This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    DZRH nag-sorry kay Leni at mga taga-suporta dahil sa maling ulat ukol sa Northern Samar volunteer caravan

    DZRH nag-sorry kay Leni at mga taga-suporta dahil sa maling ulat ukol sa Northern Samar volunteer caravan

    Humingi ng paumanhin ang DZRH kay Vice President Leni Robredo at kanyang mga taga-suporta sa Northern Samar dahil sa report nito na diumano’y tinakbo ng mga organizer ng caravan para kay Robredo ang sinasabing pondo para sa motorcade na naganap noong October 30 at nagreklamo diumano ang mga sumali na hindi sila nabayaran.

    Pinost ni Cesar Chavez, MBC Vice President and Station Manager of DZRH Radio Nationwide & DZRH News Television, ang kanyang paumanhin noong Lunes ng gabi sa kanyang Facebook page. Nag-sorry din siya sa Twitter, at tinag sina Robredo at ang kanyang tagapagsalita na si Barry Gutierrez. Inulat din ng DZRH ang paghingi ng tawad sa radyo at telebisyon.

    “Mali ang report ng DZRH, paumanhin po VP Leni at sa inyong mga supporter sa Northern Samar. Paumanhin po kay VP Leni Robredo at sa kanyang mga supporter na nagsagawa ng motorcade sa ilang bayan sa Northern Samar noong nakaraang Sabado, Oktubre 30, 2021,” Chavez said.

    Sa isang pahayag na kanilang nilabas bago pa man mag-sorry si Chavez, pinabulaanan ng mga organizer, na volunteer lahat, na merong pondo o pinangakuan ang mga sumali na babayaran sila.

    “Everyone who participated spent their own money for their food, drinks, gasoline, and other expenses. Some donated tarpaulins, stickers, banners, ribbons, balloons, snacks and bottled water, but there was no fund or ‘pondo’ that was given by the OVP or any individuals or group of individuals associated directly or indirectly with VP Robredo or her team,” sabi ng Leni For President Movement- Northern Samar sa isang Facebook post.

    Tinweet ni Gutierrez ang pahayag ng mga organizer kasama ang babala sa mga kasinungalingan at fake news at humingi ng mas masusing pagsusuri mula sa media.

    “As support for VP Leni grows, we know that the hired trolls of other candidates will work overtime to spread lies and fake news. But we expect a bit more from those in the media profession,” sabi ni Gutierrez.

    Ayon kay Chavez, ang sarili niyang pagsisiyasat ang nagpakita ng kamalian ng report. Suspendido ang reporter hanggang matapos ang imbestigasyon.

    “Sa aking pagsisiyasat hanggang sa oras na ito, walang direct quote ang aming reporter mula sa sinuman na nagsabing siya o sila ay ‘hindi nabayaran’ at umano'y ‘binulsa ng mga organizer’ ang bayad na dapat para sa kanila kapalit ng pakikilahok sa kanilang motorcade. Ibig sabihin, mismong ang reporter namin ay walang nakausap kahit isang nilalang sa Northern Samar na nagsabi na may naganap na bayaran o mayroong hindi nabayaran sa event na iyon. Dahil dito, suspended muna sa pagbabalita ang nasabing reporter sa aming himpilan habang isinasagawa pa ang karagdagang pagsisiyasat,” sabi ni Chavez.

    Nang marinig nila ang maling ulat, agad na sinabi ng caravan volunteers na dapat mag-sorry ang DZRH. Nitong Martes, sinabi ni Queenie Tagros, ang tagapagsalita ng grupo, na tinatanggap nila ang paumanhin ng DZRH.

    “LET IT BE KNOWN. We have released an OFFICIAL STATEMENT regarding accusations against our team. Within an hour or so, this is DZRH's response. Thank you, Sir, for clearing up [the news report about] our group,” sinabi ni Tagros sa isang Facebook post kung saan ni-repost nya ang paumanhin ni Chavez. (end)

    Posted in Press Releases on Nov 02, 2021