. Ang puwede lang Ma'am ay sa mga senior citizens. Para maiwasan iyong pagkumpol kumpol at lumalabag ng health protocols. So… yes, Ma'am?

     

    VP LENI: Ito, Ka Ely, sa Iriga, iyong first day, lahat ng seniors. Tapos iyong second day, binukas na nila for may comorbidities. Iyong sa Quezon City naman, ang pagkaintindi ko, para lang siya sa mga jeepney drivers. Actually Ka Ely, ano iyan eh, parang lahat naman siya, may advantages at disadvantages. Iyong advantages na hindi puwede iyong walk in kasi areglado talaga. Pero ang advantages naman na puwede ang walk in, mas accessible siya. Kasi halimbawa Ka Ely, iyong sa Manila, iyong aming vaccine express sa Manila, in-allow ng City of Manila iyong walk in. So iyon, kahit may pre-registration, kung may pumunta na walk in na TODA Driver, na ano ito, Grab driver o iba pang delivery driver, tinatanggap upon the instructions of the city. Ang laking bagay niya kasi actually marami talaga iyong nagpabakuna na hindi sila naka—iyong parang walk in lang dahil accessible para sa kanila. Alam mo iyon, parang may delivery kami sa malapit doon sa vaccine center. Nakita namin na puwede palang walk-in, nagpa-bakuna na kami. Kasi ano naman ito eh, every person na mababakunahan, tulong para sa lahat.

     

    ELY: Opo.

     

    VP LENI: Kaya this time, iyong mahirap kasi, kapag hindi kasi na-control iyong crowd lalo na ngayon, may Delta variant, mas problema.

     

    ELY: Tama.

     

    VP LENI: So siguro, ngayon na may surge, baka ibalik muna doon sa walang walk-in.

     

    ELY: Yes, Ma’am. So, maganda ho kasi iyong sistema sa inyo pong programa na vaccine express, eh talagang napaka-organisado kasi dito sa nakaraan, Ma'am, dito sa Metro Manila, grabe ho iyong pagdagsa sa mga vaccination sites—

     

    VP LENI: Oo, tingin ko kasi, Ka Ely, nangyari iyong dagsa ‘di ba parang eve of ECQ, tingin ko mayroon naman kasing extraordinary circumstance iyon kaya nagdagsaan. Mayroon pang mga—iyon iyong lessons sa atin, Ka Ely, eh. Na lalo na sa pagdating sa—kapag nako-compromise iyong kalusugan ng tao, dapat maingat tayo sa mga sinasabi natin. Kasi kapag nag-cause siya ng panic, iba iyong pag-respond nung tao eh. Gaya noon, iyong nabasa ko kasi, Ka Ely, iyong statement ng iba't ibang grupo, pati si Mayor Isko na kaya iyon nagka-ganoon kasi may mga reckless statements na parang nagbunsod sa mga tao na, “oh, kailangan na ngang magpabakuna, ngayon na ngayon kasi baka bukas—“

     

    ELY: —hindi na makalabas.

     

    VP LENI: Iyong mga iniisip nila na siguro hindi naman totoo pero nagkaroon sila ng ganun na impression kasi dahil sa mga sinasabi rin ng iba't ibang mga tao. Halimbawa, baka makulong ay baka ipakulong sila o bawal na silang —

     

    ELY: — lumabas.

     

    VP LENI: lumabas ng bahay.

     

    ELY: Walang ayuda.

     

    VP LENI: Kapag lumabas sila ng bahay at hindi sila bakunado, ipapa-escort sila pabalik ng bahay. Siyempre iyong tao, lalo na kung nagtatrabaho ka, hindi mo ma-a-afford na pumasok sa trabaho kahit ang laki ng threat na ang daming tao, baka mahawaan so gagawin mo kasi kailangan mong mabakunahan para maka-trabaho ka.

     

    ELY: Yes, Ma’am.

     

    VP LENI: So iyon talaga Ka Ely, kailangan mag-ingat tayo para una, hindi macoconfuse ang mga tao, hindi siya nagki-create ng panic. Tapos klaro sa tao iyong mga regulations.

     

    ELY: Kahapon nga, Ma’am, diyan sa Brgy. Commonwealth, sa may Commonwealth market, ay nag-anunsiyo iyong Brgy. Commonwealth na kapag hindi fully vaccinated, bawal mamalengke sa kanila, eh wala namang ganung panuntunan.

     

    VP LENI: Iyon iyong ano natin, Ka Ely, 'di ba, biruan nga na sana mag-usap usap muna lahat bago maggawa ng mga announcement. Halimbawa, recently Ka Ely, parang last year pa natin ito sinasabi 'di ba? Puwede bang mag-Viber thread muna kayo bago gumawa ng announcement? Kasi lalo na 'pag iba iba ang ahensya ng gobyerno ang gumagawa ng announcement tapos iba iba iyong announcement, lalo lang siyang nakakadala ng kalituhan sa tao. Halimbawa, iyong nagkaroon ng announcement, bawal na iyong hatid.

     

    ELY: Hatid sundo.

     

    VP LENI: Bawal na iyong mga ihahatid na APOR. Tapos same day na nagsabi, hindi naman bawal. So ito nangyayari, Ka Ely, last year pa eh. The more na nangyayari ito — dapat bawal mag-announce ng anything na hindi pinag-usapan nang maayos ng lahat, ng lahat ng mga key people kasi may IATF naman, 'di ba? May IATF naman. Dapat sana isang announcement lang. Lahat naman ng mga agencies—relevant agencies, kabahagi ng IATF. So dapat iyong announcement ng IATF, iyon na iyon. Kasi iyon, pinag-usapan iyon. Pero kung kaniya-kaniyang agency, gumagawa ng kaniya-kaniyang assignment, talagang malilito iyong mga tao.                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                   

     

    ELY: Tama. Opo. Saka dito, Ma’am, inaabangan natin iyong pamamahagi ng ayuda. P10.9 million, handa ng ipamahagi sa Metro Manila iyong ayuda. Eh baka dito, magkaroon na naman ng kaguluhan dito.

     

    VP LENI: Sana Ka Ely, maging maayos. Okay naman na — mabuti na nagrelease na yung DBM ng ayuda for Metro Manila. Parang nauna na, Ka Ely, iyong sa Iloilo saka sa Cagayan De Oro kasi nauna silang nag-ECQ. Ngayon sa Metro Manila, ang hindi pa yata nare-release iyong Laguna. Iyon iyong hinihintay. Pero sana pag-isipan nang maayos iyong distribution. Iyong distribution sana pag-isipan nang maayos kaya mahalaga din, Ka Ely, halimbawa iyong national ID system, baka—ano sana iyon, magiging very helpful kasi puwede siyang maging basehan sa paglatag ng maayos na sistema na pagpadala ng pera na hindi na kaya ng—hindi na kailangan na pipila pa sila. Sa akin, Ka Ely, sana, sana maging maayos. Sana iyong lahat ng LGUs kasi nakita naman natin noong huli, may mga LGUs na napaka efficient nung pag-distribute.

     

    ELY: Opo.

     

    VP LENI: Mayroong mga LGUs na hindi gaano. Sana iyong best practices nung nakaraan, ma-consider na ngayon bilang aral. Aral sa kung ano ba iyong pinaka-efficient na manner ng pagdi-distribute. Hindi nako-compromise iyong physical distancing ng mga constituents.

     

    ELY: Tama Ma'am at sana maging malinaw din sa ating mga kababayan kung talagang sino lang talaga iyong lehitimo na makakatanggap kasi in fairness din sa ibang mga LGU, iyan ang binigay na listahan ng DSWD. So iyon ang basehan nila eh iyong iba nagrereklamo "naku, ano iyon eh, may kaya naman iyon eh." mga ganoon. Ang daming reklamo. Sana DSWD, linisin nilang mabuti iyong listahan.

     

    VP LENI: Tama iyon, Ka Ely, kasi dapat by now maayos na iyong listahan natin. Kasi ito iyong naging problema noong unang round, 'di ba? Iyong unang round last year, naalala ko, iyong mga reklamo noon ng ibang LGU, sobrang kaunti iyong time na binigay sa kanila to vet iyong mga tao. Ako, Ka Ely, sa ginagawa namin na Vaccine Express, nakita ko na kung gaano kahirap kapag hindi updated iyong—kapag hindi updated iyong ano oto, database. Kasi iyong binabasehan mo, halimbawa, mayroon kaming vaccine express na for screening sa listahan pero marami pala doon sa listahan ay patay na. Marami pala doon sa listahan, nabakunahan na. So kapag magulo ang listahan, mahirap. Pero ang inaasahan natin ngayon, much better na iyong listahan kasi naka ilang rounds na tayo, eh. Naka-ilang rounds na tayo from last year. Dapat naayos na, nalinis na iyong mga lista.

     

    Totoo na nakabase ito sa listahan ng DSWD based doon sa pinakahuling listahanan. Pero syempre, ang dami na ring changes along the way kasi iyong Listahanan, parang 2015 ba iyon sinimulan o 2016? Iyong updated list ongoing—ay iyong updating, ongoing pa lang ngayon. So sana by now, malinis na iyon. Ang lesson ko din dito, Ka Ely, dapat sana, involved din para hindi siya sobrang centralized sa DSWD kasi ang nakakaalam talaga ng sitwasyon sa ground ay mga barangay.

     

    ELY: Opo.

     

    VP LENI: So sana, involved iyong mga barangay sa paglinis ng mga lista kasi sila talaga iyong nakakaalam, doon pa ba ito nakatira? Ano pa ba ito, buhay pa ba ito? Nag-iba na ba iyong status niya sa buhay o hindi pa. Kasi halimbawa, kung basehan ng listahan natin, iyong Listahanan pa noon, iyong dating hindi naman considered na mahirap, baka ngayon mahirap na kasi nawalan na ng trabaho.

     

    ELY: Tama po.

     

    VP LENI: So dapat talaga, Ka Ely, involved iyong barangay kasi siya talaga iyong nakakakilala eh. Siya talaga iyong puwedeng magsabi na "Ito wala na 'to. Ito, namatay na 'to. Ito, ganito iyong sitwasyon.” Para maayos.

     

    ELY: Opo. So dito, Ma’am, ano, grabe pala ito, ano, iyong sinasabi ng NEDA nasa at least iyong kanilang parte, P150 billion a week.

     

    VP LENI: Grabe.

     

    ELY: Oo, ang lugi sa ekonomiya. Dapat masulit natin itong lockdown, Ma’am.

     

    VP LENI: Totoo. Ka Ely, iyong P150 billion a week, ano iyon, mga negosyong magsasara dahil sa ECQ. Kapag may negosyong nagsara dahil sa ECQ, ilan ba iyong mawawalan ng kita sa oras na iyon? Halimbawa, Ka Ely, nakakatanggap ako ng mga text na “dati, maayos naman iyong trabaho, ngayon nagvo-volunteer na "Baka po puwede akong um-extra na ganito, dalawang linggo, wala akong kita. Paano kakain iyong pamilya ko." Iyong mga ganoon. Kailangan talagang ma-address iyon, kaya napakahalaga ng ayuda at mabuti na mayroon. Mabuti na mayroon kasi ‘yung… ang maximum yata per family, Ka Ely, P4,000. Ang individual ay P1,000. Kung marami kayo sa pamilya, ang maximum ninyo puwedeng makuha ay P4,000. So at least masisiguro natin na may makakain—may makakain sa dalawang linggo. Sana hindi na ma-extend, pero iyong ito kasi nakabase ito sa gaano tayo ka-effective sa pag-control, ‘di ba. Nakabase siya sa kung gaano ka-effective ang pag-control kasi ayaw na nating mangyari iyong nangyari last year na two weeks lang iyong intent, humaba nang humaba kasi hindi natin naarrest nang maaga. So sana ngayon, iyong two weeks na parang stop lahat, iyong lahat ng puwedeng gawin, gawin na para last na ‘to.

     

    ELY: Opo. iyon nga, ang dami n’yo ngang suhestiyon, sana maipatupad dahil sa ikabubuti po ito ng ating pagbabakuna at malabanan natin itong pandemyang ito.

     

     VP LENI: Totoo, Ka Ely. Halimbawa, Ka Ely, ito ishe-share ko lang. Kagabi lang—hindi pala kagabi, kaninang umaga lang, madaling-araw ito nangyari—kasi ‘di ba iyong Bayanihan e-Konsulta namin, Ka Ely, hindi namin hininto. Inumpisahan namin ito April 7 this year, and then nagka-surge tayo. Hindi namin iyan hininto. Since last week naramdaman na namin iyong surge ng kaso kasi talagang tambak na ulit iyong humihingi sa amin ng tulong. In fact, ito, Ka Ely, halos wala kaming tulog, kasi emergency cases namin kagabi, sobra. Sobrang dami. Mayroon kaming ambulansya, mayroon kaming EMS team. Iyong EMS team namin magdamag na walang pahinga. Mayroon kami, Ka Ely, pasyente na pinuntahan sa Laguna, nagdedesat na, iyong oxygen saturation niya bumababa, kailangan niya nang ma-ospital. Hirap na hirap kami Ka Ely, hirap na hirap kaming makahanap ng ospital doon. At finorward ng isang EMS team namin iyong parang message from Provincial Health Office yata iyon ng Laguna na maghanap na sa ibang lalawigan kasi wala nang available na ospital.

     

    As of kaninang madaling araw, marami din kami na mga kaso na pinatawag sa One Hospital Command na napakatagal noong balik sa amin. Dati, Ka Ely, efficient, pero ngayon napakatagal dahil sa dagsa ng kaso. Halimbawa as we speak ang dami pang hindi na-a-accommodate. Hanggang ano iyon, magdamag nandoon ako sa emergency thread namin kagabi hanggang umaga, talagang ano, ramdam na ramdam. So iyong sakin, halimbawa iyong isang recommendation ko, Ka Ely, na iyong PhilHealth bayaran na iyong mga utang sa ospital, at the very least, bayaran na iyong mga utang sa mga ospital, para naman iyong mga ospital maka-function nang maayos. Kasi halimbawa, hindi mo rin ma-blame iyong mga ospital Ka Ely kasi kung saturated na iyong kakayahan nila, talagang kahit gusto nilang tumanggap nang tumanggap ng pasyente, hindi na nila kaya. So iyong talagang puwedeng gawin na ngayon na naka-ECQ tayo, na sana aksyunan na agad. Hindi ko naman sinasabi Ka Ely na ilimit doon sa recommendations natin pero ang dami kasing puwedeng gawin na habang nandito tayo sa ECQ na ito naman talaga iyong sadya ng ECQ ‘di ba, na mas ma-slow down para bigyan ng pagkakataon iyong healthcare system natin na makahabol saka makapag-prepare nang maayos. So sana hindi masayang, sana Ka Ely hindi masayang iyong two weeks na ito.

     

    ELY: Opo. Okay, Ma’am, samantala dito rin ho tayo sa ating good news, at ito ho iyong mga nagbigay ng karangalan sa ating bansa bilang mga Pilipino. Iyong mga Pilipinong atleta na sumabak sa Tokyo 2020 Olympics Ma’am.

     

    VP LENI: Ito, Ka Ely, since 1932, ito iyong ating best performance, ‘di ba. Ito iyong best performance natin sa Olympic history. Kasi iyong 1932, iyon iyong ating record, nagkaroon tayo ng three bronze medals noon, ginawa sa Los Angeles iyong Olympics. 1932 pa ito Ka Ely ha sa Los Angeles. Ngayon, sobrang na-surpass natin iyong record na iyon. Ngayon, isang Gold, kay Hidilyn, sa women’s 55 kilogram weightlifting competition. Mayroon tayong dalawang silver, iyong dalawang silver natin iyong kay Carlo Paalam—ano siya, boxing sa men’s flyweight division, saka si Nesthy Petecio sa women’s featherweight division, mayroon tayong dalawang silver. Tapos mayroon tayong isang bronze, iyong kay Eumir, si Eumir naman ay men’s middleweight division. Ewan ko, Ka Ely, kung nag-abang ka, nag-abang ka sa TV, kami nag-abang kami ng mga bata, napanood namin. Grabe talaga iyong… nakakapangilabot. Nakakapangilabot iyong pagbigay sa atin ng pride ng ating mga atleta, at ramdam na ramdam mo na buong-buo talaga iyong determinasyon nilang dalhin iyong bandila ng Pilipinas. Iyon iyong nakakatuwa doon. Pero, Ka Ely, hindi lang iyong mga medalists natin ang dapat pasalamatan, hindi lang iyong medalists natin iyong dapat pasalamatan kasi kahit hindi iyon nagmedal, ang ganda pa rin ng showing. Halimbawa mayroon tayong 4th place sa gymnastics, si Carlos Yulo. Si Margielyn, nag-7th siya sa skateboarding. Si EJ, iyong ating pole vaulter…

     

    ELY: Obiena…

     

    VP LENI: Marami pang iba. Mayroon din tayong si Elreen sa weightlifting. iyong mga golfers natin, si Yuka saka si Bianca, maganda din naman iyong finish. Si Juvic naman, sa men’s golf. Iyong mga swimmers natin, si Remedy saka si Luke, tapos, sino pa ba… iyong ating taekwondo, si Kurt, tapos isa pang boxer natin si Irish, tapos si Kiomi sa judoka. Tapos iyong shooter natin si Jayson, tapos iyong sprinter natin si Kristina, iyong rower natin si Cris. Ano talaga, Ka Ely, kapag pinanood mo sobrang nakakaproud. Kaya gusto nating magpasalamat sa kanila. Sana ramdam nila iyong pagmamahal nating lahat, at sana ramdam nila kahit iyong mga hindi nagmedal na sobrang proud natin sa kanila. Hindi, Ka Ely, madaling maging atleta…

     

    ELY: Opo…

     

    VP LENI: Hindi madaling maging atleta, iyong klase ng disiplina, sa training, iyong oras na kailangan mong ibuhos, hindi talaga puwedeng tawaran. And the mere fact na nakarating sila sa Olympics, hindi, Ka Ely, madali. Iyong pagpasok sa Olympics, hindi lang kung gusto mong sumali, pero talagang kailangang dumaan ka sa butas ng karayom para mag-qualify kang sumali.

     

    ELY: Opo…

     

    VP LENI: Ano talaga, pinakita talaga nila iyong dedikasyon, iyong tapang, so maraming salamat sa kanila.

     

    ELY: At maganda dito, Ma’am, iyong mga pakonsuwelo natin na mga reward dito po sa ating mga atleta. Ito nasa batas na ito, nilagdaan noon ni dating Pangulong Noy Aquino, talagang dito kahit wala nang pangakuan, nasa batas na, talagang siguradong tatanggap po sila…

     

    VP LENI: Oo, ang kabutihan Ka Ely noong nasa batas, kasi assured. Di ba, kahit sino iyong pangulo, kahit anong panahon, assured na siya. Kasi di ba merong sad story noon si Onyok…

     

    ELY: Onyok Velasco…

     

    VP LENI: Di ba, nag-silver si Onyok, marami iyong pledges, pero marami iyong hindi naging totoo. So ngayon, at least iyong nasa batas ay assured iyon. Pero ako, wala naman akong pag-alinlangan doon sa pledges ngayon, kasi ang paniniwala natin, iyong mga nag-pledge naman will make good iyong pledge sa mga atleta natin.

     

    ELY: Siguro, Ma’am, magandang maihanay din natin ito sa ating Istorya ng Pag-asa, si Paalam…

     

    VP LENI: Na ano iyon, Ka Ely?

     

    ELY: Na magandang maihanay din po natin sa ating Istorya ng Pag-asa…

     

    VP LENI: Totoo, totoo…

     

    ELY: Si Carlo Paalam, sabi niya siya ay dating scavenger, iyong mangangalakal…

     

    VP LENI: Totoo. Tapos iyon iyong huli nating laban, di ba? Iyon iyong huli nating laban, kaya noong pinapanood natin iyong interview sa kaniya, grabe sobrang nakakabilib… iyong kay Carlo na, mangangalakal, tapos iyong significance pa noong materials ng medal niya parang pinagtugma, ‘di ba. Kaya nakakaano talaga. Sana ma-interview din natin, mainterview din natin si Nesthy, si Carlo, si EJ, saka iyong iba, iyong iba pa nating mga atleta…

     

    ELY: Pa-contact natin, Ma’am, sa Cagayan de Oro, malakas iyong ating himpilan doon, napapakinggan tayo ngayon doon.

     

    VP LENI: Oo nga e, oo nga pa-contact natin…

     

    ELY: Ma’am, sa huling isyu natin bago tayo pumasok sa ating Istorya ng Pag-asa, ito ho maraming nag-aabang nito. Uy, mga reporters ha, oh ito na. Ma’am, ano pong masasabi niyo rito at may binabanggit ho si Senator Ping Lacson na tumanggi raw po kayo sa tinatawag niyang unification formula para po sa 2022 elections?

     

    VP LENI: Ito, Ka Ely—ito, matagal ko nang sinasabi na mag-e-exert ako ng effort na makausap iyong iba pang mga contenders—makausap iyong iba pang mga contenders, na mag-explore kung mayroong mga commonalities na puwedeng pagkaisahan. Dahil sinasabi ko nga, Ka Ely, iyong reality talaga mahalaga iyong 2022. At iyong pag-explore na iyon, Ka Ely, ginawa ko since June. Parang buong June hanggang—[technical lag]. Naglaan talaga ako ng panahon na makausap hindi lang iyong mga contenders pero iyong mga supporters natin. Pinapapaliwanag natin kung ano iyong magiging sitwasyon sa 2022 elections at saka kung gaano kahalaga na maging bukas kami sa unification. Pero ako, inaasahan ko na magiging mahirap. Inaasahan ko na magiging mahirap iyong negotiations dahil siyempre, iba-iba iyong mga pinanggagalingan namin. Iba-iba, maraming considerations na kailangang isaalang-alang. Pero kahit alam kong mahirap, buo ang paniniwala ko na kailangang patuloy. Kailangang patuloy na maging bukas sa pakikipag-usap. Best effort nga, Ka Ely, na maghanap ka ng common ground at mag-agree sa unified at solid na push behind one candidate for the presidency kasi iyon iyong pag-asa natin. Pero sa akin, kailangan nating unahin iyong pagkakaisa. Hindi lang naman ito numero pero ano ba iyong pinagkakaisahan natin? Mahalaga iyon sa akin.

     

    Pero mahalaga rin sa akin, Ka Ely—at least ito iyong paniniwala ko—dapat sana iyong unification gawin bago ng filing. Bago ng filing. Ang last day ng filing October 8. Ako, nagaalangan sana akong sabihin ito, iyong mga details ng pinag-uusapan kasi wala pa namang final. Kaya nga negotiations kasi maraming ano ito, parang balikan na mga proposals. Pero dahil nga doon sa interview ni Sen. Ping in public, kinailangan kong—hindi ako komportable doon, Ka Ely, kasi kailangan kong magpaliwanag bakit ko nire-resist, kung bakit ko ni-resist iyong proposal. Sa akin, Ka Ely, ang dami sa aking nagte-text na, “Ikaw iyong humihingi ng unification tapos noong pinropose sa iyo, nag-resist ka.” So ako, mapipilitan ako, Ka Ely, na i-explain iyong side ko.

     

    Ito, Ka Ely, ayaw kong sabihin iyong lahat na detalye pero kailangan ko lang bigyan ng konteksto. Kailangan kong bigyan ng konteksto kung bakit may resistance ako sa proposal. Ang proposal kasi, Ka Ely, ito: kaming mag-uusap-usap, magfa-file kami lahat. Magfa-file kami lahat ng certificate of candidacy tapos mag-agree kami ng certain, parang time before the elections na titingnan namin kung sino iyong pinakamalakas sa surveys, iyon iyong susuportahan namin tapos all the rest, magwi-withdraw. Tapos susuportahan namin iyong best contender based on numbers. Ako kasi, Ka Ely, ang paniniwala ko, kapag nag-file ang isang kandidato ng certificate of candidacy, pine-presinta na namin sa publiko ang sarili namin, eh. Iyong mga naniniwala sa amin, tataya. Tataya na. Tataya na sa amin. So kung magwi-withdraw kami middle of the game, [technical lag]—iyong maraming tao. Sa akin, simple. Simple iyong dahilan ko sa pagtutol doon sa proposal. Sa akin, kapag nag-file ako, kailangan kong ituloy ang laban. Kapag nag-file ako, hindi ako puwedeng umatras kahit gaano pa kahirap kasi pinresinta ko na iyong sarili ko sa publiko, eh. So sa akin, iyon iyong reason kung bakit hindi ako agree doon sa proposal. Pero sa akin, hindi nawawalan ng pag-asa. Hindi ako nawawalan ng pag-asa na maghanap pa kasi proposal lang naman iyon, eh. Proposal lang naman iyon. Patuloy na naghahanap ng best formula. Ano iyon, medyo out-of-the-box.

     

    Naiintindihan ko kung saan nanggaling si Sen. Ping. Pareho siguro sa akin, naniniwala din siya na mahalaga iyong unification kaya nga niya iyon pinropose. Iyong pagtutol ko, Ka Ely, dahil sa personal na paniniwala. Sa personal na paniniwala na ayaw ko na parang ni-lead on namin iyong supporters na akala nila tumaya sa akin kasi akala nila nandoon ako hanggang sa huli ng laban tapos dahil mababa iyong numbers ko in the middle of the game, aayaw ako. So ayaw ko iyon. Ang gusto ko, Ka Ely, kung magfa-file, hanggang sa huli.

     

    ELY: Diretso na.

     

    VP LENI: ‘Di ba? Kahit pa—kaya nga sa akin iyong decision-making ang deadline ko, October 8. Kung kaya na magdesisyon by September, magdedesisyon na by September. Pero sa akin, kapag nag-file ako, Ka Ely, hindi ako magwi-withdraw kahit pa gaano kahirap. Pero sa akin kasi, Ka Ely, isu-suspend ko na muna iyong lahat na initiatives sa pag-usap kasi ECQ ngayon. May panahon pa naman para puliduhin ang mga engagements at usapan. May mga bagay na mas urgent kasi ECQ nga sa maraming lugar ngayon. Siyempre tuloy ang kalat ng Delta variant, whether magkasundo kami o hindi. Pero pagpaalala din ito na una, may bigger concerns to face tayo dahil nga sa ECQ. Pero pagpaalala din na iyong filing ng candidacy mga two months from now and konektado din dito sa pandemic kung gaano kahalaga na magkaisa kami. Kasi pinapakita ng pandemic kung gaano kahalaga na mahusay iyong gobyerno niya. Kasi talagang matter of life and death para sa ating lahat kung iyong gobyerno niya hindi nakakapag-respond na mas maayos. Iyong sa akin, mahalaga siya pero dapat bukas ang mata natin na may mga inaasikaso tayo ngayon na other concerns. So sa akin, Ka Ely, sana matapos na kaagad iyong surge na ito para mabigyan ulit natin ng oras iyong usapan.

     

    Ako, patuloy ako, Ka Ely, na mag-e-exert ng best effort na mag-usap. Marami na akong nakausap. Marami na akong nakausap, Ka Ely. Actually, halos lahat na nakausap ko pero ang ano naman, Ka Ely, mas exploratory. Wala pang mga agreements na pinapasok. Kapag sinabi mong exploratory, tinitingnan pa lang ano ba iyong points na puwedeng pag-agreehan kasi given naman, Ka Ely, na iba’t iba, marami kaming differences. Kaya nga kami hindi magkakasama sa isang partido. Maraming differences. Pero ang tinitingnan kung ano iyong points of commonality at saka nag-a-agree ba kami sa pinaka-importanteng mga bagay. Iyon naman iyong mahalaga. At nandoon pa lang tayo sa stage na iyon.

     

    ELY: Yes, Ma’am. At may tanong nga rin si Jasmin Romero kung kailan niyo ho ba ide-deklara kasi parang feeling daw ni Senator Ping, tatakbo talaga kayong presidente. So kailan po ba malalaman ng taumbayan iyong inyong pinal na desisyon?

     

    VP LENI: Ka Ely, sorry ha, medyo putol-putol ka, Ka Ely. Pero ako naiintindihan ko, kung kailan ba malalaman iyong desisyon? Patuloy kasi iyong—ito, Ka Ely, dahil sa surge mahihinto na naman iyong ating efforts. Mahihinto na naman iyong ating efforts kasi kailangan talaga mag-focus tayo dito. Iyong opisina namin tuloy-tuloy iyong mga initiatives para makatulong hindi lang sa vaccination pero ito, iyong telemedicine, iyong ating emergency services, iyong marami pang iba. Iyong mga pagpapakain sa mga communities. So ito muna, tutukan ko muna. Sana in two weeks, maging okay na iyong numbers natin para makapaglaan tayo ng oras para sa preparation for the 2022 elections.

     

    Pero iyon, Ka Ely, sorry, Ka Ely, sobrang hina ng signal so hindi ko alam, Ka Ely, kung napuputol—

     

    ELY: Maliwanag po kayo, Ma’am, dito at basta binabanggit niyo—

     

    VP LENI: Ikaw kasi, Ka Ely, nagpuputol-putol ka sa akin.

     

    ELY: Pero basta’t malinaw po ang inyong mensahe, kapag kayo po ang naghain ng inyong certificate of candidacy, kung ano ang posisyon, iyon na. Walang atrasan. Walang bawian, iyon. Opo.

     

    VP LENI: Wala na. Kasi ang paniniwala ko, Ka Ely, obligasyon ko iyon. Kasi ano ba iyong gustong sabihin ng pag-file ng certificate of candidacy? Ino-offer mo na iyong sarili mo sa publiko, eh, ‘di ba. Ino-offer mo na iyong sarili mo sa publiko at may mga tao na na susuporta sa iyo. May mga tao na na maniniwala sa iyo. Obligasyon mo na panindigan mo iyon. Sa akin, iyon iyon, eh. Hindi puwedeng may mga tumaya sa akin tapos iiwan ko sila sa gitna ng laban. Iyong sa akin, kapag nag-file ako, kahit gaano kahirap, itutuloy ko iyon hanggang sa huli. Kaya nga natatagalan iyong pagdesisyon, Ka Ely, kasi hindi naman puwedeng magdedesisyon ako ngayon tapos nakita ko mahirap pala, aatras ako. Hindi iyon, eh. Sa akin, kung magdedesisyon ako, papanindigan ko iyon. Pero having said that, Ka Ely, iyong sa akin tingin ko iyong common sa amin, lahat naman mahal iyong bayan, eh. Lahat kami naghahanap ng ano ba iyong pinakamabuting gawin para sa bayan, ano ba iyong pinakamakakatulong. Kasi hindi lang iyon ano, eh, Ka Ely, na—kaya nga sinasabi ko dapat mag-broaden ng base kasi bakit kailangan mag-broaden ng base? Ito, maraming bagay, eh. Kasi hindi mo naman kasundo iyong lahat ng tao sa lahat ng paniniwala. Pero kung nagkakasundo kayo sa pinaka-importanteng bagay, para sa akin, enough reason iyon para i-pursue iyong paghanap ng commonalities, eh. Hindi lahat na gusto mo, gusto ng iba. Pero baka makahanap kayo.

     

    Sa akin, Ka Ely, in the next months or so, iyon iyong ipu-pursue ko. Kaya iyong mga meetings, Ka Ely, with the different contenders, ako iyong nag-initiate. Ako iyong pumupunta sa kanila, ako talaga iyong nagre-request ng meeting kasi tingin ko, ino-owe ko iyon sa taumbayan na mag-e-exert talaga ako ng effort. Kung—[technical lag]—eh ‘di wala. Basta nag-exert ako ng effort.

     

    ELY: Okay, Ma’am, wala na po tayong oras pero nasa linya natin—

     

    VP LENI: Ka Ely, manghihingi lang ako ng—kasi putol-putol ka sa akin, Ka Ely, so hihingi lang ako ng paumanhin sa ating Istorya ng Pag-asa guest. Ano siya, Ka Ely, siya iyong nag-umpisa ng Matiyaga Community Pantry. Pero baka hindi sa akin maging clear iyong sinasabi niya kaya hihingiin ko lang, Ka Ely, na kung puwedeng ikaw iyong mag-interview para hindi lang maputol.

     

    ELY: O kaya, Ma’am, gusto niyo i-reschedule na lang natin si Elijah.

     

    VP LENI: Ah, ire-reschedule na lang ba? Kasi wala nang oras, ano.

     

    ELY: Si Elijah, pabatiin lang ho natin, Ma’am, at siguro i-reschedule na lang natin. Elijah?

     

    VP LENI: Oo, pasensya ka na, Elijah, kasi nagkaroon ng maraming technical problems kanina kasi nandito ako sa probinsya.

     

    ELY: Pasensya ka na, Elijah, kasi talagang mahina ang signal ni Ma’am sa Bicol. Mas maganda kasi iyong matutukan din natin at mabusisi natin iyong iyong napakagandang ginawa.

     

    VP LENI: Sobra. Hindi siya huminto, Ka Ely. Hindi siya huminto at ito sana, hindi ko alam kung papangunahan ko na iyong kuwento niya pero ang ganda kasi, Ka Ely. Ang ganda noong kuwento niya kasi mayroon siyang—iyong grupo niya mayroong itu-tweak sila, Ka Ely, para maiwasan iyong pumipila nang mahaba. Ito, may partnership siya with the community na sila na iyong magluluto at hot meals iyong idadala bahay-bahay. Ang laking bagay nito, Ka Ely. Kaya excited sana akong i-interview siya pero ikaw kasi, Ka Ely, ngayon hindi ko masyadong maintindihan iyong sinasabi mo kasi paputol-putol ka sa akin.

     

    ELY: So, Elijah, okay lang sa iyo, i-reschedule na lang natin para mas mayroon pang detalye?

     

    ELIJAH SAN FERNANDO: Wala pong problema. Wala pong problema, Madame Vice President, okay lang po.

     

    VP LENI: Pasensya ka na, Elijah, ha nandito kasi ako sa probinsya at ang hirap hirap. Ang hirap hirap talaga ng signal. At saka pasensya na, Ka Ely, hindi ko alam kung nakuha ko lahat ng tanong mo, pero parang bine-base ko lang doon sa mga naririnig kong paputol-putol.

     

    ELY: Okay, so, Ma’am, Elijah, salamat ha. Siguro ayusin natin schedule natin kapag maayos na ang signal ng ating Bise Presidente. Salamat, Elijah, good morning!

     

    VP LENI: Maraming salamat at pasensya na ulit.

     

    ELY: Opo, Ma’am, at ang inyo pong mensahe sa ating mga kababayan sa gitna pa rin ho ng patuloy na paglaban natin dito po sa COVID.

     

    VP LENI: Iyong sa akin, Ka Ely, maraming bagay. Number one, ECQ tayo ngayon. Kailangan nating sumunod sa lahat ng regulations. Iyong exception lang nito, iyong exception na binigay ng deklarasyon, iyong mga authorized persons outside of residence, sana sundin natin to the letter. Iyong kailangan lang talagang lumabas ng bahay, iyon lang iyong lalabas ng bahay. Marami pong dahilan kung bakit ho natin ito ginagawa pero para simplehin lang, ang Delta variant nasa midst natin. Maraming mga examples sa iba’t ibang bansa na kapag hindi natin ito na-control ay buhay na naman ng napakaraming tao iyong at stake. Iyong vaccination, kailangang ituloy-tuloy kasi ito rin iyong strongest [technical lag] at this time para ma-prevent iyong—siguro hindi man ma-prevent iyong mahahawaan pero ma-prevent man lang iyong severity ng epekto ng virus sa ating katawan. So sana, tuloy-tuloy iyong vaccination. Ayusin lang para hindi nagkukumpulan sa mga venue para maiwasan iyong transmission. So iyong lahat na puwedeng magpabakuna, magpabakuna. Sana po sa mga probinsya, dagdagan na iyong allocation kasi halimbawa rito, dito sa amin paunti-unti iyong pagdating. So iyong reklamo din ng mga LGUs, nahihirapan silang planuhin. Nahihirapan silang planuhin. Example na lang iyong Iriga mayroon silang 14,000 seniors. Paunti-unti iyong pagdating ng bakuna. Gaya noong huli, may 5,000 na Janssen, mayroong Sinovac na kaunti, so nahihirapan talaga. So kung mayroon naman nang available sa national government na puwedeng ipadala sa mga probinsya, ipadala na the soonest possible time, lalo na doon sa mga lugar na marami talagang cases.

     

    Patuloy na nagpapasalamat tayo sa mga frontliners. Dala niyo po iyong aming pagmamahal, iyong aming greatfulness, at saka iyong aming dasal. Alam po namin na kayo na naman iyong mapapasubo ngayon. Hindi po kayo nakakapahinga pero marami na namang hihingiin sa inyong sakripisyo. Kami po sa Office of the Vice President, tumutulong kami sa limitado naming kakayahan na maibsan man lamang iyong kahirapan na pinagdadaanan niyo.

     

    Siguro sa ano rin, pahabol, sa general public, iyong Bayanihan E-Konsulta po tuloy-tuloy iyon, 24 hours po iyong 7 days a week iyong serbisyo pero iyong pagkuha ng—maggagawa po kami ng mga announcements para… Iyong ayaw din kasi natin matambakan tayo ng napakaraming kaso. Naalala ko noong surge noon, weekends wala kami para iyon iyong panghabol namin. Ngayon, hindi ko alam kung—pag-uusapan pa kasi depende rin sa number of volunteers na magsa-sign-up ulit. Bukas pa po kami sa volunteers—medical and non-medical. So iyon, mag-abang na lang po sa Bayanihan E-Konsulta page. Pero mag-iingat po tayong lahat.

     

    ELY: Okay, Ma’am, ingat ho kayo diyan sa Bicol at maraming salamat po sa inyo.

     

    VP LENI: Maraming salamat!

     

    ELY: Iyan po, mga kasama, ang ating Bise Presidente Leni Robredo. Maraming salamat. Don Lino Celle, salamat sa oras. Overtime na naman kami. Maraming salamat, mga kasama. Mula po rito sa DZXL Manila, ako pa rin ho ang inyong radyoman Ely Saludar. Muli po, isang magandang umaga, Pilipinas!

     

     

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on Aug 08, 2021