This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 86

    [Video of Office of the Vice President’s Angat Buhay year-end feature plays]

    CAPTION: Ramdam ni Bise Presidente Leni Robredo ang daing ng mga nasa laylayan.

    ON HOLISTIC REHABILITATION IN MARAWI

    TARALBE OMBUS (RESIDENT FROM MARAWI): Gusto ko na sanang mamatay noon. Hindi ko madala ang mga ari-arian namin kung saan kami pupunta. Pero dahil sa takot, sinubukan kong tumakas nang walang bitbit na gamit bukod sa mga suot naming damit. Sa mga oras na iyon, parang akong nasa impiyerno. Ngunit sa tulong at kahabagan ng ating Makapangyarihang Allah at sa inyong tulong, parang nasa langit ako ngayon.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ang Angat Buhay village ay hindi lamang nagsisilbing pansamantalang tirahan para sa mga dating nakatira sa evacuation center ng higit isang taon. Ito ang komprehensibong tugon natin sa problema ng pabahay, kung saan nakalaan na rin ang tubig, kuryente, play and learning spaces, prayer areas, at iba pang pangangailan ng ating mga kababayang nabiktima ng giyera. Naging posible ang lahat ng ito sa pakikiisa ng lokal na pamahalaan.

    ON OMASENSO SA KABUHAYAN IN METRO NAGA

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Madaling araw, gising na ang mga magsasaka. Gabi na, nagtatrabaho pa rin sila. Ngunit ang pinakamasakit: silang nagtatanim ng ating pagkain ay sila namang walang makain.

    ROBERT BUABAYAN (FARMER FROM OCAMPO, CAMARINES SUR): Mahirap po talaga pagdating po sa market. Minsan masakit pakinggan sa mga farmer dahil minsan iyong nasa local market iyong buyer lang mismo ang nasusunod sa presyo nila. So hindi nila nakikita o hindi nila nararamdaman kung gaano kabigat o… paano ba ginawa iyan ng farmer natin. At siguro–ito siguro ngayon, itong sa programa natin sa Angat Kabuhayan, na tayo na po makapag-direkta doon sa mga buyer, baka diyan tayo makatikim ng delihensya. [laughs] Kikita na iyong farmer natin diyan. Sana naman balang-araw, mga ilang taon lang, baka mayroong mga bata na diyang magmamalaki na, “Ang tatay ko farmer iyan”; “Mayaman kami, kasi farmer iyan.”

    ON RURAL DEVELOPMENT IN AGUTAYA, PALAWAN

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Halos sampung oras ang biyahe sakay sa maliit na bangka ang titiisin mo para makarating sa Agutaya. Sa kabila nito, dalawang beses nang pumunta si VP Leni doon para makausap ang ating mga naghihirap na kababayan.

    Ang kaniyang dinatnan: hirap sa kuryente ang mga island barangays, kailangan pang igibin ang tubig inumin, at sa Barangay Diit, ilang taon nang sira ang eskwelahan. Wala ring mga sariling bangka ang ilan sa mga seaweed farmers. Nagbabayad sila ng renta para mag-hanapbuhay. Sa Culion nga—isang mas malaking isla na malapit sa Coron—nag-iyakan ang mga tao sa pagbisita ni VP Leni. Bihira raw silang mabisita ng national officials.

    CULION MAYOR VIRGINIA DE VERA: Kay Ma’am Leni: Ma’am, hindi po namin ma-express iyong aming kasiyahan. [applause] Talagang nahabag po iyong aming kalooban na pinuntahan niyo kami rito.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ngayon, iba na ang kanilang istorya.

    ROLANDO MANZO (SEAWEED FARMER FROM AGUTAYA): Nag-umpisa ako sa mababa, at nagkaroon ako ng bangkang maliit; nakapagpagawa ako ng bangkang malaki. Ang kagandahan po na kami po ay naanyayahan, nabigyan ng pagkakataon na mapag-aralan kung paano pa mapapaunlad ang pagtatanim ng tambalang. Iyong aming natutunan dito, kami ang pagmumulan noon ng mga kaalaman para maibahagi namin sa kanila, para umangat din iyong kanilang buhay.

    ON UNIVERSAL HEALTHCARE IN LAMBUNAO ILOILO

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Si Prence Leysa ay isa sa 723 na batang “severely wasted” na nakatira sa Lambunao, Iloilo. Noong apat na buwan pa lang siya, hirap ang mga nurse sa pagbakuna dahil sa nipis ng kaniyang MGA braso.

    GENEVIE LEGO (AUNT OF PRENCE, LAMBUNAO, ILOILO): Payat na payat ito. Tapos walang ano, walang buhok, Parang mamamatay nga kasi buto’t balat na lang ito. Hindi makatayo, hindi makaupo, palagi mo na lang, ano, karga-karga.

    ATTY, BARRY GUTIERREZ: Dahil sa regular feeding program, umakyat ang timbang ni Prence. Nakakapaglakad at nakakapaglaro na siya kasama ng mga ka-edad niya.

    CAPTION: Tulong ay hinahatid sa pinaka-malalayo at pinaka-mahihirap na komunidad hanggang sa ang lahat ay umunlad.

    Sa tulong ng iba’t ibang mga sektor na nagtiwala kay Bise Presidente Leni Robredo, tumugon tayo sa pangangailangan ng mga nasa laylayan ng lipunan.

    ON EDUCATION EFFORTS IN BALANGKAYAN, EASTERN SAMAR

    APRIL COLIMA (GRADE 9 STUDENT, BALANGKAYAN, EASTERN SAMAR): Sobrang nakatulong po siya sa amin kasi po noong wala pong multi-cab lagi akong nale-late. Noong nagkaroon na ng multi-cab, lagi na po akong nakakapaglilinis ng school namin at saka bawas sa pamasahe din po.

    EDUARD ALTAR (GRADE 8 STUDENT, BALANGKAYAN, EASTERN SAMAR): Pumapasok po ako at umuuwi naglalakad po papuntang school ng mahigit isang oras. Kapag may baha po kasi hindi kami nakakapasok. Lagpas-tao po kasi iyong tubig sa kalsada po.

    ON EDUCATION EFFORTS IN PANGLAO, BOHOL

    WILMA GRACE (STUDENT, PANGLAO, BOHOL): Nakaka-proud po kasi iyong paaralan lang po namin iyong may ganoong tourism facility kaya napakalaking pribilehiyo po para sa amin ito para mas matuto at magsisilbi po itong training grounds namin para kami po ay to be equipped with knowledge, skills, and abilities po.

    CAPTION: Mahigit P95 million ang binigay nating tulong para sa 134,874 na estudyante—mula sa bagong mga classroom hanggang sa multicab at dormitoryo.

    ON WOMEN EMPOWERMENT IN MARAWI CITY

    ROSE ACAMPONG (DRESSMAKER, LANAO DEL SUR): Nadapat man kami sa isang iglap lang na, sana sabay-sabay din kami makatayo.

    CAPTION: Halos P32 million ang binuhos natin para palakasin ang ating kababaihan. Nadiskubre natin na financial training at business linkages ang pinakamabilis na daan tungo sa women empowerment.

    Nagpapasalamat ako kay Vice President Leni Robredo dahil kahit parang sa isang iglap nawala lahat, nandyan siya para tulungan kami.

    ON RURAL DEVELOPMENT IN LAMBUNAO, ILOILO

    REGINALD DUMANGENG (FARMER FROM LAMBUNAO, ILOILO): Sa Allied, shine-share nila iyong experiences nila kagaya ng pagtatanim ng kamatis, magpu-prune ka. Hindi namin alam iyon noon. Kaya ngayon na natuto na kami na mag-prune ka para mas malaki ang bunga. Ang problema sa mga farmers, hindi sumusunod sa ano, eh, sa instructions ng DA [Department of Agriculture] ganoon. Parang ayaw pa nila maniwala na iyong itinuturo nila, eh, gaganda iyong bunga.

    CAPTION: Naglaan tayo ng P24 million para ang ating mga magsasaka, mangingisda, at iba pang kababayan sa mga rural na lugar ay magkaroon ng market linkages na siya namang magtataas ng kanilang kinikita araw-araw.

    ON UNIVERSAL HEALTHCARE IN SAN REMIGIO, CEBU

    CAPTION: Gulat na gulat si VP LENI noong una siyang bumisita sa San Remigio, Cebu. Naibalita sa kaniya na maraming pasyenteng mentally ill ang nakakulong at nakatali sa hawla.

    HELOISE DOSDOS (MUNICIPAL NURSE FROM SAN REMIGIO, CEBU): They’re being fed, iyong mga being caged, being tied up.

    VP LENI: Wala na ba ngayon? O ganoon pa rin?

    HELOISE: Mayroon pa rin pero hindi na talaga ganoon kadami. Iyong center lang kasi is very important kasi we have mga vagrant patients, iyong mga palaboy-laboy.

    VP LENI: Tsaka walang mag-aalaga sa kanila.

    HELOISE: Yes, walang mag-aalaga na family.

    CAPTION: Mahigit P17 million ang nilaan natin para sa kalusugan ng ating mga kababayan, dahil ito ang pangunahing pangangailangan ng isang maunlad na bayan.

    ON FOOD SECURITY AND NUTRITION

    CAPTION: Halos P24 million ang ginugol natin para sa programa ng nutrisyon, pagtayo ng mga play garden, at iba pang mga interbensyon, para sa malalayong lugar sa buong bansa.

    ON HOUSING AND RESETTLEMENT

    CAPTION: Hindi lang dingding at bubong ang kailangan sa pabahay kaya’t nagbuhos tayo ng halos P22 million para sa mga makabuluhang programa na tutugon sa kailangan ng ating mga kababayan. Mayroon din tayong iba’t ibang modes of engagement sa ilalim ng Angat Buhay:

    *Disaster relief and rehabilitation – mahigit P85.6 million

    *Bridging leadership – 34 lokal na pamahalaan

    *Angat Buhay Youth – 90 youth organizations

    *Angat Buhay Women – 46 na kababaihan

    *Public assistance – P635 million para sa medical and burial assistance

    *Metro Laylayan – 10 komunidad

    Three hundred million, 176 cities and municipalities, 374,188 beneficiaries—tulong ay hinahatid sa pinaka-malalayo at pinaka-mahihirap na komunidad hanggang sa ang lahat ay umunlad.

    [Video of VP Leni’s message at the launching of Istorya ng Pag-asa Film Festival 2019 held at Ayala Museum in Makati City last 27 November 2018 plays]

    HOST: It is our privilege to introduce the Vice President of the Republic of the Philippines, Maria Leonor “Leni” Robredo.

    VP LENI: Thank you very much. Kindly take your seats.

    Mr. Ruel Maranan, President of the Ayala Foundation, Inc.; Ms. Cathy Bengzon, Head of Corporate Communications of AyalaLand; Mr. Quark Henares and Mr. Doy Del Mundo, who were among our judges during the first Istorya ng Pag-asa Film Festival; the filmmakers who are here with us today; our subjects—nandiyan si Marlon; iyong filmmakers, nandiyan si Meg, nandiyan si Mark, maraming salamat sa inyo; our partners from the Ayala Group of Companies; our Istorya ng Pag-asa Film Festival 2018 finalists; representatives from our partner schools, non-government organizations, and student-led organizations; honored guests; ladies and gentlemen: magandang umaga sa inyong lahat.

    Mayroon sana akong speech pero pinangunahan na ni Ruel na nag-Tagalog at saka from the heart, gagawin ko na rin. [laughter] We are celebrating our second year of Istorya ng Pag-asa. Kung naaalala ng ibang—siguro iyong mga Ayala Foundation people would remember na in November 27 of 2016, na-imbitahan po ako dito sa Ayala Museum for an event. Ang pangalan ng event: “Araw ng Pagbasa, Araw ng Pag-asa.“ It’s actually an event na na-conceptualize siya at tinaon sa birthday ni Ninoy Aquino kasi parang pino-promote niya iyong reading as a habit and because Ninoy Aquino ay isa sa mga advocates ng reading. So na-imbita ako dito dahil isa ako doon sa mga subjects na na-feature. Pero iyong pinaka-konsepto niya, roving photo exhibit. I was very impressed with the program pero wala naman akong ginawa after. Umuwi ako sa opisina and life went on. Pero if you will recall, iyong 2016 was also pivotal. Parang turning point siya sa maraming bagay para sa bansa natin. Marami iyong nag-a-away-away; iyong social media, all of a sudden, biglang naging very, parang, toxic na environment to be in. Noong na-imbita ako sa isang event—another event, different event—ang pangalan—it was a student-led event—ang pangalan niya, “Let us change the conversation.” When I went to the event, ang pinag-uusapan ng mga bata, parang nagbe-brainstorm sila kung papaano babaguhin iyong toxicity noong conversations. And then, na-remember ko iyong event dito. So binalikan ko iyong sponsors, pinaalam ko. Sinabi ko, “Puwede bang ma-adopt namin at least iyong pag-asa side?” So iyon iyong—that gave birth to the Istorya ng Pag-asa. So we started also as a roving photo gallery exhibit ng mga inspiring stories ng iba’t ibang mga… iba’t ibang mga Pilipino; stories ng mga ordinaryong mamamayan who underwent tremendous struggles. Tapos we’ve come out with—Marami tayong dinaanan na mga kuwento.

    Naalala ko noong nandito ako, iyong nagsalita noon si Hidilyn Diaz—si Hidilyn Diaz. That was before—that was after the Rio Olympics pero before the Asian Games. Nagsalita siya; nandiyan siya, nakita ko ang liit-liit na bata. Kinu-kuwento niya galing siya sa hirap, nag-e-ensayo siya mag-isa na ginagamit niyang, ano ito, weights, iyong, ano ito, iyong parang scale bar na may lata ng gatas from—sa both ends na nilagyan ng pinatigas na semento. Tapos nandito din noon si Nanay Lorna, iyong napakaliit din na single mother na turon vendor na napaaral iyong mga… napaaral iyong mga anak. Professionals na iyong halos lahat, except iyong youngest. Iyong youngest kasama niya dito, Intarmed student ngayon sa UP. Parang ang daming… ang daming kuwento. So noong nag-umpisa kami, lalo pang dumami. Lalo pang dumami iyong mga kuwento. Galing na kami sa Baguio, we partnered with the University of the Cordilleras there. Iyong stories, ang dami din. Dito sa Metro Manila, iyong Quezon City; galing na rin kami sa Cavite, iyong Bicol, mayroon sa CamNorte, Camarines Sur, Naga, Albay, Sorsogon, tapos Puerto Princesa also, lumipat kami sa Iloilo—ang partner dito University of St. La Salle, ay, La Salle. Tapos—ay, hindi pala, Assumption College pala ang partner namin sa Iloilo. Sa Bacolod pala iyong University of St. La Salle. Tapos Cebu, Dumaguete, Cagayan de Oro. So ang dami na ring pinuntahang lugar iyong Istorya ng Pag-asa and bawat lugar na pinupuntahan, sobrang daming mga inspiring stories. Talagang iyong lesson nga doon, sabi nga namin, iyong istorya ng bawat Pilipino ay Istorya ng Pag-asa kasi sobrang dami. Halimbawa, kinuwento ko na yata dito during the first anniversary, halimbawa, sa Albay, we came across—orphaned at a very young age; grade school pa lang nagka-kasambahay na sa bahay ng teacher para lang makapag-aral; natapos ng high school dahil naging kasambahay. Noong pag-college, naging janitress—kasi babae siya—naging janitress sa school na pinapasukan, tapos nag-graduate ng Summa Cum Laude kahit janitress siya. Tapos nag-trabaho… nag-trabaho bilang isang stenographer sa isang court, na-inspire to take up law; nag-law, naging abogado. Ngayon, excellent judge in Daraga, Albay. Iyong mga kuwentong ganoon. Iyong dati, mayroong palaboy-laboy, pariwara, nag-drug addict, pero nag-graduate sa Xavier University in Cagayan de Oro at professional na ngayon.

    So talagang everywhere we went, the stories that we gathered are really very, very inspiring. In fact, every time na may imbitasyon ako sa labas ng bansa na alam ko maraming Pilipino doon, naghahanap kami ng Istorya ng Pag-asa. Sa New York, nagkaroon kami, sa Vancouver—saan ba ito—sa London, sa Berlin. Kahit labas ng bansa, pareho din iyong kuwento—napaka-inspiring ng mga stories. So last year when we celebrated our first anniversary, naisip namin to bring it a step further. Doon ni-launch iyong Istorya ng Pag-asa Film Festival. So after launching the Istorya ng Pag-asa Film Festival, November 27 of 2017, nag-advertise kami—nag-announce ng humihikayat na mag-send ng entries. Pero kami, we weren’t so—parang, we weren’t expecting too much. Sabi nga, kapag may bebenteng entries, masaya na kami kasi first year naman and it was supposed to be a one-time thing. Talagang pang-celebrate lang siya ng first anniversary. Pero nagulat kami kasi dumagsa iyong mga entries. We had—we had about 80. We had about 80 entries kahit hindi naman masyadong na-promote tapos sobrang gaganda ng mga kuwento.

    Quark is here, Sir Doy is here, they were among our esteemed board of judges, kasama si Shamaine Centenera-Buencamino, who is a renowned actress; kasama si Dan Villegas, who is a multi-awarded movie director; the chairman of the Film Development Council of the Philippines, si Liza Diño—may representative siya dito, Ms. Vilma Escueta, yon, si Ma’am Liza was among our board of judges. Noong pinapanood na iyong mga movies, parang ang balak maghanap ng 10 na semi-finalists—ay, finalists pala—hindi makapili ng sampu. So ginawang 15. Ginawang 15 iyong finalists pero it was a very difficult exercise because we’re so surprised at the quality of the movies that were submitted. At talagang ano, ito, mga non-professionals. Karamihan mga non-professionals iyong mga filmmakers pero sobra talaga siyang gaganda. And noong nag-Gala Night June 12 of 2018—nandoon sila Ruel, nandoon sila Cathy—gulat na gulat kami. Kasi unang una, dumagsa talaga iyong tao sa Glorietta. Akala nga namin hindi namin mapupuno. Parang sinabi sa amin noong umpisa, 600 lang yata iyong capacity noong theater. Parang nine-nerbiyos kami na, “Papaano naming mapupuno iyong 600?” Tapos on the night itself, standing room only. Tapos pinapalabas na iyong mga movies, talagang sobrang gaganda. And the judges were forced to choose the top three films and the top three films were screened in 51 cinemas and in 17 Ayala Malls nationwide.

    Naaalala ko when I met with Fernando, siya mismo iyong nag-kuwento sa akin na marami siyang friends na nagku-kuwento na napanood iyong ating film. So talagang nakaka-taba rin ng puso. Iyong nag-first doon—hindi ko alam kung dumating na si Florence, male-late siya today—iyong nag-first, iyong kuwento ni Marlon. Ang title ng kaniyang movie ay “Ang Biyahe ni Marlon.” Siya iyong winner of the best film category, na pinapakita ng film na ito how disabilities can be turned into profound strengths, ano. Makikita natin a little later iyong movie pero si Marlon, ngayong Grab driver na siya—before Uber driver siya [laughter], dating Uber driver—mayroon siyang kapansanan. Iyong kapansanan ni Marlon ang tawag, Tourette Syndrome—iyong may involuntary tics siya. Pero iyong paggalaw-galaw niya, nagiging cause ng pagka-takot ng mga pasahero niya. Kasi naalala ko iyong kuwento mo na may Yaya pang nagsabi na, “Kuya, i-monitor mo kami kasi may something dito.” Pero si Marlon, talagang determinadong mag-hanapbuhay, naglagay siya ng karatula sa kaniyang Uber na sinasabi niya iyong kaniyang kapansanan. Pagkatapos naming i-feature iyong film ni Marlon, na-discover na si Marlon. Pagkatapos namin siyang ma-feature, na-pick na iyong kaniyang story ng mga TV networks. In fact, na-feature na si Marlon sa MMK at saka sa Rated K. Kaya ano na, cannot be reached na itong si Marlon. [laughter] Pero ang isang na-discover namin kay Marlon, napakinggan naman natin siya earlier, mayroon kaming kasamahan sa opisina na inimbita siya sa isang financial literacy seminar sa Puerto Princesa in Palawan. Na-discover namin na he is a very good public speaker. Kaya palakpakan natin si Marlon. [applause]

    Kanina, Marlon, pagpasok mo, nakita mo si Misis mo. Nandiyan somewhere—ah, ayan, nandoon si Misis. Panoorin po natin sandali iyong Ang Biyahe ni Marlon. [“Ang Biyahe ni Marlon” plays] [applause]

    Ayan, palakpakan po natin si Marlon. [applause] At saktong while we were showing the film, iyong filmmaker—si Ms. Florence Rosini—arrived. Nasaan si Florence? Ayan si Florence. [applause] We were told na Mr. Marlon Barnuevo, President of the Philippine Tourette Syndrome Association is also here with us. Ayan, si Mr. Marlon. [applause] Kahit saan kami pumupunta to launch Istorya ng Pag-asa, kapag pinapakita natin iyong movie na ang Biyahe ni Marlon, umiiyak iyong mga tao. Kaya sikat na sikat ka na, Marlon. [chuckles]

    Iyong nag-first runner-up is the film, “Tago.” Napanood natin siya kanina, iyong filmmaker si Meg—Meg Seranilla. Napakinggan natin in collaboration with Mark, ano; isang grupo sila. Iyong Tago is a story of Nelson. Si Nelson iyong drummer kanina. It’s a story of Nelson. Jazz drummer si Nelson na siya iyong bumuo ng Tago Jazz Bar. Tingin ko kaya siya Tago kasi nakatago iyong Jazz bar somewhere in Cubao. Pero the good—iyong parang the amazing thing about it is iyong Tago Jazz Bar became a refuge for musicians and enthusiasts alike. Noong August 25, pumunta ako doon personally sa Tago. Medyo run-down lang siya. Kinu-kuwento ko nga kay Ruel. Pero talagang iginapang siya ni Nelson. Iginapang siya ni Nelson. Parang mayroon lang sanctuary iyong mga jazz enthusiasts at mga jazz fans. Kasi ang kuwento ni Nelson, talagang dahil wala masyadong opportunity dito sa atin, karamihan sa mga jazz artists, nanginginbang bansa. Pero iyong nga, kahit tagong-tago, kahit ang liit, kahit masikip, iyong Tago Jazz Bar, nakita namin—I was pleasantly surprised—punong-puno tapos ang daming expats na nandoon; talagang naghahanap. Iyong isang ka-kuwentuhan namin was an expat from ADB. Parang kinu-kuwento niya sa akin na dinadayo niya iyon kasi naghahanap talaga siya ng puro jazz music. Ito, napandoon natin sila ngayon. ‘Di ba napakahusay? Ngayon, papanoorin naman natin iyong first runner-up. Ito iyong Tago. [“Tago” plays] [applause]

    Ayan, marami tayong nagpapasalamat kay Nelson kasi binubuhay niya iyong jazz. And we want to acknowledge Nelson’s group also kasi ang huhusay nila. Where’s Nelson? Nasaan ba si Nelson? Nelson tayo ka. [applause] Si Pete Canzon sa Sax, Pete. Ayan. [applause]; Niki Cabardo, siya iyong keyboard [applause]; RJ Torres, siya iyong guitar [applause]; at saka si Bergan Nuñez iyong last. [applause] Maraming salamat sa inyo!

    Iyong film that took home the third prize was Kelsey Lua’s Gawilan. Iyong Gawilan, dahil fineature niya si Ernie Gawilan, ano. Fineature niya si Ernie Gawilan. Ngayon, famous paralympics winner na siya. Binisita ko si Ernie, September 18, habang nag-e-ensayo diyan sa Philippine Sports Complex. Nanood ako ng kanilang ensayo. Noon—noong pagpunta ko busy sila na napa-practice para sa Asian Paralympic Games. Nangyari na iyong Asian Paralympic Games last month sa Jakarta, Indonesia. Pagkatapos noong games, si Ernie, iyong subject natin ngayon, won for us three gold medals. [“Wow!”] [applause] Oo, tapos iyong sa 400-meter freestyle, nag-set siya ng bagong record. Nag-gold din siya sa 100-meter backstroke, 200 meter individual medley, plus two silver medals for 50 and 100 meter freestyle. Tapos si Ernie he was among the first beneficiaries noong bagong batas na nagpo-provide para sa para-athletes ng cash incentives equal to the elite athletes of the other national sports teams. Kaya pag-uwi nila Ernie dito—sayang, hindi makakapunta si Ernie kasi out of town siya. Sila ni Coach Tony, ni-recognize ni Ernie sa Malacañang Palace last November and was awarded a staggering Four Million Pesos. [applause] Panoorin natin ang istorya niya. [“Gawilan” plays] [applause]

    Ayon, the director Kelsey Lua cannot be with us today kasi nag-aaral siya sa America; she’s in the US. But I was told that her parents are here with us. So can we please—nasaan po kayo? Ayon, can you please stand. [applause] Sila iyong parents ni Kelsey. Ang gaganda ng mga movies ‘di ba? Ang gaganda. Pero if—noong pinapanood natin lahat noong movies, parang they highlight what Filipinos are really known for—iyong grit, iyong determination, passion for excellence, at saka talent. And it is our hope that through Istorya ng Pag-asa, lalo na iyong Istorya ng Pag-asa Film Festival, Filipinos will be united around the common values of hope, of perseverance, deep faith, and the goodness of humanity kasi iyon iyong talagang underlying theme ng bawat kuwento. And when we go around, pinapanood iyong mga films, binabasa iyong mga stories, parang dalawang klase ng grupo ng mga tao iyong gusto nating ma-address: iyong pinaka-una, iyong mga pareho nila—pareho noong mga subjects natin na dumadaan din sa matitinding pagsubok. Sila iyong magbibigay ng pag-asa, ‘di ba. Sila iyong magbibigay ng inspirasyon na kung sila nga nalampasan nila iyong kanilang pagsubok, kaya din natin. Pero iyong second group noong mga Pilipinong gusto nating maabot, iyong mga mas privileged. Iyong mga mas privileged na hindi kailangang dumaan sa ganoong pagsubok. Parang kapag pinanood ito, kapag binasa iyong mga kuwento, iyong pinaka-mensahe: “Kung sila nga na grabe iyong pinagdadaanan iyong pagsubok, naging desidido na malampasan iyon, ano pa kaya ako na mas privileged ang buhay?” And watching these films only give us the inspiration to push through.

    As I was telling you earlier, it was supposed to be a one-time thing. But because of the success of the first year, bumalik kami sa Ayala Foundation. Bumalik kami sa Ayala Foundation na inaya namin sila to again partner with us for the second run. And we hope it will be a regular run already. So today, we invited our partners, we also invited the filmmakers, and we are inviting all of you once again to submit your stories for the second run of the Istorya ng Pag-asa. Ngayon, dahil nalampasan natin iyong first run at napakaganda ng reception, we’re expecting more dito sa second run. So ito, this launch—this launch is actually an invitation for all of you to join. Ang deadline po ng submission of entries is March 25—matagal-tagal pa naman—of 2019. Ito nga, ini-interview ko pa isa-isa iyong filmmakers sa aking radio program. Noong in-interview ko sila, parang halos lahat na nanalo na finalists, parang ginawa lang nila iyong mga movies for one or few days at towards the deadline na. Pero ito, sana mas maaga—March 25, [2019]. I remember iyong deadline namin early this year, minove pa namin iyong deadline kasi kulang pa iyong nagsa-submit. Pero noong towards the deadline, dumagsa iyong mga films. So to those who are interested to submit their films, you can get more information and details from our website www.istoryangpagasa.ovp.gov.ph. Ayon.

    So at this point, again, I would like to thank Ayala Foundation for your unwavering support and partnership at saka iyong other Ayala—members of the Ayala Family who have been with us in the entire journey. Pasensya na po kayo, medyo makulit ako. Tinatawanan nila ako kasi ako mismo iyong nangungulit. Ganoon po talaga. [laughs] We feel that could not have chosen a better partner. Actually po, kayo iyong una naming nilapitan kasi dito ko rin na-discover iyong Istorya ng Pag-asa. We would also like to thank the Film Development Council of the Philippines. Thank you also for partnering with us. Napakalaki po ng suporta nila during the first run and maraming salamat sa pledge, again, to help the project for the second time.

    Sa inyo pong lahat na dumalo, maraming, maraming salamat, lalong lalo na sa ating mga filmmakers at saka sa ating mga subjects at sa mga kasama natin ngayong araw. Magandang umaga at maraming salamat. [applause]

    [Video of VP Leni’s New Year message plays]

    VP LENI: Nasilayan natin nitong nagdaang taon ang kuwento ng mga magigiting nating mga kababayan, na gumawa ng kahanga-hangang kabayanihan sa iba’t ibang mga paraan. Marami sa kanila ay walang takot na nagpahayag ng katotohanan, nagpakita ng pagmamalasakit kahit sa kagalit, at naglingkod para sa kapakanan ng mga nasa laylayan ng lipunan.

    Ngayong 2019, patuloy tayo magkapit-bisig sa ating laban sa kahirapan, karahasan, at kawalan ng hustisya. May mas malalaki pa tayong hamon na dapat harapin para maiangat ang antas ng kabuhayan ng bawat pamilyang Pilipino. Sama-sama tayong magdala ng pag-asa sa bawat komunidad na ating kinabibilangan.

    Sa kabila ng lahat ng ito, gawin nating inspirasyon ang giting at tapang ng ating mga kababayan, para sa pagbabago na ating hinahangad para sa ating sarili, para sa ating pamilya, at para sa ating bansa. Panahon ang bagong taon para sa bagong simula, at anuman ang nangyari sa nakaraan, anuman ang landas na ating hinahangad, may pagkakataon pa rin tayong makamit ang kinabukasang ating pinapangarap.

    Umaasa ako na magdudulot ng mas magandang kinabukasan ang 2019 para sa ating lahat. Kaya’t bukas-palad nating tinatanggap ang hamon ng darating na taon. Isang manigong bagong taon sa inyong lahat, mula sa aming pamilya!

    -30-

    Posted in Transcripts on Dec 29, 2018