This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Dialogue with Vice President Leni Robredo at the Multi-Sectoral Assembly in Baler, Aurora

    Dialogue with Vice President Leni Robredo
    at the Multi-Sectoral Assembly in Baler, Aurora
    2/F, Conference Room, Baler Municipal Hall, Baler, Aurora


    ROSITO TUDOC: Magandang umaga po, kagalang-galang na magiging bise presidente, lalong lalo na sa ating kagalang-galang na magiging pangulo ng ating bansa. Kami po ay galing Casiguran, pinagsikapan namin magpuyat kagabi para paghandaan ng madaling araw na paglalakbay para po makaharap kayo dahil napakarami pong mga issue na nakakagulo sa mahihirap katulad naming mahihirap na mamamayan sa Casiguran.

    Unang-una ako po ay pangulo ng PANDAMA. Ang PANDAMA po ay pinagbuklod ang nagkakaisang diwa alang-alang sa mangingisda. Kami po 'yung grupo na naka-umbrella sa amin ang [inaudible]. Ang [inaudible] naman po ay pinag-isang lakas ng mga samahan sa Casiguran. Kami po ay pumupunta ng Senado noon upang ipaglaban ang isang– hindi naming– tinututulan naming proyekto na itinayo sa Casiguran kung saan ang mga palayan ay tinatabunan at ginawang housing. At mga magsasaka doon, 1960s pa nag-saka na pero pinapaalis at gagawin daw diumano proyekto.

    Now, lumaban po kami sa APECO 'yung batas APECO, dahil 'yung APECO po ay unconstitutional naging batas. Hindi ito dumaan sa konsultasyon. Ngayon kawawa ang mga magsasaka doon lalo na ang mangingisda dahil inangkin nila ang labing dalawang libo– 12,923 hectares kung saan ang kabuuang Casiguran na 'yun, kanila daw 'yun. Tapos siyempre ang mga taong naninirahan doon, balisa dahil ang mga– lalo na ang mga IPs– wala silang kasiguruhan sa lupa. 'Yung mga– ngayon po, kakaunti lang ang tituladong lupa doon, mga positioner katulad ko, ay nangangamba na kukuhanin ng APECO 'yung lupa, saan kami pupunta? Samantalang simula't simula, kami na ang nandoon.

    Now, 'yan po ang problema. Kasama ko dito ang ibang mga magsasaka na hanggang ngayon, ay hindi nabibigyan ng titulo kahit na dumaan na 'yan sa batas. Naideklara na ang ahensya ng gobyerno na ibigay daw talaga dapat sa kanila, pero hanggang ngayon hindi pa nabibigay. Ang mangingisda naman po, kung saan ang pinapamunuan ko, sa aming pagsisikap pumunta sa senado, nakaawaan kami ni Senator Bam Aquino na aprubahan ang 40 million na livelihood assistance para sa Casiguran. Pero ang nangyari, hindi naman po sa amin 'yung hawak ang pera, napunta kung saang ahensya 'yan, aba lalong naging kawawa ang mangingisda. Binilhan po kami ng mga sasakyan, fishing vessel na mga sira-sira, bulok na po at na ngayon dalawang taon lang ito nag-operate, hindi na magamit.

    Ako, bilang pangulo ngayon, ang nahihirapan kasi walang pondo, wala kaming kahit kaunting salapi para gamitin, ipaayos 'yung mga vessel na 'yun para sana kami ang makapagpatuloy na magsikap mabuhay para sa pangingisda. 'Yun po ang number one problema namin ngayon. Ako po ay nahihirapan bilang pangulo. 'Yun lamang po muna, marami pa yatang magsasalita.

    MODERATOR: Salamat po.

    VP LENI: Ayan. Siguro kaunting ano lang Dong. Kailan po nilabas 'yung 40 million? Ano lang ba? Matagal na? Kasi si Senator Bam–

    ROSITO TUDOC: Last term po ni Senator Bam, awa ng Diyos, na-approve po 'yung 40 million.

    VP LENI: So, sa BFAR ba? BFAR binaba? Kasi kung mga–

    ROSITO TUDOC: Department of Agriculture po dinaan. Kasi 'yun din ang naimungkahi namin noong magtanong po si Senator Bam, kaninong ahensya puwedeng ipagtiwala 'yung 40 million, sa DA po 'yung naibigay. Kaya lang po, noong napunta sa region, mula sa region ibinaba sa local, hindi namin naintindihan na po ma'am kung ano na ang nangyari doon sa 40 million.

    VP LENI: Sige, titignan po natin. Pero 'yung una niyo pong tanong, tungkol doon sa mga lupa na kino-convert, saka 'yung mga IPs na nadi-displace, isa po ito sa centerpiece ng ating programa, na sisiguraduhin natin na walang kahit anong proyektong ibababa na, number one, walang pag-payag 'yung community na maaapektuhan. Ngayon, meron tayo ngayong mga batas na existing na actually pinoproteksyunan dapat 'yun. Dapat sana hindi mag-aapprove ng kahit ano, na walang free prior and informed consent. Pero, naaabuso kasi siya. Ngayon kahit walang pag-payag, halimbawa mineeting ng isang beses, kahit tutol, pinagpapatuloy pa din at 'yung ginagawang ebidensya 'yung attendance ng meeting.

    Minsan wala pa ngang meeting na nangyayari, 'yung attendance sa ibang okasyon, gagamitin. So, alam po natin 'yun. Pero 'yung sa akin, ang magiging polisiya ko po noon, kahit pa may inaasahan tayong revenue galing sa proyekto, kung ayaw ng community at kung hindi klaro kung papaano maproproteksyunan ang community, hindi natin 'yun papayagan. Meaning to say, hindi mangingibabaw 'yung kita natin bilang bansa. Hindi siya mangingibabaw sa istorbo na magagawa. Halimbawa, halimbawa, 'yung mga mining, sinasabi dapat ipayag kasi sayang ng revenue. Sa atin, naiintindihan natin na sayang 'yung revenue pero ang paniniwala natin, hindi nabibigyan kasi ng presyo 'yung istorbo na nagagawa sa mga buhay na naaapektuhan. Hindi ko alam kung papano kayo natutulungan ng NCIP dito kasi dapat may proteksyon galing sa NCIP. Kung pagbabasehan ko 'yung mga dialogue na ginagawa namin, marami din reklamo sa leadership kasi ang pakiramdam ng iba, nandiyan nga 'yung opisina para proteksyunan 'yung mga IP, parang baliktad 'yung nangyayari.

    Pangatlo, medyo aware po ako ng mga problema niyong ganyan. Hindi ko alam kung kilala niyo 'yung SALIGAN. 'Yung SALIGAN, NGO po siya ng mga abogado, doon po ako nag-trabaho ng mahigit sampung taon. Area po namin 'yung Aurora, si Attorney Ayson 'yung– kilala niyo si Attorney Ayson? Si Attorney Ayson po nasa Office of the Vice President na siya ngayon. Pero kasama ko siya dati sa SALIGAN, sila 'yung assigned dito sa Aurora. Ako po kasi 'yung assignment ko, Bicol. Pero alam na alam ko 'yung mga problema dito, mula pa noon. Ano 'yun, 1990s pa hanggang mga early 2000, alam na alam ko 'yung problema dahil nga area namin ito.

    Kaya ang akin pong pangako sa inyo, na pag ako 'yung binigyan ng pagkakataon, ang pinaka mahalaga sa akin, proteksyon. Proteksyon, hindi 'yung kita. 'Yung kita, makakahanap na lang 'yun sa ibang paraan, pero 'yung pag-istobro sa pag buhay ng mga nandoon, hindi 'yun puwedeng tawanan.

    [SENATOR KIKO SPEAKS]

    MODERATOR: Salamat po. Tayo po ay medyo kakapusin po ng oras dahil alam po natin na mag-aano po. Magbibigay po tayo ng, siguro mga dalawa pa, ano po, para po meron tayong sapat pang oras. So, binibigyan ko po ng– saan pong sektor? Sa rice po, sige po.

    ROBERT MORADA: Ako po pala si Robert Morada ng Baler Rice Partners Association. Ang akin po sa– hindi na po ako magpapaligoy-ligoy ano po at oras po ang hinahabol natin. Ididiretso ko na po, ma'am Leni. Ako po ay isa sa pumunta sa Sumilao para humingi po ng tulong sa inyo tungkol po sa Rice Tariffication. Kasi po 'yang Rice Tariffication na 'yan, 'yan po talaga ay hindi na po namin alam ang aming gagawin tungkol sa pagsasaka ng palay. Napaka mahal po ng bigas naman pero ang palay, napaka mura. Sana po 'yang Rice Tariffication Law, kung sakali po at pipilitin po sana namin na maluklok kayo, ay magawan po ng paraan. Maibalik po sana 'yung pangil ng NFA, 'yung mga– may mga batas po, may mga provision po kasi 'yang batas na talagang hindi po talaga pabor sa aming magsasaka lalo na po 'yung sa importation, masyado pong– Noong po kasi noong araw, noong araw may quota 'yung importation, ngayon wala po kaya talagang kaming mga local farmers, nahihirapan po. 'Yun pong isa pa, 'yung tinanggalan ng pangil ang NFA, wala na pong kalaban ngayon 'yung mga traders para sa presyo ng palay kasi noong araw po, mas mahal ang bili ng gobyerno kaysa rito sa mga traders kaya kumbaga po nakikipag kompetisyon. Ngayon po wala ng kalaban, sila na lang po ang nasusunod sa presyo ngayon, wala na po kaming kalaban laban, 'yun lang po.

    VP LENI: Sige, ibibigay ko kay Senator Kiko, pero bago ko ibigay– mas alam ni Senator Kiko 'yung lahat na proposals natin– pero ako, matagal ko nang sinusulong 'yung i-review 'yung Rice Tariffication. Pag tiningnan po natin ngayon 'yung datos, 'yung ini-import natin ngayon sobra sa pangangailangan natin na dapat sana ang ini-import 'yung pangangailangan lang, 'yung kakulangan, 'yun 'yung number one.

    Number two, 'yung nawala sa farmers parang lagpas 56 billion na. 'Yung nawala sa farmers 56 billion na pero hindi naman bumaba 'yung presyo ng bigas sa level na target, kasi ang target niya dati, at least mga ₱10 'yung ibababa pero ngayon pag tiningnan natin, parang ₱3 lang 'yung binaba. Pero pag sinuri natin 'yung datos, sino 'yung yumaman? 'Yung mga importers. 'Yung mga importers 'yung yumayaman tapos ang mga report, 'yung mga ini-import tinatago din para makontrol 'yung presyo.

    Pero ito, ito 'yung dahilan na– inuulit ko kung bakit si Senator Kiko 'yung ating partner– ito talaga 'yung expertise ni Senator kaya siguro ibalik ko kay Senator Kiko 'yung tanong niyo.

    [SENATOR KIKO SPEAKS]

    MODERATOR: Marami pong salamat, tayo po ay pumunta po sa huling katanungan na lang po. Alam po natin na ang atin pong oras ay medyo naghahabol po ang ating mga kasama, ang ating magiging pangulo dito ay ang ating bise pangulo. Isa na lang po, ito po ay sa [inaudible]. Limit niyo po sa kakaunti na–

    JAIRO FRANCISCO: Salamat po. Magandang umaga po Ma'am Leni, Sir Kiko, ito po ang aking itatanong po. Ito po ay matagal na pong issue mula po sa hanay naman po ng magniniyog, ito po ay, humigit kumulang na po itong batas na ito na nasa 15 taon na, na ang problema po hindi po na-implement. Dahil po dito sa amin sa Aurora, ang napakaraming source po dito, palay na sinisigaw po ni Mr. Robert Morales. Ito po naman ang aking nasisigaw ay sa niyog po naman na isa ring pangunahing produkto dito sa Aurora.

    Kami po, bilang isang magsasaka ng niyog, matagal na po itong problemang ito na hindi na-implement. Ang niyog po ngayon sa amin, kapag po kami nagbenta na may puno po ng [inaudible] ang bukong 100, ang kinukuha po nila sa amin, 35 kabuo. Ang natitira na po lang sa amin ay 65 kabuo ng niyog na ito naman ay matagal na naming isinisigaw na mga magniniyog dito sa aming probinsya na sana naman, pakibawasan. Ang dapat gawin sa 100 buko, 10 po lamang ay pinagkasunduan na, kaya lang hindi po pinatutupad. Kaya hanggang ngayon, ito pong problema naming ito magniniyog, hanggang ngayon problema pa rin, humigit kumulang na po na 15 taon, kawawa po naman kami mga magniniyog.

    [SENATOR KIKO SPEAKS]

    MODERATOR: Salamat po. Tayo po ay magtatapos at bibigyan po namin siguro ng photo opportunity ang gusto pong makasama sa picture ang ating magiging– mga pangulo sa Pilipinas.

    [END]

     

    Posted in Transcripts on Apr 09, 2022