This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Endorsement of Vice President Leni Robredo by National ArtistsVirgilio Almario, Eric De Guia, and Ben Cabrera

    Endorsement of Vice President Leni Robredo
    by National ArtistsVirgilio Almario, Eric De Guia, and Ben Cabrera
    Melvin Jones Grandstand, Baguio City, Benguet

    VIRGILIO ALMARIO: Takder, Cordillera. Alam ninyo, mga kababayan, matagal ng lagi nating inihihimutok ang malubhang korapsyon sa ating gobyerno. Pero tuwing eleksyon, lagi naman nating inihahalal ang mga magnanakaw at mandarambong. Madali tayong naniniwala sa tallano gold, pero hindi tayo– hindi natin malaman kung sino ang GOMBURZA, di ba?

    Ang totoo, napakarami sa atin ang gusto pang magtira sa Amerika kaysa magtira sa Pilipinas. Sinasabi ko ito, mga kababayan, dahil malaki ang aking paniwala na hindi kahirapan ang ating problema. Ang higit na malubha nating problema ay kultura– masamang values, masamang edukasyon, baluktot na katwiran, kulang na pagmamahal sa bayan. Lahat na 'yan ay problemang pang kultura.

    Kaya nitong nakaraang ilang buwan, naisip namin na siguro napakahalaga sa eleksyong ito kaming mga artist at mga cultural workers ay magkaisa at itanong namin sa mga kandidato kung susuportahan nila ang kultura. At ginawa namin iyon noong nakaraang Enero.

    Gumawa kami ng isang manifesto at ibinigay namin sa mga opisina ng ating mga kandidato. Alam ba ninyo ang nangyari? Sa lahat ng sampung kandidato, isa lamang ang sumagot sa amin.

    At dahil doon, magmula noon, lalo noong Pebrero 14 ng makasama namin siya, kaming mga national artist, naging kakampink. At sa araw na ito, nais naming ulitin ang aming pagtataguyod sa ating kandidatong kakampink. Hindi lamang kay Vice President Leni, kundi pati kay Senador Kiko Pangilinan at sa buong Tropang Angat. Kailangan natin silang lahat.

    Panahon na para magbago ang Pilipinas. Panahon na para mawala ang korapsyon. At mangyayari lamang ito kung kasama namin kayo na iboboto natin sa Mayo anuwebe ang ating kakampink.

    KIDLAT TAHIMIK: Magandang gabi po sa ating lahat, Kidlat. Ngayon, hindi po ako kandidato, hindi po rin ako makakasalita nang nakakapag-excite gaya ng mga ibang mga nag-speak. Pero gusto ko lang sundan, gusto ko lang sakyan 'yung sinabi ni— Wow, hindi po na marinig itong Kidlat. Hindi po ako kandidato, hindi po rin ako sanay makipag-excite sa mga crowds. Ang gusto ko lang sana ngayong gabi, sakyan 'yung sinabi ni, kapatid kong national artist, si Rio Almario tungkol sa KKK no?

    Let us remember the spirit of 1896, 'yung lakas loob ng KKK noong hinaharap nila 'yung katakot-takot na kadiliman, the dark ages noon. Siguro sa pagtipon natin ngayong gabi, we can— Haharapin natin gaya ng Katipunero ang kadiliman no?

    Let's not forget ha? Ang mga katipunero bago ho sila naging armed movement, they were spiritual kapatiran. Ang hinahanap nila ay ang liwanag. Pag nahanap ang liwanag, tumitibay ang loob. Kapag tumitibay ang loob, lahat ng labanan kayang-kaya no?

    So, ang mga katipunero, pagka may lakaran, hindi lang lalakad sila mula dito hanggang doon o mula sa Burnham Park hanggang sa Baguio Cathedral, ang lakaran sa kanila sa dulo ay may liwanag. At siguro 'yung ang nakikita ko dito sa mga kandidato natin ngayon.

    Alam po ninyo, noong 80s merong isang makata dito, poet, a street walker. He would walk around the streets, nagsusulat siya ng mga poems, wala pang Facebook noon, pino-post niya sa mga dingding, pino-post niya sa mga poste. Anyway, meron akong natandaan na sinulat niya: "We Filipinos were a freedom loving people until we walked into history." Wow, ang lalim. Siguro ang interpretation ko doon ay we walked into the darkness of colonial history. Pero hindi tayo natulog sa kadiliman, lumaban tayo.

    Let us remember in April 27th, 501st Anniversary ng Battle of Mactan. Noong si Lapu-Lapu, 'yung katapangan niya ay natandaan natin. Naalala ba niyo 'yung 1521? 'Yung kanta ni Yoyoy Villame? [starts singing] It was in 1521, tinepok ni Lapu-Lapu si Magellan [stops singing]. Ayun, kahit dehado, lumalaban– Kalaban nila 'yung kadiliman ng mga conquistador.

    Noong April 9th, meron tayo ring Araw ng Kagitingan, kalaban rin ang kadiliman ng manlulupig na Hapon. And noong April 12, isa pang-- 'yun ang anibersaryo ng– sa kuweba ng pamithian, sinulat ni Andres Bonifacio doon sa dingding: "Viva La Independencia de Filipinas." Doon nagtipon-tipon ang mga Katipunero, isang dosena lang sila noon pero kumalat 'yung init ng himagsikan from there.

    Ngayon, tayo, nagtitipon tayo ngayon dito. Let us not be intimidated. Huwag tayo masindak doon sa mga polls na predicting na babalik daw ang dark days ng Martial Law. Hindi 'yan babalik, I'm sure, kasi meron tayong mga alternatibong talagang may lakas na ipapalabas sa atin. Let us also know, dito sa Cordilleras, hindi makapasok ang dilim ng kolonyalismo dahil sa tibay ng kultura ng ating Cordillerans.

    At ito ring kabuuan ng kultura ng Cordillerans ay huwag na rin nating papabalik ang diktadura. Let me try just to recall one– 'yung imagination ko kung ano 'yung sigaw ng bayan dito sa mga bundok, mga taga Benguet, mga taga Ifugao, mga taga Apayao, Kalinga, at Abra. I think in those days, laban sa kolonyalismo, siguro ganito 'yung sigaw nila:

    Adio! Ka Andres Bonifacio, Ka Emilio Jacinto, General Luna, wala kaming armas, wala kaming kanyon maihandog sa inyong himagsikan. Ang handog lang namin ay ang lakas ng aming kultura. Limang daan na naming winawagayway ang mga bahag namin, ang mga tapiz, ang mga kanta, ang mga hudhud, ang mga ulalim, ang mga galsa, at lahat ng ating kulturang panlaban sa mga dayuhan.

    So, sa ngayong gabi, yes, ituloy natin 'yung panata, tuloy sa liwanag, tuloy natin para tulungan natin si Leni liwanag, at si Kiko sa kaliwanagan ng bayan. Kaliwanagan ngayon, KaLENIwagan ngayon. Mabuhay, Adio.

    BENCAB: Hello. Hindi ako sanay na magsalita sa madla, pero ang masasabi ko lang. Ang kara– kita niyo na, mali. Ang karapat-dapat na maging Pangulo ng Pilipinas ay si Leni Robredo, at Bise Presidente ay si Kiko Pangilinan. Wala ng iba.

    [END]

    Posted in Transcripts on May 02, 2022