Endorsement of Vice President Leni Robredo
by Lakay Banag Sinumlag of the Kalinga
Melvin Jones Grandstand, Baguio City, Benguet
BANAG SINUMLAG INTERPRETER: Ito po ang, ano, maikling translation lamang po. Ang mga taga Kalinga ay nagkakaisa kay Leni at Kiko dahil sila ay walang– sa matagal na panunungkulan ay wala silang bahid na korapsyon at madali silang kausap ng mga maliliit na tao na tulad namin.
Kaming mga taga Cordillera at taga Kalinga ay hindi papayag na susuportahan ang pamilya ni Bongbong Marcos dahil matagal na silang kaaway. Lalo na kaming mga taga kabundukan na walang katiting na kapayapaan na naranasan noong panahon ng Martial Law. Wala tayong dahilan upang tulungan si Bongbong Marcos.
[crowd cheers]
Sa mga senator naman, iboto natin ang tulad nina Bong Labog, nina Neri Colmenares, Teddy Baguilat, at iba pang mga kandidatong matagal nang naninilbihan para sa kapakanan ng mga katutubo at sa mga batayang sektor. Piliin din natin ang mga partylist na tunay na nagre-represent ng ating mga hinaing tulad ng Bayan Muna, Anakpawis, Gabriela, at Teachers, at Kabataan.
Magkaisa tayong lahat dito sa Cordillera upang ipanalo ang Leni-Kiko at ang kanyang mga senador at partylist. Maraming salamat.
[END]