This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong Leni – Episode 62

    ELY: Magandang umaga Pilipinas, Luzon, Visayas at Mindanao! Ngayon po’y araw ng Sunday, July 15, 2018. Mga kasama, ako pa rin ho ang inyong radyoman Ely Saludar. Isa na namang edisyon ng BISErbisyong Leni dito po sa RMN. Tayo po’y napapakinggan nationwide.

    Magandang umaga rin po diyan sa RMN Naga DWNX 91.1, DWRN 657at RMN Cebu DYHP 612 at RMN Cagayan de Oro DXCC at RMN Davao DXDC 621 at sa lahat po ng inaabot ng aming broadcast sa pamamagitan din po ng Facebook.

    Mga kasama, dito po sa ating studio, kasama natin si madame Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning po sa inyo.

    VP LENI: Good morning, Ka Ely. Good morning po sa lahat ng nakikinig satin ngayong umaga, pati po iyong mga kasama natin sa ating Facebook page, iyong Facebook page po ng RMN saka po iyong sa Facebook page ng VP Leni Robredo –

    ELY: VP Leni Robredo. Opo. Okay, so importante po ang pag-uusapan natin. At bagamat sa nakaraang linggo, Ma’am, marami rin ho kayong mga naging aktibidad at siyempre, ginunita iyong dalawang taon na parang natengga ho, nasayang iyong ating pagkapanalo dito po sa paghahabol sa West Philippine Sea.

    VP LENI: Iyon iyong pinakamahalagang – iyon iyong pinakamahalang pangyayari, Ka Ely, ngayong linggo nung Miyerkules. Miyerkules ba o Huwebes?

    ELY: Huwebes.

    VP LENI: Huwebes, ginunita natin iyong pangalawang taon pagkatapos na pinanalo nating iyong kaso sa arbitral tribunal. Nagkaroon ng isang forum na sponsored ng ADR [Stratbase Albert Del Rosario] Institute. Pero, Ka Ely, iyong bisita natin ngayong umaga inimbita natin kasi maraming Pilipino – may nagpresent doon, nagpresent iyong isang survey firm. Iyong survey na pinakita, Ka Ely, 78% na mga Pilipino naniniwala na dapat ipaglaban ng administrasyon na ito iyong ating kaparatan sa ating teritoryo laban sa Tsina. Pero kapag tinanong natin, Ka Ely, ng detalye, maraming hindi nakakaintindi.

    Kaya iyong bisita natin ngayon, isang eksperto ito, Ka Ely – isang eksperto sa Maritime Law saka sa Law of the Sea. Actually, Ka Ely, professor siya sa College of Law ng UP [University of the Philippines]. Pero isa siya doon sa technical working group na nag-trabaho talaga para ipaglaban natin iyong ating mga claims laban sa China sa arbitral tribunal. Kaya siguro, Ka Ely, diretso na tayo sa topic kasi medyo mahaba-haba iyong ating–

    ELY: Oo, magandang diskusyon po ito.

    VP LENI: Oo. Gusto nating ipaintindi sa ating mga kababayan kung anong gustong sabihin. Kung anong gusting sabihin nitong claim natin laban sa China saka anong gusting sabihin ng desisyon.

    Iyong ating bisita Ka Ely, si Professor Jay Batongbacal. Kilalang-kilala na ito, Ka Ely, basta ang usapin tungkol sa West Philippine Sea, parati siyang naiimbita. Siya iyong Director ng University of the Philippines Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea kaya talagang pagdating diyan, siya iyong una nating tinatanong. Magandang umaga sa iyo, Professor Jay.

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Magandang umaga po, VP Leni at Ka Ely.

    ELY: Good morning.

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Magandang umaga po sa lahat ng nakikinig.

    VP LENI: Ito, Professor Jay, parating pinag-uusapan iyong parang laban natin sa teritoryo kontra sa China. Pinag-uusapan na pinanalo natin iyong kaso. Pero siguro bigyan lang natin ng konteksto yung ating mga tagapanood. Bakit ba nagkaroon ng ganitong hidwaan tungkol sa ating teritoryo?

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: So yung hidwaan po na ito iyong pinaka-parang precipitating event. Iyong nagpagrabe talaga ay iyong pagkuha ng China doon sa Scarborough Shoal o ang tawag natin doon iyong Bajo de Masinloco Karburopara dun sa mga mangingisda natin, ano. Kasi nga nung 2012, huhulihin sana natin iyong mga Chinese fishermen doon na gumagamit ng mga destructive fishing methods saka illegally fishing in our exclusive economic zone and territory. Noong huhulihin natin sana sila ay pinigilan tayo. Hinarap tayo ng China Coast Guard at nagkaroon tuloy ng stand-off for several months. At pagkatapos nga ng ilang buwan ay umatras tayo dahil sa tangkang kasunduan dapat na mutually magwi-withdraw. Parehong lalabas sana doon sa shoal. Pero kahit lumabas ang Pilipinas ay hindi lumabas ang China.

    VP LENI: Hindi nila tinupad. Hindi nila tinupad iyong kanilang pangako.

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Opo. At simula noon ay hindi na sila umalis at kinontrol na nila nang tuluyan iyong shoal o iyong Karburo at dahil doon ay nasira nga iyong mga corals at Chinese fishermen lang ang pinapapasok nila. Noong nakaraan ang ilang pang buwan ay siguro, napilitan iyong gobyero na umaksyon na parang nakakahiya din na parang wala tayong nagawa. Kaya ang pinili ng gobyero, syempre dahil hindi naman tayo pwedeng makipag-giyera sa China dahil labag iyon sa ating konstitusyon ay nag-umpisa tayo nitong arbitration proceedings nga sa ilalim ng UN [United Nations] Convention on the Law of the Sea [UNCLOS]. Pagkatapos ng ilang taon ay naipanalo po natin iyong kaso.

    VP LENI: Oo. Ito, finile natin iyong kaso 2013 ‘di ba? 2013 lumabas iyong desisyon July 12, 2016. Noong finile natin ito, administrasyon pa ni Pangulong Aquino. Pero iyong desisyon lumabas, administrasyon na ni Pangulong Duterte.

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Opo, tama po iyon.

    VP LENI: Ito, Professor Jay, sabi mo nagsimula itong parang naging grabe noong parang halos inangkin na nila iyong Scarborough Shoal. Siguro, ituro lang natin sa ating mga taga-pakinig. Saan bang banda iyong Scarborough Shoal?

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Ito pong Scarborough Shoal or Karburoay 124 NM [nautical miles] po from Zambales. Doblehin niyo lang po iyong 124, halos 250 kilometers ang layo. Bahura po ito na matagal nang kilalang pangisdaan ng mga Pilipino dahil noon pang Spanish period ay nasa mapa na po ng Pilipinas iyan. Nagkaroon pa nga iyan ng unang pangalan. Ang tawag dyan ay Panacot. Naging Scarborough Shaol po yan kasi bandang 1700s, mga 1760s ganon, meron pong nagbahura diyan na British. Iyong English ship. Ang pangalan noong barkong iyon ay HMS Scarborough. At dahil doon, parang nasigurado iyong posisyon niya kaya tuloy parang nadiskubre siya kahit na meron nang pangalan na Panacot. Kasi iyong lumang mapa ng Espanyol, medyo hindi pa accurate iyong posisyon. Pero dahil ditto sa British, dahil ito talaga iyong ginagawa nila dito sa rehiyon noon, unang na-pinpoint tuloy iyong location kaya binigay iyong pangalan na Scarborough. At siguro mula noon, naging Scarborough Shoal na talaga yung pangalan niya.

    Noong pumasok po iyong mga Amerikano, iyong Scarborough Shoal, parang pinamamahalaan po siya ng mga Espanyol. Kaya noong nilipat nila sa mga Amerikano yung tinatawag nilang Philippine Islands – iyong archipelago ng Philiippine Islands ay kasama po dapat iyong Scarborough Shoal.

    VP LENI: Kasama siya.

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Kaya lang, nag-drawing po kasi ng mapa iyong mga Kano at Espanyol noong Treaty of Paris Negotiations, kulang po iyong mapa nila e. Nasa labas po tuloy noong linya iyong Scarborough. Pero nilinaw naman po later on, mga 1930s noong nagtatanong kasi iyong Commonwealth government sa mga Kano, ano. Nilinaw nila na iyong Scarborough Shoal, kahit na hindi siya nakasama sa linya, kasama pa rin yan doon sa Philippine Islands na nilipat ng Espanyol sa mga Amerikano. Kaya kasama iyan dyan sa tinatawag nilang Treaty of Washington. Iyong pangalawan tratado, pangalawang agreement na naglipat ng mga isla sa mga Amerikano. At dahil nga doon, during the American period at saka Commonwealth period din, ay talaga pinamamahalaan po ng mga Kano, mga Pilipino iyong Scarborough Shoal. Patuloy po itong nangyayari pagkatapos po noong second World War. Kaya po hanggang 1994 actually, hindi iyan inaangkin ng Tsina. Dahil kung mayroon man silang pang-aangkin, parang paper claim lang dahil nasama siya doon sa mga mapang kanilang tinatawag nila noon na 11 dash line.

    VP LENI: 11 dash line oo.

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Hindi pa iyong 9 dash line. Pero, ano nga, hindi nilaman lang nila mapinpoint kung anong pangalan niyan. Actually, iyong unang pangalan na nilagay nila dyan sa Instik ay Scalbolo. Parang ginawa nilang Instik yung “Scarborough.” Kaya nangopya lang talaga sila nung mga mapa ng mga British noon eh. Hindi po nila binago yang pangalan nay an hanggang noong mga 1947 yata iyong ’48 nung naglabas po sila ng listahan.

    Binago po ulit nila iyong pangalan ng 1980s na. Kasi iyon pa lang iyong first time na nakapunta sila dyan at nadiskubre nila na meron palang parang maliliit na mga isla kasi merong mga bato doon eh.

    VP LENI: Oo.

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Noong tayo, alam na natin iyon matagal na.

    VP LENI: Matagal na tayong nangingisda doon.

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Opo. In fact, 1963, may pinasabog tayong mga smugglers’ bases dyan. Noong araw po ‘di ba uso iyong Blue Seal diba? So doon po nilalagay iyon.

    VP LENI: Iyong Blue Seal na sigarilyo.

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Opo. Pinasabog po iyon ng Philippine Navy dalawang beses noong 1963. Tapos dahil doon, para hindi na nga siya ulitin ay ginawa siyang Naval Operating Area ng US bases. So kakabit po iyan ng Subic kumbaga. Kaya naging target range po iyan ng US Navy tsaka ng Philippine Armed Forces din. Ginagamit din po iyan na target practice. Kaya tuluy-tuloy iyong ating exercise ng full sovereignty dyan sa area. Hindi lang po sovereign rights, ano.

    Noong 1994 lang first time nagkaroon ng aksyon ang China na i-claim iyan talaga sa kabila ng kanilang paper claim. Dahil ang ginawa nila, mayrooon silang mga binigyang permit na mga Germans na magtayo ng radio station doon – iyong amateur radio station.

    VP LENI: Saan, sa Scarborough Shoal mismo?

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Sa Scarborough. Parang nagtayo lang ng plataporma tapos may tao doon mayroong de-bateryang radyo. Tapos iyong nagta-transmit siya doon. Kumuha daw siya ng permit sa China. Eh umalma po ang Ramos government noon kaya iyon iyong talagang first time na kumbaga, naging disputed iyan between China and the Philippines.

    VP LENI: Noong umalma iyong Ramos government, napaalis din iyong German radio?

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Napaalis po. Opo. Umalis din po kasi hindi naman talaga pwedeng tumira iyong tao dun.

    VP LENI: Oo.

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Iyong mga bato dun walang… parang hindi man lang –

    VP LENI: Hindi mabubuhay –

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Kasing-laki ng conference table ho.

    VP LENI: Tapos – tapos pagkatapos noon, kailan ba naging maigting iyong parang occupation ng China dun sa Scarborough? Iyon ang 2012?

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: 2012 na po iyon kasi iyon iyong talagang hindi na sila umalis tapos initsapwera nila lahat ng Pilipino. Prior to that, wala silang pakialam diyan, kahit sino po nakakapasok ng Scarborough tapos tayo po iyong talaga nakabase doon.

    Mayroon kasi dating shipwreck doon na ginagawang base ng ating mga fishermen kaya umaabot daw sila minsan ng ilang buwan daw doon kapag nangingisda. Pero tinanggal po iyon noong 2009. Hindi po nila alam kung sinong nagtanggal noon. Kaya nawalan ng parang continuous presence iyong ating fishermen during the fishing season. So 2012, hindi na sila pinapapasok tuloy.

    VP LENI: Nakita natin – nakita natin parang fineature ng isang TV station iyong interview – hindi lang interview pero parang iyong actual na pangunguha ng mga Chinese – hindi ko alam kung fishermen din sila o Coast Guard…

    ELY: Navy. Parang Coast Guard nila o Navy.

    VP LENI: Na iyong mga catch – iyong mga nahuhuli –

    ELY: Nahuhili –

    VP LENI: – na isda ng ating mga –

    ELY: Filipino fishermen –

    VP LENI: Oo, fishermen. Kinukuha nila. Pinagpipilian iyong pinakamagandang huli, kinukuha. Ito, napanood ko kasi iyong isang interview, umiiyak nga iyong isang mangingisda. Ang sinasabi niya, “Pati yung gamit ko kinuha pa.” Iyong gamit niya, iyong parang spear, Ka Ely. Hindi ko alam kung anong tawag doon sa atin. Iyong parang pana, na sila pala, iyon iyong ginagamit nila doon sa Scarborough –

    ELY: Panghuli, oo.

    VP LENI: Kasi ayaw nilang masira iyong corals. Kasi kapag nasira iyong corals, wala nang pamamahayan iyong ating mga isda. Pero iyong masama nito, iyong mga mangingisda natin, pinangangalagaan iyong nasa ilalim pero sila, talagang nasisira ‘di ba?

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Opo, inuubos talaga nila. Kasi bandang – itong mga 2010 or so forth, iyong mga Chinese fishermen po sa Hainan doon sa Tianmen e napagisipan nila para mas malaki iyong kita nila, gagamitin nila iyong mga giant clam shells. Mamahalin po iyan eh. Kahit nga yung isang malaking clam shell, ginagawa pong parang lalabo yan sa mga high-end na mga lugar. Dati umaabot iyan ng 25,000 pesos per shell lang.

    VP LENI: Isa lang.

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Opo. Iyon po, kinukuha po nila para ibentang ganoon. Tapos nakita nila na pwede rin pala siyang i-carve. So ginawa nilang parang pampalit sa ivory. So mga carvings ang ginagawa.

    VP LENI: So kinukuha nila iyong mga shells natin?

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Opo. Kaya kinukuha nila kasi inuuwi nila iyan sa Hainan at gagawing kung anu-anong mga palamuti. Dahil doon, bandang… ito ngang mga late 2009 onwards, napansin po na talagang kinukuha nila iyong mga giant clam shells. Pero para makuha nila iyon, kailangan sirain nila iyong mga corals na –

    VP LENI: Ang dami nilang nasisira–

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: – na kinukuha, kumabaga dumidikit din iyan sa mga clam. So ang ginagawa nila, iyong mga elesi ng mga bangka nila, pinang-puputol tuloy nila ng coral para madurog siya at makuha nilang madali itong mga clam shell. E inubos po nila iyong mga clam shell doon sa Spratlys islands, tapos dito nagsimula sila doon sa inooccupy ng mga Chinese.

    Noong naubos na nila iyong reef, sabi ng mga Chinese, “E ‘di patay na pala iyong mga reef, gagawin na lang namin siyang artificial island.” Kaya ngayon, iyon iyong ginagawa nilang excuse, ano. Mayroon po silang nilabas na supposed environmental impact assessment na kinastigo din ng Tribunal, na iyon daw pong pinapalabas na patay na daw iyong reef kaya walang problema kung gawin siyang artificial island, hindi nila sinasabi na sila rin iyong sumira.

    VP LENI: Oo, sila din. Sila iyonng sumira kaya siya namatay.

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Opo. Tapos ito ring Scarborough, mukhang ito rin iyong ginawa nila. Noong bandang umpisa ng 2012 to 2013, talagang sinira po nila. WInasak nila iyong lugar dahil nagpe-prepare sila na gawin siya ring artificial island. Makikita po ngayon, kahit sino po, kung mayroon kayong Google Earth sa computer internet, makikita niyo kapag nag-close up kayo sa Scarborough, iyong mga ukauka nito, kitang-kita po. Para po siyang mga semi-circle na madidilim, maiitim.

    VP LENI: Oo.

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Iyon po iyong pagkakahukay nun kasi iyong mga elesi nga, umiikot iyan kaya nagmumukhang circle ng kaunti iyan. So iyan iyong ebidensya na talagang sinira nila. At kung ime-measure po iyan, lampas po ng 550 hectares po iyang sinira po nila.

    VP LENI: Grabe, napakalaki.

    ELY: Ang lawak ah.

    VP LENI: Tapos ito, dahil nga nandoon na sila, hindi na nila pinapayagan iyong mga mangingisda natin na mangisda din doon.

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Opo, mula 2012. Siguro dahil ayaw nilang makita yung ginagawa nila o akala nila kompetensya. Lalo na iyong mga mangingisda rin, ayaw nilang makompetensya iyong mga mangingisda talaga. Ayaw nilang papasukin talaga iyonng mga Pinoy mula 2012, hanggang ito nga mga November 2016 na. Pero by that time nga po, tapos na iyong paninira nila.

    VP LENI: Tapos na iyong paninira, tapos nagawa na nila iyong gusto nilang gawin doon.

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Opo. Halos po lahat. Actually ‘di ba ba ang next step na lang doon ay gagawing artificial island? Papapasukin itong mga magic island maker na mga barko – itong mga dredger po. Huhukayin po nila iyong mga buhangin at itatambak doon. Iyon po iyong nangyari sa Spratlys. Na-mobilize po nila actually itong mga dredger na ito noong bandang April 2016.

    Namataan po iyan at napigilan po iyan ng mga Amerikano dahil kinausap po ni [Former US President Barack] Obama si [President] Xi Jinping noon na huwag niyong gawin iyan. Tapos medyo nagkaroon nga ng… nagkaron din ng mga tinatawag na persuasion flight ang mga Amerikano po noon.

    Kung naaalala po ng mga ilan, kakatapos lang po ng Balikatan Exercise noon, nag-iwan po iyong mga Amerikano ng A-10 o iyong tinatawag nilang tank killer nila –A10 Thunderbolts, mga sampu ata iyon o marami pa. Iniwan nila dito, nagtagal pagkatapos ng Balikatan at pagkatapos noon, pinalitan sila noong pinakamahalaga nilang eroplano, iyong mga FA18s naman. So throughout the time na –

    VP LENI: Sila iyong nagbabantay?

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Oho, sila iyong nagbabantay. Kaya hindi po natuloy iyong pagtransform nitong Scarborough into an artificial island.

    VP LENI: Pero ito, nung nag-file tayo ng kaso, hindi lang Scarborough iyong ating parang nirereclaim. Nabanggit niyo kanina iyong Spratlys, marami ding mga reef dito sa mas ma-Southern Philippines na kabahagi noon. Tapos, nagkaroon ng desisyon iyong Tribunal, puwede pa-kwento, Professor Jay?

    Una, ano iyong mga nangyari doon sa Spratlys, ano iyong nangyari doon sa… kasi – kasi ang alam ko, mayroong Reed Bank na sana pinagkukuhanan natin ng mga… ‘di ba, ng langis at kung anu-ano pang resources. Pinigilan din tayo kahit atin iyon. Ano ba iyong ni-reklamo natin saka ano iyong naging desisyon?

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Ito, medyo mahabang kwento po ito. Linawin ko lang po, hindi po ako naging parte ng arbitration team dahil ako iyong parang… parang naging external observer ako kaya nakapagsalita ako doon. Kung kasama ako doon, hindi ako pwedeng magsalita actually –

    VP LENI: Hindi ka puwedeng magsalita –

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Pero kasama ako doon, doon sa iba pang claim natin.

    So balikan natin bandang 2010 to 2011, diyan nangyayari na parang nararamdaman po ng Pilipinas na mukhang pinag-iinitan ata ang mga Filipino fishermen at saka Filipino activities diyan po sa Spratlys. Dahil hinaharass po, nagkakaroon ng parang binablockade ng kaunti iyong ating mga bapor. Tapos nung 2011, mayroon tayong pinadalang seismic survey vessel. Ito po iyong naghahanap ng petrolyo doon po sa Reed Bank dahil matagal na po nating in-e-explore ang Reed bank noon pang 1970s. Pero this time, gusto na nating i-develop iyong gas reserve diyan para po ipalit doon sa Malampaya.

    VP LENI: Saka paubos na din iyong Malampaya diba? In a few years, paubos na siya.

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Opo, in-a-anticipate po na mauubos siya, ano. Kaya nag-e-explore doon kasi alam natin na may reserve doon. Ito po iyong Veritas Voyager ang pangalan noong barko. Kinomisyon po iyan ng… Hinarang po iyan ng mga Intsik, ano, ng mga China Coast Guard. So tapos around iyong the same time, nag-o-offer tayo for concession, iyong mga areas diyan sa West Philippine Sea para mag-bid ng additional exploration—

    VP LENI: Pero singit lang po ako, Professor Jay, pero iyong Spratlys sobrang layo na sa China ‘di ba?

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Opo, sobrang layo po talaga.

    VP LENI: Nasa may Palawan siya kung hindi ako nagkakamali ‘di ba?

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Opo. Talagang malayo po. Wala pong question iyon. Lagpas po ng 800 nautical miles iyan—

    VP LENI: Tapos, hinaharang tayo sa lugar na atin naman.

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Opo, atin po talaga iyon, ano. Lalo na itong Reed Bank, ano, dahil sa ilalim ng tubig po ito. Parte ito ng tinatawag nating continental shelf diyan po side na iyon ng Pilipinas. So noong pinipigilan tayo doon tapos pino-protesta pa ng China iyong additional contract na gusto nating ipa-offer, ano, in-a-auction natin, tapos idagdag mo doon sa interference ng ating Filipino fishermen, parang nararamdaman na po ng gobyerno na mukhang iba na itong ginagawa ng China na pinipiga yata tayo dito sa West Philippine Sea.

    Kaya noong nangyari iyong sa Scarborough noong 2012, ano, e siguro kailangan mag-take ng stand ang gobyerno dahil pati iyong Scarborough kinukuha na iyong mga giant clam at fish e, iyon po iyong naging parang mitsa, iyong spark rather, na nagpa-ano, nagpa-init lalo sa ating dispute—

    VP LENI: Kaya nagkaso na tayo—

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Ayon, nangyari iyong standoff, and then nagkaroon ng kaso.

    VP LENI: Tapos, iyong paglabas ng desisyon, ano iyong nakapalaman sa desisyon?

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Sa desisyon po, mahalaga din pong klaruhin, ano, dahil marami rin pong nagkakamali ng pagkakaintindi doon sa desisyon. Iyon pong kasong finile natin ay para po mapanindigan natin iyong karapatan natin doon po sa karagatan, hindi po kasama doon iyong mga isla mismo. Ito pong mga isla, mga bato, iyan po iyong tinatawag na territorial dispute dahil mayroong lupang involved—

    VP LENI: Tapos wala iyon sa jurisdiction ng UNCLOS—

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Opo, wala po iyon sa jurisdiction ng law of the sea. So law of the sea talaga iyong covered doon. Dahil doon sa kaso na iyon, ang gusto nating mangyari ay iyong rights natin doon sa exclusive economic zone at continental shelf—bale sa labas po nitong mga isla na ito napapaligiran iyang mga islang iyan pero ang patubigan lang sa labas ang pinag-uusapan—kailangan kasi nating masigurado na sa atin lang iyan at wala pong claim ang China diyan. Iyan po iyong in-a-argue natin sa Tribunal, ano. Kasi ang China, ang kine-claim niya iyong nine-dash line na tinatawag nila. Sabi nila mayroon daw silang historic rights diyan ano, may historic title, or whatever. Actually, hindi pa nila kina-claro ngayon, ano. Pero parang inaangkin nila iyan under their sovereignty, under their sovereign rights, hindi lang maritime iyong claim nila.

    Habang sa atin ang pinipilit natin: “Hindi, ayon sa batas internasyunal na nakapirma ang Pilipinas at ang Tsina, nag-agree tayo na lahat ng bansa mayroong tinatawag na exclusive economic zone at continental shelf, ano. At dahil nag-agree ang Tsina doon, rerespetuhin niya iyong karapatan natin diyan na eksklusibo.” Ang puwede lang gumamit ng resources diyan ay ang Pilipinas at kung mayroon mang gustong gumamit ng resources na iyan, dapat may pahintulot—

    VP LENI: Dapat may paalam—

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: —sa atin at dapat mayroong loyalty o mayroong license na tinatawag, ano.

    VP LENI: Dapat may nakukuha tayo sa paggamit nila.

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Opo, opo. E dahil ang pinpilit ng China, “Hindi. Sa amin iyan,” dahil dito sa historic rights nito na hindi naman iyon binabanggit sa UNCLOS sa ganitong konteksto, ano. So finile-an po natin ng kaso para sabihin noong Tribunal kung ano ba talaga ang tunay pagdating sa batas, ano ba talaga ang tama, mayroon nga ba talaga silang historic rights dito o exclusive economic zone lang ba namin ito? So noong… iyan po iyong mahalagang katanungan at ang sabi po ng Tribunal, iyong sinasabi ng China na historic rights, hindi po iyan puwede. Iyong exclusive economic zone ng Pilipinas ay sa Pilipinas lamang at wala pong claim ang China sa kahit anong parte ng resources diyan sa loob na iyan dahil noong pumirma sila sa UNCLOS ay nag-agree na sila na hindi na nila ike-claim kahit wala na ba mayroon silang claim noon, hindi na nila iyon isusulong—

    VP LENI: Parang iwe-waive na nila iyong kanilang karapatan.

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Opo. Kaya dahil doon, iyong buong nine-dash line map nga po nila parang nasunog, parang nabura po iyan, ano.

    VP LENI: Kasi Professor Jay, kung masusunod, kung halimbawa kabaliktaran iyong nangyari, halimbawa kinampihan iyong China, sobrang laki iyong mawawala sa teritoryo natin ‘di ba?

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Opo. Sobrang pong laki. Ang matitira na lang po sa atin na karagatan siguro mga 20 nautical miles lang, ano. E walang palaisdaan doon. Iyong base nga po sa sinasabi ni Justice Carpio, mga 80 percent po ng ating exclusive economic zone at continental shelf—

    VP LENI: Mawawala. Mapupunta sa China.

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: —na wala talagang basehan, ano.

    VP LENI: Tapos ito, Professor Jay, marami kasing, ano… parati kasing sinasabi na: “Wala naman kami diyan. Hindi kami maaapektuhan.” Pero ang parang hindi nare-realize ng ating mga kababayan na napakalaki ng epekto nito, lalong lalo na sa ekonomiya natin ‘di ba. Kasi ito, hindi lang pinagkukuhaan ng isda ng ating mga mangingisda, pero marami pang ibang yaman ang makukuha doon—pinakauna na dito iyong langis, ‘di ba, iyong parang source ng ating kuryente. Kasi ngayon, parang ang source ng ating kuryente galing Malampaya pero in a few years mawawala na ito. Iyong ginagawa sana natin, naghahanap tayo ng kapalit ng Malampaya at most probably nandoon sa Reed Bank, ‘di ba?

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Actually, sigurado tayong mayroon sa Reed Bank.

    VP LENI: Sigurado nang nasa Reed Bank pero hindi natin magawa dahil hindi tayo pinapayagan ng Tsina. Hindi tayo pinapayagan kahit pagaari natin ito.

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Opo, iyon nga po iyong nangyayari diyan.

    VP LENI: Kaya iyong sinasabi nga, kapag hindi natin iyon makuha agad, iyong chances na magkakaroon tayo ng shortage sa kuryente napakalaki.

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Opo, mga bandang 20, 25 po siguro ano kasi iyan iyong time na tingin nila mauubos na iyong sa Malampaya. Biglang kukulangin tayo ng 30 percent ng ating energy requirements, ano. At kapag nangyari iyon, sobra talaga iyong epekto niyan lalo na sa ekonomiya, lahat po ng plano for economic development masisira po iyan dahil napakalaki po ng kakulangan na iyan.

    VP LENI: Iyong Malampaya ata iyong nase-serve niya iyong buong Luzon, ‘di ba?

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Opo. Sa Luzon po talaga papunta lahat iyon e. Pero hindi lang iyon, may financial effects din iyan e, iyong side effects malaki dahil kapag wala ka nang power, iyong industriya mo biglang hihinto, ano. So iyong lahat noong economic development projection mo, sira na rin, ano. Tapos para maghabol ka para palitan iyon ng substitute, mas mahal pa lalo.

    VP LENI: Saka hindi siya namamadali. Kaya kailangan ngayon na natin magawa iyon kasi dapat handa na siya kapag naubos na iyong Malampaya ‘di ba.

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Kumbaga, kailangan talaga ng timing iyan, ano. At lalo na kapag ganitong proyekto na mga natural gas and petroleum energy na ganiyan, napakatagal po ng lead time na kailangan diyan—10 years yata— para sigurado ka kapag kailangan mo na iyong energy.

    VP LENI: So kung 10 years, 2025 dapat nag-umpisa na tayo, ‘di ba? Iyon iyong nakakatakot. Iyon iyong, Professor Jay, hindi naiintidihan. Kasi iyong iba, parang walang pakialam kasi hindi naman ramdam.

    ELY: Pero malaking bagay po ito sa atin, ano.

    VP LENI: Parang halimbawa, iyong mga military installations ng China, mayroon nang kasunduan na walang militarization sa bahaging iyan ng mundo, pero hindi sinusunod. Wala ding pakialam iyong iba nating mga kababayan kasi sinasabi malayo naman sa atin. Pero ito iyong mas immediate na effect sa atin hindi lang sa mga mangangaisda, pero sa buong ekonomiya ng bansa.

    ELY: At bagamat sinasabi natin na hindi naman perpekto ang nakaraang Aquino administration, pero dito po sa isyung ito ha—ako bilang isang mamahayag—nakita ko iyong tapang dito ng Aquino administration dito sa isyu ng West Philippine Sea. At sa kabilang banda naman, kabaliktaran naman ang nangyari sa kasalukuyang administration. So bakit kaya ganito po ang nagiging paninidigan ng kasalukuyang administrasyon na parang masyadong malambot po dito sa paghahabol? Kasi madalas po na ipanakot sa atin, “Nako, ayaw nating makipag-giyera.” Giye-giyerahin po ba tayo ng China? Halimbawa, tayo po ay magrereklamo sa ating diplomatic protest.

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Iyon pong ganiyang kuwentong ano, iyong sa paggiyera. Ako po, hindi po ako naniniwala na giye-giyerahin tayo ng China, ano, dahil… Actually, nakakatawa nga po iyan, ano, kahit kaibigan mo iyong Tsina e sinasabi mong mag-giye-giyera sa iyo, ano, parang tinatakot ka sa pagkakaibigan niyo—hindi po ata tama iyon. Iyon pong diplomatic protest actually, ano po iyan ang purpose po iyan ay para ma-preserve iyong ating legal rights, ano, para hindi tayo mawalan kahit sa batas. So hindi po iyan cause para magkaroon ng giyera.

    Pangalawa po, kung titignan natin iyong ibang bansang kapit-bahay natin, gaya noong Vietnam, Indonesia, Malaysia, ano, mayroon din po silang claim diyan na kino-contest ang China pero tignan niya, ang tapang nila hindi naman sila gine-giyera. Iyong Indonesia kasi mula noong 2016, noong 2017 yata iyon, pinapasabog pa nga nila iyong mga bangka ng mga Intsik, ano, pero hindi sila gine-giyera. Iyong Vietnam, halos araw-araw po iyan, lagi pong nagkakaroon ng problema iyan—may banggaan, may protesta—namamatayan nga po iyong mga Vietnamese minsan e. Pero hindi po sila nagkaka-giyera sa kabila ng lahat noon, ano. E tayo, diplomatic protest lang ang pinaguusapan, aatras na tayo, habang iyong iba mas malala pa nga.

    ELY: Okay, Professor, kasi minsan ‘di ba naging guest din kita, nag-research din ako, Ma’am, na lumilitaw na ang Pilipinas, bagamat napakabait sa China, tinanong ko iyong mga pakinabang sa kalakalan, sa pamumuhunan o anuman, parang mas lamang pa ang ang Vietnam na iyong Vietnam pumapalag po ito ah. Tama ho ba iyon?

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Opo, tama po iyon. Lahat po ng mga ito pumapalag po sila pero may nakukuha sila. Habang sa atin ang nakukuha natin, mahabang listahan ng pangako.

    VP LENI: Oo, wala pang natutupad. At saka ito, Ka Ely, kapag tinignan natin iyong figures…parati kasing sinasabi iyong China number one trading partner natin, totoo naman number one trading partner pero hindi sa atin iyong benepisyo. Napakalaki ng binibili natin sa kanila pero iyong binibili nila sa atin, paunti ng paunti. Actually ngayon, ngayong taon pinaka-mataas na trade deficit ay sa China. Mas maraming pakinabang nila kaysa sa atin. E iyong sa akin naman, kaya tayo friendly sa China kasi ang tinitignan natin iyong mga benepisyo. Pero parang hindi patas—hindi patas iyong relasyon.

    Ito, Professor Jay, isa pa, parang sinasabi kasi ng administrasyon, wala kaming magawa kasi ayaw nilang sumunod e. Ano ba iyong kahalagahan ng pagpo-protesta?

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Iyong pagpo-protesta po mahalaga po iyon kasi nga iyong—at the very least—iyong legal rights, mape-preserve, ano. Kahit wala kang magawa sa ngayon, may magagawa ka pa rin in the future. Kumbaga, magkakaroon ka pa rin ng basehan ng aksyon sa kinabukasan, lalo na kung mayroon pang susunod na administrasyon na gustong baguhin kunwari o i-adjust ang ating polisiya, ano. Iyong importante noon, para kang hindi nagsalita ng tapos na lagi mong kine-keep open iyong option na in the future, puwede kang gumawa ng iba pang hakbang.

    VP LENI: Parang hindi ka nag-give up, hindi mo binigay—

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Hindi mo talaga winaive, ano. Iyon ang problema kasi dito, kapag hindi ka nagpo-protesta agad, parang waiver na iyan, ano.

    VP LENI: Pero ito, may claim iyong DFA na mayroon naman daw mga protestang ginawa, actually parang iba iyong declaration, kasi kung hindi ako nagkakamali, Professor Jay, parang ang declaration ng Pangulo, thousands na iyong protest. Iyong DFA hindi niya sinabing thousands pero sabi niya, mayroon nang mga protests. Pero ito, iyong mga protests ba by nature hindi talaga iyon puwedeng isapubliko?

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Hindi naman po necessarily confidential iyan, ano. Kunwari ang Vietnam, tuwing nagpo-protesta iyan, pinapaalam po nila sa publiko na nagpo-protesta sila. Kahit hindi nila ilalabas iyong mismong papel, ipapaalam nila sa publiko na talagang nagbigay sila ng protest during that day and time. Ang hirap po sa atin, sinasabi nga po iba iba iyong mga numerong binibigay e—50 to 100 tapos naging 85 tapos ngayon naman naging 1,000 ‘di ba parang nagtatawaran pa. Kapag ganoon po, lalo akong nagdududa kung totoo nga iyong sinasabi kasi kung totoo, kung magsasabi ka ng totoo, alam mo kung ilan exactly ang sinasabi mong protesta. Tapos later sinasabi po nila, “Ay hindi. Puwede naman pala iyong verbal. Puwede pala iyong kahit mapagusapan lang over coffee.” Parang hindi na tama iyon e. Parang bawat taas ng kilay mo, protest na ba iyon? Hindi puwede iyon e.

    VP LENI: Saka teritoryo na natin iyong napapalaban ‘di ba.

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Opo, lalong ganoon po kahalaga iyong issue. Dapat diyan talagang formal document na talagang recorded na inii-state mo talaga ano iyong pino-protesta mo, ano iyong legal effect niyan na ayaw mong mangyari, doon talaga malinaw na malinaw.

    VP LENI: May sinasabi, Professor Jay, na totoong ayaw ng China na… iyong desisyon ng Tribunal pero kapag pinagkaisahan siya ng iba’t ibang mga bansa, mas magkakaroon ng pagkakataon na maituwid iyong kamalian. Pero ang problema nito, ang sinasabi nila, papaano tayo hihingi ng tulong sa ibang bansa kung tayo nga hindi nagpapakita na, ‘di ba, parang nava-violate tayo?

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Hindi lang po iyon. Actually, iyong mga dati nating kaalyado at kaibigan parang inaasar pa natin, ano, parang lalo pa nating pinuputol iyong mga relationship natin. Tayo rin bale ang nag-a-isolate sa sarili natin. Kaya kung ang labanan ay China versus Philippines, dahil maliit lang tayo, dehado na, e lalo na kapag pinutol mo iyong mga relasyon mo sa mga kaibigan mo na maaring tumulong sa iyo. Iyon iyong problema noong current administration natin ngayon. Parang lalo tayong pinapahina pa.

    ELY: Kaya nga binabanggit na from being a victor sa legal dispute, ngayon willing victim sabi ni [from] Foreign Affairs Secretary [Del Rosario]—

    VP LENI: Oo, iyon actually iyong speech ni… actually, iyon iyong opening remarks niya, hindi ko lang maalala lahat, Professor Jay nandoon ka rin yata. Parang pinadaan niya sa tanong, Ka Ely, kung ano iyong tawag sa ganito? Mayroon siyang tatlong tawag sa Tsina. Kung hindi ako nagkakamali, Professor Jay, iyong isa “bully,” iyong isa, ano iyong isa iyong pangalawa? Iyong pangatlo iyong “outlaw.” Ano iyong pangalawa? Nakalimutan ko na rin. Tapos mayroon ding mga tawag sa administrasyon. Ito, wala na kasi tayong oras, Ka Ely, pero sana naintidihan kahit papaano ‘di ba ng ating mga taga-pakinig ano ba talaga iyong pinag-aawayan, ano ba iyong pinanalo natin, ano iyong implikasyon nito, at ano iyong epekto nito sa atin lahat.

    ELY: Opo. So siguro sa panghuli, Professor, mayroon pa ba tayong habol dito? Kasi kung titignan po natin iyong istruktura doon parang kanila na talaga tapos iyong ating kasalukuyang gobyerno, parang kinukunsinte lang po at parang nagbubulagbulagan. So may habol pa ba tayo kasi—

    VP LENI: May pag-asa pa ba tayo—

    ELY: Opo, may pag-asa pa ba ito?

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Mayroon po tayong pag-asa pero una pong kailangan nating gawin ay iyong sarili natin—tanungin natin iyong sarili natin kung inaasahan ba natin ang sarili natin, ano. Kasi nga ang nangyayari, lalo nating pinapahina iyong sarili natin, iyong posisyon natin sa ganitong polisiya ng gobyerno na ine-alienate natin iyong ating mga allies tapos pinapahina natin iyong ating legal position dahil hindi tayo umaalma dito sa mga aksyon ng China, ano. Dapat naman magkaroon tayo ng kaunting tapang para sa sarili natin para harapin iyong Tsina. Kapag nagkaroon tayo ng ganoong desisyon, then magkakaroon siguro tayo ng pag-asa. Kailangan talagang i-push natin iyong boundaries na gamit itong tapang na ito.

    ELY: Okay, so, Professor, maraming salamat po sa inyo.

    VP LENI: Maraming salamat. Parang ang dami nating natutunan, Ka Ely, ‘di ba. Ang dami nating natutunan sa ilang minuto. Sana nakatulong ito sa lahat na tanong na ipinapaabot sa atin ng ating mga kababayan.

    ELY: Okay, maraming salamat kay Professor Jay Batongbacal. Salamat po ha.

    VP LENI: Maraming salamat, Professor Jay.

    PROFESSOR JAY BATONGBACAL: Salamat po sa inyo.

    ELY: At siyempre, mga kasama, siguro sa ating susunod na topic, Ma’am, sa susunod na programa natin, e iyong isyu na iyan sa Pederalismo siguro kasi nabasa ko iyong comment ni dating Chief Justice Davide, parang hindi nabanggit doon iyong isyu ng West Philippine Sea. Pag-usapan po natin sa susunod at hihingi rin tayo ng mga—

    VP LENI: Actually, Ka Ely, nababasa ko online parang dumadami iyong mga grupong nagpapahayag ng kontra sa Federalism.

    ELY: Okay, so, mga kasama, at iyan po, nawa’y nakatulong kami para mabigyan po kayo ng mas karagdagang impormasyon dito po sa isyu ng West Philippine Sea. Importante nga po dahil sa atin ito, mga kasama, at ito po ay yaman ng mga Pilipino, mga kasama.

    [music break; end of Gap 1]

    [GAP 2] ELY: Okay, samantala, mga kasama, ayan maganda rin ho, bahagi pa rin po ng Istorya ng Pag-asa ay ito ho iyong isa sa mga finalists… Alkansya.

    VP LENI: Kung mayroon kang dapat panoorin, iyan iyong dapat panoorin mo. Ang biro nga namin siguro kung mayroong People’s Choice Award, ito iyong nanalo. Pero mapalad tayong kasama natin iyong filmmaker—iyong filmmaker na gumawa ng Alkansya. Napakagandang film, Ka Ely, Sandra Fajardo. Magandang umaga sa inyo, Sandra.

    SANDRA FAJARDO: Good morning po.

    VP LENI: Pero iyong nakakabilib dito kay Sandra, estudyante pa lang siya. Estudyante siya sa BA Communications sa UST [University of Santo Tomas] – Angelicum College. Pero ito, Sandra, iyong itatanong namin, papaano mo naisipan na gumawa ng pelikula na fine-feature si John-John. Kasi si John-John, Ka Ely, siya iyong bida. Siya iyong fine-feature sa film na iyon.

    SANDRA FAJARDO: Si John-John po, na-meet po namin siya sa Tondo tapos noong nakilala po namin siya noong una, ang rason niya po sa pagsisisid is for school. E kami naman pong mga estudyante, bilang students po alam po namin iyong worth ng education lalo po ako personally, iyong mga magulang ko hindi po sila nakatapos ng pag-aaral. So ngayon pong may chance na makapag-aral ako, kami, parang dalawa na po kami sa pangarap na ito. So medyo personal po iyong atake ni John-John sa amin.

    VP LENI: Alam mo, Sandra… ito, Ka Ely, kaunting kuwento lang, iyong kuwento ni John-John, 13 years old pero Grade 3 pa lang. Iyong Nanay nila iniwan sila; iniwan sila sa kanilang lola pero itong si John-John, iyong paniniwala niya, mapapabalik niya iyong Nanay niya kung padalhan niya ng pamasahe. Kaya ang ginagawa niya naninisid siya, naninisid siya bago pumasok sa eskwela at iyong film na pinakita niyo, parang five pesos—parang limang 1 peso coins—iyong tatlong piso, hinulog niya sa kaniyang alkansya. Tapos eying dalawang piso, baon niya sa eskwela. Parang ito, ang dami kasing emosyon e. Ang daming emosyon na nakakabit sa pelikula kasi pinapakita iyong grabeng pagmamahal ‘di ba—iyong grabeng pagmamahal sa Nanay para willing siyang 2 pesos lang iyong baon. ‘Di ba, Sandra, 2 pesos lang iyong kaniyang baon?

    SANDRA FAJARDO: Opo.

    ELY: Nagsakripisyo talaga.

    VP LENI: Oo, tapos iyong 3 pesos ihuhulog niya, tapos very hopeful. Actually, ang gustong-gusto ko doon sa film, Sandra, noong nag-dive siya—nag-dive siya kasi ang dumi, Ka Ely, taga-Port Area, Pier 19 ba iyon. Pag-dive niya, iyong film, damang dama iyong baho ng tubig, iyong oil na… kasi itim talaga iyong kulay ng tubig. Pero, iyon mayroon kayong underwater shots ‘di ba? So ibig sabihin iyong nag-shot noon, umilalim din.

    SANDRA FAJARDO: May stick po kami kasi hindi po nila kami in-allow mag-dive kasi po baka raw hindi po kayanin ng health namin since hindi po kami sanay.

    VP LENI: So, ano iyon, nasa boat? Nasaan kayo habang—

    SANDRA FAJARDO: Nasa taas lang din po tapos hawak din po namin iyong—

    ELY: GoPro yata.

    SANDRA FAJARDO: Opo, GoPro. At least po kamay lang po namin iyong lumulubog.

    VP LENI: Kasi iyong pagka-gawa niya, parang kabahagi ka ng movie. Iyon iyong sinasabi ko, iyong parang naaamoy mo? Naaamoy mo iyong baho, nararamdaman mo iyong dumi sa katawan, iyong parang kapag pinanood mo iyong film, gusto mong maligo after kasi ano talaga, napakahusay ng pagkakagawa. Pero ito, sabi mo nga kanina, personal sa iyo kasi may isang side na pinakita—iyong kahalagahan ng edukasyon. Kasi dahil sa hirap ng buhay, Ka Ely, sa hirap ng buhay, nagpu-pursige pa rin; 13 years old siya ngayon tapos Grade 3 pero parang okay lang sa kaniya, masayahin naman na bata.

    Actually, Sandra, pinasyal ko siya noong Biyernes. Pinasyal ko siya noong Biyernes. Dinala ko siya, Ka Ely, sa—first time ko ring nakapunta—dinala ko siya sa Kidzania dito sa BGC. Napakagandang lugar pala iyon. At ako, parang napakagalang na bata, iyong appreciative ng tulong. Sinasabihan ko siya na sisiguraduhin ko na—iyong doon pa lang sa night ng film festival nilapitan ko siya—sabi ko sa kaniya, sisiguraduhin ko na makakatapos ka ng pag-aaral. Umiyak siya e. Pero ito, parang ginto iyong nahanap niyo e. Pagpunta niyo sa Tondo, of all the people na hindi niyo nakilala niyo doon, papaani niyo na-single out si John-John?

    SANDRA FAJARDO: Iyong story niya po iyong nakuha namin kasi iyong hope ng bata, kahit parang wala nang halos… wala na siyang makakapitan, nandoon pa rin, which is sobrang rare na ngayon kasi po ngayon po iyong mga tao medyo demanding na, iyong mga kabataan usually hindi na nila na-a-appreciate kung ano iyong mayroon sila.

    VP LENI: Oo, gaya ng coins ‘di ba? Parang sa atin, ano, willing na nga tayo—kapag mabigat sa wallet ‘di ba—ang iba willing nang iiwan na lang kung saan kasi mabigat na sa pitaka pero iyon, pinagtiya-tiyagaan talaga niya ‘di ba? One coin at a time pinagtiya-tiyagaan. Iyong pelikula, Ka Ely, pagkakuha niya ng mga coins, nilagay niya sa parang tabo. Nililinis niya kasi sobrang dumi ng tubig. Tapos noong nalinis na niya, ayon ilalagay na niya sa kaniyang alkansya. Pero ito, iyong nabasa ko parang bahagi siya ng project sa school?

    SANDRA FAJARDO: Opo. Final requirement po namin.

    VP LENI: Ang subject, film?

    SANDRA FAJARDO: Broadcasting—Broadcast Journalism po pero documentary po iyong treatment.

    VP LENI: Ang galing. Tapos ito, ikaw lang mag-isa o may group kayo?

    SANDRA FAJARDO: Mayroon po. Apat po kami sa production team.

    VP LENI: Napakahusay. Tapos paano mo nalaman iyong Istorya ng Pag-asa Film Festival?

    SANDRA FAJARDO: Iyong creative consultant po namin, in-invite po niya kaming sumali sa Istorya ng Pag-asa.

    VP LENI: Pero at that time, gawa na iyong [film]?

    SANDRA FAJARDO: Opo, gawa na po.

    VP LENI: Tapos ang ginawa niyo na lang, kinompress niyo na maiksi?

    SANDRA FAJARDO: Opo.

    VP LENI: Iyong original version niya ba, gaano kahaba?

    SANDRA FAJARDO: Twenty minutes po.

    ELY: Pero napaikli nila.

    VP LENI: Dapat pala i-share mo sa amin iyong film ni John-John—20 minutes—tapos ang hirap na mayroon kang 20 minute video tapos iko-compress mo into five minutes?

    SANDRA FAJARDO: Opo.

    VP LENI: Gaano niyo katagal bang ginawa?

    SANDRA FAJARDO: Two months po iyong production ng film mula sa pre-[production] tsaka po sa production po.

    VP LENI: Galing. Ako, Ka Ely, kahit doon sa Gala Night mismo—siguro alam mo naman iyon—sa Gala Night mismo, maraming iyon iyong bet ay Alkansya. Pero ito, kailan ka ba magga-graduate?

    SANDRA FAJARDO: Sa June na po.

    ELY: Next year?

    SANDRA FAJARDO: Opo, next year.

    VP LENI: Pero ito, sana ito iyong i-pursue mo. Napakahusay niya, Ka Ely. Sana i-pursue mo iyong paggawa ng mga pelikula kasi ano talaga, nakakabilib na estudyante pa lang—

    SANDRA FAJARDO: Salamat po.

    ELY: Tsaka para lalong sumigla iyong ating industriya. Saka gaya nito, kaya rin namin ni-launch iyong Istorya ng Pag-asa kasi ang dami talagang mga silent heroes ‘di ba? Mga bayani na ordinaryong Pilipino na hindi natin nalalaman kung ano iyong ginagawa. Iyong ano pala, Ka Ely, sabihin natin sa mga manonood, nasa Facebook page namin iyong video ni John-John, iyong Alkansya.

    ELY: Hindi kasi ako naka-attend—

    VP LENI: Naalala ko noong ni-launch din iyong Istorya ng Pag-asa sa Bacolod, iyong Alkansya iyong aking pinapanood, umiyak iyong mga tao after. Tapos ito, Ka Ely, alam mo iyong ginawa nila, hinanap nila iyong Nanay. Papaano niyo nahanap iyong Nanay?

    SANDRA FAJARDO: Nag-message po kami sa kaniya kasi po noong after namin malaman iyong storya ni John-John at iyong side niya, gusto rin po sana naming makuha iyong side noong Nanay niya kung bakit siya umalis. Tapos hindi po siya sumagot sa chat namin pero nabasa raw niya po. Tapos noong last day po ng production namin sa lugar nila John-John, nandoon na po siya. Dumating po pala siya kinahapunan bago kami dumating.

    VP LENI: Pero siguro iyong naka-udyok kasi kinontact—

    SANDRA FAJARDO: Opo.

    VP LENI: Galing daw siya saan?

    SANDRA FAJARDO: Aklan daw po.

    VP LENI: Kasi, Ka Ely, kasama iyong Nanay doon sa Gala Night at pinapagalitan ko sabi ko: “Bawal ka nang mawala ulit.” [laughs] Pero ito, nagkaroon… noong nawala iyong Nanay, ‘di ba nagkaroon ng sakit si John-John? Sa Kidney ba iyon?

    SANDRA FAJARDO: Nagkaroon po siya ng Leptospirosis kasi po naka-inom po siya ng tubig na may ihi ng daga dahil sa pagsisisid.

    ELY: Talagang marumi iyong tubig e.

    VP LENI: Parang iyon iyong kinukuwento niya, Ka Ely, doon sa movie na parang ayaw niya daw na maramdaman pa ng ibang bata na may sakit pero wala iyong magulang. Ano talaga… panoorin mo, Ka Ely, assignment namin iyan sa inyo. [laughs] Siguradong magugustuhan mo. Ito, wala na tayong oras pero siguro mensahe lang natin kay Sandra, pasasalamat—pasasalamat na naisipan niyang makilahok kasi kung hindi mo sinama iyon, hindi namin nakilala si John-John. Napanood ko rin siya sa TV. Nag-guest siya sa [ABS-CBN News Channels’] On The Money. Ito, gusto talaga naming matutukan kaya very powerful iyong film e. Parang pinapa-surface niyo iyong tunay na kalagayan ng ating mga kababayan kaya sana ipagpatuloy kaya kung mayroon kaming matutulong, sabihin niyo lang sa akin.

    SANDRA FAJARDO: Salamat po.

    VP LENI: Ayan, congratulations, Sandra.

    ELY: Okay, thank you kay Sandra Fajardo.

    VP LENI: Ayan, wala na naman tayong oras, Ka Ely. Hindi tayo nakabasa ng mga messages kaya pagkatapos naman nito, pini-print naman iyong mga messages ninyo kaya maraming salamat po sa pagsama niyo sa amin ngayong umaga.

    ELY: At siyempre, Ma’am, ang pinag-uusapang isyu talaga ngayon iyong Federalism so kayo po, bilang Bise Presidente, ano po ba ang iyong pananaw niyo dito? Bagamat ngayon po dumadami na po iyong mga reserbasyon; nakikita nila na mas dadami ang bilang ng mga pulitiko at may mga nagsasabi na hindi akma iyong Pederalismo sa isang maliit na bansa.

    VP LENI: Ako kasi, Ka Ely, bago sagutin kung sang-ayon ako o hindi, ang unang tanong: Bakit kailangan? Bakit kailangang palitan iyong form of government natin? Parating sinasabi para daw ma-decentralize iyong powers, para mawala na iyong Imperial Manila, lumakas din iyong ibang mga rehiyon. Iyon naman, talagang sumasang-ayon tayo doon. Pero iyong sunod nating tanong, hindi ba puwedeng ma-achieve iyong gusto nating mangyari na hindi aamyendahan iyong Konstitusyon? Magpapasa na lang ng mga batas na mag-a-amend ng mga existing laws galing sa Local Government Code.

    Pero ito, Ka Ely, napakahalaga ng charter change. Ito sana, huwag sana madaliin, siguraduhin na naiintidihan ng mga tao kung ano iyong gustong sabihin ano iyong implikasyon. Ngayon, parang kampanya ng kampanya tungkol sa Federalism pero hindi naman pinapaintindi. Parang ginagamit lang iyong lakas, ginagamit iyong kapangyarihan para ayain iyong mga taong mag-boto ng isang bagay na hindi naman nila naiintindihan.

    Kaya ang pakiusap lang sana natin, mayroon namang karapatan iyong lahat na magpahayag ng kanilang saloobin. Iyong mga members ng Constitutional Commission karamihan sa kanila mga respected naman na mga miyembro ng ating society, ‘di ba? Nandiyan si Justice Puno, nandiyan si Senator Nene Pimentel, marami pang iba. Sila, mga advocates ng Federalism; iyon naman sana bigyan tayo ng pagkakataon na maipahayag nila kung ano iyong kabutihan noon. Pero hindi dinadaan sa parang sagasa ‘di ba?

    ELY: Niraratsada e. Nire-railroad.

    VP LENI: Oo, parang nagkakaroon tuloy tayo ng impresyon na sinunusulong ito para lang hindi magkaroon ng eleksyon sa 2019.

    ELY: Opo, sinabi na po ni Speaker Alvarez.

    VP LENI: Oo, parang ginagawa siyang dahilan—

    ELY: Na para matutukan daw nila kasi magiging busy kung may eleksyon. Iyon ang ginagawang rason.

    VP LENI: Iyon na nga. Iyon iyong problema, Ka Ely, kasi bakit minamadali? Kung isang bagay ito na napakabuti para sa atin, e ‘di ipaintindi sa atin kung ano iyong kabutihan nito. Pero huwag naman sanang daanin sa dahas. Huwag daanin sa pabilisan. Huwag sabihin na kung hindi boboto para dito, hindi magkakaroon ng budget. Kasi kung ganiyan, parang lahat tayo magdududa na. Lalong… lalo tayong hindi magkakaisa.

    ELY: Opo. Okay, maraming salamat, Ma’am, at maraming salamat sa ating mga listeners nationwide at sa mga nakapanood din, ano, dito po sa ating Facebook live.

    VP LENI: Maraming salamat.

    ELY: Ako po ang inyong radyoman Ely Saludar. Muli po, isang magandang umaga, Pilipinas!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Jul 15, 2018