This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview of ABS-CBN Naga with VP Leni Robredo in SKK FC

    Saradit na Kristiyanong Komunidad Farmers Association Rice Processing Center

    National Irrigation Compound, Libmanan, Camarines Sur Q: Ma’am, bakit po tayo pumunta dito ngayon? VP LENI: Bahagi ito ng programa natin sa Angat Buhay, na programa ng aming opisina. Pinag-aaralan namin iyong iba’t ibang mga successful na agri-entrepreneur models na mayroon tayo. Tatlo itong pinag-aaralan natin: isa iyong sa Jollibee Foundation, na sinusubukan nating gayahin dito sa Metro Naga; mayroon doong isang modelo sa Bukidnon, iyong modelong inumpisahan noong Unifrutti Company; tapos pangatlo, ito. Ito, ang nag-umpisa nito iyong Diocese of Libmanan. Parang iyong pinakakonsepto niya, iyong mga magsasaka, tinutulungan na… parang imbes na iyong mga traders iyong yumayaman, parang mas malaki iyong kita na nakukuha niya galing doon sa mga pananim niya. Ito, nag-invest iyong gobyerno, nag-invest itong diocese, nag-invest iyong asosasyon na magkaroon na sila ng sariling… parang sariling mechanization, para hindi na umaasa sa iba, hindi na pinapasa sa iba, hindi lang iyong burden pero pati iyong income. Binisita natin ngayon at pinakinggan kung ano iyong mga pinagdaanan, ano iyong mga pinagdaanan nila, at ano pa iyong problema. Gaya kanina, ni-raise sa atin ng mga farmers na isa sa mga pinakamalaking problema dito sa Libmanan, parang heavily silted na, kaya hirap iyong mga farmers. Pangalawa, iyong pinakaproblema din nila, pumapasok iyong saltwater, pumapasok iyong tubig askad. At iyong nire-request lang naman nila, flood control. Kinuwento ko sa kanila na problema din iyan doon sa third district [ng Camarines Sur] noong ako ay naging congresswoman, pero kahit paano, malaking… malaking improvement na iyong nabigay natin kasi nakahingi tayo sa gobyerno ng flood control [projects], para ma-prevent na iyong tubig askad na pumasok sa mga rice… rice lands. Ito, gusto sana natin silang tulungan kasi nandoon na sila sa parang yugto ng kanilang existence na kumikita na. Iyong tingin lang natin, kapag na-showcase natin iyong modelo nila, maraming mga farmer organizations at maraming mga grupo na puwedeng gawing inspirasyon iyong kanilang pinagdaanan, saka iyong kanilang modelo, kasi pinakita dito kapag tiningnan natin iyong mga financial statements saka iyong kita ng mga magsasaka, ang laki talaga noong improvement. Pero iyong pinakaaral din kasi, masuwerte iyong mga magsasaka dito kasi iyong simbahan, iyong Diocese ng Libmanan—sa pangunguna ni Fr. Dawe (Fr. Granwell Pitapit, SKK FC general manager) saka ni Fr. Mike (Fr. Michael dela Rosa, SKK FC president)—sila talaga iyong tumutulong. At kahit maraming pinagdaanan na problema, hindi bumitaw. At nakita natin isa iyong sa mga pinakamalaking ingredient para matawid nila iyong from wala to ganito na. Q: Ma’am, sa Mayon po, anong thoughts niyo po doon sa nangyayaring eruption? VP LENI: Ito, as of yesterday… as of today pala, ang count yata, nasa 36,000 evacuees na. Ito, nakakabahala, kasi unang una, hindi natin alam kung hanggang kailan ito. Hindi natin alam—sana wala nang mas malala pang eruption na mangyari. Pero iyong opisina natin—iyong opisina namin—nandoon na since Saturday. Nagko-conduct na kami ng relief operations. In fact, bukas nandoon ako. Bukas nandoon ako sa Guinobatan, Camalig, saka Ligao para ipagpatuloy iyong relief operations. Pero ito, isang continuing activity hanggang kinakailangan pa. Kinakailangan ng probinsya, saka ng lahat na affected na munisipyo saka lungsod sa Albay, ng tulong hindi lang galing sa gobyerno, pero galing sa… galing talaga sa lahat sa atin. Kasi baka pangmatagalan. Alam naman natin in the past kung gaano katagal iyong ganito. Maraming apektado—iyong mga paaralan na ginagamit na evacuation centers, iyong mga… siyempre lumaki na iyong danger zone, so mas marami na din iyong evacuees ngayon. Maraming kinakailangan. Nagtanong na tayo initially ng mga pangangailangan. Maliban sa pagkain, kailangan ng mga banig, ng mga face masks, ng mga kumot. Iyon iyong mga pangangailangan sa evacuation centers, kaya iyong sa atin naman, pinapakiusap natin sa ating mga kababayan na kailangan tayo ng ating mga kapatid na taga-Albay. Q: Thank you, Ma’am. VP LENI: Thank you. – 30 –

    Posted in Transcripts on Jan 22, 2018