This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Attorney Barry Gutierrez on On the Spot

    Interview with Attorney Barry Gutierrez on On the Spot
    On the Spot, DZMM Teleradyo


    DANNY BUENAFE: Ngayon naman makakasama natin via Zoom ang spokesperson ng Office of the Vice President, walang iba kundi si Attorney Barry Gutierrez. Good morning Attorney! Si Danny ho at si Tony.

    BARRY GUTIERREZ: Good morning Danny. Good morning Tony. At magandang umaga rin sa lahat ng ating mga taga-pakinig.

    DANNY BUENAFE: Mukhang nasa kampanya kayo dahil naka facemask pa kayo diyan sa loob ng– Okay ba sir?

    BARRY GUTIERREZ: Naka-ano ako, naka-quarantine ako eh.

    DANNY BUENAFE: Ah, ganoon ba.

    TONY VELASQUEZ: Ah okay. Pero wala ka namang [crosstalk 00:29] diyan sa kuwarto?

    DANNY BUENAFE: Kala ko na– Eastern Visayas, kala ko nandiyan ka.

    BARRY GUTIERREZ: Wala, wala, wala naman. Wala naman. Wala naman.

    TONY VELASQUEZ: Puwede ka magtanggal-- puwede ka magtanggal muna ng ano, face mask kung wala kang katabi?

    BARRY GUTIERREZ: Oh sige sige.

    TONY VELASQUEZ: Para malinaw 'yung boses.

    DANNY BUENAFE: Para makita naman 'yung– ayun.

    TONY VELASQUEZ: Malinaw 'yung boses. 'Yan.

    DANNY BUENAFE: [inaudible 00:44] Thank you thank you sir. Okay.

    TONY VELASQUEZ: Alright. Sige. So, Attorney Barry, oo, dahil nga po sa 'di ba datirati traditionally ano, kapag ang isang kandidato ay nakakuha ng endorsement ng isang partido, o malaking partido, ay malaking bentahe na kaagad ito. Pero nalilito ang mga kababayan natin ngayon, Attorney Barry, dahil ang mismong pasya ng partido ay hindi pala sinusunod noong mga miyembro at kung minsan 'yung mga mismong opisyal pa nito. So, anong– anong ibig sabihin noon Attorney Barry? Meron pa bang halaga 'yung endorsement ng isang partido or mas umaasa kayo doon sa endorsement na lang noong sari-sariling mga opisyal ng mga partido.

    DANNY BUENAFE: Individual choices.

    TONY VELASQUEZ: Yes. Oo.

    BARRY GUTIERREZ: Sa kasalukuyan ang inaasahan talaga namin 'yung indibidwal na endorsement at indibidwal na commitment from mga local leaders na suportahan si VP Leni at 'yung kanyang kampanya. Gaya nga ng mga nakita natin noong nakaraang mga araw, 'di ba, may mga magsasabi partido daw ganito, tapos mismong mga opisyal noong partido, magdedeklara ng suporta, in our case, para kay VP Leni. So, ang pinanghahawakan talaga namin dito mukhang ano eh, mas importante 'yung personal commitment dahil ang nangyayari naman, kahit na nagpapasya 'yung partido, willing naman apparently to make exceptions para doon sa kanilang mga miyembro. So ang dulo, pasya noong indibidwal na tao na miyembro na isang leader doon sa isang lugar ang mahalaga para doon sa pagsukat kung meron talagang suportang makukuha o wala.

    TONY VELASQUEZ: Kasi katulad noong medyo naging balko tayo noong narinig nga natin si dating House Speaker Pantaleon Alvarez, na sabi niya, "Ang Partido Reporma, ay umeendorso na sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo." Tapos only to say the next day, "Ang Partido Repormang tinutukoy ko ay 'yung Davao chapter lamang."

    DANNY BUENAFE: Davao Region.

    TONY VELASQUEZ: So, hindi ko rin siguro maisip ano kung 'yung Partido Reporma po ba ay talagang buong suporta ang ibinibigay kay VP Leni o 'yung ilang mga opisyal lang nito sa ilang mga chapter lang nila?

    BARRY GUTIERREZ: Well, sa kasalukuyan ang aming inaasahan dito kung ano lang 'yung binibigay ni Speaker Alvarez kasi 'yun naman 'yung– 'yun naman 'yung tao na nag-deklara 'di ba? Pero babaliktarin ko lang, ganoon din ang nangyari sa NUP. 'Di ba ang NUP nag-deklara na meron daw silang ibang susuportahan pero sa mga sumunod na araw, ang daming mga– mismong presidente ng NUP, at iba pang mga gobernador 'di ba na member ng NUP nagsabi na "Ang susuportahan namin si Leni Rebredo." So, ganoon din lang 'yun. Sa dulo ang aasahan mo 'yung pinapangako noong tao na nagsasabi na siya ay susuportahan. Mahaba– sa mahabang panahon naman kasi, isang malungkot na realidad ng political system sa Pilipinas ay hindi masyadong binibigyan ng pansin ang partido. Maski hindi sa eleksyon, sa pag boto sa Kongreso, minsan sasabihin ng party "Ito 'yung posisyon," pero hahayaan namin mag-vote ng conscience 'yung ating mga members, so wala ring party position.

    TONY VELASQUEZ: Kaya tuloy parang in hindsight ano, kapag babalik tanawin mo 'yung naging desisyon ni VP Leni na mag file ng kanyang kandidatura as an independent at hindi itali 'yung sarili niya sa Liberal Party, begins to make sense now kasi ngayon na independent siya, she can actually gather support from so many different parties without sacrificing her identity, sabihin na, or loyalty to the Liberal Party, ganoon ho ba?

    BARRY GUTIERREZ: 'Yun naman 'yung intensyon talaga doon eh. Mag indicate ng pagbubukas na ang ibigsabihin ang mensahe, hindi lang LP o hindi lang mga alyado ng LP ang welcome dito sa ating campaign. Kasi, sa mahabang paninilbihan ni VP Leni as Vice President, at doon sa kanyang medyo isang termino na magkasama kami sa Kongreso, madami naman kaming mga nakilala. Madami siyang mga nakatrabaho at kung titignan mo, madami doon sa mga taong nakasabay niya sa Kongreso, madami doon sa mga taong nalaman kung anong klaseng trabaho ang ginagawa niya, kung paano siya mag serbisyo, 'yun ang mga sumusuporta sa kanya ngayon.

    TONY VELASQUEZ: Pareng Danny?

    DANNY BUENAFE: Matanong kita Attorney Barry, dahil alam mo lately parang napapansin ko 'yung RoSa ha, 'yung RoSa Robredo-Sara gaining traction. Parang itong huli 'yung mga Lanao del Sur mayors nagsabi sila na kanila'y ipu-pursue ay 'yung tandem ng Robredo-Sara. Siyempre alam mo naman 'yung kila Joey Salceda, sina Rufus Rodriguez, lahat 'yan sina Juliette Uy, they are also pursuing that tandem. Kayo ba sa kampo ninyo nababahala kayo sa mga ganitong development?

    BARRY GUTIERREZ: Well, merong kaunting concern siyempre dahil ang posisyon ni VP Leni at ang posisyon ng campaign ay Leni-Kiko 'di ba? All the way hanggang sa dulo, 'yun ang kinikilos namin, 'yun ang kinakampanya ni VP Leni, 'yan ang kanyang piniling partner at 'yan ang ipaglalaban namin hanggang sa kadulo-duluhan. Pero that said, di ba realidad naman talaga ng kampanya sa Pilipinas na dahil hindi tayo bumoboto ng tandem–

    DANNY BUENAFE: Mga dynamics iba-iba.

    BARRY GUTIERREZ: Hindi, saka hindi talaga tayo bumoboto ng tandem. Ang botante, malayang pumili ng hiwalay na bise presidente at presidente, talagang nangyayari 'yan tuwing eleksyon. So kami naman, so long as merong declaration of support for one of the candidates, hindi namin minamasama. Nagpapasalamat kami doon sa taong nag-eendorso, pero kinaklaro namin lagi. Kung meron kayong tandem na tinutulak na hindi Leni-Kiko, sa inyo 'yan. Pero kung susuporta kayo sa isa sa mga kandidato namin, di salamat.

    DANNY BUENAFE: Pero Attorney Barry, how would you describe 'yung inyo ano– kasi for the past, probably two weeks ano, nakikita naman namin na parang medyo marami umaattend ngayon. Mga pink caravan, pink rally, mga major rallies ninyo. Pero at least 'yung survey kasi, paiba-iba eh. Merong survey ang Google Trends, may survey ang SWS, iba-iba 'yung resulta. Pero alam mo, 'yung mga SWS, mga Pulse Asia, ito 'yung parang nangingibabaw sa in terms of pinaniniwalaan, let's say ng mga tao. Tingin niyo ba, how are you close or kayo ho ba meron kayong internal survey that chose na parang the numbers will be changing in a few weeks or days?

    BARRY GUTIERREZ: Kasalukuyang tinatapos 'yung internal survey so we should be getting the results soon pero expectation talaga namin na dahil itong mga malalaking survey firms na lumabas noong nakaraang mga linggo, hindi pa naka-capture 'yung sunod sunod na malalaking mga rally ni VP Leni, hindi pa naka-capture 'yung pag-deklara ng suporta ng sunod sunod na mga local leaders sa iba't ibang bahagi ng bansa lalo na sa Mindanao at sa Visayas, tingin namin, merong paggalaw sa numero na mangyayari dito sa mga susunod na survey na ito. Tingin namin, klarong momentum ang nakikita itong nakaraang mga linggo sa kampanya ni VP Leni at ni Senator Kiko, and, you know, ine-expect namin mare-reflect 'yan sa susunod na mga surveys.

    DANNY BUENAFE: Pero Attorney Barry, meron ba kayong mga ine-expect na mga– siyempre, ngayon is the time for political realignments, ang dami hong mga parang somehow sumasama na sa inyo ano? Pero meron ba kayong mga feedback from other local leaders o local officials na nagpaparamdam na rin na they will join the camp of Leni?

    BARRY GUTIERREZ: Madami nang nagsasabi dati, 'di ba? Na naghihintay lang sila ng time–

    DANNY BUENAFE: Pero hindi niyo po makumpirma ngayon? Pero we will expect, may mga ganoon pang galawan?

    BARRY GUTIERREZ: Siyempre, ano tawag dito, tuloy tuloy naman 'yan eh at binanggit na rin ng mga ibang mga nagdeklara recently halimbawa, si Speaker Alvarez na patuloy 'yung kanilang pakikipag-usap sa kani-kanilang mga networks din para makumbinsi 'yung kanilang mga kaibigan at kasama na magdeklara na rin para kay VP Leni. So, inaasahan namin na in the next few weeks, naiiwang 41 days ng kampanyang ito, ay meron pang mga lalabas diyan, meron pa at patuloy ang magiging pagdami ng mga sumusuporta kay VP Leni sa kanyang kandidatura bilang pangulo.

    DANNY BUENAFE: Do we expect big names in politics in the next few days?

    BARRY GUTIERREZ: Sabi ko, sinabi ko 'yan sa isang interview before eh. Spokesperson ako ng isang presidentiable, si VP Leni. Hayaan na natin 'yung iba na magsalita para sa kanila, di ba? Pero 41 days, mahabang panahon, madaming puwedeng mangyari.

    DANNY BUENAFE: Eternity in Philippine politics daw 'yan, eternity.

    BARRY GUTIERREZ: Eternity, eternity. Siguradong meron pang mangyayari diyan.

    DANNY BUENAFE: Partner, may follow up ka?

    TONY VELASQUEZ: Bago tayo siguro magtapos, ilang mga pending questions lang. May mga panawagan 'yung election watchdog, 'yung Kontra Daya ano, na kahit magpatuloy daw itong imbestigasyon on the Senate Committee on Electoral Reforms doon sa di umano'y Smartmatic breach ano, ay hindi daw dapat ito pamunuan ni Senadora Imee Marcos, bagkus, she should give way to somebody else out of delicadeza. How do you feel about that Attorney Barry?

    BARRY GUTIERREZ: Well, desisyon niya 'yan eh, di ba? Pero ako, nag-aagree ako na obviously, hindi magandang look na tumatakbo 'yung isang kandidato na kamag-anak mo, in this case kapatid mo, tapos ikaw ang nangunguna sa isang imbestigasyon supposedly into the integrity noong election process kung saan ang isa sa magiging participant, possible beneficiary, possible complainant ay isang tao na dikit sa'yo. So, ako tingin ko, tama lang na i-consider 'yung propriety noong ganoong klaseng close relationship dahil di ba, posibleng madami pang mangyari dito sa eleksyon na ito, posible maging issue itong integrity noong eleksyon system at hindi ba, ang gusto nating nangunguna doon isang tao na klaro 'yung kanyang independence at hindi dikit sa sinumang kandidato gaya ng inaasahan natin sa COMELEC na siyang arbiter nitong eleksyon.

    TONY VELASQUEZ: At ganoon din ang panawagan ng Kontra Daya kay Senate President Tito Sotto na siya ay mag-inhibit na sa anumang mga pagdinig nitong Senate Committee on Electoral Reforms.

    BARRY GUTIERREZ: Well kagaya nga ng sinabi ko, desisyon nila 'yan eh. Sa dulo, nasa sa kanila na 'yan, 'di ba? Pero tingin ko, klaro naman dapat na sa mata ng taumbayan, sa mata ng mga lahat ng taong nag-oobserve ng eleksyon na ito, kailangan maging maingat tayo dahil ayaw nating ma-question 'yung impartiality o 'yung independence noong mga tao na sumusubaybay sa pangangasiwa noong eleksyon na ito.

    TONY VELASQUEZ: Attorney Barry, matanong ko din lang dahil siyempre, sinabi ng COMELEC bubuo sila ng interagency task force, ano, para suriin o siyasatin 'yung mga maiuulat sa kanila, isusumbong na cases of vote buying. Meron ho ba kayong sabihin na nating optimism na meron ho talagang makakasuhan ng vote buying kapag itong kampanya ay magpatuloy na hanggang sa halalan?

    BARRY GUTIERREZ: Well, sa karanasan natin bilang sambayanan ng madami ng eleksyon ang pinagdaanan, laging may allegations ng vote buying pero sa aking pagkakaalala, halos walang nakakasuhan 'yan, di ba? Certainly, walang naaapektuhang kandidatura dahil sa ganyang klaseng kaso.

    Pero 'yun nga, sabi nga nila di ba hope springs eternal na 'yung merong ganitong declaration ang COMELEC at ngayon dahil sa social media mas mabilis ang pag-monitor at paglabas ng ganitong klaseng mga balita, sana nga, magkaroon ng ganitong mas klaro at mas desididong pagkilos laban sa ganitong klaseng practice.

    Ang isang kinadidismaya ko lang, ang dami nang reports eh na lumabas before. Ang dami nang mga picture ng mga– at hindi lang ano eh, hindi lang basta picture, inamin mismo ng mga tao na leader na nag-organize ng rally doon, namigay sila ng pera. 'Yun nga lang meron silang ibang explanation. Ayuda daw o hindi pa daw start ng campaign period sa local kaya puwede pa daw mag– pero 'di ba? Sa akin, dapat ano na 'yun eh, sapat na 'yung batayan para at least, simulan ng COMELEC ang imbestigasyon. Hindi naman sila required na tumanggap– na maghintay ng reklamo simuman eh, nakita nila 'yun.

    TONY VELASQUEZ: 'Yung complainant 'ang hinihintay eh, Attorney Barry. Complainant to come out 'yun na nga eh, pero 'yung video that's not ano pa muna–

    BARRY GUTIERREZ: Eh 'diba? Hindi kailangan 'yung complainant eh. Sa akin, hindi dapat ganoon 'yun eh. Ang COMELEC hindi naman korte 'yan eh, di ba? Sila ang tagapangasiwa ng eleksyon. So on their own, they can actually move to investigate, di ba? Hindi ko naman sinasabi parusahan kaagad eh, imbestigahan nila. Pero ewan ko. Hopefully, itong ganitong declaration nila is indicative ng isang mas more proactive stance dito. After all, 'yun ang ine-expect natin sa tagapangasiwa ng eleksyon, maging aktibo sa pagsupil ng maling kalakaran: vote buying o anuman sa eleksyon, abuso sa poder. Sana, makita natin 'yun, mas klaro dito sa naiiwang 41 days nga nitong kampanya.

    TONY VELASQUEZ: Okay, sige. So Attorney Barry, salamat ha sa oras na binigay mo at saka goodluck sa quarantine.

    BARRY GUTIERREZ: Last day ko ngayon. Actually, magte-test na ako mamaya at sana, negative di ba? Salamat Tony, Salamat Danny. Always happy to be here, ingat kayo ha, ingat.

    DANNY BUENAFE: Ingat, we will.

    TONY VELASQUEZ: Thank you so much ang tagapagsalita po sa grupo po ni Vice President Leni Robredo, si Attorney Barry Gutierrez po.

    [END]

     

    Posted in Transcripts on Mar 29, 2022