This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI Episode 232

    BISErbisyong LENI Episode 232

     

    ELY: Magandang umaga Pilipinas—Luzon, Visayas at Mindanao. Ito na po ang BISErbisyong LENI sa RMN. At siyempre, mga kasama, ngayon po ay araw ng Linggo, Sunday, October 17, 2021. Ako pa rin ho ang inyong radyoman Ely Saludar. Siyempre mula po dito sa DZXL 558 Manila, tayo po ay napapakinggan sa RMN DYHP Cebu, RMN DXCC Cagayan De Oro, RMN DXDC Davao, RMN DWNX Naga. Siyempre sa lahat ng inabot ng broadcast nationwide, netwide. Ito na po ang BISErbisyiong LENI sa RMN. At makakasama po natin ang nag-iisang spokesman ng tanggapan ng Pangalawang Pangulo, ito na po si Atty. Barry Gutierrez. Attorney, magandang umaga po sa inyo.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Magandang umaga, Ka Ely. Magandang umaga sa ating mga tagapakinig. At siyempre, magandang umaga sa ating mga kapwa kakamPINK ngayong Linggong ito.

    ELY: At siyempre, mga kababayan, hindi lang kakampi, lahat na ng mga Pilipino na puwedeng—

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Siyempre, lahat!

    ELY: [laughter] Okay. Atty., kumusta po iyong isang linggo? Nako, bising-busy na ang ating Bise Presidente. At ‘di ba, tuloy tuloy pa rin ang kaniyang mga nauna na mga ginagawa, mga aktibidad sa Office of the Vice President. Parang hindi nagbabago, parang nadagdagan pa iyong mga event.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama. Tama, Ka Ely. Alam naman natin na noong nakaraang Huwebes—noong Huwebes ng nakaraang linggo, nagpahayag na si VP Leni na ihahain ang kaniyang sarili bilang kandidato sa 2022 at nag-file na siya ng kaniyang certificate of candidacy. Pero sa kabila nito, hindi tulad ng ibang kandidato na parang tumigil na yata ang mundo at politika na ang inasikaso, si VP Leni tuloy pa rin ang trabaho. So nitong linggong ito, siya ay nagpunta sa Pampanga para doon sa second dose ng Vaccine Express natin doon. At ngayon, Ka Ely, kaya wala siya dito, siya ay nasa Mindandao. Kahapon, nagpunta siyang Cagayan De Oro para doon sa launch at first dose ng Vaccine Express sa CDO, ka-partner ang Balaod Mindanaw. Tapos sa ngayong araw naman, pupunta siyang Malaybalay, Bukidnon. Mayroong launch ng community kitchen at community garden katulong ang mga civil society organizations na kaniyang ka-partner. At mayroon din siyang pulong doon sa mga Sumilao farmers—Sumilao marchers na matagal na niyang nakatrabaho noong siya pa ay abogado—public interest lawyer. At bukas, pupunta naman siyang Marawi. May mga meetings sa mga ka-partner natin doon, dahil alam naman natin ang OVP—sa pamumuno ni VP Leni—matagal nang tumutulong sa mga na-displace ng Marawi siege. In fact, mayroon tayong Angat Buhay Village. So doon naman siya pupunta bukas. So tuloy-tuloy, Ka Ely. Iyong ibang mga—iyong ibang mga tao ine-expect yata after ng declaration, campaign schedule na. Pero alam niyo naman si VP Leni, talagang ang tutok, trabaho. Kaya hanggang ngayon, trabaho pa rin ang inaasikaso.

    ELY: At siyempre sa Cagayan de Oro, malakas ang ating istasyon doon at napapakinggan din tayo diyan. So iyong Vaccine Express, dire-diretso, ganoon din sa Pampanga. At linawin ho natin, Atty., na ito ay may kailangan na katuwang ang OVP na LGU.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama, tama. Ang ating proseso diyan, Ka Ely, dahil lahat ng supply ng vaccine, galing sa national government. Walang ibang nakakapag-pasok kung hindi mayroong paalam o mayroong partnership sa ating national government. Pero ang tulong na binibigay ng OVP doon sa ating mga partner organizations o mga LGUs—kadalasan mga LGU kasi sila ang may hawak ng supply—na nangangailangan ng tulong doon sa distribution. Kasi hindi simpleng bagay na mag-organize ng isang event kung saan pupunta ang mga tao, kailangan silang ma-proseso, kailangan silang mabakunahan, kailangan silang mabigyan ng vaccine card. So iyong ganoong klaseng tulong ang binibigay ni VP Leni at ng aming tanggapan sa mga LGUs na lumalapit para dito sa Vaccine Express. Nagawa na natin ito sa Manila, sa Quezon City, sa Pasig at iba pang lugar. So noong nakaraang linggo nga, noong Biyernes, mayroon tayo sa Pampanga, second dose na iyon. At ngayon naman sa Cagayan de Oro—kahapon sa Cagayan De Oro.

    ELY: Okay. At iyong siyempre pagbisita ng ating Bise Presidente sa Marawi, kasi ngayon ‘di ba iyong parang fourth anniversary ng Marawi liberation mula sa mga extremists. At si Pangulo nga nagpunta rin doon. Pero napakatagal na, May 23, 2017 nagsimula itong pagwasak sa Marawi pero ngayon iyong rehabilitation ay hindi pa. Atty., ano sa tingin mo, ano ba, mabagal—kasi kung sa OVP iyan, may sapat lang na budget, sinasabi nga, tapos iyan. Pero sa kabila niyan may mga—

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Iyong Angat Buhay Village, Ka Ely, donasyon iyon at naitayo, ‘di ba. At ngayon, iyong mga pamilyang nabigyan ng tulong doon, matagal na silang nakatira doon. Mayroon din silang nakukuhang livelihood assistance, mga training. So nakita natin, hindi na kailangang manghula, Ka Ely, na alam na natin kung anoxng mangyayari dahil nagawa na iyan sa ilalim ng pamumuno ni VP Leni. Iyon nga iyong malungkot diyan—at tama kayo, apat na taon na ang lumilipas, fourth anniversary na pero madami pa kailangang gawin para sa ating mga kapatid na na-displace at naapektuhan nga ng Marawi siege noong 2017. At isang laging ine-emphasize, laging binabanggit ni VP Leni tungkol sa usaping ito, dapat konsultahin mismo iyong mga tao kung magkakaroon tayo ng kung ano mang proyekto na para sa kanilang kapakanan, o tayo ay magkakaroon ng rebuilding, konsultahin iyong mismong maapektuhan nito—iyong mga titira doon, iyong mga nawalan ng bahay dati. At ganiyan ang naging approach natin sa lahat ng mga proyekto sa ilalim ng pamumuno ni VP Leni, Ka Ely. Mayroong konsultasyon, mayroong pag-uusap, mayroong pakikipag-ugnayan doon sa mga mismong magiging benepisyaryo. Malinaw iyong kanilang makukuha, iyon talaga iyong kailangan nila. Iyong uri ng tulong na kanilang matatanggap, iyan talaga ang kanilang hiningi. Bahagi sila ng proseso, hindi lang basta binababa sa kanila. 

    ELY: Pero ikaw, Atty.—sa atin lang, tayo lang nag-uusap, wala naman nakakarinig—ikaw ba nababa—kasi ako nababagalan at ramdam natin iyong hirap ng mga tao doon. Biro mo, iyong napakatagal ng rehabilitation, sa dami ng mga pangako, at siyempre iyong resources halos kumpleto naman ating gobyerno, pero talagang napakabagal ang pagbabalik kasi ang katwiran baka may itinanim na bomba. Pero may mga paraan naman, eh, pero napakabagal. At ang masaklap dito, Atty., kasi alam mo, ‘di ba, kapag ang tao talagang sobrang hirap na, madaling kalabitin iyan ng terorista o mga kriminal. Kaya dapat ibigay iyong sapat lang na serbisyo. Hindi naman  kailangan na sobra-sobra, napakagandang rehabilitasyon, may swimming pool. Hindi naman iyon ang hinihingi nila. Iyong maibalik lang kahit papano sa normal, ‘di ba, iyong dating buhay nila.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama iyan, Ka Ely. Ang habol makauwi lang, ‘di ba? Makabalik ka doon sa kung saan ka talaga nakatira. Maayos iyong inyong lugar, matanggal iyong mga paalala na nagkaroon ng malaking paninira dito dahil nga sa giyera dahil doon sa Marawi Siege. Tama ka, Ka Ely. Tama ka, Ka Ely. Hindi na ano, eh hindi na maiksi ang apat na taon, 2017 pa. Alalahanin niyo, nangyari ito halos isang taon pa lang simula ng termino ng administrasyon. Ngayon, patapos na termino. Less than one year, eleksyon na. Tapos ngayon hindi pa rin natutugonan nang buo itong problemang ito. Ewan ko, Ka Ely. Hindi ko alam ang buong kuwento bakit ganito katagal ang inabot. Bakit hanggang ngayon hindi pa nabibigyan ng buong tulong itong mga nangangailangan. Baka nga may kinalaman na doon sa, well, uri din ng pamumuno. Kailangan mas mabilis ang ating makuhang pamumuno para iyong mga ganitong klaseng problema, natutugonan agad.

    ELY: So, okay. Samantala, at iyan, lipat tayo ng issue. Sakto, ‘di ba, iyong mga biktima ng bagyong Maring, nako ang dami. Akala natin mahina pero marami rin ang mga naapektuhan. Pero marami ang nakakapansin na ang tanggapan ni VP Leni, samantalang ang iba hindi man lang nabanggit na talagang magpadala ng tulong sa mga apektado ng bagyo, ang tanggapan po ng OVP ay mukhang marami at nakapagpa-ano kayo ano, nakapag-padala kayo agad ng mga relief at iyong mga tulong sa ating mga kababayan doon sa apektado ng bagyong Maring.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Hindi lang sa nagpadala ng relief, Ka Ely. Noong mismong Martes, habang kasagsagan ng bagyo at muli nagkaroon ng baha, ‘di ba, sa Cagayan, sa Ilocos Sur, sa Benguet. Madaming naapektuhan ng bagyo at humihingi ng tulong sa social media, ayan na naman, si VP Leni mismo sumasagot sa kanila, nagko-coordinate sa mga rescue team sa baba kasi may mga na-deploy na mga rescue teams ang ating PNP, ang ating Office of Civil Defense. Pinapadala ni VP Leni iyong impormasyon na natagangap niya mula sa mga tao mismo doon sa mga apektadong lugar dito sa mga rescue teams na ito. Hanggang alas-dos, alas-sais ng madaling araw, nagko-coordinate pa si VP Leni. Bukod sa siya mismo, nagpadala pa ang OVP, binanggit din ni VP Leni ito ng dalawang teams sa apektadong lugar para sila ay makatulong doon sa relief operations, rescue operations, at mayroong relief goods na dinala. So alam natin si VP Leni, Ka Ely, iyan talaga ang kaniyang kaligayahan sa buhay—maging isang tao na tapat na makakapagbigay ng serbisyo, makakatulong sa panahon na may nangangailangan. At kita natin iyan, last year nangyari din iyan. Sa norte din nagkaroon ng bagyo at siya rin mismo iyong nagko-coordinate. So tutok talaga siya dito at mabilis na rumesponde sa issue na ito kahit na madami nagsasabi, panahon na ito ng kampanya, ang tutok na ay eleksyon. Pero para kay VP Leni, hindi ganoon ang—hindi ganoon ang kaniyang pananaw. Tayo ay—siya ay nahalal bilang isang lider ng ating bansa, Bise Presidente ng bansa, at tutugonan niya iyong kaniyang responsibilidad sa ating bayan kahit panahon pa ng kampanya.

    ELY: Ayon. Okay, samantala, Atty., dito naman tayo. Inaantay ito ng maraming mga kasama natin lalo na sa media. Good morning kina Raymond Antonio, Jasmine Romero, si Mara Cepeda. Ito, Atty., itong tanggapan at siyempre iyong 2022 Leni-Kiko Senatorial slate in-anunsyo na. Nako, ang daming iba’t-ibang mga reaksyon, may mga pintas. So, siguro para sa kalinawan, ano, ng ating mga kababayan, ay papaano ba at ano ang naging papel ng ating Bise Presidente at iyong kaniyang running mate na si Senator Kiko dito sa proseso ng pagpili ng mga senatorial candidates para po sa 2022?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Pinaliwanag naman ni VP Leni iyan noong nakaraang Biyernes, noon ngang in-anunsyo ang mga kandidatong magiging bahagi, at least iyong 11 slots nitong kanilang senatorial slate. Binanggit niya na ang kaniyang pinakiusapan para manguna sa pagiging campaign manager ng Senate slate, ay si Senator Frank Drilon. Isang beterano nang Senador, matagal ng naglilingkod sa ating bansa. Siya iyong nanguna. Siya iyong nakipag-usap sa ilan. Pero, bukod kay Sen. Frank, kahit na siya ang lead, madami silang—madaming ibang kinausap. Kinonsulta iyong mga kaalyado, kinonsulta iyong—kasi kung maaalala natin, noong nakaraang linggo, mayroon na siyang limang pangalag. Unang una, bahagi na ng Senate slate. So si Senator Risa, Senator Leila, Senator Sonny Trillanes, si Attorney Chel, at si Congressman/Governor Teddy Baguilat. So, kinausap din iyon mga puwersang bahagi na noong Senate slate, iyong mga kaalyado na nagpahayag na ng kanilang pagsuporta sa pagtakbo ni VP Leni at ni Senator Kiko. So, kumbaga, consultative process ito. Hindi lang siya ang nag-desisyon. Siya ay bahagi, siyempre. Bahagi si Senator Kiko, bahagi si Senator Frank, pero madaming mga kinausap na iba para mapag-desisyunan na ito nga iyong mga pangalang isasama.

    ELY: At isa sa—ito, labing-isa, puwede naman may magdadagdag pa at papano ang ano, iyong pilian. Kasi dito, alam mo naman, Atty., siguro naman hindi lingid sa kaalaman mo, may nagbabangayan na. Siguro tukuyin ko na, si dating Senator Antonio Trillanes at iyong grupo ng Makabayan bloc, ano, sina Attorney Neri Colmenares, bakit daw sila hindi nasama. Ano ang puwedeng abangan dito?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Well, una, kailangan natin klaruhin at napaka-klaro nito doon sa naging pahayag ni VP Leni mismo noong nakaraang Biyernes, bubuoin pa. Mayroon pang isa slot. Ang gusto nga niya ang makuhang kandidato sa pang-huli at pang-number 12 sa senate slate ay iyong kumakatawan sa marginalized. Iyong kumakatawan sa mga sektor tulad ng kababaihan, labor, agriculture. So iyon iyong kaniyang habol. Iyon iyong kaniyang gustong mangyari. So kasama iyong mga pangalang nabanggit niyo, Ka Ely. Sabi niya may four or five pa daw na kino-consider. So hintayin lang natin. Kasi parang nakita ko na ito, Ka Ely, dati, ‘di ba. Noong una, kinukulit si VP Leni, “Dapat magdekalra laka na! Kailan ka tatakbo?” Eh, nagpapasya pa iyong tao. Nag-iisip, discernment, ika nga niya. Tapos siya ay nag-anunsyo. Napakalakas ng lumabas na suporta. Napaka–napakalakas ng pagbati doon sa kaniyang pag-deklara na siya nga ay tatakbo para sa pagka-pangulo ngayong 2022. So ngayon, ganoon lang uli ang pakiusap. Hintayin lang natin. Mayroon pa naman i-a-announce na isa pang magiging kandidato. Sa puntong ito, ang hirap na pinangungunahan, ‘di ba? Parang kasi kung magsalita iyong iba, tapos na. Iyon ang punto, hindi pa. Hintayin natin. Naintindihan namin na, ‘di ba, malakas ang damdamin ng ilang mga supporters natin at iba-ibang mga grupo, na dapat makapasok sa slate ni VP itong mga ganitong klaseng pangalan. At ikinatutuwa namin iyon, kasi ibig sabihin noon, nagtitiwala sila kay VP Leni kasi gusto nilang maging bahagi ng kaniyang team, ‘di ba? Iyon iyong punto. Sumusuporta sila at sila ay may tiwala na siya talaga ang leader na kinakailangan natin sa panahong ito. So, maraming salamat para doon pero ‘di ba kaunting pasensya lang. Umaandar ang proseso at madaming kinakausap. At sa tamang panahon, sa takdang panahon, magkakaroon ng desisyon at pahayag tungkol sa isyung ito.

    ELY: Atty. Barry, dito, dose lang talaga? Kasi may mga ibang partido grupo, umaabot ng katorse hanggang kinse ang kandidato, eh, dose lang naman talaga. Dito ho ba, sa kampo po ni VP Leni at Senator Kiko, 12 lang ang i-e-endorso, isasama na kandidato? Dose lang?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ako, iyon iyong pagkakaintindi ko, Ka Ely, doon sa kanilang pahayag nitong Biyernes. Kasi dose nga lang naman ang ibobotong Senador, eh ‘di ba? Parang ang hirap naman mayroon kang slate pero lagpas sa dose. May mga puwedeng ilaglag doon, ‘di ba? Iyon iyong punto. Iyon iyong kaniyang sinabi noong Biyernes at sa aking pagkakaalam, iyon ang plano. Mayroon pang isang nababakanteng slot, ‘di ba, number 12. At iyong number 12 na iyon ang pupunuin sa darating na mga araw.

    ELY: Atty., maraming mga ibang grupo partido na may mga press release na ito, maraming mga sumasanib na sa kanilang partido. Kasi ‘di ba kung ikaw ay titingin sa isang, halimbawa, isang kandidato, iyong makinarya lalo na sa lokal. Sa kampo ni VP, may mga nagpapasabi na ba? Iyong mga LGUs, iyong mga nasa local na sila ay susuporta bagama’t hindi pa lantaran ngayon? May nga ganoon ba na—

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Siyempre hindi ko sasabihin, Ka Ely, iyong hindi pa naglalantad. Alangan namang ibulgar ko sila.

    ELY: Hindi, sabihin mo lang na mayroon. Hindi natin tutukuyin.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Madami. May mga nagpahayag na, Ka Ely. May mga nagpahayag na. At hindi patago. Nag-announce na sila. Noong nagsabi si VP Leni na siya nga ay naghahain ng kaniyang sarili bilang kandidato sa pagka-pangulo noong nakaraang linggo, noong Huwebes, mayroong mga nagpahayag na na sila ay susuporta. Mga local officials natin. Isama na si Vice Governor Junjun Davide ng Cebu, kasama niya sa Liberal Party. May iba pang mga local official na nagpahayag. Mayroon sa norte, mayroon sa siyempre, Ka Ely, sa Bicol, madami nang nagsabi diyan dahil iyan iyong home region ni VP Leni. So bukod doon, madami pang iba. Tama naman iyong sinabi niyo. Iyong iba diyan, nagpapa-abot ng mensahe na handa silang sumuporta, pero humihintay lang sila ng timing kung kailan sila maglalantad nang bukas para sa kanilang suporta.

    Pero hindi kami masyadong nag-aalala sa puntong ito, Ka Ely. Nandiyan naman ang suporta. At ito, ilang beses ko na sinasabi: labas doon sa suporta ng mga local officials, ng mga pulitiko, ng mga ganitong klaseng tao, ang inaasahan namin at ang ikinatutuwa namin, iyong suporta ng mga ordinaryong mamamayan. Iyong mga lumabas noong nagsimula noong Huwebes noong isang linggo, na nagpahayag ng kanilang suporta, nagsuot ng pink, nag-pink sa kanilang mga profile picture sa social media, sa Facebook, sa Twitter at kung saan-saan pa. Iyong mga nagsalita, ‘di ba, at naglagay ng pink na ribbon sa kanilang mga bahay o sa kanilang mga kariton o sa kanilang mga motor o sa kanilang mga sasakyan. Noong mga nakaraang araw, Ka Ely, ang daming nga nagpa-motorcade, ‘di ba. Mga nagpakita ng kanilang suporta. At labas diyan, iyong mga nag-volunteer, Ka Ely. Ako, matagal-tagal na rin akong naging bahagi ng mga iba’t-ibang kampanya, at ngayon lang ako nakakita ng ganito kadaming mga taong nag-vo-volunteer. Iyon mga lumalapit sa inyo, nagte-text, “Gusto naming maging bahagi ng kampanya kasi naniniwala kami kay VP Leni, naniniwala kami kay Senator Kiko.” So nakakataba ng puso talaga, Ka Ely. At iyong iba dito, hindi lang nagvo-volunteer para mag-campaign. Halimbawa, “magdi-distribute kami ng mga flier, magkakabit kami ng mga tarp.” Madami dito mga propesyonal, Ka Ely, na mayroon talagang mga specific na mga skillset—mga IT professional, marketing professional, mga marketing professional, mga bahagi ng ad agency, mga direktor, mga film workers. Grabe, ang dami, Ka Ely! Sobrang dami. Isa ngang nagiging problema namin ngayon, papaanong mama-manage lahat ng lumalapit at nag-aalok ng tulong, noong kanilang pagvo-volunteer.

    So itong nakaraang araw, iyan ang inaasikaso naman ng team ni Senator Bam, na siya iyong naatasang maging campaign manager ni VP Leni. So unti-unting nabubuo iyong mga iba’t ibang grupo ng volunteers na may malinaw na puwedeng gawin at maitulong para sa kampanya. Pero sa totoo lang, Ka Ely, ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng dagsa ng suporta para sa kahit kaninong kandidato, para sa kahit na anong kampanya. Ang laki ng pag-asang naibibigay nito para sa akin dahil ‘di ba usually nga—gaya ng binabanggit mo kanina, ang inaasahan pag kampanya, local officials, local support. Pero ito, tingin ko, lagpas doon. Ang magdadala talaga sa kampanya iyong mga ordinaryong mamamayan na nag-volunteer na handang kumilos, na sila mismo ang magiging kampanyador ni VP Leni. At sinabi naman niya iyan. Ang inaasahan natin dito, people’s campaign. At ganito pa lang kaaga, Ka Ely, parang kitang-kita na kung ano ang magiging anyo nitong people’s campaign na ito.

    ELY: At bukod sa mga ordinaryo, Atty. Barry, na mga kababayan natin, nagulat din ako dahil sa biglang napakaraming mga celebrities, iyong mga hinahangaan, na nagbigay ng suporta. Kasi kadalasan naman—maraming eleksyon na rin akong na-cover-an—na kukuha ka ng isang artista o singer, bibigyan mo ng talent fee iyan para sumama sa ano. Hindi, talagang totoo ito. Kasama kasi sa trabaho nila iyan.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama.

    ELY: Pero noong nagdeklara si VP Leni, ang damingnag-ano, nagbigay ng suporta. Mayroon talaga tayong mangilan-ngilan na sumusuporta kay VP noon pa. Pero noong biglang mag-ano siya, noong malapit nang mag-desisyon at nagdeklara na, ang daming lumabas na sa showbiz industry. So talagang napakarami na ang inaasahan natin dapat natin, sa mga kapwa artista rin susuporta, ‘di ba. Eh dito, kay VP. So papaano tinatanggap ito ng ating Pangalawang Pangulo? Iyong sobrang dami rin, ano, hindi lang mula sa mga pangkaraniwang mamamayan, maging dito sa mga ano, sa mga kilala at sikat din na mga personalidad.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Mahigit 100 nga, Ka Ely, binilang namin, eh. Grabe, so nagpasalamat na rin si VP Leni diyan. Nagkaroon na siya ng pahayag, ‘di ba. Nagpasalamat sa lahat ng mga celebrities at iba pang tao na lumabas para suportahan siya, para ipahayag ang kanilang tiwala sa kaniyang pamumuno at sa kanilang pagsuporta para sa kaniyang pagkandidato. At tama ka, Ka Ely, ano ito, talagang kusa ito. Walang talent fee—ni karamihan nga hindi namin nakakausap bago iyong deklarasyon. So, talagang ang laki at ang lalim ng appreciation at pasasalamat ni VP Leni at noong aming buong team sa campaign para sa pagpapakita ng suportang ito. Sana papasok sa kampanya, pagpatuloy nila iyong kanilang suporta kasi talagang malaking tulong ito. Gaya noong tulong na inaasahan namin at talagang ikinatutuwa namin doon sa napakarami nating mga volunteers on the ground at pumapasok bilang opisyal na bahagi ng kampanya, ang laki rin ng tulong na maibibigay nitong mga celebrities at mga influencers. May sari-sariling mga audiences iyan, ‘di ba. May sari-sariling mga following. Kung puwede lang nilang ilabas iyong mensahe. Ang hinihingi lang naman natin dito simple, eh, ‘di ba: ilabas lang natin iyong totoo tungkol kay VP Leni. Iyon kasi ang isang naging malinaw, Ka Ely. Dahil sa lima’t kalahating taon ng paninira, lima’t kalahating panahon ng fake news, marami sa ating mga kababayan hindi nagiging—hindi pumapasok sa kanilang kaalaman iyong daming trabaho na ginawa ni VP Leni, ‘di ba. Kahit na ginipit, kahit na walang Cabinet portfolio, kahit limitado ang budget, napakaraming mga tulong na naibigay sa ating mga mamamayan. Napakaraming mga proyekto na naipatupad. Noong wala pang COVID, Angat Buhay, ‘di ba. Iyong ating anti-poverty program na halos isa’t kalahating milyong pamilya na ang natutulungan. Iyong mga medical assistance, ‘di ba, na mahigit isang bilyon na ang nailabas para sa tulong sa mga taong nangangailangan ng medical assistance. At ngayon, noong panahon ng COVID, eh ilang beses na nating pinag-usapan ito, Ka Ely, ‘di ba, libreng sakay para sa mga frontliners, PPEs para sa mga ospital, sa iba’t ibang bahagi ng bansa, Bayanihan e-Konsulta na libreng konsultasyon sa doktor sa telepono, at iba, ‘di ba. Sobrang  daming nagagawa at ang hinihingi lang talaga natin sa lahat ng mga volunteers,  sa lahat ng mga supporters, ilabas natin iyong totoo. Iyong nakikita ninyo kay VP Leni na uri ng liderato, iyong uri ng serbisyo, ikalat lang natin. Ikuwento lang natin at sigurado ako mas marami pang sasama sa mga sumusuporta at naniniwala sa ating Bise Presidente kung malaman lang nila ang katotohanan tungkol sa kaniyang ginawa, ang katotohanan sa kung anong uri ng serbisyo ang kaniyang inaalok, ang katotohanan tungkol sa kaniyang pagkatao bilang Pilipino at bilang lingkod-bayan.

    ELY: At sa ngayon, Atty. Barry, talagang ang dami, ano, iyong sinasabi nating katunggali ng ating Bise Presidente, ginagamit talaga ang social media, nagpapakalat ng fake news. Iyong presscon nga noong nakaraan, eh. Ako nandoon ako mismo, alam ko kung papaano—kasi nagtanong iyong taga-DZBB, si Allan Gatus. Ngayon, may pinapakalat na—pinuputol, eh, para iligaw iyong tao, eh. May mga ganoon. Pero nagulat ako sa isang estudyante, Atty. Barry. Tiningnan iyong accomplishment ng isang—ano raw, Taekwondo champion daw. Nakita mo ba iyon? [laughter]

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Nakita ko iyon. Nakita ko iyong video, oo.

    ELY: Tapos 44 anyos, ‘di ba—pero nakalagay dito sa mismong website ng ating Bise Presidente, bukas naman sila na busisiin at tingnan lahat ng credentials, ano, ni VP Leni.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Bukas na bukas ang record ni VP Leni, Ka Ely. In fact, ito banggitin ko ha, laging isyu SALN, ‘di ba. Ang dami sa ating mga opisyal ayaw maglabas ng SALN. Si VP Leni, mula pa lang kongresista hanggang Bise Presidente, bukas ang SALN. Kapag humingi, ayan ibibigay. Kasi walang tinatago, Ka Ely, eh. Hindi ko alam kung iyong ibang mga tumatakbo sa pagka-pangulo eh ganiyan iyong kanilang record. Sa totoo, hindi ko alam. Pero si VP Leni, walang tinatago, ‘di ba. Klarong-klaro ito iyong kaniyang paninindigan. Klarong-klaro ito iyong kaniyang record. Walang imbento diyan, walang mga—definitely kapag tiningnan mo iyong CV ni VP Leni o iyong kaniyang mga accomplishments, walang Taekwondo champion doon, Ka Ely. [laughter] Hindi naman niya dinaanan iyon. Pero klarong-klaro, naging abogado, ‘di ba. Pagiging economist, ‘di ba. Graduate sa UP School of Economics. Pagiging bahagi ng Public Attorney’s Office. Pagiging bahagi ng SALIGAN—iyong naglilingkod sa mga mahihirap na mga abogado. So klarong-klaro, Ka Ely.

    At natatawa ako—nabanggit mo kasi iyong fake news kanina. Ito iyong nakakatawa. Mula noong nagdeklara si VP Leni, ‘di ba sinasabi ng mga tao, “Ay, hindi bumubuntot naman sa survey iyan. Hindi malakas iyan.” Pero bakit parang ang napapansin ko lang—hindi ko alam kung napansin mo rin ito—halos lahat yata ng mga ibang mga kandidato, siya ang binabanatan, eh. Siya ang pinupuntirya, eh.

    ELY: Mayroon akong isang ano diyan—mawalang-galang lang sa mga ano, sa mga nakikinig na kakampi o kung sino man sila—eh kasi kapag ginamit nila si VP Leni, mapag-uusapan sila.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ayon na nga, ‘di ba.

    ELY: Kasi kung iba ang bibirahin nila, wala, eh, ‘di ba. Hindi sila papansinin. So parang ganoon po ang nangyayari dito po sa ating mga kababayan. So lahat po kumpleto. Iyong credentials ni VP Leni, pati iyong mga ano, kung ano iyong kaniyang mga tinapos. Walang inimbento diyan. Kumpleto. [laughter]

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, walang mga degree na hindi natin alam kung saan nanggaling. Totoo mga degree ni VP Leni.

    ELY: Okay, so tamang-tama, ano. Alam niyo may binanggit kayo, eh, sa presscon, si Senator Drilon. Ang sabi, nag-iisang abogado sa mga kumakandidato tapos ekonomista pa! Nagtapos sa UP.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama!

    ELY: Alam niyo naman sa UP—sa University of the Philippines—talagang prestihiyosong unibersidad po iyan. Okay, samantala dito ho, Atty. Barry. Dito ho sa Rotary Club. Ito, may mga kaibigan din ako. Gulat sila sa mga sagot ni VP at talagang magaling daw, ano. Magaling at mukhang may maaasahan ang mga Pilipino kung sakaling mahalal. Pero dito, siguro ibahagi mo na rin, ano, sa ating mga kababayan, kung sakaling manalo, ano ba iyong mga partikular na aasahan? Kasi ang problema—lagi kong binabanggit dito sa ating radio program—ang problema trabaho, maraming nagugutom, bagsak ang ekonomiya, may pandemya, mukhang hindi pa natin alam kung kailan matatapos. So talagang—tapos ang laki, baon sa utang ang Pilipinas. So ano ba ang aasahan ng publiko kung sakaling manalo si VP Leni? Kasi ito napag-usapan sa Rotary Club of Manila, ‘di ba, sa forum.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama, Ka Ely. Unang-una, ilang beses niyang sinabi ito at sinabi na rin niya ito noong Huwebes noong siya ay nagpahayag sa kaniyang pagkandidato nga na ang priority talaga ang pag-control sa pandemya kasi parang nakakalimutan iyan lagi, ‘di ba. Parang kung ano-ano na iyong mga pinag-uusapan, kung ano-anong politika iyong lumulutang, pero nakakalimutan na hanggang ngayon, ‘di ba, 19 months na actually. Binilang ko. Iyong sinasabing 18 months, hindi na, 19 months na tayong nasa ilalim nitong dumadanas nitong pandemya. At hanggang ngayon, parang hindi pa klaro kung ano ang katapusan nito, ‘di ba. Hindi pa tapos ang pagbabakuna. Hanggang ngayon kahit bumababa na noong mga nakaraang araw, mataas pa rin. Libo-libo pa rin ang kaso sa bawat araw. At iyong restrictions, ‘di ba, patuloy pa ring pinapataw sa atin, ‘di ba. Hindi pa tayo nakakalabas nang tuluyan. Hindi natin alam kung anong magiging hitsura ng ating magiging pasko. Pangalawang pasko na natin na bumubuno sa krisis na ito. So, klaro iyong sinabi ni VP Leni: ang priority, pandemya. Kailangan ma-control. So kung siya ang magiging pangulo, malinaw sa akin, first 100 days iyan, ang focus talaga tapusin ang vaccination kung hindi pa tapos. Kung tapos naman, siguraduhin iyong booster shots, ‘di ba. Kasi sinasabi ng mga eksperto ngayon, kinakailangan ng booster pagkatapos ng mga anim na buwan doon sa first mo na vaccination. So iyon ang kailangang tutukan: palakasin iyong sistema ng testing, ng tracing para puwede na tayong lumabas. Kahit papaano mas klaro lang iyong sistema ng tracing at labas diyan, Ka Ely, siyempre iyong pagtutok doon sa usapin ng ekonomiya. Ang daming nawalan ng trabaho, ang daming negosyong nagsara, ang daming naghihirap. So iyon ang kailangang tutukan: trabaho, kita. Na kapag tayo ay nakatutok at na-control na natin iyong pandemic, ‘di ba medyo mas magaan na ang ating loob dahil hindi na tayo sa crisis pagdating sa COVID. Matututukan na natin nang maayos iyong pagtatayo muli at pagtatatag muli ng ating ekonomiya, iyong pagbibigay ng trabaho sa mga nangangailangan, iyong pagtulong sa nga negosyo para makapag-operate ulit, lalo na iyong mga small at medium-scale enterprises, ‘di ba, at mabigyan ng ayuda iyong mga nangangailangan sa panahon ng paghihirap ng maraming taong dumanas dahil nga rito sa COVID. So iyon iyong priorities.

    And then dagdag, Ka Ely, edukasyon. Ilang beses na ring sinabi ni VP Leni iyan, iyong isang tutok ng OVP sa nakaraang 19 months, papaano makakatulong sa ating mga estudyante na naapektuhan talaga iyong pag-aaral dahil sa pagsasara ng mga eskwelahan. Hindi naman lahat mayroong access sa internet o mayroong mga devices, ‘di ba. So nagkaroon tayo ng mga donation drives diyan para sa mga gadget, nagkaroon tayo ng Bayanihan e-Skuwela, mga videos na tinutulungan ang mga magulang at mga guro paanong mag-adjust sa isang distance learning set up. At iyong mga ano, iyong mga Community Learning Hubs na itinayo sa dose-dosenang barangay sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. So makakaasa tayo, Ka Ely, na kung si VP Leni ang mauupo, siya ang magiging pangulo natin, iyong usapin ng edukasyon, iyong tulong sa ating mga estudyanteng halos dalawang taon nang namumrublema dahil nga sa walang face-to-face classes ay iyan ang matututukan at mapapagtibay at lalong palalakasin ang ating sistema sa edukasyon.

    So, malinaw iyong kaniyang mga plano, Ka Ely. Malinaw iyong kaniyang mga priorities. At tingin ko, kaya matuwa iyong maraming mga nakapanood noong kaniyang mga sinabi doon sa Rotary Club, nakita nila ito ay isang tao, isang kandidato na napakaklaro ng kaniyang gustong gawin. Hindi parang puro mga pangako na nakalutang at hindi natin alam kung magagawa o hindi. Siya, mayroon talagang klarong plano. May mga klarong hakbang na gagawin. So, iyon naman si VP Leni. Kilala niyo naman, Ka Ely, lima’t kalahating taon na nating nakikita iyan. Sa ano mang krisis na lumabas, siya mismo ang tumtututok at mayroon siyang malinaw na plano paano tumugon at papaano maghanap ng kalutasan.

    ELY: Ayon, so maliwanag ho iyan at talagang detalyado iyong sabihin nating plataporma ni VP Leni kumpara sa—kasi iyong iba, alas-tres ng hapon tinawagan para mag-file kasi magde-deadline na ng alas-singko. So papaano nakapag-plano iyon, ‘di ba.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo nga, eh.

    ELY: Pero dito, Atty., sa—kasi Alert Level 3 na ho tayo simula kahapon dito po sa Metro Manila. Medyo lumuwag na. Ito iyong kumakalat ngayon, ano, na hindi tinuloy, eh. Kasi nandoon ako mismo sa presscon, Atty., na binabanggit ni VP—eh kaya nga tayo may IATF, eh. So iyan ang napag-uusapan. Pero si Secretary Duque naman hindi pala nakonsulta. [laughs]

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo nga, eh. Nakakagulat nga iyon, eh, ‘di ba?

    ELY: Ano bang klaseng—ano ba ito, eh Health Secretary na ‘di ba isa siya sa mga namumuno ng IATF, eh ‘di ba doctor ng ano—ng bayan dapat siya, eh. ‘Di ba health secretary? So ano ba ang magiging implikasyon nito, Atty., kasi napaka-importante, may krisis pangkalusugan tayo, dapat eh, lalo na iyong IATF at iyong ating health secretary [ay] iisa ang direksyon.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Hindi ko rin talaga naiintindihan, Ka Ely! [laughs] Feeling ko iyong gulat na ipinahayag ni VP Leni noong Biyernes, iyon din ang reaksyon ng karamihan na mga nakarinig nu’ng balita, na doon sa desisyon ng IATF na magbukas [ay] hindi nakonsulta iyong Secretary of Health. Eh ‘di ba pandemya ito? Ang pangunahing tao—pangunahing opisyal na inaasahan mong ‘di ba [na] may input o mangunguna pa nga dapat dito sa pagtugon dito, iyong taong inilagay mo bilang head ng departamento na ang toka ay kalusugan ng bayan, ‘di ba Department of Health? [Kaya] hindi ko maintindihan [kung] bakit nagkaroon ng desisyon nang hindi niya alam? Pero ayon nga, Ka Ely, noong nakaraang 19 months, ganiyan naman ang nakikita natin, ‘di ba? Parang hindi nag-uusap. Hindi ba ilang beses na nga nagkaroon ng joke na, “Ito magbuo na kayo ng chat group,” “mag-text kayo sa isa’t isa [kasi] parang hindi kayo nag-uusap,” na sasabihin ng isang ahensya na ganito tapos sasabihin ng kabilang ahensya, iba. Tapos ilang araw ang dadaan, hindi natin alam kung ano ba iyong totoo, at kung ano iyong hindi. Iyon iyong siguro nakakatawa noong una pero pagkatapos ng ganitong kahaba na panahon, pagkatapos ng lahat ng mga nagkasakit at namatay—grabe, hanggang ngayon, Ka Ely, kapag tinignan mo iyong Facebook feed, kapag nakinig ka sa mga balita sa iyong pamilya, ang dami na talaga— lahat tayo namatayan na. Lahat tayo mayroong kakilala, kaibigan, kamag-anak, ‘di ba, mahal sa buhay na nawala na sa atin at hindi na nakakatawa, Ka Ely, ‘di ba iyong kawalan na ng direksyon—kawalan ng pag-asa. Hindi ko alam kung paano tayo nauwi sa ganito, ‘di ba?

    [END OF FIRST GAP]

    ISTORYA NG PAG-ASA SEGMENT

    ELY: Okay, Atty., at ito ay bahagi pa rin ng BISErbisyong LENI, ang Istorya ng Pag-asa. Napaka-importante nito at may mga kinakausap po rito tayo na kung saan ay iyong mga taong, sabihin natin [na] may kaniya-kaniyang mga nangyayari sa buhay at nagbibigay din ng pag-asa at inspirasyon sa ating mga kababayan. Okay, nasa linya na natin— okay na? Si Ginoong Dante Lardizabal.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ayan, Ka Ely, si Sir Dante na-meet ko iyan noong press conference ni VP Leni at Senator Kiko noong nakaraang linggo—noong sila ay nag-announce. Isa siya sa miyembro ng Bikers for Leni— sila iyong dumadaan sa OVP at noong hindi pa nagdi-deklara si VP Leni, tama Sir Dante ‘di ba, kayo iyong nagkakabit— isa sa mga nagkabit—ng panawagan kay VP Leni na siya nga sana’y tumakbo bilang pangulo. Magandang umaga, Sir Dante!

    DANTE LARDIZABAL: Magandang umaga, Atty. Barry! Magandang umaga po sa lahat ng mga tagapakinig. Magandang umaga po sa lahat ng Bikers for Leni at sa mga [technical lag] lahat po sila ay nanunood at sa mahal na Presidente, nasa Bukidnon po ba?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Nasa Bukidnon, nasa Malaybalay ngayong umaga.

    DANTE LARDIZABAL: Sana’y makasama—makita lang namin, eh tuwang-tuwa na kami!

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: [laughs]

    DANTE LARDIZABAL: Tuwang-tuwa na kami kahit few minutes. [laughs] Unang-una, hindi ko po alam kung ano ang sasabihin ko basta nagiging natural lang ako. Hindi po ako iiyak ngayon.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Nako, Sir Dante, grabe. Naalala ko noong—ikukuwento ko sa’yo, Ka Ely—noong una kami nagkita ni Sir Dante, noong Friday, nakuwento niya sa akin kung ano iyong pinagdaan ng kanilang pamilya at ako rin [ay] medyo naapektuhan dahil iyon nga, iyong nabanggit ko kanina, lahat tayo nawalan na ng mahal sa buhay ngayong panahon ng pandemya. Hindi madali, mabigat isipin. Si Sir Dante, marami ng pumanaw na talagang malapit sa kaniya, mga kapatid. Okay lang po ba na ikuwento ninyo, Sir Dante, kung ano naranasan ninyo? Sorry, ah. Nahihirapan din ako.

    DANTE LARDIZABAL: Sunud-sunod po kasi iyong namamatay sa amin. Nakakaiyak, eh. Pinapaiyak ninyo po ako. [Noong] April 19 po, iyong panganay namin, February pa lang, ‘yung unang surge—talagang walang ospital. [voice breaking] Hindi namin alam kung saan dadalhin. One day/week after, iyong kapatid ko naman, iyong pangalawa, lalake. [Tapos] two weeks ago, iyong mother-in-law ko. Hindi namin alam kung saan kami nagkulang, kung ano ang gagawin namin. Wala kaming ano— hindi namin alam kung saan kami lalapit. Idinadaan ko na lang sa pagba-bike. Ikot kami nang ikot diyan sa 10th, sa 11th. Hanggang sa nakita ko iyong Bikers for Leni. Sila po iyong nagbigay sa akin ng lakas para ma-align ako sa tama. Hindi ba, humingi kami ng ayuda sa inyo, nagulat ako, bakit ang bilis. Nagbigay rin kami sa DSWD, sa PCSO, at sa ating Office of the President pero sa inyo, nagulat ako—two weeks lang, eh. Ang bilis. Maliit man pero iyong bagay na naalala ninyo kami, malaki iyong bagay. Kaya talaga hong na-touch ako.

    Inihahalintulad ko ang pamahalaan na parang pamilya, eh. Si Tatay Digong, tatay ko iyan, minahal ko iyan, binoto ko nga ho iyan, eh. Kaya lang ho, kapag ang tatay mo, hindi naman maganda ang gagawin—lumapit ka na kay nanay. Si Nanay Leni ang nakita ko. Talagang damang-dama ko, eh. Damang-dama ko siya, eh. Totoong-totoo. Nakikita mo, nararamdaman mo. Kaya talaga pong [ako’y] natutuwa noong nagsabi siya na tatakbo na siya. Papunta na nga po kami ng Kalaw, sasalubungin namin kayo sa pagfa-file ng COC, hindi po ako sumunod. Pumunta ho ako diyan sa inyo, ang lapit lang ho namin mula sa inyo tapos nag-gate crash nga po ako, eh. Hindi naman po talaga ako dapat nandiyan talagang press conference na iyon. Pinilit ko, tapos ayon po, pinilit ko lang, hindi ko na nakayanan kung ano nangyari dahil hindi po namin pinlano ito. Hindi ko ginusto. Kung alam kong nag-viral man ako—hindi ko alam kung is it a curse or a blessing pero for me, I take it—think positive! Marami hong sumusuporta sa akin. Marami hong—nagulat ako. Hindi naman ako pala-Twitter, ma-Facebook, hindi ako pala ganoon pero ngayon ang dami hong nagko-condolence sa akin. [inaudible] The day after—iyong unang gabi mo ang saya-saya ko, sabi ko, “ang daming nagmamahal.” After a while, pagtulog, paggising ko, grabe na. Ang dami ng troll, ang dami nang minumura na kami, bayaran daw ako. Kaya iniisip ko na lang na maraming nag-ano sa akin. Iyong mga [inaudible] iyong mga taga-Bikers, lahat sila nagbibigay ng suporta, “Huwag mong pakinggan iyan,” “Negative iyan, doon tayo. Focus lang tayo, focus on the ball, focus on the ball” laging sinasabi [na], “Kay Leni tayo! ‘Wag kang sasagot, ‘wag kang sasagot, heart lang ang katapat niyan!” Sunod lang ako, sunod lang ako.

    Ngayon, kung ano iyong sinabi ni Ma’am Leni, kung ganito, sinusunod ko na ngayon. Pati nga iyong mga sinabi ko, nagbabago na. Dati ho, combat-an ako ‘pag talagang lahat lalabanan ko pero ngayon hindi na, iba na iyong pananaw ko. Kaya po parang nagbigay ng hope sa akin si Ma’am Leni. Kaya usto ko sana magkaroon ng advocacy sa Vaccine Express, tinulungan iyon ng Panginoon. Lahat ng pamilya namin natulungan ninyo. Iyong mother-in-law ko na [inaudible] for SInovac, kulang pa iyong second dose niya, nawawala. Sistema po iyon, eh. Kasalanan ba ng mother-in-law ko iyon? Kasalanan ba iyon? Sa sistema ng gobyerno [ang] mali. Dapat may second dose, ang tagal ng second dose. Iyon ang kinakasama natin ng loob.

    Iyong sa panganay namin, okay lang sana kasi wala pang vaccine noon, February iyon, eh. Ang tagal niya sa ospital, papaano kung wala kang pera? Paano iyong katulad namin na hindi naman ganoon kayaman, walang pera. Tulung-tulong kaming magkakapatid, mairaos lang. Pero iyong mother-in-law ko, sobrang sama ng loob ko. Lahat kami tinamaan, buti na lang Bikers ako at malakas ang pangangatawan pero papaano? Ilang pamilya na iyong may sakit? Ilang pamilya na iyong may mamamatay? Ilan pa kayang pamilya pa ba ang tulad namin ang nandiyan? Ang gobyernong ito hindi nagbabago! Walang malasakit, pinagkakitaan pa kayo. Pinagkakitaan tayo! Pero mahal kong Tatay, may pagkakataon pa para magbago ka— hinihiling ko: ‘wag mo sayangin iyong binoto ko sa iyo noong 2016. Pabayaan mo na iyong nanay ko na mamuno ng pamilyang ito. Pabayaan mo naman. Sinisigaw na namin. Maawa kayo!

    Wala hong bahid ng korupsyon si Leni. Lahat ng— pinagaralan ko po kayo. Nagulat po ako na ang VP kaya pala ganoon kabilis [ay] certified ano pala kayo, ISO. Kaya nakita ko po talaga for three consecutive years, pasado kayo sa COA. Nag-isip na ako noon, talagang sabi ko, “Diyos ko po, sana maraming DDS ang mag-research. Marami sanang alamin lahat ang mga ito,” kasi lahat po sarado pa rin sa nangyayari, eh. Kaya ako, iyong mga DDS ko na ano diyan, marami ho eh kahit sa pamilya namin hindi rin naman kami solid. Mayroong ibang kabataan na ano diya, pero alam ninyo let’s show love— yakapin natin sila. Yakapin natin.

    Ang laban na ito ay para sa inyo! Para sa inyo! Para sa susunod na henerasyon. Hindi lang para sa akin, matanda na ako. Two years from now, senior na ako. Magkakasakit na rin ako, mamamatay na ako. [Pero] bago ko man lang ipikit ang mga mata ko, Diyos ko po, pabayaan ninyo si Leni mag-lead—anim na taon lang! Pabayaan ninyo, patutunayan niya—papatunayan naming lahat! Kaya po nakikiusap po ako, iyong Bikers, iyong bike po sagisag po iyan ng kahirapan, eh. Iyong panahon ng pandemya— kasagsagan, iyong transportation noon paralyzed, makikita ninyo iyong mga mangagawa nagba-bike, naglalakad. Kaya po kahit papaano gusto kong magkaroon—iniimbitahan ko po buong Pilipinas, lahat po suportahan ninyo po iyong mga bikers— suportahan ninyo po iyong Vaccine Express. Marami tayong masasalbang pamilya. Marami po kung magkakaisa tayo. Huwag po tayong mag-away. Kahit anong kulay mo: kahit puti, asul, berde, green, red, it doesn’t matter. It doesn’t matter. [What’s] important is God! Kaya po ako—paliwanag ko lang po, sabi ko kay Attorney kasi hindi ako iiyak eh. Pinaiiyak niyo ako, eh. Ang dami naming pinagdaanan naming pamilya. In five months, tatlo patay? Tatlo patay. Saan kami nagkulang? Mabait naman kaming pamilya. Nag-iingat naman kami. I-prioritize iyang pandemic. Gusto ko nang matigil ito. Gusto na naming magsimula ang negosyo namin. Bakit lahat apektado? Iyong mga manggagawa namin, paano namin tutulungan? Diyos ko po, Panginoon ko, nagdadasal ako. Nagdadasal ako, Lord. Kahit na buhay ko, iaalay ko, magbago lang. Iyong ibang anak ko sa Sta. Maria Bulacan, iyong asawa ko—kaya ako naging DDS dahil sa iyo eh, sinunod kita eh dahil love ko kayo. Pero ngayon, ang paninindigan ko, Leni Robredo ako and I’m proud and I will fight for it and I’m willing to tell everywhere na Leni Robredo ako kasi damang dama ko siya, para siyang Holy Spirit— mahinahon, talagang dinadasal niya iyong bawat— desisyon niya, dinadasal niya. Hindi siya padalos dalos. Biro mo—madali eh, kung bubuksan lang natin iyong isip natin, makikita natin iyong good between evil eh. We have the right to choose between left and right and iyong black and white. Walang gray area. Bad and good lang tayo. Saan tayo? Kung pahihintulutan natin ang sarili natin, iyong mga naririnig natin lalo na iyang mga YouTube na iyan na gawa gawa nila, tignan natin iyong facts and figures. Numbers cannot lie.

    Diyos ko. Atty. Barry, pasensiya na po.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Okay lang Sir Dante, grabe. Ramdam na ramdam ko po iyong ano, iyong hirap ng pinagdaanan ninyo at muli, nakikiramay po ako. Noong una ko po kayong nakausap, noong nakausap po kayo ni VP Leni, talagang pareho naman po kaming naapektuhan talaga kasi iyong kwento po niyo, kuwento po ng bayan namin iyan eh nitong mga nakaraang mga buwan, ‘di ba? Iyon pong hirap ng ating pinagdaanan —

    DANTE LARDIZABAL: Gusto po sana namin siya makausap, kaming mga Bikers—hirap na hirap po kami. Alam niyo, diyan kami araw-araw, paikot ikot. Iyong mga team captains po na iba-iba, iyong aming Supremo, Si Zosimo Porte, talagang naghihirap. Iyong mga team captains po na sila [inaudible] ang dami ho. Hindi ko ho mabilang. Ako po nga, sabit lang ako eh. Sila ang mas lalong naghirap. Gusto nilang makita si VP kahit sandali bigyan niyo kami ng time.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Bigyan po namin. Aayusin po natin iyan. Pagbalik po niya, pagbalik na pagbalik po niya, ayusin po natin para makausap po kayo kasi ang laki po talaga ng pasasalamat namin—iyon po iyong, itong kampanya po na ito, kayo po talaga ang magdadala, iyon po iyong aming paniniwala

    DANTE LARDIZABAL: Nagkabit kami ng posters—wala pong bayad. Puhunan lang namin, bike at lakas. Gagawin po namin iyan, alang-alang kay Ma’am Leni. Lahat po— iyong vaccine po ang gusto ko maging—ano ito, mag-dedicate lang tayo ng ating—kung pwede ho, gusto ko maraming mabakunahan, maraming mailigtas. Ayaw ko na iyong umabot sa pamilya namin, sa pamilya niyo, iyong paghihinagpis namin, masakit, baka hindi niyo kayanin. Sana hindi mangyari sa inyo. Kapag nangyari sa masa na nakikinig ngayon —

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Sana nga po, sana nga po, Sir Dante. Grabe. At ‘di ba, bilib po ako na sa kabila po ng lahat ng pinagdaanan niyo, talagang ang mensahe pa rin  po niyo ay pagtulong at pag-ibig ‘di ba, iyong hindi pakikipag-away, hindi paghahanap ng mali, kundi pagtulong. Paghahanap ng magagawa ng tama at iyon po ang kinakailangan natin.

    DANTE LARDIZABAL: Actually kung talagang personality lang at character ko, ay away! Pero hindi po kasi siya iyong tinitignan ko, tinitingala ko, parang nanay ko nga eh. Kapag sinabi ng nanay, “o ganito ka, makinig ka.” Pero ang tatay mo bakit gano’n? Binobola ka? Sinasabihan kang stupid? Bakit ka naniniwala na mag-aano ka ng flag sa West Philippine Sea? Diyos ko po. Parang ang sakit eh. Parang sayang iyong boto ko kung alam niyo lang. Alam ko mabuti ka, Tatay Digong, bigyan mo lang ng pagkakataon. Gawin mo rin iyong parte mo. Pabayaan mo naman ang nanay kong mamuno. Parang awa mo na.

    ELY: Okay, Atty., talagang emosyonal din si Sir Dante. Pero wala na ho tayong oras. Sayang. Siguro sa mga susunod, maiimbitahan natin uli si Sir Dante. Salamat po sa—

    DANTE LARDIZABAL: Sana mayroon pa kaming ikalawang pagkakataon na makausap namin si VP.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Makakausap po niyo, sigurado po iyan, Sir Dante.

    DANTE LARDIZABAL: Sana po on-air!

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Iimbitahin po namin kayo muli dito kapag nandito siya. [laughs]

    DANTE LARDIZABAL: Kakausapin ka, Sir, ng mga partners ko po at mga kasama namin sa grupo namin.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Magkakaroon pa po tayo ng take two, Sir Dante. Makaasa po kayo diyan.

    DANTE LARDIZABAL: Iyong mga partners ko po talaga, gustong gusto talaga nila si Nanay. Pangarap makausap. Gusto naming pumunta sa inyo kaso ang higpit ng protocol niyo eh. Ako nga lang ho, sundot nang sundot ang ilong eh. Pero tama lang ho iyon.

    ELY: Okay.

    DANTE LARDIZABAL: Salamat po sa imbitasyon ninyo sa akin.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Thank you po, Sir Dante!

    ELY: Salamat po ah.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Thank you po sa pagbahagi po ng inyong kuwento. Thank you po talaga.

    [END OF INP SEGMENT]

    ELY: Okay, Atty. Barry, kulang na tayo sa oras. Panghuli, mensahe na para po sa ngalan po ng ating Bise Presidente para po sa ating kababayan na nakikinig ngayon nationwide.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Hinga lang ako Ka Ely. Na-ano rin ako eh. Talagang ang bigat nung kuwento ni Sir Dante at kuwento nga iyan ano eh, ng ating bansa nitong nakaraang—nitong 19 months na ito mula ng nagsimula ang pandemya. Lahat tayo nawalan, lahat tayo nakaranas na ng ganyang klaseng lungkot at ganyang klaseng hirap. Sana ‘di ba? Pakiusap ko lang—personal at ito na rin iyong naging panawagan ni VP Leni. Papasok sa ating eleksyon ngayon, sana huwag nating kalimutan na iyong boto natin, iyong ating magiging desisyon dito ay iyon iyong magiging tugon dapat natin dito sa lahat ng pinagdaanan nating kahirapan at krisis nitong nakaraang ilang buwan mula ng magsimula ang pandemiya at sa dulo, iyong pipiliin nating pamumuno, iyong pipiliin nating gobyerno, iyon din ang sasandalan natin eh kapag nagkaroon tayo ng ganitong klaseng krisis so pumili tayo ng maayos, pumili tayo nung maaasahan natin, pumili tayo nung makakapag-ahon sa atin mula doon sa kasalukuyan nating kinalalagyan at pumili tayo nung hindi tayo kailangang pagdaanin muli sa ganitong klaseng hirap at kalungkutan. Ang bigat talaga, Ka Ely, sa kuwento ni Sir Dante naririnig ko iyong kwento nung napakarami naming nakausap sa nakaraang mga buwan na ito, iyong mga lumalapit at ‘di ba, nangangailangan lang talaga ng tulong para sa kanilang pamilya pero walang ibang malapitan. Iyong frustration din ng mga doktor at mga volunteer na walang pwedeng maibigay sa kanila? Nakita mo iyong hirap na dinaranas nating lahat. Pero iyon nga, merong way para makalabas tayo dito at iyan ang pagpili ng mas maayos na pamahalaan sa susunod. So nasa ating kamay. Sana huwag nating sayangin iyong pagkakataon.

    ELY: Okay so—uy, Happy Birthday muna kay Orly Trinidad. Pareng Orly, Happy Birthday. Okay, Atty, salamat ah.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Salamat, Ka Ely. 

    ELY: Sa uulitin.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Magandang umaga sa iyo uli Ka Ely. Magandang umaga sa lahat.

    ELY: Mga kababayan, iyan po si Atty. Barry Gutierrez, ang official po na tagapagsalita ni Bise Presidente Leni Robredo. Susunod na po si Don Lino Celle. Maraming Salamat mga kasama, ako pa rin ho ang inyong radyo man, Ely Saludar. Muli po isang magandang umaga, Pilipinas.

     

    - 30 -

     

     

     

     

    Posted in Transcripts on Oct 17, 2021