This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    “Dapat hindi kami natatakot”: Ayon kay VP Leni, dapat handa ang mga kandidatong sagutin ang mahihirap na tanong at harapin ang pagsisiyasat ng publiko

    “Dapat hindi kami natatakot”:
    Ayon kay VP Leni, dapat handa ang mga kandidatong sagutin ang mahihirap na tanong at harapin ang pagsisiyasat ng publiko

    Sinabi ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo, Lunes, ika-24 ng Enero, na ang mga kandidatong tumatakbo sa eleksyon ay dapat handang sagutin ang mahihirap na katanungan at harapin ang pagsisiyasat ng publiko.

    “Mahalaga na kung kami ay naghahangad ng suporta ng taumbayan, kailangan handa kaming harapin kahit 'yung mahihirap na katanungan kasi dine-deserve ng taumbayan malaman kung ano 'yung katotohanan sa mga bagay na ibinabato sa amin o ano 'yung mga bagay na naririnig tungkol sa amin,” ani Robredo sa isang panayam sa media kasunod ng pagbubukas ng Leni-Kiko 2022 Volunteer Center sa Dipolog City sa Zamboanga Del Norte.

    Ayon kay Robredo, hindi dapat matakot ang mga lingkod-bayan na masiyasat at mapuna. Responsibilidad aniya ng mga public servant na ipaliwanag nang malinaw sa mga tao ang kanilang mga plano at programa para sa bansa.

    “So, dapat hindi kami natatakot sa hindi lang pagtatanong pero pagtutuligsa, kasi kaming mga public servants ang responsibility namin sa bansa ay ayusin 'yung aming inilalahad to the best of our ability. Pag kandidato ka kasi, binibigay mo 'yung sarili mo na maging subject ka for scrutiny,” paliwanag niya.

    Tinanong si Robredo kung mayroon siyang mensahe para sa anak ng diktador na si Ferdinand Marcos, Jr., na no-show sa The Jessica Soho Presidential Interviews.

    Sagot niya: “Wala naman akong mensahe kasi choice niya naman 'yun… so wala tayong papel para pakialaman 'yung choices, hindi lang niya, pero ng iba pang mga kandidato.”

    Bukod kay Robredo, lumahok sina Senador Ping Lacson at Manny Pacquiao, at Manila Mayor Isko Moreno sa panayam sa mga kandidato sa pagkapangulo - ang una para sa pambansang halalan sa ika-9 ng Mayo - na ipinalabas noong Sabado, ika-22 ng Enero.

    Samantala, lalahok naman si Robredo sa “Bakit Ikaw? Presidential Job Interviews” na itinataguyod ng DZRH ng Manila Broadcasting Company at The Manila Times sa ika-2 ng Pebrero.

    Sa isang tweet noong ika-23 ng Enero, sinabi ni Robredo, ang nag-iisang babaeng kandidato sa pagka-Pangulo, na laging siyang handang harapin ang anumang panayam, na nag-udyok sa kanyang mga taga-suporta na i-trend ang hashtag na #LeniMatapang sa Twitter.

    Sinabi ng Bise Presidente na sumang-ayon na siya sa inisyal na petsa na ibinigay sa kanya ng mga organizer ngunit inilipat ito sa ibang petsa, na siya namang sumalungat sa kanyang iskedyul.

    “Ang totoo: I was invited to an interview with DZRH, initially set earlier this month. Ipapasok na sana sa schedule ko, but we were later told it was moved. ‘Yung bagong sched nila was already in conflict with ours, as I had other commitments lined up,” sabi ni Robredo.

    Dagdag niya, “Actually, puwede ako next week. Kung willing sila to adjust, i-set na natin. Handa naman ako lagi humarap.” [End]

    Posted in Press Releases on Jan 24, 2022