This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong Leni Episode 246

    BISErbisyong Leni Episode 246

    [START 2:53]
    ELY SALUDAR: January 23, 2022, magandang umaga ako pa rin ang inyong Radyo Man, Ely Saludar. At siyempre, tuloy-tuloy lang ho tayo sa mga pagtugaygay, siyempre sa mga aktibidad ng ating Bise Presidente, Leni Robredo. At mula pa rin dito sa DZXL 558 Manila, tayo po ay napapakinggan sa DYHP Cebu. Gayun din po sa RMN DXCC Cagayan de Oro; RMN DXDC Davao; RMN DWNX Naga; at siyempre sa lahat po ng ating inaabot ng broadcast nationwide, netwide, magandang umaga! At ako pa rin po ang inyong Radyo Man, Ely Saludar. So, mga kasama, at bigyan lang ho natin– bigyan po natin ng pahapyaw, sulyap, ito hong mga naging aktibidad ni VP Leni sa nagdaang linggo.
    Noong Lunes, siya po ay bumisita diyan po sa ‘yung Swab Cab sa Antipolo. At nakaharap rin niya po ‘yung RizaLeni Meet and Greet, oo, iyan dumalo ho siya diyan via Zoom. At gayun din kinabukasan, mga kababayan, ay binisita rin ho ni VP Leni ito hong Swab Cab sa may Makati, iyan po sa Ayala Circuit, Makati. At nagkaroon din po yung—yung Laguna Meet and Greet via Zoom, mga kababayan. At kinabukasan, sunod-sunod ho, ay Miyerkules, ‘yung Kakampink Wednesday with VP Leni: Rosas ang Kulay ng NCR, via Zoom po iyan, mga kababayan. So, sa ngayon talagang ano ‘yung aktibidad mas– talagang mas madami, mas magiging abala. Kasi ito hong– ‘yung mga Zoom na ito, mga kababayan, dahil sa kahit na ano pupwede, dikit-dikit hindi ka na bibiyahe, di ba? Magsu-switch ka lang sa ‘yung laptop, okay na, mga kababayan, di ba?
    [4:59]
    Lipat na, halimbawa ito: isang pagpupulong na ganito, papahinga ka lang ng ilang minuto siguro tapos sabak ulit, pupuwede dahil sa hindi mo na kinakailangang bumiyahe, mga kababayan. At ‘yun din po ay, pinuntahan din ni VP Leni ‘yung– ‘yung ano– Vaccine Express dyan po sa Magarao Central School, sa Magarao Camarines Sur, mga kababayan.
    So, ‘yun ho, ang dami ho, mga kababayan, at siyempre ‘yung siguro dami naman hong nakaalam ho, mga kababayan, at ito ho ‘yung Meet the Presidentiables Economic Reforms in the New Frontier, via Zoom din po ‘yan, mga kababayan. At lumahok po diyan si VP Leni, at kayang ibinahagi ‘yung kanyang economic platform sa nasabing event, na kung saan ay may titulong: Meet and– Meet the Presidentiables Economic Reforms in the New Frontier, okay? So, ‘yun pong forum na iyan ay naglalayon na siyempre, magsilbing daan para po kay Vice President para kanyang ibahagi sa business sector ‘yung kanyang mga plataporma pang-ekonomiya. At siyempre ‘yung pagdidiin na—yung kahalagahan ng economic reform dahil sa nap—at gayon din po sa pag—sa pagdiskusyon at siyempre pagtalakay sa iba’t-ibang mga isyu sa ating bansa.
    Pagkatapos po niyan, ay nagkaroon po ng– ‘yung Kumustahan with Leni, ‘yung sa Bataan, Zambales, and Olongapo, via Zoom, so ‘yun po, mga kababayan. At ‘yung kanyang mga taga-suporta doon, so kanyang nakausap, via Zoom po iyan, mga kababayan.
    At ‘yun din po ‘yung Robredo People’s Council Palaweños for Leni, via Zoom din ho, mga kababayan. So talagang napakarami ho, ng mga pinag-usapan, at naging aktibidad ni VP Leni, mga kababayan.
    At isa rin ho sa– alam nyo naman siguro, kagabi no, nasa himpapawid na ‘yung interview, mga kababayan, sa mga presidentiables. At sa lima hong inimbitahan ay meron pong isa na hindi sumipot dahil sa kanilang paniniwala na biased di umano ‘yung mag-iinterview. So, kani-kanya ho ‘yan na mga pahayag, pero doon po ay maganda po ‘yung mga pagkakataon na ganyan, mga kababayan, kasi, ay nailalatag mo ‘yung mga plataporma at magaganda ‘yung mga tanong– mga magaganda ang mga tanong na kung saan ay malalaman ho natin kung ano ‘yung magiging patakaran kapag siya po ay naging pangulo ng bansa. Bawat ho– lahat ho ng mga kandidatong president, nandoon po si– siyempre si VP Leni Robredo, sina Senator Ping Lacson, Senator Manny Pacquiao, at Manila Mayor Isko Moreno, mga kababayan.
    So ‘yun po, naibahagi po nila ang kanilang mga magiging patakaran, polisiya, kapag sila po ay naluklok sa Malacañang bilang pangulo o lider ng ating bansa. So ‘yun ho at nalaman din dyan, kagabi nasahimpapawid ‘yan na sa disiotso oras na nagtatrabaho si VP Leni, sa social media mayroon nagsabi dose oras lang tayo ano– ang daming tanong saang planeta ba ito? Bente kwatro oras po tayo [laughter] bente kwatro oras po tayo sa loob ng isang araw, dito po sa ating bansa, sa ating mundo. [laughter] Kaya ‘yung iba talaga, hindi nag-iisip po, basta makabanat lang, mga kababayan, di po ba? So, ‘yun ho, at least maliwanag ho ‘yun ha? Meron pa palang mga Pilipino na ang pagkakaalam po nila, sa loob ng isang araw, labing-dalawang oras lang. Tignan nga naman talaga oo [laughter] hindi ho nila alam, bente kwatro oras. [laughter] Kaya nga ‘yung iba pinapalagpas pa, di ba? May mga ibang restaurant twenty-five hours na bukas sila. [laughter] Bente kwatro oras, mga kababayan, ‘yun ho. So sana po ay talagang ano, maging bukas ho tayong lahat at siyempre, may kani-kanya tayong mga pananaw, di po ba?
    [Break 09:36-09:54]
    ELY SALUDAR: Ok oras na ho natin mga kasama, 9:13 na ho ng umaga. At mamaya, 9:30 ay isasalang na po natin at isa pong– isa po sa mga kandidatong senator, senatorial guest ni VP Leni, si Senator Richard Gordon, mamaya ho ‘yan, 9:30 pero ito ho muna, mga kababayan, pag-uusapan ho natin ‘yung mga kinalaman pa rin ho sa pagresponde ng ating gobyerno dito po sa, di ba sa COVID? At ang Office of the Vice President talaga namang kilala na ho natin at matagal na ho nating alam na tumutulong sa kabila po ng, di ba na limitado po yung kanilang resources, ‘yung budget po ng OVP, pero ‘yan po ay naitataguyod dahil po sa mga, naku, napakasisipag ho at talagang napakagagaling na mga volunteers at iba pang partners ho ng OVP.
    So, alam niyo ho, ngayon ho importante ho ito at [laughter] actually request ko po ito na magkaroon ho tayo ng panauhin na doktor. Kasi alam nyo ho marami ho sa ating mga kababayan ‘yung iba nakakaramdam ho ng kung anu-anong mga sakit, trangkaso, ‘yung iba ayaw nang magpa– magpatest kasi alam nila magiging, di ba, magpo-positive din ‘yan ng COVID ‘yung iba sa sariling sikap po, mga kababayan. At sa dami ho ng mga, di ba, gustong magpakonsulta ngayon sa mga– sa mga doktor online, talagang mahirap din pong lumusot. Kaya dito minabuti po natin, dito sa Biserbisyong Leni, sa RMN, mabigyan ho natin ng gabay ‘yung ating mga kababayan, lalo na ho ‘yung mga nasa probinsya.
    Kasi mula po dito sa Manila, DZXL, tayo po ay napapakinggan sa Cebu, sa Cagayan de Oro, Davao, at Naga, at siyempre sa lahat po ng mga may social media account, Facebook, napapanood at napapakinggan din po tayo. At sa pagkakataong ito ay makakausap po natin Dr. Jonathan Sy ng Bayanihan E-Konsulta volunteer, mga kababayan. At siya po ay nagtapos sa UP College of Medicine noong 2017, at kasalukuyan po siyang volunteer physician para po sa Bayanihan E-Konsulta. Doc, magandang umaga po sa inyo!
    DR. JONATHAN SY: Magandang umaga din po, Ka Ely! At magandang umaga din po sa ating mga tagasubaybay ngayon.
    ELY SALUDAR: Opo at unahin ko Doc ang tanong, kumusta po ‘yung ating Bayanihan E-Konsulta ng OVP? At talagang napakarami ho ng mga kababayan natin ang nangangailangan ng mga payo mula po sa ating mga doktor sa ginta po ng, di ba matindi po ngayon yung Omicron. Pero parang kahalintulad lang nito ng– ang sinasabi trangkaso lang ‘yan pero kapag nagpatest ka, COVID ka. So ano ho–
    DR. JONATHAN SY: Opo, Ka Ely.
    ELY SALUDAR: Opo, so kumusta po ‘yung ating E-Konsulta bilang volunteer po kayo doon at tumatanggap ng tanong ng ating mga pasyente?
    DR. JONATHAN SY: Okay, so sa E-Konsulta– sa Bayanihan E-Konsulta, at the very least, ngayon nakakaranas kami ng surge sa mga pasyente. At karamihan din sa mga pasyenteng nagpapakonsulta, parang may kinalaman sa ubo’t-sipon may chance na– mataas ang chance na COVID. At ‘yung nakakatakot pa doon, Ka Ely, is ‘yung iba pang mga pasyente namin, hindi sila solo sa bahay. May mga kasama sila sa bahay, mga anak nila, mga kapatid, asawa, na nagkakasakit din, na nababalitaan din namin sa– pag nagpakonsulta na sila sa amin na hindi sila makakuha ng slot para sa consultation. So, ayun, damang-dama po ang surge sa Bayanihan E-Konsulta.
    ELY SALUDAR: Opo so, kaya nga nagrequest ako, Doc, na may makausap dito sa atin, sa Biserbisyo Leni dahil sa talagang—sabi nyo nga may surge, umaapaw po talaga at ‘yung iba hirap pong makalusot. At sa pamamagitan po ng palatuntunang ito ni VP Leni, napapakinggan nationwide, netwide, so siguro baka ‘yung– ano ho ba ‘yung mga pangkaraniwang tanong, Doc, nga ating mga kababayan?
    Kasi ito hong COVID, ‘yung mga sintomas, parang kahalintulad na po ng mga trangkaso, lalo na ho itong Omicron. Kasi di ba ‘yung mga dating variant, di ba nawawalan ka ng panlasa at pang-amoy? Dito po sa Omicron, may panlasa ka, so parang naikukumpara pa rin sa trangkaso. So, ano po ang inyo pong maipapayo po sa kanila, para malaman po nila ‘yung dapat nilang gawin kung di man sila makalusot dito po sa ating Bayanihan E-Konsulta?
    DR. JONATHAN SY: Okay, so doon sa usapang variant, sa Omicron, napansin naming pinag-iba nito sa mga dating variants ng COVID ay mas tinatamaan niya po ‘yung lalamunan natin. ‘Yung kadalasang nararamdaman po ng mga pasyenteng nakakausap po natin ay mga ano—nararamdaman nila: sore throat, nangangati po, minsan may kasama pong sipon.
    [15:06]
    At para naman po sa ating mga kababayan na hindi po makakuha ng konsulta dito sa Bayanihan E-Konsulta, ang good news po diyan is, ang page ng Bayanihan E-Konsulta sa Facebook ay may directory po silang pinost na hindi ko lang po alam kung kailan. Mayroon po siya, makikita nyo po doon sa feed nila may directory po sila ng ibang mga telemedicine services na pwede pong i-avail ng ating mga kababayan at marami po sa mga ito ay libre din po. Maliban po doon sa nakalista po doon sa directory ng Bayanihan E-Konsulta for Office of the Vice President, mayroon din pong telemed services ang PGH sa Telegabay sa Facebook; Cebu Telegabay, sa Vicente Sotto Medical Center naman po ‘yan; at may directory din po sa DOH. I think nakapost din po sa mga social media accounts din po nila ang mga– ‘yung mga directories ng mga websites, mga phone numbers, mga accounts sa social media at iba pa.

    ELY SALUDAR: Sa sa ngayon ho, siguro– bilang doktor po, ay ano po ‘yung, ‘yung mga pupwede kasi ‘yung iba talaga hindi na ho makalusot. Hindi naman maka– ‘yung iba wala namang kakayanan na, kasi kadalasan mga check up po ngayon online, papa-Gcash mo na lang or Paymaya, kung anuman. Sa inyo po, Doc, ano po yung mga dapat na gawin at yung binabanggit niyo na ‘pag nakaramdam na agad ng sintomas kinakailangan i-isolate ang sarili sa iyong bahay? Pero ang problema, Doc, yung iba nating kababayan ay wala namang sariling kwarto, ‘di po ba? So ano pong mga pwedeng gawin? Tapos kung lalapit naman po sa kanilang mga LGU, punong puno na po yung mga isolation facilities. So ano po yung mga pupwedeng gawin, Doc?

    DR. JONATHAN SY: Kung sakaling may maramdaman po tayong sakit na sa tingin natin na posible ay COVID, lalo na sa ating sitwasyon na karamihan ng mga kababayan natin na karamihan sa mga Pilipino ay hindi solo nakatira sa bahay at may kasama sa bahay, kung sakaling may maranasan tayong sakit, una sa lahat ay mag-isolate tayo. Kung pwede pong kanya kanyang kwarto, kanya kanyang banyo.

    Ngunit kung ‘di po natin ito magagawa, kung pwede mag-share ng kwarto yung mga may sakit at isa naman pong kwarto yung mga wala naman pong sakit at mag-mask na po tayo sa bahay para maiwasan po natin ang hawaan kung sakaling mayroon pa sa ating di na-detect. Para sa bahay naman, let’s see. Hindi naman bawal lumabas ng kwarto. Pwede naman po lumabas. Kung sakali po, mag-mask lang po tayo. Tapos sa mga kasama sa bahay, lalo na sa ating mga kwarto, buksan po natin ang ating mga bintana para mag-circulate, umikot po yung hangin para lumabnaw at ma-dispel po yung virus na naiipon sa hangin sa loob ng bahay. Kung sakali, mabubuga po siya.

    ‘Yung mangyayari po diyan is hindi maiipon yung virus. Tapos kapag dinisperse na po ito ng hangin dahil malamang mas mataas na ang transmission ay airborne sa COVID ay‘di na po siya maiipon sa dami na makakahawa pa ito ng ibang tao. Pero ‘wag naman doon sa bintanang nakaharap sa kapitbahay para lang safe po. Tapos ugaliin lang po natin ang paghugas ng mga gamit sa bahay, mga kinakainan, plato, kubyertos at iba pa. Punasan natin lang ‘yung mga madalas hinawakan sa bahay tulad nung mga pintuan, cabinet, mga gamit sa CR at iba pa at mag-mask sa bahay. ‘Yun po. May tanong pa po sila?

    ELY SALUDAR: So at least yun nakatutulong po tayo, Doc. Kasi alam naman po natin talaga yung mga sitwasyon…

    DR. JONATHAN SY: Sorry po, Ka Ely, follow up lang pala. Minsan may nangyayari na isang pamilya positive sila, may sakit. ‘Pag ganoon siguro, choice nila kung ayaw nila mag-mask kasi lahat sila may sakit. Sige, ‘wag na mag-mask kasi lahat kayo may sakit or positive na. My colleagues might disagree with me. Pa-correct nalang po ako ‘pag magkamali or may kulang po akong nasabi. Sorry, ‘yun lang po. Ka-Ely, you were saying?

    ELY SALUDAR: Doc, kasi ‘yun nga binabanggit ko na lahat naman ay walang kakayanan mag-isolate sa kani-kanilang tahanan, so okay po ‘yung sinasabi niyo na lahat mag-face mask. Pero ano pa ba sa mga pangkaraniwan, ‘yung nakaramdam ng pangangati ng lalamunan, ano po ba ang dapat na gawin? Ano, iinom ba agad ng gamot? Ano po ba ang dapat na gawin?

    DR. JONATHAN SY: So para doon sa mga sintomas na nararanasan natin, several po ‘yan. Halimbawa po ‘pag mayroon tayong nararamdaman na pangangati sa lalamunan, nakakatulong po ‘yung mga ibang home remedies na alam natin tulad po ng pagmumog ng tubig na may halong asin . ‘Yung iba naman po hinahaluan pa nila ng kaunting katas ng kalamansi o lemon. Depende po ‘yan sa pasyente. Minsan ‘pag sobra po yung lagay natin ng ganoon baka mas nakakapangati o nakaka-irritate sa lalamunan. So moderation pa rin po.

    Tapos, para naman po sa– iwas lang po tayo sa mga extremes na mga pagkain, ‘yung tipong sobrang asim, sobrang anghang, sobrang init, sobrang lamig. Okay naman po uminom ng malamig. ‘Wag lang po sobrang babad sa yelo baka ma-ano naman ang lalamunan natin, for example.

    [20:10]

    Para naman po sa sipon, meron tayong mga over-the-counter decongestants, mga kilalang brands na nakikita natin sa TV. Meron na siya– kadalasan may kasama siyang paracetamol. Kaya halimbawa may pananakit sa katawan o lagnat, hindi na kailangan magdagdag pa ng hiwalay na paracetamol. Pag wala– maliban po sa gamot, makakatulong din po ang pag-inom ng tubig. Masustansyang pagkain hanggang sa maari. Tubig din talaga lalo na kung masama ang pakiramdam natin, makakatulong din talaga na bumuti o siguro ano, mabawas-bawasan yung lagnat at ma-washout ng katawan natin.

    ELY SALUDAR: So, Doc, maganda yung mga nabanggit niyo. Kasi kadalasan yung nagiging perception, halimbawa bibili ng ganitong brand ng gamot “Naku ang sakit ng katawan ko, mga kasukasuhan” tapos may sipon tapos iinom pa ng iba na talagang paracetamol. Meron na palang sangkap doon na paracetamol so ‘wag nalang dapat madoble.

    DR. JONATHAN SY: Opo, sir. ‘Yung nakikita po natin doon sa mga packaging ng mga gamot, andoon po mga generic names niya na may kasama, halimbawa propanolamine, propenamine paracetamol. At ‘yun pa pala po, Ka Ely, iba’t iba ang decongestants natin: may no-drowse at may nakakaantok. Kadalasan nakakaantok ang isa sa mga side effects niyan so kung magmamaneho po tayo, mag-ingat tayo. Makikita po natin kung nakakaantok po ito kung may kasama siyang sangkap na chlorpheniramine if ‘di po ako nagkakamali. At ‘yung makikita din po natin sa generic yung paracetamol, ‘yun po ‘yung isa sa mga brands natin gaya ng Biogesic paracetamol, doon po natin makikita sa generic. Kung sakaling walang paracetamol doon sa kasamang decongestant, kailangan natin uminom ng hiwalay. Pag kasama na doon at may lagnat o sakit sa katawan o ulo, ‘di na kailangan maghiwalay pa na paracetamol. Tandaan lang po natin na ‘yung paracetamol may side effects po siya ‘pag sobra po ‘yung inom natin na more than 4 doses within 24 hours– opo, a day. Baka magka-side effects po ito gaya ng sumakit po ng kaunti ang atay natin sa pag-process po ng mga nutrients at gamot at metabolism po.

    ELY SALUDAR: Ayan maliwanag at napakaganda po ang naibibigay natin na impormasyon sa ating mga kababayan. ‘Yung salabat, ‘yung ginger, okay ba ito sa sore throat?

    DR. JONATHAN SY:At the very least na masasabi ko for salabat is, let’s see. Marami rin pong nagsasabi na nakakatulong po ang salabat dahil may sangkap po siyang luya. Lalo na sa mga kilala natin singers, nakakatulong daw po ang pag-inom ng salabat o kahit na anong may sangkap na luya para sa boses. Sa tingin ko nakakatulong naman po siya. Personally, wala pa akong nakitang study na nagsasabing mabisa siya o hindi. Pero personally, at the very least, pwede nating subukan. Kung hiyang po sa atin, sige tuloy po natin ito.

    ELY SALUDAR: Okay, Doc. Kasi po nabalitaan mo rin sa mga nakaraang araw ay ang haba ng pila sa mga drug store kasi meron silang partikular na brand na hinahanap. Pero kasi parang ‘di pa ganoong katiwala pa ang ating mga kababayan kapag generic name, halimbawa paracetamol, kasi may partikular na brand sila na hinahanap. Parang wala nga pong tiwala. So bigyan niyo nga po ng gabay ang ating mga kababayan patungkol sa puntong ito.

    Naka-mute, ‘no. Nasira ang linya. Nawala ang WiFi ni Doc. Balik tayo.

    [Break 23:47-23:54]

    Okay, mga kasama, oras na po natin ay 9:27 na ho ng umaga. Maya-maya lang po, mga 9:30, makakasama na po natin si Sen. Richard Gordon para malaman po natin kung ano po yung kanyang mga balakid, mga ginagawa at ‘yung mga nais pang maipagpatuloy, ‘no– ‘yung mga nais pang maipagpatuloy sa Senado, mga kababayan.

    So nawala Internet natin?

    Kasi alam niyo po ito, dito sa BISErbisyong Leni, kasi talagang apaw na po. Itong Bayanihan E-Konsulta, libre po ito at proyekto po ito ng Office of the Vice President, ating mga kasama. Marami rin pong mga online. ‘Di po ba ngayon ang dami din pong magpapakonsulta ka online, ‘di ba? May bayad, mga P200, P300, P500, P1,000. Pero dito po sa libre talagang umaapaw po.

    [24:54]

    Alam po natin na ang hirap ng buhay ngayon para sa ating mga kababayan at minabuti po ni VP Leni na mabigyan po ng pagkakataon ang ating mga kababayan. Kasi po sa ibang mga probinsya, hindi naman lahat may Internet na nakakapanood sa Facebook o kung ano man at nalalaman kung ano ang nangyayari sa kanila. Marami po doon puro sa radyo lamang po umaasa.

    ‘Yang RMN, DZXL dito sa Maynila, diyan po sa Cebu DYHP, DXCC sa Cagayan de Oro, DXDZ Davao at DWNX sa Naga, naku ang dami pong nakikinig doon na ating mga kababayan. ‘Yung iba naman wala namang mga smartphone. May mga telepono, pang-text lang po. Pang-text o pantawag pero yung smartphone na mayroon po silang mga social media, pwede silang mag-search ng kung anu-ano na may kinalaman sa kanilang nararamdaman, wala po.

    Kasi, siguro po dito sa Metro Manila, marami po na may mga, halimbawa ‘yung kanilang mga telepono ay magaganda na pwede kang mag-search na parang laptop na po, ‘di po ba? Sa probinsya, hindi po lahat. Maging dito rin sa Metro Manila may mga ganoon tayong kababayan na ‘yung kanilang telepono ay talagang telepono lang po. Pantawag at pang-text lang po. Ngayon may mga promo-promo kasi, ‘di ba? Unli-call o unli-text ba ‘yun? Kaya lang walang data, dependent kasi sa cellphone. Kung maganda yung cellphone mo, smartphone, ay pwede kang gumamit ng data. So ganoon po para makapag-research ka, para kang naka-laptop.

    Kaya, ‘yun ho, minabuti po ng BISErbisyong Leni na mabigyan po ng pagkakataon na on-air yung ating mga kababayan, yung mga pangkaraniwang pwedeng gawin, yung ating mga ginagawa, yung mga sitwasyon. Halibawa talagang may mga tao, may mga pamilya na ‘di naman ganoong kalaki ang bahay. Minsan wala kang kwarto, ‘di ba?

    Doc, balik ho tayo, Doc.

    DR. JONATHAN SY: Hello, Ka Ely.

    ELY SALUDAR: Okay, siguro pang huling tanong na lang ito. Kasi kadalasan po ‘yung ating mga kababayan, yung sa partikular na brand, sila– yun ang hinahanap nila na paracetamol. So ano pong masasabi niyo dito? Lahat po ba kahit generic po ‘yan, basta kinakailangan ay mabisa po ito?

    DR. JONATHAN SY: Opo, Ka Ely. Bale ang turo rin po sa amin ngayon ay kung magre-reseta po kami ng gamot, ang ilagay po natin sa reseta ay generic name ng gamot. Bakit? Para makapili rin po ang ating mga pasyente ng brand. Halimbawa, at the very least yung gamot na may ganitong sangkap, ay makakatulong sa sakit nila at kung may preferred po sila na brand, pwede po nilang bilhin ‘yung brand na ‘yun. Kapag wala naman po yung brand na ‘yun sa botika na pinuntahan nila ay makakabili rin po sila ng ibang gamot na ganoon din po yung sangkap. Kahit paano makakatulong din po sa kanila ‘yun. Tapos may kwento rin po tayo sa mga pasyenteng minsan hiyang sila sa ganitong brand, hindi sila hiyang sa ganoong brand. It happens. Hindi natin ma-quanitify lalo na ngayon sa kalagitnaan ng pandemya. So, hanggang sa makakaya ay ilagay natin ang generic sa reseta para kahit paano may options ang mga pasyente.

    ELY SALUDAR: So, Doc, yung mga sinasabing hiyang-hiyang sa brand, pero yung sangkap po ba, halibawa ng isang paracetamol, may mga timbang ‘yon kung ilang milligrams, ‘di ba pare-parehas lang naman? Para bang nasa isip lang na gusto kong ganitong brand?

    DR. JONATHAN SY: ‘Yung iba po ganoon. Halimbawa, ‘yung iba, gawa ng ganitong kampanya, may resources sila para mag-advertise o i-market ang produkto nila. As opposed to, halimbawa, kami sa PGH ‘yung ibang nakukuha naming gamot na nabibili ng mga pasyente, or binibigay na mga supply sa amin ay ‘di siya ‘yung mga kilalang pong brands.

    ‘Yung COVID care kits po ng Bayanihan E-Konsulta, Ka Ely, ‘yung mga brands nakita ko ang mga ibang samples. At least nakita ko sa pictures from the Internet sa social media na ‘yung mga gamot na ginagamit doon sa mga COVID care kits ay ‘di siya ‘yung mga sikat na brands. Maliban nalang siguro yung mga, occasionally, disinfectant dahil siguro private partnerships na ‘yun with the OVP. Pero ‘yung mga gamot napansin ko na ‘di ito yung mga kilalang brands which is also a good thing because parang meron– locally made pa siya tapos de kalidad pa siya. I mean, who knows, ang dami na sigurong naitulong ng mga ‘di kilalang brands na ito.

    ELY SALUDAR: Okay, Doc, salamat po sa inyong oras. Siguro sa mga susunod magkukumustahan pa ulit tayo.

    DR. JONATHAN SY: Salamat po, Ka Ely.

    ELY SALUDAR: Mensahe niyo po sa ating mga kababayan na nakikinig nationwide, pati sa iba’t ibang mga probinsya. Iyong iba kasi kaya minabuti po ng BISErbisyong Leni na makausap po kayo, Doc, on-air kasi may kababayan po tayong may telepono sila pero call and text lang, hindi smartphone. So wala po silang acces na makapag-search sa kung ano man, sa Google o kung saan. So ano po ang inyong mensahe sa kanila at sa .sa gitna po ng nararanasan po natin ngayon no, 'yung pandemya?

    [30:10]

    DR. JONATHAN SY: At the very least huwag po tayong mahihiyang magtanong. Pag meron po tayong mga tanong tungkol sa sakit o sa gamot, puwede tayong magtanong sa ating mga health centers. Nandito po tayo para sagutin ang tanong ninyo, para tumulong po sa inyo at lalo na sa panahon ng krisis ngayon sana magtulong-tulungan po tayo para maibsan natin ang pandemyang ito, matugunan natin ito at higit sa lahat pag-isipan po nating maigi ang gagawin natin sa Mayo sa eleksyon. 'Yun po.

    KA ELY SALUDAR: Okay. Doc, salamat po sa inyong oras ha. Ingat ka lagi.

    DR. JONATHAN SY: Salamat din po Ka Ely. Ingat din po sila.

    KA ELY SALUDAR: Mga kababayan 'yan po si Dr. Jonathan Sy, isa pong Bayanihan E-Konsulta volunteer. At 'yan po talaga mga tumutulong, walang pagod na tumutulong sa ating mga kababayan sa gitna po ng pandemya.

    Alam niyo ho sa panahong ito talagang napakalaki po ng papel na ginagampanan po ng ating mga doktor, lahat po ng mga healthcare workers. So, sila po talaga ang tunay na bayani o mga bagong bayani sa panahong ito, mga kababayan.

    At siyempre sa ating mga listeners ho, minabuti po ng palatuntunan na may mga kausap po tayong doktor on-air para malaman niyo po 'yung mga dapat na gawin. Kasi, marami hong mga pagkakataon na 'yung iba sasabihin "Hindi, basta takbo ka roon sa LGU," eh kung puno nga eh. Puno nga 'yung ano di ba 'yung mga isolation facility. Ngayon hindi na ho ganoon apaw sa mga ospital no, 'yung talagang gusto magpapa-isolate nalang po mga kababayan. Okay na.


    [BISErb Intro Music 31:44 - 31: 53]

    KA ELY SALUDAR: Okay mga kasama oras na po natin ay 9:35 na po ng umaga. At samantala–

    [BISErb Into Music 32:00 - 32:20]

    KA ELY SALUDAR: Okay oras na po natin sa buong kapuluan 9:35 in the morning. Samantala mga kababayan, makakausap naman natin via Zoom si Senator Richard Gordon at senatorial guest po sa grupo no, sa team ni VP Leni. Senator, magandang umaga po sa inyo.

    SEN. RICHARD GORDON: Magandang magandang umaga sayo Ely at kay Vice President at mag-iinterview pero pwede ka na rin.

    KA ELY SALUDAR: [Laughter] Senator tayo po ay napapakinggan– napapakinggan po tayo sa DYHP Cebu, Cagayan de Oro, DXDC Davao, DWNX Naga so–

    SEN. RICHARD GORDON: Mabuti lang 'yan kasi marami tayong ibabalita doon sa Cebu, sa Mindanao, dahil marami tayong ginagawa sa Red Cross na nagbibigay na tayo ng mga yero pati bakuna.

    KA ELY SALUDAR: Opo. Senator, kamusta ho muna kasi alam naman natin talagang ang PRC ay malaki– napakalaki ho ang tulong at ginagampanang papel sa gitna po ng pandemya dito po sa ating bansa. So, kamustahan kasi ngayon parang nakatutok ho ngayon sa mga testing at 'yung sa isolation. Kamusta ho ang ating proyekto po rito ng PRC?

    SEN. RICHARD GORDON: Well, ito, una sabihin ko pag sinabi niyang PRC, Philippine Red Cross 'yun pero ang Philippine Red Cross ang nagpapatakbo diyan from the Chairman which is me and the people, the secretary general, we work. Siguro hindi lang overtime. Kulang ang our hours of the day. Lahat sila nasa labas. Ngayon may typhoon pa, meron pa tayong pandemya. Alam niyo naman na from the very beginning sa pandemya, pumukpok na ang PRC sa mga testing at ngayon saliva testing. Ang sinasabi ko nga diyan imbes na 'yung tinatawag nating antigen test na kung minsan hindi natin mahagip, alam mo ba dinadala pa namin 'yung saliva test ngayon by motorcycle dito sa Manila, sa kamaynilaan at para pupuntahan na lang sila, kukunin 'yung saliva test at gagawing– nakakapag-hanapbuhay ang mga– mga motorcycle riders natin. Gagawin ko rin 'yan sa Visayas saka sa Mindanao para masugpo talaga 'yung problema natin sa COVID. Ang tingnan mo Ely– sorry napalawig ako sa ibang lugar.

    KA ELY SALUDAR: Pero Senator, kasi ngayon parang ang binabanggit ho ng DOH eh hindi na sila masyadong– 'yung kanilang atensyon sa mass testing eh kasi ang dami na raw hong may mga positive eh parang– ano ho ba ang pananaw niyo dito sa Red Cross, Senator?

    [34:50]

    SEN. RICHARD GORDON: Huwag natin sabihin 'yan dahil lahat ng nababasa kong documents at mga sinasabi ng World Health– huwag nating– pag 'yung marami na magkakaroon tayo ng– sasabihin nila endemic na, sasabihin nila endemic. 'Yung iba nga sa kanila na galing sabi ng DOH, huwag kayong, sadyain niyo na magkaroon kayo ng Omicron– baka akala niyo hindi na kayo– bulletproof na kayo sa tinatawag nating viral sakit no. No, ang dapat talaga magpa-test dahil pag nagpa-test dapat malalaman mo kung ikaw merong sakit o 'yung mga katabi mo hindi magkakasakit dahil sa iyo. In fact dapat nag-iisolate ka pagka na-expose ko o pagka talagang meron kang tama ay dapat talaga alam mo ang gagawin mo dahil minsan nakakamatay 'yan kahit na ikaw ay nabakunahan na, nakakamatay. Lalo na 'yung hindi nababakunahan.


    KA ELY SALUDAR: Opo. So, Senator kasi ang isa rin sa pinaka-importante ho ngayon at talagang 'yung mga LGU eh dito nahihirapan, 'yung mga isolation facility kasi sa mga nakaraan di ba 'yung sa Delta punong-puno– umaapaw talaga ang mga ospital pero ngayon sa LGU naman napunta 'yung pasan sa mga isolation facility kasi marami pong gustong magpa-isolate lang kasi hindi naman ganoon kalala. Kadalasan 'yung mga tama ho ngayon puro mild lang.

    SEN. RICHARD GORDON: Go ahead Ely. Una, nagpapa-isolate ka kung wala kang lugar sa bahay mo na makaka-isolate ka ikaw lang, di ba?

    KA ELY SALUDAR: Opo. Tama.

    SEN. RICHARD GORDON: Halimbawa, pagka ikaw merong tama ka or may symptoms– sintomas ka, magkukulong ka sa kwarto at meron kang sariling banyo, sariling kubyertos. 'Yan ang dapat gawin. At bukas ang bintana dahil 'yung tumatama na 'yan nasa ere eh for one hour. For one hour nandoon sa bahay mo, nakasara lahat, lahat mahahawa, alright?

    So, pangalawa kung wala kayo noon then magpapa-isolate ka. Diyan papasok ang local government. Ang Red Cross meron kami sa UP at nagdadagdag pa nga kami sa Camia Dormitory kung hindi ako nagkakamali, dadagdagan namin ang mga naka-isolate doon. Sa Ateneo, nawala na sa isip ko kung nadagdag namin ang La Salle, kinausap ko ho si Bro. Armin Luistro at sa Cagayan pinabuksan ko, nanghingi ng permiso buksan 'yung sa Cagayan, okay 'yan.

    Ngayon, lahat ng chapter namin ang pinakiusap ko sa mga tao namin, mga volunteers and staff, maghanap ng mga lugar na puwede naming i-isolate. Pag nagpa-isolate ka, naka– may reminder ka, merong taga-bantay sayo doon at binibigyan ka ng sapat na tubig, sapat na– may pagkain ka kahit papaano at saka meron kang quarantine box na gagamitin mo. Meron ka ng tinatawag na pang-check ng iyong pulso, pulse oximeter at saka meron ka noong tinatawag na mga tuwalya mga ganyan para areglado ka. May sabon ka na, may toothbrush ka na doon.

    So, 'yun ang kahalagahan ng isolation pero kung hanggang kaya pa sa bahay, gawin niyo at kung di naman kaya, mag-ingat. Kung lahat kayo may tama na, kanya-kanya nang isolation. May pinsan nga ako malaking tao, ayoko lang sabihin baka mahulaan niyo eh. Eh, 'yung kanyang tatay, nanay niya, at saka mga kapatid niya tinamaan so naka-isolate sila. Ngayon tinamaan na pati tatay niya ano, so, nag-iingat ka ring maigi binabantayan ko 'yun dahil 'yun na lang kamaganak ko na sa side na 'yun na napaka-kwan. Kaya kailangan talaga binabantayan talaga at iniingatan ang sarili.

    KA ELY SALUDAR: Opo. Okay, so 'yan po 'yan sa COVID. Samantala Senator dito naman ho tayo, kamusta naman 'yung ginagawang pagtulong no at mga pagsikap po ng Philippine Red Cross dito po sa bagyong Odette?

    SEN. RICHARD GORDON: Well, tapusin ko lang 'yung sa COVID.

    KA ELY SALUDAR: Sige po.

    SEN. RICHARD GORDON: I just found out today na we have right now, limang bus ang umaandar na nagba-bakuna pero pinapaarangakada ko 'yan na maging balik siya sa 19 kasi alam mo ang gastos namin doon sa buses na 'yan umabot halos ng mga six million pesos, alright? Hindi sinasagot ng gobyerno, kami 'yan no at kung dadagdagan ko 'yan gagastos pa. I don't mind the gastos dahil may napagkukunan kahit na papaano ang Red Cross. Nakakahingi tayo katulad ngayon, merong isang malaking kumpanya, sasabayan niya 'yung buses, tutulungan niya tayo doon sa buses no. Ganyan ang ginagawa ko meron akong pinapahingian ng tulong. Tulad ng Starbucks, tumutulong sa akin 'yan sa mga buses no. Madaling sabi, 'yun nga, magpapasalamat nga pala ako kay Mommy Love ng Ceres no. Limang bus ang pinahiram namin 'yan noong nakaraang mga buwan no. Dalawang bus ang regular pinapahiram niyan pero lima kung minsan. Pinapaikot sa Visayas, sa Bacolod, sa Panay Island. Birthday niya ngayon. Happy Birthday Mama Love. Olivia Yanson, 88 years old pero laking tulong sa min niyan sa Red Cross, sa pagbabakuna, buses no.

    [39:57]

    So, ang sinasabi ko lang eh apart from 'yung ika nga testing, 'yung pagbabakuna, number one pa rin ang Red Cross sa testing. Hanggang ngayon nasa five million, almost 5,400,000 na ang tine-test natin at 'yan ay malaking bagay. At ang advice ko sa Department of Health, mas maigi gamitin niyo 'yung saliva test kaysa maglalagay tayo ng sariling administered. Pwede rin 'yun ang kailangan doon pag nag-administer ka ng antigen test, i-rereport mo. Ang problema sa antigen test, pag negative ka walang problema, pag nag-positive ka merong mga false positive, kung minsan nagfa-false negative. Kaya mabuti na 'yung PCR 'yan pa rin ang kwan niyan pero mas mura di hamak na 'yung saliva test. 'Yan ang itutulak ko ngayon sa mga probinsya.

    Dito naman, sa tinatanong mo dito sa–

    KA ELY SALUDAR: Sa Odette, sa odette.

    SEN. RICHARD GORDON: Sa Odette naku, napakalaking– hindi abala 'yung pagsisibli ng mga tao natin. Galing na ako sa mga lugar na 'yan, lahat 'yan makita mo nagbibigay na kami ng mga yero. Ang bigat ng mga yero kaya hindi mabilis ano. Pero, nagbibigay na tayo.

    Sa Surigao ngayong araw na ito 200– 150 families ang makakatanggap ng yero. Sa Bohol nakatanggap na ang 300 families ng yero. Eh alam mo ang tina-target namin Ely ay 30,000 ang magkakaroon ng shelter. Sana bahay ang maibibigay pero kulang kaya naka-dalawang meeting na ako sa mga ambahador ng ibang bansa dito sa atin at naka-dalawang meeting na ako sa international federation.

    Ang pinapakiusap ko, do not make this a forgotten disaster kasi nag-pasko, nakalimutan na 'yan. Tapos meron pang eleksyon ngayon tapos lumaganap pa itong COVID. siyempre, hirap rin 'yung mga tao natin, naka-mask 'yan, umiikot 'yan. So, kailangan ko kako matulungan natin ang mga tao. Number one ay shelter at saka magbibigay rin tayo ng pera. Nagbibigay na rin tayo ng ayokong tawaging ayuda kasi nagiging pala-asa ang tao. 'Yung tinatawag natin na cash grant, diresta na para 'yung cash grant magamit nila kung saan nila kailangan at nagbigay na kami diyan sa Cebu, sa Bohol at dadagsa pa 'yan. We're targeting– lahat 'yan 30,000 families ang target namin sa non-food item. Sa food, bawat pamilya 30,000 ang mabibigyan. Eh ang tinamaan Ely, ang tinamaan, 1,500,000 families. 'Yan ang sinasabi ng– talagang nawalan ng bahay ha. Mas malaki ito kaysa sa Yolanda. Mas malaki di hamak.

    Hindi ko naman pinapagmalaki pero dahil nahihirapan pa rin ang tao kahit na tumutulong ang Red Cross. Ang Red Cross sabi ng United Nation, 26 percent sa kabuuan ng mga tumutulong pati gobyerno, pati mga NGO, lahat, ang Red Cross ang nangunguna sa tulong sa 26 percent ang nakapagbigay na ng mga ayuda na pera, mga tulong na yero, 'yung mga payloader namin inayos 'yung mga lugar na nagibaan, mga kalsada makaabot. Ang tubig number one tayo sa tubig diyan. We have 19 water tankers na ang lumalaganap diyan at may mga bladder all over. Sa ngayon maipakita ko sana sa litrato, 'yan araw-araw 'yan hanggang alas dos ng madaling araw naglalako 'yung mga water-tanker namin nagbibigay ng tubig sa mga tao at binibigyan sila ng mga tinatawag nating water containers at pati 'yung kanilang mga, 'yung mga nawalan di lang naman 'yung mga bubong. Nagbibigay din tayo ng dalawang blankets, dalawang mat, banig, dalawang moskitero, dalawang kumot. Nagbibigay tayo ng mga hygiene kits katulad ng limang toothbrush kada family, limang sabon, limang panglaba at lahat kompleto no? At nang maraming foodpacks, higit kumulang– nagdala ng mga foodtruck nagbibigay ng pagkain, dadaan sa isang lugar papakain yung mga tao lalo na kapag nagbibigayan sabay-sabay na para hindi na naaabala sa pagkain. Kumpleto yun nabibigyan ang lahat ng tao.

    KA ELY: Opo, okay at a- maraming ano no mga problema diyan at kasi yung mga construction materials nagtaasan din at a may mga reklamo nga sa ano no yung sa pati sa port nagtaas pa sila ng mga ano eh ng taripa so talagang nahihirapan din ano. Parang mahihirapang makabangon kaagad no?



    SEN GORDON: Oo pinakamatagal yan. Aabutin yan ng mga dalawa taon Ka Ely no. Alam mo ba meron dito sa Manila yung mga Badjao, yung mga taga– Tausug sa Port Area dinagsa namin yan. I think about 200 families kung– ang binigyan namin ng tulong. Kahapon, 'tong nakaraang araw binigyan ng pagkain saka mga gamit para mabigyan sila diyan sa Port Area.

    [44:56]

    ‘Yan ‘yan pinuntahan namin yan dahil nabalitaan namin na may mga umaangal na may mga taong nagugutom na doon at dinalhan namin ng pagkain at saka yung tinatawag nating suporta ng Red Cross kaya napaka lawak talaga ng lambat na ibinabato at mabuti na lang malakas tayo sa buong mundo, tawag namin diyan locally stranded individuals puwera pa nung nai-stranded sa port nung bumagyo tinulungan din yan pero hanggang ngayon may mga locally stranded individuals hindi makauwi tinutulungan pa rin ng Red Cross ‘yang mga ‘yan.

    KA ELY: Opo, samantala sa iba pang issue at siguro napanood niyo rin Senator ano yung presidential interview at isa dun sa mga sumentro eh talagang yung katiwalian sa ating gobyerno at kayo ho bilang pinuno ng Senate Blue Ribbon Committee eh talagang diyan po nasentro no ang inyong komite sa mga sinasabing mga ‘di umano’y katiwalaan sa ating gobyerno. So dito ho yung sa Pharmally tapos na ho ba ito senator?

    SEN GORDON: Patapos na ‘yan at ‘yan ay talagang magkakaroon ng kaliwanagan ang mga tao at mapapatunayan natin talaga na maraming nangulimbat, maraming nakinabang diyan at nasa sa gobyerno na yan kung pafile-an nila ‘yan.

    Alam mo naman yung mga report natin marami nang nakakulong ano no. Halimbawa dun sa tinatawag natin dito sa Bureau of Immigration pinaka- ikalawang pinuno ng immigration dalawa sila nakakulong ngayon pati isang pulis na colonel na dati si– nakakulong na rin yun tatlo sila ano at ah– merong mga na-contempt sila Capt. Faeldon dating Customs Commissioner maraming– ngayon ay may mga charges, ‘yan sila Rodney Baloyo ‘yung Maj. Baloyo nakakulong pa rin hanggang ngayon sa Pampanga on drug charges. Customs broker si Mark Taguba for drug importation.

    Marami tayong tinamaan, naaaala nyo itong magkapatid na Dalgani? ‘Yung kapatid na babae pinagbigyan namin at nakikiusap yung nanay at hindi na namin– inalis na namin siya sa Senate pero yung kapatid niya na tuma– alam mo mahirap kasing patawarin dahil tumatakas eh, biro mo mage-eroplano ang china-charge diyan 150 thousand dollars yung eroplano para makalipad sa Dubai. Noong hindi makalipad kinuha nila KL tatlo silang mag-anak pasakay na sa Davao nahuli namin ‘yun. Pinahuli namin sa Senate OSAA at kaya sila nakulong at iwas pa rin ng iwas ngayon pinapakiusap naman kung puwede daw bumisita sabi ko nasa sa Senate security yan pero sa akin lang hindi ko na papalabasin dahil hindi ko na maasahan dahil tumatakas eh.

    ELY: Opo. Okay, so senator talagang grabe ho ‘yung ano no yung sinasabing katiwalian ano sa iba't-ibang ahensya nating gobyerno so kung muling kayo po ay bibigyan pa ulit ng pagkakataon ng taong bayan na makabalik at maipagpatuloy po ang inyong trabaho sa Senado. Ano pa ho ba yung mga talagang inyo pong tututukan at lalo na po sa isyu ng katiwalian?

    SEN GORDON: Tanungin mo ang tao. Ang tao yan ang tutugunan ko talagang hindi ko papabayaan talaga yan. Sa buong buhay ko hindi ako nagpapabaya dahil nasa Red Cross tayo 53 years na ako diyan. Lahat ng bahay siguro nasa 151 thousand na bahay na buong bahay ang nagawa ano? Sa Bicol, mag-iinugura ako ng 167 houses dun sa Bicol. Noong tinamaan ng Rolly pati Catanduanes nabigyan ng sampung libong yero yung mga tao diyan kung hindi ako nagkakamali. at marami tayong nagawa, pinadala ko pa yung barko ng Red Cross diyan. Ibigsabihin anong gagawin natin, anong mga problema talaga ka ely alam mo naman yan eh batikan ka na eh

    ELY: Opo

    SEN GORDON: Lahat sa apat na sulok ng Pilipinas, ang problema natin enforcement of law. Pero nung nakaraang linggo bago magsara ang Senado nagpostponed kami nag privileged speech ako dahil yung piskal dito tignan mo ah, ang dami-dami di ba hinahabol ko yang mga riding in tandem yang mga pumapatay. Si Fiscal Mendoza nag-iiskipping rope sa bahay niya ginapang siya sa likod araw na araw, tumago sa kotse nilapitan siya point blank parang pagkabaril sa tatay ko binaril sa ulo tatlong beses. Lumabas yung kanyang anak at akala nahimatay lang hinihila yung kamay yun pala patay na yung tatay niya.

    Eh tapos dina– tinutukan ko yan at pina-check ko sa staff ko, napag-alaman ko sa Cavite na nahuli raw nila 1 week pinakita pa yung video at yung CCTV ng motorsiklo na walang plaka hindi mabasa, ano. At tapos nahuli nila for drugs, pero nung mahuli na for drugs ito ang siste umamin raw di umano.

    [49:54]

    So case solved masaya ako. Checkin nyo kako kung sino ang mastermind, noong sinabi sa interview, sinabi niya raw sa mastermind hindi na lalagpas ng bagong taon patay yan. Eh kunwari nakausap niya ‘yung mastermind alam niya, chineck ko ngayon ang sabi hindi raw nila magamit pa dahil alam mo ang ginawa? Nabalasubas yung imbestigasyon. Dalawa ang affidavit na ginawa, dalawa ang mastermind ang itinuturo, papaano ka magsasampa ng kaso ngayon?

    So wala pang hustisya hanggang ngayon na naman yan. Eh iyang laban ko diyan yung maaga mong mahuli at makuha mo kaagad at masolve mo talaga yung kaso na talagang makukulong eh yan ang pinaglalaban ko parati yang enforcement of law.

    Gumawa tayo ng batas hindi pinapairal yung plaka sinisiraan pa ako, nagsisinungaling pa doble plaka. Wala pong doble plaka, ang plaka lang na malinaw na may color code para mahuhuli natin pagnanakaw yung motor ninyo malalaman ninyo.

    Pagka kayo hindi binigay yung plaka ng LTO within 5 days pwede na silang kasuhan. kaya pinakakasuhan ko ang LTO mismo maski masakit sa loob ko pero kailangan e. Tignan mo naman edad 12 taon na wala pang plaka ang mga motorsiklo ang karamihan. 18 million ang tagal na hindi naibibigay ganyan kalaki ang problema natin.

    Enforcement of law, yung mga tao na may mga ginawa tayong batas na dapat ay yun ay 200sqm na, may public land ka pwede ka na makakuha ng titulo hindi ka na dadaan sa korte eh gusto ko maimplement yan. Tatlong batas yan na ganyan milyon-milyon na Pilipino na magkakaroon ng lupa puwede ipamana, pwedeng ipangutang sa bangko, pwedeng magkaroon ng kapital para mapalago mapalaganap ang kanilang hanapbuhay kulang pa sa law enforcement yung mga ganyan.

    ‘Yan ang tututukan natin. kaliwa't kanang enforcement. Yang PhilHealth hindi nae-enforce hindi nababayaran yung mga hospital hindi lahat ng tao nakakakuha ng tulong bagamat malaking tulong pero kulang pa rin. Enforcement na naman yan. Lahat ng bagay. hindi nagbabayad ng buwis, hindi nahuhuli, enforcement na naman yan. Eh ngayon nga iniimbitahan ako sa Pharmally salasalabat na yung nahuhuli hindi nagbabayad ng mga buwis yang mga nagnakaw sa Pharmally wala pa akong nababalitaan. Nangako sa akin ang BIR, nangako sa akin ang Customs dapat hindi na kami hintayin dapat nakafile na yang mga kaso na yan di ba Ka Ely?

    KA ELY: Opo tama

    SEN GORDON: Hindi pa yan naka-file. So kailangan pupukulan– pukpukin mo na naman yan

    KA ELY: Okay so panghuli po Senator ano po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan na nakikinig ho ngayon nationwide at siyempre sa gitna po ng pandemiya ano napakarami ho pati yung mga kababayan natin may kani-kanila hong personal na problema. So ano ano ho ang mensahe nyo po sa kanila, Senator?

    SEN GORDON: Hindi ho solusyon ang pagboto lamang. Seryosohin nyo ‘yung pagboto. Piliin nyo yung mapagkakatiwalaan, hindi ‘yung nagbibigay ng ayuda, nagbibigay ng pera o ginigimik kayo dahil sila ay mga sikat sa entertainment business. Wala akong tinitira kung qualified naman, okay lang pero ang magbabayad ng kapabayaan ninyo kung hindi nyo pinag-isipan, kayo rin eh.

    Sabi mo nga, Ka Ely, hanggang ngayon kurapsyon pa rin ang problema. Bakit kung hindi marurunog ang inyong ilalagay natin, wala. Ang Blue Ribbon naman nung araw eh in fairness eh bihira naman ang nakakapagpakulong dyan na ganyan kahahaba yung hearing para mahuli.

    ‘Yung kailangan talaga yung huhulihi– yung ilalagay niyong mga tao nalalaman ang kanilang trabaho. Nagkakagulo tayo sa West Philippine Sea eh walang umiimik, kulang ang umiimik eh talagang nawawalan na tayo ng pagkain, nag-iimport na tayo ng galunggong dahil yung isda diyan sa West Philippine Sea dapat mapapakain ang buong bayan.

    ‘Yung mga palayan natin hindi nagagamit ginawan nga ng land reform law eh hindi naman nai-implement properly kaya hindi pa rin tayo self-sufficient sa rice, mag-aangkat pa tayo ng rice palagi.

    So, pare-pareho ang problema natin bata pa ako yan an ang problema. ginawan natin ng solusyon. Saan ang problema? Mali ang pagboto. Kulang ang enforcement at tayo talagang ganyan wala tayong magagawa dadaanin nyo na lang sa mga troll. Yung mga troll binabayaran hanap buhay na yan lolokohin pa ang tao eh talagang kawawang kawawa ang bansa natin.

    Kaya itong eleksyon na ito bantayan nyo sarili nyo at tignan niyo ang salamin pagboto ko, iboboto ko yung talagang makakatuong sa mga kaaanak ko na wasto hindi yung inabutan lang ako pansamantalang kaligayahan pero anim na taon na naman na hinagpis. Ang laki ng problema natin hindi pa tayo nakakalabas sa pandemic kulang ang trabaho natin. Nakikipag-banatan pa tayo sa buong mundo para lang makabangon sa trabaho. Iniwanan na tayo, ang militar natin hindi kayang labanan ‘yung malalaking bayan na kumukuha ng ating mga lupa at mga dagat. ‘Yan ang mga problema natin, harapin natin yan at wag niyong biruin. Huwag kayong susunod dun sa ika nga kagustuhan nila ang kailangan natin yung pangangailangan yan. Better to address the needs rather yung kati lang ng katawan at ‘yung akala natin ay masaya tayo pansamantala talo kayo palagi. Yan lang ang aking pakiusap.

    KA ELY: Okay Senator salamat po sa inyong oras dito po sa RMN sa Biserbisyong Leni ingat ho kayo lagi good morning.

    SEN GORDON: Thank you, Ka Ely, thank you very much God bless you all thank you.

    KA ELY: Mga kababayan yan po si Sen. Richard Gordon.

    [Break 55:16-56:10]

    KA ELY: Okay, mga kababayan naku maraming salamat po sa mga nagbigay ho ng mga kanilang mga mensahe dito po sa BISErbisyong Leni. Si Junio Amando Negreyo ng Guam, o si Jinky Peñalber mula sa– dito sa Makati. Mula po sa Riyadh, Saudi Arabia si Beb Sevilla Divinagracia, Elma Ivera mula sa Antique at sila Allan Duhenyo, Sormina Cona Zamboanga City, Danhill Mangilaya, at naku marami ho pasensya na po ‘yung mga hindi po ho natin mabanggit dahil kulang na po tayo sa oras at basta po'y lahat po ng mga nagbigay po ng mga mensahe ay ipapaabot po ito, ‘no, at tiyak mababasa po ito ni VP Leni at sa ngayon ay ipinapaabot na po yung kanyang pasasalamat sa mga patuloy na sumusubaybay at nakikinig dito po sa Biserbisyong Leni. Okay maraming salamat mga kasama hanggang sa muli sa susunod na Linggo ako pa rin ho ang inyong Radyoman Ely Saludar, muli po isang magandang umaga Pilipinas.

    [END 57:17]

     

    Posted in Transcripts on Jan 23, 2022