Closing Statements of Vice President Leni Robredo
and Gov. Daniel Fernando at the Bulacan Press Conference
Barasoain Church, City of Malolos, Bulacan
MODERATOR: Muli po maraming salamat po sa atin pong panauhing media at sa kanilang mga katanungan. Gayun din po kay Miss Pauline Bantigue sa pagpapadaloy ng ating press briefing ngayong umaga. Sa punto pong ito upang magbigay ng kanyang pangwakas na pananalita, palakpakan po nating muli, the people's governor, iginagalang Governor Daniel R. Fernando.
DANIEL R. FERNANDO: Ay sorry po. Well una po sa lahat, nagpapasalamat tayo sa mga dumalo rito ngayon. Of course sa ating magiging Presidente, ano po, andiyan dito. At kay Ma'am, Maria Leonor Robredo, of course sa ating mga kasamang nandito ngayon na maglilingkod– si Congresswoman nandiyan, dumating na. Palakpakan nga po natin Congresswoman, Lorna Silverio. Hindi po natin nabati kanina. Ayan so, 'yun lamang po, Bulakenyos, unang una, may kalayaan po kayo para pumili. Hindi po namin kayo dinidiktahan at ang desisyong ito ay aking personal na desisyon. At ito ay guided ng ating Panginoon, ano po. at ito po ay aking sinuri, pinag aralan at itinaas sa Diyos, with gabay po niya.
Okay so, Bulakenyos, maraming salamat po sa inyong lahat. Thank you again sa mga dumalo. At tuloy tuloy lang po tayo sa ating panalangin sa Panginoon sapagkat hindi lang pandemya ang ating kinakaharap ngayon kundi ang krisis doon sa labas na nangyayari. So, hopefully, matapos po ito at ng maka alagwa na tayo lahat at mapunta na tayo sa pinaka talagang normal na buhay. Mag ingat pa rin po tayo. Maraming salamat po and God bless. Ma'am, salamat po. Maraming salamat. Thank you po.
MODERATOR: Maraming salamat po Governor Daniel Fernando. Sa pagkakataon pong ito, para sa kanyang pangwakas na pananalita, palakpakan po nating muli, ang Pangalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas, iginagalang Vice President Maria Leonor "Leni" G. Robredo. Muli po, bigyan po natin ng pagkakataon at palakpakan po nating muli para sa kanyang pangwakas na pananalita ating Vice President.
VP LENI: Gusto po naming pasalamatan 'yung lahat na dumalo. Pero siyempre pinaka malaking pasasalamat kay Governor Daniel, saka 'yung lahat pong kasama natin ngayong umaga: Congresswoman Lorna, Mayor Bebong, Board Member Alex, all the other provincial and local official who are with us, maraming maraming salamat po sa umagang ito.
[END 1:10:39]