This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 36

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI dito sa RMN. Tayo po ay napapakinggan nationwide, gayundin po sa RMN Naga- DWNX 91.1, RMN Cebu-DYHP 612, RMN Cagayan de Oro-DXCC 828, at RMN Davao-DXDC 621. At dito po sa Facebook Live, “RMN News Nationwide: The Sound of the Nation” at sa “VP Leni Robredo,” Facebook Live po natin. At tayo po ay napapakinggan worldwide sa pamamagitan po ng internet. Mga kasama, ako pa rin po si Ely Saludar, at kasama po natin ang ating Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning po sa inyo!

    VP LENI: Good morning, Ka Ely. Good morning po sa lahat na kasama po natin ngayong umaga, sa lahat po ng nakikinig. Sa atin pong mga kababayan sa Bicol, marhay na aga sa indo gabos. Alam mo, Ka Ely, sunud-sunod iyong Bicol kahit walang bagyo—grabe iyong baha sa Naga at Camarines Sur tapos nakita natin sa balita kahapon, iyong Mayon Volcano, naka-alert level 1 ngayon, kaya mag-ingat po iyong ating mga kababayan na Bicolano. Sa mga kababayan po natin na taga-Visayas at Mindanao, maayong buntag kaninyong tanan.

    ELY: Okay, samantala iyan po iyong mga sakuna na dulot ng kung anu-anumang sama ng panahon. Pero mayroon ding sakuna sa mga Pilipino ngayon, mga kasama, na unti-unti po nating nararanasan.

    [music break]

    ELY: At siguro, mga kasama, dahil sa limitado po iyong ating oras, at bigyan po natin ng kaalaman iyong ating mga nakikinig at nanonood din po sa FB Live, dito po sa ipinatupad na bagong batas ng pagbubuwis, ito hong tinatawag na TRAIN—Tax Reform for Acceleration and Inclusion—or TRAIN Law. Siguro po maganda, Ma’am, ano ho ang masasabi niyo rito?

    Ako ho, personal, kagabi nagpakarga po ako ng diesel, 44.70 per liter. Mayroon namang iba na mas mababa, hindi tumaas pa, at depende daw po kung naubos na iyong stock nila sa gasoline station. Pero nagtaka po ako, ayaw ko naman pong makipagdebate sa gasoline station, pero ang alam ko, kapag nag-imbak, iyong pinaka-depot na lang ng kumpanya, doon na lang nakaimbak. Kung naubos iyon, saka magkakaepekto.

    So dito ho, maraming reklamo din na natatanggap kayo tungkol sa presyuhan, ano po sa tingin niyo dito?

    VP LENI: Tingin ko, Ka Ely, kaya inimbitahan natin iyong bisita natin ngayong umaga, kasi lahat tayo may obligasyon na intindihin iyong batas. Dahil gaya niyan, kapag hindi natin masyadong naiintindihan iyong batas, hindi tayo makapagreklamo kapag mayroong mga negosyante na nagte-take advantage noong bagong batas.

    Alam mo, ito, Ka Ely, iyong mga natatanggap nating report: mayroong mga negosyo, mayroong mga nagbebenta na parang ginagawang dahilan iyong pagpasa nitong bagong tax reform law para sa pagtaas ng presyo. Kaya tingin ko ito iyong talagang dapat bantayan natin. Kailan ba tayo kailangang magsumbong? Siyempre magsusumbong tayo kapag alam natin na hindi nararapat iyong pagtaas at ginagawa lamang dahilan iyong ating bagong tax law.

    Kaya ito, iyong suggestion natin, alisin na natin muna iyong first part ng program. Gagawin natin halos lahat ng programa natin ide-devote natin sa bisita natin ngayon.

    [end of Gap 1]

    VP LENI: Iyong bisita natin ngayon, Ka Ely, batang bata. Batang bata na USec ng Department of Finance, si USec. Karl Kendrick Chua.

    Alam mo, Ka Ely, matagal na naming halos nakakatrabaho si USec. Karl. Iniimbita namin siya parati kasi isa siya sa talagang nakakaintindi kung ano iyong TRAIN Law. Good morning muna. Good morning, USec. Karl! Maraming maraming salamat sa pagpaunlak sa imbitasyon namin at paumanhin po na kahit Linggo pinapagtrabaho ka namin.

    USEC. CHUA: Magandang umaga din po, mahal na Bise Pangulo, Ka Ely. Ako po ay nagagalak na nandito para ibahagi po sa taumbayan iyong totoo, kung ano iyong totoo sa ating tax reform po.

    VP LENI: Ito kasi, Ka Ely, kailangan maintindihan natin iyong tax reform law kasi paminsan nagkakaroon ng panic. Nagkakaroon ng panic na baka iyong maging epekto nito mas malaki naman sa tunay na epekto. At iyon nga, USec, iyong problema kasi mayroon tayong mga negosyante—may ilan, hindi naman siguro lahat—pero mayroon tayong mga negosyante na parang nagte-take advantage din. Ginagawang dahilan iyong ating bagong tax reform law para magtaas ng presyo.

    Kaya itong umagang ito, Ka Ely, tatanungin natin si USec. Karl. Sa maikling pananalita, USec. Karl, ano ba talaga iyong TRAIN, o ano talaga iyong tax reform law?

    USEC. CHUA: Maraming salamat po, Bise Pangulo. Iyong atin pong tax reform law, ito ay maraming components. Iyong una po, ito ay nagbababa ng ating personal income tax dahil 20 taon na po nating hindi nai-a-adjust, at nagbabayad po nang napakalaki iyong ating taumbayan, at medyo mataas pa ito kumpara sa ating mga karatig-bansa sa ASEAN, para maging competitive.

    Pero iyong isa pang dahilan dito, dahil malaki iyong ating pangarap na mapaunlad iyong ating bansa. Kailangan po nating mag-invest sa mas maraming infrastructure, sa social services, health, education, social protection, para mas maging mababa iyong antas ng kahirapan. Kaya dito po natin kailangan iyong tax reform, para matulungan iyong ating bansa at iyong bawat Pilipino na mas maging maunlad po.

    VP LENI: Ito, Ka Ely, gaya ng sabi ko kanina, ilang beses na naming naimbita si USec. Karl sa aming opisina para ipaliwanag dati iyong panukalang batas pa lang.

    Pero ito, USec. Karl, tama ba na gusto natin parang mas malaki iyong makuhang buwis ng ating pamahalaan? Gusto natin mas malaki iyong buwis kasi maraming pagkakagastusan, kagaya nitong pagpapagawa ng kalsada, mga tulay, mga infrastructure na kailangan? Pero sinisiguro natin sa bagong batas na mas malaki iyong burden doon sa mas mayayaman, at mas kaunti dapat iyong binabayad sa mas kaunti din iyong income? Tama ba iyon?

    USEC. CHUA: Tama po iyon. Iyong sa personal income tax, kung lalampas po sa P8 million iyong taxable income, itinaas po namin to 35 percent, kasi iyan po iyong sabi ng Konstitusyon natin, na dapat progressive.

    VP LENI: Dati 32 percent.

    USEC. CHUA: Opo, dati maximum 32 [percent]. Pero kahit na P500,000 lang iyong taxable income, 32 percent na din iyong ibinabayad, kaya halos walang difference kung ikaw ay middle-class or professional or mayaman. Kaya ang ginawa na po natin ngayon, ginawa po nating mas progressive. Iyong dating nagbabayad ng 32 percent, 25 [percent] na lang, at sa 2023, magiging 20 percent na lang. So iyan po iyong sa income side.

    Sa consumption taxes naman, siyempre isa lang talaga iyong rate natin: VAT, 12 percent, excise tax P5 per liter. Pero siyempre iyong mas mayaman mas maraming ginagastos, kaya mas malaki iyong binabayad nila. Kaya progressive din po ito.

    VP LENI: Ito, USec. Karl, bago kayo pumunta dito, inilagay namin sa aming Facebook page kung sino iyong may mga katanungan, at marami doon sa mga tanong na ipinapaabot, ‘Ganito iyong suweldo namin. Magkano dapat iyong taxes?’

    Kaya ito, kung hindi ako nagkakamali, iyong lahat na nagsusuweldo below P250,000 a year, wala iyon dapat na tax.

    USEC. CHUA: Wala na po, so iyong mga P21,000 per month equivalent, dapat wala na pong ibinabayad. Halimbawa po, isang call center agent na last year P21,000 iyong monthly salary, siya po ay nagbabayad ng P22,000 per year in taxes. Sa bagong batas—

    VP LENI: Ito, gross ito, ‘di ba?

    USEC. CHUA: Gross po. Iyong ibinabayad niya kada taon ay P22,000. Ngayon, wala na po.

    VP LENI: Kaya ito, USec. Karl, ngayon pa lang, papunta ako dito, mayroong isang nagtanong sa Facebook. Ang suweldo niya daw, P20,000 a month. Dati daw kinakaltasan siya—parang English tutor siya. Dati daw kinakaltasan siya every 15, 30 ng 10 percent. Ngayon daw, ang sinabi daw sa kaniya ng employer niya, instead daw na 10 percent, 8 percent na lang daw iyong ikakaltas. Mali iyon, ‘di ba?

    USEC. CHUA: Sa tingin ko mali iyon. At ang ginawa po namin, sa dami ng Implementing Rules and Regulations, inilabas namin noong December pa lang iyong bagong Withholding Tax table. Nasa BIR website po siya, so dapat po siguro iyong employer tingnan po iyan para makaltas iyong tamang withholding tax.

    VP LENI: Kaya nagtatanong iyong employee kung tama na magreklamo. Kasi sinasabi niya parang marami sila. Parang online ito, Ka Ely. Online na English tutor. P20,000 iyong suweldo. Ngayon daw may notice na 8 percent na lang because of TRAIN. Mali po iyon. Kung nakikinig po kayo, sabi ni USec. Karl, kung ang suweldo niyo P21,000 or below, dapat walang kinakaltas na taxes.

    USEC. CHUA: Dapat wala po.

    VP LENI: Dati mayroon.

    USEC. CHUA: Dati mayroon po.

    VP LENI: P22,000 a year iyon, pero ngayon dapat wala na under ng TRAIN.

    USEC. CHUA: Dati po kasi basta lagpas sa minimum wage, meron na pong tax na mga 20%. Ngayon basta P21,000 and below, or basta P250,000 per year, dapat wala na po.

    ELY: Halimbawa kung P300,000 iyong suweldo, kasi iyong P250 po… So paano iyong buwis noon?

    VP LENI: Kapag P250,000 and below, wala pa iyong buwis. Pero iyong lagpas ng 250, ilang per cent iyon?

    ELY: Halimbawa, umabot po ng 300, ilang percent iyon?

    USEC. CHUA: Kung P300,000 po ag ibabayad lang po ay 15% of the excess over P250,000.

    ELY: So iyong P50,000 lang iyong bubuwisan?

    USEC. CHUA: Tama po. 15% of P50,000. Kasi para sa bawat Pilipino, ang unang P250,000 ay wala talagang buwis.

    VP LENI: Pero ito ang kaibahan nito, Usec. Karl, dati kasi parang may personal exemptions na umaabot ng P50,000 kung hindi ako nagkakamali. Ngayon Ka Ely, wala na iyon. Parang hindi ka na entitled sa personal exemptions. Di ba dati kapag meron ka pang mga dependents, puwede mo iyon ideclare na exempt siya sa iyo. Ngayon wala na iyon kasi kasali na siya sa pagtaas noong P250,000 na threshold. Kaya iyon din, may nagtatanong din kung tinaasan daw ba iyong personal exemptions kaya nagtatanong po. Wala na po ngayong personal exemptions dahil ito po ay kasali na doon sa pagtaas ng threshold na P250,000. Mayroon din nagtatanong Usec. Karl na ito daw, para daw ito sa mga sumasahod pero papaano daw iyong adjustment sa mga iyong income, out of dividends. Kasi di ba iyong mga nagnenegosyo, ang iba naka-invest iyong pera nila. Iyong kita nila, dividends. Paano daw iyong pag-adjust ng tax nito?

    USEC. CHUA: Okay po. Sa income tax kasi, mayroong tatlong klaseng income. Iyong una po, iyong mga sumasahod – iyong wage and salary. Iyan iyong tuwing payday, kinakaltas na. Iyong pangalawa po ay iyong mga self-employed. Sila ay dapat magself-declare. Ang mga self-employed ay sumusunod din sa parehong tax schedule so dapat kapag every quarter, kapag nagfa-file and declare po sila, susundan na rin nila iyong bagong tax schedule. Iyong pangatlo po iyong tinatawag nating passive income. Ito iyong mga negosyante na may shares, may dividends. Ang ginawa po ng Kongreso natin, iyong dating 10% na medyo mababa ay itinaas po nila to… Ay, sorry. 10% pa pala po. Iyong capital gains po pala iyong itinaas po. So magbabayad pa rin po sila ng 10% pa rin.

    VP LENI: Kasi naalala ko, Usec. Karl, may nabasa akong isang column na iyong House of Representatives yata, 10% pa rin. Iyong Senado, ang proposal yata 20% pero iyong napasa 10% pa din.

    USEC. CHUA: Opo, ang ginawa po sa bicam po, napagpasiyahan nilang i-maintain sa 10% ang dividends.

    VP LENI: Usec. Karl, maraming tumutuligsa nito. Better off daw tuloy iyong parang naghihintay lang. Iyong mayayaman, naghihintay lang na dumating iyong dividends na wala naman masyadong pagod. Mayroon bang proposal sa mga susunod na package na i-aadjust din ang taxes ng dividends?

    USEC. CHUA: Mayroon po sa ating package 4 na ipapasa natin sa Kongreso within the year ay iyong passive income or financial taxes so kasama na po iyong dividends. Iyong mga peso, time deposit, interest withholding, mga capital gains – so lahat po iyan, sabay-sabay nating titingnan. Nauna lang itong ibang taxes dahil iyan po iyong pinasya ng Kongreso na unahin.

    VP LENI: Ito, Ka Ely kung titingnan natin iyong unang component sa pagbaba ng rates para sa personal income tax, makakatulong talaga doon sa mga maliliit iyong suweldo. Dahil kung dati ay may buwis na ibinabayad, ngayon ay wala na. Pero iyong isa din na tinatanong dito, paano iyong hindi napaboran? Iyong dati naman na hindi talaga nagbubuwis. Alam mo iyong dati, wala na talaga siya sa threshold na nagbubuwis – iyong sinasabi na siya iyong lalong naiipit ngayon. Kasi siyempre iyong buwis gaya noong sa fuel – siyempre dadagdag iyong presyo ng mga bilihin. Ano iyong tulong ng pamahalaan doon sa mga mahirap na mahirap na hindi napaboran nitong pag-lower ng income tax pero mas lalo siyang mabu-burden dahil sa mas mahal na bilihin?

    USEC. CHUA: Magandang tanong po iyan. Siguro tatlo iyong sagot ko. Iyong una po na gusto ko i-clarify at puwede ko i-elaborate mamaya. Iyong taas ng presyo, sa tingin namin ay kakaunti lamang pero babalikan ko iyan mamaya. Iyong pangalawa po, sampung taon na po natin in-exempt ang minimum wage workers. Sa totoo po, nauna na po sila pero may problema sa batas dahil iyong 2008 na exemption ng minimum wage ay strictle minimum wage lang. Kung P1 above minimum wage ka, hindi ka minimum wage. Magbabayad ka ng 20%. So iyong ginawa namin ay first P250,000 ay exempt pero iyong sampung taon nang stuck sa minimum wage dahil ayaw nila mag-increase…

    VP LENI: Kasi dati, before noong TRAIN, ano iyong threshold, Usec. Karl?

    USEC. CHUA: Dati iyong threshold before TRAIN, P50,000 kasi iyan iyong personal exemption pero ang sabi rin ng batas natin dati na lahat ng minimum wage ay exempt. Ang problema kasi ay for example ang minimum wage ay P400, at ang suweldo mo ay P401 – hindi ka minimum wage. So ang trato sa iyo ng gobyerno, regular tax payer ka. So babayad ka ng 20%, napakataas. So iyong ginawa natin sa batas natin ngayon, inayos natin iyan. Para iyong mga minimum wage, puwede na sila mag-graduate, para hindi sila ma-stuck. Kahit magtaas sila sa minimum wage, exempt pa rin sila basta umabot sa first P250,000.

    VP LENI: At saka iyong minimum wage din kasi umiiba din depende kung saan ka nakatira.

    USEC. CHUA: Tama po.

    VP LENI: Iyong minimum wage sa Metro Manila mas mataas kesa sa minimum wage sa mga probinsiya.

    USEC. CHUA: Iyong pangatlo po, sa ating reporma, malaki po ang earmarking natin sa social services dahil naniniwala po kami na ang pag-asenso ng isang Pilipino ay hindi dahil binigyan ka ng maraming subsidies or exemptions. Iyong dahilan kung bakit tayo umaasenso ay dahil tayo ay malusog, nag-aral po kaya nakakuha po tayo ng magandang trabaho. Iyan po iyong layunin natin pero habang hinihintay po natin iyong tunay na tulong – dahil i-bubudget pa iyan, i-poprocure, i-dedeliver – meron po tayong tinatawag na cash transfer para sa pinakamahirap na sampung milyong pamilyang Pilipino.

    VP LENI: Sampung milyong pamilyang Pilipino – sino iyong gagawa ng listahan ng mga pinakamahirap na sampung milyon?

    USEC. CHUA: Magandang tanong po iyan. Iyong ating gobyerno, nagsimula po ito sa Arroyo government. Nagsimula po sila ng isang programa na tinatawag ay Conditional Cash Transfer.

    VP LENI: Ito iyong 4Ps?

    USEC. CHUA: Ito po iyong 4Ps. Ang naging basehan po nito ay iyong Listahanan. Iyong Listahanan, census po ito ng mga mahihirap sa ating bansa. Iyong latest po ay iyong 2015 Listahanan – census po siya ng 15 million poorest Filipinos. Iyan po iyong basehan natin ng listahan para sa unconditional cash transfer.

    VP LENI: Itong Listahanan, ito iyong National Household Targeting System, tama ba?

    USEC. CHUA: Tama po. Iisa lang po.

    VP LENI: Hindi ito limited sa mga dati nang 4Ps.

    USEC. CHUA: Hindi po.

    VP LENI: Pero kabahagi din iyong mga mahihirap din pero hindi siya nakasali sa listahan ng mga 4Ps.

    USEC. CHUA: Tama po. Iyong 4Ps po kasi ay 4.4 million lang so magdadagdag po tayo ng additional 5.6 million mula sa listahan ng 2015 para umabot tayo sa 10 million.

    VP LENI: So kung mayroon ngayong Listahanan na 2015, kukunin ng ating pamahalaan iyong first 10 million na pinakamahihirap?

    USEC. CHUA: Tama po.

    VP LENI: Ang gusto sabihin, Usec., kung hindi ako nagkakamali, unconditional cash transfer is P200 a month. So mayroon silang makukuha na P2,400 a year. Gaano kadalas itong ibibigay sa kanila?

    USEC. CHUA: Ang naisip po namin ay para hindi po mahirapan sa gobyerno – kasi may administration cost, at para hindi po sila pila nang pila, one time distribution lang ang gagawin namin, once a year po. So let’s say itong first quarter, kapag nagsimula na iyong distribution, makukuha na nila iyong buong P2,400. Tapos sa 2019 and 2020, P3,600 kasi itinaas ng Kongreso iyong cash transfer next year to P300 per month.

    VP LENI: Ano ito, good for three years lang ba iyong kanilang makukuha or every year na ito?

    USEC. CHUA: Good for three years lang po ito. Ang dahilan poi to ay isa lang itong mitigating measure.

    VP LENI: Parang pang-tawid? Pang-tawid gutom?

    USEC. CHUA: Opo, pang-tawid po. Kasi kung ginawa po natin na forever, magiging dole-out po siya. Hindi po iyan iyong gusto nating gawing mentality. Gusto po natin na tulungan sila habang hinihntay iyong tunay na serbisyo. Iyon po ang dahilan.

    VP LENI: Ito Usec., siguro i-klaro lang natin sa mga nakikinig sa atin kung ano ang kaibahan nito sa CCT? Iyong nakukuha ng 4Ps. Kasi iyong nakukuha ng 4Ps, ang pinakamalaki yata ay P2,400 yata a month pero iyon, conditional cash transfer iyon dahil may mga condition. Ang mga condition doon, dapat pinapaaral ang mga bata na school age, dapat pinapa-check up regularly sa mga health centers. Pero itong P2,400 a year, ang kaibahan nito, wala itong condition?

    USEC. CHUA: Wala po.

    VP LENI: Basta nandoon ka sa lower 10 million ng Filipino households, depende doon sa Listahanan, makakatanggap ka?

    USEC. CHUA: Tama po.

    VP LENI: Ang gustong sabihin, iyong 4.4 million na 4Ps ngayon, may additional P2,400 sila a year?

    USEC. CHUA: Yes.

    VP LENI: Tapos maliban doon sa 4.4, mayroon pang 5.6 na hindi sila 4Ps pero makakakuha silang P2,400 a year. Ito ay kapalit sa increase – sa dagdag sa presyo ng mga bilihin dahil sa mga bagong tax system. Iyon, Ka Ely – ito iyong maraming tanong. Sino iyong makakatanggap? Sinabi na po ni Usec. Karl na iyong lower… lowest 10 million. Gustong sabihin, iyong lowest na pinakamahihirap talaga na Pilipino according doon sa Listahanan na ginawa. Iyon iyong makakatanggap. Ang sunod na tanong, papaano nila matatanggap? Kasi iyong CCT, mayroon silang ATM sa Landbank kung saan doon nila nakukuha iyong monthly allocation. Itong P2,400 na sinabi niyo ay one time nilang matatanggap – first quarter ng taon. Ibig sabihin no later than March. Paano nila matatanggap iyong P2,400?

    USEC. CHUA: Tama po iyan, para sa 4P beneficiaries, isasabay lang po ito sa kanilang pay out every two months. Sabi po ng DSWD, simula February ay kapag natanggap po nila ang kanilang 4Ps ay matatanggap rin nila iyong P2,400. Iyong wala pa, iyong 5.6, iyan po an gaming fino-focus ngayon. Kailangan po silang i-enroll, kailangan i-validate kung tama ba iyong address nila. Gawan po sila ng ID, gawan po sila ng ATM at i-distribute. Nasimulan na po namin at iyan po ang aming tututukan in the next few months para by the 3rd quarter, mabigyan na po sila.

    VP LENI: Usec, paano nila malalaman na kasama sila doon sa… Iyong 4Ps kasi wala silang problema kasi alam na nila na kasali na sila doon sa additional P2,400. Pero iyong mga bago – iyong 5.6, paano nila malalaman na kabahagi sila doon sa bagong listahan?

    USEC. CHUA: Mayroon po tayong list noong 5.6 million at kung mayroong mag-drop out diyan or hindi mag-qualify kasi yumaman na, mayroon po tayong replacement list. Ang ginagawa po naming ngayon ay vina-validate namin ngayon. Susundan po natin iyong 4Ps system – magkakaroon po tayo ng barangay assembly. Ibig sabihin, bawat barangay ipo-post namin iyong list of beneficiaries para malaman nila na sila ay beneficiaries. Siyempre minsan may magrereklamo pero ang maganda po ay 9 years na natin ginagawa ito sa 4Ps program.

    VP LENI: Mayroon na tayong modelo.

    USEC. CHUA: Opo, may experience na tayo. Kasama po natin ang DILG na tutulong sa communication, sa pag-coordinate sa LGU. So mayroon na po tayong experience, we’ll just improve on that system.

    VP LENI: Iyong pinaka-schedule ba natin nito, dapat sana before March, nagkaroon na ng barangay assembly para malaman nila na kasali sila sa listahan. Tama ba ito?

    USEC. CHUA: Tama po. Iyong complication lang natin, may barangay election din. Magba-balance lang tayo kasi baka magamit din. Iyong DILG at iyong nasa barangay, medyo may ibang priorities kaya ibabalanse lang natin para makita nila na hindi ito para sa politika at hindi ito sa eleksyon.

    VP LENI: Usec. Karl, ito rin talaga iyong danger diyan. Kapag nagpatawag – bale iyong kapitan iyong nagpatawag. Baka ma-misinterpret din kung pogi siya sa mga dinagdag na beneficiaries. Pero iyong mga hindi makakasama, i-aaccuse din ang kapitan na namimili. Pero ito, walang kinalaman dito iyong barangay officials. Kasi iyong Listahanan na ito, meron talagang hi-nire iyong DSWD na sila iyong mag-interview at ito ay 2015 pa sinimulan.

    USEC. CHUA: Yes po.

    VP LENI: Siguro ito iyong klaro doon. Kanina, Ka Ely, kinukuwento ni Ka Ely – nagstart na nagkarga siya ng gasolina. Mayroon nang dagdag kaagad na…

    ELY: At least 3 pesos na po eh. Kasi 280 iyong nasa batas Usec. Pero bukod ho diyan, doon sa dagdag na excise tax ngayon, doon sa world market, depende sa presyo eh. Kasi ako po, iyong binabanggit ng DTI na minimal, napakaliit lang po na presiyo. Ang basehan po niyan, iyong mga de lata. Pero karamihan po sa atin namimili tayo sa palengke eh. Kapag tinanong mo ang tindera, “Bakit iyong isang bugkos ng talbos sampung piso na. Dati limang piso lang.” “Eh iyan ang kuha namin eh.” Iyon ang paliwanag nila. Matanong ko po, paano po ito ipaliliwanag ng gobyerno?

    VP LENI: At saka ito din, isama ko na ito Ka Ely. Tinitingnan ko iyong – graduated din Usec, ano? Hindi biglaan iyong pagtaas ng gasolina pero parang mayroon siyang schedule na taas mula 2018, 2019 at saka 2020. Halimbawa iyong regular gas, ngayon ay P4.35/liter. Sa 2018 magiging P7 ito, sa 2019 magiging P9, sa 2020 magiging ten. Iyong unleaded naman from P5.35, ganoon din. Magiging P7, magiging P9, magiging P10. Iyong diesel, dati wala siyang tax. Zero tax pero magdadagdag ng P2.50.

    USEC. CHUA: Iyong P3 po ay proposal ng DOF pero ang ipinasa po nila, diesel po this year additional P2.50 tapos sa 2018 P4.50, sa 2019, P6.

    VP LENI: Tapos iyong LPG rin, diba? Mula sa wala, magiging P1, P2, P3. Tapos pati iyong kerosene, mula sa wala, magiging P3, P4, P5. Iyong isa pang criticism dito Usec, nagtaasan lahat ng regular pero iyong aviation fuel – iyong gasolina sa eroplano, iyon iyong kontrolado. Bakit daw napapaboran nito iyong mga nag-eeroplano pero iyong mga regular na mga passenger, sila iyong nagbe-bear ng burden.

    USEC. CHUA: Iyong unang mungkahi po ng DOF actually ay P7, P9, P10 kasi sabi namin hindi pa sila essential products pero iyan po ang ipinasa ng Kongreso pero sabi po nila ay dahil makakatulong ito sa domestic tourism. Ang sabi po namin ay sana pantay-pantay po para walang daya din.

    ELY: Kasi sa ating konstitusyon, pantay-pantay talaga. Pero dito sa ating TRAIN law, iyong paninwala ng marami parang mas maraming pabor po ang napupunta sa mga mayaman. Sa mga luxury cars na lang po eh. Ang mga binabanggit parang nakatipid pa, nabawasan pa iyong tax. Samantalang iyong mga pangkaraniwan, middle-income earners na talagang pilit lang pong kumuha ng hulugan na kotse, sa kanila pa po pinakamataas ang tax.

    VP LENI: Ito talaga Usec. Karl, una sa gasolina, iyong gasolina ng lahat ng regular, unleaded, diesel, LPG, kerosene… Malaki iyong itinaas pero iyong gasolina ng eroplano hindi. Pagdating naman sa mga sasakyan, mga presyo ng mga sasakyan, tataas siya dahil sa dagdag na excise tax. Pero iyong excise tax sa mga luxury vehicles gaya ng Porsche, iyong mga Lexus, ito tuloy iyong mga bumaba so anong dahilan kung bakit ganito?

    USEC. CHUA: Iyong unang rekomendasyon ng DOF very kasi doon sa pinakamurang kotse, pinakamababa – 4%. Doon sa pinakamahal, 100% iyong tax. Siyempre, dahil dumaan ito sa malaking debate sa Congress, marami ring pumasok at nag-contribute ng kanilang position or interest. Ito iyong kinalabasan kaya hindi po ito ideal. Wala pong reform na ideal dahil kung gusto natin ng perfect na reform baka po wala tayong mapasa. Kaya ito po siguro iyong sigurong proseso ng ating democratic instutitions – we get some, we don’t get some.

    VP LENI: Iyong proposal ba ng DOF, walang ganitong pagpapabor sa luxury vehicles?

    USEC. CHUA: Wala po. In fact, 100% po iyong proposal namin.

    VP LENI: Kasi iyong bumibili nitong luxury vehicles ito na yung mga mayayaman nang dati.

    ELY: Ma’am, iyong mga nagpasa.

    VP LENI: Tama ba, from 60% nang dati na gagawin sanang 100%, naging 40%. Halimbawa ang cost ng vehicle, P4 million pataas, pababa na iyong taxes. Pero iyong mga maliliit, mga mura na vehicles, ito tuloy iyong ang tataas ng taxes. Kaya iyong tira talaga dito Usec., parang pinapaboran ang mga mayayaman. Kasi kung bibili ka nga naman ng luxury vehicle, doon ka tuloy makakatipid ngayon.

    ELY: At saka Ma’am, iyong mga mababang uri ng sasakyan, dito na ho ginagawa iyan. May mga planta na ho iyan dito so baka maapektuhan ang ating produksyon at iyong mga manggagawa maaapektuhan din. Samantalang iyong mga luxury cars, dinadala iyan dito buo na.

    USEC. CHUA: Iyong gagawin po ng DOF, dahil ito po ay batas na, kailangan po ito sundin. Pagaaral po ito ng DOF this year, kung ano ang epekto nito kung nakasama ba ito o kaya pa nating ipagpatuloy. Kung hindi naman po maganda, may pagkakatao po tayo kasi every year may isina-submit po tayong package. Doon po natin aayusin iyong hindi po tama.

    VP LENI: Kasi iyong mga nababasa natin, tanggap naman ng lahat. Kung tama ako, ten years na natin hindi ina-adjust iyong taxes para sa vehicles. May nabasa ako isa iyong Pilipinas sa mga pinakamababa talaga na mga taxes para sa mga sasakyan. While hindi naman umaalma iyong mga tao sa pagtaas ng presyo ng mga sasakyan, lalo pa ngayon na grabe ang traffic sa Metro Manila, iyon lang talaga. Iyong pagbaba ng taxes sa luxury vehicles from 60% to 40%. Parang napaka-klaro talaga na pinapaboran iyong mga mayayaman. Hindi natin alam ang dahilan dito. Ito naman Usec. Karl, siguro dapat talagang gawin ng DOF, tingnan ang epekto nito. May nakita akong argument na ang mga luxury cars daw kasi madalas i-smuggle papasok ng Pilipinas so para daw maiwasan iyong smuggling ng luxury vehciles, bababaan daw ang tax pero parang hindi talaga ito tanggap ng tao, Ka Ely.

    ELY: Parang pilosopo po iyong ano… Kasi dapat higpitan ang Bureau of Customs. So iyon po talaga ang concern. Talagang pangit po, ano? Parang nasira po iyong layunin ng batas na makatulong sa mas nakararami.

    VP LENI: Iyong isa pong pinag-uusapan, kasi iyong isa pa sa dahilan ay para i-widen iyong tax base. Para i-widen ang tax base. Kasi Ka Ely, napakarami nating exemptions. Kung hindi ako nagkakamali, 143 sa VAT, ibinaba ito to 54 na lang. So from 100 plus na tax exemptions, ibinaba siya to 54.

    USEC. CHUA: Sorry po, 54 po iyong tinanggal.

    VP LENI: Ah okay, 54 iyong tinanggal. Tingin natin tama ito dahil mas marami naman iyong makikinabang pero mayroong mga controversial. Merong mga controversial na tinanggal na mayroon talagang nagla-lobby na mga groups noong hindi pa siya naipapasa na batas. Bakit ito tinanggal? Ang isa dito iyong mga boy scouts at girl scouts. Marami akong nabasa na mga position papers o mga articles tungkol dito, bakit daw tinatanggal iyong VAT exemption sa girl scouts at boy scouts?

    USEC. CHUA: Ang layunin po namin, ang lahat ng exemptions tanggalin maliban sa agriculture, raw food, education and health dahil mali po talaga iyong pagbigay ng exemption through the tax system. Kasi hindi po natin control ang mag-aavail ng exemption at madalas po, iyong mga mayayaman ang nagiging beneficiary. Ang layunin po namin ay tanggalin natin ang mga exemption, gamitin po natin ang budget through targeted means to provide the subsidy. Halimbawa po, senior citizens – iyong medyo controversial dati. Sabi namin kung ikaw ay may pera, saka ka makaka-enjoy ng movies or restaurants or travel. Sa totoo po, iyong mahihirap na senior citizens, hindi naman sila nagbebenefit pero sila ang kailangan ng tulong. Ang sabi po namin, iyong P8 billion na masa-save natin, ibabalik natin sa mahihirap na senior citizens. Iyan din po iyong gagawin natin sa girl scouts, sa boy scouts. Iyong kanilang tulong sa kanilang uniform o sa kanilang development ay ibudget natin para maayos po. Iyon po ang layunin namin. Hindi po na tanggalin iyong benefit pero palitan lang iyong form ng benefit.

    VP LENI: Iyong isa pang alam kong controversial ay iyong pagtanggal din ng VAT exemption sa mga electric cooperative at saka sa mga power transmission. Kasi parang ginagawa din itong dahilan sa pagtaas ng singil sa kuryente. In fact, ngayon marami na tayong nakikitang reklamo na nagtataasan na iyong singil sa kuryente. Ano iyong explanation dito, Usec?

    USEC. CHUA: Iyong explanation po ay dapat fair din iyong taxes. Halimbawa iyong electric cooperatives, kung registered ka sa NEA, VAT-able iyan. Pero may 13 na electric coops na nag-register sa CDA kaya sa tingin po namin ay hindi patas. Kasi bakit iyong nasa Manila na MERALCO ang distributor, nagbabayad ng VAT. Let’s say iyong nasa Pampanga nagbabayad ng VAT pero iyong nasa Negros hindi nagbabayad ng VAT. So dapat pantay pantay. Iyong sa transmission din, iyong ginawa kasi, noong pumasok iyong NGCP, binigyan sila ng franchise tax in lieu of all other taxes. At Malaki po siguro iyong nawala. Malaki po iyong kailangan po natin bigyan ng infrastructure at services kaya naisip po namin, dapat pantay pantay. Iyong VAT kasi, consumption tax. Kung bumili ka, magbayad ka ng VAT. Kung ayaw mong magbayad ng VAT, huwag bibili o i-minimize mo iyong consumption.

    VP LENI: Ito, Usec., ang inaalala lang, parang nagiging dahilan iyong bagong tax law para taasan talaga iyong mga rates. Ano iyong puwedeng gawin ng mga consumers kapag ganito?

    USEC. CHUA: Sa tingin po namin, ang ating tax reform ay hindi dapat magdudulot ng mataas na effect sa price. Halimbawa po noong 2016, napansin namin na iyong diesel, dating P18 naging P32. So 75.9% increase pero ang lahat po ng inflation ay mababa. Iyong food, 3.4 lang, transportation, 2.4. Tapos ang ginawa po namin, habang nag-increase po ang diesel ng P18 to P32, iyong key commodities na minomonitor ng DTI, hindi masyadong nag-increase. Kaya sa tingin po namin with our tax reform na 2.50 lang ang increase, hindi siya dapat maging dahilan. Pero siyempre, profiteering po ang kalaban natin kaya noong December pa lamang, iyong DTI, DOE at DOF naglabas na ng mga public announcements kung ano iyong effect noon sa price. Siyempre hindi po natin puwede i-monitor lahat so kung mayroon pong complaint ang public, dapat ipaalam lang sa DTI or DOE.

    VP LENI: Posible ba, Usec. Na iyong DTI maging mas active sa paglagay ng mga presyo – parang price monitoring sa mga palengke? Talagang ngayon marami iyong nagte-take advantage para taasan iyong presyo.

    USEC. CHUA: Iyong DTI po ay umiikot na rin kasama iyong DOE para i-monitor iyong price.

    ELY: Dapat iyong Department of Agriculture na rin, sa mga karne at mga isda kasi iyan po iyong madalas na talagang iyong presyuhan po diyan hindi kino-control ng gobyerno.

    USEC. CHUA: Kapag sa market na po, iyong DTI na po iyong tumitingin. Iyong DA po kasi nasa farm level. Pero siyempre kailangan magtulungan din kaya iyong mga ordinaryong Pilipino kung may complaint, dapat ipaalam din po para alam ng gobyerno.

    VP LENI: Naalala ko Usec., paminsan nagkaroon ng meeting sa opisina. Ito iyong mga nasa manufacturing sector. Mayroon din silang nirereklamo na tinanggal na VAT exemption – tungkol sa exports. Kasi parang mas pinapaboran – lumalabas na parang mas pinapaboran tuloy iyong mga importaed na raw materials kaysa doon sa galing dito sa atin. Anong masasabi mo dito?

    USEC. CHUA: Ganito po, iyong ating tax system ngayon, maraming pinapaboran – maraming incentives. In fact iyong aming package 2, babalikan namin iyong incentives dahil P301 billion kada taon ang binibigay nating incentives at hindi natin alam kung ito ay ginagamit sa tamang paraan. Kung bumabalik ba ito sa pamamagitan ng mas maraming trabaho. Kaya pag-aaralan natin ito, pero an gaming thinking po, ang tax system dapat fair. Wala dapat pinapaboran – domestic man o foreign, import or export, small or large taxpayers – dapat pantay-pantay po. At bibigyan lamang ng incentive kung maprove na talagang nakakatulong sa ating development dahil Malaki po ang implication noon sa trabaho o sa countryside development. Iyon po ang aming focus sa package 2 sa taong ito.

    VP LENI: Ang isa din sa controversial ngayon – eto bago eh, bagong taxation sa sugar-sweetened beverages. Eto actually, Usec. Karl, noong nasa Kongreso pa ako, isa ako sa mga authors nung panukala na lagyan ng mas maraming tax iyong sugar-sweetened beverages, pero iyong sa akin, mas health bill siya eh. Gusto sabihin, iyong obesity kasi sa atin, ang dami na diba. Parang ito rin iyong naging problema sa Amerika. Parang sobrang grabe iyong matataba pero unhealthy na mga tao. Ito naglagay tayo ng mas malaking taxes sa sugar-sweetened beverages. Kapag sugar-sweetened Ka Ely, kasama dito iyong mga softdrinks, iyong mga artificial fruit juice. Ano pa iyong dito?

    USEC. CHUA: Bale lahat po ng sugar-sweetened beverage maliban sa coffee, milk at 100% fruit or vegetable juice pero lahat na po ng may artificial sugar ay taxable na po.

    VP LENI: Marami dito iyong nagco-comment – halimbawa iyong, meron na daw mga lugar at restaurant na unlimited ang soda pero ngayon hindi na. Ano iyong – gaano ka-grabe iyong increase sa presyo, halimbawa sa coke?

    USEC. CHUA: Iyong aming proposal na halimbawa pinasa po ng Kongreso, kapag yong liter of softdrink or juice na artificial sweetener, additional na P6/liter. Medyo Malaki po siya pero gaya o ng sinabi niyo Ma’am, hindi po siya healthy. Kaya iyong dating P30, magiging P36 pesos. Halimbawa iyong gamit po na sweetener ay high-fructose corn syrup, ang sabi po ng Kongreso, additional P12. Iyong dating P30, magiging P42.

    VP LENI: Mas malaki. Mas unhealthy iyon?

    USEC. CHUA: Mas unhealthy po. Gaya po ng sinabi ninyo, health measure po ito. Bawat can kasi ng softdrink, may 35 grams of sugar. One teaspoon is 4 grams. Ibig sabihin parang 9 teaspoons everytime uminom kayo at hindi talaga siya healthy.

    VP LENI: Ang comment ko lang dito sa bagong health measure, Usec. Karl, iyong basis kasi, iyong litro. Iyong quantity ng iinumin pero hindi basis iyong gaano kadaming sugar iyong nandoon. Halimbawa iyong one liter ng softdrinks, pareho iyong idadagdag, P6 iyong idadagdag kumpara sa one liter din ng fruit juice na mas kaunti iyong sugar content. Bakit ganoon?

    USEC. CHUA: Iyan po iyong ideal na reporma. Dapat based on sugar kasi mas maraming sugar, mas masami iyong epekto. Pero kami po, ako at members ng Congress, we went to Mexico to study – kasi sila po ang ginagawa po nila at ng ibang bansa, per liter ang basis, hindi per sugar. Because of the tax administration – mas madali po kasi magcollect per liter dahil obvious kumpara sa per sugar na iyong labelling ay baka madaya din at hindi natin ma-monitor. Kung ang layunin natin ay mag-raise ng revenue para ilaan sa health projects, mas Malaki talaga ang makukuha natin. So dapat tingnan po natin ang overall impact, hindi iyong ideal pero kung achievable po iyong…. Naisip po namin na per liter po ang makaka-generate ng enough funds para sa ating health projects.

    VP LENI: Pero ito – hindi ako familiar masyado sa… Ano baa ng napaglaanan na… Mayroon ba siyang specific na health program na papaglaanan? Kasi gaya noong sin tax, very specific kung saan siya mapupunta. Ito ba, iyong makukuhang buwis dahil dito sa sugar-sweetened beverages, meron bang particular na mga health programs na mapupuntahan? Halimbawa malnutrition – ito Ka Ely nakakabahala ito. Galing ako sa Thailand two months ago. Iyong statistics dito sa Pilipinas, tumaas pa. Tumaas this year iyong malnutrition rate. Nakakabahala kasi sobrang dami na nating feeding programs. Gustong sabihin parang hindi nagwo-work. Iyong tanong ko lang, iyong makukuha ba nating dagdag na buwis, mayroon bang specific malnutrition program?

    USEC. CHUA: Sa tax reform po kasi, iniiwasan po namin iyong specific earmarking kasi napag-decide po ng economic managers ay ang tamang proseso ay ibudget sa every year. Kasi ang tax reform, kahit maganda iyong intention, minsan 10, 20, 30 years hindi natin nababalikan. Baka mag-iba iyong priorities. Kaya ang desisyon po ng ating economic managers ay sa annual budgeting natin ipasok iyong mga kailangan puntahan. Pero sa earmarking, 30% kasi ay broadly allocated to social services at 70% sa infrastructure. May mga specific na nabanggit diyan tulad ng provision of water stations para sa mga public schools, public areas para iyan po ang kanilang source of quenching the thirst rather than bibili pa ng softdrinks. Iyan po ang aming napagdecide. Ang unang mungkahi kasi ng Congress, very specific earmarkings pero sabi namin baka ma-stuck ang pondo so baka hindi magamit, mag-iba ang concern. At least every year, mababalikan namin. Pero not to worry kasi ang Department of Health, ang budget niya, to double talaga under our government’s priorities.

    VP LENI: Kasi sa tingin namin Usec., kailangan ma-alarma na tayo dito sa malnutrition kasi sa pag-ikot namin talaga sa buong Pilipinas, nakakatakot iyong statistics natin on stunting. Ito Ka Ely, iyong mga bansot kung tawagin. Pero ang nakakatakot dito, hindi lang height iyong affected. Pati iyong mental faculties. Iyong sinasabi natin na bobo, isa sa mga dahilan niya talaga, stunting. Iyong sobrang malnourished iyong bata tapos iyong problema niya after the age of 5, irreversible. Kaya sana Usec., matuunan talaga ng pansin iyong – may specific item talaga sa budget na ito talaga iyong tututukan kasi mataas nga iyong malnutrition rate. Mayroon pang isang tanong – dito sa sugar-sweetened beverages. Naalala ko iyong sa tobacco. Naglaan ng pondo doon sa tobacco growers na maaapektuhan. Dito sa paglagay ng maraming taxes sa sugar-sweetened beverages, may maaapektuhan din na sugar farmers. Meron bang programa para sa kanila?

    USEC. CHUA: Mayroon po tulad ng earmarking para sa tobacco-producring provinces, mayroong earmarkings din po para sa sugar-producing farmers so pinantay po.

    VP LENI: Sa pagtaas ng presyo ng sugar-sweetened beverages, Ka Ely, syempre bababa ang demand. At mawawalan ng trabaho talaga iyong maraming mga taong nasa industriya kaya ito siguro iyong pagtuunan ng pansin na bigyan sila ng pagkakataon na mabigyan ng ibang trabaho, ibang pagkakakitaan.

    ELY: Through LGU din ba ibibigay iyong pondo?

    USEC. CHUA: Mayroong LGU, mayroong national program for sugar development so doon din po iyon mapupunta.

    ELY: Usec., salamat po sa inyo.

    VP LENI: Wala na tayong oras, Ka Ely, ang dami pa sanang tanong. May itatanong pa sana ako pero ibang panahon na siguro, Usec. Maraming maraming salamat po sa inyo. Marami pa siguro po kaming tanong pero i-coucourse through na lang po namin sa inyong opisina.

    USEC. CHUA: Maraming salamat din po.

    VP LENI: Alam mo ka Ely itong guest natin ngayon si Christopher Solis talagang ang buhay niya puwedeng isa-pelikula. Puwedeng isa-pelikula ang kanyang buhay napakalaking inspirasyon. Nagdaan siya, napakakulay ng buhay niya ka Ely pero siguro siya ang papakuwentuhin natin. Pero nagdaan siya sa napakadilim na bahagi, napakadilim na parang chapter ng buhay niya pero iyon ka Ely ay naturn-around. At iyong pag-turn-around talagang ano ito, 360 degrees. Isa na siyang inspirasyon ngayon ka Ely, nakakatulong sa maraming mga tao. Pero i-greet na natin siya kasi nawawalan na tayo ng oras. Si Christopher Solis, magandang-magandang umaga sa iyo Chris. Maraming salamat sa pagpaunlak sa aming imbitasyon.

    CHRISTOPHER SOLIS: Isang mapagpalang umaga rin po ma’am. At husto ang aking kagalakan na ako’y naimbitahan sa inyong istasyon dito sa umagang ito.

    VP LENI: Ito Chris, alam ko na dumaan ka sa napakadilim na bahagi ng iyong buhay. Pero puwede bang ikuwento mo sa amin kung anong pinagdaanan mo?

    CHRISTOPHER SOLIS: Totoo po iyon ma’am. Noong ako po’y nasa murang edad pa po, marami po akong pinagdaanan na hindi magaganda. At talaga pong sadyang napakadilim, kung saan sa murang edad nakaranas na po ako ng makapagbisyo, makipagbarkada sa hindi magagandang kaibigan, at halos naging sakit na rin po ako ng lipunan. Salot ng lipunan ba kung tawagin. Pero dahil po sa kabutihan ng ating Panginoong Diyos, noong ako po ay tumanggap sa kanya bilang sarili kong Diyos at tagapagligtas ng aking buhay, biglang boom! Biglang nagbago po ang lahat. Naalala ko nga po noon noong ako po’y nasa PGH, wala po talaga sa aking nag-aasikaso kasi dala nga po ng mga nagawa kong hindi maganda noong nakaraan. Pero noong tinanggap ko po talaga ang ating Panginoong Hesus bilang sarili kong Diyos at Tagapagligtas, nabago po ang lahat. Ang sirang relasyon sa pamilya muling nabuo. At tandang-tanda ko po noong tinanggap ko po ang ating Panginoong Hesus ay pinanghawakan ko po talagang verse sa bible si Jeremiah 29:11. Ang sabi po dito, “For I know the plans I have for you declares the Lord. Plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope in the future.” So talagang pinanghawakan ko po iyon, sa kawalan ng pag-asa hanggang sa nagkaroon ng pag-asa, at ngayon po talagang pinagpala ako ng Panginoon dahil sa kabila po ng kalagayan ko, pinagkalooban niya po ako ng isang kabiyak na talagang nagmamahal sa akin, iyong talagang aalalayan ako, sasamahan ako hanggang sa ako’y mawala, handang alagaan ako. At ngayon po, ako po ay nag-aaral bilang pastor. Sa tulong din po at biyaya ng ating Panginoong Diyos, niregaluhan niya po kami ng isang bagong tahanan, mayroon na po kaming tirahan. Kaya po napakabuti po talaga ng Panginoon.

    VP LENI: Siguro Chris ang isang tanong natin, ikuwento natin sa mga nakikinig sa atin, bakit ka napunta ng PGH?

    CHRISTOPHER SOLIS: Ano po noon, ako po ay nabaril. Nabaril po ako noon dahil sa panghoholdap.

    VP LENI: Kayo ang nanghoholdap?

    CHRISTOPHER SOLIS: Opo. Kasi nga po dahil sa barkada, makapagbisyo lang, ganoon na po ang ginawa namin.

    VP LENI: Kasi kung tama ako Chris ang kuwento mo parang di ba parang lumaki nang lumaki ang ginagawa mo. Una ka Ely ang kuwento niya parang nagsimula lang siya sa mga kuha-kuha, hanggang dumating na siya sa pagnanakaw. At iyong pagnanakaw, nanghoholdap na siya. At ang isa sa mga, isa sa mga, parang parang, parang ano ka papasok-labas ka sa kulungan. Labas-pasok siya sa kulungan, tapos ang isang panghoholdap na ginawa niya nabaril siya sa paa. Sa paa di ba Chris?

    CHRISTOPHER SOLIS: Spinal cord po.

    VP LENI: Sa spinal cord. Ang nakabaril sa iyo pulis?

    CHRISTOPHER SOLIS: Opo pulis po.

    VP LENI: Ang nakabaril sa kanya pulis. Tinamaan siya sa spinal cord kaya siya pinasok sa PGH. Tapos noong pumunta ka sa PGH, parang hirap na hirap ka kasi wala kang pamilya hindi ba? Walang pamilyang nag-aasikaso, pero parang ang mga tao doon sila ang nag-asikaso sa iyo.

    CHRISTOPHER SOLIS: Opo. Sila ang ginamit ng Lord para magpatuloy ako sa buhay, huwag ako mawalan nag pag-asa sa kabila ng sitwasyon at kalagayan ko.

    VP LENI: Oo. Ang balita ko Chris parang ang naging pamilya mo na iyong mga nasa ward number 5 ba iyon?

    CHRISTOPHER SOLIS: Opo. Iyon po sila.

    VP LENI: Dahil sa tagal na inilagi mo doon.

    CHRISTOPHER SOLIS: Opo opo.

    VP LENI: Ano iyon inoperahan ka? Anong nangyari sa paa mo?

    CHRISTOPHER SOLIS: Bali po tinerapi po ako doon para masolusyunan kasi dati po talaga hindi po ako makagalaw.

    VP LENI: Dahil doon sa tama sa spinal cord.

    CHRISTOPHER SOLIS: Dahil po sa tama sa spinal cord. Pero dahil nga po sa mga ginamit ng Lord, ang mga doctor ang mga nurses, mga therapists, unti-unti po akong nakapaglakad kahit papano. Tapos niregaluhan po ako ni Doc Penny ano at saka wheel chair.

    VP LENI: Ng ano iyon? Ah brace. Si Doctora Penny ka Ely, Physicians for Peace siya. Ang Physicians for Peace partner namin sa Angat Buhay. Naglalagay sila ng mga artficial limbs. In fact ka Ely sila ang partner namin sa paglagay ng mga artificial limbs doon sa mga sundalo. Binigyan ka nila ng brace at saka ang wheel chair?

    CHRISTOPHER SOLIS: Opo.

    VP LENI: Tapos noong mayroon ka na niyan parang mas nakakagalaw ka na.

    CHRISTOPHER SOLIS: Opo.

    VP LENI: Tapos ano ba ang kinukuwento nila na ano ba ang ginagawa mo na binibenta mo na doon sa mga nasa ward?

    CHRISTOPHER SOLIS: Ah, nagpepaint po ako. Bali naging source of income ko noong ako po’y talagang nag-iisa lang. Bali pagnakakagawa po ako ng bagong painting, nakikisuyo po ako sa mga doktor at mga nurses, sila din po ang customer ko at saka nagbebenta rin po.

    VP LENI: Tapos doon ka medyo nakaipon, hanggang doon mo na rin nakilala ang isang pastor, di ba? Sa PGH din?

    CHRISTOPHER SOLIS: Opo. Si Pastor Cesar po iyon.

    VP LENI: Tapos noong nakilala niya ka Ely ang isang Pastor, ito talaga parang dito talaga nabago ang buhay niya. Iyon ang parang pinakanagpaikot ng lahat, hindi ba? Parang galing sa isang buhay na napakadilim. Kasi sabi mo nga nagnanakaw ka na, nanghoholdap, nahiwalay sa pamilya, parang dahil sa mga kahirapan na pinagdaanan, binigyan ka ng parang mga guardian angel. Di ba iyong mga doktor, iyong mga nurses tapos itong si Pastor.

    CHRISTOPHER SOLIS: Opo. At pinakamalaki po talagang naidulot sa akin na tumulong iyong CCT, Center for Community Transformation sa tulong po nila ate Ruth at mga pastor po doon.

    VP LENI: At nakilala mo ang CCT dahil din kay pastor?

    CHRISTOPHER SOLIS: Opo dahil din kay pastor Cesar. Kinausap po nila ang management ng CCT, at doon na po lumago ang buhay ko bilang Kristyano.

    VP LENI: Tapos noong lumabas ka sa PGH, doon ka na ba dumiretso sa kanila?

    CHRISTOPHER SOLIS: Opo doon na po, sa CCT.

    VP LENI: Tapos saan mo nakilala ang asawa mo?

    CHRISTOPHER SOLIS: Doon din po sa CCT. Actually teacher po siya doon.

    VP LENI: Ah. Iyon iyon. Kaya mayroon na siyang kasama ngayon ka Ely na sabi niya parang napakalaking bahagi ng buhay niya kasi tinanggap. Tinanggap kung sino siya, tinanggap kung ano ang pinagdaanan at ngayon sabi mo nag-aaral ka na din para maging pastor.

    CHRISTOPHER SOLIS: Opo.

    VP LENI: Ito ka-Ely siguro ang tanong natin sigurado Chris na marami din, marami tayong mga kababayan na siguro ngayon pinagdadaanan din ang pinagdaanan mo. Ano ang mensahe natin sa kanila?

    CHRISTOPHER SOLIS: Ang tanging masasabi ko lang po, maiiwan kong mensahe sa mga kapatid ko na dumadanas ng kahirapan sa buhay, wala naman pong ibang makakaresolba ng problema natin kung hindi ang ating Panginoong Diyos lang po. Ipagkatiwala po natin ang buhay natin sa Kaniya, magtiwala po tayo ng buong puso at tanging Siya lang po ang kikilos kung paano mapapabago ang buhay natin.

    VP LENI: At saka siguro ka Ely namention kasi ni Chris kanina na dahil sa bisyo di ba, dahil sa bisyo kaya napasok niya ang pagnanakaw, panghoholdap. Pero tingnan natin kung nasaan na siya ngayon.

    ELY: So siguro maganda iyong pinakamensahe na tungkol sa kanya ma’am. Na kahit na nalihis ng landas, may mga pagkakaton pa ring puwedeng magbago.

    VP LENI: Oo naman. At saka talagang ano, talagang gustong sabihin kahit nasaan ka ngayon parating nandiyan ang pagkakataon na binibigay sa atin, parating nandiyan ang pag-asa. Kaya siguro Chris maraming salamat. Maraming salamat sa inspirasyon na dinudulot mo, noong nabasa ko ang kuwento mo talagang parang ano, parang nakangiti ang aming mga puso kasi isa kang inspirasyon, isa kang halimbawa na kahit gaano kasama ang pinagdaanan parating may pag-asang naghihintay kaya maraming salamat Chris.

    CHRISTOPHER SOLIS: Maraming salamat din po.

    ELY: Maraming Salamat. Okay wala na po tayong oras ma’am at bago ang lahat, anong mensahe ninyo sa ating mga kababayan at siyempre kanina maganda ang ating topic ay tungkol po sa TRAIN ho at talaga naman ho. Ang mga nagtext sa atin hindi na ho natin mababasa.

    VP LENI: Napakakapal nito, pero siguro ang may mga tanong dito subukan natin na sagutin online. Mayroon dito kasi mga tanong tungkol doon sa TRAIN Law, ka Ely bigyan niyo lang po kami within the week. Susubukan po namin na masagot ito online. Kasi pagpasensyahan ninyo na kinulang po tayo sa oras kasi napakarami po talagang detalye na kailangan po matanong natin kay USec. Karl. Kaya ito po, iyon ang promise ng opisina namin. Sasagutin po namin isa-isa ang lahat pong may katanungan. Medyo marami ito ka Ely, interesting yata ang mga tanong. Ang ganda ng mga bisita natin ngayon, si USec. Karl at saka si Chris. Kaya ito sana mas maraming oras Chris para nakuwento mo sana mas detalye. Pero iyon nga, sabi ko puwede isapelikula itong buhay ni Chris.

    ELY: Okay. So ang pinakamensahe rito, kahit na nalulong man sa kung ano sa mga bisyo at nalihis ng landas, ay mayroon pa hong pagkakataon na magbago. Huwag munang patayin, okay. So wala na po tayong oras ma’am.

    VP LENI: Oo, ito lang ka Ely, bago lang tayo magpaalam. Mayroon kasing paulit-ulit na mga tanong dito. Ang tinatanong nila bakit, bakit daw ang, bakit daw ang mga sa teachers, sa nurses at saka sa midwives parang walang increase sa salary. Siguro po ito…

    ELY: Kasama iyan ma’am sa SSL iyong Salary Standardization Law.

    VP LENI: Kaya sasagutin natin ito ka Ely, palagay ko ano ito, palagay ko reaksyon sa balita na dodoblehin ang suweldo ng pulis at sundalo. Sasagutin po natin online.

    ELY: Okay ma’am salamat po. Magandang umaga po uli.

    VP LENI: Maraming salamat po sa lahat ng nakasama natin ngayong umaga.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Jan 13, 2018