This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    FB Live of VP Leni Bayanihan E-Konsulta

    FB Live of VP Leni Bayanihan E-Konsulta

    [START 00:45]

    VP LENI: Hi, good afternoon. Good afternoon sa inyong lahat. Saglit lang ako, in between my Zoom meetings. Saglit lang ako ng updates, kasi nakaka-receive kami ng mga tanong this morning kung bakit hindi sila makapasok– hindi kayo makapasok sa Bayanihan E-Konsulta. Magre-report lang po ako, kinuwento ko na ‘to during the Facebook Live yesterday dahil po marami sa ating volunteers ang may sakit ngayon. Kinukulang po tayo ng tao. Kinukulang po tayo ng tao, kaya naglagay po tayo ng cap na 400 patients a day. Actually lumalampas tayo nang kaunti, kasi pag nagkasabay-sabay na pasok, pero since January 3 po – hindi po tayo huminto since April this year – pero since January 3 po hindi– mabilis po nating maabot 'yung 400 na cap. So, ‘pag naabot na po natin 'yung 400 na cap, nagsasara na 'yung Bayanihan E-Konsulta.

    I-explain ko lang po ulit na kailangan po natin itong gawin kahit gusto natin mas maraming patients ang ma-serve. Kailangan po natin itong gawin para po maasikaso natin ‘yung lahat. Kasi po pag tuloy-tuloy lang siya, nagpa-pile up po nang nagpa-pile up ‘yung mga pasyente natin. Hindi na natin natututukan dahil kulang po tayo ng tao ngayon.

    So, i– ikuwento ko lang po sa inyo how the Bayanihan E-Konsulta went from January 3 kasi ‘yun ‘yung– ‘yun ‘yung first day na grabe ‘yung spike sa atin. Noong January 3 po, three hours lang bukas ‘yung Bayanihan E-Konsulta dahil at 11:30am, na-reach na natin ‘yung 400 patients. Noong January 4, one hour 10 minutes lang kasi at 9:10am – nagbubukas po tayo 8am – at 9:10am, na-reach na po natin ‘yung 400 patients. Noong January 5, 45 minutes lang po bukas ‘yung Bayanihan E-Konsulta dahil at 8:45am naka-400 patients na po tayo. Noong January 6, 40 minutes lang kasi at 8:40am, naka-400 patients na tayo. January 7, 45 minutes, 8:45 po naka-400 patients na tayo. Noong January 10, noong Monday– noong Monday po, wala po tayo noong weekend. Hindi natin binuksan although tuloy-tuloy ‘yung teleconsultation, kasi ‘yung weekend po saka gabi, ginagamit natin siya para tapusin ‘yung mga backlog.

    So, noong Monday, 18 minutes lang po, naka-400 patients na tayo. 8:18 – actually, 465 patients nakapasok kasi paminsan po, sabay-sabay – so, at 8:18am naka-465 patients na tayo. Today, January 11, 13 minutes lang po, naka-478 patients na tayo. So, hihingi po kami ng paumanhin doon sa mga nasasaraduhan ng– ano ‘to, Bayanihan E-Konsulta for the day.
    Alam po namin na kailangan na kailangan niyo, pero hihingi po kami ng paumanhin dahil kasi po talaga hindi po namin kinakaya ngayon sa dami ng pasyente. So, marami po ‘yung nag-iinquire kung bakit hindi sila makapasok– mamaya po magpapalagay na kaming notice pag nakailang pasyente na tayo at nagsara na ‘yung Bayanihan E-Konsulta.

    So, ulitin ko lang po, meron po kasing iba na ilang beses na nag-try hindi pa rin nakakapasok. Pasensya na po kayo. ‘Yung pinaka-sikreto po talaga, maaga. Pagbukas lang po ng Facebook page ay mag-register na tayo. Kasi, ‘yun nga, ngayon first 400 patients tayo. So, ulitin ko po, kanina po 8:13, naka-478 patients na.

    Kaya po tayo lumalampas ng 400 kasi ‘yun nga, pag– nagsasabay-sabay, mina-manual po namin ‘yung iba para makasama doon sa cutoff. Kung makahanap po tayo ng additional volunteers – marami na po tayong volunteers, 1 thousand-plus na doctors, more than 3,000-plus na non-medical volunteers, pero kinukulang pa po talaga. So, ‘yung mga nanonood po dito, kahit po wala kayo sa Manila, puwede po kayo mag-volunteer. Kailangan lang po– kailangan lang po ng laptop. Kailangan lang po ng laptop kasi nagko-call bridge po tayo.

    Pero nakikiusap po kami sa whether– whether medical– medical personnel, non-medical staff, non-medical volunteers, puwede po. Kasi po, grabe talaga ‘yung dagsa ng ating pasyente. Ito po, sumusubok po kami na mas efficient ‘yung serbisyo pero dahil nga po sa dagsa, grabe po talaga. Hihingi po, again, hihingi po kami ng paumanhin, ‘yung mga nagte-text po sa’min na hindi pa 9:00 hindi na sila makapasok kasi 13 minutes lang, napuno na po natin ‘yung mga– ‘yung mga slots.

    Hiningi ko po kanina kung ilan na ‘yung nailabas natin na mga COVID care kits. ‘Yung– ‘yung report po sa’kin as of today, nakapaglabas na po tayo ng 10,142, 10,142 COVID care kits. ‘Yung bulk po noon, ito lang as of late na grabe talaga ‘yung dagsa ng– ng ating pasyente. So, ano po ito, masama din sa loob namin na hindi namin nake-cater lahat pero limited po kasi ‘yung ating resources. Limited din po ‘yung tao kasi nga po ang daming may sakit ngayon, so we make do with what we have. Pero again, ‘yung amin pong panawagan na mas, kung mas marami ‘yung puwedeng mag-volunteer, ‘yung mga nasa bahay po ngayon, hindi naman po pwed– hindi naman po kinakailangan everyday. Kahit po once a week lang, kahit ilang oras lang a week ‘yung ma-volunteer, malaking tulong na po para sa– para sa mga pasyente namin.

    So, ‘yung– ‘yung meron pong mga, kasi meron din po kaming natatanggap na, halimbawa, naresetahan ng molnupiravir, pero hindi pa dumadating o may hinihintay po silang reseta, i-message po kami sa VP Leni Robredo, kahit po sa Bayanihan E-Konsulta. I-message lang po kami para po namo-monitor, nafa-follow up po namin ‘pag merong delays. Pero ngayon po, medyo common ‘yung delays dahil nga po sa– sa onslaught ng napakaraming kaso.

    Kahapon po nasa– nasa Novaliches tayo, doon sa Immaculate Conception Parish, nag– nag-Swab Cab po tayo. Bukas po, i-announce lang natin, from 8:00 to 5:00pm, doon po tayo sa Ina ng Lupang Pangako sa Payatas, sa Payatas, Quezon City. Ito po ay gusto ko lang pong pasalamatan ‘yung– hinahanap ko lang po ‘yung– sandali lang.

    Gusto ko lang pong pasalamatan ‘yung partners natin. Syempre unang-una, sinabi ko na po ito before, ‘yung– ‘yung LGU Quezon City, sa leadership ni Mayor Joy Belmonte, maraming salamat po. Saka po ‘yung Quezon City CES– CESU, Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, sina Dr. Ronnie, napaka– napaka-maasikaso, napakalaking tulong. ‘Yung office po ni Congressman Kit Belmonte ng 6th district ng Quezon City. ‘Yung office ni Councilor Ivy Lagman ng 4th district, maraming salamat, Councilor Ivy.

    ‘Yung Barangay Health Emergency Response Teams saka mga barangay officials na pinupuntahan po natin. Nag-umpisa po tayo sa Tandang Sora. Lumipat po tayo sa QC Circle. Kahapon po nasa Novaliches tayo. Bukas nandoon tayo sa Payatas. Maraming salamat po kasi ‘yung tumutulong po sa’tin na asikasuhin ‘yung ating mga pasyente ay ‘yung ating mga Barangay Health Emergency Response Teams. Tapos, ‘yung UBE Express, of course, kasi sila po ‘yung nagpo-provide ng ating mobile– mobile ano ‘to, mobile Swab Cabs.

    Kahapon po, papasalamatan po natin sina Fr. Joel ng Immaculate Conception Parish. Bukas, pasalamat po tayo sa Ina ng Lupang Pangako Parish, na ito po ‘yung mga church– church officials ‘yung tumutulong din sa ’tin sa set up, sa pag-asikaso ng mga volunteers. Marami po talagang kailangang asikasuhin ngayon. Magtulung-tulungan na lang po tayo. Marami din po na mga volunteers na gusto nating pasalamatan, saka ‘yung atin pong mga– mga ano ‘to, mga Angat Buhay partners na laging handa na umalalay sa’tin.

    So, ito na po ‘yung updates. Kaya po ako nag-online ngayon kasi marami po ‘yung nagtatanong: “Bakit hindi kami makapasok? Maaga pa, hindi na kami makapasok.” ‘Yun talaga po ‘yung dahilan. ‘Yun po ‘yung dahilan, ‘Pag emergency po ‘yung situation, halimbawa, may difficulty ng breathing o bumaba ‘yung– ‘yung oxygen saturation, nakalagay po sa aming Facebook page ‘yung mga numbers na tatawagan. Gagamitin po natin ‘yun ‘pag emergency lang para po walang nade-deprive ng service.

    Uulitin ko po, ‘yung molnupiravir ay free sa atin, through our partner, QualiMed. Pero ito po ay hindi over-the-counter. Meron lang pong mga qualified na mga pasyente na puwede mag-avail nito, ‘yung may mode– ang alam ko po may moderate symptoms o seniors o may comorbidities.

    Kanina po marami akong nalaman na maraming, halimbawa kahapon, maraming mga buntis, maraming mga buntis na nag-positive. Maraming mga bata na unvaccinated na nagpa-positive. Ito po ‘yung gusto nating maiwasan. So ‘yung sa’tin lang po, the first sign, the first sign na meron tayong sipon, ubo o kumakati lalamunan, mag– mag-isolate na po kaagad tayo. Huwag po tayong masyadong kampante, mag-isolate na kaagad kasi mahirap po ‘pag nahawa ‘yung mga bata saka mga seniors.

    Kasi, ‘yung mga seniors syempre marami nang comorbidities, ‘yung mga bata naman, karamihan sa kanila unvaccinated pa as of now, lalo na ‘yung mga less than 12 years old, so pagtulungan na po natin. ‘Pag tayo po ay na-expose kahit walang sym– symptoms, mas mabuti po ay magpa-test tayo para sigurado lang tayo kasi kung hindi tayo magpa-test, baka akala natin okay lang tayo pero positive pala tayo, makakahawa tayo sa iba.

    So, ‘yun lang po ‘yung mga– hindi po ako makakatagal ngayon kasi in between po ako ng mga Zoom meetings, pero ‘yun lang po ‘yung– ‘yun lang po ‘yung reminders natin. Talagang mahirap ngayon. Kung hindi kinakailangang lumabas, huwag na pong lumabas.

    So, uulitin ko lang po, bukas nasa– nasa Ina ng Lupang Pangako tayo sa– sa Payatas. ‘Yung Bayanihan E-Konsulta po, ‘pag magko-consult, mas mabuti po on the first hour, 8:00 in the morning kasi nga po mabilis– mabilis magsara. Mabilis magsara kasi naaabot na natin ‘yung 400 patients.

    So, dasal po natin ‘yung kaligtasan ng lahat. Again, magtulung-tulungan po tayo. Hindi madali. Hindi madali ‘yung ating pinagdadaanan ngayon, pero basta po, basta tulung-tulong tayo, malalagpasan din natin ‘to. Kaya mag-iingat po kayo. Magsusubok po akong makapag-Facebook Live ulit mamaya kung meron pong mga updates. Maraming salamat. Maraming salamat po sa inyong lahat.

    [END 13:19]

    Posted in Transcripts on Jan 11, 2022