This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview of Atty. Barry Gutierrez on DWIZ 882

    Interview of Atty. Barry Gutierrez on DWIZ 882


    [START]

    VIC DE LEON LIMA: Attorney Barry Gutierrez, tagapagsalita ng Vice President Leni Robredo. Attorney Barry, good morning.

    BARRY GUTIERREZ: Good morning, Boss Vic at good morning sa lahat ng ating mga tagapakinig.

    VIC DE LEON LIMA: Okay. May pumutok na balita last week, alam mo na kung ano 'yun, about CPP-NPA, Joma Sison, what is the real score behind it? Kaya nga eh, medyo ako– ako pa naman ang nagbasa. Pero alam mo naman, naiintindihan mo naman 'yun, inaabot lang ng newsroom 'yun and then you as a news reader, babasahin mo 'yun siyempre di ba? Pero what’s the real score?

    BARRY GUTIERREZ: Naiintindihan ko 'yun Boss Vic. Una klaruhin ko lang– [crosstalk] Pawang kasinungalingan 'yun. Walang totoong lumabas doon sa article na 'yun, na adviser si ano, hindi totoo 'yun, na nag-uusap kami, hindi totoo 'yun. Ang totoo doon 'yung ano, I neither confirm nor deny, totoo 'yun dahil hindi naman ako kinausap. So, talagang kasinungalingan talaga 'yung ano, 'yung article na 'yun. Walang katotohanan. Dineny na mismo ni VP Leni, dineny na mismo noong kabilang panig. So, imbento talaga 'yun Boss Vic.

    VIC DE LEON LIMA: Oo. Nagtatawanan nga kami ni Paulo noong nagtawagan kami noong Sabado. Pero neither any attempt from your camp or from the camp of the other one na mag-usap, na mag dialogue? Walang ganoon?

    BARRY GUTIERREZ: Wala. Naku! Wala. May– sa buong buhay na ni VP Leni, sa buong buhay ko ni hindi ko pa nakikita o nakakausap 'yan sa kahit na anong konteksto. And no effort ang ginagawa.

    VIC DE LEON LIMA: Kasi nga alam mo, alam mo naman siguro aminin natin, na may mga haka haka, may mga impresyon na si VP ganito, 'yung kampo niyo ganiyan, I mean you know, the dilaw dilaw effect. Parang siguro once and for all sabihin natin sa ating mga botante na– grabe ang crowd niyo noong Sabado ha? Grabe ha. Grabe ang crowd niyo. Ay ibang klase kayo ha! Once and for all, what is the ano? Ano ba talaga? I mean ang gagaling naman ng adviser ni VP, I'm sure.

    BARRY GUTIERREZ: Oo totoo 'yan. Pero kaklaruhin ko lang kasi paulit-ulit na itong red-tagging na ito Boss Vic eh. Parang pinipilit na kesyo– may pinapalabas pa nga may asawa daw si VP Leni bago si Sec. Jesse na NPA, sa [inaudible]. CPP daw, magiging bahagi ng coalition government. Hindi totoo lahat 'yan. Saka ano, klarong klaro, ilang beses niyang sinabi na hindi siya kahit kailan makikipag-alyansa sa sino mang grupo na nagtutulak at gumagamit ng dahas para isulong ang kanilang interes. At bahagi diyan 'yung mga nagrerebelde sa gobyerno.

    Sinabi na niya ilang beses, ipapatupad niya ang whole of nation approach, kasama ang AFP, ang PNP at buong ahensya ng pamahalaan para sugpuin at labanan ang terorismo. Klarong-klaro ang posisyon ni VP Leni diyan at talagang lahat noong mga paulit-ulit na ito, [inaudible], pinipilit na ibato sa amin 'yan dahil nararamdaman na rin nila, lumalakas 'yung kampanya, may momentum, sabi mo nga noong nakaraang Sabado, mahigit 400,000 ang nagpunta sa Pasay.

    VIC DE LEON LIMA: Grabe kayo. Oo. Grabe.

    BARRY GUTIERREZ: So, natural na 'yan na meron talagang paninirang mangyayari. Pero yeah kinaklaro ko, hindi totoo 'yan. Imbento 'yan. Talagang paninira lang 'yan dahil nararamdaman na ng ibang mga kalaban siguro namin na medyo lumalakas itong kampanya ni VP Leni.

    VIC DE LEON LIMA: Alam mo– alam mo Barry totoo 'yung kasabihan eh. Kapag 'yung prutas eh hinog, talagang pipitasin at pipitasin ka. Correct?

    BARYY GUTIERREZ: Tama yan! [laughs]

    VIC DE LEON LIMA: Where do you attribute this, 'yung grabe 'yung tao niyo. I mean, parang ano ba ito? Drawing ba ito? Pero hindi eh. Ang daming nagkukuwento sa akin, mga hindi tumuloy na lakad noong Sabado dahil ang traffic nga daw, well because of your supporter ano. Where do you attribute this, Barry?

    BARRY GUTIERREZ: Una, ang laki ng pasasalamat namin Boss Vic talaga doon sa mga supporters at mga ordinaryong mamamayan na meron silang nakita sa kampanya ni VP Leni. Nakita nila 'yung inaalok niya, nakita nila 'yung kanyang paniniwala tungkol sa ano dapat ang gagawin ng isang gobyerno. Sinasabi niya paulit ulit 'yan. Imbes na 'yung tao ang pupunta sa gobyerno, dapat 'yung gobyerno ang nagpupunta sa tao. At tingin ko madaming nag-aagree doon. Madaming tao na naniniwala din doon kaya 'yan nagsisilabasan. Kita naman niyo, hindi na kailangang anyayahin, sila mismo ang kumikilos. Maski 'yung– maski sa labas ng mga malalaking rally, 'yung pangangampanya, madami diyan mga volunteers na nagkukusa na mag house-to-house, makipag-usap sa ibang tao para mangumbinsi na sumuporta din kay VP Leni. So, malaking pasasalamat na ito. Talagang naging people's campaign talaga.

    VIC DE LEON LIMA: Oo. And this includes 'yung mga artistang mga big time talaga. Talagang matitindi ha? I saw Vice Ganda raising the hands of VP. All of these are volunteers, Barry?

    BARRY GUTIERREZ: Oo, lahat 'yan. Kasi sa totoo lang wala kaming pambayad. Alam mo naman mga Class A celebrities 'yung madami diyan. Talagang mga– sila Vice Ganda, si Angel, di ba kung sino-sinong mga artista ang nandoon, si Piolo di ba? Pero talagang tingin ko, paniniwala lang sila din. Ito, tiwala kay VP Leni, at 'yung brand niya ng governance. So, sana ma-ano, maging mas bukas ang marami sa ating mga kababayan na tingnan kung ano ba talaga ang katotohanan tungkol kay VP, ano talaga 'yung nagawa niya, ano talaga 'yung kanyang pinaglalaban. Dahil tingin ko, kung gagawin nila 'yun, makita 'yung katotohanan, lalo pang dadami at lalakas ang suporta para sa kanya.

    VIC DE LEON LIMA: Hindi, saka maganda kay VP, Barry, hindi siya naapektuhan nitong mga ito. 'Yung mga fake news, 'yung mga anak niya–[crosstalk]

    BARRY GUTIERREZ: Chill lang eh, chill.

    VIC DE LEON LIMA: Wala eh. Parang lalong lumalakas eh.

    BARRY GUTIERREZ: Oo. Eh sabi nga niya eh, focus lang dapat ang kailangang gawin di ba? Eh nasanay na rin kami. Anim na taon na rin kaming binibiktima ng fake news. Ilang pag-aaral na nga ang lumabas na siya ang number one na nababanatan lagi ng mga fake news lalo na sa social media. Pero gaya nga ng sabi mo Boss Vic, eh sanay na. Naka-focus siya doon sa importante. At kung hindi naman totoo, bakit siya magpapaapekto di ba? Pag nadala ka sa emosyon, ikaw talo eh.

    VIC DE LEON LIMA: Oo nga, olat ka doon. Pikon-talo, pikon-talo pare. At saka alam mo, ang dami nating problema eh para atupagin pa natin 'yung mga ganiyang bagay. Ang dami nating problema, Barry. Andiyan pa 'yung pandemya, hindi nawawala di ba?

    BARRY GUTIERREZ: Totoo. Ito nga di ba sinasabi ulit ng DOH baka magkaroon na namang surge ngayong Mayo. Sana nga hindi. Pero totoo, madami tayong hinaharap na problema, sa pandemya, sa ekonomiya. So, sa kabila ng lahat ng mga binabato nila kay VP Leni, doon ang focus niya, papaanong makakapagbigay ng solusyon dito. At nakita naman natin 'yan sa pagiging Vice President niya. Kahit maliit ang budget, kahit na madaming mga sinasabi sa kanya, tahimik lang na nagtrabaho nitong nakaraang dalawang taon.

    VIC DE LEON LIMA: That I know. Yeah, correct. Correct. Nakikita ko 'yun. Alam ko 'yan, alam ko 'yan. At talagang ramdam ko 'yan. You know, given the opportunity talaga na maging Pangulo si VP, palagay ko maraming ano eh, maraming makikinabang, maraming– at saka nanay siya eh. 'Yun ang maganda doon, [inaudible] nanay siya, naalala niya 'yung mga maliliit. Kumbaga 'yung mga anak niya, 'yun 'yung the laylayan thing, 'yung ang pinakaimportante doon. At sinabi nga niya the other time, 'aba ay ako ho ang magiging Presidente na hindi mahirap lapitan at hindi mahirap kausapin.’ 'Yun kailangan natin 'yun, Barry, 'yung mga ganoong statement eh di ba?

    BARRY GUTIERREZ: Tama 'yan. Tama 'yan. At sana nga magkaroon ng pagkakataon. Kita naman niyo, 'yung kanyang mga proyekto, 'yung kanyang mga ginagawa, maski siya mismo kailangang magpunta sa mga malalayong lugar, ginawa niya 'yan. At saka– 'yun talaga, nandoon talaga ang puso niya.

    VIC DE LEON LIMA: Alright. Siguro nasa iyo ang pagkakataon, Barry, nakikinig ang ating mga botante sa DWIZ. Nasa iyo ang floor. Go ahead, Attorney Barry.

    BARRY GUTIERREZ: Siguro sa naiiwang two weeks na lang nitong ating kampanya, siyasatin natin nang mabuti ang mga qualifications ng ating mga kandidato. Alamin natin 'yung totoo. Huwag lang tayong magpadala sa mga nakikita natin sa social media kasi malungkot mang isipin, madami diyan hindi totoo. Madali namang hanapin ang katotohanan di ba? Kausapin ang ating mga kaibigan, mag-google tayo at mag-research tayo ng– on our own. At confident kami, basta lumalabas lang 'yung totoo, madami talagang makukumbinsi na si Leni Robredo ang nararapat talagang maging Pangulo natin dito sa darating na Mayo.

    VIC DE LEON LIMA: Attorney Barry Gutierrez, good luck. Good luck kay VP. Mag-ingat po kayo and good luck sa May 9.

    BARRY GUTIERREZ: Thank you, Boss Vic at ingat ka lagi.

    VIC DE LEON LIMA: Alright. Thank you, Attorney Barry Gutierrez.


    [END]

    Posted in Transcripts on Apr 25, 2022