This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI Episode 223

    BISErbisyong LENI Episode 223

     

    ELY: Good morning! Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas at Mindanao. Ito na po ang BISErbisyong LENI dito po sa RMN. At siyempre ngayon po ay araw ng Linggo, August 15, 2021. Mula po dito sa RMN DZXL 558 Manila, tayo po ay napapakinggan sa RMN DYHP Cebu, RMN DXCC Cagayan De Oro, RMN DXDC Davao, RMN DWNX Naga. At siyempre sa lahat po ng ating inaabot ng broadcast nationwide, netwide. Magandang umaga! Ako pa rin ho ang inyong radyoman Ely Saludar. Siyempre kasama natin ang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President, Leni Robredo. Ma’am, good morning!

    VP LENI: Good morning, Ka Ely. Good morning po sa lahat ng nakikinig sa atin sa DZXL saka po sa mga RMN stations sa Naga, sa Cebu, sa Davao, sa Cagayan De Oro. Sa atin pong mga laging kasama every Sunday through our Facebook pages, sa VP Leni Robredo, saka sa RMN Facebook page, magandang, magandang umaga po sa inyo. Maulan ang umaga ngayon dito sa Metro Manila, Ka Ely. Sa ating mga kababayan sa Bicol, marhay na aga saindo gabos! Sa ating mga kababayan sa Visayas at Mindanao, maayong buntag!

     

    ISTORYA NG PAG-ASA SEGMENT

     

    VP LENI: Gusto ko lang, Ka Ely, humingi ng paumanhin noong nakaraang Linggo, kasi napakaraming problemang hinarap natin dahil nasa Bicol ako at napakahirap ng signal. So pawala-wala ako sa ating show hanggang natapos tayo ng hindi natin na-interview iyong ating Istorya ng Pag-asa guest dahil ang daming naging technical difficulties. So ngayon, Ka Ely, ni-request ko na ito, Ka Ely, kahapon pa na kung puwedeng unahin na natin ang Istorya ng Pag-asa guest kasi ito ang highlight ng ating diskusyon, tapos last Sunday hindi natin inabot. Kaya kasama na natin siya ngayon, Ka Ely. Kasama na natin siya, iyong atin pong Istorya ng Pag-asa feature. Dapat [for] last Sunday pero na-push siya for this Sunday, Si Elijah San Fernando. Elijah, good morning sa iyo.

    ELIJAH SAN FERNANDO: Magandang umaga po, Vice President at sa lahat po ng mga tagapakinig sa inyong programa.

    VP LENI: Elijah, excited pa naman ako makausap ka noong Sunday. Kasi bago noon, bago tayo nag-show noong Sunday, binabasa ko iyong kuwento mo at marami akong tanong. Marami akong tanog kasi ikaw, Elijah, iyong nag-start ng Matiyaga Community Pantry. Iyon iyong kuwento mo, tama ba, na-inspire ka sa inumpisahan ni Patring sa Maginhawa? Iyong Matiyaga ba, gaano kalayo sa Maginhawa?

     

    ELIJAH SAN FERNANDO: Ang naghihiwalay lang po sa amin, iyong Kalayaan Avenue. So malapit na malapit lang po.

     

    VP LENI: Dito pala kayo sa kabila.

     

    ELIJAH SAN FERNANDO: Opo.

     

    VP LENI: Dito pala kayo sa kabila. Pero ito, Elijah, hindi ito iyong pinakauna. Kasi it is one thing to be inspired, it’s another thing na may gagawin ka about it. So iyong sa iyo, paano ka nagkaroon ng lakas ng loob na mag-start din ng isang community pantry? April 16, ‘di ba? April 16 iyong first day ng Matiyaga Community Pantry?

     

    ELIJAH SAN FERNANDO: Opo. Noong inumpisahan po kasi ni Patring iyong sa Maginhawa Community Pantry, sabi namin, “bakit hindi natin gawin din dito sa Matiyaga? We have the network, we have the resources.” Magkakaibigan naman po kami na tingin namin kakayanin namin. And then, wala na po masyadong mahabang pag-uusap. Wala na masyadong brainstorming and planning. On April 16 we decided, “sige, subukan natin.” Pero prior to that po kasi advocacy na po namin na magkakasama at magkakaibigan na tumulong din po sa community. Kasi bumibili kami ng ani ng ating mga magsasaka na hindi nabebenta. We “rescue-buy” it. And then it so happened po during that time, kakabili lang po namin ng 500 kilong kamote mula sa magsasaka ng Paniqui, Tarlac. At sabi namin, bakit hindi ito iyong unang ilagay sa community pantry? So iyon po, on that day, naghatid kami sa Maginhawa ng 200 kilos of kamote. And then iyong natitira po, iyong na po iyong inilagay namin sa Matiyaga community pantry and that’s how it started po, Vice President.

     

    VP LENI: Pero ito, Elijah, sa akin balikan ko lang iyong sinabi mo kanina na dati n’yo na ito ginagawa. Kayong magkakaibigan, dati n’yo na ito ginagawa na—I presume na during the pandemic kasi ang daming farmers na kinailangan tulungan ‘di ba dahil nagsara lahat. Tapos nakita ko na parang ano ka... Naging project consultant ka sa iba’t-ibang mga NGOs. So ito… Ako kasi galing din ako sa NGO and kadalasan may kuwento behind it. Papaano ka napasok sa development work?

     

    ELIJAH SAN FERNANDO: [I] started po during my student years po. Na-engage po sa iba’t-ibang mga advocacies, and then sabi ko parang magandang maganda magtuloy-tuloy na dito. And then nagtuloy-tuloy na nga po. During my student years, I was engaged po sa mga usapin ng public finance, participatory public budgeting po. And then sa iba’t-ibang mga isyu, lalo na sa mga isyu ng mga manggagawa at mga maralitang taga-lungsod. At mula po noon, pagka-graduate ko po, so I entered na po development work po.

     

    VP LENI: Ano iyong course mo, Elijah, noong college:

     

    ELIJAH SAN FERNANDO: Economics po sa Polytechnic University of the Philippines.

     

    VP LENI: Pareho tayo! Pareho tayo. Iyong sa iyo ba, iyong attraction sa’yo ng development work, kasi sabi mo nag-start siya when you were in college. Iyong attraction sa iyo, is it because of sa upbringing sa iyo, iyong family ba na pinanggalingan mo, iyong members are also into advocacies? Or because of the school?

     

    ELIJAH SAN FERNANDO: Parehas po. Lagi po sinasabi ng Mom ko na “Kung ano ang tingin mo tama, gawin mo. Kung may nakikita kang injustices sa lipunan, try your best and do your best to correct those injustices.” And then namulat din po, na-reinforce lalo iyon sa PUP kasi iyon po iyong realities na lagi namin nakikita. Paglabas ng PUP nandiyan ang iyong patuloy na problema ng lipunan natin gaya ng kahirapan. Na-reinforce po iyan. I decided that I will pursue this. I will pursue this advocacy. Magpapatuloy ako dito kasi may pangangailangan.

     

    VP LENI: Iyon, Elijah, nakakahanga iyon. Kasi ako, galing din ako sa NGO at alam natin na thankless siya. Alam natin na thankless iyong development work. Kasi una, hindi ka yayaman. In fact, abonado ka. Pero at the same time parang you give so much of yourself, ‘di ba? And iyong sinabi mo na iyong school was contributory. Ako, ano ako doon, witness ako. Kasi sa office namin, mayroon kaming mga staff na very young. Very young na galing din sa PUP and talagang naaasahan mo pagdating sa development work. So ako natutuwa ako na mayroong mga, hindi lang iyong families, pero iyong mga nasimulan sa families, na-e-enforce sa school. Kasi ‘di ba ang daming pangangailangan in our midst na mag-aasikaso sa mga issues patungkol sa mga sektor, iyong mga nangangailangan ng tulong. And sabi mo nga na isa pang pumasok sa… Parang sa na-attract ako doon sa sinabi mo na, “Wala na masyadong diskusyon,” wala na masyadong diskusyon, wala na masyadong plano, pag nakita mo ang pangangailangan, parang laban agad. Iyon iyong sa course ba ng development work mo, doon ito nanggaling? Kasi ‘di ba? Ako napansin ko iyon, Elijah. Iba-iba naman iyong klase ng pagtulong ng tao, ‘di ba? Ang iba, gaya mo na kapag nakikita kaagad, sige na. Iyong iba naman ayaw magsimula hangga’t hindi plantsado. At ako, mas pareho tayo. Kapag may nakitang pangangailangan, sige na kaagad. Kahit kulang-kulang pa iyong pangangailangan, punuan na lang along the way. So para sa iyo, sa mga nakita mo in the course of iyon nga, iyong trabaho na ginagawa mo, naging helpful ba iyong ganitong klaseng, “Sige na kasi nandiyan na iyong pangangailangan”?

     

    ELIJAH SAN FERNANDO: Opo. Masasabi ko opo. Actually, kasi sa haba po ng experience at nakikita ko po sa ground, kadalasan po kasi iyong mga tao, nandiyan na agad… Malaki ang pangangailangan. At ang nangyayari po sa halip na tumulong, mas nababaling po iyong atensyon ng karamihan sa atin doon sa…

     

    VP LENI: Nauubos… [laughter]

     

    ELIJAH SAN FERNANDO: Nauubos iyong oras sa masyadong mahabang plano. So pagkatapos na po mag-plano, iyong mga nangangailangan baka tapos na po ang pangangailangan nila. So same goes with the community pantry. Gutom po kasi iyong masa. Gutom ang mga mamamayan. Maraming nangangailangan. So kailangan nila, immediately, mapakain po sila. So agad-agaran, in-organize na namin ang community pantry para matugonan na ang pangangailangan ng mga mamamayan. Tapos kung may mga problema po at dapat ayusin doon sa mga ginagawa namin, it will come along the way naman po. Mapag-uusapan at ma-aasses naman po ng team iyan,

     

    VP LENI: Totoo.

     

    ELIJAH SAN FERNANDO: So iyon po ang beliefe ng team namin.

     

    VP LENI: Kaya ko iyon gusto i-emphasize, Elijah, kasi I think kay Patreng ganoon din. Hindi mo talaga alam kung paano mo masu-sustain pero alam mo kasing kailangan. Naalala ko lang, Elijah, kasi may kasabihan, ‘di ba? Si Father Ferriols namatay siya ngayong umaga at the age of 97. Siya ang nagsabi niyan: “Huwag tanungin kung mahirap. Tanungin kung kailangan.” And iyong mga nasa development work, parang trained to do it. Hindi mo alam kung saan kukunin iyong susunod na resources para ma-sustain. Pero alam mo lang na kailangan kaya gagawin mo na. Kaya gusto i-emphasize kasi bata ka pa. And sana ma-inspire din ang mga nakikinig sa atin na bata din, na huwag masyadong matakot na hindi kakayanin kasi basta kailangan, gawin mo na, tapos bahala na. And i-emphasize ko lang, Elijah, kasi alam natin na noong kasagsagan, iyon iyong April-May of this year, doon talaga umusbong iyong community pantries kasi nagkaroon tayo ng another surge, iyong third surge natin, ‘di ba? Pero karamihan doon sa mga nag-umpisa noong community pantries, parang nagsara na. Pero iyong sa iyo, never ka nagsara ‘no? Iyong sa Matiyaga, iyong sa inyong magkakaibigan, from April 16, two days after sinimulan iyong Maginhawa, hanggang ngayon, tuloy-tuloy. Ano iyong sikreto?

     

    ELIJAH SAN FERNANDO: Lagi po naming binabanggit, komunidad ang dahilan kung bakit may community pantry. At komunidad din ang magiging dahilan para ma-sustain ito. Imposible po na ma-sustain namin up until now kung dahil lang sa aming magkakaibigan o dahil lang po sa akin. So mula noong April 16 hanggang sa ngayon, ang lagi po naming binabanggit, let’s engage po iyong stakeholders sa community. Iyong magkakapitbahay, iyong mga tricycle drivers, iyong mga ka-nanayan. Pag-usapan, patuloy na pag-usapan paano natin matutulungan iyong bawat isa, lalo na itong community pantry ngayong maraming nangangailangan. Iyon po iyong sikreto. Kami rin po naniniwala na kayang tugonan ng komunidad iyong kaniyang pangangailangan. Kailangan lang po sila ma-empower at maipaintindi sa bawat isa iyong capacity na makapag-agapayanan, makapag-kapatiran, makapag-tulungan. So that’s the secret po. Mula April 16, up until now, iyon po ang battlecry namin: “Magkaisa tayo, tayong komunidad. Mag-engage tayo dito sa community pantry. Alagaan natin ito, at iyon ang magpapatuloy nitong community pantry.”

     

    VP LENI: Kasi, Elijah, very striking iyon. Halos four months na ‘di ba na nandiyan ang community pantry. Hindi ba kayo nakaramdam ng donor fatigue? Iyong mga dating nagbibigay sa inyo, hindi ba sila napagod na paulit-ulit ang pangangailangan?

     

    ELIJAH SAN FERNANDO: Valid po and legitimate po na problema talaga iyan. Humina po talaga iyong pasok ng donasyon. Pero iyon nga po,dahil na-establish po iyong konsepto po ng mutual aid sa community, kahit po kaunti nakakayang pagkasyahin. Iyong magkakapitbahay, kung may sobra sila, iyon po ang binabahagi nila. Iyong mga nagtitinda ng gulay, halimbawa, kung hindi nila naibenta ang kanilang paninda sa buong araw, kinagabihan o kinahapunan, iyon po iyong binibigay nila. So nasu-sutain po ng community ang community pantry. Pero totoo po na talagang bumaba ang donasyon.

     

    VP LENI: Mahalaga iyong sinabi mo kasi ang iba mayroong presumption na iyong mga nagbibigay doon, iyong mga may kaya dahil kaya nila magbigay. Pero parang sinasabi mo ngayon, hindi eh. Iyong mga nagbibigay, minsan sila nangangailangan din pero kahit kaunti, binibigay pa rin. Napakahalaga noon, eh. Napakahalaga noon kasi number one, nagbibigay ng dignidad, ‘di ba? Nagbibigay ng dignidad na kahit wala akong… parang hindi… kahit hindi ako mayaman, mayroon pa rin akong mabibigay. Tapos number two, empowering din siya. Empowering siya in the sense na nire-recognize niya na mayroon pang mas naghihirap sa kaniya, so siya kahit na kailangan niya, tumutulong pa rin siya. And I think napakahalagang konspeto noon. Pero ito, Elijah, isa pa na tingin ko kailangan ding ma-emphasize, na evolving ‘di ba? Evolving iyong konsepto ng inyong community pantry kasi dati pumipila lahat ng tao doon. Tapos even before this surge, sinisismulan n’yo iyong konsepto na ido-door-to-door. Paano ninyo naisip na mag-shift sa ganoon?

     

    ELIJAH SAN FERNANDO: Noong kasagsagan po kasi ng community pantry, talagang ang dami na—by the hundreds, by the thousands po—ang pumipila. And so sabi namin… We recognize na may gutom, may pangangailangan iyong masa. Pero kailangan din natin i-recognize na may COVID pa rin. So patuloy po kami nag-iisip na “Papaano kaya matitiyak iyong kalusugan at kaligtasan ng beneficiaries sa community pantry?” So doon din po, spontaneous, “subukan natin mag-door-to-door.” Nag-pilot po kami sa isang community five streets away from Matiyaga. Posible pala. Kaya. Kayang i-door-to-door. Kaya iyong tulong diretso doon sa bahay. Kumuha lang po kami ng mga coordinators at hinahatid po namin doon sa per compound iyong mga goods, at sila na ang naghahatid sa bahay-bahay doon sa community.

     

    VP LENI: Iyon sana iyong itatanong ko.

     

    ELIJAH SAN FERNANDO: Sige po.

     

    VP LENI: Iyon ang gusto kong itanong ko actually, Elijah. Kasi nga iyong konseptong door-to-door, pero it will require too many people ‘di ba to do that. And tatanong ko sana sa inyo papaano nyo kinakaya. Pero ang galing. Ang galing ng konsepto. Na iyong mga lugar na tutulungan ninyo, naghahanap kayo ng point person. Parang point person doon, tapos siya na ang nagiging representative ninyo, siya na rin ang bahala mamigay. Pero ang gandang point nito, Elijah. Ang gandang point nito kasi lumalabas [na] parang iyong grupo n’yo, kayong magkakaibigan, kayo na iyong center of gravity ‘di ba? Maraming mga ibang maliliit na grupo around you na tumutulong. And iyong tulong na iyon naging… parang binuhay n’yo iyong sense of communal responsibility. Binuhay n’yo because of the example that you led. And gusto ko itong i-emphasize, Elijah, kasi bata ka, sabi mo sinimulan ito by a group of friends, na-sustain nyo ito [for] four months na. Tapos nag-e-evolve siya. Nag-start sa walang kasiguruhan kung masu-sustain. Nag-door-to-door kayo. Tapos ngayon, parang lalo pa siyang nag-evolve kasi iyong gagawin ninyo, parang iyong ibibigay ninyo luto na? Tama ba ang pagkaintindi ko, luto na?

     

    ELIJAH SAN FERNANDO: Opo.

     

    VP LENI: Sino iyong magluluto?

     

    ELIJAH SAN FERNANDO: Iyong mga ka-nanayan po namin, na dating pumipila. Sila na po ang pinipilahan ngayon. So iyong mga volunteer nanays po namin dito sa Barangay Pinyahan, nag-usap po kasi kami bago po mag-ECQ. Sabi namin, “paano kaya tayo patuloy na makakatulong kahit ECQ?” At doon po nabuksan ang konsepto ng Kusingang Bayan o Community Kitchens. So sila, nagsabi sila, “Sige, magvo-volunteer kami. Magluluto kami. Pero kailangan natin magtulong doon sa pang-sahog.” So sabi namin, sige kami na ang mag-aako para mag-resource mobilization pero papaano po kaya ang gagawi natin, mga nanay? Sabi nila “Nagagawa naman na po namin. Kaya namin ‘yan.” So iyon po ang nangyari. Ang mga kananayan mismo ang nagluluto ng mga pagkain, at sila na po ang naghahatid sa kanilang mga kapitbahay.

     

    VP LENI: Ang ganda! Ang ganda, Elijah, kasi magandang i-emphasize iyong itong mga volunteers ninyo ngayon, sila rin ang beneficiaries na binibigyan ninyo dati. Ito iyong paying it forward ‘di ba? Tingin nila na kahit sila rin nangangailangan, kailangan din nilang tumulong. And wala na tayo masyadong oras, Elijah, kasi nakikita ko lampas na tayo. Pero gusto ko lang itong i-over emphasize na wala sa edad, wala sa kakayahan as far as resources are concerned, ang kailangan lang talga maging creative ka. Kailagnan maging creative ka. Kailangan ma-inspire mo iyong mga tao na tumulong. Tapos kailangan din, Elijah, may tiwala sa iyo, ‘di ba? Kailangan din may tiwala sa iyo iyong tao. Kasi, ewan ko, nakikita ko ito sa amin. Parang one and a half years na, ang dami pa ring nagdo-donate kasi may tiwala sila na nakakarating sa kailangang recipients. So, ito, dahil wala na tayong oras, ano iyong message mo? Ano ang message mo hindi lang sa mga kabataan, pero sa mga kababayan natin? Kasi nakita mo na na iyong simpleng sinimulan mo, nag-evolve into something like this. Tapos naging, iyon nga, naging center of gravity siya para iba-iba, nagtutulungan for the benefit of the community?

     

    ELIJAH SAN FERNANDO: Ma’am, ngayon po napaka-strong ng narrative lalo na po ng ilan na sinasabi na hindi kaya, hindi natin kayang punan iyong pangangailangan ng mamamayan, so may mga pipiliin lang talaga. Ang mensahe po ng pantry, ang mensahe po ng Matiyaga: Posible. Posibleng mabigyan ng masustansyang pagkain ang bawat pamilya. Posibleng matugonan iyong pangangailangan ng komunidad. Posible lahat ng mga bagay na sinasabi nilang imposible. We just have to think out of the box. We just have to innovate and find alternatives. And as we find alternatives, isama ang komunidad sa pagpaplano, isama ang komunidad sa kung ano ang nais gawin dahil alam ng komunidad kung ano ang pangangailangan niya. Dahil may kapasidad iyan na tumugon sa kaniyang pangangailangan. Hindi dapat po natin tingnan ang komunidad bilang objects of charity na pang-feel-good lang, kundi sila ay partners. Sila ay kaagapay doon sa mga nais natin gawin. Kaya iyon po ang mensahe, posible iyong mga bagay-bagay na nais nating gawin.

     

    VP LENI: At saka gusto ko lang, gusto ko lang i-pick up iyon, Elijah, iyong sinabi mo, na hindi dapat, parang iyon din kasi iyong paniniwala ko e, na iyong tinutulungan, hindi dapat sila tinitignan na beneficiaries lang, pero dapat tinitignan sila na partners in development, ‘di ba? Kasi actually magiging mahusay iyong project natin kung iyong kaisipan ay ininvolve iyong mga tutulungan kasi sila iyong may pinaka—sabi mo kanina, alam nila e, alam nila kung ano iyong pangangailangan nila, alam nila, in fact, how it should be done, sila iyong nagtuturo sa atin. And kaya tayo nagiging effective kasi nagle-lean talaga tayo towards the ground. So sa akin, maraming salamat Elijah sa inspirasyon. Sana iyong konseptong nasimulan niyo nila Patreng patuloy na hindi lang, hindi lang dumami pero mag-evolve bilang, bilang isang gravitational force na ini-involve talaga iyong lahat ng members of the community kasi parang kapag nag-transition na tayo sa new normal ang ganda kung ito iyong magiging ‘di ba? Magiging pinagmumulan, sa kaniya nagmumula iyong lahat ng galaw ng society. So, ayon. Elijah, wala na kaming oras pero mabuhay ka, maraming salamat sa, pasabi sa mga group of friends mo at saka sa mga nanay na din na salamat sa inspirasyon.

     

    ELIJAH SAN FERNANDO: Maraming salamat po, Vice President. Maraming maraming salamat.

     

    VP LENI: Ayon, Ka Ely.

     

    ELY: Okay, maraming salamat kay Elijah at talagang iyon oh, nabigyan po natin ng importansya.

     

    VP LENI: Ang galing, ‘di ba?

     

    ELY: Importante, Ma’am, eh.

     

    VP LENI: Ang galing nung konsepto, Ka Ely, na iyong community mismo e, iyong community iyong tumutulong, ang naging role nung grupo ni Elijah, sila iyong bumubuhay—sila iyong bumuhay nung bayanihan spirit, and napakahalaga nung points, Ka Ely, na iyong mga organizations na katulad nito hindi naman nila kailangan gawin iyong lahat ng trabahaho, ang kailangan lang ma-inspire nila iyong community na mag tulong tulungan, mas marami talaga nagagawa. Kaya ayon, maraming salamat sa iyo, Elijah, maraming salamat sa mga kaibigan mo na patuloy na lumalaban.

     

    [END OF INP SEGMENT]

     

    ELY: Okay samantala, Ma’am, at isa rin sa pinaka-importante, nako, ito talagang marami pong natulungan, at iyong ginawa niyo pong aktibidad sa may Quezon City, kasi ‘di ba nung nakaraan sa Maynila tapos sa Bicol area, ngayon naman sa Quezon City, kumusta, Ma’am, iyong ating Vaccine Express?

     

    VP LENI: Nakaka—alam mo, Ka Ely, nandoon ako two days, noong Thursday nandoon ako nung umaga. Noong Friday naman nandoon ako nung hapon. Eh noong Friday na hapon pa naman, Ka Ely, talagang bumagsak iyong napakalakas na ulan. Pero ang nakakatuwa Ka Ely-ng tignan and iyong sa amin, iyong pag-post namin, iyong credit lahat binibigay sa amin, pero, Ka Ely, iyong Quezon City government talaga ang husay nung pagkalatag. Kasi iyong sa amin, Ka Ely, sa amin iyong sistema, sa amin iyong pag-invite ng mga volunteers na magtatrabaho, pero iyong pag register nung mga recipients nung vaccine, iyong pag-asikaso din ng order doon, Quezon City government talaga iyon. Kaya sa amin. Ka Ely, gusto namin silang pasalamatan. Kami nga sinabi namin na anytime na kailangan kami nandiyan kami. And hindi lang sa Quezon City government, sinabi din namin ito kay Mayor Isko, and mayroon kami ngayong existing na pakikipagusap sa iba pang mga local government units. Kasi iyong pinaka- point talaga Ka Ely, bumibilis, nakakatulong iyong Vaccine Express, nagpo-provide ka ng parang sistema na mapapabilis iyong deployment ng vaccines. Halimbawa, Ka Ely, sa Iriga, pagpunta namin nagkukuwento si Mayor na hirap talaga sila sa deployment kasi kulang din talaga iyong, kulang iyong human resource. In fact, sabi niya na rin, na-flag na din sila sa bagal ng usad ng vaccines. Pero pagpunta namin, ano iyon, pagpunta namin ang target lang namin 5,000 in two days pero sobrang nahigitan namin nag 6,000 plus kami. Sa Iriga, Ka Ely, lahat iyon seniors, ito naman—seniors pala at saka may comorbidities—ito naman sa Quezon City lahat naman jeepney drivers, TODA drivers, at saka iyong delivery riders. Kaya ito, Ka Ely, ito talaga advocacy namin na kapag may local government unit na nakiki-partner sa amin, ito iyong sina-suggest namin for Metro Manila. Kasi 'di ba mula nung—mula nung nagsimula iyong mga lockdowns natin last year, lahat tayo dependent sa mga riders, ‘di ba? Iyong exposure nila sa tao ang taas, pero marami sa kanila hindi pa nababakunahan. At nagkukwento iyong QC government, sila Mayor Joy, na in fact noong umpisa, hirap silang kumbinsihin. Hirap silang kumbinsihin iyong mga drivers tsaka mga riders na magpabakuna, kasi ang daming mga disinformation, Ka Ely. Pero iyong pinaka-lesson, number one, kapag nilapit mo sa kanila, accessible, hindi laking abala. Iyong hindi sila mawawalan ng kita ng one whole day para lang magpabakuna. Kasi iyon, ano iyon eh drive-through, hindi nga isang oras, Ka Ely, from registration hanggang monitoring, so hindi mo kailangan huminto kumayod. Malaking bagay iyon for them kasi marami sa kanila kapag hindi kumayod ng isang araw may epekto na kaagad sa pamilya, iyong accessibility. Tapos iyong pangatlo, iyong incentives din, Ka Ely, worked. Halimbawa iyong incentives namin ngayon, Ka Ely, namigay kami ng 500 peso worth ng gift certificate sa Puregold. Hindi namin ito in-anounce. Hindi namin in-anounce, Ka Ely, nalaman na lang nila noong first day na mayroon. Pero napansin namin na iyong second day dumagsa, dumagsa iyong mga magpapabakuna kasi marami sa kanila nagkukuwento na, “balita namin mayroong ganito.” And iyong sa amin, kaya namin, Ka Ely, kaya kami nagbibigay ng ganoong incentive para, kasi kapag magpapabakuna ka, may mawawala sa iyong income, eh.

     

    ELY: Tama

     

    VP LENI: May mawawala sa iyong income so parang ano lang, parang iyong nawala sa iyong income mayroong kapalit. Tapos mapapasalamat din na—kasi every time nagbabakuna tayo ng isang tao, tulong talaga iyon sa community. Tapos doon sa mga medyo naguurong-sulong, mas maeenganyo siya. So sa amin, tuloy-tuloy naman ito, Ka Ely, sana makakuha pa kami ng maraming mga partners kasi halimbawa iyong nag-provide ng space Robinsons Novaliches, ang dali, Ka Ely. Ang dali for us kasi ang…

     

    ELY: Lawak.

     

    VP LENI: Ang lapad. Taga-doon ka, Ka Ely, ‘di ba, sa areang iyon? Sa Robinsons Novaliches, ang lawak ng kaniyang parking space. So mayroong lugar para sa lahat. Hindi sila siksik, so buwelo. Nag-put up lang tayo ng maraming tents doon, so kahit umulan, mayroong silungan talaga iyong lahat. At tapos iyong Puregold, iyong Puregold, Ka Ely, nag-donate sa atin ng mga gift certificates, dinagdagan na lang natin. Nag-purchase iyong office ng pandagdag para doon sa mga recipients. Noong huli naman iyong sa Manila naman, iyong partner natin SEAOIL—SEAOIL Foundation, nag-donate din sila ng gift certificate sa gas. Iyong kulang naman office na namin iyong nag provide. So sana, sana sa mga future na bakunahan mayroon tayong—nakakapagbigay tayo ng incentives para doon, at least para sa first dose, para maengganyo sila. So itong Quezon City, Ka Ely, parang ang second dose ay kung hindi ako nagkakamali September 9, September 9 o 10—September 9 to 10. So doon ulit sa Robinsons Novaliches ulit. Ang i-e-entertain lang doon iyong nag-first dose noong Thursday and Friday.

     

    Marami kaming, Ka Ely, actually nare-receive na mga requests. Marami kaming nare-receive na mga request na kung puwede iyong Vaccine Express namin pumunta sa kanila. Pero ito, Ka Ely, lagi ko itong ine-emphasize every Sunday, every Biserb: wala po kaming access sa vaccine supply. So kami anytime, willing kaming pumunta for the Vaccine Express pero iyong mapo-provide lang po namin iyong logistics, iyong mga mag-iinject etc. Pero iyong supply ay galing po sa LGU. So iyong Manila, iyong Naga, iyong Iriga, at saka iyong Quezon City iyong in-inject po natin doon na supply galing LGU. So ngayon, mayroon tayong mga—ngayong week ay mayroon tayong meetings with some of the iyong mga nagre-request, ine-explain natin ito, Ka Ely. So kung mas maraming LGU iyong magre-request, okay po sa amin basta may access kami to supply.

     

    ELY: Opo, okay. So napakaganda po ng sistemang iyan, lalo na po sa ating mga kababayan na araw-araw iyong parang kasabihan na isang kahig isang tuka, talagang maaapektuhan kapag hindi po naghanapbuhay iyong kanilang pamilya. Okay, Ma’am, at ngayon ay may mga report no na—pero ito ay pinabulaanan na rin ng mga Metro Manila mayors na maaring mapalawig ang ECQ dito po sa Metro Manila. Iyong sa Laguna ibinalik eh. Naka- MECQ na ginawa ulit ECQ. Pero kayo, Ma’am, ano po ang inyong pagmo-monitor? Ngayon tumataas po iyong kaso, pinakahuli nasa 14,000 mahigit. Pero ang sabi kasi ng mga taga-DOH, baka next week pa raw or after two weeks eepekto itong ECQ dito po sa Metro Manila.

     

    VP LENI: Ngayon, Ka Ely, iyong kahapon ay 14,000 plus—isa siya sa pinakamataas since nagoumpisa iyong pandemic. Pero sa akin mas alarming sa akin iyong positivity rate, kasi iyong positivity rate kahapon ay 24.9%—halos 25% iyon. Anong gustong sabihin ng 25%? bawat apat na tine-test isa doon positive, so ang laki-laki noon, Ka Ely. Kapag tiningnan mo ilan ba iyong tinest doon sa records kahapon parang 52,000. Ito pa rin iyong—ito pa rin iyong ano natin level natin ng testing since last year. And lagi natin, Ka Ely, na pinu-push para tayo—para na tayong sirang plaka—lagi natin pinu-push na dagdagan. Dagdagan iyong number of tests, kasi kapag hindi natin dinagdagan, tataas lang ito nang tataas kasi baka ang dami nang infected na hindi natetest. And marami kasing, Ka Ely, factors iyong pagdagdag ng testing. Halimbawa kami, alam namin, may swab kami. Paminsan kahit available, Ka Ely, iyong pag-test, mahina iyong contact tracing. So talagang kulang iyong naka-line up na mga itetest, kasi hindi nagte-trace enough. So sa akin isa iyon. Ang pangalawa, accessibility din. May mga lugar, Ka Ely, lalo na sa mga probinsya, na mahirap magpa-test. Mayroon lang mga quota, Ka Ely. Halimbawa sa amin sa Naga, nakalimutan ko kung ilan iyong quota namin everyday. Iyon lang iyong available for us na tests na gagawin. And paminsan, lalo na kapag nag-umpok-umpukan iyong mga na-expose, kulang talaga iyong test. So sa akin iyong accessibility, iyong affordability, kasi ang mahal. Mahal iyong pagpapatest. So accessibility, affordability, tapos iyong i-improve nga iyong... i-improve iyong contact tracing para alam namin kung sino dapat iyong itest.

     

    Ito, Ka Ely, inulit ko na to several times. Ang international standard dapat ang positivity rate, less than 5. Kapag mayroon tayong positivity rate na almost 25 percent, sobrang taas noon. Sobrang taas noon. Mayroong mga iba-ibang pananaw, Ka Ely. Halimbawa, sinasabi ngayon na nagwowork iyong vaccines kasi mas kaunti na iyong nagiging severe. Iyong hospitalization, ang sinasabi mas kaunti ngayon. Pero actually, Ka Ely, sa amin, sa Bayanihan E-Konsulta, ramdam na ramdam namin. Ang dagsa ng mga kaso sa amin, Ka Ely, kagabi lang, magdamag na walang pahinga iyong aming EMS team, kasi ang daming emergency sa mga ospital. So ano pa din... karamihan sa mga nagiging severe ay unvaccinated. Ang iba naman, vaccinated na pero naka isang dose pa lang. So dapat talaga pati iyong pagbabakuna bilisan. Pagbabakuna bilisan, kahit nabakunahan na, iyong health protocols maging istrikto pa rin. Kasi nakikita natin dito na while iyong bakuna nakakatulong siya sa pag-iwas na maging severe iyong symptoms, talagang nahahawa pa rin.

     

    ELY: Opo. Okay, ang isa rin sa talagang hindi maiiwasang pag-usapan, Ma’am, ito hong naging ulat ng Commission on Audit. Eh importante ho ito sa panahon po ng pandemya, at isa nga po rito sa tinututukan, ito hong parang maling paghawak ng DOH. Ito, 67.3 billion pesos na pondo ng Kagawaran. Mukhang hindi nahawakan nang maayos, Ma’am.

     

    VP LENI: Totoo, Ka Ely, at ito nakakalungkot kasi nangyari ito sa panahon ng pandemic. Unang-una, sinasabi na nga natin, Ka Ely, halimbawa noong lumabas iyong budget for 2021, sinasabi na natin na bakit inontian pa iyong budget ng DOH na dapat nga sila iyong buhusan ng malaking pera dahil pandemic ngayon at maraming pangangailangan. Pero kapag lumabas iyong ganitong audit, hindi mo na sigurado kung tama bang binawasan or... alam mo iyon. Ito Ka Ely, lumabas ito sa... iyong COA recommendations, parang ang flinag niya, iyong deficiencies parang 67.3 [billion]. Alarming ito. Pero mayroong paglilinaw na nilabas ang COA na hindi naman natin sinasabi na... hindi pa natin sinasabi na nawawala ito. Pero marami kasi dito na hindi maayos iyong documentation. So sa akin, Ka Ely, ano pa rin ito, governance issue pa rin. Kahit pa hindi siya nawawala, governance issue pa rin na susunod sa mga regulasyon. Kasi bakit ba tayo may regulasyon? Kaya tayo may regulasyon para maiwasan iyong korapsyon. Kung hindi tayo susunod sa COA regulations, kahit hindi pa nawawala iyong pera, ang daming questions kung bakit hindi tayo sumunod. At nakaka-erode iyon ng tiwala ng tao. Pero sa akin, Ka Ely... tinitingnan ko, Ka Ely, eh, na doon... iyong 67.3 billion na deficiencies, tingnan na natin Ka Ely. Of the 67.3 billion, expired medicines 95 million. Ka Ely, expired or near expiration na mga gamot—95.6 million. So sa akin lang, Ka Ely, noong nasa Congress ako, nagkaroon kami ng program doon, Ka Ely, na iyong mga may maintenance medicine sa mga barangay, napoprovide dapat ng barangay health centers at saka mga RHU iyong kanilang mga maintenance medicine. Kasi ang dami, Ka Ely, na kailangan nagme-maintenance medicine pero hindi nakaka-maintenance medicine kasi walang pambili. And para sa amin, ito dapat iyong kino-cover na mga medicines ‘di ba, na binibigay ng DOH. Dapat hindi maging dahilan iyong kahirapan para hindi ka makainom. Iyong sa akin, tinitingnan ko, Ka Ely, iyong Losartan. Kasi iyong Losartan ‘di ba, siya iyong pinaka common na iniinom na maintenance medicine para sa mga may high blood. Magkano ba iyong Losartan? Ang pinakamura yata... iba-iba kasi dahil sa brand... pero ang pinakamura yata may 5 pesos, mayroon ding 15 pesos. Kwinenta ko, Ka Ely, kagabi, kwinenta ko kagabi. Na doon lang sa 95 million na nag-expire, kung sa 5 pesos bawat gamot, 19 million na tablets iyon ng Losartan. Ano lang, Ka Ely, iyong tablets na iyon, sabihin natin once a day ite-take, so 30 days. Iyong perang iyon, Ka Ely, makakapag-provide ng maintenance medicine for 30 days sa 600,000 plus na tao. So alam mo, Ka Ely.... sa mga probinsya, o kahit nga sa Metro Manila, ang daming bata pa na namamatay. Namamatay, 'di ba one of the leading cause of deaths dito sa atin iyong stroke. Marami sa kanila ang namamatay dahil hindi naaayos iyong kanilang maintenance medicines. So iyong sa akin lang, 'di ba grabe iyong disconnect. Maraming mamamatay dahil hindi kayang uminom ng gamot, tapos gumagastos iyong pamahalaan ng napakamahal para sa mga gamot na mag-e-expire lang. Sobrang sayang, 95 million, gamot pa lang ito Ka Ely.

     

    Sunod, doon sa 67.3 billion na deficiencies, ang 24.6 billion doon, unobligated. Kapag sinabi, Ka Ely, na unobligated, hindi... hindi pa na... parang ano pa. Hindi pa siya namamark na gagastusin. So 24 billion iyon, Ka Ely. Ako nga kinikwenta ko, Ka Ely,  24.6 billion. Ang isa sa mga pinakahirap ang mga kababayan ngayon, dialysis. Ang dami-daming nagpapa-dialysis. Magkano ba iyong average cost ng isang dialysis session? Ang average cost, Ka Ely, siguro mga 4,000 o 4,500? So kwinenta ko, Ka Ely, kasi maliban doon sa 24.6 billion na unobligated, mayroon pang 4.7 billion na unreleased. Na-appropriate na, pero hindi pa nare-release iyong pera. 29.4 billion iyon. Ang kwinenta ko, Ka Ely, sa 29.4 billion mga ilan kayang dialysis sessions iyon? At 4,500, 6.5 million na dialysis sessions. Na-imagine mo ba, Ka Ely, kung ilang buhay iyong mase-save nito? Ilang buhay iyong mase-save nito kung iyong perang ito, ginastos for dialysis. Pero nandoon siya, ini-appropriate ng Congress, pero hindi naobliga. Hindi magagastos.

     

    So ang point ko lang, Ka Ely, at a time na grabe iyong pangangailangan, bakit ganito? Hindi ko na, Ka Ely, idi-discuss iyong mga hindi sumunod sa proseso, kulang yung... ang tine-takeup ko lang, iyong gamot. Iyong gamot saka iyong mga unobligated, at saka iyong unreleased. Pag kwinenta natin iyong sa gamot, kwinenta natin sa ilan kayang dialysis sessions yun, ang daming buhay iyong masasalba. Kapag tiningnan ko nga, Ka Ely, halimbawa iyong unobligated, halimbawa iyong mayroong budget for disasters. Ang budget niya for disasters, 306 million doon, unobligated. Eh ang daming disasters natin noong 2020 ‘di ba? Hindi lang iyong pandemic, pero sunod-sunod na mga bagyong grabe. 306 million, unobligated.

     

    So sa akin, sayang. Sayang kasi sabi tayo nang sabi na walang pera, pero ang daming pera na dahil sa hindi ko alam kung poor governance o mismanagement, pero ang daming hindi nagastos. Halimbawa, health facilities. Tinitingnan ko, Ka Ely halimbawa, sinasabi niya na sa health facilities daw, iyong undelivered, unutilized, 1.2 billion. Eh kinukulang nga tayo sa mga ventilator, kinukulang tayo sa mga oxygen tanks, ‘di ba? Ang dami ngayong kulang, pero mayroong undelivered, unutilized na 1.2 billion. Iyong health infra. Tinitingnan ko, Ka Ely, 2.8 billion. Health infra ito. Either idle or may delay sa implementation. Iyong sa akin lang, ang dami na sanang... 'di ba pinag-uusapan ngayon, mga ospital na mga hindi na kayang tumanggap ng mga pasyente. Mayroon pala tayong 2.8 billion na pwede sanang gamitin doon. Halimbawa, iyong PGH, Ka Ely, ‘di ba, iyong PGH nag-announce pa lang kahapon, grabe iyong mga pasyente doon. Nag-announce siya kahapon, na dahil sa bugso ng pasyente, iyong mga non-COVID patients, hindi muna sila tatanggap. So sa akin lang, madali lang sabihin na papel lang. Pero ano ang epekto ng poor governance? Matter of life and death ito sa atin, Ka Ely. Kapag may hindi nakainom ng gamot, hindi na-dialysis, walang ospital na makakatanggap, kulang na iyong ventilator, mamamatay iyong pasyente. So kapag hindi natin na-manage nang maayos iyong pera, buhay ng Pilipino iyong nakataya. So sa akin, Ka Ely, kailangang magbago ito. Hindi ko alam kung iyong Senate magkakaroon ng investigation about this pero kailangan kasi hindi puwedeng tuloy-tuloy na nangyayari ito na at a time na kailangang kailangan natin iyong pera, nangyayari pa rin ito. At hindi lang ito sa DOH, Ka Ely.

     

    ELY: So dito may mga senador na nagnanais nang paimbestighan itong sa DOH at may nananawagan din, Ma’am, na magbitiw sa puwesto. Kayo ho anong tingin niyo rito?

     

    VP LENI: Wala naman sa pagdedesisyon natin iyan, Ka Ely. Ang pinaka-importante sa atin palagi moving forward, ‘di ba. Ano iyong makaka-improve? Kasi kahit magbitiw kung hindi naman mag-i-improve iyong sistema wala rin. Pero iyong sa atin, nasa middle tayo ng pandemic, napakahalaga na maayos iyong governance. Kasi kapag hindi talaga maayos iyong governance, buhay ng tao iyong nakataya.

     

    At iyon nga, Ka Ely, ang sabi ko hindi lang DOH, may mga finlag din halimbawa iyong sinasabi nilang LTFRB na nagtalaga ng P5.58 billion na pondo para sa service contracting program. Naalala mo ba ito, Ka Ely? Ito iyong debate last year, ‘di ba, kasi grabe iyong paghihirap ng ating mga public transport na mga drivers kasi ‘di ba nahinto iyong kanilang kita. Tapos nagshi-shift pa sa modernization, tapos ito pang kahit pinabalik sila, marami iyong—iyong physical distancing sa loob ng mga public transport ini-impose so wala nang kita talaga iyong mga drivers. Iyong service contracting program, Ka Ely, ito iyong, ano iyon, iyong kita mo nakabase sa kilometro ng biyahe mo, hindi sa number of passengers. So ito nga, Ka Ely, ngayon ko lang natutukan ito na P5.58 billion pala iyong nakatalaga doon iyong as of December 31. Kasi for 2020 iyong P5.58 billion, eh. As of December 31, ang nagastos lang P59 million—1% lang iyon, Ka Ely. One percent lang iyon noong total project fund. Although ang sinabi ng COA, Ka Ely, ang hindi—parang nag-register lang sa programa—ang target 60,000—ang nag-register lang 29,000. Eh doon pa lang, kung ang target mo 60,000 ang drivers natin much more than that tapos ang nag-register lang 29,000, again dapat tinanong na natin bakit ganito, ‘di ba. Bakit ganito? Dapat doon pa lang sa registration natutukan. Baka ang dami-daming requirements, ‘di ba. Baka ang daming step, maraming proseso, masyadong kumplikado iyong proseso? Hindi ko alam. Hindi ko alam, Ka Ely, kung ano iyong dahilan. Pero dapat inassess na natin ito para nadagdagan. Pero noong Laging Handa briefing noong Monday, Ka Ely, nag-report iyong LTFRB chairperson na hindi na raw 1%, parang as of June 30, naging 26.55% na iyong utilization as of June 30, 2021. Iyong budget, for 2020. Pero after June 30, 2021, hindi na siya puwedeng gastusin kasi nag-lapse na iyong Bayanihan 2. So iyong—na-imagine mo ba, Ka Ely—iyong P5.58 billion, 26% lang iyong nagastos. Iyong more than, mga 73% ng budget, ibabalik. So out of P5.58 billion, Ka Ely, iyong ibabalik P4.1 billion. Na iyong P4.1 billion, ilang drivers na sana iyong natulungan noon. Ngayon, Ka Ely, halimbawa iyong opisina namin, kakaunti naman iyong resources namin pero sinusubukan namin na makatulong sa mga transport cooperatives. Ang ginagawa nga ngayon, Ka Ely, kasi wala nang biyahe iyong iba, gumagawa na lang ng mga bigasan, gumagawa ng mga, iyong mga transport groups para lang may kitain. Tapos mayroong P4.1 billion na ibabalik, ‘di ba. So iyong sa akin, Ka Ely, iyong disconnect. Iyong disconnect. Ang laki ng pangangailangan tapos may pera pala, hindi nagagastos.

     

    DSWD ganoon din, ‘di ba. Iyong DSWD, Ka Ely, tinitingnan ko lang ito, ang unutilized ay P780.7 million. Eh ang dami ngang nagrereklamo na hindi sila naabot, ‘di ba. Ang daming nagrereklamo. Kahit mga mayors, mga mayors mismo nagsasabi na marami pang ibang nangangailangan na wala sa listahan. So anong pinapakita nito, Ka Ely, na hindi natin sinasabi kasi wala naman tayong ebidensya na pupunta sa masama. Pero ang sinasabi lang natin, may pera, hindi nagastos iyong pera, ang pangangailangan ang laki. So ano iyong dahilan kung bakit iyong dapat sanang nangangailan hindi natulungan? So ito, Ka Ely, again, babalik tayo sa governance, na napakahalaga—napakahalaga ng maayos na governance kasi sa crisis situations na ganito, matter of life and death talaga siya. Gaya ng mga drivers, may nabasa na nga tayo, ‘di ba, nag-suicide dahil sa desperation. Eh papaano kung natulungan nang mas maaga iyong mga—iyong gutom, iyong hunger sa atin tumaas ng grabe. Iyong mga issues na ganito, Ka Ely, ay dapat talagang matutukan kasi hindi puwedeng—hindi natin alam kung kailan tayo makakalabas dito sa pandemic. And pinapakita talaga na ang maayos na governance ay napakahalaga kasi buhay na natin iyong nakataya.

     

    ELY: So dapat dito, Ma’am, ano, managot iyong mga pinuno ng bawat ahensya. Kasi importante ho rito iyong pangangasiwa at tamang paggastos ng budget. Wala tayong alegasyon na ninakaw nila. Wala pang ganoong imbestigasyon. Ang sabi lang ng Commission on Audit, eh mukhang hindi napangisawaan o nagastos nang maayos.

     

    VP LENI: Hindi niya naman sinabi, Ka Ely. Ang nabasa ko sa statement ng COA, maaga pa para sabihin na ginamit sa—

     

    ELY: Na binulsa, oo.

     

    VP LENI: Maaga pang sabihin kasi pinapa-submit pa nila ng mga dokumento iyong mga ahensya. Kaya nga hindi ko muna iyon tinake-up. Ang tinake-up lang natin ngayon iyong hindi nagastos. Ang tinake-up natin ito iyong hindi nagastos. Kasi, Ka Ely, iyong governance kasi ng ahensya, bahagi noon iyong absorptive capacity ng ahensya. Ito iyong nagpapakita kung kaya niya ba na iyong ibibigay sa kaniyang budget, magastos niya nang tama. Kasi ang daming mga puntong kasama rito. Ako, Ka Ely, iyong sa akin kaya parang na-multiply by a thousand times iyong urgency nito kasi nasa pandemic nga tayo. Nasa pandemic tayo. Sobrang dami ng kababayan natin iyong nangangailangan ng tulong, hindi lang sa kalusugan pero pati sa hanapbuhay, pati sa trabaho, na iyong poor governance o poor utilization of funds, makakaapekto sa buhay nila. So iyong sa akin lang, Ka Ely, ikuwenta na lang kasi ‘di ba ang laking bilyon na iyon, eh, na hindi na kasya sa mga calculator natin, eh ‘di ba. Pero i-translate natin iyon, Ka Ely, ng—anong gustong sabihin? Anong gustong sabihin? Gaya noong sinasabi ko kanina, halimbawa iyong hindi nagastos, iyong na-obligate, hindi na-release na appropriation sa DOH, nasa P29.4 billion. Anong gustong sabihin no’n? Kung ginastos iyon sa ganito, ganito sana. So iyong punto ko lang, Ka Ely, ang daming pangangailangan ngayon.

     

    Halimbawa, siguro, Ka Ely, may kaibigan kang nagka-COVID, na-ospital. ‘Di ba ang reklamo nila sobrang taas ng kanilang hospital bills? ‘Di ba sobrang taas ng hospital bills kasi mayroong treatment na ginagawa sa kanila na sobrang mahal. So ilan ba iyong nakakakaya noon? Sa opisina namin, Ka Ely, dinagdagan namin iyong pondo namin for medical assistance pero kulang na kulang pa rin. So sana, kung hindi lang naman magagastos, tinulong na lang. Kasi ano talaga, Ka Ely, hindi nagme-make sense na sa crisis situation na ganito, maraming pondo iyong nakalaan pero hindi mo ginamit, na maraming buhay nga sana iyong nasalba natin.

     

    ELY: Okay, Ma’am, sa huling isyu natin iyong kawalan ng unified na vaccination card dito sa ating bansa at kawawa naman iyong mga OFWs, ano, at isa diyan iyong ehemplo, Ma’am, sa Hong Kong kasi ‘di ba bawat LGU natin dito kaniya-kaniyang vaccination card so hindi pala ito kinikilala, ano, sa ibang bansa. Eh OFWs natin ang tatamaan dito.

     

    VP LENI: Bound to happen talaga iyon, Ka Ely, kung hindi natin napagplanuhan at the early stage na magkaroon talaga. Ito, Ka Ely, ‘di ba, ilang ulit na natin itong sinabi sa programa natin, iyong unified na database. Isa lang na database para sa buong bansa. Kasi kung wala talagang isang database sa buong bansa—kaya ‘di ba, Ka Ely, ang dami nating mga instances na buhay pala, na-tag na patay. O patay na pala, na-tag na recovered. Nangyayari iyan kasi hindi maayos. Hindi maayos iyong database. Eh ito, itong sa bakuna talagang bound to happen. Mabuti, Ka Ely, iyong ibang bansa hindi strikto about it pero iyong mga lugar na gaya ng Hong Kong na napakaraming mga Pilipino. Parang iyong nabasa ko, Ka Ely, sa balita parang ang pending ngayon na dapat umalis na ay nasa 3,000 na yata, inaayos iyong papeles. Pero sa akin lang, mayroon na—‘di ba, Ka Ely, parang nagbigay na sila ng advisory, ‘di ba. Nagbigay na ng advisory iyong national vaccination operation center na iyong mga fully vaccinated daw, puwede nang mag-apply ng Yellow Card sa Bureau of Quarantine kung ang destination country nagre-require ng proof of vaccination. Parang July 16 yata iyong advisory na ito, Ka Ely. Nakalagay nga na kung kailangan mo ng Yellow Card, mag-book ka sa online booking system ng, ano ito, ng Bureau of Quarantine. Ito, Ka Ely, doable pa ito ngayon na hindi pa ganoon karami iyong nangangailangan nito. Ngayon, halimbawa, Hong Kong pa lang ang nangangailangan so iyong mga papunta doon, mag-a-apply dito. Pero sa akin, Ka Ely, dadating iyong panahon na ang daming mangangailangan na baka dito na naman iyong ating—ito na naman iyong parang, dito na naman tayo nagbubuhol-buhol dahil sa dami.

     

    So sa akin, Ka Ely, sana, sana this early, magkaroon na ng isang database sa buong bansa ng nababakunahan at i-decentralize na ito. Puwede naman na Bureau of Quarantine pa rin iyong nag-i-issue pero hindi na iyong lahat na nagpabakuna, lahat siya mag-a-apply ng hiwalay sa Bureau of Quarantine. Kasi sa akin, Ka Ely, dino-doble natin iyong trabaho. Dino-doble natin iyong trabaho, iyong bureaucratic red tape sobrang haba, hanapan na sana ng sistema na dapat iyong mga kababayan natin na nag-second dose na, dapat pagkatapos ng second dose niya mabigyan na siya kung saan siya nagpabakuna. Kung papaano gagawin iyan, alam mo iyon, dapat may interoperability iyong LGU at saka Bureau of Quarantine kasi kung lahat mag-a-apply sa Bureau of Quarantine, ilang buwan na naman iyong hihintayin ng mga nag-a-apply kasi magve-verify pa, magve-verify pa sa database ng LGU. Dapat sana isa na lang iyon. Halimbawa, sa Quezon City, Ka Ely, kasi nagpa-second dose ako noong Wednesday, pagkatapos ko noong second dose, ‘di ba may card iyan, nilagyan na ng sticker ng Quezon City iyong parang may hologram na iyon iyong proof na nakumpleto ko na iyong dose. Dapat sana, Ka Ely, ang suggestion ko lang, habang patuloy pa rin iyong pagbabakuna, gawin na ito na pagkatapos ng second dose, gawan na nila ng paraan, Yellow Card o kung ano man na card iyong acceptable internationally, doon na ibigay. Hindi iyong lahat pipila pa ulit sa Bureau of Quarantine kasi mahirap iyon. Gawin na iyong sistema ngayon para hindi na naaabala iyong napakaraming—parang mag-ano na lang… Dapat, Ka Ely, iyong mga nagse-second dose ngayon, bigyan na. Iyong mga nag-second dose nang dati, eh ‘di iyon iyong ihabol, alam mo iyon, iyon iyong ihabol na bigyan pero iyong mga nagse-second dose ngayon, dapat pagkatapos ng second dose, mayroon na kaagad na ganoong certification. Kasi otherwise, Ka Ely, kawawa naman lalo na iyong mga nagta-trabaho overseas at marami iyon. Marami iyon, iyong nagta-trabaho overseas. Kailangan sana—kasi baka ang iba mawalan ng trabaho, ‘di ba kapag hindi kaagad—kasi mayroong ganoon. Dapat nandoon sila sa kung saan sila dapat magtrabaho at this particular time. Nakaabala iyong Bureau of Quarantine vaccination card, hindi sila nakapunta baka mawalan pa ng trabaho. So dapat, iyong sense of urgency gawan na ng paraan. Parang iyon na iyong maging tema para magawan na kaagad ng paraan.

     

    ELY: Nako, napakaganda po ng inyong suhestiyon, Ma’am, at sana sundin po nila para po sa ikabubuti nating lahat. Ma’am, inyo pong mensahe sa ating pagtatapos dito po sa ating palatuntunan.

     

    VP LENI: Maraming bagay, Ka Ely. Gusto lang naming ipaalam na hindi naman huminto iyong aming Bayanihan E-Konsulta. Tuloy-tuloy po iyon. Kung mayroon kayong nakukuhang mga delays ngayon ay dahil po grabe iyong dagsa. Ka Ely, noong wala na iyong surge parang less than 100 cases a day kami. Ngayon, sobrang dami na naman. Last week—one day last week parang 400 plus… 400 plus. Parang iyong Monday yata, 400 plus cases. Ngayon, lalo pang tumataas. Iyong mga emergency tumataas. So ano lang po, hihingi kami ng paumanhin kung medyo may delay nang kaunti. Pero iyong pagpapaalala lang na kahit bakunado na kayo, extra ingat po tayo kasi hindi gustong sabihin na bakunado na kayo, hindi na kayo mahahawa. Nagwo-work po iyong bakuna kasi marami iyong kahit nahahawa ay hindi lumalala iyong sakit. So kung mayroong opportunity na magpabakuna, magpabakuna na po tayo. Karamihan po sa mga cases ngayon, isang household lang. Karamihan sa mga cases ngayon isang household lang ang naghahawaan. So kahit po sa loob ng bahay ay siguraduhin natin iyong maraming bagay. Iyong linis, iyong ventilation, iyong pag-inom ng vitamins, iyong tamang nutrition. Kailangan magpalakas tayo ng ating immune system kasi isa iyon sa pinakamahalaga para maiwasan natin na magkasakit.

     

    ELY: Okay, Ma’am, salamat po. Ingat ho kayo lagi.

     

    VP LENI: Maraming salamat! Ingat din, Ka Ely.

     

    ELY: Okay, mga kababayan, iyan po ang ating Bise Presidente Leni Robredo. Maraming salamat po sa inyong pagsubaybay dito po sa ating palatuntunan. Hanggang sa susunod na linggo, ako pa rin ho ang inyong radyoman, Ely Saludar. Muli po, isang magandang umaga, Pilipinas!

     

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on Aug 15, 2021