24 October 2016
Interview of Aksyon sa Umaga with Georgina Hernandez
Q: Clarification on Ban Ki-Moon Issue
Georgina: Tulad po ng aming nabanggit, dinaluhan po ni VP Leni ang isang conference on Housing and Sustainable Urban Development sa Ecuador, at nagsilbi po siya bilang head of delegation ng Pilipinas.
May kasama po siya mula sa HUDCC at mula sa ating Consulate doon sa event na ito. Tapos sa isang dinner po hosted by the Ecuadorian President at doon po nagkita si VP Leni at si Ban Ki-Moon at nagkaroon lang siya ng pagkakataon na magpa-selfie.
Nagpapicture lang po siya, at hindi po sila nagkaroon ng pagkakataong mag-usap dahil ito po ay informal na dinner lamang.
Q: May iba pa po bang nagpag-usapan ang dalawa?
Georgina: Wala po, kasi talagang nagpapicture lang, tapos konting small talk, pero very informal ang kanilang naging pagkikita.
Q: Sino ang responsable sa pagkalat ng maling impormasyon ito?
Georgina: Sa amin po hindi din po namin alam kung saan ito galing pero sa dami po ng trabaho na kailangan tutukan ngayon sa housing, mga adbokasiya ng OVP at ngayong pagtugon sa bagyong Lawin, gusto na lang po naming tumutok sa trabaho.
Q: Reaksyon ni VP Leni sa kumalat na ganito?
Georgina: Para po sa ating VP, ikinalulungkot niya na mayroong mga nagkakalat ng maling impormasyon lalo na sa social media.
Kaya nga po maging mas responsable ang gumagamit ng social media at kilatisin natin ang katotohanan sa mga nakikita natin.
Kaya we also welcome ‘yong ginawa ng [UP] na planning nila na literacy, social media literacy sa mga urban poor areas.
Q: Nabatikos si VPLR sa pagbisita sa nasalanta ng bagyo…
Georgina: Ikinalulungkot natin ang mga ganitong kumento dahil may mandato po ang ating bise presidente na pumunta sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo.
Bilang HUDCC Chair, may kinalaman po ito sa mga pabahay. Higit sa 5,000 bahay ang damage sa mga naapektuhan at ito po ay partial pa lang na figure dahil hindi pa po pumapasok lahat ng datos.
Kaya pumunta po si VP Leni sa Isabela at sa Cagayan, upang makiisa sa mga pamilya at mga komunidad na natamaan ng bayong Lawin at personal na makita ang damage at agad niya itong iniugnay sa Pag-IBIG dahil marami pong mga mangangailangan ngayon ng calamity loan.
So mayroong ina-arrange na po na mga mobile offsite processing at deployment ng additional teams mula sa NCR kung hindi po kakayanin ng mga northern Luzon branches ng Pag-IBIG.
At mayroon din pong mga ina-assess na mga bahay na under Pag-IBIG loan na na-damage para magkaroon din po ng insurance claims.
So, sa tingin po namin may kinalaman po sa trabaho ng ating pangalawang pangulo ang kanyang pagpunta sa Isabela at Cagayan.
Q: Magandang umaga po at maraming salamat!