27 October 2017
Q: Kumusta po? Ano pong masasabi natin sa mga Cabalen natin?
VP LENI: Ito, nakikiisa tayo sa pag-celebrate ng 30th anniversary ng TPKI. Para sa amin, hindi lang ito pakikiisa, pero pagtawag din na possible partnership ng aming opisina with them. Kasi mayroon kaming programa, iyong Angat Buhay, na medyo parallel sa ginagawa ng TPKI.
So kanina, niyaya ko sila formally na mag-partner kaming dalawa, para ma-maximize iyong tulong sa mga Cabalen. Kami, all over the Philippines, pero wala kaming local na counterpart dito, so malaking bagay din para sa programa namin kung mayroong… mayroong ganoon na partner, para lalong magkaroon ng access doon sa ano bang communities iyong nangangailangan ng tulong, ano ba iyong existing na private organizations na puwedeng tumulong.
Q: Yes, Ma’am. Ma’am, message niyo lang po sa Comelec doon sa decryption?
VP LENI: Hindi— Bawal yata akong magbigay ng message sa kanila kasi may existing na kaso.
Q: Sige po.
VP LENI: Thank you.
– 30 –