This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Biserbisyong Leni Episode 242

    Biserbisyong Leni Episode 242


    KA ELY SALUDAR: Magandang umaga Pilipinas, Luzon, Visayas, at Mindanao. Isa na namang edisyon ng Biserbisyong Leni dito po sa RMN at syempre mga kasama ngayon po'y araw ng Linggo, December 26, 2021. Ako pa rin ho ang inyong radyoman, Ely Saludar at syempre mula pa rin ho dito sa RMN DZXL 558 Manila, tayo po'y napapakinggan sa RMN DYHP Cebu, RMN DXCC Cagayan de Oro, RMN DXDZ Davao, RMN DWNX Naga, at syempre sa lahat po ng ating inabot ng broadcast nationwide, netwide, maganda umaga Pilipinas.

    At syempre ho mga kasama, makabubuti alamin ho natin 'yung mga naging aktibidad ng ating Bise Presidente sa nagdaang linggo na talaga namang halos wala pong pahinga at tuloy-tuloy, siya po ang mabilis at nauna sa pagkalinga at pagtulong po sa ating mga kababayan, 'yung mga naapektuhan po ng bagyong Odette. Visayas, Mindanao, sa Palawan grabe rin ho nangyari mga kasama ‘no. So sa Bohol, Cebu, Surigao, 'yung Siargao Island, at diyan po sa Dinagat Islands, Southern Leyte no, ang dami ho. Sa Negros Oriental, Occidental nako grabe ho mga kasama. Kaya naman lahat ho ngayon tayo, siguro mas maganda ay patuloy na magkaisa.

    'Yung mga may maitutulong, tumulong ho tayo ah at syempre ang pinaka importante ho diyan eh hindi naman palakihan dito eh. 'Yung kaya at syempre 'yung talagang ito ay nasa iyong kalooban mga kasama diba eh okay po 'yun, tulong ho tayo. At muli pakiusap 'yung mga tutulong ho magbibigay ho, 'yung mga damit, kung ano mang mga gamit, eh 'yung ibibigay niyo pong damit eh wag naman 'yung talagang pinaglumaan na 'yung sobrang luma na na talagang kahit ikaw hindi mo na isusuot. Wag naman ganoon, mga kababayan. 'Yung iba parang basahan na ba, wag naman. Di naman kinakailangan bago pero 'yung talagang susubukan mo ha, ikaw mismo, ikaw kaya mo pa bang suotin? Halimbawa lalabas ka ng bahay, mamamasyal ka, 'yung bahay na, 'yung damit na ibibigay mo, kaya mo pa bang suotin? Eh pag alam mo nang hindi mo na kaya, may butas na sa kilikili o ano, wag mo na ipamigay. Gawin mo na lang basahan hindi po ba?

    So 'yun ho mga kababayan, magbigay ho tayo ng tama. At syempre ang sinasabi ko eh ang ibibigay po natin ay 'yung bukal po sa ating kalooban mga kasama. Hindi po ito palakihan, paramihan na diba, payabangan mga kababayan. Okay oras na ho natin alas-nuwebe nuwebe na ho ng umaga at ito, pakinggan natin ang ating Bise Presidente Leni Robredo at para malaman ho natin 'yung kanyang mga naging aktibidad sa nagdaang linggo mga kababayan.

    VP LENI DEC. 20 FACEBOOK LIVE: Ang gusto ko lang po ikwento sa inyo 'yung mga nakita ko kasi isa po ito sa mga request ng mga nandoon. May general feeling 'yung mga kababayan natin na hindi natin masyadong alam dito kung ano 'yung tunay na nangyari sa kanila. So ako po nag-promise ako sa kanila na ikukuwento ko sa inyo pag nagkaroon ako ng opportunity. Sa lahat nung pinuntahan namin, down 'yung communication lines. Sa lahat ng pinuntahan namin walang kuryente, walang tubig. 'Yung signal po ng telepono meron lang sa mga konting lugar so 'yung mga nagpapadala po sa amin ng mga messages na nagsasabi na hindi nila ma-contact 'yung mga families nila, ang pinakadahilan po talaga nito, sobrang hirap po ng signal.

    ELY: At alamin natin diyan po sa Bohol, December 17, 2021, at naroon po ang ating Bise Presidente.

    VP LENI DEC. 20 FB LIVE: Pumunta po kami sa Bohol less than 24 hours after tumama 'yung bagyo sa kanila. Gusto po sana naming umikot. Kinukuwento po nila sa amin na merong mga distrito, lalo doon sa may north saka sa may east, sa may Northeastern part ng Bohol na doon talaga grabe 'yung tinamaan. Ang problema po talaga hindi nila ma-contact kasi walang communication lines, walang paraan para pumunta sila doon kasi hindi pa passable 'yung mga roads. Hindi pa nila, hindi pa talaga nila naaassess 'yung sitwasyon. So kami po nagpumilit kami na from Tagbilaran papunta po sana kami ng Loboc para hanapin namin si Governor Art Yap kasi gusto po namin siyang makausap para malaman talaga namin 'yung mga kailangan sa Bohol. Nakuha lang po namin siya sa isang bahay na nakiligo lang siya doon, sa bahay po ito ni Board Member France Garcia tapos kumakain po siya, naalala ko 'yung kinakain niya spam saka itlog. Sabi niya po 'yun yung first meal niya in the past 24 hours kasi na-trap po siya sa Capitol. Nagpumilit lang talaga siyang pumunta sa Loboc. Pero ang sabi niya po sobrang hirap kasi ang daming bagsak, ang taas ng tubig. Tinuturo po nila sa amin–kasi pag punta po namin medyo bumaba na ng konti eh 'yung water level pero tinuturo niya sa amin 'yung mga poste kasi po may solar lamps, pagpunta po kasi namin, nung nakarating po kami doon medyo madilim na. Tinuturo niya sa amin 'yung level ng tubig tapos at the time na pumunta kami doon, nagrerescue po sila. Nagrerescue 'yung Tarsier 117 saka 'yung mga local police. Nagrerescue po sila kasi karamihan sa mga tao doon sa Loboc ay nasa taas ng kanilang bubong.

    *Video insert of VPLR visit taken from VPLR Facebook post*

    ELY: Okay, samantala mga kasama diyan po mula sa Bohol noong Biyernes ay agad naman pong nagtungo ang ating Bise Presidente sa Cebu, Sabado, December 18.

    VP LENI DEC. 20 FACEBOOK LIVE: 'Yung second day naman namin ay nasa Cebu kami. Ang balak po sana namin noong araw na 'yun, ang pupuntahan namin Cebu City saka 'yung mga lugar sa Cebu Province, 'yung mga towns na hardest hit, pero from the airport it took us three hours para po makarating sa Cebu City. Nagkaroon lang kami ng signal noong nasa taas kami ng bridge, saka lang po kami nakatawag. Then 'yung team namin tinatanong namin ano ba 'yung hardest hit barangay na puwede nating puntahan at doon muna natin i-channel 'yung mga relief goods na dala natin. Pinapunta po kami sa isang barangay sa Guadalupe, kausap po namin 'yung barangay offiicials, kausap po namin 'yung mga evacuees doon, nakakapanlumo talaga 'yung mga kuwento. Kinukuwento po nila kung gaano kalakas 'yung bagyo, kinukuwento nila na halimbawa hindi lang isang family pero maraming families ang kuwento na, naka-evacuate na sila sa isang lugar pero yung inevacuatan nilang lugar nasira din, so ang nangyari parang during the night, palipat-lipat sila ng lugar hanggang nakarating sila doon sa isa pang evacuation center na hindi nasira. Kaya po heartbreaking makipagusap sa kanila kasi kinukuwento nila na walang wala talaga sa kanilang natira. Ang itatanong nila sayo, papaano na kami?

    *Video insert of VPLR visit taken from VPLR Facebook post*

    ELY: Okay samantala mga kasama, dumako naman sa ikatlong araw at mula po sa Cebu ay nagpunta ang ating Bise Presidente sa Surigao City diyan po sa Siargao Island at diyan din po sa Dinagat Islands, Southern Leyte. Alamin natin at narito muli si VP Leni.

    VP LENI DEC. 20 FACEBOOK LIVE: Third day po ng aming pagiikot, apat– gaya ng sabi ko apat na lugar 'yung pinuntahan namin, nauna po kami sa Surigao City. Paglapag pa lang po ng aming eroplano sa Surigao Airport, nakita po namin 'yung sitwasyon, 'yung Surigao Airport po bumagsak.

    *Video insert of VPLR visit taken from VPLR Facebook post*

    VP LENI DEC. 20 FACEBOOK LIVE:: May team na rin po kami doon na nauna sa amin. Magtuturn-over po kami ng aming relief goods sa city hall pero 'yung papunta po from the airport to the city hall, 'yung napansin po namin halos walang electric post na nakatayo. Lahat po talaga siya nakatumba. Tapos 'yung mga buildings ganoon din po 'yung nakita namin sa Cebu na kahit 'yung mga malalaking buildings, hindi talaga siya na-spare. 'Yung mga mall, 'yung mga malalaking restaurants sira-sira talaga siya. Pagpunta po namin doon sa city hall, we were received by the Mayor and the Vice Mayor, nagkaroon po kami ng briefing.

    *Video insert of VPLR visit taken from VPLR Facebook post*

    VP LENI DEC. 20 FACEBOOK LIVE: Pagkagaling po namin sa Siargao, lumipat po kami sa Dinagat Islands. Lahat po, ano, heart-breaking 'yung nakita ng - ah, 'yun po siguro 'yung devastation na pinakagrabe. Wala pong communications lines, so si Governor Kaka po ay di namin nasabihan na padating kami. Basta lang kami nagpunta.

    Pag baba po namin, lumapag po kami malapit sa isang paaralan. Ang daming mga - ang dami pong mga tao na lumapit doon sa amin. Naiiyak talaga sila. Naiiyak po sila, parang sinasabi nila - parang, parang, parang 'yung impression ko po, parang 'yung iyak nila out of helplessness. Pero at the same time, 'yung iyak nila relief na mayroong dumating. Ito po si Gov. Kaka, apparently, pumunta siya ng Butuan. Una pong pumunta yata siya ng Surigao kasi dumating si Presidente, tapos pumunta siya ng Butuan kasi to seek help.

    Kasi ang problema po sa - ang problema po sa Dinagat, ganoon din. Naka-preposition sila ng goods, pero dahil sa bagsik ng bagyo, talagang nabasa 'yun lahat. Walang pagkain, kulang 'yung drinking water, walang krudong available. 'Yung pinoproblema po ni Gov. Kaka 'yung kanilang district hospital na may mga pasyente walang pang-krudo sa generator.

    Naghahanap po kami ng sasakyan, kasi gusto naming umikot at hahanapin sana namin si Gov. Kaka. Sabi po sa amin, wala pong makaka - makaka - ano ito, walang makaka-ikot na sasakyan kasi sobrang dami ng, ng nahulog na poste, ng kahoy. Tapos mayroon - kasi po, ilang beses na ako nakapunta ng Dinagat, si Nene, si Nene kung nanonood - ay wala, hindi pala siya nanonood kasi walang signal doon - pero si Nene po, nalaman niya na nandoon ako sa school, pinuntahan ako, nakamotor siya. Tapos sabi niya, ito lang 'yung magagamit dito kasi talagang walang madadaanan.

    So mabuti nalang around, parang around us, mayroon ding mga nakamotor. Ako sumakay ako kay Nene, 'yung mga kasama ko sumakay din sa ibang motor. So sabi ko, hanapin natin si Gov. Kaka kasi hindi pa namin alam na hindi pa siya nakakabalik.

    Mayroon po doong isang, isang school building na maliit na sira din 'yung bubong niya pero at least nakatayo pa 'yung school building. Lahat ng evacuees nandoon. Tinatanong ko po sila kung ilan silang nandoon sa loob, sabi nila hindi na nila alam. Pare-pareho 'yung kuwento na dahil sa lakas ng bagyo, palipat-lipat silang evacuation center. Kasi kahit 'yung evacuation center nasisira.

    Nandoon po ako nung July of 2019. 'Yun 'yung pinakalast ko nandoon, at pumunta ako sa Provincial Capitol. 'Yung Capitol pong pinuntahan ko ng 2019, wala na po siya. As in gumuho siya. 'Yun talaga 'yung ano, 'yun talaga 'yung nakaka - sobrang nakakalungkot, na alam mo 'yun, parang 'yung, 'yung Capitol ito 'yung symbol ng ano 'di ba, ito 'yung symbol ng gobyerno. Pero dahil sa lakas ng bagyo, dahil po talaga sa lakas ng bagyo, pati 'yun ay hindi spared.

    'Yung iba po naming kasama, pinuntahan 'yung bahay ni Gov. Kaka, andoon din, sira din. Pumunta sa operation center, ano din, marami din 'yung, marami din 'yung sira. So, so talagang 'yung Dinagat Islands kailangan po talaga ng tulong natin. Kailangan na kailangan po ng tulong.

    Unang-una, wala pong flights papunta doon. Walang flights na papunta sa Dinagat. Para po makapunta doon, mag, mag - sa normal times, pupunta ka muna ng Surigao tapos magboboat ka to Dinagat. Eh ngayon po 'yung Surigao airport sarado din. So I would presume na ang closest airport sa kaniya, Butuan na medyo, medyo malayo pa. I think two hours ang Butuan to Surigao, tapos magboboat. 'Yung pag-padala ng goods doon, ganoon kahirap.

    Ano po talaga, ang, ang, ang hinihingi po talaga nila, lahat ng tulong. Ang pinaka, pinaka-concern talaga pagkain, tubig. 'Yung mga, 'yung mga kababayan po natin, hindi alam kung papano magsisimula muli, magpa-Pasko pa naman. Hindi natin maimagine kung papano nila ito dadalhin, pero sabi ko po sa kanila, kakayanin natin ito, hindi namin kayo papabayaan. 'Yung help is coming.

    Ako po, paniniwala ko talaga, importanteng nakikita kami na mga public officials. Ang, ang kinukuwento ko nga po sa staff ko na kahit napaka - nakakapagod 'yung biyahe namin kahapon, kasi ang dami naming pinuntahan, 'yung mga tao, pag nakita talagang pumunta ka, kahit grabe 'yung dinadanas nila, natutuwa sila. Ako nga po, sinasabihan ko sila, pasensya na po kayo, hindi pa dumadating 'yung iba, ito palang 'yung aming dala. Lagi, sa lahat na lugar na pinuntahan ko, ang lagi po nilang sagot, 'Di bale na po, basta nandito ka, kampante kami na hindi kami napapa - hindi kami papabayaan.

    So, sa akin, ano talaga, pag-tulung-tulungan natin.

    *video insert of VPLR visit taken from VPLR Facebook post*

    VP LENI: ‘Yung sa Surigao City, akala ko po 'yun na 'yung pinakagrabeng nakita ko until nareach namin 'yung Siargao. Sa airport palang. Una, sira din 'yung airport. Pero magulo sa airport kasi ang daming turista pala na nastranded doon. Nasa airport yung marami sa kanila kasi nagbabaka-sakali silang makaalis.

    So pagbalik ko po dito kagabi, nag-contact po ako sa PAL saka sa Cebu Pacific, sinasabi ko sa kanila 'yung sitwasyon doon, and kinonfirm po natin - na napakabilis pong pag-respond ng, ng Cebu Pacific saka ng PAL. Kasi halimbawa po ang PAL, ang sabi po nila, 'yung evacuation flights ay pinag-uusapan na nila, iseschedule nila. In fact, pag dating ko, 'yung, 'yung goods po namin naisakay namin sa PAL and paglabas noong PAL, pasahero yung sakay. So ganoon lang po 'yung gagawin.

    'Yung Cebu Pacific po, 'yung first na sweeper flight nila kaninang umaga, 10:35 yata 'yung schedule na umalis siya sa Siargao. So pinapakiusap lang po namin na sana 'yung frequency madagdagan kasi kawawa talaga 'yung mga na-stranded doon, lalong lalo na kasi wala talagang, wala talagang available na utilities doon. Hindi lang po walang, hindi lang na walang kuryente, hindi lang na walang signal, pero talagang walang drinking water, walang pagkain.

    Ang problema po sa Siargao, nakapag pre-position ang provincial governments saka ang mga local governments ng pagkain para sa in preparation for the typhoon. Pero dahil halos lahat talagang mga buildings nasira, nabasa 'yung lahat ng bigas. Ang hindi sana nabasa 'yung, hindi na-affect 'yung mga de lata. Pero for the first fifty days [inaudible]

    *video insert of VPLR visit taken from VPLR Facebook post*

    ELY: Okay, at samantala mga kasama, dumako naman tayo sa pag-bisita ni VP Leni diyan po sa Southern Leyte.

    VP LENI DEC. 20 FACEBOOK LIVE: Dahil natagalan kami sa Siargao, natagalan po kami sa Dinagat, pumunta po kami sa Southern Leyte. 'Yung team po namin, nauna na sa Sogod. Pero lumapag po kami sa Maasin kasi 'yung airstrip nasa Maasin. Dapat, dapat po sasakay kami ng chopper papunta sa Sogod, pero dahil hapon na po iyon, walang night flying capability 'yung aming chopper, ay hindi na po kami, hindi na po kami nakalipad.

    Alam ko hindi ito mapapanood ng mga taga-Sogod kasi wala pang kuryente doon. Pero pag napanood niyo po ito later on, hihingi po kami ng paumanhin. Nauna po sa inyo 'yung team namin, nandoon po sina Von. Pasensiya na po kayo, alam ko naghintay kayo. Nag-instruction po kami kina Von na ituloy 'yung pamimigay ng relief. Nakita naman po namin 'yung pictures, nakita po namin 'yung pictures na natuloy naman 'yung relief operations. Pero pasensiya na po na hindi ako mismo nakapunta diyan. Pero babawi po ako sa inyo.

    So pagpunta po namin sa Maasin, dahil hindi na po kami nakapunta sa Sogod, pumunta po kami sa Provincial Capitol, nakausap po namin si Gov. Damian Mercado. Nagkaroon din po ng kaunting briefing. Kasi pag punta po namin, wala po sa schedule 'yun kasi dapat nga nasa, nasa Sogod kami.

    Pagpunta po namin doon, tamang-tama sa lobby ng Capitol mayroong briefing. Mayroong briefing para doon po sa mga taga-International Office of Migration ng UN, 'yung IOM. So naki - naki silip kami, at tinuro po sa amin kung saan 'yung pinaka-hard hit areas. Ang sabi po sa amin, naka-tatlong, tatlong ano ito, landfall. Naka-tatlong landfall sa, sa Southern Leyte. 'Yung pinakauna daw na landfall, ito po from Dinagat. From Dinagat, ang pinakauna daw pong landfall 'yung sa Liloan.

    Ang pangalawa daw na landfall ay sa Padre Burgos. Ang pangatlo daw ay sa Maasin na. Sinabihan po namin 'yung team namin na i-check 'yung Padre Burgos, 'yung Liloan, saka 'yung Limasawa. Kasi 'yung Limasawa po, nabalitaan namin na marami ding nasiraan ng bahay.

    ELY: Ok balik ho tayo, mga kasama. Oras na po natin sa buong kapuluan, 9:32 na ho ng umaga. At siyempre, tuloy parin ho, ano, ang pagtulong ng Tanggapan ng ating Bise Presidente sa ating mga kababayan, ano, diyan po sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Odette. At sa ngayon ay nako, napakarami na ho ng mga napaulat na namatay at sana po, lahat po tayo ay magtulong-tulong para agad na makabangon 'yung ating mga kababayan.

    Kasi sa ngayon sa gitna pa ho ito, 'no, ng pandemiya, mga kababayan. Grabe ho talaga naman, ho. Ewan ko ba. So talagang nagpahabol pa bago matapos itong taong 2021. At samantala, mga kasama, sa ating mga sumusubaybay dito po sa ating palatuntunan sa ating Facebook Live ay good morning, good morning at kung saan man ho kayo narorooon [Ely greets Facebook viewers/ shoutouts]

    ELY: Lahat po ng nanunuod at nakikinig sa palatuntunan ni VP Leni, so magandang umaga sa inyo o kung ano’ng oras kung saan man kayo naroon sa iba’t ibang panig ng daigdig. At samantala mga kasama eto panuorin nyo ho 'yung mga nanunuod sa ating video dito 'yung sa Facebook yung briefing diyan sa provincial capitol sa Maasin, sa Maasin, Southern Leyte. Panoorin nyo lang ho ang video at ah habang tayo po ay, ayun oh. Grabe ho talaga yung nanood sa Facebook live nakita nyo naman po ang video footage at ah yung talagang naging pinsala ni bagyong Odette mga kababayan. Personal pong binibisita ni VP Leni at yun ho may mga ilang nakatayo, yung malalaking bahay, talagang bato pero parang winalis po talaga noh yung lugar. Siguro dito nyo lang po aktwal na makikita bagamat yung iba pa nating mga kasamahan sa media ay nakakuha na rin ng mga video footage pero ito po ay aktwal na pagbisita ni VP Leni sa mga lugar po na naapektuhan ng bagyong Odette.

    At talaga namang yung ating mga kababayan duon hindi mo talaga maipipinta ang mukha sa kalungkutan kasi talalagang yung iba po nawalan ng mahal sa buhay tapos yun pong mga ari-arian na siguro ay kanilang diba pinag ipunan at sinikap at diba maimpok sa mahabang panahon ay sa isang iglap, yun po nawala na po. So grabe ho talaga.

    At sa mga lugar na yan yun talagang pati ho ang ating mga awtoridad at pati yung mga pulis at sundalo biktima rin ho kaya may mga report ng looting at anuman, eh bigla naman nagpadala ang ating mga awtordidad dito po sa national headquarters ng responde. At mabilis din naman noh at siempre bukod pa sa opisina ni VP Leni, ay may iba pa mga NGO at iba pa ahensya ng pamahalaan ay nagpaabot na rin ng tulong sa ating mga kababayan na naapektuhan nitong si bagyong Odette, mga kababayan.

    So yung mga binisita po ni VP Leni, yan po sa Bais, Negros Oriental nuong Disyembre 21, Tuesday. Yan po ay sa Sitio Tampakan, Barangay Uno, Bais, Negros Oriental. At ganun din pinuntahan po niya rin ang Manhuyod, Negros Oriental. Tapos nagkaroon ng turnover ng relief goods sa Barangay Poblacion, Manhuyod, Negros Oriental at yun ho bumisita rin sa Negros Occidental sa Barangay [inaudible], Negros at yung turnover po ng relief goods. Sa Kabankalan, Negros Occidental, ito yung pamimigay din po ng mga relief goods sa Barangay Daan Banwa, Kabankalan, Negros Occidental, Himamaylan, Negros Occidental. At gayun din po sa turnover ng relief goods sa Himamaylan National High School. Himamaylan, Negros Occidental.

    At sa Iloilo, maayong aga sa mga taga Iloilo at sa Bacolod. Ito hong Iloilo relief operations. Nagkaroon din ng ceremonial turnover ng relief goods sa Iloiloi provincial capitol. At kinabukasan, December 22 naman ay sa San Vicente, Palawan relief operations.

    Nagbisita rin po si VP Leni dyan po sa Sitio Paninindigan, Barangay Poblacion, San Vicente, Palawan at nagkaroon po ng briefing sa command center sa Palawan at matapos nyan ay dumerecho rin sa Roxas, Palawan, mga kasama. Grabe ho talaga.

    Ang dami dami ho na mga kababayan natin na naapektuhan at yan ho, lubos ang kanilang pasasalamat sa tanggapan ni VP Leni at I’m sure lahat din po yung kinauukulan na ahensiya ng gobyerno, DSWD, lahat po nagbigay din ng mga tulong.

    Alam nyo ho ang kakaiba po dito mga kababayan, yung mga LGU, yung mga lokal na pamahalaan ay hirap po sila. Hirap po sila agad na makakilos kahit na magdeklara, diba nagdeklara ng state of calamity, ibig sabihin nyan ay prepared naman ho sila, agad na nagalaw yung kanila diba kanilang mga pondo para po sa mga emergency. Ganyan may mga kalamidad mga kasama. Eh yung iba wala nang ilalabas eh, wala na ho irerelease. Bakit ho? Eh gamit na gamit na ho diba sa COVID response nila? Yan ho ang masaklap dyan mga kababayan kaya maging ang United Nations diba nagbigay na po ng tulong, patuloy na nangangalap. European Union so marami po ang mga magbibigay ng tulong. At kaya nga diba yung iba hinahalintulad po ito sa Yolanda na talaga naman grabe ang epekto di po ba? So samantala mga kasama, sa kabila nyan ay diba ay alam niyo naman ho eh, tuloy lang ho ang buhay. Makakaraos din po tayong mga Pilipino.

    ELY: Okay sandali lang ho mga kasama at paalala muna, magpapaalala po muna tayo dahil meron pong paalala si VP Leni. Alam nyo ho yung sinasabi ho niya yung Hanapbuhay Para sa Lahat. Alam nyo importante ho yan at talaga naman ho ngayon sa panahon po ng pandemiya dami po walang hanapbuhay di po ba? Ito panuorin natin at pakinggan natin si VP Leni

    *video insert Hanapbuhay para sa Lahat ad*

    ELY: Okay oras na po natin sa buong kapuluan 9:46 na po ng umaga at good morning kay- sa ating kaibigan si boss Rey Anthony David. At good morning ho sa iba pang mga patuloy na sumusubaybay dito po sa palatuntunan ni VP Leni. [Ely greets Facebook viewers/ shoutouts]

    ELY: So, ‘yun ho ah. At tuluy-tuloy pa rin ho ‘no ‘yung pagtulong ng ating Bise Presidente sa mga kababayan natin, at kaya bihira po natin siya nakakasama dito po sa kaniyang palatuntunan nang live dahil sa talagang mas, syempre, prayoridad po ‘yung pagtulong po sa ating mga kababayan. At kung ano man ang inyo pong mensahe o nais na ipaabot kay VP Leni ay iparating niyo ho rito sa akin, dito po sa aming palatuntunan at kayo naman po ay agad na tutugunan, o, mga kababayan. So, mabilis ho. Mabilis po ang pagtugon ng tanggapan ni VP Leni, mga kasama, sa ano mang inyong hinaing, basta’t kaya ho. Alam niyo naman eh, basta’t kaya ho na ibigay, ibibigay po. Huwag lang ho kayo hihingi ng mga imposible na hindi ho kayang ibigay. Alam niyo naman ho ‘no, may hangganan at limitasyon lalo na po ‘di ba, ‘yung tanggapan ng Bise Presidente talagang hindi po ganoon ka- lalo na kung sa pondo pag-uusapan ah. Pero sa kabila ng limitadong resources, ‘yung mga pondo ay ‘di ba, talaga namang napagsisikapan na maibigay ‘yung tulong at syempre may mga katuwang ho ‘yan sa pribadong sektor. May mga partners po eh ang OVP para makapagbigay ng tulong sa ating mga kababayan.

    Okay, oras na po natin mga kasama, 9:51 na po ng umaga. At syempre mga kasama ay ‘di ba, kahit na marami hong naghihirap at tinamaan pa ng kalamidad ‘yung ating mga kababayan diyan po sa may Kabisayaan at sa Mindanao ay tuloy lang po. Tuloy po ang buhay. Ito at panoorin po natin at pakinggan. Ito ho ‘no ‘yung “Pag-ibig ang Kulay ng Pasko”.

    *Video insert of Pag-ibig ang Kulay ng Pasko*

    ELY: Okay, at sa pangalan po ni Vice President Leni Robredo, at kaniya pong ipinapaabot ‘yung kaniyang pasasalamat sa lahat po ng mga… lalo na ho ‘yung mga volunteers at ‘yung mga tumulong, nagbigay po ng mga donasyon at iba’t iba pang mga tulong eh maraming salamat po at huwag ho kayong magsasawa. At alam niyo ho, napakaimportante sa mga Pilipino ang nagtutulungan sa isa’t isa. At syempre sa pangalan pa rin ho ni VP Leni, ako pa rin ho ang inyong Radyoman, Ely Saludar. Muli po, isang magandang umaga, Pilipinas.

    [END]

     

    Posted in Transcripts on Dec 26, 2021