This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI Episode 244

    BISErbisyong LENI Episode 244


    [Start 03:01]

    ELY SALUDAR: Okay, magandang umaga Pilipinas, Luzon, Visayas, at Mindanao. Isa na namang edisyon ng BISErbisyong Leni dito po sa RMN. At siyempre, ngayon po'y araw ng Linggo, January 9, 2022. Magandang umaga Pilipinas, mula po dito sa RMN DZXL Manila. Tayo po'y napapakinggan ngayon sa RMN DYHP Cebu; RMN DXCC Cagayan de Oro; RMN DXDC Davao; RMN DWNX Naga; at siyempre sa lahat po ng ating inaabot ng broadcast nationwide, netwide. Ito na po ang BISErbisyong Leni dito po sa RMN. Ako parin ho ang inyong Radyoman Ely Saludar, at siyempre makakasama po natin ang nag-iisang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madame Vice President Leni Robredo. Ma'am, good morning!

    VP LENI: Good morning Ka Ely, at Ka Ely, Happy New Year! Matagal-tagal ako hindi nakasama.

    ELY SALUDAR: Opo.

    VP LENI: Pero masaya ako na nakasama ako ngayon after a long time. Ka Ely, hingi lang ako ng paumanhin, nasa Bicol kasi kami ngayon, medyo maingay yung paligid. May construction sa katabi namin. Sa loob naman ng bahay ay mahina 'yung signal.

    ELY SALUDAR: Opo.

    VP LENI: So lumabas ako, pasensya na. Sana naririnig niyo po ako. Pero, kumusta po kayong lahat? Sa ating pong mga kababayan na nakikinig ngayong umaga, sana po nasa mabuti kayong kalagayan. Alam ko po 'yung nas– 'yung sitwasyon, grabe. At grabe po 'yung sitwasyon, pero sana ok naman po kayo. Mag-iingat lagi. Sa atin pong mga kababayan sa– dito sa Bicol, marhay na aga saindo gabos. Sa ating mga kababayan sa Visayas at Mindanao, maayong aga. Maayong buntag. Ka Ely, good morning ulit.

    ELY SALUDAR: Opo, good morning! At sa ngayon ay talaga namang– lalo na dito po sa Metro Manila, at maging sa mga kalapit na lalawigan ay patuloy po 'yung pagtaas ng kaso ng COVID-19. At ang sinasabi nga ho ay ito na po ang Omicron. So, sa ngayon ay ma'am, kumusta? Dahil sa muling ibinalik po, ano, ito hong Swab Cab at naumpisihan na rin, ano, diyan po sa may Quezon City, at maging din po itong Bayanihan E-Konsulta.

    VP LENI: Ah, 'yung Bayanihan E-Konsulta, Ka Ely, hindi tayo huminto. Since ni-launch ito, I think April 7 this– last year, hindi tayo huminto. Buti na lang. Buti na lang, Ka Ely, nag-decide tayo na kahit noong mababa 'yung kaso, tuloy-tuloy pa din. So noong nag– sumipa ulit 'yung kaso mga end of December, naka– naka set-up lahat.

    'Yung problema lang natin ngayon, Ka Ely, hindi talaga natin kinakaya 'yung dami ng kaso. Kasi alam mo naman na 'yung Bayanihan E-Konsulta, lahat ng volunteers– although nagpapasalamat tayo kasi marami tayong mga volunteer doctors saka mga volunteer non-medical staff– pero sa dami talaga ng kaso, grabe. Nag– naglagay kami, Ka Ely, ng cap na 400 a day. Bale pag naka-400 patients na 'yung registration, nagka-cut off siya.

    Ginawa namin 'to, Ka Ely, kasi para– para maasikaso namin talaga 'yung mga pasyente. Kasi kung tuloy-tuloy lang 'yung registration at nao-overwhelm 'yung system, matagal mabalikan 'yung iba. So ngayon, hanggang 400 cases a day lang. Pero ano nga, Ka Ely, ang target sana namin, within 24 hours mabalikan lahat pero sometimes nangyayari talaga na nababalikan– nababalikan sila, day 2 na.

    Pero ano 'to, Ka Ely, malaking bagay kasi marami talaga 'yung mga nagkokonsulta sa Bayanihan E-Konsulta na sobrang relieved sila na merong ganito na hindi nila kailangang pumunta sa doktor sa mga clinic kasi nakakatakot ngayon. Hindi kailangan pumunta sa ospital.

    'Yung– 'yung pinaka-sistema niya lang Ka Ely, open siya for COVID and non-COVID patients na kailangan lang makaka– makakita ng doktor. Ano, 'yung process? Pupunta po kayo sa Bayanihan E-Konsulta Facebook Page - free data po ito - tapos magre-register. Meron– pag– pag pumasok kayo doon, pag nagmessage kayo, merong mga prompt, may mga tanong na sasagutan niyo. Kasi doon nade-determine kung anong klaseng doktor kailangan, kung COVID patient ka ba o hindi.

    So pag COVID patient, Ka Ely, 'yung protocol natin, papadalhan kaagad siya ng COVID Care Kit, dahil 'yung COVID Care Kit, hindi lang gamot 'yung nandoon pero meron 'yung thermometer saka oxymeter. Saka merong forms, meron siyang forms na kailangan mong i-accomplish every day.

    Tapos meron tayo, Ka Ely, hiwalay na monitoring team. Sila 'yung tatawag sa mga COVID patients every day para mino-monitor 'yung symptoms. Kasi minsan, Ka Ely, hindi naman kailangan kaagad na may makausap na doktor. Parang nire-reserve natin 'yung doktor doon sa mga kailangan na kaagad na may makausap. So bini-bridge lang sila ng call sa doctor pag merong mga symptoms na red flags. So– so ito Ka Ely, pag nakareceive na kayo ng COVID Care Kits, the following day, magsa-start na 'yung monitoring until day 14. So marami tayo ngayong, Ka Ely, ganoon. meron– ano 'to, merong COVID Care Kits tapos merong– merong monitoring.

    Pero 'yung mga non-COVID patients, siyempre hindi siya papadalhan ng COVID Care Kit pero iniinterview siya kung anong klaseng doktor 'yung kailangan niyang makausap. 'Yung, 'yung parang 'yung triage, Ka Ely, parang 'yung general practitioner, 'yun 'yung triage. Pero kadalasan kasi, kailangang may makausap na espesyalista. So sineschedule 'yun. Sineschedule kung kailan siya tatawagan ng espesyalista. 'Yung reseta, 'yung lahat ng pangangailangan, doon na din dinadaan.

    So 'yun 'yung Bayanihan E-Konsulta. 'Yung Swab Cab, Ka Ely, noong mababa 'yung kaso, hininto natin ito kasi walang necessity. Pero noong sumipa 'yung kaso, binalik natin. Nag-umpisa tayo sa Tandang Sora. Ang plano namin, Ka Ely, noong una, parang palit-palit ng lugar. Pero 'yung first day kasi, sa Tandang Sora palang, sobrang dami na. Sobrang dami na ng pasyente.

    Kung naalala mo Ka Ely, 'yung dating Swab Cab, kailangan pa kaming mag-incentivize para magpa-swab 'yung mga tao. Pero ngayon hindi na, Ka Ely, kailangan. Hindi na kailangan mag-incentivize kasi sobrang dami na nagpapatest.

    So 'yung first day namin - naka-two days na - 'yung first day namin, 800– parang 810 or 813 'yung naswab. 'Yung nag-positive almost 400. So kinukuwenta namin, Ka Ely, parang 46.5% 'yung positivity rate. So grabe talaga. Pinakamataas 'yun.

    'Yung the following day, nasa Quezon Memorial Circle kami. May– 'yung sa Quezon Memorial Circle kasi, Ka Ely, may pre-registration kasi dating programa, so mas konti 'yung na-swab. Parang 400 plus. Pero 'yung 400 plus, almost 200 din 'yung nag-positive. Parang 44% yung positivity rate.

    So bukas, Ka Ely, nandoon kami sa Novaliches. Pupunta po ako doon. 'Yung anak ko nga nag-volunteer na swabber. Nasa Novaliches po tayo bukas pero open siya to anyone, kahit hindi taga-Novaliches, open siya to anyone. Libre po ito, libre 'yung testing sa Immaculate Concepcion Church. Immaculate Conception Church grounds, doon gagawin 'yung swabbing.

    Tapos sa Wednesday, kung hindi ako nagkakamali, nasa Payatas.

    ELY SALUDAR: Opo.

    VP LENI: Nasa Payatas B. Nasa Payatas B kami. So, ito Ka Ely, partner natin dito ang Quezon City government. So nagpapasalamat po tayo sa Quezon City government, kay, kay Mayor Joy, kina Dr. Rolly, sa buong QC– QC government na sila 'yung partner natin dito.

    So ngayong– ngayon darating na week, ang may schedule pa lang, Monday, Wednesday kasi tinitignan natin, Ka Ely, kung saan 'yung mga requests saka saan din 'yung availability ng lugar. So 'yun palang 'yung advance notice natin: Monday - Novaliches, Wednesday - Payatas.

    Pero ito Ka Ely, tuloy-tuloy nating gagawin hanggang kailangan. Ang– 'yung nakakatakot lang ngayon,, Ka Ely, - ako I am sure, Ka Ely, ikaw din– parang ang dami nating kakilala na tinamaan ngayon. Ganoon ka-grabe ang transmissibility ng– ng bagong variant. In fact, sa opisina namin, ang dami ding tinamaan. At– at ito, hindi siya in-office transmission, pero 'yung mga duma– bumalik, 'yung mga bumalik galing Christmas break, marami talaga 'yung infected.

    Buti nalang Ka Ely, as a matter of policy, talagang nag– nag-aantigen test kami sa office reg– regularly. So parang araw-araw, merong– merong nagpa-positive. So pilay talaga kami. Pilay kami ngayon Ka Ely, kasi 'yun nga, kaunti 'yung– maraming nalagas sa amin dahil marami nag-positive saka tuloy-tuloy pa din, Ka Ely, 'yung– 'yung Typhoon Odette relief operations namin. So marami pa kaming teams on the ground, meron kaming team sa Southern Leyte, meron kaming team sa– sa Surigao, meron tayong team sa Bohol, meron tayong team sa Cebu, meron tayong team sa Negros Oriental saka meron sa Negros Occidental. 'Yung team natin sa– 'yung team natin sa Palawan ay nakabalik na ng Manila, pero may mga inaasikaso lang, most probably babalik pa din.

    Gusto ko din, Ka Ely, magpasalamat sa ating mga volunteers on the ground kasi sila talaga 'yung katulong ng mga teams natin. Hindi tayo makapag-padala ng maraming tao dahil ano nga– ano 'to, grabe 'yung pangangailangan din sa Manila. Pero 'yung inaasikaso natin ngayon, Ka Ely, tinatapos lang natin 'yung release phase. Pero pa-start na 'yung ating rehabilitation phase.

    Iba-iba 'yun, Ka Ely. 'Yung rehabilitation merong pag– pagtayo ng mga bahay, merong pag– pagbigay ng mga materials, merong pag-tulong sa water supply, merong pag-tulong sa– ano 'to so– solar lights. Tapos baba na din 'yung ating livelihood– Sustainable Livelihood and Training Programs teams para 'yung mga nawalan ng mga hanap-buhay ay maasikaso.

    So, maraming nangyayari ngayon Ka Ely. Sobrang daming ng nangyayari na kaila– lahat kailangan ng urgent attention. So ano kami ngayon, sobrang stretched ng aming opisina. Buti na lang maraming volunteers, kaya nagagawa namin 'yung lahat ng kailangang gawin.

    ELY SALUDAR: Opo. Pe– pero ma'am, dito po sa Bayanihan E-Konsulta, 'yung– kasi di ba nagbibigay po kayo, ano, ng libreng gamot ang OVP at sa–

    VP LENI: Opo.

    ELY SALUDAR: --basta may mga requirements lang po ano. May mga reseta, at talagang nakonsulta rin po ng - ng ating mga volunteer mga doktors po.

    VP LENI: Actually Ka Ely, ano 'to, pagdating sa kanila ng COVID Care Kits, 'yung basic na kailangan, may paracetamol, ngayon nagkakaubusan ng paracetamol, doon po sa COVID Care Kit meron na doon– merong sa ubo, merong sa sipon. 'Yung mala– 'yung mga basic na kailangan. Pero pag nag-teleconsultation kasi Ka Ely, usually 'yung doktor nagrereseta pa. So 'yung reseta ipapadala sa kanila.

    Tapos ano din, Ka Ely, lalo na sa mga seniors, 'yung mga moderate 'yung symptoms, nanganailangan noong molnupiravir. Ito 'yung bagong anti-COVID drug. Available din sa atin for free. So– so, ano 'to, Ka Ely, pag - pag nirecommend ng doktor, papadalhan sila noong molnupiravir na libre.

    Ano lang, marami na, Ka Ely, 'yung nag-avail. Marami na 'yung nag-avail, pero siyempre kailangan natin mag-comply with the protocols. Kailangan muna ng– kailangan na doctor-prescribed ito. Ang partner natin dito QualiMed. So 'yung partner natin, QualiMed, sila 'yung nagdi-dispense, pero according to– according to 'yung– 'yung prescription ng doktor.

    So ngayon marami naghahanap ng molnupiravir, Ka Ely. 'Yun 'yon, libre po sa atin 'yon. Libre po sa atin 'yon, kailangan lang po kayong i-teleconsult nitong ating mga doktor para– para siya 'yung magde-determine ‘yung– kung kailangan niya talaga. Kasi, ito kasi Ka Ely, wala pa 'tong FDA approv– parang ano palang siya, Special Compassionate Permit. So hindi siya over the counter. Hindi siya puwedeng mahingi lang. Kaya kailangan talaga i-prescribe siya ng doktor.

    ELY SALUDAR: Opo. Okay, so 'yung ating mga kababayan, at hindi naman sila makakuha. Kung makakuha naman sa black market ay huwag ho nilang tatangkain na uminom nitong molnupiravir, opo.

    VP LENI: Oo, saka ano, Ka Ely, 'pag black market kasi hindi mo din alam kung, kung safe o hindi. Ang daming mga fake na gamot na nakakapikon, kasi at a time like this, maiisipan pang mameke. Kaya mas mabuti pa din na galing talaga siya sa trustworthy na mga sources. Hindi niyo po kailangang mag-black market kasi meron po tayo. Meron po tayo, kailangan lang po na 'yung, 'yung mga nangangailangan po, either mag-register sa Bayanihan E-Konsulta o i-message lang po kami. I-message po kami sa Bayanihan– ay sa VP Leni Robredo Facebook page, kasi madali naman pong makakuha.

    ELY SALUDAR: Opo.

    VP LENI: Madaling makakuha at marami na pong nag-avail nito.

    ELY SALUDAR: So, pero ngayon ma'am, pahirapan 'yung pagkuha ng COVID test, at naku, ‘yung mga testing labs ay mukhang nahirapang humabol sa demand.

    VP LENI: Ano kasi, Ka Ely, ‘di ba two years ago sinasabi nga natin ito na dapat, dapat mas i-liberalize na ‘yung paggamit noong antigen tests gaya ng ibang bansa. Sa ibang bansa, Ka Ely, ina-allow na nila ‘yung home kit testing dahil ‘pag– ‘pag ano kasi, Ka Ely, ‘pag masyado nating inistriktuhan ‘yung testing, nagko-congest. Nagko-congest, marami tayong– marami tayong mga naririnig na mga kwento na ang tagal bago lumabas ‘yung kanilang test results. So, ‘yung antigen testing, Ka Ely, mahihintay mo na eh.

    So, ngayon pinag-uusapan pa din yata nila ‘yung pag-regulate nito at naiintindihan naman natin na kailangang i-regulate kasi ‘yun nga, Ka Ely, meron kasing mga iba na mga, mga hindi mo maintindihan kung bakit naisip pang mameke. Kailangan din talagang i-regulate, sisiguraduhin na ‘yung nabibili ng tao ay, ay, ano ‘to? Totoo, hindi siya peke, sisiguraduhin na ‘yung efficacy niya mataas. Kasi ang pinaka-ayaw natin na nagfo-false negative ‘di ba, kasi ‘yung pinakadelikado mag-false negative kasi baka naglalakad-lakad ka akala mo hindi ka infected. ‘Yun pala false negative. So, napakahalaga noong antigen. Napakahalaga noong antigen test kasi ma– ‘yung may mga pambili pwede nang bumili. So, sana madalian na ‘yung ‘pag– ‘paglabas ng regulations nito para ‘yung mga tao hindi na nagsisiksikan.

    Makikita natin ito, Ka Ely, dito sa ating mga Swab Cab, na ang dami talagang nangangailangan ng testing. Marami din tayo na nare-receive– marami tayong nare-receive na mga requests for testing and kabahagi ‘yun, Ka Ely, ng ating Bayanihan E-Konsulta, ‘yung meron nang mga symptoms pero hindi makapag– hindi makapag-test, so sine-schedule natin sila, Ka Ely. Meron tayong testing din na hiwalay. Bahagi siya ng Bayanihan E-Konsulta saka Swab Cab, pero para ito doon sa mga pasyente na nagre-register sa Bayanihan E-Konsulta. So, ano talaga, kailangang pagtulung-tulungan na, Ka Ely. Sana mailabas na kaagad ‘yung regulations tungkol dito sa mga antigen tests.

    ELY SALUDAR: Opo. Ma’am, may mga message lang ngayon dito. meron ho bang limit? Kasi bukas, ‘yung sa Novaliches ‘no, Immaculate Conception, at sa susunod na araw ay sa Payatas. meron ho bang limit ng tao? Kasi baka sobrang dagsa at may ilan lang ho na pwede nating mabigyan o mapagkakataon po sa COVID test?

    VP LENI: Basta, 8. Basta, Ka Ely, 8 to 5 siya. 8 to 5 ‘yung– ‘yung testing. Ang partner natin dito, Ka Ely, sa pag-regulate ng tao, ‘yung LGU.

    ELY SALUDAR: Quezon City.

    VP LENI: So, ang suggestion natin– ang suggestion natin, Ka Ely, mag-coordinate sila with the barangay kasi sila ‘yung ating, sila ‘yung ka-partner. Ang– ang bahala kasi, Ka Ely, doon sa mga ite-test, bale kami lang ‘yung magpo-provide noong test kits, kami ‘yung magpo-provide ng mga swabbers, kami magpo-provide ng doktor. Pero ‘yung pagdating, Ka Ely, doon sa linya, sa ano ‘to, ‘yung linya, ‘yung mga magpapa-test, ano ‘yun, LGU. Kasi mas kilala nila– mas kilala ‘yung mga magpapatest. So, ang suggestion ko, Ka Ely, kung pupunta sila bukas, mag-coordinate sila para hindi nagsisiksikan. ‘Yun ‘yung– ‘yun yung assignment, Ka Ely, ng LGU. Nag-ano na yata sila eh, pinaalam na yata nila sa community na available bukas. ‘Yung, yung sa Payatas, Ka Ely, sa Wednesday ‘yun.

    ELY SALUDAR: Wednesday, opo.

    VP LENI: Sa Wednesday ‘yung sa Payatas, so ‘pag– ‘pag nandoon po kayo sa community na kailangan niyo ng testing, mag-coordinate na lang po sa barangay kasi I think, ‘yung LGU, doon pinadaan. Sila po ‘yung tutulong mag-regulate ng tao para sigura– siguradong hindi siksikan.

    ELY SALUDAR: Okay, Ma’am, dito ho sa pagkakataong ito, talagang mabilis po ‘yung hawaan, pero ‘yung DILG sinasabing kulang po sa pondo para sa contact tracers kasi ‘yung contact tracing napaka-importante sa panahong ito para mapigilan po ‘yung pagkalat nitong virus.

    VP LENI: Ako, Ka Ely, hindi ko, hindi ko alam, Ka Ely. [laughs] Pero– pero ‘yung sa akin lang, dalawang taon na. Dalawang taon na ‘yung COVID. Dapat sana by this time, iba na ‘yung mga problema natin. Dapat sana by this time, hindi na natin problema ‘yung testing. Dapat by this time, hindi na natin problema ‘yung bakuna. Dapat by this time, hindi na natin problema ‘yung contact tracing, ‘yung mga isolation centers kasi enough time to prepare tayo. Enough time to prepare tayo.

    Kung maalala mo, Ka Ely, 2020 pa, matagal na nating inuulit-ulit ‘yung kahalagahan na merong isang central– central contact tracing app para– para effective. Ta’s, Ka Ely, dahil nabagalan masyado na national government ‘yung contact tracing app, ‘yung nangyari, nagkaniya-kaniya ‘yung mga LGU kasi hindi naman sila makahintay. Okay naman ‘yung mga contact tracing app ng LGU. In fact, dito sa amin sa Naga, nakaka-receive kami ng mga notices sa– sa ano ‘to, eSalvar kasi dito, Ka Ely. Nakaka-receive na kami ng notices ‘pag kami ay na-expose. Pero mas maigi– ‘di ba inuulit-ulit natin ‘to, na kung meron sanang isang central na– na app, na ‘yung database para sa buong bansa, kahit mobile ‘yung mga tao, hindi siya nali-limit noong mas lokal na contact tracing app dahil sinasabi natin dati dapat sana maayos na ma-migrate dito sa isang central contact tracing app ‘yung lahat ng mga existing. Kasi kung noong umpisa kasi na medyo magulo pa ‘yung contact tracing, understandable, pero two years na tayo, Ka Ely. Two years na tayo ngayong March. Parang wala na ding excuse na hindi pa din natin naaayos until now.

    ELY SALUDAR: Opo. Okay, so, pero ang gobyerno parang atubili sila, Ma’am, ‘no, na magsagawa po ng libreng mass testing.

    VP LENI: ‘Yun na nga, Ka Ely. Parang ano ba naman ‘yan? Two years after pinagdedebatehan pa din natin kung anong gustong sabihin ng mass testing. Ngayon, Ka Ely, na nakita ‘yung statement ng DOH na hindi kailangan ng mass testing, ako– ako hindi ako sang-ayon doon. Kasi ma-imagine mo, Ka Ely, na ‘yan kasi, naghahanap tayong justification dahil hindi natin kayang mag-test nang marami. Pero para nga sa akin, Ka Ely, two years na. Dapat napaghandaan na natin ito. ‘Pag hindi tayo nag-test, ngayon sinasabi ang mag-test lang ‘yung may mga symptoms. Ka Ely, ang dami ngayong asymptomatic.

    ELY SALUDAR: Tama.

    VP LENI: Kung hindi mo ma-test ‘yung asymptomatic, na-expose siya pero asymptomatic siya, umiikot-ikot siya na hindi niya alam na nakakahawa siya. Sobrang halaga ng testing kasi ito ‘yung magiging basis kung kailangan mong mag-quarantine, kailangan mong mag-isolate. Ano ‘yun, Ka Ely, halimbawa sa opisina, kaya– kaya tayo regularly nag-aantigen test para ‘yung nagpa-positive sa antigen huwag nang pumasok. Kung hindi sila nate-test, papasok sila at manghahawa sila ng iba. So, ganiyan lang naman kasimple, Ka Ely, ‘di ba. Ganiyan lang naman kasimple na parang napakahirap pagdebatehin pa ‘yan, so kami, ang attitude na lang namin, Ka Ely, basta kami gagawin na lang namin ‘yung kaya naming gawin.

    ELY SALUDAR: Opo.

    VP LENI: Nakaka-frustrate. Nakaka-frustrate kasi syempre limited ‘yung kaya namin kasi maliit lang naman ‘yung opisina namin, pero rather than makipag-debate pa, gawin na lang ‘yung kayang gawin.

    ELY SALUDAR: Opo. Kasi dito lumilitaw, Ma’am, sa ilalim po ng national budget ngayong 2022, wala eh, zero funds. Wala ho na inilaan, ‘no, ang Malacañang dito po sa libreng mass testing. Eh, papano ho kaya ito? Dapat ano, magkaroon ng siguro adjustment nang kaunti ‘yung bawat departamento o ‘yung Malacañang para, kasi ‘yung sa inyo po sa OVP, alam naman ng lahat na limitado ang pondo at kahit papaano umuusad dahil sa napakarami hong mga tumutulong ha, ‘yung mga partners po ng OVP. Pero mas maganda sana, kasi ang panawagan ng lahat, Ma’am, ‘pag COVID test eh takot sa bayad eh, hindi sa mismong testing eh.

    VP LENI: Totoo, totoo.

    ELY SALUDAR: Takot, mahal. Opo.

    VP LENI: Lalo pa, lalo pa, Ka Ely, kasi ‘yung mga RT-PCR tests sa private, sobrang mahal. Sobrang mahal, so rather than mag-spend siya para doon, ano na lang, magsa-sarili na lang siya, na delikado. Sa akin, Ka Ely, ‘yung Swab Cab namin, pera ito ng OVP. ‘Yung, ‘yung swab testing namin, although volunteers ‘yung karamihan sa mga nagpa-participate, pero kami ‘yung, ‘yung OVP ‘yung bumibili ng antigen test. So, kung kaya namin, na sobrang liit ng aming budget, imposible naman na hindi kaya ng iba.

    So ang punto ko lang, Ka Ely, ay dapat alam na natin ‘yung priorities natin as of now kasi hindi naman natin pwedeng isugal ‘yung buhay ng ating mga kababayan. Hindi natin pwede isugal na ay, ano lang ‘to, mild naman ‘yung symptoms. Eh, Ka Ely, sabihin pa natin na karamihan mild, pero– pero every, every patient na nagse-severe eh matakot tayo. Eh nabasa natin kahapon, ‘di ba, ‘yung PGH nga puno na ‘yung kanilang ICU wards. So ang– ang gustong sabihin nito, Ka Ely, may mga naa-ICU pa talaga. Sa report ng DOH, every day may mga namamatay.

    So, gusto kong sabihin, life threatening pa rin siya, na dapat ginagastusan natin ng– ng pera ‘yung kung ano ‘yung mahalaga. Eh marami nga tayong nasasayang sa iba’t ibang bagay, bakit ito, hindi natin ma– malaan, mapaglaanan ng pera. Kasi, sa’kin, Ka Ely, hindi ko– hindi ko pinapaniwalaan ‘yung hindi tayo– hindi natin ‘to gagawin kasi wala tayong pera. Kasi kung gugustuhin natin, Ka Ely, makakahanap tayo ng paraan, na paraan na allowed under the law.

    Kasi kami nga, Ka Ely, ganoon naman ‘yung ginagawa namin. ‘Yung, ‘yung ginagastos namin for our COVID response operations, halo ‘yun. ‘Yung mga COVID care kits, pera ‘yun ng OVP. Eh bakit namin nagagawa, ‘di ba? meron– meron kami ngayon, Ka Ely, ambulansya, meron kaming EMS teams. Ano ‘yun? ‘Yung pag-hire noon pera ng OVP. meron kaming mga ‘yun nga, ‘yung– ‘yung Swab Cab. ‘Yung antigen test binibili ‘yun. So– so bakit kami, kaya namin? Ang totoo hindi namin kayang marami, pero nahahanapan namin ng paraan dahil mahalaga.

    ELY SALUDAR: Opo.

    VP LENI: So, ‘di ba, Ka Ely, parati ko ‘tong inuulit-ulit: huwag nang tanungin kung mahirap, tanungin na lang kung mahalaga. Kasi kung ang– kung nagtanong ka mahalaga, ang sagot mo oo, hanapan mo ng paraan.

    ELY SALUDAR: Opo.

    VP LENI: Kasi ang dami ngang nag– [inaudible 28:38-28:40] Ang daming nagkakasakit ngayon na dapat ‘yung– ‘yung parating ano ‘to– ‘yung parating target natin, ma-contain. Halimbawa, grabe sa Metro Manila ngayon, dapat i-contain natin ‘to na huwag na sana mag-spread sa mga provinces. Kasi ‘pag hindi natin na-contain sa Manila, talagang magse-spread ito sa mga provinces, na ‘yun na nga ‘yung nangyayari ngayon.

    ELY SALUDAR: Yes, Ma’am.

    VP LENI: At [inaudible 29:02] ‘di ba ang ano nga ngayon, Ka Ely, ang daming, ang daming nagkakasakit ngayon, pami-pamilya. Eh mabuti ‘yung may luxury na hindi sila kailangang lumabas, pwede silang mag-work from home Pero hindi lahat ng kababayan natin ganoon. Marami tayo ngayong mga kababayan, Ka Ely, na gustuhin man nilang mag-stay at home, hindi pwede dahil sa trabaho nila.

    ELY SALUDAR: Tama, opo.

    VP LENI: So, dapat sana proteksyunan natin sila.

    ELY SALUDAR: So malaking indikasyon nga, Ma’am, lalo na dito sa Metro Manila, na maraming may sakit, ‘no, na mga kababayan natin, ang haba ng pila sa mga drug store. At nagkakaubusan… [laughs]

    VP LENI: Grabe parang– grabe nga, Ka Ely. Kailangan may ginagawa na tayo kasi ‘yung mere fact na pipila ka, ang iba siguro pipila may sakit na. Wala naman silang mapabiling iba, ‘di ba?

    ELY SALUDAR: Opo.

    VP LENI: Eh dapat– dapat tinututukan na ‘to ng pamahalaan eh. Dapat– dapat, Ka Ely, nag– nakikipag-usap na sa mga drug stores kung papaano, paano mas effectively, mas effectively masisiguro na nape-prevent ito.

    Kasi halimbawa kahapon, Ka Ely, marami akong mga kakilala na hindi sila makabili ng gamot, naghahanap na sila kung saan-saan. So, ang tanong ko lang bakit nangyayari ‘to sa ‘tin? Bakit nangyayari ‘to sa ‘tin, meron pang statement na hindi totoo na nagkakaubusan pero, Ka Ely, kahit mag-statement na hindi totoo na nagkakaubusan, siyempre experiential ‘yun eh. ‘Yung mga taong bibili na walang mabili, marami nga, Ka Ely, sa Bayanihan E-Konsulta na mag-memessage, “Mabuti po ‘yung kit ninyo merong–merong, ano ‘to, paracetamol kasi wala na po kaming mabili.” ‘Yung mga, ‘yung mga bagay na ganoon, dapat basic ‘yun eh. Basic ‘yun na dapat available, dapat, dapat ‘yung pamahalaan nakikipag-ugnayan na sa mga pharmacies saka mga drugstore owners, mga– mga drug companies kung papaano mape-prevent itong, itong ano ‘to, itong pagkukulang na ‘to.

    KA ELY: Opo, pero ngayon Ma’am, at ‘yung ‘di ba, ayaw ng mass testing pero may binabanggit ng si Health Secretary Francisco Duque na tinitingnan nila ‘yung posibilidad na mag-Alert Level 4 dito po sa Metro Manila. So ito ho ba ay makabubuti o parang mas magandang tugon ito para mapahupa ito hong COVID?
    VP LENI: Ako kasi, Ka Ely, hindi naman kumpleto ‘yung datos ko– hindi kumpleto ‘yung datos ko. Ang nalalaman ko kung ano ‘yung nakasaad– kung ano ‘yung nilalabas din nila. Mas in a better position sila na– mas in a better position sila para malaman kung right na ba na mag-Alert Level 4. Pero ‘yung sa akin lang, Ka Ely, ganito, dapat ‘yung parati nating– parati nating objective, papaano ba mabilis na ma-contain itong sakit na ‘to?
    Kasi lalong tumatagal, lalong maghihirap ‘yung mga negosyo. Lalong naghihirap ‘yung mga negosyo, lalong mas marami na naman ‘yung mawawalan ng trabaho. ‘Yun naman ‘yung lagi nating inaalala, kung naalala mo Ka Ely, noong after nag-file ako ng candidacy ko, naglagay– naglabas na nga kami noong Kalayaan sa COVID Plan. And paglabas nga natin, Ka Ely, noong Kalayaan sa COVID Plan, marami ‘yung tumatawa sa atin. Tinatawanan tayo na, wala na namang kaso ngayon, bakit ‘yan ‘yung pinagtutuunan ng pansin? Ito, Ka Ely, ‘yung rason. Ito ‘yung rason na hindi pa natin siya nasusugpo. And pag ‘di natin siyan nasugpo, para lang tayong rollercoaster, bumubuti, sumasama, bumubuti, sumasama. Hanggang kailan?
    Pag hindi natin, Ka Ely, nasagot ‘yung hanggang kailan, ‘yung mga kababayan talaga natin ‘yung mag-sasakripisyo kasi every time na magla-lockdown, ‘yung mga negosyo naaapektuhan, ‘yung mga paaralan– kauumpisa lang nga natin, ‘di ba ang tagal ko nang sinasabi na mag-umpisa na tayo ng mga schools noong konti ‘yung kaso–ngayon kauumpisa lang natin nangyari na naman ito so hinto na naman. So, ang sa ‘kin lang, Ka Ely, hindi kasi puwedeng reactive lang tayo, dapat inuunahan natin ‘yung problema.
    Hindi pa nangyayari, dapat ina-anticipate na natin para pag nangyari, alam na kaagad natin ‘yung gagawin. Hindi na kung nangyari, mag-uusap pa tayo kung anong gagawin. Every– every moment na na-dedelay tayo, nakakadagdag siya sa gravity ng sitwasyon. So, ‘yung sa ‘kin, kaya nga tayo may Kalayaan sa COVID Plan, kasi kailangan i-anticipate na natin. Ang problema, parang ganoon pa din tayo sa dati. Ganoon pa din tayo sa dati na kung ano ‘yung dumating saka pa lang tayo magre-react, kawawa ‘yung mga kababayan natin.
    So, halimbawa itong testing lang na ito Ka Ely, dapat sana ‘yung may uptick na ‘yung number of cases, nag-test na nang nag-test para na-contain na. Eh hindi, pahirapan ‘yung testing ngayon, so pag pahirapan ‘yung testing Ka Ely, dadami at dadami ‘yung kaso. Kasi ang daming taong umiikot na carrier ng virus na hindi detected kasi ang dami nga ngayong asymptomatic.
    KA ELY: Ma’am dito po ‘yung sa paghihigpit sa mga unvaccinated at ayon po sa Pangulo, ‘yung mga barangay captain ay inuutusan, nationwide po ito ha, na huwag palabasin ‘yung mga hindi pa nababakunahan.
    VP LENI: Ito kasi Ka Ely, ano ito, ‘yung sa ‘kin, wala naman batas– kasi naririnig kong hulihin– wala naman– hindi krimen, hindi krimen ‘yung magpabakuna. Pero babalik ako dun sa dati kong paniniwala na kailangan nagbibigay tayo ng incentive para magpabakuna ‘yung mga tao. Parang sa ‘kin kasi, Ka Ely, noong bumaba ‘yung mga kaso, parang naging complacent din tayo. Noong bumaba ‘yung mga kaso, parang hindi na naman tayo nag-aasikaso. Dapat sana ‘yung pag-incentivize sa tao magpabakuna, dapat tuluy-tuloy ‘yun. Dapat tuluy-tuloy ‘yun kasi wala naman tayong– nagkaron ng stretch na wala na tayong problema sa supply ng bakuna kasi noong una, ‘yun ‘yung problema ‘di ba? Nung una ‘yung problema ‘yung supply pero for many months na, marami tayong supply. So dapat nakaisip na ng mas creative na mga paraan para mag-incentivize sa mga taong magpabakuna.
    Na-experience namin ‘to, Ka Ely, halimbawa, kinwento ko na yata ‘to dati, halimbawa, Ka Ely, pumunta kami sa Capas, Tarlac, ‘yung kuwento sa amin dun noong umpisa, ‘yung mga Aeta communities ayaw nila magpabakuna. Wala talaga silang paniniwala sa bakuna, sabi nga sa ‘min, “Huwag na kayong tumuloy kasi wala naman ‘yan pupunta.” Pero kami, Ka Ely, nagbigay kami ng mga incentives. And noong nagbigay kami ng incentives nagkulang na ‘yung bakuna namin kasi lahat na sila gusto magpabakuna. So para sa ‘kin, kailangan lang pinag-iisipan, kailangan pinag-iisipan, and hindi ‘yung– hindi ‘yung punitive na kaagad ‘yung pinag-iisipan– pag hindi ka nagpabakuna huhulihin ka o hindi ka nagpabakuna ganito. Parang mabuti sana mas positive na pag nagpabakuna ka, ganito ‘yung ma-eenjoy mong privileges. At ito, Ka Ely, matagal ko na din itong sinasabi.
    Pareho ‘yan noong testing noong time na marami pang ayaw magpa-test, pag nagbibigay kami ng incentives, marami ‘yung naeenganyo. So ‘yung bakuna, ganun din, ‘yung bakuna ganun din na, na dapat ini-incentivize. Ako agree naman ako, Ka Ely, na bawal ‘yung pagpasok sa mga establishments, ano naman ‘yun eh, karapatan ‘yun ng establishment na kung hindi ka bakunado, hindi ka papapasukin. Agree ako dun. Pero, pero ‘yung pag-eencourage nga, Ka Ely, ng pagpapabakuna, sana mas positive reinforcement, hindi ‘yung takot na huhulihin ka kung hindi ka magpabakuna. So sa ‘kin, ever since naman Ka Ely, ‘yan ‘yung aking paniniwala about this.
    KA ELY: Opo, kasi ngayon eh nagulat nga ang Pangulo dahil sa mahabang pila ‘no ng mga Pilipino sa vaccination centers, eh kasi nag– mukhang nagpaantala– antala pa ‘yung mga marami, at ngayon kung kinakailangan ngayon, talagang mandatory na sa kani-kanilang trabaho. At ito bawal na lumabas. Ngayon talagang napilitan na ho magpabakuna.
    VP LENI: Pero ano kasi ‘yan, Ka Ely, eh, complacent kasi tayo. Dahil mababa na ‘yung kaso, ‘di ba, parang dahil mababa na ang kaso, parang ‘yung iba wala nang na– nakikitang incentive para magpabakuna, kasi wala na namang, wala na namang COVID, ‘di naman kailangan. Pero ‘yun nga eh, ‘yung sa ‘kin, Ka Ely, dapat very proactive tayo. Dapat very proactive kasi, kung mas marami sanang nabakunahan bago nitong surge nito, ‘di mas konti ‘yung magkakasakit. Mas konti ‘yung in danger na maging severe ‘yung symptoms. Pero ngayon na nasa surge tayo, ngayon naman ‘yung magra-rush dahil kailangan. Pero kung inasikaso na natin ito earlier na mas aktibo tayo pag-incentivize, mas okay sana.
    KA ELY: Okay at sa ngayon Ma’am ay mukhang tuluy-tuloy naman ‘yung mga pagdating ng bakuna at maging ‘yung mga limang taon hanggang onse anyos, paparating na kasi espesyal pala ‘yung bakuna sa mga mas mga bata, ‘yung 5 to 11.
    VP LENI: Oo, Ka Ely. Actually, Ka Ely, ito kasi parang siyempre bago kasi ‘yung bakuna ‘di ba? ‘Yung bakuna na-develop lang siya noong nagkaron lang talaga ng COVID. ‘Yung mga tests noong una para lang talaga sa mga adults. So ngayon habang nagbabakuna ng adults, marami nang clinical trials pagdating sa mga bata and lumalabas naman na– lumalabas naman na puwede na talagang bakunahan ‘yung mga bata.
    So, sa ‘kin naman, Ka Ely, the sooner na ma-roll out natin ‘to, the better for all of us. Kasi ngayon marami akong– marami akong kakilala na ‘yung mga anak nila mga less than 10 years old ‘to Ka Ely, na-infect. And alam naman natin, Ka Ely, ‘di ba, ‘yung mga anak nating maliliit pa, nakakatakot talaga pag ‘yung bata ‘yung- ‘yung naiinfect. Ang kabutihan lang nito, at least parang majority naman, pag bata ‘yung nai-infect, mas mild ‘yung symptoms. Pero again hindi naman tayo kailangan mag-kampante. Hindi tayo kailangan mag-kampante dahil nga ano– dahil nga meron talagang mga pagkakataon na nagiging severe din. So kahit Ka Ely, kahit kakaunti ‘yung, kahit kakaunti ‘yung cases na ganun, laging mas magandang pinaghahandaan natin ‘yung worst.
    KA ELY: Opo. Ma’am dito naman sa, ‘yung sa quarantine protocols at sa mga hotel. Kasi lahat naman ‘no, alam na siguro ng lahat ‘yung sa tinatawag na Poblacion Girl. At isa pang returning Filipino, eh nasampahan na po ng kaso. Kasi ‘yung iba tumatakas ho at hindi sinusunod ito pong quarantine protocols na sila ay galing sa bansa at– o sa ibang bansa at dito nag-positive. So ano ho bang mga puwede at dapat na sistema na mas maganda para po sa ating mga kababayan na babalik ho dito, at sundin ‘yung quarantine protocols?
    VP LENI: Ako kasi, Ka Ely, kaya tayo may quarantine protocols dahil gusto nga nating ma-contain. Kaya dapat talaga sinusunod ito. ‘Yung hindi ko lang mainitindihan, Ka Ely, kung bakit nalulusutan.
    Kasi halimbawa, ‘yung mga anak ko, istrikto naman ‘yung hotel nila– istrikto ‘yung hotel nila. In fact, ‘yung mga nauna nilang biyahe na, ‘yung una pang uwi last year ba ‘yun o 2020, parang last year yata– early last year. Nagkukuwento sila, Ka Ely, na pagpasok nila sa hotel room, hindi nila hawak ‘yung susi ng kwarto. So talagang walang makakalusot na– walang makakalusot na ano ‘to, na tatakas kasi hindi sila makakabalik, kailangan hingiin nila ‘yung susi. So hindi ko alam, Ka Ely, kung ano ‘yung policy, kung wala bang standard, wala bang standard na policy ‘yung mga hotel? Kasi kuwento naman, Ka Ely, noong mga anak ko, istrikto talaga eh. Hindi nga sila puwedeng lumabas sa corridor– hindi nga sila puwedeng lumabas sa corridor, hanggang sa loob lang talaga sila. Tapos ‘yun, hindi nila hawak ‘yung susi. So hindi ko, hindi ko maintindihan, Ka Ely, kung bakit nangyayari ito.
    Pero noong pumutok kasi, Ka Ely, ‘yung kuwento nga noong sa Poblacion at ‘yung– ano ‘to, ‘yung Poblacion Girl, naglabasan na ‘yung mga kwento na apparently, nangyayari na ito before. Apparently, parang merong mga– merong mga tumatakas talaga sa quarantine. So ang tanong ko, bakit siya nangyayari? And pag nangyari siya, kailangan talagang i-penalize ‘yung hotel. Kasi ano ‘to eh, the mere fact na ina-accredit kayo, the mere fact na ina-accredit kayo ng DOT, partner kayo ng pamahalaan. Partner kayo ng pamahalaan to make sure na ‘yung– ‘yung ano ‘to, ‘yung naka-quarantine sa inyo ay hindi lalabas diyan until hindi sila nagkaroon ng ano ‘to, ng negative RT-PCR test.
    ‘Yung sa ‘kin, Ka Ely, based from experience ng mga anak ko, istrikto. Istrikto kasi ‘yung nagpositive ‘yung anak ko noong Christmas, Ka Ely, kinakausap niya nga ‘yung Bureau of Quarantine kasi tinawagan siya. Kinakausap niya nga puwede ba akong mag-home quarantine? Ang sabi sa kanya, hindi. Kailangan lumipat ka sa isolation facility. So, sinunod niya. Lumipat siya sa isolation facility. So, okay naman. Okay naman, Ka Ely, 'yung, okay naman 'yung process, so hindi ko alam kung bakit sa iba nakakalusot.
    And noong pumutok nga 'yun ang daming, Ka Ely, kwento na mga kakilala nila na kadadating lang from the US pero nakita na sa pictures, nag-aattend na ng mga family reunion, so ang tanong nga, bakit nangyayari? Na istrikto naman- istriko naman 'yung rules na dapat– nag-iiba-iba kasi, Ka Ely, di ba. For a time naging seven days 'yun, on the 7th day saka magte-test. 'Yung sa mga anak ko five days, on the 5th day saka nag-test. Merong time na three days. Pero ngayon parang hindi na nga nasusunod eh. Hindi na nga nasusunod 'yun so bakit nangyayari. Kailangan talaga imbestigahin at kailangan i-penalize, Ka Ely, 'yung mga hotel na hindi nag-comply doon sa kontrata nila with DOT.

    KA ELY: Opo. Pero dito bakit– may lumabas pang fake news ‘no, na hindi raw nag-quarantine 'yung mga anak niyo po ma'am?

    VP LENI: 'Yun na nga. Eh alam mo naman, Ka Ely, 'yung nag-pepeddle naman ng fake news talagang fake news peddler 'yun pero napaka-irresponsible, di ba? Unang-una bago niya pineddle 'yung fake news niya, nag-post na nga nang nag-post 'yung anak ko noong nasa quarantine facility siya. Ito nga, Ka Ely, noong nasa quarantine facility nagka-dengue pa nga 'yung anak ko. Ito, Ka Ely, hindi mo talaga maintindihan kung bakit ganito. Siguro gusto lang– ang mahirap kasi, Ka Ely, maraming naniniwala eh. Maraming naniniwala sa fake news so inaabuso din. Sino 'yung lugi? 'Yung lugi 'yung naniniwala, di ba? Hindi naman kami 'yung lugi kasi di naman totoo pero 'yung lugi 'yung napapaniwala nila. Nakaka-ano lang, Ka Ely, nakakainis na gagawin nila to at a time na may krisis. 'Yung sa kin ito na 'yung trabaho nila, ito na 'yung negosyo nila pero pag may krisis sana awat muna. Mali na nga 'yung ginagawa nila pero nag-dodoble 'yung kamalian pag ginagawa mo 'yun na ang daming taong naghihirap. Kasalanan nila 'yun, Ka Ely, sa taong bayan.

    KA ELY: Pero sa mga ganitong pagkakataon ma'am kasi kung 'yung iba parang nanggagaya at dirediretso 'yung pagpapakalat ng fake news eh kasi hindi napaparusahan at hindi nakakasuhan.

    VP LENI: Totoo Ka Ely. In fact, Ka Ely, meron na kaming nireklamo before. Hindi ko na sasabihin kung saang ahensya kami nagreklamo, hanggang ngayon wala pa. Wala pang aksyon. Ako, Ka Ely, kung hindi ito aaksyunan talagang walang mangyayari. Ito na 'yung ang magpapatakbo ng– ang magpapatakbo ng– parang society natin, kasinungalingan. Kasi 'yung nagsisinungaling nga hindi naman napu-put to– parang hindi naho– hold into account, hindi napaparusahan. So, sa akin, Ka Ely, kami ginagawa namin 'yung kailangan gawin, 'yung nag-rereport kami, wala talaga eh. Walang aksyon, Ka Ely. Walang aksyon. Marami na kaming– marami nang pagkakataon na nagreklamo tayo. Nakikita natin, Ka Ely, 'yung effect ng pag pinabayaan 'yung fake news talagang 'yung mindset ng mga tao, 'yung mga paniniwala ng mga tao napapaglaruan and nakikita natin 'yun ngayon.

    KA ELY: Opo.


    VP LENI: So 'yung sa kin, Ka Ely, ako naman, Ka Ely, lagi kong prinsipyo, gagawin ko 'yung kailangan gawin eh hindi ko kontrolado. Hindi ko kontrolado 'yung gagawin ng ibang tao pero ako kung ano 'yung makakaya kong gawin sa sarili kong kakayahan gagawin ko. Gaya nito, pag fake news, nire-report natin, pag fake news kino-correct natin pero 'yung the rest of it, hindi natin kontrolado, Ka Ely, 'yung maraming mga bagay so 'yung sa kin kung desidido tayo na 'yung– ‘yung bansa natin ay naka-angkla sa katotohanan, pagtulungtulungan natin to.

    KA ELY: Opo. At siguro 'yung mga kinauukulang ahensya ng gobyerno kusa na sila kumilos kasi interest po ng publiko rito nakasalalay ma'am.

    VP LENI: Parang wala naman, Ka Ely. At least wala akong nakikitang ganoong initiative.

    KA ELY: Sa ngayon nga may kumakalat na fake news na magma-martial law, magla-lockdown, kinakailangan mag-ipon na ng pagkain eh grabe ngayon.

    VP LENI: Nakakadagdag pa siya, Ka Ely. Nakakadagdag pa siya sa panic. Di ba? Nagpa-panic na nga 'yung mga tao ngayon kaya may mga nagho-hoard na ng mga gamot tapos may mga balita pang ganito, lalo siyang makakadagdag. Kaya ano talaga Ka Ely, maraming nae-engganyo na mga masasamang kaluluwa na gumawa nang gumawa ng kasinungalingan kasi hindi nga naho-hold to account 'yung mga purveyors of fake news.

    KA ELY: Opo. Okay, ma'am 'yung Vaccine Express sa Cagayan de Oro tuloy pala no? 'Yung second dose para sa mga sikad drivers?

    VP LENI: Tapos na, Ka Ely, noong January– parang two days ago, three days ago. Yung second dose ito. Nung first dose nito, Ka Ely, pumunta tayo doon noong October. 'Yung mga recipients nito, Ka Ely, 'yung mga pedicab drivers, tapos na 'yung second dose. Nagpapasalamat tayo sa mga partners natin doon kasi pinadala na lang natin, Ka Ely, 'yung supply doon, hindi na tayo pumunta kasi overstretched nga kami, Ka Ely, although meron tayong team na nasa– 'yung team natin sa Surigao, Ka Ely, sila din 'yung nag-aasikaso noong sa Cagayan de Oro so ang tumulong sa kanila 'yung mga partners na natin doon. So nagpapasalamat po tayo sa mga partners natin sa Cagayan de Oro.

    KA ELY: Okay, ma'am, marami ring nagtatanong, ano raw ang sikreto niyo at parang kayo po ay laging healthy. Dahil sa ilang beses na rin kayo no nae-expose sa mga nagpopositibo di ba 'yung pinakahuli sa inyong close-in security at talagang pumupunta kayo sa matataong lugar pero awa ng Diyos ay hindi naman kayo nagkaka-COVID. So, ano raw ho ba ang sikreto niyo baka may iba kayong– halimbawa ang diet niyo papaano?

    VP LENI: Actually, Ka Ely, tinamaan din ako pero hindi ng COVID. Di ba ako 'yung nag-asikaso sa mga anak ko kasi di ba 'yung isa nasa isolation facility, 'yung dalawa naka-quarantine. Siguro sa pag-aalala tinamaan din ako Ka Ely, New Year. Nakaswero ako noong New Year– nakaswero ako, Ka Ely, pero dahil sa tonsilitis. Akala ko nga, Ka Ely, nahawa ako ng COVID kasi na-expose ako December 28. Wala akong exposure sa mga anak ko, Ka Ely, kasi galing silang biyahe tapos diretso isolation saka quarantine pero na-expose ako doon sa security ako. Kasi kung naalala mo, Ka Ely, lumabas ako noong December 28 pumunta ako ng Bohol saka Dinagat Islands. 'Yung kasama kong security doon, Ka Ely, the following day nag-test positive. Kasi sa opisina namin nag-tetest kami. ‘Yung sa kanya, noong papunta kaming probinsya negative siya. Pero noong pagbalik na namin the following day nag-positive siya. Very close contact ako, Ka Ely. Very close contact ako. Anim kaming magkakasama– hindi, pito pala. Pito kaming magkakasama. 'Yung isa siya 'yung nag-positive, siya 'yung security ko tapos anim kaming close contact. Doon sa anim, Ka Ely, close contact, kami 'yung magkakasama, dalawa 'yung nag-positive. So apat kaming nag-negative.

    Ang biro sa akin, Ka Ely, sa opisina kasi ang dami ko nang close calls, ang biro sa akin sa opisina may anting-anting. Pero ito, Ka Ely, sobrang istrikto ako sa protocols. Halimbawa, pag may tao, Ka Ely, hindi talaga ako nag-aalis ng mask. Pag lumalabas akong alam kong maraming tao, naka-double mask ako. Minsan 'yung KN95 o 94 ba o minsan yung N95 dinodouble ko pa 'yun kung alam kong matao. Tapos 'yung vitamins, Ka Ely, ang iniinom ko, Ka Ely, as Vitamin C saka Vitamin B3, iniinom ko 'yun. Tapos istrikto kami, Ka Ely, whether sa office o kung saan man, na kung maraming mga tao ay hindi kumakain na magkakalapit. Magkakasabay kasi di ba pag kumakain ay tinatanggal 'yung mask. So, kung may kainan man, Ka Ely, kung naka-buffet style lang, kukuha tapos kakain na malayo sa tao, istrikto ako noon. So 'yung sa kin, Ka Ely, hindi pa ko tinamaan, knock on wood, hindi pa ko tinamaan.

    'Yung sa mga anak ko naman, 'yung anak ko nag-positive, 'yung positive kong anak, Ka Ely, 'yung doktor. Kasi nag-attend siya, Ka Ely, ng isang observership program sa US for one month, nag-duty siya sa ospital. Pero 'yung RT-PCR niya pabalik dito sa Manila negative. Nag-positive lang siya noong in-RT-PCR siya on the fifth day noong kanyang hotel quarantine pero dahil, Ka Ely, maingat din sila, 'yung dalawang kapatid na kasama niya sa biyahe, hindi nahawa. Nag-quarantine din sila. Fourteen days din 'yung quarantine nila, Ka Ely, 'yung dalawa kahit negative RT-PCR na sila nag-quarantine pa din sila. So, sa akinkasi, Ka Ely, pag seryoso ka sa protocols, 'yung pag hindi mo pinu-put 'yung guard down, minsan kasi kampante na. Halimbawa, lagi mo nang kasama so ano ka na, relaxed na. Pero ako, Ka Ely, ginagamit ko 'yung– ang treatment ko sa lahat ng kausap ko, positive sila. Kaya sa kin, Ka Ely– halimbawa, Ka Ely, nagkaroon na ko noong April very close contact din ako noong close-in security ko na araw-araw kong kasama, sinusundo niya ko sa bahay, kasama ko siya sa elevator sumasakay, kasama ko siya sa sasakyan, hindi ako nahawa. Hindi ako nahawa. Sa office din ilang beses na Ka Ely, ilang beses na kasama ko matagal tapos nag-positive, hindi ako nahawa. Ano talaga, 'yung mga mask nagwo-work, 'yung vitamins nagwo-work, 'yung pagsunod sa mga protocols number one.

    KA ELY: Okay ma'am nako napakaraming mga text messages, FB, na pinapaabot sa tin. Siguro ma'am isahan na lang ang inyo pong mensahe sa kanila dahil sa hindi na po natin ito maiisa-isa sa dami ho. Ang dami ho ngayong nakikinig at nanonood sa ating FB Live.

    VP LENI: Ako lang po ano lang– ang sa akin lang alam ko na napakahirap ng pinagdadaanan natin ngayon lalo na po 'yung mga nasa Metro Manila. Napakahirap po ng pinagdadaanan natin ngayon so tulong-tulong na po tayong siguraduhin na ma-control itong spread ng virus kung 'yung sa family niyo po ay merong nag-positive, siguraduhin po natin na lahat ng protocols sinusunod natin. Kung walang lugar parang mag-isolate sa bahay ay siguraduhin natin na mailipat 'yung pasyente sa isolation center. Kasi pag hindi natin siya nailipat– halimbawa pag nag-shashare tayo ng banyo, pag walang sariling kwarto na ma-isisolatan 'yung pasyente grabe po 'yung transmissibility nito. So chances are talagang mahahawa.

    So 'yun yung number one. Pangalawa, sundin po natin 'yung lahat ng protocols. 'Yung pinaka una 'yung mask, 'yung paghugas– paghugas ng kamay, pag-inom ng vitamins. Pag galing po tayo ng labas magpalit na ng damit papasok sa bahay tapos maligo na agad para hindi na tayo mag-spread ng virus. 'Yung pag-gargle every now and then. Ako, Ka Ely, ginagawa ko to eh pag marami akong kausap kahit naka double mask ako, pagkatapos noong meeting o pagkatapos ng usap pupunta ako sa banya magga-gargle ako. Pasiguro lang. Meron din akong 'yung spray sa ilong nabibili lang ito over-the-counter ginagawa ko 'yun, pasiguro. 'Yung pagpapalakas ng katawan, saka ano po, wag tayo matakot magpa-test. Alam ko marami 'yung natatakot pa din magpa-test kasi natatakot pa ding mag-positive. Isipin na lang po natin na pag hindi po natin alam kung positive tayo o hindi, kinakalat pa natin 'yung virus. 'Yung iba naman na walang access sa test, pag meron po tayong naramdaman nang konti, sakit ng ulo, 'yung konting sipon, konting ubo, o kati sa lalamunan, i-assume na po natin na tinamaan tayo para mag-isolate na tayo.

    'Yung lahat pong nangangailangan ng medical assistance, uulitin ko lang po 'yung Bayanihan E-Konsulta Facebook page namin, pwede po kayong mag-register doon. Ang– ang recommendation ko lang po as early as possible. Nagbubukas po 'yun 8 o' clock as early as possible, kasi first 400 patients lang po everyday ang nake-cater natin. 'Yung Swab Cab mag-abang lang po lagi sa VP Leni Robredo Facebook page kasi naka– ano ‘yun– nakasaad po doon kung nasaan kami.

    Uulitin ko po bukas nasa Novaliches tayo. Nandoon po ako bukas. Sa Wednesday nandoon tayo sa Payatas. Kung meron pong iba pang schedule ay ia-announce po natin sa ating Facebook page. Libre po siya. 'Yung nangangailangan po ng– pag sinabi po ng doktor na makakabuti sa pasyente na mabigyan siya ng molnupiravir ay available po 'yun sa ‘tin. Kailangan lang po mag-register sa Bayanihan E-Konsulta kasi hindi po siya nabibigay na hindi po kayo natitingnan ng doktor so ise-schedule po namin kayo for teleconsultation. So ano po to, pagtululung-tulungan natin kasi the sooner na matapos ito, the better for all of us.

    KA ELY: Ma'am salamat po at ingat ho kayo lagi. Good morning.

    VP LENI: Ingat din, ingat Ka Ely. Maraming salamat.
    [END 58:13]

     

    Posted in Transcripts on Jan 09, 2022