This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI Episode 247

    BISErbisyong LENI Episode 247

    [START 02:49]

    ELY SALUDAR: Okay, magandang umaga Pilipinas, Luzon, Visayas, at Mindanao. Isa na namang edisyon ng BISErbisyong Leni dito po sa RMN. At siyempre, ngayon po'y araw ng Linggo, Sunday! January 30, 2022. At siyempre, mula pa rin ho dito sa DZXL 558 Manila, tayo po'y napapakinggan sa RMN DYHP Cebu; RMN DXCC Cagayan de Oro; RMN DXDC Davao; RMN DWNX Naga; at siyempre sa lahat po ng ating inaabot ng broadcast nationwide, netwide. Magandang umaga. Ako pa rin ho ang inyong Radyoman Ely Saludar. At siyempre, mga kasama ay tuloy po ang ating serbisyo at pagbibigay po ng mga sapat na impormasyon.

    At alam niyo ho, lalo na po sa ating mga kababayan na- hindi lang ho dito sa Metro Manila, maging sa iba't ibang panig ng ating bansa ay makakuha po sila ng mga pahayag mula sa ating mga doktor. Kaya minabuti po namin, dito sa BISErbisyong Leni ni VP Leni ay makapag-huntahan ho tayo, 'no, dito po sa mga doktor. Kasi alam niyo, ang hirap hong makalusot, ha, sa mga, 'yung mga ano, 'no, 'yung online na makikipag-usap ka sa mga doktor.

    Eh pero sa Office of the Vice President, meron pa rin ho, ano, 'yung Bayanihan E-Konsulta, tuloy-tuloy po 'yan. At siyempre, sa ating mga kababayan, may mga nasa probinsya, alam niyo ho, hindi naman sila naka-smartphone eh. Marami ho, ano, kadalasan may mga telepono pero pantawag at text lang, lalo na po sa mga probinsya. Kaya dito ho sa inyo pong pakikinig sa mga himpilan po ng RMN nationwide, ay pupuwede ho kayo, 'no, na makakuha ng ano ba daw ang mga dapat na gawin, lalo po't tayo ay nasa gitna pa ng pandemiya.

    Ang report nga ay patuloy na - ngayon, 'no - tumataas ho ang bilang ng kaso, lalo na po sa mga lalawigan, ho, mga kababayan. Bagamat dito sa Metro Manila, ay bumababa na, 'no. Pero kahapon nagulat ako sa research, eh biglang tumaas parin, 'no, ang kaso dito po sa NCR.

    At samantala, mga kababayan, at ilan po, ano sa pahapyaw natin na pag-uusapan din, ito hong mga naging aktibidad ng ating Busy Presidente sa nagdaang linggo, mga kababayan. At 'yung patuloy ho na COVID response ng Office of the Vice President, oho, ito, nako napakarami na ho, ano. At patuloy na nagbibigay ho ng mga ayuda, pagtulong, tulad– lalo na ho 'yung mga ano, 'yung mga PPEs, ho, 'yan po 'yung ginagamit ho ng ating mga healthcare workers, at talaga namang napaka– 'yan po ang isa po sa pangangailangan, medical supplies, mga kababayan.

    At ito rin ho 'yung pagbisita po ni VP Leni dito po kay Bishop Severo [Vera 05:59] Caermare diyan po sa kaniyang tahanan sa Sicayab, Dipolog City, Zamboanga del Norte. Nakaubaya at nagkaroon po ng closed door meeting ang ating Busy Presidente. At 'yun nga ho, nagkaroon din po ng turnover ng antigen test kits sa provincial government ng Zamboanga del Norte, at city government ng Dipolog. Alam niyo ho, mga kababayan, ay sa gitna ho ng pandemiya, talagang napaka-importante ho nito ano. 'Yung ano, 'no, ‘yung mga ginagamit ho. 'Yung mga antigen test kits at para agad na malaman kung ikaw ba ay positibo o hindi, at agad na kung ano ang dapat na gawin, 'no. Na, siyempre kapag nag-positibo ka, agad kang maga-isolate at lalo na ho 'yung mga– ang problema ho dito 'yung mga may mga karamdaman eh, oho, para agad na mabantayan at makapagpasuri sa ating mga doktor.

    At bumisita rin si VP Leni dito po sa Dipolog City Volunteer Center. Nagkaroon doon ng turnover ng sustainable livelihood subsidy sa Kapunungan sa Gagmay'ng Mangingisda sa Concepcion, mga kababayan.

    At siyempre 'yung bisita rin ni VP Leni dito po sa Zamboanga Sibugay Provincial Capitol, mga kababayan, at na kung saan ay nakaharap po ni VP Leni itong Zamboanga Sibugay governor na si Gov. Wilter Yap Palma at Vice Gov. Rey Andre Oligario. At nagbigay din, 'no, nag-turnover din ng 8,000 pieces o 40 boxes, 'yung tig– kasi 'tig-dalawang daang piraso, 'no, ng bawat kahon– itong post-vaccination kits. Ayun. So, meron din ho, ano, sa LGU, at 'yung kits ay idinonate po ng OVP sa pamamagitan po ng Yellow Boat of Hope Foundation. Ayan.

    At binisita rin ni VP Leni si Bishop Julius Tonel, at ginanap po diyan po sa Zamboanga City Volunteer Center. At nagkaroon din po ng Meet and Greet, ho, para po sa 'yung We Serve For Leni Zamboanga. At bumisita rin, 'no, sa Pag-asinan community, diyan po sa Sulu, mga kababayan.

    So napakarami ho, ano, ng mga naging aktibidad po ni VP Leni diyan po sa area po ng Mindanao. At talagang patuloy 'yung pagtulong sa ating mga kababayan, at sa mga tinutulong ay siguro kahit papano ay, 'di ba, makaalpas po tayong lahat dito po sa pandemiyang ito, mga kababayan.

    Nagkaroon din po ng turnover ng antigen test kits at PPE sa provincial government ng Tawi-Tawi, at bumisita rin ang VP Leni sa Bongao Municipal Hall at nagkaroon din ng Meet and Greet, oho, Meet and Greet, ho. Humarap, at siyempre nagkaroon po ng kumustahan dito po sa mga volunteers, mga kababayan.

    At samantala, mga kasama, ho, napakarami ho ng mga iba't iba po, ano, diyan po sa Western Mindanao Command, no, bumisita po sa headquarters si VP Leni. At nagkaroon din po ng turnover ng COVID Care Kits sa city government ng Zamboanga. At 'yung official launch ng Ayudahan E-Konsulta.

    O, ito na ho, mga kababayan, at sa ilang sandali ay importante ho ito, ano, na makakausap po natin, dahil sa, 'di ba. Eh alam niyo ho, nasa gita po tayo ng pandemiya, at minabuti po natin na makasama natin dito sa palatuntunan ni VP Leni si– isa pong manggagamot o doktor. Ok na? Ok, nasa linya na po natin si Dr. Rufo "Boying" Llorin, Jr. At mga kasama, siya po ay siyempre mula po sa Naga City, at talagang nagsimula po 'yung pandemiya ay siya na po ang nangunguna sa mga COVID response initiatives. At siyempre, alam niyo ho, napakalaking tulong eh, pag mga ganito na, 'di ba, na 'yung mga nagboboluntaryo para po sa kapakanan ng ating mga kababayan.

    Doc, magandang– Doc Boying, magandang umaga po sa inyo. Good morning.

    DR. RUFO "BOYING" LLORIN, JR.: Good morning, Ka Ely, good morning po sa inyong lahat.

    ELY SALUDAR: Opo. Doc kumusta na po kayo? At minabuti po namin na makasama ho kayo dito po sa palatuntunan ni VP Leni. Tayo po'y napapakinggan, 'no, nationwide at sa iba't ibang mga panig ng ating bansa, sa mga probinsya. Kasi po, Doc, dahil sa ngayon, patuloy parin ho, ano, at ang pagdanas po natin ng pandemiya, ito hong COVID. At bagamat dito po sa Metro Manila ay bahagyang bumubuti na po ang kondisyon, pero sa mga probinsya ay tumataas po ang kaso.

    Kaya, Doc, siguro mas maganda ay magbigay po tayo ng mga payo at para dagdag kaalaman sa ating mga listeners, kasi sa probinsya, Doc, alam niyo naman ho, may mga telepono pero hindi po smartphone eh. Wala po silang internet. Cellphone, tawag at text lang ho okay na sa kanila eh. Kaya talagang napaka-inam parin na siyempre nakikinig po sila sa radyo, so napapakinggan po tayo doon sa pamamagitan po ng himpilan ng RMN. Una po sa lahat, Doc, kasi 'di ba sa E-Konsulta talagang, 'di ba nabubulunan din ho sa dami ho ng gustong magpakonsulta, 'di ba? Kumusta po 'yung Bayanihan E-Konsulta ng OVP?

    DR. RUFO "BOYING" LLORIN, JR.: April 7 po 2021, napasama na po ako doon. Hanggang ngayon po nandoon parin ako, Ka Ely.

    ELY SALUDAR: Opo.

    DR. RUFO "BOYING" LLORIN, JR.: Ang ano lang ay naramdaman ko po 'yung pangangailangan ng mga tao, lalo na noong nagsimula noong April 11, when I had my first patient po–

    ELY SALUDAR: Opo.

    DR. RUFO "BOYING" LLORIN, JR.: –isang reseta lang ng amlodipine para sa hypertension, hindi sila makalabas-labas dahil 'yung pasyente po, at ang buong pamilya, ay naka-isolate. Lahat po sila nag-positive. Medyo po bumigat 'yung karamdaman ko doon. For the simple reason of a prescription of amlodipine ay hindi makalabas. Takot, walang available na doktor na puwedeng gumawa. Kaya po 'yun po ang naghikayat sa akin na patuloy ang pakikisama sa inisyatibo ni Vice President Leni, through the Bayanihan E-Konsulta.

    Marami po ang nangyayari. I-share ko po sa iyo, Ka Ely 'yung [inaudible 13:33] eh, parang ang telekonsulta hindi sa– personally po, hindi ako sanay niyan eh. But you have to have a lot of imagination as if nakikita mo 'yung pasyente. Kasi kung meron pong mga karamdaman na kailangan makita mo talaga personally kung saan ang tama, saan ang pigsa, saan ang– ano itsura ng pasyente. Kaya we did all these things, and sa awa ng Diyos, naging successful naman po. Meron pong mga pasiyente na nag-positive sa COVID. They are so–tawag nito–helpless. Maririnig mo po talaga kung ano ang pangangailangan, ano ang kailangan na gawin sa kanila, ano ang pwedeng magawa.

    And speaking on the other line, on the other end of the line, sa isang doktor na– it boosts their morale. At least meron pa sa akin kahit hindi kami nagkikita ni doktor, na mabibigyan ako ng payo na makakatulong sa aking nararamdaman po, Ka Ely–

    ELY SALUDAR: Opo.

    DR. RUFO "BOYING" LLORIN, JR.: Marami pa po. Nagpapasalamat po ako sa team ko sa Bayanihan E-Konsulta, 'yung green team. Talagang napaka-sipag nitong mga batang ito. Mino-monitor po nila lahat ng pasyente. Pag sabi ko po na kailangan ko after 3 days, kailangan ko makausap ulit ang pasyente para malaman ko kung mayroon pa tayong gagawin o hindi.

    Mayroon po na kailangan padalhan ng oxygen at alam mo naman po kung walang healthcare worker sa bahay nila, kailangan malaman ng isang healthcare worker o kaya ng doctor na kailangan itaas mo na ‘yung oxygen requirement mo o ganito ang procedure mo, kailangan po marami kang dapat gawin. Kailangan gagawin natin ay ipadala ka na sa ospital.

    Mayroon po akong naging pasyente as far as Tarlac, grabe po talaga iyon. Kako sabi ko doon sa other end, sa Office of the Vice President, pwede ba tayong kasi yung pasyente po ay from Manila and she’s working in Tarlac. Pwede ba natin silang kunin o ma-monitor, o ipapadala na dito sa Maynila? Then the Office of the Vice President through the Bayanihan E-Konsulta po ay nagawa po iyon. Naayos yung pasyente.

    Iyon ‘yung mga pagtugon po sa mga isang bagay na ganitong panahon, kailangan po talaga pagtulong tulungan hindi po ito kaya ng isang tao lang. Kailangan po talaga– we must na, sa amin po dito sa Bicol we are doing the educational campaign to fights against COVID. We do on the ground. Pumupunta po kami sa mga barangay, pumupunta kami sa mga parishes or universities or any avenue na kailangan naming mapuntuhan just to educate the people.

    Bakit po kailangan natin sundin ang minimum health protocols? Bakit po kailangan natin na magpabakuna? And hinihimay po lahat namin. Inaabot po ako ng dalawang oras kaka-lecture sa kanila with the video presentation. And by that, malalaman po nila what is the reason, ano talaga si COVID? Ano ‘to? Sino ‘to siya? Anong ginagawa nito sa katawan niya, sa katawan ng isang tao? ‘Yun po ang malaman ng sambayanan.

    We have to empower the people. Nagkakaroon din po kami ng mga data na wherein I share to the public, I share it doon sa mga pinupuntahan namin. Para malaman nila ‘yung mga nangyayari doon sa lugar nila. Especially the barangay health workers and the barangay officials. Sabi ko, hindi pare-pareho dapat ang intervention na ginagamit sa buong bansa. ‘Yan ay generic lang. Magkakaroon din kayo ng isang intervention kung bakit dito sa isang barangay na ito mataas ang kaso ninyo compared to another barangay.

    Ang nangyari po, we ask for the average age ano ba ang edad nila, saan sila, nasa household? Then we found out na ang mga nagdadala ng infection sa household ay galling po sa trabahuan. So sinabi ko sa kanila, hindi lang po tayo mag-contract tracing, alamin natin kung saan nanggagaling ang infection so that we could notified that area or that offices and other malls, kung saan pa mang restaurant na ano ba ang nangyayari sa inyo and by that, doon pa lang po sa origin ng infection kung saan siya na-infection at dinala sa pamilya, sa household, sa isang barangay ay mahihinto na.

    And by this po, kailangan ko po ang tulong ng mga kasamahan ko dito sa Naga City like the Tarabangan Naga, ‘yung highschool batch ‘74 pa po kahit pa po kaming mga senior citizen gumagalaw pa kami. Hindi kami natakot na harapin. And also the Camarines Sur Medical Society and it was sanctioned by the Philippine Medical Association. Nagpaalam po ako sa kanila being the Governor of Philippine Medical Association for Bicol.

    Nagkaroon po ng surge dito sa Naga then we start moving. Nakipag-usap kami kay VP Leni kung paano niya kami matutulungan and then after that po, nagkaroon ng usapin para mayroon na ring Bayanihan E-Konsulta dito sa Naga City. And then after that po, sinundan na namin ‘yung sunod-sunod na paglakad naming na barangay hindi lang sa Naga City but all over Camarines Sur. Natigil lang po ngayon dahil sa quarantine restrictions natin, bawal po ang magpulong-pulong. All the variants, bakit po tayo kailangan labanan sa– ang virus? Bakit po kailangan tumigil ang paglaganap ng variants?

    Kasi sabi ko sa kanila, not unless na mawala itong virus na ito, the variants will always evolve at ‘yun po ang nakakatakot. And then diyan sa bagay na ‘yan, I think marami akong nahikayat na mga tao na magpabakuna na kasi sabi ko sa kanila this is not for us anymore, this is for the second generation. We love our families, ayaw natin silang madamay dito. Ano ang ipapamana natin sa ating mga anak, sa ating mga apo kung hindi tayo gagalaw?

    And there is one time that I went on this town, a small town here in Camarines Sur. Tinanong ko ‘yung isang bata noong nagkakaroon kami ng lecture. Sabi ko sa kanya, “Iha anong wish mo sa Christmas?” Biro mo ang sabi sa akin Ka Ely, “Ang wish ko lang po makabalik na ako sa school. Miss ko na po si teacher. Gusto ko na po makalaro ang aking mga ka-eskwela.” Then binalikan ko po siya isang grupo ng mga matatanda, ‘yan na po. Humihingi na ng ating tulong, how long we will have this modular type of education?

    They would be socially inept. Hindi na nila nalalaman ang nangyayari sa mundo. So, sabi ko sa kanila, gumalaw po tayo. Kaya po napunta po tayo sa aming organisasyon na [Another dialect 22:00] ibig sabihin, we are empowering the people. The heroes themselves is the people. Sila po ang major solution na hindi maglaganap itong ating virus.

    Kasi kami dito, mga healthcare workers, naghihintay lang po ng ano eh, ng mga may sakit saka naming gagamutin. Ano kaya kung harapin na natin sa community? Ipaliwanag sa tao, they should own also the problem. This a collaboration of everything kaya ‘yun po ang mga nangyari. Then nagka-form po ng Doctors sa Camarines Sur, Doctors for Leni. We engage po, we do the same.

    Kahapon po, nasa isang bayan kami na outreach barangay nagkaroon po kami ng educational campaign with lectures and everything and I think, we have downloaded– naibigay namin sa kanila ang dapat nilang malaman. Karamihan po kasi, what is the reason why we have to use this facemask? Bigyan natin ng importansya. Why do we have to distance ourselves? Why do we have to wash our hands? Bakit hindi tayo pwedeng magpulong-pulong sa isang lugar na naka-enclose that is air flow. Iyan po ang mga– hindi po namin inaari itong initiative na ito. Dito po sa Naga, napakauso po ng collaboration. Nandiyan po ang mga bata na Tarabangan Naga, the Kilos Kontra COVID. Nagkataon lang po na ako ang doktor sa grupo kaya ako po ang nagiging spokesman sa lahat at ako po ay nagpapasalamat dito sa mga batang ito sa mga kasamahan ko na kami ay nabigyan ng pagkakataong ito.
    ELY SALUDAR: Doc, bukod po rito sa educational campaign eh mayroon din po kayong fundraising campaign para po sa mga doktor at para sa community. Pwede hp niyo bang ibahagi sa ating mga listeners itong initiative na ito?
    DR. RUFO “BOYING” LLORIN JR.: Ito po, ah yes Ka Ely! Nangyari po ito noong I think this was April 2020. I just came out from my self quarantine at that time because I was exposed at the Philippine Heart Center at that time. Mga grupo po na doctor at kasama po ang mga pribado, sina Mister at Misis Belmonte. Nag-ano po ito eh, nanghingi po kami ng mga donation para dito sa doktor. Kasi noon po, hindi namin alam eh.
    Alam namin ang kalaban pero even the treatment alone we don’t know. There’s no vaccine at that time so we have to protect our healthcare workers. Noong nagawa na po ‘yon, sa tulong ng aking mga kasamahan mga kaklase ko, nagbigay at nag-ambag sila ng kanilang extra money. Sabi ko, nabihisan na natin ang healthcare workers sa loob ng health facility, harapin na natin ang community. Magbigay na tayo ng face masks, para kako at least maibsan man lang ang pagkalat ng virus. Iyon po ang nangyayari sir.
    ELY SALUDAR: Opo Dok, at para po sa ating mga kababayan dahil po kayo’y kabilang dito po sa mga espesyalista sa Bayanihan E-konsulta at marami po ang nakikinig sa atin ngayon sa iba’t ibang panig ng bansa sa mga probinsya at wala po silang access sa internet, na kung ano man nakiking ho sila sa radio eh ano ho ba ang inyong maipapayo sa ating mga kababayan na nakakaranas po ng mga sintomas? Di ba kasi ang sintomas nitong COVID, parehas po ng ano eh, ‘yung parang trangkaso lang? Ganoon po ang sintomas kaya ‘yung iba nagdadalawang isip, ano ba ito COVID ba ‘to o trangkaso lang? Kasi ‘yung iba nako, pag nagsabi tayo ng COVID, baka pandirian tayo ng ating mga kapitbahay so ano po ang mapapayo ninyo sa kanila, Doc?
    DR. RUFO “BOYING” LLORIN JR.: Ganito po iyon, napakadali po ng access sa Bayanihan E-Konsulta eh, may magre-receive po sila doon. This is a well-oiled initiative po talagang ako ay bow dito sa Bayanihan E-Konsulta through the our Vice President Leni. Tatawag po sila doon, tapos hihimayin kung anong kaso ito tapos bibigay po kung kani-kaninong espesyalista. Ngayon po, kung napupunta sa akin ang COVID o Non-COVID man nag-uusap po kami ng pasyente.
    Kung mayroon pong pictures, o laboratory pinapa-send ko muna bago kami mag-usap ng pasyente para mabilisan po ang pagdaloy ng pakikipag-usap sa pasyente. Then after that po, pag nakita ko na ito ang mga kailangan niya, nagse-send po ako ng mga laboratory requests or prescriptions na ipapadala po sa Bayanihan E-Konsulta pagkatapos nandoon na po sila, sila na po ang mag-uusap.
    At kung minsan po, kailangan nila ng- hindi minsan, kalimitan kailangan nila ng COVID kit wherein it’s very important na nandoon po yung mga vital signs apparatus natin gaya ng pulse oximeter, which is very important to us doctors while monitoring a patient who has COVID kung nagkakanya-kanya na o hindi. Napaka-dali po ma’am, ah sir, ah Ka Ely. Marami po na nagsasabi, nagpapasalamat, sabi ko ‘wag kayo magpa-salamat sa amin, ang mga doctor po, humahanap ho kami ng avenue wherein we could help kasi kalimitan po ay ayaw na nila lumabas eh, natatakot sila pumunta sa clinic o magpakita sa emergency room.
    Kaya malaking tulong po itong Bayanihan E-Konsulta. Wherein they catered for patients, all walks-of-life, wala pong pinipili ito especially kung tinamaan ka ng COVID o kaya umiiwas ka sa COVID. Mayaman ka man o sa mahirap, sinasabi ko sa akin po we should look beyond what is going on-
    ELY SALUDAR: Opo.
    DR. RUFO "BOYING" LLORIN, JR.: Isipin pa po kung ikaw at nag-quarantine ay kaisa-isang tricycle driver na you are only dependent on your daily income, paano na po bukas? Paano na po sa susunod na araw? Ay ‘yan po ang nag-hikayat sa amin na ‘talagang kailangang gawin ito at least man lang maibsan ang mga quarantine lockdowns and everything, makabalik na tayo sa tamang pang-kabuhayan nang lahat ng tao, hindi lang po sa mahirap yung mga negosyante tina-tamaan, lahat po. All, everything that we used to do, which I think we take for granted,ngayon pong nagiging espesyal na sa atin.
    ELY SALUDAR: Opo. Doc sa mga walang access po ‘no sa E-Konsulta, sa ating mga listeners na nakikinig sa radyo. Ano ‘ho ba ‘yung mga sintomas na dapat eh, ano bang mga unang dapat gawin halimbawa kung ang sintomas, kasi parehas po ng ano ‘no, ng trangkaso at ng COVID yung mga sintomas ngayon. Ano po ‘yung dapat nilang gawin?
    DR. RUFO "BOYING" LLORIN, JR.: Iyan po ang napaka-hirap. Kasi ngayon pong may Omicron na tayo, in-explain naman po natin sa ating mga pasyente na hindi po lahat ng sintomas ng may COVID, especially itong Omicron kung minsan wala kang lagnat eh, wala kang sipon, wala kang ubo, ang nandyan po which is very constant is severe headache and sa katawan, masakit ang katawan.
    Kung minsan po, nagkakaroon kami ng hindi pagkakasunduan ng pasyente, kasi sabi ko, “It is better for you na magpa-swab yata tayo, kasi you are already on your third or sixth day ng sintomas na ‘yan.” Malaman ko po, mabigyan kami ng direksyon kung paano ang gagawin namin sa inyo.’ Anything po kasi ngayon- pero kalimitan pa rin, it is like a flu-like symptoms, flu-like symptoms po ang nangyayari. Sipon, ubo, lagnat po.
    ELY SALUDAR: Opo.
    DR. RUFO "BOYING" LLORIN, JR.: Kaya lang itong si Omicron po, ang predilection nito sa lungs medyo mababa kaysa kay Delta. Si Delta po ay mahal na masyado ang lungs natin, kaya nagkaka-pneumonia. Isa pa po pala sa isang sintomas, hindi lang po pneumonia eh, lumalapot ang dugo ng may COVID.
    ELY SALUDAR: Opo.
    DR. RUFO "BOYING" LLORIN, JR.: Kaya kung minsan po, magta-tanong ang pasyente, “Doc, naka-leave na sa COVID, naka-leave na sa pneumonia, bakit may stroke o inatake sa puso ang pasyente ko.” ‘Yun po ang kailangan malaman talaga, which is how we do it and emphasize it in your educational campaign. May access po, minsan mayroon akong mino-monitor na mga pasyente outside Bayanihan E-Konsulta. Sabi ko, “Wag ka na pumunta dito” sabi ko, “If there is a need for you to go to health facility, sasabihin ko sa’yo. Tayo nalang dalawa ang mag-usap sa araw-araw and then I’ll tell you what to do.” Ganyan po ang nangyayari sir, ah Ka Ely.
    ELY SALUDAR: Okay so, maganda-, ‘pag may, kasi ang Omicron ‘ho Doc ngayon, hindi ka na nawawalan ng panlasa at pang-amoy eh [laughter] hindi po ba? Kakaiba sa mga naunang variant, halimbawa yung Delta variant ‘yun talaga, pero ngayon ang Omicron ah ‘yun nga sa mga researchers eh tumatagal daw po ito sa plastic at sa skin at sa balat. Kaya siguro pagdating sa bahay binabanggit niyo, baka may dala kang virus, ano maligo at siguro dapat laging magi-spray, magdala ‘ho ng alcohol, tama ‘ho ba ‘yun Doc?
    DR. RUFO "BOYING" LLORIN, JR.: Opo, kasama po iyun sa ating minimum health protocols. Emphasize din po namin ‘yung paghugas ng kamay gamit ng sabon. It must be twenty seconds, kasi ‘yung liquid content po ng virus, yung wall po noon, kailangan twenty seconds para masira, mamamatay po ang virus. Mahirap pong gawin, ako po kasi since November 2020-, 2020 yata ‘yun eh, 2020 mag-isa na ako sa bahay eh. Pinaalis ko na ang aking mga kasamahan kasi ayaw ko silang ma-infect. Pero just follow the health protocols-
    ELY SALUDAR: Opo, opo.
    DR. RUFO "BOYING" LLORIN, JR.: –‘yung pag-face mask, social distancing and then wash your hands, and then magandang air-flow, magandang ventilation po. Para hindi concentrated ‘yung virus. Kung nakakulob po kayo at ikaw nakasama doon sa isang kulob na-, siguradong milyones na virus ang makukuha mo. Pero kung it is a well ventilated area and then ma-infectionan ka man, hindi ka a-abot ng milyon, puwede ka lang po umabot ng libo lang.
    Kaya lang sabi ko sa kanila, I emphasized to them na magpabakuna lalo na ‘yung mga vulnerables, magpabakuna po sila. Kasi ang sabi nila, kailangan, ang bakuna ho kasi nagbibigay na sa atin- may memory cells tayong tinatawag. Pag tinamaan ka ng isang sakit, mayroon ka nang ready antibodies to face them.
    Well unlike na hindi ka na bakunahan, it will take you days and weeks bago ka magkaroon ng antibody against a certain disease, so ganyan po ang nangyayari. Kung masigasig po ang mikrobyo like Coronavirus kung Delta, ay hindi na aabutin ng natural immunity mo at ikaw ay mapupunta na sa intensive care unit, ganoon po ang nangyayari.
    ELY SALUDAR: Ayun.
    DR. RUFO "BOYING" LLORIN, JR.: Kaya ako po ay hindi-, binibigyan ko po ng panahon lahat ng bagay against COVID kasi kailangan po talaga makabalik na tayo, at least in a few months nananalangin ako na makabalik na tayo, para sa hindi lang po para sa akin kung hindi para sa mga kabataan, sa mga manggagawa natin, manggagawa natin na that is mostly affected of this pandemic. And then there is a certain avenue na nagkaroon kami ng pagkakataon na makisama sa Bayanihan E-Konsulta, and also the movement of the Camarines Sur doctors here na makasama at pumunta sa iba’t ibang lugar, mga sumusuporta kay Vice president Leni.
    At ‘yung pong ‘Hindi ka man sumusuporta sumama ka sa akin, sabi ko “Kailangan mo po, kailangan ko ang iyong expertise. Mag-pakita tayo sa tao, ‘wag tayo matakot.” Ganoon po ang mangyayari.
    ELY SALUDAR: Okay. Nako Doc, salamat po ng marami sa inyo at sa inyong oras dito po sa palatuntunan ni VP Leni. Ingat ho kayo lagi at nakatulong ho ng malaki ang iyong mga pahayag at payo lalo na po sa ating mga kababayan sa gitna po ng pandemya ngayon dito po sa atin. Salamat po sa inyo Doc. Ingat po stay safe.
    DR. RUFO "BOYING" LLORIN, JR.: Maraming salamat din Ka Ely, magpabakuna po tayo. Maraming salamat. Dios mabalos.
    ELY SALUDAR: Mga kababayan, ‘yan po si Dr. Rufo “Boying” Llorin Jr. at ng Bayanihan E-Konsulta volunteer po ng Office of the Vice President, mga kababayan. So, napaka-importante alam niyo, ang laki po ng ginagampanan nilang papel sa pandemyang ito dahil di ba ngayon hindi talaga makakilos ang mga tao dahil hindi makapunta sa ospital.
    So, napaka-importante ano, alam niyo po laking tulong po nitong Bayanihan E-Konsulta ng Office of the Vice President mga kababayan. At marami nga hong nagugulat di ba, pagkatapos noon halimbawa, mag-positibo ka o anuman eh padadalhan ka pa ng mga kit eh, at talagang kumpleto po mga kababayan. Hindi po ba? At bilang tulong po sa ating mga kababayan.
    At samantala, ‘oy oras na po natin ay 9:45 na po ng umaga at makaka-usap naman natin, kumustahin naman natin mga kababayan ‘yung kampanya, “People’s Campaign” mga kababayan, napaka-importante ho ito at siyempre sa gitna po ng pandemya di ba eh ito, nalalapit po ang eleksyon natin.
    Makaka-usap po natin ang campaign manager ng slate, ‘yung mga Senatorial candidates po mga kababayan, sa team po ni VP Leni at Senator Kiko Pangilinan, mga kababayan nasa linya po natin si Atty. Lorenzo Tañada lll. Siya po ay apo ni Senator Lorenzo Tañada, nako kilalang-kilala, sikat na sikat ho ‘yan mga kababayan at talagang pag nakita at narinig niyo ‘yung Tañada mga kababayan, talagang yung imahe noon ng mga mambabatas, ibang iba eh. Siyempre siya po yung anak ni Senator Bobby Tañada. Nasa linya na po natin si Atty. Erin, magandang umaga po sa’yo Attorney.
    ERIN TAÑADA: Magandang umaga Ka Ely at sa lahat ng nakikinig sa DZXL.
    ELY SALUDAR: Opo. At kumusta ho muna ang ating slate, at mukhang nadadagdagan po ‘yung mga sumusuporta ‘no sa team ni VP Leni at Senator Kiko.
    ERIN TAÑADA: Well mabuti naman po at talagang pinaghahandaan nga po ‘yung malaking proclamation rally na gagawin sa Camarines Sur sa February 8 at sa February 9 sa iba’t ibang lugar sa Bicol region. So, lahat ng labindalawang pinangalanan ng ating Vice President ay imbitadong dumalo dito sa Feb. 8 at Feb. 9 activity sa Naga at sa Albay.
    ELY SALUDAR: Opo so, Cong. Erin paki-banggit niyo nga po ulit yung labindalawa? Para mapakinggan tayo nationwide, nationwide.
    ERIN TAÑADA: Yes, ‘yung unang pito na binanggit po ni VP Leni, nandiyan sina Sen. Risa Hontiveros, nandiyan po si Sen. Leila De Lima, nandiyan po si former Sen. Sonny Trillanes, nandiyan si former Cong. Teddy Baguilat, nandiyan si Atty. Chel Diokno, nandiyan si Atty. Sonny Matula, and nandiyan rin po si Atty. Alex Lacson.
    ‘Yun ‘yung unang nabanggit po ng ating mahal na Bise Presidente noong, I think if I’m not mistaken, the week after— October 9 yata binanggit po niya. Tapos nandyan po ‘yung mga guest candidates nga po. Nadiyan po si Gov. Chiz Escudero, nandiyan po si Sen. Dick Gordon, nandiyan po si dating Vice President Jojo Binay, nandiyan po ‘yung ating Senador Joel Villanueva, at nandiyan din po si Sen. Migs Zubiri. So, ito po ‘yung labindalawang binanggit po ng ating Pangalawang Pangulo noong Oktubre po.
    ELY SALUDAR: Opo. At ngayon nagkaroon din po no, ng mga dagdag pwersa na siyempre, ay sumusuporta kay VP Leni. ‘Yung Makabayan, Cong. Erin, ano ba ang implikasyon nito?
    ERIN TAÑADA: Tama po, nagkaroon yata ng press conference ang Makabayan kahapon at nilantad nila ‘yung— ‘yung susuportahan nila sa posisyon ng Pangulo at Pangalawang Pangulo. At ito po ay nagpapasalamat po si Vice President sa suporta at endorsement ng Makabayan Block. Ito’y dagdag po sa boto na makukuha po dahil alam naman po natin malaki rin ang sumusuporta ng taumbayan sa Makabayan Block.
    At ito ay malaking bagay po sa Team Leni-Kiko at bagama’t sabihin na po natin kung minsan hindi po tayo nagkakaisa sa pananaw ng ilang issues pero kung pag-uusapan po at pag-aaralan, pareho po ang gusto namin puntahan na bigyang solusyon itong problemang hinaharap ng ating bansa hinggil sa pandemya, hinggil sa trabaho, hinggil sa edukasyon, at nandoon din po ‘yung usapin tungkol sa West Philippine Sea. So, dito pwede nating sabihin nagkakaisa po ang pananaw ng Team Leni-Kiko at ang Makabayan Block.
    ELY SALUDAR: Opo. Cong. Erin, at siguro ano ho ba ‘yung– para po sa ating mga kababayan na mga listeners ngayon, ‘yung iba nagiisip-isip pa, papaano po ba natin maiikumpara dito po sa mga Senatorial candidates ng ibang partido at sa grupo po—sa team ni VP Leni ‘yung ating Senatorial slate?
    ERIN TAÑADA: Well, kung titingan nga natin eh talagang pinagpilian po ng mabuti ni Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan ‘yung mga senador na makakatulong sa agenda na gustong na gustong ipatupad ng ating Vice President Leni Robredo kung siya po ay mananalo sa darating na Mayo 2022. At tingin niya, ‘yung mga taong malapit na sa prinsipyo at programang pinaglalaban po ng ating Pangalawang Pangulo.
    Kaya ito ‘yung kakaiba sa pag-aaral po ng ating Pangalawang Pangulo sa iba’t-ibang mga kandidato. So, sabi nga po natin, siyempre marami po tayong problemang haharapin kapag tayo ay manalo sa Mayo 2022 at kailangan po merong mga kakampi ang ating Pangalawang Pangulo na uupo sa Senado na ipaglalaban itong agenda na binabanggit po niya.
    ELY SALUDAR: Opo. So, Cong. Erin, anu-ano po ba ‘yung mga kwentong tumatak po sa inyo at sa pag-iikot po at pagbisita sa iba’t-ibang parte ng bansa at, tayo minsan nagkakasabay po tayo sa mga pagtungo ng ating Bise Presidente Leni sa iba’t-ibang panig ng bansa.
    ERIN TAÑADA: Alam mo Ka Ely, talagang nakakagulat ‘yung paglabas ng mga tao kay VP Leni. Hindi natin naisip ito. As a matter of fact, parati kong kinukuwento sa mga napupuntahan kong lugar, noong Setyembre hindi nga namin alam kung tatakbo si Vice President Leni Robredo at all.
    So, kami sabi nga namin, mga volunteers gagawin lang naman namin ‘yung kaya po naming gawin para—para maabot ‘yung mga hindi pa nakakakilala kay VP Leni. At nagulat lang po kami noong nagdeklara si VP Leni, talagang lumabas ang taong-bayan. Nakita nga natin Ka Ely yan, sa Cebu nagkasama tayo diyan, kung pano pag pumunta si VP Leni sa isang lugar siya’y pinagguguluhan ng mga tao at gustong makipag-selfie.
    Eh ngayon pagdating po sa kampanya, bawal ngayon ang selfie kaya maging maingat po tayo dito dahil merong mga Comelec resolutions sa campaigning na kailangan talagang pinag-aaralan. Pero itong pink explosion na sinasabi nga po natin, eh kumakalat sa iba’t-ibang panig ng ating bansa, sa iba’t-ibang mga probinsya, sa iba’t-ibang mga barangay, talagang nakakagulat at marami rin na hindi talaga masasabi natin na hindi pa kumbinsido pero gusto nilang malaman, ano ba talaga ‘yung programa at kapag pinag-uusapan namin ‘yung ano ‘yung ipaglalaban po ni Vice President Leni kapag siya’y mananalo at ano ‘yung mga nagawa na po niya.
    Dahil ito parati ‘yung tinatanong: “Ano ‘yung nagawa ni VP Leni noong siya ay anim na taon na Vice President?” So, ipapaliwanag po namin ‘yan at naintindihan nila dahil alam naman nila na gusto ngang tumulong si Vice President sa kasalukuyang administrasyon. Siya’y tinalaga as a chairman ng HUDCC pero hindi pa nga siya nagtatagal, tinggal naman po siya.
    Gusto niyang tumulong sa usapin ng illegal drugs dito sa ating bansa, nanilbihan siya ng dalawang linggo tapos tinggal uli siya. So nakikita naman ng ating mga mamamayan ‘yung hangarin ng ating Vice President na tumulong sa Administrasyon pero hindi ito pinapayagan kaya hindi pwede siyang sisihin.
    Ngayon, sa iba’t-ibang larangan sa usapin ng pandemya po, nakita na po natin na siya ‘yung unang-unang public official rin na hindi kasama sa administrasyon na naghanap ng pamamaraan para tulungan ang frontliners natin, ang mga naging biktima ng COVID kung paano harapin.
    So, merong mga care kits na ibinibigay ang Bayanihan E-Konsulta na nakita po natin napag-usapan ninyo ni Doctor kanina. So ito ‘yung response maski kakaunti lang po ang—ang budget po ng ating Vice President, eh naghahanap siya ng iba’t-ibang mga pamamaraan para makatulong sa ating—ating mamamayan. So, hands-on po siya at sabi nga po niya, ngayon na tayo ay nasa krisis mas kailangan umaksyon ang opisina niya para makatulong sa mamamayan.
    ELY SALUDAR: Okay, at sa panghuli Cong. Erin, ano ho ang inyong mensahe sa ating mga kababayan at siyempre sa Pebrero a-otso ay magsisimula na ‘yung opisyal o pormal na kampanya para po sa national position.
    ERIN TAÑADA: Well, sa ating mga kababayan po natin na sa Batangas, ang ating senators ay nandiyan sa—sa caravan—Stationary Caravan around Taal Lake. So, dadalo diyan ang ating mga senador, sabi ng mga taga-Batangas, ito ‘yung pinakamahabang caravan na makikita po natin. So ‘yung mga taga-Batangas po, sana po ay sumama po tayo at makita po natin itong mga senador po natin.
    At sa February 8 po, ang ating Vice President, si Sen. Kiko, at ang ating mga senador ay pupunta sa Camarines Sur, dadalo sa Camarines Norte, Sorsogon, at Albay. So, February 8 po CamSur, February 9 sa Sorsogon at Albay ang ating Senate Team at si President—Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan.
    ELY SALUDAR: Okay, Cong. Erin, maraming salamat po sa inyong oras [overlapping] salamat--
    ERIN TAÑADA: Maraming salamat, Ka Ely!
    ELY SALUDAR: At ingat, ingat ho lagi, good morning!
    ERIN TAÑADA: Kita uli tayo sa kampanya.
    ELY SALUDAR: Opo, salamat. Mga kababayan, ‘yan po si dating Cong. Erin Tañada at siya po ang campaign manager dito po sa Senatorial slate ni VP Leni at Sen. Kiko. Okay, at ang bilis ho ng oras at, pasensya na ho hindi po namin lahat kayo mababati, mga kababayan, ‘yung ating mga listeners. Pero ito, pahapyaw lang ho ‘yung iba, at mula kina Marivi—Marife Dimaunahan, Irene Laturna-Velasco, Gina Rabis, Miguel Domingo, Grace Mijares, Nancy Sonico Grant-Dizon, Teddy Villanueva-Plazo, Carlo Marasigan Jr., at Moni Permeso-Valdez, Angelito Francisco mula po sa Cebu, ‘yung kanina sa Australia pa, Singapore, dami po, Saudi Arabia galing po. At dito naman sa Cavite, si Gema Diaz, Dan Gil Mangilaya, mula po sa ano sa Northern California si Irene Laturna-Velasco, yun pala ‘yun, California no. At sa Giwan, Eastern Samar si Joan Cano Barnido Obillo Pardilan, si Ernie Uzon, Gina Rabis mula po sa Japan, ayon. Edmund Caroche, GV Kentanella, okay. At gayun din sina Arnold Estallo, aha-- si Alma Cristobal mula po sa Iba, Zambales, Nabrad M. Lopez, Nueva Ecija, Romel Lacralin-Carnasan ng Pulilan, Bulacan, si Phil Loreles ng—Loreles ng San Francisco, California, ‘uy good—kamusta po kayo diyan sa San Francisco? Dan Magas, Cristeta Amolo-Flores mula po sa Cebu, napapakinggan po tayo diyan sa Cebu.
    ELY SALUDAR: Okay, maraming salamat po, mga kasama, sa mga nag-text, nagpaabot, at naku pasensya na po ‘yung mga di ko nabasa sa dami po ninyo at siguro sa mga susunod. Alam ninyo ipapaabot naman ito, no, ipapaabot ko ito kay VP Leni.
    Maraming salamat po sa inyong mga pagsubabay dito po sa BISERbisyong Leni. Siyempre sa pangalan po ni Vice President Leni Robredo, ako pa rin po ang inyong Radyoman, Ely Saludar. Muli po, isang magandang umaga, Pilipinas!

    [END - 0:51:25]

     

    Posted in Transcripts on Jan 30, 2022