This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 85

    BELY: Good morning, Philippines—Luzon, Visayas, at Mindanao! Isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI sa RMN at espesyal po ang ating pagtatanghal dito po sa ating palatuntunan—tayo po ay nasa Vancouver, Canada. At bahagi pa rin ng ating BISErbisyong LENI siyempre, ay iyong ating Istorya ng Pag-asa upang magbigay ng mga kuwento na magsisilbing inspirasyon sa ating mga kababayan. Pero dito po sa Vancouver ay makakapanayam natin ang Consul General ng—dito po sa Vancouver para malaman natin kung ano ba ang sitwasyon ng ating mga kababayang Pilipino, gaano ho ba karaming Pilipino dito, at ano iyong pinaka-normal na pinagkakaabalahan o propesyon ng ating mga kababayan.

    At kasama natin sa kaniyang opisina, si Consul General Mei-Ann Austria. ConGen, good morning po sa inyo.

    CONGEN MEI-ANN AUSTRIA: Magandang araw po at magandang araw po sa inyong lahat.

    ELY: Opo. At dito po sa palatuntunan ni Vice President Leni Robredo, ito po ay—tayo po ay napapanood sa Facebook live at gayon din po sa RMN—sa RMN Cebu, Davao, Cagayan de Oro, sa Naga, at siyempre sa Metro Manila.

    So, ConGen, ngayon ho ba, ilan hong Pilipino ang nandito sa Vancouver?

    CONGEN MEI-ANN AUSTRIA: Dito po sa British Columbia area kung saan po kasama ang Vancouver, mayroon pong mga 158,000 Filipinos and Filipino-Canadians batay po sa last census.

    ELY: Opo, so sa BC, marami diyan, ano, Vancouver—

    CONGEN MEI-ANN AUSTRIA: Opo, Victoria, hindi po— Pero ang pinakamalalaki po iyong metro Vancouver area, Victoria, opo.

    ELY: All right, so 158,000 mahigit?

    CONGEN MEI-ANN AUSTRIA: Mahigit po.

    ELY: Para po sa kaalaman ng ating mga listeners nationwide sa Pilipinas, ano po iyong pinaka-common na propesyon po ng mga Pilipino rito?

    CONGEN MEI-ANN AUSTRIA: Iba’t iba po. Matutuwa po kayo na ang mga Filipinos po sa Vancouver ay nasa iba’t ibang level po ng society dito sa Vancouver. Mayroon po tayong mga abogado, mayroon po tayong mga inhinyero, pero karamihan po sa kanila ay caregivers. Marami po, especially in the last years, marami hong dumating na mga temporary foreign workers kabilang na po ang caregivers.

    ELY: Puwede niyo ho bang i-share sa amin, sa ating mga kababayang Pilipino, ano ho ba iyong mga programa natin kasi talagang ang mga Pilipino, kalat po iyan sa mga iba’t ibang panig ng mundo. Dito po sa Vancouver, ano ho iyong pagtingin dito ng mga Canadian sa ating mga kababayan?

    CONGEN MEI-ANN AUSTRIA: Nakakataba po ng puso. Three and a half months pa lang po ako dito pero kapag nagko-call po ako sa mga chambers of industries, sa government, unang unang sinasabi po sa akin na mahal na mahal po nila ang mga Filipinos. Filipinos are making a very big contribution to the Vancouver society. So iyon po iyong unang una, tanggap na tanggap at mahal na mahal po ng taga-Canada ang mga Filipino. Sa parte naman po noong mga kababayan natin, napansin lang ho namin na maraming pumapasok as temporary foreign workers na actually overqualified for what they are employed in. Marami sa mga caregivers natin are registered nurses, iyong iba po teachers, iyong iba po accountants. Pero since pinaka-madaling pumasok as caregivers, nagke-caregiver ho sila at very much appreciated iyong services nila as caregivers. Pero ang gusto po sana naming mangyari at the end of a certain period, they will be given an opportunity to actually practice their profession.

    ELY: Okay, so dito po sa Vancouver, nangangailangan ho ba sila ng mga Pilipino? Ipinapadaan niyo ho ba through POEA?

    CONGEN MEI-ANN AUSTRIA: Talaga. Talaga pong nangangailangan sila ng Filipinos—ng workers in general. Kasi po sa laki laki po ng bansa ng Canada, ang population ho nila 37 million lang. Marami hong nagsasabi sa amin na, “Gusto pa sana naming mag-negosyo ng ganito pero wala kaming makuhang tao.” So mataas po talaga iyong target nila. Gusto nilang kumuha ng migrant workers dito.

    Pero siyempre po, on the part of the Philippine government, we’re working very hard to ensure na iyong mga gustong mag-employ ng mga Pilipino ay ilalagay naman ho sa maayos iyong workers natin. Kapag live-in caregiver ho ba iyan, mayroon bang maayos na tutulugan? Iyong employer, may sapat bang pang-suweldo? So lahat po iyan, pinapadaan namin sa Philippine Overseas Labor Office na may representative din po sa Vancouver.

    ELY: Okay, magandang balita po iyan, Ma’am, para po sa ating mga kababayan na gusto pong mag-trabaho sa abroad at siguro hanggang sa swertehin, dito na sila manirahan. So, dito po ba sa, partikular dito sa Vancouver, kumusta naman po rito at… kasi umikot-ikot ho ako, maraming mga nasyonalidad, may mga Chinese at siyempre, nabanggit niyo ho ang mga Pilipino, nasa 150,00 mahigit. So ano-ano pa ho ba rito iyong mga—wala naman ho ritong mga diskriminasyon o mga—nabu-bully ho ba iyong mga Pilipino rito? Wala naman ho?

    CONGEN MEI-ANN AUSTRIA: Sa awa po ng Diyos, kahit saan po ako magpunta, mainit ho ang pagtanggap sa mga kababayan natin. Pero syempre ho, hindi maiiwasan kapag nasa ibang bayan ka, unang una na ho doon iyong naho-homesick ka. Iba ho talaga. Iba ang kultura sa atin, iba iyong kultura dito, iba ho iyong hindi mo kasama iyong pamilya mo. So to the extent possible ho, iyong Philippine Consulate General, we try very hard to help our new arrivals here assimilate better para hindi ho sila masyadong naho-homesick at kung mayroon naman hong mangyaring hindi maganda, pinapaalam ho namin sa kanila na nandito po kami para tumulong.

    ELY: Okay, so dito po sa Consulate—sa Konsulada po, ano po iyong mga pangkaraniwan o madalas na… siyempre, alam niyo naman iyong mga Pilipino, lalapit ho iyan dito sa Konsulada, halimbawa, sa Embassy natin sa iba’t ibang bansa, mayroon po silang problema eh. So dito ho sa Vancouver o sa BC, ano ho iyong mga pinaka-common po na, iyong problema, iyong hinihingi sa inyong tulong o kung ano pa, Ma’am?

    CONGEN MEI-ANN AUSTRIA: Ma-suwerte po iyong mga kababayan natin dito dahil iyon hong protection offered by the Canadian government, maganda ho. Hindi ho katulad sa ibang bayan na mahirap ho talagang makakuha ng recourse sa gobyerno. So dito ho sa Vancouver, kapag mayroong mga disputes regarding the working conditions, madali naman ho kaming nakakalapit sa kanilang government counterparts, both in the provincial and federal level, para mabigyan ho ng tulong iyong mga kababayan natin. Marami rin ho kaming natatanggap na tanong tungkol sa kung paano nila madadala dito iyong mga kamag-anakan nila.

    So iyon po, we work with the Filipino community, iyong mga community service providers po na kababayan natin para mapagtulung-tulungan po iyong mga concerns na dinadala sa amin.

    ELY: Opo, iyong mga asosasyon dito sa Filipino community, kumusta naman po sila? Kasi sa ibang bansa, talagang napakarami ho, ano. Sana kapag Pilipino, iisa lang dapat eh. [chuckles]

    CONGEN MEI-ANN AUSTRIA: Marami rin pong asosasyon dito. Pero marami rin pong efforts para magtulong-tulong at in my experience po na nakita ko naman po na basta po for a good cause to help the Philippines or to help our people, tulong-tulong ho talaga. Talagang nagsasama-sama sila.

    ELY: Mayroon din ho ba silang mga project, halimbawa, mga calamity po sa Pilipinas? Nagtu-tulong-tulong din po sila dito?

    CONGEN MEI-ANN AUSTRIA: Lagi po iyon. Nag-uunahan pa sila. Doon din po tungkol sa mga pagtulong sa mga bagong dating na pamilya na hindi pa nakaka-adjust dito. Iyon po. Tumutulong din po iyong iba’t ibang mga organisasyon, mga regional organizations, para tulungan ho iyong mga bagong dating na mga kababayan.

    ELY: Ayon, may mga investor ho ba na mga, halimbawa, mga Canadian na nagpapasabi na gusto nilang mag-invest sa Pilipinas?

    CONGEN MEI-ANN AUSTRIA: Marami pong Canadian companies who are investing in the Philippines. Sa [inaudible] po iyong mga names po ng SunLife, iyon pong Telus, iyan po ang malalaking investors.

    ELY: At saka iyong sikat na coffee shop dito iyong Tim Hortons.

    CONGEN MEI-ANN AUSTRIA: Magugulat ho kayo, ang Tim Hortons po—kahit saang Tim Hortons po kayo pumunta dito sa Canada sigurado pong may empleyadong Pilipino.

    ELY: Kasi noong nag-kape kami may Pilipino eh. [laughs]

    CONGEN MEI-ANN AUSTRIA: Magmula doon sa airport hanggang doon sa mga malalayong lugar, lagi hong may Pilipino sa Tim Hortons.

    ELY: Ayon, so talagang kalat ho iyong mga Pilipino at ibig sabihin ho niyan ay mapagkakatiwalaan sa trabaho iyong mga Pilipino.

    CONGEN MEI-ANN AUSTRIA: Lagi po nilang sinasabi sa akin na, “Gustong gusto po namin ng mga Filipino workers.”

    ELY: Okay, so dito naman, iyong sa passport niyo rito, wala namang problema? Kasi sa Pilipinas—sa mga nakaraan—bagama’t siguro may inaayos lang iyong sa appointment system. Dito ho, medyo maayos ho ba ang sistema?

    CONGEN MEI-ANN AUSTRIA: Maayos po kami sa awa ng Diyos. Mayroon din po kaming appointment system pero sabi po namin na it’s better to get an appointment pero kung kailangan niyong mag-walk-in, puwede naman po na tatapusin lang muna namin iyong may mga appointment. Mayroon din po kaming courtesy lane tulad po ng mandated ng Department para sa mga seniors, pregnant women, PWDs, at mga minors. So pinapatupad din po namin iyon. Siguro ho, kapag kukuha kayo ng appointment kung ngayon ho kayo titingin, sometime late next week po sigurado pong makakakuha na kayo ng appointment.

    ELY: Saan ba puwedeng… sa Manila pa rin?

    CONGEN MEI-ANN AUSTRIA: Opo, sa Manila po pero napakabilis po ng turnover namin. Sa ngayon po siguro ho in two weeks, makukuha niyo po iyong passport.

    ELY: Ayon, so magandang balita po iyon, ano, kasi iyong iba nating mga kababayan sa Pilipinas, dahil sa dami rin kasi—

    CONGEN MEI-ANN AUSTRIA: Sa volume po talaga.

    ELY: Opo, sa dami at siguro, mayroon nang effort ang DFA na magkaroon pa ng mas maraming puwedeng mag-apply eh. Marami nang offices eh.

    CONGEN MEI-ANN AUSTRIA: Opo, ang dami na pong nabuksang bagong satellite offices in the past two years, including po iyong—nagbubukas din po kami ng mga opisina aboad. Ito po, dati po, ang covered nila about 400,000 Filipinos but two years ago in 2016, we opened to a Philippine consulate general in Alberta. Opo, so may kahati po kami sa jurisdiction noon ngayon. So hindi na po kailangang bumyahe ng masyadong malayo iyong mga taga-Alberta.

    ELY: Ayon, okay, so magandang balita pa, ano, sa ating mga kababayan. Mayroon din ho bang ano, programa ang Canadian government para sa mga estudyante natin sa Pilipinas na baka gustong mag-aral dito? Iyong mga scholarship program—

    CONGEN MEI-ANN AUSTRIA: Ang Canadian government po talaga, they are encouraging more students to come in. In fact, every year po mayroon po silang education fair na ginaganap sa Manila sponsored by the Canadian embassy. Ang napansin ko lang po, mas mura pong magpa-aral ng college dito kaysa kumpara po sa ibang bansa, sa ibang western countries. At saka dito po, mayroon po silang mga paraan na kapag nag-aral po kayo dito, binibigyan din po kayo ng work permit for a certain number of—

    ELY: Puwedeng mag-trabaho.

    CONGEN MEI-ANN AUSTRIA: Puwede po kayong mag-trabaho kapag natapos niyo po iyong course niyo.

    ELY: Pero kapag natapos iyon—

    CONGEN MEI-ANN AUSTRIA: During the time din po na nag-a-aral kayo, mayroon din po kayong work permit which would allow you to work for, normally, about 20 hours per week.

    ELY: Ah, puwede na kasi nga pandagdag din sa… pang-baon.

    CONGEN MEI-ANN AUSTRIA: Pang-baon.

    ELY: Kumusta naman ho iyong transportasyon dito. Maganda naman ho, ano?

    CONGEN MEI-ANN AUSTRIA: Very efficient po ang public transport system nila. In fact, kung dito lang po talaga kayo nakatira dito sa Greater Vancouver area, puwede talaga kayo na walang kotse kasi you can take the bus, you can take the skytrain. Efficient po ang transportation system.

    ELY: Opo, okay, so… Pero dito ho, iyong mga senior citizen nating mga kababayang Pilipino, marami ho ba rito?

    CONGEN MEI-ANN AUSTRIA: Marami ho at very active po sila. Halos every week po may event po sila. Marami po sa kanila enjoying taking care of their grandchildren at very active po sila sa buhay ng community.

    ELY: Iyong konsulado po natin dito mayroon ho bang mga programa para po sa mga Filipino community dito?

    CONGEN MEI-ANN AUSTRIA: Opo, ngayon po kasi, marami po sa amin rito sa team, bago. So pinag-aaralan po namin ng mabuti kung papaano kami makakatulong nang hindi naman namin dinu-duplicate iyong existing programs ng Canadian government o ng provincial government. So isa po sa ginawa namin, mayroon po kaming isang series na ang tawag namin, “Kapihan sa Konsulado.” Buwan-buwan ho nakikipag-usap kami sa mga groups, nakipag-usap na po kami sa mga community service providers na tumutulong sa mga Pilipino; nakipag-usap na po kami sa mga youth; nakipag-usap na ho kami sa retirees. At tuloy-tuloy po iyong series na iyan. Ang purpose po namin is to have a listening platform para mapakinggan po namin iyong kanilang mga concerns, iyong kanilang mga requests, at makabuo po kami ng mas ibang programa para makatulong po doon sa specific concerns na ni-raise. With the community service providers, nakakadalawang meeting na ho kami and we have come up with a very robust work plan na hopefully po, maipatupad na soonest.

    ELY: Ayon. Okay, sa ating mga kababayan diyan sa Pilipinas at iyong nangangarap na mag-trabaho dito. Iyong kailangang kailangan po dito iyong skilled workers, ano?

    CONGEN MEI-ANN AUSTRIA: Actually po, marami po silang kailangan. Patuloy po iyong pangangailangan sa caregivers, patuloy din po iyong pangangailangan nila sa ang tawag nila, food service supervisors. May nagtatanong ho sa amin about plumbers, may nagtatanong ho sa amin about haircutters. Talaga hong across the scale. Ang accountants po, madaling mga makapasok at makakakuha ng lisensya to practice their profession here.

    ELY: Opo. Iyong ating mga kababayan, kasi alam naman natin karamihan doon mga mahihirap din, ano, na hindi kayang makapag-aral sa kolehiyo, puwede na ho— Kinikilala ho ba rito iyong TESDA? Halimbawa, nag-train ho sila ng TESDA.

    CONGEN MEI-ANN AUSTRIA: Opo, sa [inaudible], may isang company sa Alberta na ang kinukuha ho nila iyong mga nagkakatay ng mga baboy at baka na TESDA graduates. Kapag po na-hire nila, tine-train nila ulit tapos po inaalalayan ho nila iyon. Iyong karamihan sa workers nila umaabot na ho sa permanent resident, ang iba citizens na at sila ho ang nagfa-facilitate ng pagre-review. Sobrang gusto ho kasi talaga nila ng Filipino workers.

    ELY: Ayon, iyong mga kababayan natin siguro naman, baka huwag na ho silang maging biktima ng illegal recruiter, makipag-ugnayan siguro sila sa POEA.

    CONGEN MEI-ANN AUSTRIA: At kami naman, on the part of the Philippine consulate, naghahanap din naman po kami ng opportunities para ho magdala ng more investors and inestments into the Philippines at saka ho maraming products ng Philippines ang papasok dito to create employment. Para naman ho doon sa mga ayaw umalis, makapag-generate din ho kami kahit papaano ng magndang kabuhayan para sa mga maiiwan sa Pilipinas.

    ELY: Okay, sa panghuli po, ConGen, baka mayroon po kayong mensahe sa ating mga listeners na nakikinig nationwide at iyong mga oportunidad dito na puwede hong makuha ng mga Pilipino, iyong mga naghahangad po kasi talagang naghihigpit na po sa Estados Unidos. Eh dito po sa Canada binabanggit niyo po sa lawak ng bansang ito, kailangang kailangan po nila ng tao—dayuhan o kung saan man galing.

    CONGEN MEI-ANN AUSTRIA: Ang mensahe ko po: marami pong opportunities dito pero mag-ingat po tayo and make sure that we end up with the right employers so kung ano pa ang… kung mayroon pa kayong tinitingnan na opportunity, paki-daan na lang po sa POEA. At ang mensahe rin po ng konsulada, kami po ay nandito para tumulong sa inyo so kung mayroon po kayong problema or mayroon po kayong mga kamag-anak na mayroong problema o kung may concern, ilapit niyo lang po sa amin at tutulong po kami sa abot ng makakaya.

    ELY: Okay, nako, magpa-paalam na tayo pero kasama natin si ConGen Mei-ann. At maya-maya sa pagbabalik natin dito po sa BISErbisyong LENI ay makakausap natin iyong isa pong naging nanny at ngayon, sabihin nating naging matagumpay po at maganda po ang kaniyang buhay dito sa Vancouver—si Ms. Crisanta Sampang. Magbabalik ang BISErbisyong LENI sa RMN.

    [GAP 2]

    ELY: At samantala, mga kasama, kabahagi pa rin BISErbisyong LENI sa RMN ay dito pa rin po sa Vancouver, Canada ay makakasama natin ma-i-interview, siguro makilala po natin ng lubusan ito pong si madam Crisanta Sampang at napakaganda po ng kaniyang istorya. Alam ko na iyong mga ganitong istorya ng ating mga kababayan ay iisa po ito sa talagang nais po, ano, ni Bise Presidente Leni Robredo na mai-paalam sa lahat ng mga kababayang Pilipino para magsilbing inpirasyon, lalo na’t napakarami pong problema na dinaanan at hanggang sa makamit iyong kanilang tagumpay.

    So, magandang umaga po sa inyo, Ma’am Crisanta, at—ibig sabihin—nakita ko nga po iyong background po ninyo ay talagang nakakagulat at kahanga-hanga po. Bati muna tayo sa ating mga listeners at gayon din po sa ating Facebook live.

    CRISANTA SAMPANG: Okay, good morning. Good morning din sa inyong lahat—good morning ba iyong—okay.

    ELY: Okay, so kayo po ay ano, nagsimula na naging nanny at ngayon po author and filmmaker at women’s advocate dito po sa Vancouver, Canada at alam niyo ho, kapag nanny, ano po iyong—doon sa atin ay yaya o—

    CRISANTA SAMPANG: Katulong.

    ELY: Kasambahay po, kasambahay.

    CRISANTA SAMPANG: Kasambahay.

    ELY: Or ganoon po. Pero saan ho ba kayo—sabihin nafin—sa Pilipinas ay saan po kayo galing?

    CRISANTA SAMPANG: Galing ako sa Lipa, Batangas.

    ELY: Ala eh. Batangas pala ire.

    CRISANTA SAMPANG: Ala eh!

    ELY: Okay, so kayo po ay ilan po ang inyong anak?

    CRISANTA SAMPANG: Tatlong babae.

    ELY: Tatlong babae. So kailan ho kayo nagsimula na mangibang-bansa at umalis po sa Pilipinas?

    CRISANTA SAMPANG: Nag-umpisa ako noong 1984, June, kasi nakipag-hiwalay ako sa husband ko kasi parang walang future. So kaysa dumami iyong anak namin, I decided na papalakihin ko na lang yiong tatlo. Eh kaso noong makipag-hiwalay ako, walang mapakain sa aking mga anak. So nag-abroad ako—uso noon na nag-a-abroad ang mga babae para may trabaho as—

    ELY: Bilang DH—domestic helper.

    CRISANTA SAMPANG: Bilang DH, ayan, oo. So kasama nila, nag-DH din ako. Nagpunta ho ako sa Singapore.

    ELY: So iyon ho ang una niyong paglabas ng bansa sa Pilipinas, Singapore? Kumusta naman ho ang inyong amo at gaano, ano ho bang edad ng inyong mga anak nang umalis ho kayo sa Pilipinas?

    CRISANTA SAMPANG: Umalis ako sa Pilipinas, ang mga anak ko ay two and a half, five, at seven.

    ELY: Nako, iyong bunso batang-bata po—ay, halos lahat silang tatlo.

    CRISANTA SAMPANG: Ay, oo.

    ELY: Papaano, sinong naiiwan sa Manila dahil sabi ninyo nakipag-hiwalay kayo sa inyong asawa?

    CRISANTA SAMPANG: Ang Nanay ko. Ma-suwerte ako dahil nandoon siya. Oo, so medyo maluwag iyong kalooban ko na ang Nanay ko ang aking pag-iiwanan.

    ELY: Opo, sa inyo pong paninilbihan diyan sa Singapore, kumusta naman iyong amo? Sinuwerte ho ba kayo, o papaano?

    CRISANTA SAMPANG: I’ll say oo kasi noong mga—supportive sila sa mga ginagawa ko doon. Pero iyon, iyong suwerte na sinasabi, personally, ang suwerte, you have to make your own suwerte, lalo na kung makikipag-communicate ka, communication is very important. Kasi iyong amo ko sa Singapore, iyong lalaki medyo nambubulyaw iyon. So alam mo na, hindi ko experience ang maging nanny before, binulyawan ako on my first day. Binulyawan ko rin kasi ang—hindi ako deserving na bubulyawan eh. Eh sabi ko, “Bakit!” Eh tapos, nilayasan ko siya. Nag-punta ako sa kuwarto. Sabi ko, “Buti na lang hindi pa ako nakakapag-unpack. Tiyak na uuwi ako nito.” Ayon, doon ako suwerte, iyong amo kong babae, mabait. Pinasok niya ako, sabi niya, “Eh sinigawan mo raw si Boss?” Eh sabi ko, “Nauna siyang sumigaw eh.” Tapos sabi niya, “‘Wag mo siyang intindihin. His bark is worse than his bite.” Nako, eh ‘di sabi ko, “Ang bait niya.” Best friends kami simula noon, ang aking among babae.

    ELY: Okay, so doon ho, noong mga panahong kayo po ay nasa Singapore, ano po ang inyong komunikasyon sa inyong mga anak? Kasi madalas po sa atin dito sa Pilipinas na ang problema, marami pong naninilbihan sa ibang bansa, inaalagaan iyong anak ng ibang tao pero iyong kaniyang mga anak na maliliit pa na kailangan po ng kaniyang kalinga ng isang ina, iniiwan po sa Pilipinas. Hindi po natin masisisi dahil sa kulang po ng pagkakataon, oportunidad sa ating bansa, dahil po sa kahirapan etcetera etcetera.

    CRISANTA SAMPANG: Opo. At saka siyempre kung may ambisyon ka para sa mga anak mo, at wala kang choice gagawin mo iyon. So noon, noong panahon ang tinatawag na snail mail, sulatan pa lang kami. Sulat, oo. Tapos ang nirerequire ko noong may pera na ako kailangan at least once a week mag-uusap kami ng long distance. So ang aking spending money doon lang napupunta. Nagpupunta sila doon sa interchange, tatawag ng collect, iyon na tapos mag-uusap kami ng mga kalahating oras. Tapos sulatan, pictures, iyon.

    ELY: Ayon, opo. So hanggang naka ilang taon kayo sa Singapore?

    CRISANTA SAMPANG: Tatlong taon.

    ELY: Pagkatapos po ng tatlong taon, paano naman ho kayo nakapunta sa Vancouver?

    CRISANTA SAMPANG: Noon uso na ang, usong-uso iyong mga DH ang tinatawag. Kung saan-saan nagpupunta. So ang isang agency galing dito sa Vancouver pumunta doon. Nabalitaan ko. So, “Uy, may nagha-hire.” So punta kami, mineet niya kami. Tapos nag-apply ako.

    ELY: So dito po sa Vancouver sino po ang una ninyong naging amo?

    CRISANTA SAMPANG: Ang una ko ring naging amo dito puti.

    ELY: Canadian po or—

    CRISANTA SAMPANG: Canadian. One year ako sa kaniya tapos after one year, by mutual agreement, hindi siya, ako ang unang nanny na Filipino. Hindi siya sanay lagi siyang kumukuha ng Australian. So siguro medyo hindi ano, so naghanap ako ng pangalawa.

    ELY: So hindi na ho kayo umuwi ng Pilipinas, dire-diretso na ho?

    CRISANTA SAMPANG: Hindi na. Pero after nag-settle down ako doon sa… you mean from Singapore?

    ELY: Hindi, hindi. Noong, kasi from Singapore umuwi kayo sa Pilipinas, tapos nag-apply kayo sa Vancouver. Iyong una ninyong amo, naka one year?

    CRISANTA SAMPANG: One year, oo.

    ELY: Dire-diretso na ho ba iyon?

    CRISANTA SAMPANG: Oo diretso. Tapos noong after maka-settle-down ako sa pangalawa kong employer, doon ako umuwi. Tinitry ko na umuwi regularly kasi ang feeling ko kailangan, it’s important na nakikita ka ng mga bata. At iyong hindi nila, kasi kahit na…no matter what you do, ito ang nadiskubre ko. Feeling nila inabandon mo sila.

    ELY: Kahit na sabihing kaya ka nagta-trabaho abroad ay para sa kanila?

    CRISANTA SAMPANG: Oo, oo. At iyon pa ang isa. Huwag mong i-a-assume na alam nila iyon. You have to tell them na nagpapakahirap ako doon dahil sa inyo. At least kailangan nilang marinig iyon.

    ELY: Okay. So marami hong mga kababayan natin na, kasi kayo naiiba kayo kasi talagang may iba ho kayong pangarap ano. At hindi kayo nagkasya sa naging nanny. At nag-aral din ho kayo dito.

    CRISANTA SAMPANG: Oo. Kasi noong nasa Singapore ako na-diskubre ko na, nagbabasa ako ng dyaryo lagi. Mayroon akong isang nabasa na tuwang-tuwa ako sa sinulat na Intsik iyon. So sabi ko, “Kaya ko rin ‘to.” So nagsulat ako, pinadala ko sa dyaryo, Ingles iyon. Aba tuwang-tuwa sila. Tinanggap, ininterview ako, tapos pinicturan, ayon. So doon ako nag-umpisang magsulat at iyon talagang gusto ko’ng ano… So noong pagparito ko, may plano na ako. Sabi ko, “Alam ko na sa Canada madaling abutin ang pangarap.” So iyon, sinabi ko sa sarili ko na magiging manunulat ako sa Canada. So pinlano ko ang aking buhay. Unang taon, nag-aral ako ng driving para may freedom of movement ako. First year may kotse na ako para nag-aaral ako sa gabi, at nagvovolunteer sa Sabado’t Linggo. Kasi noon dito, noong panahong iyon, under the Domestic Workers’ program required nila na magvovolunteer ka. Para iyon daw ay katunayan na kaya mong makasurvive sa Canada. So ang kailangan iyong certificate for volunteering…Oo. So kung may kotse ka, puwede ka, oo. Tapos iyon namimili ako. Namimili ako ng mga kurso na kinukuha ko sa gabi. Ang tawag ay Continuing Education. Iyon bang related sa writing, related sa computer, iyon.

    ELY: So kayo po nag-ano sa Vancouver Film School.

    CRISANTA SAMPANG: Ah hindi pa iyon.

    ELY: Ah hindi pa iyon. Medyo ano na iyon—

    CRISANTA SAMPANG: Oo medyo late, late. Noon ang mga pinag-aaralan ko ang mga courses sa, night courses sa journalism, at saka sa computer. Naku ang mga computer noon iyong mga ano pa iyon, iyong ang operating system pa ay DOS hindi pa Windows. [laughs] Oo ang hirap matuto kaya nag-aaral ako noon.

    ELY: At saka may binabanggit kayo na nag communication ninyo sa mga anak ninyo dati, Friendster ba sinabi ninyo?

    CRISANTA SAMPANG: Oo, Friendster. Iyon ang unang social media noon. Oo.

    ELY: Hanggang sa dumating itong Facebook.

    CRISANTA SAMPANG: Oo, Facebook. Una, Friendster. Tapos, MySpace, tapos Facebook, iyan.

    ELY: Siguro po para sa ating mga listeners para malaman nila, anong klaseng komunikasyon po sa pagitan ninyo at ng inyong mga anak. Iyong papaano ho ninyo, kasi kailangan mamaintain ninyo na iyong binabanggit ninyo na iparamdam sa kanila na kahit na wala ka mismo doon sa Pilipinas, ay talagang mahal mo sila, kinakalinga mo. So ano ho ang usapan, para lang marinig po ng ating mga listeners.

    CRISANTA SAMPANG: Kuwentuhan kami. Kasi ang nangyari dahil wala ako doon lumalabas sila. So pinapa…pinapagsabihan ko sila. Pinapaalala ko sa kanila. Una tatandaan nila na kaya ako nandito para sa kanila. So dapat mag-aaral silang mabuti, makikinig sa kanilang lola. At iyong isa pa na itinuro ko sa aking mga anak simula noong maliit pa sila is you have to be able to speak for yourself. Everybody deserves respect, mahirap, mayaman. Pero kapag mayroon kayong gustong sasabihin, you have to be able to speak it. Kasi kapag hindi nagsasalita ang tao, maraming, iyong it can be assumed. Things can be assumed. So iyong may assertiveness training.

    ELY: So noong may social media na, paano ang inyong communication? Medyo malalaki na ang mga iyon, mga dalaga na?

    CRISANTA SAMPANG: Oo malalaki na. Kuwentuhan kami, para kaming friends ganyan. Biruan, kuwentuhan. Pinadadala ko sa kanila ang mga sinulat ko. Tapos kinukuwento nila ang mga kanilang ginagawa, binibili, kinakain, pinag-aaralan, barkada. So ang communication namin is ano, iyong maluwag. And I make sure na iyong nakakapagsabi sila sa akin. Kasi ano kung minsan kapag wala kayong ano, ang mga bata takot. Kahit nagbibiruan kaming ganiyan ano pa rin sila, takot pa rin baka magagalit ako. Sabi ko sa kanila, at saka iyong alam mo iyong isa pa sa Pilipinas iyong ang tao maraming sinasabi? Maraming sinasabi?

    ELY: Mga tsismis.

    CRISANTA SAMPANG: Mga tsismis ganyan. Lalo ang mga ano ko, mga ano sila, ang tingin nila masyado akong maluwag sa aking mga anak. Oo, sabi ko, oo ganito sa amin, ganito ganyan. Sabi nila, “Padala ka ng padala ng pera, hindi ka mag-ipon para sa sarili mo,” sabi ng isa kong kamag-anak. Sabi ko, “Kuya, ang pera ay hind nagdadala sa hukay.” Sabi kong ganyan [laughs]. Napikon siya. Pero iyon ang sabi ko sa aking mga anak ganito, para ang kanilang self-esteem ay mabuo, sabi ko “wala kayong, sa akin lang kayo dapat mag-explain. You don’t have to explain anything to other people. Oo.” Tapos ang sabi ko ang pagmamahal ninyo sa family. Kapag kayo’y walang-wala, while you are down, wala kayong…walang tutulong sa inyo kung hindi ang family ninyo. And that is true kaya sabi ko number one ang family. Kasi nakita ko ang mga anak ng ibang nag-abroad, porke mapera na, kung tratuhin nila ang mga lola, mga ganyan ay parang ano… so I don’t like that.

    ELY: Okay, opo. Ma’am dito po sa Vancouver, kasi ang mga kababayan natin mga nasa US at maganda naman ang buhay, kayo ho hindi ninyo naisip dalhin ang inyong mga anak dito?

    CRISANTA SAMPANG: Iyon ang aking naisip and I was working towards that. Pero kaya hindi ko sila nadala, maaga pa lang ay naobserbahan ko kasi ang isa, ano ako…mga tinutulungan ko mga kababayan pero naobserbahan ko na kapag dinala mo ang anak mo ng maaga at wala kang, wala kang kasama na tutulong sa iyo ang nangyayari naiiwanan din ang bata sa bahay. Oo, habang nagtatrabaho ka ng mga 18 hours a day para masuportahan sila dito. Ang nangyayari, ang mga bata so, walang nagbago feeling abandonado rin sila so…

    ELY: So parang dito rin, kahit sa gabi or what. Pagdating mo tulog na sila, pag gising nila wala ka na rin.

    CRISANTA SAMPANG: Oo, so sabi ko, “what for?” At least doon happy sila at saka ang mga bata kapag masyadong maaga nandito, naaabsorb nila ang ano, kung ano ang uso sa mga kabataan, iyan.

    ELY: Mga ugali ng mga taga—

    CRISANTA SAMPANG: And then nagiging rebellious. So sabi ko ang aking mga anak gusto kong lumaki ng konti doon para iyong dala na, madala nila.

    ELY: Iba pa rin po ang kulturang Pinoy.

    CRISANTA SAMPANG: Iyon.

    ELY: Mapagmahal sa magulang, magalang sa mga nakakatanda…

    CRISANTA SAMPANG: Oo at mabait.

    ELY: Pero hindi naman natin sinasabi ano sa ating mga listeners na baka iyong ibig sabihin mga foreigner halimbawa taga-Canada or taga-US, masasam ugali. Binabanggit niyo lang na…baka kasi mabarkada. Lalo na kung mapapabayaan mo rin kung nandito ka.

    CRISANTA SAMPANG: Oo. Dahil kung wala ka, sa barkada sila makakakita ng attention at pagmamahal. And sometimes it’s not always the right barkada.

    ELY: Kasi ganoon naman, sabi nga kung sino ang barkada mo—

    CRISANTA SAMPANG: Ganoon ka rin. So… iyon so sabi ko, diyan pa muna kayo. Di naghintay sila, nag-college ang ano. Ang nangyari porke masyadong napasarap na sige diyan muna kayo, ay first year iyong isa kong anak, nag-asawa na.

    ELY: Ilang taon po siya nag-asawa?

    CRISANTA SAMPANG: Ano 18.

    ELY: Naku, bata pa ho.

    CRISANTA SAMPANG: Tapos sumunod na rin ang isa. Eh di iyon. So isa lang ang hindi nagka-asawa.

    ELY: Iyong bunso po ngayon.

    CRISANTA SAMPANG: Oo. So ano siya… Hindi nag-asawa pero nasa US.

    ELY: Ah nasa US.

    CRISANTA SAMPANG: Oo. Japanese-Filipino-American.

    ELY: Ang napangasawa.

    CRISANTA SAMPANG: Oo, ang napangasawa. So ayon. Noong nagkaanak ang mga anak ko, sabi ko, “Hindi ko kayo madadala sa Canada dahil ayaw kong maulit ang ano, ang nangyari sa akin na iniwan ko kayo.” Kasi doon sa aking documentar, ininterview ko ang aking mga anak. Pinasulat ko ang ano, ang feelings nila.

    ELY: Aba, puwede itong ano, puwede kayong sumali kasi mayroong Istorya ng Pag-asa iyong sa film? May short film na parang festival ang Istorya ng Pag-asa ni VP Leni.

    CRISANTA SAMPANG: Aba’y sasali ako!

    ELY: Isali ninyo. Maganda po iyan.

    CRISANTA SAMPANG: Sabi nila noon noong iniinterview ko sila, isulat niyo kung hindi niyo masabi sa akin. Sabi ng aking gitna na, sabi niya, ayaw daw niya na ang kanyang anak ay lalaki nang wala siya kasi sabi niyang ganyan, naroon ako sa, “I don’t want my child to grow up, sleeping alone at night thinking nobody loves her.” Ganoon, so kaya hindi rin niya iiwanan ang kanyang anak. And for the same reason, hindi ko sila dadating dito. So ayon tinulungan ko sila mag-start ng business, tinulungan ko sila bumili ng bahay.

    ELY: Okay so napakaganda ng inyong kuwento. At sa ating mga kababayan na, at least kayo sabihin natin sinuwerte pa rin sa amo sa Singapore.

    CRISANTA SAMPANG: Oo.

    ELY: At dito po sa Vancouver. Kasi alam niyo siguro nababalitaan niyo po ang mga nangyari sa ating mga kababayan mga DH sa Middle East na minaltrato ng kanilang amo. Tapos ang mga partner nila sa Pilipinas napariwara. At dahil ang iba naman iyong may asawa, nagloko rin ang asawa. So talagang, ibig sabihin iyong pinaghirapan po na makarating sa abroad para makapagtrabaho at di ba may pang gastos, parang nabale-wala. Kasi parang di ba parang lalong napasama ang pamilya, hindi po napabuti. May mga ganoon ho na kaso sa Pilipinas.

    CRISANTA SAMPANG: Opo. Kahit dito, marami rin dito. At hindi lang iyon. Iyong dito marami noong bago lang ako rito, nagpapakamatay sila. Oo nagpapakamatay dahil ang dami nilang naipangako sa pamilya, nagka-utang-utang, kasi hindi sila marunong mag-explain. So iyon ang isang sinasabi ko sa mga nanay o kahit kaninong nag-aabroad na ipaalam ninyo sa inyong pamilya kung, ipaalam ninyo sa inyong pamilya kung, kung gaano kahirap ang kumita ng pera. Na hindi, hindi kada hihingi sila ay puwede mo mabigay dahil hindi mo kaya. Ang kaya mo lang ibigay. Ang iba kasi ay napasubo na ng ka-o-oo. Tapos ayun. Kapag wala nang maibigay ay galit na ang pamilya. And then so, iyong ginawa ng isa, nagpakamatay sa dami niyang utang. Iyon namang isa nasabi niya sa akin na, “E ano nang gusto nila ipagbenta ko ang katawan ko para may maipadala ako sa kanila?”

    ELY: Kasi mayroon talaga ano, may mga kababayan tayo na OFW pinipilit ho. Kung minsan talagang mangungutang pa ho sa kapwa OFW. Ang binabanggit ninyo kung ano lang ang kayang ipadala, pagkasyahin nila.

    CRISANTA SAMPANG: At dapat sabihin.

    ELY: Sabihin, oo. Ito lang ang kaya.

    CRISANTA SAMPANG: Oo… ito lang ang kaya. Hindi napupulot ang pera dito. So…iyon.

    ELY: Okay iyon ho. At siguro ang binabanggit po natin ay ang inyo pong mga naranasan ay magsilbi po itong aral din po sa ating mga kababayan. Pero kung kayo ho, kasi hirap po talaga ang buhay sa Pilipinas. At lalo po ang mga kababaihan, ang una ho kasi talagang nag-abroad iyong mga kababaihan gusto pong tumulong sa asawa.

    CRISANTA SAMPANG: Oo.

    ELY: Na may trabaho. Kasi alam niyo naman kapag nagpaaral ka sa Pilipinas magastos po talaga. So kayo ho ba maipapayo niyo ba na ang mga kababaihan lalo na mga nanay, na huwag na po ba mag-abroad o… ano ho ba sa tingin ninyo? Kasi kahit papano sa inyo po ay naging successful naman po, ang buhay, ang mga anak ninyo naging okay naman po. Kayo ho ba maipapayo niyo sa ating mga kababayan?

    CRISANTA SAMPANG: Dalawang bagay. Ang sa akin, kung hindi mo kailangang mag-abroad, ay ano huwag na. Kasi kung minsan, alam mo iyong mga pupunta rito—nars, mga bank managers, engineers, veterinarians. So iiwan ang anak not because kailangang iwanan but because gusto nilang mag-abroad. Pero ang sa akin, kung maliliit ang m`ga anak mo at hindi mo talaga kailangang mag-abroad, doon ka nalang. And I say that to everybody na tulungan mo naman ako magpunta. Ngayon, kung kailangang pumunta ka talaga katulad sa akin, I needed to go dahil wala akong ibubuhay sa aking mga anak, wala akong ipampapaaral at mayroon akong plano, ano iyong asikasuhin mo. Kailangang huwag mong aalisin ang komunikasyon sa inyong mga anak. Sasabihan mo sila lagi, tatawagan, susulatan. Lalo na ngayon Facebook. O, mag-Facebook kayo, picture ni nanay, picture ni anak, ganiyan.

    ELY: So sabihin natin. Itong makabagong teknolohiya ngayon—lalo na po iyong sa social media, kahit papaano laking tulong ito sa mga OFWs.

    CRISANTA SAMPANG: Malaking tulong. Malaking tulong. Ako, ang laki ng nagastos ko noong wala pang Facebook dahil iyong aming long distance calls. Eh, kung hindi lang ako naglo-long distance calls, baka may bahay na ako sa Canada. Wala akong bahay dito… doon.

    ELY: Pero bilang pamilya kasi, kaya kayo napipilitang maglong distance para tuloy-tuloy ang inyong komunikasyon sa inyong mga anak kasi may mga magulang ho, lalo na sa Middle East, wala silang pagkakataon na tumawag.

    CRISANTA SAMPANG: Oo.

    ELY: Kasi, bukod sa magastos, ang kadalasan, ano eh, iyong iba naman nagtitipid.

    CRISANTA SAMPANG: Oo, oo.

    ELY: Ipadadala na lang ang pera kaysa igastos. Kayo, iba ang inyong pananaw po rito.

    CRISANTA SAMPANG: Hindi, kasi iyong pagsasama ninyo ng inyong pamilya ay hindi ano iyon eh, priceless iyon eh. Hindi puwedeng anuhan, tapatan ng pera, sa akin. Sabi ko nga sa isang ina, ano, sabi niya, “Aba! Dapat naman alam nila kaya ako nagpapakihirap dito para sa kanila. Alam na nila iyon. Hindi ko na kailangan sabihin.”

    Sabi ko, “Anong ‘Hindi, alam ng bata iyon? ‘Pag ‘di mo sinabihan ang bata, they will make their own conclusions and it might not be the right one.”

    ELY: So dapat binabanggit diyan is kung may komunikasyon, kung nag-uusap kayo, sa loob ng isang linggo, ipapaalala mo lagi.

    CRISANTA SAMPANG: Oo! “Miss na miss kita! Gusto ko sana nandiyan ako at naglalambingan tayo, pero nandito ang aking work para may pambili ka ng Levi’s, cellphone.”

    ELY: So lahat inaano mo… ine-explain mo sa kanila.

    CRISANTA SAMPANG: Oo.

    ELY: So, hindi iyong ‘matic na, “di, alam nila iyon.” Hindi, dapat talaga…

    CRISANTA SAMPANG: Hindi. No. Hindi nila alam iyon. From my experience—my personal experience at experience ng mga nanay na nakausap ko.

    ELY: Mayroong po kayong binabanggit na adbokasiya na para sa mga nanay na ‘wag na mag-abroad: talagang ‘wag nila iwanan iyong kanilang mga anak, lalo na’t maliliit pa.

    CRISANTA SAMPANG: Kung puwede lang. Oo.

    ELY: So, paano niyo maipu-push iyong ganoong advocacy po na iyon?

    CRISANTA SAMPANG: So kailangan, alam mo, kailangan there should be more information sharing. At ang isa na ginagawa ko, part of my advocacy ay iyong aking pelikula na ginagawa ngayon, kaya gustong gusto ng mga puti ang title, “Craving Motherhood for Dollars.”

    Sabi niya, “wow, ang tindi naman niyan.” Sabi ko, “because that’s what we do.”

    Mothers go abroad to mother other people’s children in exchange for dollars because our own kids need the dollars to survive. Iyon. So iyon, “Motherhood for Dollars.”

    ELY: Okay, so maganda po iyan ano, at para sa ating mga listeners, lalo na iyong mga nanay. Pero, kasi ang binabanggit naman nila ay iyong talagang hirap po ng buhay sa Pilipinas at kung magtratrabaho doon sila, maliit ang sweldo, so, pero ang sinasabi niyo, wala pong katapat na pera iyong pag-aalaga?

    CRISANTA SAMPANG: Oo, pero kung—

    ELY: Kasi kayo po, at least, ang naiiwanan niyo iyong nanay niyo, eh. So, siguro magaling po mag-alaga sa inyong mga anak. Pero iyong iba, wala pong iiwanan.

    CRISANTA SAMPANG: Iyon!

    ELY: Halimbawa, kung asawa naman na lalaki ay—

    CRISANTA SAMPANG: Mambababae pa!

    ELY: Ayun, nako.

    CRISANTA SAMPANG: Iyon. Eh, iyon alam mo—

    ELY: Sumakabilang-bahay.

    CRISANTA SAMPANG: That’s true. Basta iyon nga, kung wala kang choice, at least, ipaalam mo sa mga anak mo every time you get a chance. Tell them, “narito ako dahil sa inyo. Hindi ko kayo inabanduna. Hindi ko kayo iniwanan. Kung hindi, lahat ng kinikita ng pumupunta sa inyo and I would like you to remember that.” Kasi nga, walang choice, eh.

    ELY: Pero iyong sinasabi niyo kanina, may kamaganak kayo na nagsasabi, “’Wag mo ipadala lahat.” Kasi, ako minsan, may mga ganyan din. May mga kababayan natin na mga OFW, lahat ipinadala tapos pag-uwi…

    CRISANTA SAMPANG: Uutang.

    ELY: Wala pong nai-pundar. Nagulat. Ba’t walang naipundar? Kaya nga binabanggit diyan iyong OFW, dapat may budget ka na – ito ipapadala mo tapos mag-iipon ka sa sarili mo dahil iuuwi mo rin iyon. Pang-ipon. May savings ka sa sarili. Ganoon po dapat.

    CRISANTA SAMPANG: Iyon. Eh, iyong pinapadala ko kasi, ano iyon. Iyong aking… hindi ko naman… hindi naman inuubos kasi doon magaling ang nanay ko. Iyong noon, wala kaming lupa. Nakikitira lang kami kasi mabenta iyong farm namin. Ang pinadala ko pera, binila niya ng lupa at pinagpagawa niya ng bahay. So that’s one tapos noong pinag-aaral ko iyong mga bata, pinagco-college tapos tinulungan ko iyong aking mga pamangkin, iyon ang aking… that’s my legacy na iyong kahit na gusto din… alam mo, hindi ko hinahamak ang maging DH. Kasi it’s in an honorable job.

    ELY: Ay, opo tsaka may lalo na sa Pilipinas ay iyan po ang mga bagong bayani.

    CRISANTA SAMPANG: Iyon, iyon.

    ELY: Eh, alam niyo ho ngayon, sa Pilipinas, antaas po ng mga bilihin ngayon at may mga…

    CRISANTA SAMPANG: Oo, nabalitaan ko nga.

    ELY: Opo. Pero… tapos, ngayon ay mag-iipon po tayo ng maraming bigas. Siyempre, kailangan pa natin ng dolyar. Isa po sa mga tulong na malaki iyong mga remittances po galing sa mga Overseas Filipino Workers.

    CRISANTA SAMPANG: Oo. So iyong pera na pinapadala ko, natulungan ko na makabili ng bahay ang aking mga anak magkatabi sa Antipolo. Tapos, natulungan ko rin sila na magkaroon ng puhunan sa negosyo. Ayon, so iyon. Relax lang, or nakakaipon ako para sa aking retirement.

    ELY: Opo. Pero ngayon, iyong ibig sabihin, nagsisisihi ho ba kayo? Noong iniwan niyo sila, hindi niyo nasubaybayan araw at gabi iyong kanilang paglaki or kahit papaano sabihin natin, at least ganito naman ang buhay. Kung saka-sakali ho ba na hindi po kayo nag-abroad, ano po ba sa tingin niyo magiging buhay po ninyo?

    CRISANTA SAMPANG: Kung hindi kami nag-abroad, siguro makalabing-isa na ang anak ko. Wala na akong ipin at ‘di ko alam kung siguro, maaga rin mag-aasawa mga anak ko, and ano, hindi makakabreak away sa poverty. Oo, so in that area, wala akong regret. Wala akong regret kasi I did my best na kasama nila ako emotionally and spiritually, kahit wala ako noon.

    ELY: Okay. Kaya, nabanggit ko ‘yan bilang commitment at walang pagsisisi, pero parang iyong sa advocacy niyo naman na ‘wag mo iwan. So iyong nakikinig po sa atin… paano… oh, okay lang po umalis eh, basta maayos communication. So paano nila titimbangin iyong mga ganyang pagkakataon?

    CRISANTA SAMPANG: Ano, ano nga, iyon din, iyon ang isang kong lang regret. Pero ngayon, I have to come to terms with that kasi nga, dahil… iyong… ako, halos isang taon umuuwi. Inuubos iyong pera sa long distance. Si iyon, alam mo, iyon lang ang aking regret na gumagradweyt sila, wala ako. So iyong, ano ko, iyong aking unang short film na nasa internet is about that regret, iyong “Ocean Between Us.” So slowly, dahil ngayon, kumbaga ang feeling ko nga, feeling ng mga anak ko is they are still growing up with me.

    ELY: Pero, ngayon may apo kayo ano?

    CRISANTA SAMPANG: Oo. Anim na! Anim na.

    ELY: Anim na. Opo, kasi mayroong mga ganyan na kung hindi man maalagaan ang kanyang mga anak, iyong iba po bumabawi sa apo.

    CRISANTA SAMPANG: Ah, oo. Ah in fair, sila, sabi ko, “sabi niya, alagaan niyo.” Pero sila, kasi, at this point, alam mo ba, iyan ang ano, iyon siguro, I don’t know, other mothers who might’ve thought ‘pag umuuwi ako para bang, bumabalik sila sa pagkabata. So, maraming, “ang tanda ko na… hindi pa ko… ganon.” So bumabalik na parang ang feeling ko, we are making up for lost time – naglalambingan, namimili. Ay diyos ko, pinamimili ko sila ng kung anu-ano.

    ELY: Pero siguro, sa kabilang dako, swerte din kayo sa inyong mga anak, dahil sa naintindihan iyong sitwasyon.

    CRISANTA SAMPANG: Kasi ipina-intindi ko sa kanila.

    ELY: Ayon. Ayon po, sa ating mga listeners, ah, iyong ating mga kababayan na maga-abroad. Binabanggit niyo, laging ipa-intindi: bakit kayo sa abroad, ‘di niyo sila maalagaan nang personal, so, para maging bukas po iyong kanilang isipan.

    CRISANTA SAMPANG: Opo, kasi katulad niyan, iyong balikbayan box, sinasabi ko sa kanila na ang balikbayan box, hindi lang tsokolate ang laman niyan. Ang laman niyan ay iyong aming pagmamahal na hindi naming mae-express. In exchange, pagmamahal in place… in place of pagmamahal you get imported chocolates, imported clothes, iPhones, etcetera. Iyan. Kinakahon namin iyong pagmamahal regularly para sa inyo so kung hindi mo sasabihin sa kanila iyon, hindi nila iyon maiintindihan.

    ELY: So, kailan ho ba kayong planong magretiro at ano bang gusto niyo? Dito pa rin kayo sa Canada or sa Pilipinas na ho kayo magretiro?

    CRISANTA SAMPANG: Ano.

    ELY: Balik-balik?

    CRISANTA SAMPANG: Balik-balik. Tsaka actually—

    ELY: Kasi, ano ho kayo eh, citizen na po kayo dito sa Canada.

    CRISANTA SAMPANG: Retired na ako ngayon pero anumang writer, hindi nagreretire.

    ELY: Wala pa hanggang ano—

    CRISANTA SAMPANG: Hanggang nakakasulat ka.

    ELY: Kasi kami rin, sa mga broadcaster, hangga’t may boses ka…

    CRISANTA SAMPANG: Iyon, iyon. Hanggang nakakaalala ka ng words.

    ELY: Iyon. Nagcocolumn din ako sa Abante at Abante-Tonite. Good morning kay Rey Marfil, iyong presidente.

    CRISANTA SAMPANG: Titingnan ko iyon. May internet ba iyon? May online ba?

    ELY: Yes, online. Abante.

    CRISANTA SAMPANG: Abante? Parang narinig ko na iyon, eh.

    ELY:At Abante–Tonite. Broadcaster’s View, iyon pa ang aking column. So iyon ho ang gusto niyo, dito, balik-balik. Kasi, kahit papaano, kung citizen kayo, maganda rin po iyong benepisyo dito sa atin… dito po sa Vancouver kumpara sa atin.

    CRISANTA SAMPANG: Opo, medical system, mas magaling, at may retirement. Iyon. So, iyon.

    ELY: Sa atin, delikado pa iyong SSS, eh.

    CRISANTA SAMPANG: Oo, pero iyon, alam mo, may ano na, may medical benefits na ang mga tao.

    ELY: Saan po?

    CRISANTA SAMPANG: Iyong PhilHealth. Isn’t that a good thing?

    ELY: Meron naman po. Pero, napakalayo po dito.

    CRISANTA SAMPANG: Ay, of course.

    ELY: Siguro, kung ma-improve na iyong ano… iyong Universal Healthcare Act.

    CRISANTA SAMPANG: Ah, talaga?

    ELY: so siguro, pupuwede po iyon tsaka makakatulong iyon. So, iyon ho, pabalik-balik ho kayo. Pero, hindi kayo magtatagal sa Pilipinas? Iyong iba kasi, gusto doon na.

    CRISANTA SAMPANG: Hindi, kasi umalis ako bata pa ako, eh. O kaya, iyong mga ano ko siguro… kasi I can stay there, as a citizen. Six months ka lang annulled eh.

    ELY: Six months, na sa Pilipinas?

    CRISANTA SAMPANG: A year. Of a year, oo.

    ELY: Parang sa US, ganoon din po, eh.

    CRISANTA SAMPANG: Oo ganoon din. Lalo na kung…

    ELY: Six months. After six months, balik.

    CRISANTA SAMPANG: Oo.

    ELY: Or siguro ititiyempo niyo at ah, siyempre, kung medyo nagkaka-edad tayo, kapag masyadong malamig dito, punta naman sa Pilipinas.

    CRISANTA SAMPANG: Oo, tsaka I’m trying. Iyong susunod, sabi ko nga sa mga bata, mag-ipon ng show money para… kasi marami na sila eh. Ilan iyong isa kong anak, tatlong anak. So, lima sila. Ilang pamasahe iyon? So, ano, kung puwede sila i-invite dito they can stay a few months and then babalik doon.

    ELY: Ayon. Opo. Okay, siguro bago tayo magtapos, Ma’am Crisanta, ano po ang inyong mapapayo sa ating mga kababayan, unang una sa mga anak na iyong kanilang magulang –nanay, o sabihin natin pati tatay, nag-abroad? Sila sila lang. Kasi kadalasan iyong iba ho, iyong kababayan natin, minsan mag-asawa ho iyong umaalis, eh.

    CRISANTA SAMPANG: Oo naman!

    ELY: Tapos iyong mga anak, naiwan, so ano pong unang maipapayo niyo sa mga anak?

    CRISANTA SAMPANG: Una is, ang mga anak, basta ano. Basta, ano.

    ELY: Base po sa inyong komunikasyon ano, sa inyong mga anak. Bigyan natin sila ng onting ano po, payo.

    CRISANTA SAMPANG: Iyong mga anak, ‘pag kayo’y mayroong gustong i-express sa inyong mga magulang, express ninyo. Kasi, alam niyo, tuwang tawa ang magulang sa nasasabihang, “alam mo, nami-miss ka namin.” Kasi nga, iyong isa sa kulang sa mga Pilipino ay iyong ano, iyong, ano, komunikasyon. Kahit dito, nakikita ko, eh. Hindi man lang makapagtanong kasi nahihiya, baka ma-offend, ganyan.

    ELY: Pero kadalasan kasi sa atin, iyong mga anak, lahat na lang may komunikasyon sa magulang, iyong kung ano iyong ipabibili. Mga bilin.

    CRISANTA SAMPANG: Iyan. Hindi ganoon. Kapag may ipinabili kayo, magpathank you kayo: “Ay salamat po, inggit na inggit ang mga kaibigan ko.” ‘Di ba? Kapag nagpa-ano ka ng thanks, it really feels good.

    ELY: At siguro sinupi nila ano, kung ano man ang mga ipinadala ng kanilang mga magulang, kung ano man ang mga gamit, ingatan dahil pinaghihirapan po iyan sa abroad.

    CRISANTA SAMPANG: Tama iyon, tama iyon, kasi bago ko naibili ng ano, ng cellphone – noong mahal pa iyong cellphone, noong lalaki pa, mga ganyan kalaki, matagal, at mga libo-libo.

    ELY: Opo, iyong ating mga listeners ah, mas lalo na iyong mga anak po diyan na iyong kanilang magulang ay nasa abroad, ay talagang, lahat po ng ipinapadala, bigyan po natin ng halaga. Iyan po ay pinaghirapan at hindi lang basta pinagpawisan o kung anuman. Kasi, may kasama ho diyang sakripisyo, eh, hindi po ba?

    Sa mga magulang naman po, na iyong iba halimbawa, sabi po sa atin ngayon na nagbabalak na mag-abroad at iiwanan ang kanilang mga anak – so, ano po ang maipapayo niyo sa kanila?

    CRISANTA SAMPANG: Ayon, kung wala kayong choice at iiwanan ninyo ang inyong mga anak, ipaliwanag ninyo nang maayos sa inyong mga anak kung bakit kayo aalis. ‘Wag ninyong ia-assume na naiintindihan nila, dahil kung minsan kung ‘di nila naiintindihan at sasabihin, “ayaw na nila sa amin,” which is not true.

    At ang isa pa, kapag humuhingi sila – ‘pag hingi nang hingi ang mga… hindi lang mga anak. Mga kapatid. Mga ano. Ang ibibigay niyo lang iyong kaya niyo. ‘Wag ninyong pabayaan na isipin nila na “uy, mapera ‘to!” “Utang!” ganyan. “Yeah, pambili ng bahay.” Kasi, iyon. Isa iyon. It’s always communication. Sabihin niyo, “alam mo, ganito lang ang sweldo ko. Ganito ang gastos ko dito, kaya ito lang…”

    ELY: Pagkasiyahin ninyo.

    CRISANTA SAMPANG: Pagkasiyahin ninyo. Iyon. It’s very very important. Marami ang buhay na nasira dahil sa pera na galing sa abroad.

    ELY: Okay, so iyong ating mga listeners at sa mga nagbabalak po na mag-abroad: kung ano lang ang kaya. Siguro, halimbawa, sample lang, ehemplo lang, about 50 000 pesos halaga iyong kanyang sweldo sa isang buwan. Padadala, mga magkano dapat? 30 000?

    CRISANTA SAMPANG: Oo, mga ganoon. Oo.

    ELY: Pagkasiyahin niyo yan. Wala nang idadagdag.

    CRISANTA SAMPANG: Oo, o kayang 25. Hati tayo.

    ELY: Hati.

    CRISANTA SAMPANG: Para ako’y may… may maitatabi ako dito.

    ELY: Kasi, may mga gastos ka pa nang konti tapos may maitatabi ka.

    CRISANTA SAMPANG: Para makauwi naman ako.

    ELY: Pero kasi iyong ibang mga OFW, ang ginagawa, hindi pinapaalam na itinatabi kasi pipigain sila.

    CRISANTA SAMPANG: Pipigain sila kasi hindi nila ano…iyong…hindi… “’Wag! Wala na akong ibibigay sa inyo.”

    ELY: Hindi po, kasi iyong iba, maiipon ka diyan, eh. ‘Tas biglang hihirit…

    CRISANTA SAMPANG: Igui-guiltify.

    ELY: Dagdag allowance. Eh, tama rin siguro iyong iba, hindi sinasabi po, eh, na wala na akong pera dito. Mangungutang na lang ako, eh. Parang ganun.

    CRISANTA SAMPANG: Dadaingan pa.

    ELY: Yes, ganoon. Okay, so napakaganda po, ano, ng inyong kwento – kwento ng buhay, at siyempre ito po’y bahagi pa rin ng Istorya Ng Pag-asa na kung saan isa ito sa mga pinakatampok na segment, ano, dito po sa Biserisyong Leni. So, Ma’am Crisanta Sampang, salamat po sa inyong oras at ito po’y iparirinig natin sa palatuntunan po ng ating Bise Presidente.

    CRISANTA SAMPANG: Okay. Thank you for giving me the time to speak.

    ELY: Salamat po. Okay, so iyon po si Ms. Crisanta Sampang.

    -30-

    Posted in Transcripts on Dec 22, 2018