Endorsement of Vice President Leni Robredo
by Kaira Bangloy of the Apayao
Melvin Jones Grandstand, Baguio City, Benguet
KAIRA BANGLOY: Sino ulit ang susunod na Presidente?
CROWD: Si Leni Robredo!
KAIRA BANGLOY: Salamat. Si Leni Robredo ang kailangan natin ngayon. Siya ay may karanasan at kaalaman sa judiciary, sa executive, sa, ano pa?
CROWD: Legislative.
KAIRA BANGLOY: Oo, tapos isa siyang babae. Isa siyang ekonomista. May plataporma pa pang indigenous people. Tutulungan natin siya para maalis 'yung Presidential Decree 705 at Philippine Mining Act of 1995 na nagbubukas para ma-mina, ma-logging, ma-dam ang teritoryo ng mga indigenous people. Kaya, iniendorso namin na ikampanya at–
[crowd chants: "Medic! Medic!"]
May emergency daw na, ano, kailangan ang mga medics. Okay, sige, 'yung sinabi kong mga katangian ay mga katangian para maging effective na Presidente. Kaya, ineendorso namin na ikampanya at iboto, repeat: ikampanya natin at iboto si Leni para Presidente, si Kiko para Bise Presidente, at ang kanilang senador at mga partylist na palaging nagseserbisyo sa mga Pilipino.
Mahal namin ang mga anak namin, mahal namin ang mga susunod na henerasyon, kaya si Leni ang ating ikakampanya at iboboto kahit pa mare-red tag tayo. Tama?
[crowd cheers]
Salamat!
[END]