This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI Episode 245

    BISErbisyong LENI Episode 245

    [START 00:00]

    ELY SALUDAR: Ako pa rin ho ang inyong Radyo Man, Ely Saludar. At mga kababayan, hindi po natin makakapiling ngayon si Vice President Leni Robredo dahil sa napakarami ho, at talagang abalang-abal po, siyempre sa patuloy na pagtulong, pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan.

    Pero maya-maya ay antabayanan po, ano, sa– isa po sa mga senatorial guests, po, ng BISErbisyong Leni, si Governor Francis Joseph "Chiz" Escudero, isa pong kandidatong senador. Mamaya magkaalaman na at makakausap po natin siya maya-maya via Zoom, mga kababayan, at para malaman po natin kung ano– siguro maganda makibalita rin tayo, 'yung mga kaganapan diyan po sa Sorsogon dahil sa siya po ay isang gobernador, at 'yung kaniyang mga balakin na gawin pa, 'yung sa kaniyang pagbabalik senado, mga kababayan. Di ba dating senador na iyan. At ano pa ba 'yung mga nais niyang isulong na mga panukalang batas na maging batas, mga kababayan.

    Okay, oras na po natin ay 9:12 na ho ng umaga, at siyempre mula pa rin ho dito sa DZXL Manila, tayo po ay napapakinggan sa RMN DYHP Cebu, RMN DXCC Cagayan de Oro, RMN DXDC Davao, RMN DWNX Naga, at siyempre sa lahat po ng inaabot ng ating broadcast nationwide, netwide. Magandang umaga, at siyempre patuloy ho tayo na magbibigay din po ng mga tamang impormasyon para po sa ating mga kababayan, lalo na ho 'yung mga naging aktibidad po ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo.

    At ito, panimula ho, siguro noong Lunes, mga kabababayan– kasi last Sunday ay naksama po natin ang Bise Presidente dito po sa palatuntunan. Pero noong Lunes ay nagsagawa nga po, ano, ng pag-bisita ang ating Bise Presidente at ang kanyang personal na tinignan, inalam, 'yung isinigagawang Swab Cab, mga kababayan, at alam naman natin sa panahong ito ay napaka-importante. Alam niyo, ang hirap hong magpa-ano ngayon ah, magpa-COVID test, mga kababayan, at wala kang makuhang libre. [laughs] Di ba? Ito ho, libre ho, mga kababayan, at pagbibigay serbisyo sa ating mga kababayan.

    At bagama't siyempre limitado po 'yung– 'yung resources, 'yung ibinibigay po na tulong ng Tanggapan po ng Pangalawang Pangulo, pero nagtutuloy tuloy naman naman ho o. At ito ho 'yung ikatlong lugar, ano, diyan po sa may Quezon City, na idinaos itong Swab Cab. At kung ating matatandaan, ay 'yung sa ano, di ba, 'yung– nagkaroon muna sa Tandang Sora, Quezon City. Tapos 'yung pangalawa sa Quezon City Memorial Circle. Tapos ito nga ho, 'yung pangatlo, sa Novaliches, diyan po sa harapan po ng Immaculate Conception Parish Church, sa Don Alejandro, Novaliches, Quezon City, mga kababayan.

    At kabuuang 568 na– na mga residente mula po sa iba't ibang mga baranggay, ang naisailalim, ano, sa pagsusuri at paggamit ho ng standard cue COVID-19 AG test kits, na kung saan ay ito po ay ibinili ng OVP, ho mga kababayan. So, oho, marami ho, di ba? 'Yung mga barangay– at 'yung mga barangay ho diyan na nakapalibot diyan sa San Agustin, Sta. Monica, Nova proper, Capri, at 'yung Nagkaisang Nayon. Ang Swab Cab rollout, diyan po sa Novaliches, Quezon City, ay isinagawa.

    At siyempre, ka-partner ho diyan ng OVP ang Quezon City Epidemiology Disease Surveillance, o CESU. 'Yung Uber Express; office of– 'yung tanggapan po ni Congressman Chris Markit Belmonte. Gayon din po 'yung Immaculate Conception Parish Novachiles, na pinapangunahan ni Father Joel Caballa Oho ayun ho, mga kababayan, ng San Agustin, Novaliches. At 'yung Green Fields 3 Homeowners association.

    [04:46]

    At pagkatapos po niyan, dumalo rin si VP Leni dito po sa usapang turismo. Oho mga kababayan, at 'yung pagtalakay dito po sa tourism industry. At ito po ay may titulo na, "Usapang Turismo Kasama si Leni." Na yan po ay inorganisa ng Turismo Para Kay Leni. At ang Bise Presidente ay nakipagtalakayan sa mga ito, 'yung tulad ho ng mga usapin na 'yung tourism agenda, recovery plan, validation ng mga at– of current plans, at– at to alleviate 'yung kasalukuyang kondisyon. At siyempre 'yung work– workforce at future manpower diyan po sa tourism industry. At economic groundworks for tourism recovery.

    Talagang alam niyo naman ho, at hindi po talaga maitatatuwa, talagang isa po sa tinumbok 'yung matinding dagok, epekto nito hong pandemiyang ito, ay ang tourism industry, mga kababayan. Alam niyo naman ho, talagang malaki po ang naiiambag eh ano, sa ating ekonomiya, ito hong tourism industry. Kaya kinakailangan talagang magkaroon po ng pagbangon, at importante ho diyan 'yung agenda at 'yung recovery plan. Naku, napaka-importante ho, di po ba.

    So 'yun ho. Talagang– sa lahat naman po, ano, ng mga bansa ay kinakailangan na– na bumangon. At alam niyo ho, 'yung turismo talagang isa po ito sa pinanggagalingan para makatulong po sa pagsigla ng ekonomiya.

    At samantala, mga kababayan, ay ito rin ho, 'yung nakipag-pulong din ah, at dumalo rin via Zoom ang ating Bise Presidente sa 1,000 Tiktokers, ito, 'yung sa general assembly, mga kababayan. At ayun ho, ito hoy ay isang boluntaryong organisasyon na naglalayong tumulong para i-promote ito hong si VP Leni at 'yung kanyang kandidatura, mga kababayan.

    At kinabukasan, Martes naman, 'yung Kapatiran sa Dalawang Gulong– Gulong, ho, o Kagulong, Riders for Leni. O ayan ho, nagkaroon po na ng mga dialogo dito po sa Kagulong R4L. At 'yun ho ano, so noong Mar– Miyerkules naman, ay– ito sunod-sunod ho 'yung mga pag-pupulong na dinaluhan ni VP Leni, 'yung Engineers for Leni Townhall Meeting. At ayun ho, nagkaroon din po ng interview with Cito Beltran ng OneNews, mga kababayan.

    Ok, so para po sa ating– sa kaalaman po ng ating mga listeners, mga kababayan, ay ito ho 'yung– 'yung mga nangyari na– ang dami ho ano, na mga talagang nag-positibo diyan po sa isinagawang ano ano, 'yung Swab Cab. Grabe ho ano. O dito lang, sa may ano, ano, sa Tandang Sora, alam niyo ho, mga kababayan, kabuuang 813, oho. Sa kabuuang 813, 373 ang nagpositibo, at 440 ang nag-negatibo. Naku ang dami ho, ano. Nasa 30 - 40%, mga kababayan. At diyan naman sa may Quezon City Memorial Circle ay kabuuang 400, 169 ang positibo, 231 ang nag-negatibo. At 'yung sa Immaculate Conception Parish ay 568 ang naitest ho, mga kasama, 197 ang positibo, at 371 ang nag-negatibo. At sinundan naman niya 'yung sa may Payatas ho, pagkatapos sa Novaliches, sinundan niya ng Miyerkules– kasi Lunes ang– ang Novaliches ano– 'yung Ina ng Lupang Pangako Parish Payatas, 545 ang naisuri ho diyan, 91 ang nag-positibo, at 454 ang negatibo. Aba mukhang kakaunti lang diyan ano, diyan po sa Payatas.

    So, 'yun ho. At siyempre, ayan po ay sa pakikipagtulungan parin ng Quezon City govoernment. Kasi napaka-importante ho, di ba? Ang binabanggit kaya ni VP Leni ay ma– ano willing ho sila, ano, kahit saang lugar magkaroon po, maglunsad ho itong Swab Cab na ito. Pero kinakailangan ho na ito po ay sa pakikipag-ugnayan ng LGU. Oho mga kababayan. Nakita niyo sa may Quezon City, eh talagang nakikipag-tulungan.

    [09:59]

    Napakaimportante ho ito kasi talagang marami ho tayong mga kababayan na, alam niyo ho, na umiiwas ho rito sa COVID test, di ba. Nagpapa-testing, nako ayaw. Bakit? Laki ng bayad, ang mahal ng bayad eh. Tapos 'yung iba naman, takot din na baka mag-positibo, matitigil po sa pagtatrabaho. Di ba?

    Kaya ang binabanggit ko nga ho eh, dapat kung saka-sakali na 'yung ating gobyerno, partikular po, di ba, 'yung– halimbawa, DWSD, eh tignan ho nilang mabuti 'yung ating mga kababayan. 'Yung talagang mga mahihirap na mamamayan, na kapag tumigil sa paghahanap-buhay, magugutom 'yung buong pamilya. Oho, 'yung no work, no pay, sana ganito ho at bigyan ng insentibo. Halimbawa, o ikaw, no work, no pay ka. Sige magpatest ka. Kapag nag-positibo ka, doon ka sa isolation, i-iisolate ka. Tapos 'yung pamilya mo, bibigyan natin ng pangkain, ho. Ayuda. At habang ikaw ay nasa isolation facility, nagpapagaling, at matapos mawala 'yung virus, eh kumakain naman ang pamilya mo, so wala kang iintindihin

    Naku, kung mag-ganyan ho, ganyan ho, mga kasama, ang gagawin, naku. Baka marami ho mag-boluntaryo. Eh okay lang pala eh, ho, na magpa-test ako. Eh kung mag-positive ako, di punta ako, di, eh sige. I-isolate niyo na ako, okay lang dahil sa 'yung aking pamilya ay hindi naman magugutom. Oho, di po ba?

    Dapat– sana ho ganoon ano? Bagama't madalas po nating marinig, nako wala na tayong pondo eh. Ubos na ang pondo. Mga kababayan, eh, pero pag nakita mo naman, sa ibang gas– ano, ano, sa ibang mga gastusin, doon tayo tumotodo ng gastos. Eh parang hindi tama. [laughs] Hindi po ba? At isa pa rin ho diyan sa pinakagrabe ho, mga kababayan, ay 'yung mga alegasyon ng katiwalian. Oho, di ba? Talagang napakatindi ho ng nangyari po sa ating pamahalaan at siyempre isa nga ho diyan di ba ‘yung sa Pharmally, di po ba? At talagang ano eh– grabe ho ang pagsasamantala ay– ng ilang mga opisyal at sinasabi na kung saan ay– pakikipag ano ‘no sabwatan di umano ha, ng ilang negosyante. So ‘yun ho, bagamat ‘yun eh– naimbistigahan naman po ‘yan ng Senado kaya nga lumilitaw ho mga kababayan, alam niyo ho di ba ‘yung may– may kasabihan, “In every crisis, there is an opportunity.” Kaya lang, nagkaroon po ng pagkakataon ‘yung mga– ‘yung mga mandorobo. ‘Yun ho talagang grabe ho di po ba. Sana ‘yung pagkakataon maganda ho na para sa kabutihan ng lahat. Kaya lang nangyari sa kabutihan ng kanilang bulsa di ba.

    [OBB 12:56 to 13:03]

    Okay sandali lang ho mga kasama. Oras na natin sa buong kapuluan, alas nuwebe bente tres.

    [VP LENI "Kulay Rosas ang ating Bukas" Ad 13:12 to 13:57]

    [OBB 13:58 to 14:12]

    Okay oras na ho natin mga kasama, alas nuwebe bente kwatro na po ng umaga. At siyempre bahagi pa rin ng BISErbisyong Leni ‘yung ating panauhin o kandidatong Senador. At siyempre bahagi pa rin ito ng istorya ng pag-asa mga kababayan. At para po sa kaalaman ng ating mga kababayan, listeners and nakikinig ho ngayon nationwide, ito pong si Governor Chiz Escudero ay isa pong abogado, incumbent Governor nga po ng lalawigan ng Sorsogon simula pa ho noong 2019. Dati naging senador po ‘yan at naging kongresista. So talagang ano ‘no, halos lahat po ng sangay ng ating pamahalaan ay napaglingkuran na niya ho, mga kababayan. Napakahaba po ng kanyang mga achievements at siyempre ‘yung credentials ho talagang hindi matatawaran mga kababayan. At siguro ngayon sa panahon po ng pandemya, maki-kumusta ho tayo– ‘yung ating mga listeners na mga taga-Sorsogon na andito po sa Metro Manila o maaaring nasa probinsya ay gusto niyong malaman ano, di ba? Okay nasa linya na po natin– makakasama po natin via Zoom si Sorsogon Governor Chiz Escudero. Gov, magandang umaga po sa inyo.

    CHIZ ESCUDERO: Ely, magandang umaga sa’yo. Sa lahat ng ating mga taga-subaybay, magandang umaga po sa inyong lahat. At Happy New Year, Ely– belated.

    ELY SALUDAR: Opo, at siyempre tayo po’y napapanood at napapakinggan din sa RMN Cebu, RMN Davao, RMN Cagayan de Oro, at RMN Naga. So ano pong mensahe niyo po sa kanila, Senator– Governor?

    CHIZ ESCUDERO: Well, gaya ng sinabi ko Ely, pagbati sa pagpasok ng bagong taon– taong 2022. Alam ko may pandemya– nasa gitna pa rin tayo ng pandemya pero maniwala tayo, panghawakan natin ang pananampalataya na matatapos, lilipas, at magwawakas din ang pandemyang ito. At sana sa muling pagbubukas ng mundo, mas magandang kapaligiran ang ating makita, dulot na rin ng panahong mahaba-haba na hindi tayo nakakaikot sa bansa.

    ELY SALUDAR: Okay at Governor, para po sa kaalaman ‘no ng ating mga nanonood at nakikinig, kumusta po muna diyan sa Sorsogon, at ‘yung kaso po ng COVID, at ‘yung ating COVID response sa ating mga kababayan?

    CHIZ ESCUDERO: Mula zero noong Pasko at New Year, sa loob lamang ng dalawang linggo, Ely, pumalo ng mahigit anim na raan na ang kaso ng COVID-19 sa aming lalawigan. Rason para i-classify na na Alert Level 3 hanggang katapusan ng Enero ang aming lalawigan tulad ng ibang probinsya. Pero mahalaga para sa ‘min, basta nananatiling intact at hindi nagko-collapse ang aming healthcare system, hindi namin kailangan mag-panic o mag-aburido. Halimbawa, ang hospital occupancy rate namin nasa 43 percent lamang at ang DTMF, isolation, at quarantine facility namin nasa labindalawang porsyento lamang ang okupado. Ang pangunahing rason, Ely, ay dalawa. Una, 2020 pa lamang meron na kaming home care kit na inilunsad para sa mga mild at asymptomatic at hindi na kailangan ma-ospital. Pangalawa, pribado o pampublikong ospital man, wala kang karapatan magpa-ospital kung mild o asymptomatic ka lamang. Hindi tulad ng nakikita natin halimbawa sa ilang siyudad sa Metro Manila. Ang mayayaman kahit wala namang nararamdaman ay pa-ospital agad pag nag-positibo, ‘yung may malalang karamdaman, may kinalaman ma sa COVID o hindi, hindi na tuloy nakakapunta sa ospital at nagiging rason na lumalala ang sakit nila o ikasawi pa nila.

    ELY SALUDAR: Opo. So meron ho tayong mga panuntunan at paghihigpit na halimbawa papasok sa ospital, kung mild lang naman, pauuwiin na po Governor para huwag po mapuno ‘yung mga ospital para po sa mga malala.

    CHIZ ESCUDERO: Opo taong 2020 pa lamang ginawa na po namin ‘yan. Bagaman hindi tumaas ng ganito kataas ang aming mga kaso, nananatiling ganyan pa rin ang polisiya namin at nag-aapply ito Ely, pampubliko man o pampribadong ospital. Meron nga akong kakilala, nagkasakit ng COVID, na-qua– na-confine sa ospital na kulang kulang isang buwan, ang ginawa niya Ely nirentahan na lang niya ‘yung hos– kwarto ng ospital para kung sino man daw kamag-anak niyang mako-COVID na hindi na po kailangan mag-antay pa. Hindi naman po nararapat ‘yun at hindi dapat pinapayagan ‘yun.

    ELY SALUDAR: Opo. Okay, so diyan po sa Sorsogon ay– kasi dito po sa Metro Manila ‘no at iba pang mga lugar, pinag-uusapan, kasi ‘yung DOTr di ba meron ding “no vaccination, no ride” policy. At bawat LGU rito sa Metro Manila, meron po silang kaukulang mga ordinansa. Diyan po sa Sorsogon, ano po ‘yung mga panuntunan dito sa mga hindi pa bakunado?

    CHIZ ESCUDERO: Hindi ako sang-ayon na ginagawang mandatory ‘yan, Ely. Kailangan magpabakuna, ako mismo nagpabakuna, pero hindi pwedeng gawing mandatory ‘yan dahil EUA pa rin ang bakunang ito. Ibig sabihin Emergency Use Authorization pa lamang, hindi pa tapos ang clinical studies para gawing mandatory ito tulad ng ibang mga bakuna. Halimbawa, sa polio, sa iba pang mga karamdaman, na tapos na ang clinical trial, ‘yan pwedeng gawing mandatory sa mga bata. Pero hangga’t EUA ang isang gamot o bakuna, hindi po ‘yan by basic policy ginagawang mandatory. Dapat po ang gawin na lamang nila magbigay ng insentiba sa mga magpapabakuna at disincentive sa hindi magpapabakuna.

    May isang limitasyon lang Ely para sa ‘kin, pwedeng gawin ‘yan ng pribadong sektor dahil pribado nga sila, pwede silang mamili kung sinong papayagan pumasok sa restaurant nila, sa mall nila, o sa eroplano nila. Pero pag ang pinag-usapan natin ay public utility vehicle, pag ang pinag-usapan natin ay pagsali ng pamahalaan, pag ang pinag-usapan natin ay serbisyong binibigay ng pamahalaan, hindi po pupwedeng gawin ‘yan.

    [20:02]

    ELY SALUDAR: Papaano ho ‘yun ‘yung may mga transaksyon sa tanggapan ng pamahalaan tapos eh hindi bakunado? Kasi hinahanapan na po ng vaccination card. So parang lumalabag po ito sa karapatan, Governor?

    CHIZ ESCUDERO: Para sa ‘kin ilegal, at unconstitutional ‘yan. At malamang may magsasampa’t maghahain ng kaso sa Korte Suprema tulad sa Amerika. Sa Amerika ngayon tatlong linggo nang pinag-dedebatihan ng Korte Suprema ng Amerika ‘yang mga mandated vaccine regulation at legislation na isinagawa sa Estados Unidos. Asahan natin ‘yan din ang mangyayari po dito.

    ELY SALUDAR: Opo, pero siguro dito, Governor, kasi ako nagmo-monitor din ako sana mas maganda maipabatid sa tao na ‘yung mga hindi bakunado, ‘yun ang pinaka pinagmamalasakitan natin na kasi wala silang proteksyon eh, di ba? Sinasabi dito kapag hindi ka pa bakunado, wala kang proteksyon laban sa COVID at malaki ang posibilidad na tamaan ka nang mas malala, kumpara sa mga bakunado. Dapat ang palitawin dito– palutangin, pagmamalasakit ito ng gobyerno, dapat bakunado ka. Kung hindi ka bakunado, diyan ka muna sa bahay para hindi ka panganib, di ba? Dapat ganoon ang– gawing pagmamalasakit, Governor.

    CHIZ ESCUDERO: Alam mo Ely, noong nagdaang taon, kung nakita– kung nakita mo, mahigit dalawang bilyon ang ginastos para sa political ad ng iba’t-ibang kandidato. Kung nagastos na lamang sana ‘yung perang ‘yun, o hindi man ‘yung gobyerno mismo, gumastos ng parehong pera– anim na trilyon naman ang inutang natin, eh para magpalaganap ng ganyang klaseng kaalaman, impormasyon, at paghikayat sa ating mga kababayan na magpabakuna na.

    ELY SALUDAR: Opo. Okay at siguro kayo babalik ho kayo sa Senado. At unahin muna natin, meron ho ba kayo na mga– sabihin natin na na-encounter diyan po sa, bilang Gobernador, na pupwedeng baguhin ‘yang mga sistema at kinakailangang batas? Kasi napakaimportante– maganda sa inyo, Se– Governor, ‘no, na lahat ho, halos lahat ho, naging Senador, naging Congressman, tapos eh naging Gobernador, alam niyo ho ‘yung sa baba eh, di ba. Alam niyo ‘yung mga problema na pupwedeng i-correct po sa national. So bilang Gobernador, ano ho ba ‘yung mga naging ano niyo, sabihin natin ay parang dapat ito naisabatas ‘to, ‘yung mga ganito na mga kakulangan na pupwedeng hong gawin ninyo kapag kayo po’y nasa Senado?

    CHIZ ESCUDERO: Pangunahin– magiging pangunahing layunin ko Ely, bigyang bwelo ang mga lokal na pamahalaan. Tinuro ko ang Local Government Code sa UP College of Law, ilang amendment na ang napasa namin sa Local Government Code. Pero ang ilang mga tanikala, ilang mga tali ika nga na pumipigil sa local government units na gawin kung anong nararapat para sa kanilang mga kababayan ay nasa mga regulasyon pala ng DILG na dapat ipinagbabawal. Halimbawa Ely, alam mo ba na bagaman may IRA kami, nagpapasa kami ng sariling budget, aba ang budget pala ng kada lokal na pamahalaan, probinsya man o siyudad, ay dapat aprubahan ng DBM. Wala sa batas ‘yan, wala sa Saligang Batas ‘yan. Pera namin ‘yun, hindi ‘yan galing sa national government. Bakit sila magdidikta kung paano namin gagastusin ‘yung pera? Sino bang mas may alam kung anong kailangan ng aming mga kababayan? Sila ba na mga kalihim na nandito lamang naman sa NCR? O kami na babad sa aming mga lugar at distrito at probinsya? Ang hiling ko nga madalas sa mga kalihim at Secretary, tumayo man lang kayo, dungawin naman ninyo ang kalagayan namin mula sa malayo. Hindi ‘yung nakaupo lamang kayo palagi sa mga airconditioned ninyong kwarto at magmamarunong para diktahan kami kung ano ang dapat at pwede at hindi namin pwedeng gawin.

    Sa totoo lang, Ely, napakaraming best practices ang mga gobernador at mayor sa buong bansa. Talo at malayo ang mga ginagawa ng DOH at IATF sa ngayon, na kung bibigyan, bwelo lamang sana ang mga lokal na pamahalaang ito. Malayong mas magiging maganda ang COVID response ng ating bansa. Pinagtagpi-tagpi nga lang na response, ika nga, ng iba’t-ibang probinsya at siyudad.

    At sa totoo lang, kung may babaguhin tayo, pero magbabago naman nang kusa, hindi na dapat manatili pa nang tatagal sa isang minuto si Sec. Duque dahil hindi maganda at hindi maayos ‘yung kaniyang ginagawang pamumuno sa COVID response ng ating– ng ating bansa. PhilHealth man, DOH man, o IATF man, na lahat ‘yan ay pinamumunuan niya.

    ELY SALUDAR: Opo. Okay, ‘yung– ‘yung dito rin sa isyu naman po, Senator, Governor, ‘yung sa– ‘di ba ‘yung sa ano– ‘yung sa IRA, ‘yung– ‘di ba ‘yung sa Mandanas Ruling, at parang ito hindi pa malinaw, ‘no, ‘yung sa mga implementasyon dito at mukhang nagbabanggaan din dito sa national government.

    [24:50]

    GOV. CHIZ ESCUDERO: Pinag-aralan ko ‘yan, Ely. Alam mo, noong bumisita nga si Vice President Robredo, na-take up ko ‘yan sa kaniya na may malaking problemang darating sa taong 2023. Tumaas ang IRA ng mga lokal na pamahalaan anywhere between 18 to 25 percent sa taong 2022 dahil sa Mandanas Ruling. Sinama na kasi ‘yung mga koleksyon ng Bureau of Customs sa pinagpaparte-partehang IRA ng barangay, munisipyo, siyudad at probinsya. Subalit, pagdating ng 2023, dahil nakabase po ‘yan sa internal revenue ng tatlong taong nakaraan, bagsak po ang IRA ng mga lokal na pamahalaan dahil bagsak din po ang ekonomiya natin ng taong 2020, noong pumasok ang COVID.

    ELY SALUDAR: Oo, tama.

    GOV. CHIZ ESCUDERO: Ang mawawala po ‘yung humigit kumulang dalawampu’t walong porsyento. So ika nga, inangat ka sa ikadalawampung palapag, 20th floor ng taong 2022, biglang pagdating ng 2023, ibabagsak ka lang pala sa 1st floor ulit. Malaki ang dapat na gawing adjustment ng national government para maayudahan ang mga lokal na pamahalaan para patuloy na umikot ang ekonomiya, lalong lalo na sa mga malalayo’t mahihirap na lugar. Pangalawa, Ely…

    ELY SALUDAR: Ano po?

    GOV. CHIZ ESCUDERO: Ang ipinasang Executive Order ni Pangulong Duterte na nag-devolve ng mga function dahil nga nabawasan ‘yung mga pondo nila dahil lumaki ang share ng mga lokal na pamahalaan, eh medyo hindi yata tama’t makatarungan dahil noong inisa-isa ko, humigit kumulang 655 billion ang dagdag na IRA sa lahat ng LGU sa buong bansa. Pero ang dinevolve na mga function ng national government, ang halaga, Ely, base sa 2021 budget ay 1.4 trillion o doble. Maliwanag, naghugas-kamay na lamang ang gobyerno dahil sa pagbawas ng pondo nila, pero hindi kakayanin ng mga lokal na pamahalaan gawin ‘yung trabahong pinasa nila dahil sa pondo na lamang, dati na pong kulang.

    ELY SALUDAR: Opo. So, Governor, pupuwede ho ba ito na mapigilan kung kayo po ay mabalik na po sa Senado? At, kasi, napakaimportante. Magiging kawawa po rito, parang ipinasa na lahat eh ‘yung pasanin sa– sa LGU, sa ating ano, sa bawat mga probinsya.

    GOV. CHIZ ESCUDERO: Executive Order po lamang ‘yan. Puwede yang i-reverse, palitan, i-amend, at i-repeal ng susunod na Presidente. Kung hindi man po ay mas matutugunan o masasagot ‘yan sa taunang budget. Simple lamang naman po ang gagawin ng Kongreso, popondohan po ‘yung mga item na ‘yan at hindi po hahayaang manatiling zero sa budget ang mga dinevolve na proyekto, tulad na lamang ng programa sa agrikultura, programa sa irigasyon, programa sa transportasyon, programa sa kuryente. Wala pong LGUng tatagal na pondohan po ang mga pagnanais at mga pangangailangan sa mga sektor na ‘yan.

    ELY SALUDAR: Opo. Okay, Governor, Ano pa ho ba ‘yung agenda niyo, ‘no? Legislative agenda dito po sa papasok na 19th Congress ‘no, kung kayo po’y manalo. Pero syempre, mukhang talagang mananalo kayo dahil sa nangunguna kayo sa mga survey.

    GOV. CHIZ ESCUDERO: [laughs] Sana, Ely.

    ELY SALUDAR: Hindi, sa mga survey, talagang– at ano naman eh, kumbaga sa ano, subok na kayo eh sa pagiging Senador at talagang nagtatrabaho. Pero, kung saka-sakali naman, ano po ‘yung mga karagdagan pa na mga legislative agenda na isusulong po ninyo, Senator?

    GOV. CHIZ ESCUDERO: Dalawang bagay ho [inaudible 28:13]. Una, ang taunang budget dahil ang impor– ang pinakaimportante’t mahalagang batas na pinapasa ng Kongreso, Senado man o Kamara, ay ang taunang budget. ‘Yan ang magsisilbing tulay para muling bumangon ang ekonomiya, bumalik ang mga trabahong nawala, at malagyan ng karampatang pondo ang mga sektor at mga pangangailangan, na dapat naman talaga pinagbibigyan ng pansin.

    At pangalawa, ang pagtitiyak – dahil bahagi ng trabaho ng Kongreso ‘yan – na mapapanagot ang dapat managot, ang mga nag-abuso’t nagsamantala. Dahil sa panahon ng pandemya, hindi katanggap-tanggap, Ely, at hindi masisikmura ng sinumang Pilipino ang anumang uri ng pagsasamantala na isinagawa nino man, nasa pamahalaan man o nasa pribadong sektor, habang naghihikahos, nawawalan ng trabaho, kulang sa makain, at hindi makagalaw halos ang ating mga kababayan. It is simply wrong and unacceptable, and I will not stand for it, Ely.

    ELY SALUDAR: Opo. Okay, at syempre ngayon, ‘yung talagang nakatutok din ang lahat dito po sa COVID response ‘no ng ating gobyerno dahil sa ito talagang wala namang mag-aakala eh na darating ito. At papaano po? Papalapit na ang– ang eleksyon. Ngayon, election period na, ‘no, at actually, umiiral na rin po ‘yung gun ban. Pero pagdating ng kampanya ay magkakaroon na ng mga pagbabawal ‘yan na, ‘di ba, sa paggamit ng pondo. So, papaano ho kaya ‘to, Senator, at maapektuhan ‘yung COVID response ng gobyerno kung saka-sakali kasi maraming kandidato ngayon?


    GOV. CHIZ ESCUDERO: Well, dapat pinlano na po nila ‘yan. Tulad sa aming lalawigan, Ely, nag-early procurement kami para hindi abutan ng election ban ang bidding ng mga proyekto na kailangan dumaan naman talaga sa proseso, para hindi po ma-delay ang anumang programa, proyekto at COVID response po ng aming lalawigan. Sa parte ng national government at bawat lokal na pamahalaan, ganiyan din po sana ang kanilang ginawa dahil alam naman nila three years ago pa na may eleksyon, magkakaroon ng election ban, at may mga paghihigpit at limitasyon ang puwedeng magawa ng kada ahensya ng pamahalaaan.

    [30:14]

    ELY SALUDAR: Opo. Okay, so, ‘yun ho. May binabanggit, kasi na-interview ko rin si Atty. Romy Macalintal, kung saka-sakaling ganiyan, puwede raw ipasa ‘no ‘yung ibang mga responsibilidad sa Philippine Red Cross kung sakali kasi mga tungkol po sa pandemya ‘yung mga pondo na hahawakan?

    GOV. CHIZ ESCUDERO: Posible ‘yun, Ely. Ang problema lamang, pribadong entity pa rin at korporasyon ang Red Cross. Nagkataon lang may tiwala tayong lahat at maaasahan talaga ang Red Cross, pero meron pa rin pong prosesong pagdadaanan ‘yan. Subject pa rin po sa COA ‘yan. Bago maibaba ang anumang pondo sa isang pribadong asosasyon, organisasyon o korporasyon tulad po ng Red Cross.

    ELY SALUDAR: Oo, opo. At syempre, alam naman natin na hindi rin naging maganda relasyon sa pinuno ng Red Cross…

    GOV. CHIZ ESCUDERO: [laughs]

    ELY SALUDAR: At ng Pangulo, kasi baka magbatuhan lang ng ano eh, ng mga alegasyon, Senator, diyan ‘no at baka ang maging kawawa, taumbayan, [laughs] maipit.

    GOV. CHIZ ESCUDERO: Tama ka. Nasubaybayan natin lahat ‘yan, Ely, na nagbabatuhan na ng putik ang Senado at ang Malacañang, na hindi po magandang makita o tingnan – sino man ang nagsimula – sa gitna ng pandemya, na nagbabangayan ang ating mga lider.

    ELY SALUDAR: Opo. Pero dito, Senator, ‘no, sa mga pangyayaring ito, lahat– kasi lahat tayo nabulaga, ‘no, buong mundo, ay may mga kailangan pa bang batas kung saka-sakali na magkaroon pa ng, mga susunod pa na mga krisis, o, pangkalusugan o pandemya, para naka-ready na tayong lahat at ang gobyerno, at hindi na nabubulaga sa mga ganito.

    GOV. CHIZ ESCUDERO: Alam niyo, mahigit walong taon na ang lumilipas. Naghain ng panukalang batas si Sen. Miriam Santiago, na nagbibigay sana ng sapat na kahandaan para sa ating bansa kaugnay ng mga pandemya tulad nito. Wala namang nag-akalang mauulit uli ‘yung Spanish flu na nangyari mahigit isandaang taon na ang lumilipas. Pero kung naisabatas sana ‘yun, magbibigay ito ng kahandaan ng– sa bansa natin na harapin anumang uri, kapareho man o kakaiba, na pandemya tulad ng COVID-19. Kabilang at pangunahin na roon, Ely, ang pagpapalakas sa RITM at sa surveillance disease section ng Department of Health, para sa gayon ay maging handa tayo at mauna tayo pagdating sa kaalaman at paghahanda, kung may darating man na susunod pa na pandemya o susunod nanaman na virus na kakalat sa buong mundo.

    ELY SALUDAR: Opo. So, dito ho, ‘yung panukala na ‘yan, ‘no, ni yumaong Sen. Miriam, ‘yung public health emergency, ‘no, eh handa niyo ho bang isulong muli, buhayin ito, Senator?

    GOV. CHIZ ESCUDERO: Opo dahil kinakailangan po ‘yan, hindi lamang dahil may pandemya ngayon, at sana patapos na, pero para magkaroon tayo ng sapat na kahandaan din. Halimbawa na lamang, Ely, nagulantang tayo na kailangan pala ‘yung RT-PCR machine. Hindi lang naman ginagamit ‘yan para sa COVID, marami pang ibang silbi ‘yan.

    ELY SALUDAR: Opo.

    GOV. CHIZ ESCUDERO: Makalipas ang dalawang taon, hanggang ngayon, hindi pa rin tayo umaabot sa testing capacity na habol at kinakailangan natin. At imbis na gawan ng paraan ng DOH at ni Sec. Duque, ay tila kabaliktaran pa ang ginawa. Binawasan pa ‘yung testing, nilimitahan pa ang testing, at hindi na po hinire uli ‘yung mga contact tracers, na sa palagay ko ay maling direksyon. Hindi po stratehiya ang tawag diyan, Ely. Ang tawag diyan ay pag-abandona, pagtakbo pauwi, at pagsuko na kaugnay ng pakikipaglaban natin sa pandemyang ito.

    ELY SALUDAR: Opo. Ako nga eh, pinipilit ko nga, Senator, ‘yung COVID home test kits, sana aprubahan kaagad ng FDA eh kasi naglipana na sa online, para mabigyan ng proteksyon ‘yung ating mga kababayan na makakuha ng mga fake, dapat aprubahan na ito para tayo mismo alam na natin kung positive o hindi, hindi na tayo mag [inaudible 34:01].

    GOV. CHIZ ESCUDERO: Simple lang naman, Ely. Aprubahan nila ‘yung mga antigen kits na accurate, na maaasahan.

    ELY SALUDAR: Opo.

    GOV. CHIZ ESCUDERO: Pangalawa, para gamitin sa pang-pribadong sektor, hindi man opisyal tulad ng tala ng DOH. Pangalawa, ang halaga ng isang RT-PCR machine ay humigit kumulang sampung milyong piso.

    ELY SALUDAR: Opo.

    GOV. CHIZ ESCUDERO: Bigyan mo ang kada probinsya ng isa, wala pang isang bilyon ‘yun. Bigyan mo ng sampu ang kada probinsya, wala pang sampung bilyon ‘yun. Sampung bilyon lamang, Ely. Ulitin ko, nilalamang ko dahil anim na trilyon ‘yung inutang natin eh. Ano ba naman ‘yung sampung bilyon para magkaroon tayo ng mass testing capability na libre sa bawat lalawigan ng ating bansa? Sa buong Bicol, halimbawa, dito, iisa lamang ang RT-PCR machine na libre, at ‘yun ay nasa Albay. Wala na pong ibang RT-PCR machine, at lahat ng probinsya sa Bicol – anim po ‘yun – pumipila doon sa Albay, sa RT-PCR facility nila para magpa-test. Kaya nahuhuli po ang testing, dalawa, tatlong araw ang inaantay, pila pa.

    [34:58]

    ELY SALUDAR: Opo.

    GOV. CHIZ ESCUDERO: Ano ba naman po ‘yung sampung bilyon? Kayang-kaya naman po ng pamahalaan ‘yun, kung gugustuhin lamang talaga.

    ELY SALUDAR: Okay, at siyempre ngayon, panahon po ng eleksyon. Ano ba ‘yung nakikita niyong mga hamon sa pangangampanya sa gitna po ng pandemya, Senator?

    GOV. CHIZ ESCUDERO: [laughs] Well, obvious naman, Ely. Hindi pa lumalabas ang guidelines ng COMELEC kaugnay sa ano bang klaseng pangangampanya papayagan nila. Pangalawa, maglabas man ng guidelines ang COMELEC, ang protocols at rules ng pagpasok at mga puwedeng gawin ay iba-iba sa kada siyudad at probinsya sa ating bansa. Napakahirap pong mapahin niyan. At ang pinakahuling gustong mangyari ng isang kandidato: maging ugat pa siya ng pagkalat ng COVID sa isang lalawigan o siyudad na bibisitahin niya.

    ELY SALUDAR: Opo.

    GOV. CHIZ ESCUDERO: Pangatlo, may dagdag na hamon din sa akin dahil nasyonal ang kampanya pero may trabaho akong kailangang gampanan dito sa Sorsogon kaugnay ng pagiging gobernador pa rin.

    So, ika nga, Biyernes, Sabado, Linggo, Sabado-Linggo lang siguro ako makakaikot sa ating bansa dahil sa dami ng papeles na kailangan pa ring pirmahan at bagay na kailangan at dapat tutukan bilang gobernador ng lalawigan. Hindi tulad noong ibang kumakandidato Ely na wala namang posisyong pinanghahawakan at bente kwatro oras puwede po silang mangampanya.

    KA ELY SALUDAR: Opo, pero, dito ho kasi may mga, may mga agam-agam na baka, kung talagang lalala ng husto ito hong kaso ng COVID, baka hindi matuloy ang eleksyon. So, puwede ba ito Governor?

    CHIZ ESCUDERO: Ilegal po, bawal, at unconstitutional 'yan. Hindi po pinapayagan o kinikilala ng konstitusyon at ng election laws natin 'yan at nakita na po natin 'yan sa America. Nag-eleksyon po sila sa kabila ng pagkakaroon ng mahigit dalawang daan hanggang apat na daang libong kaso ng COVID kada araw. Natuloy at tinuloy po nila ang kanilang halalan. Noong una pa lamang sinabi ko na sa COMELEC na sana ikunsidera nila ang dalawa o tatlong araw na halalan para hindi magipon-ipon ang tao at magsiksikan at maging super spreader 'yung araw ng eleksyon or ayusin nila 'yung mga presinto para kakaunti lamang ang nasa kada presinto upang sa gayon ay matuloy na nga ang halalan ng maayos dahil importante man ang tugon natin sa pandemya, importante rin Ely na magkaroon tayo ng proseso para mapalitan at magkaroon ng mga bagong lider sa ating bansa mula pangulo hanggang konsehal ng munisipyo.

    KA ELY SALUDAR: Opo. Okay at ito 'yung, 'yung adulting video naman no, kasama niyo ang inyong may bahay na kung saan ay pinag-usapan niyo pala 'yung mga ano, 'yung mga money matters–

    CHIZ ESCUDERO: [laughs]

    KA ELY SALUDAR: –Kumusta ho?

    CHIZ ESCUDERO: Nanonood ka Ely ha.

    KA ELY SALUDAR: Oo. Ano ba ito, para sa ating listeners at ating mga nanonood. Ang dami, ang dami ngayon sa ating, sa ating Facebook live no dito sa VP Leni Robredo eh kinukumusta ho kayo. Eh ano ba ito Senator, itong mga usapan niyong ito? Napakaganda rin no sa ating mga kababayan ito.

    CHIZ ESCUDERO: Actually noong nagsimula pa lamang ang Youtube channel ni Heart, nagsimula siya noong tinatawag na Adulting with Chiz na mga video kung saan nag-uusap lamang naman kami at nagtatanong siya ng ilang mga katanungan. Hindi siya scripted Ely para sa gayon mas normal at natural din ang mga kasagutan. Maraming nakagusto mula noong una niyang ginawa, mahigit dalawa, tatlong taon na ang nakakalipas kaya regular na rin po niyang ginagawa 'yun. Depende na lamang kung ano 'yung mga tanong na hihilingin o ang gustong malaman ng kanyang mga followers sa kanyang channel. Malaking karangalan para sa akin Ely ang maging bahagi noon at mabigay din 'yung nasa isip ko kaugnay sa ilang bagay at nakakataba ng puso na maraming natutulungan at nagbabasa.

    KA ELY SALUDAR: 'Yun, okay. So, sa ngayon ay napakarami ho ng ating mga mensahe no na natatanggap dito po sa ating Facebook live at Senator, ano pong mensahe niyo lalo na ho maraming mga nakikinig at nanonood sa atin no sa ibayong dagat. 'Yung ating mga kababayan doon na sumusubaybay dito po sa Pilipinas?

    CHIZ ESCUDERO: Well tulad po ng sabi ko, tanggapin niyo ang aking pagbati sa pagpasok ng bagong taon at sana maniwala at manalig tayo na matatapos, lilipas, at magwawakas din ang pandemyang ito. Dalangin din natin na sana mabigyan tayo ng pinagibayong lakas pa para harapin ang mga bago pang hamon at pagsubok na maaaring ibato sa atin ng tadhana bilang isang bansa at bilang isang lahi, pero nandiyan palagi ang pinagibayong lakas basta nagkakaisa, nagtutulungan, at medyo binabawasan po natin ang away at bangayan. Sa pagtatapos ng halalan at pagpasok ng halalan, sana huwag po ninyong sayaning ang inyong kapangyarihan at karapatan na bumoto at pumili ng mga lider po na may kakayahan, na tulay na alam at kayang magbigay ng siguradong desisyon at siguradong aksyon sa mabibigat po nating problema at dagdag ko pa Ely, sana pagkatapos ng eleksyon, huwag nating tingnan 'yung ating katabi, kamaganak, o kaibigan depende sa kung sino ang sinuportahan at binoto niya sa nagdaang halalan dahil ang mananalong presidente ng ating bansa, na pagtitiwalan ng mayorya ng mga Pilipino, siya po ang tatayo bilang pangulo ng bumoto at hindi bumoto sa kanya, ng gusto at ayaw sa kanya, at sinumpaang tungkulin po niya, pagsilbihan ang bawat isa sa atin. Sa muli, Ely, maraming salamat sa pagkakataon. Gayon din ang aking pasasalamat kay Vice President Leni sa pagkakataon na makausap kayo at maging bahagi ng inyong programa sa umagang ito. Pagbati na lamang muli. Maganda umaga po at maraming salamat po.

    [40:33]

    KA ELY SALUDAR: Okay, salamat at ingat po lagi, Governor. Good morning.

    CHIZ ESCUDERO: Keep safe, Ely.

    KA ELY SALUDAR. Thank you. Mga kababayan 'yan po si Sorsogon Governor Chiz Escudero, kandidatong Senador at sa ilalim po ng grupo ni Vice President Leni Robredo. Okay, nakaparami– may mensahe tayo na natatanggap po dito po sa ating Facebook live no. Sandali, paalala muna ulit tayo. Oras na natin sa buong kapuluan, 9:51 na po ng umaga.

    [VP LENI "Kulay Rosas ang ating Bukas" Ad 41:10- 41:38]

    [OBB 41:39 - 41:48]

    KA ELY SALUDAR: Okay, sa ating mga kababayan nako, ang dami ho na mga mensahe tayo na natatanggap dito po sa ating palatuntunan ni VP Leni at marami rin po ang kanilang pagpapaabot ng pasasalamat kay Governor Chiz Escudero at nagpapaabot po sila ng mga pagbati gayon din po kay VP Leni. Mula rin sa Canada si Ely Albao. Kumusta na po kayo diyan? Peter Acerado, Emie Padri, May Balatukan, at gayon din po si ano to, Francie Yorobe Templo, Jocelyn Oriel, Roberto Lopez. Pasensya na 'yung mga, kanina ano, 'yung mga nauna na hindi ko nabanggit ha. Pagpaumanhin niyo na lang po sa dami po talaga at hindi po natin lahat ito mababasa. Mula naman kay Fe Monares-Bon, Marita Miranda-Religioso, Dulce de Guzman, Cora Nacario-Bonon, Gema Diaz. 'Yun po mga kababayan dami po nating mga nagbibigay pa rin ho ng kanilang mga pahayag. Ito naman si Hiloma Manikaraskal, si Jo Kakampink, Leo Hencianeo, Teacher For Leni. Aba, guro ho ito siguro ano. Teacher po ito.

    Okay, so, ay tukayo ah, Ely Albao ah, salamat po sa inyong patuloy na pakikinig dito po sa BISErbisyong LENI sa RMN at alam niyo naman ho, talagang busyng-busy po ang ating Bise Presidente at nakapahirap po, alam niyo ho ah, akala niyo diba may pandemya, eh di ba limitado 'yung paglabas-labas, talagang ma-hohostage ka sa opisina eh sa dami ng mga kung ano-anong mga meeting, Zoom, via Zoom kasi iba na ho ngayon eh. Ang akala mo parang ngayon 'yung pag i-schedule ho diba. Halimbawa alas siyete ng umaga may breakfast meeting ka tapos susunod niyan alas diyes, dito ho ngayon iba. Oras lang ang paggitan. Pagkatapos mo rito sa isang meeting ng 7 to 8, tapos may kasunod ka na ng 9. Lilipat ka lang ng ano, ng meeting. Ibang-iba ho talagang nakapahirap din ho ngayon, ‘no. Talagang, pupuwedeng sagarin at kasi hindi ka naman na babiyahe na eh. Harap mo lang 'yung laptop mo ayos na, hindi po ba.

    Okay, at good morning kina ano to, si Nini Gilponia-Elpos. Ayun ho, Fred Kuyom, Zosima Petil. Uy mula sa Hongkong ah, salamat po sa inyong pakikinig ha. 'Yan po mula sa Hongkong. Evangeline Eduardo. Si Balanlay Serbito, Nancy, Analiza Natalyo, good morning po sa inyo. Junior Palma, Gilmore Olfindo, good morning. Ancelita Makailig mula po sa Sydney. Aba, Sydney, Australia. Good morning, anong oras ba diyan? Magandang araw po sa inyo. At si Ancelita Makahilig mula po sa Sydney. Happy Sto. Niño Feast Day. Jay Techrise De Castro, mga kababayan, si Lolita Mendez. Aha. So, Jay Salcedo good morning. MV Smell, taga-Cavite, Damariñas, Cavite at si Nora Delfino mula po sa Naga City, kababayan po ni VP Leni. Arlene Artiga mula po sa Malabon. Corazon, Malita Miranda-Religioso nabasa ko na ito. Rudy Osma mula po sa New Jersey, USA. Aba, magandang gabi sa inyo diyan ah. Si Violeta Marasigan mula naman sa Oriental Mindoro at Razul Day Lama, Dulce de Guzman, Jocelyn Oriel, ang dami, Gail Mendoza, Arlene Ocampina-Salamance, ayon, Engardo Pedios Estilyore, mula sa NJ, siguro ano to, New Jersey.

    Si ano pa ba ito, Cora Nacario-Bonon salamat po sa inyong panonood. Virginia. Furough mula po sa Australia. Okay so, Ramon Susara, mula po sa Taytay at Nids Unares. Okay naku, ang bilis po ng oras ah. Pasensya na po sa ating kababayan na patuloy po ng nagbibigay ng mensahe dito po sa BISErbisyong LENI. Kapos na po tayo sa oras ah, pero ipinaaabot po sa inyong lahat ni Vice President Leni Robredo ang kanyang pasasalamat sa patuloy po ninyong pagsubaybay dito po sa ating palatuntunan at siyempre 'yung pagbibigay niyo po ng suporta sa lahat po ng kanyang ginagawang aktibidad sa ilalim po ng Office of the Vice President. At siyempre sa pangalan po ni VP Leni Robredo ako pa rin ho ang inyong radyo man Ely Saludar. Muli po isang magandang umaga, Pilipinas.

    [BISErbisyong LENI Outro 47:36 - END]

    [END 48:00]

    Posted in Transcripts on Jan 16, 2022