This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Atty. Barry Gutierrez Partners Punto Derecho, DZME 1530

    Interview with Atty. Barry Gutierrez
    Partners Punto Derecho, DZME 1530

    [START 10:24]

    WILLIE DELGADO: Nasa linya natin ang opisyal na tagapagsalita ng kampo po ni Vice President Leni Robredo. Nasa linya natin si Atty. Barry Gutierrez. Atty. Barry, magandang hapon po sa inyo.

    JORGE BANDOLA: Good afternoon Atty. Barry. Atty. Barry?

    WILLIE DELGADO: Ayan, connected na ‘yung audio. Atty?

    BARRY GUTIERREZ: Hello! Kumusta po?

    WILLIE DELGADO: Ayan!

    JORGE BANDOLA: Nakita din namin ang kagwapuhan mo ulit.

    BARRY GUTIERREZ: [Laughs] Talaga naman ha.

    JORGE BANDOLA: Tatlo na tayong gwapo dito ha.

    BARRY GUTIERREZ: Oo, talagang sobra-sobra na tong zoom meeting na to ng kagwapuhan, sobra.

    WILLIE DELGADO: Talaga bang sinadya mo ‘yang kulay mo, ‘yang backdrop mo saka yang damit mo?

    BARRY GUTIERREZ: Ay hindi. Nagkataon lang talaga, nagkataon lang na ganyan ang—

    WILLIE DELGADO: [Laughs]

    BARRY GUTIERREZ: — suot ko.

    JORGE BANDOLA: Tayo pa ba naman eh. Parepareho lang naman tayong gwapo, puwede namang sabihin nating huwag na tayong magbolahan. [Everyone laughs].

    WILLIE DELGADO: Hindi kasi, ang kagandahan ng suot mo ngayon, hindi halata.

    BARRY GUTIERREZ: Ay hindi ba? [Laughs]

    JORGE BANDOLA: Hindi halata eh. Hindi matapang. Anyway, Atty. Barry kumusta na po si Ma’am Leni?

    BARRY GUTIERREZ: Ito, frustrated dahil siyempre gusto niya sana makalabas at makapagpatuloy doon sa kanyang pag-ikot ngayon pero dahil sa surge nga, medyo kailangang mag-reschedule ng mga madaming activities at ang tutok namin uli ngayon ay itong response sa, sa COVID. Mismong staff namin ang daming nagkasakit. Meron kami kasi ‘yung Bayanihan E-Konsulta, di ba, na mga volunteer doctors ang nagsa-staff. Siguro kalahati noong aming mga volunteers either nagkasakit kaya hindi makakatulong o kaya sobrang overloaded ng trabaho sa ospital kaya hindi nakakabigay ng oras para dito. Pero patuloy pa rin ‘yung aming ginagawa. Ang hirap lang talaga dahil after Dece— noong December akala natin, parang ano na eh, papaluwag na ‘yung—

    WILLIE DELGADO: Correct. Inaasahan nga natin pagpasok ng 2022 magtutuloy-tuloy na tayo di ba?

    BARRY GUTIERREZ: Tama. Tama, pero ngayon dahil nga pumutok ulit dahil dito sa Omicron, ‘yun ulit ang tutok ni VP Leni, isantabi muna ‘yung paghahanda para sa kampanya, isantabi muna ‘yung mga ikot at balik tutok dito sa usapin ng COVID. So, ‘yung ating Bayanihan E-Konsulta, ‘yung aming Vaccine Express, at noong isang araw ‘yung Swab Cab, siya mismo ang nagpunta. So, ginagawa kung ano ang magagawa para makatulong sa ating mga kababayang malagpasan ulit itong bagong surge na ating hinaharap.

    JORGE DELGADO: Hindi naman po nagiging sagabal ‘yung ilang mga LGU para, para maipagpatuloy ang mga programang ito? Ibig sabihin, wala namang LGU na humaharang sa mga programang ito tulad ng Swab Cab, ‘yung mga ano, ‘yung pagpapa— pagde-deploy ninyo ng mga– ng mga instrumentong makakatulong sa ating mga kababayan?

    BARRY GUTIERREZ: Salamat naman wala. In fact napaka-helpful ng madaming mga LGUs. Madami doon sa aming mga initiatives, paulit-ulit nang sinasabi ni VP ito, hindi magagawa kung hindi dahil sa partnership ng ating mga LGUs. So, nagpapasalamat kami na sa lahat naman ng mga pagkakataon dito sa kasalukuyang surge na ating hinaharap, napakamatulungin at napaka-supportive ng mga LGUs na aming mga nakatrabaho.

    WILLIE DELGADO: So hindi nangangahulugan na ‘yung buong camp ni VP Leni ay indefinite suspension ‘yung nangyayari. Sa, sa— may mga angle o may mga aspeto kayo na itinutuloy ninyo ‘yung inyong ano, especially itong mga pagtulong sa mga nangangailangan. Ganoon ba ‘yun Atty?

    BARRY GUTIERREZ: Tuloy ‘yung ano, tuloy ‘yung, ‘yung operations para sa COVID response. Madami sa mga campaign-related activities medyo na-postpone kasi dalawang bagay. Una, ‘yung mismong kandidato mo si VP Leni ang tinututukan, COVID. So, syempre hindi siya makakaikot at di ba sa panahon na ito alam naman natin ang kandidato mismo sana dapat ang humaharap pero bukod diyan, ang daming nagkasakit sa staff namin mismo kaya ‘yung mismong—

    WILLIE DELGADO: — pero di ba siya nag-positive din? Si VP Leni?

    JORGE BANDOLA: Oo nga.

    BARRY GUTIERREZ: Hindi pa, hindi pa, parang— madami nang, madami nang close calls si VP, in fact itong nakaraang January, ‘yung isang close in security niya nag-positive, nakasama niya, pero suwerte siya, hindi na— hindi siya nag-positive so siguro kahit papaano may guardian angel pa rin siyang nagbabantay. Dito sa nakaraang dawalang taon, andami nang mga pagkakataon na na-expose siya pero hindi pa naman nagkakasakit so malaking pasasalamat doon, pero ‘yung kanyang anak, si Tricia, si Doc Tricia, noong December, nag-positive kaya nag-stay sa isang quarantine facility. Nakalabas lang nito nang January, pero ngayon back to work, isa sa mga volunteers namin sa Swab Cab at sa Bayanihan E-Konsulta.

    WILLIE DELGADO: Oh, may mga lumabas kasing report kamakailan lamang na positive daw si VP Leni at kagandahan daw noon, makakasama na niya ‘yung mga anak niya. At least makakapahinga siya, parang ganoon.

    ATTY: BARRY GUTIERREZ: [laughs] Hindi, hindi, hindi. Hindi siya nag-positive. Sa– sa kabutihan ng ating Panginoon at mabuti at swerte rin niya, hindi naman siya nagpa-positive kaya tuloy lang ‘yung kaniyang trabaho.

    JORGE BANDOLA: Kaya po pala si Atty.– si Madame Leni, o, tama, Atty. rin, Madame Leni, in fighting mode sa mga Twitter na nababasa ko.

    ATTY: BARRY GUTIERREZ: [laughs]

    JORGE BANDOLA: Hindi man siya positive, ‘di ba, sa COVID…

    WILLIE DELGADO: Oh?

    JORGE BANDOLA: Positive siya sa challenge. Eh, mas gusto daw niyang hindi ma-disqualify si BBM. Tama ba ‘yun?

    ATTY: BARRY GUTIERREZ: Tama ‘yun. Dati pa niya sinasabi ‘yan eh ‘di ba. Syempre, kasi ‘pag na-disqualify, ang dami pang magsasabi eh ‘di ba na kasi kaya lang– kaya lang ganiyan naging resulta kasi na-disqualify. Eh, natalo na niya sa eleksyon ‘yan, natalo sa recount, ‘di ba, natalo sa kaso, ‘di ba. So, sa kaniya klaro, ‘di ba? Kung laban, laban, ‘di ba, para walang– wala nang duda kung anong– anong resulta. At saka syempre, demokrasya tayo eh, ‘di ba. Mas gusto natin na ang magiging determinant ng kung sino mauupo ay eleksyon, ‘di ba. So, ‘di ba, nandiyan ang eleksyon. Handang-handa si VP na ilaban ito sa kampanya at sa botohan.

    JORGE BANDOLA: Oh, baka kailangan po ng supplemental evidence ninyo in support doon sa kampo ni BBM. [laughs]

    ATTY: BARRY GUTIERREZ: [laughs] Naku! Ayaw namin pakialaman ‘yang kasong ‘yan. Bahala sila diyan. [laughs]

    JORGE BANDOLA: Eh ‘yung pagsuporta lang na dapat hindi siya i-disqualify…

    ATTY: BARRY GUTIERREZ: [laughs]

    JORGE BANDOLA: … sa COMELEC.

    ATTY: BARRY GUTIERREZ: Sa amin ‘yun ang preference niya eh, pero ‘di ba? Ano ‘yan eh, usaping legal, ‘di ba, usapin ng batas, ‘di ba? So, kung ang sinasabi nila na wala namang batayan, eh ‘di, ‘di ba, pakita nila ‘yung ano, ‘yung kanilang batayan at ‘yung kanilang ebidensya doon sa COMELEC. ‘Yun naman ang tamang venue para dito eh.

    JORGE BANDOLA: Eh ba– pero…

    WILLIE DELGADO: Pero ano yung balitang – partner, sorry ah – pero ano ‘yung balitang nagkakagulo raw ‘yung mga campaign managers ni VP Leni? Ano– ano bang nangyayari diyan sa loob?

    ATTY: BARRY GUTIERREZ: Hindi naman totoong nagkakagulo ‘yung campaign managers. Ang– siguro ang pinaka-source ng ganiyang klaseng mga ano, ang hi– mula simula kasi ‘di ba People’s Campaign kami, ‘di ba? Noong nagdeklara si VP Leni noong October 7, talagang taumbayan mismo ang lumabas, kumilos para sa kampanya niya, ‘di ba. Nagkaroon tayo ng caravan noong– noong October. Tuluy-tuloy ‘yung pagpapalugaw at pangangampanya ng mga volunteers. Ang kab– ang isang aspeto noong ganoong klaseng passion ng ating mga– ng mga volunteers, maraming mga ideya, madaming mga opinyon. At syempre kapag social media, napapaabot, na– naipapaabot through social media ‘yung mga opinyon na ‘yun. So, minsan may mga lumalabas dapat ito ginawa, dapat ito sana ‘yung mas magandang gawin diyan, sana itong commercial na ito na-improve, sana itong mensaheng ito mas maganda. Sa’kin, sa’min, hindi ‘yun ano, hindi ‘yun sign ng– ng pagkakagulo. Sign ‘yun na meron kang active na volunteer base, ‘di ba, na willing na mag-engage, invested. So, ang challenge sa amin, at tingin ko nagagawa naman ka– kahit papaano, paanong magagamit ‘yung mga ideya na ‘yun, ‘yung creativity na ‘yun para lalong mapalakas ‘yung kampanya. Unti-unti naman nating ginagawa ‘yan.

    JORGE BANDOLA: Tama ‘yung binanggit mo, Atty. Barry, speaking of ads, kasi marami ang– marami ang– kasi ngayon ka lang namin nakausap eh.

    ATTY: BARRY GUTIERREZ: [laughs]

    JORGE BANDOLA: Matagal na rin namin itinanong– itinanong sa iyo ito doon noon– noon eh.

    ATTY: BARRY GUTIERREZ: Oo.

    JORGE BANDOLA: Bakit daw napaganda sana ‘yung hadouken? Hadouken…

    ATTY: BARRY GUTIERREZ: [laughs]

    WILLIE DELGADO: Kaninong idea? Kaninong idea ‘yun, Atty?

    ATTY: BARRY GUTIERREZ: Mga volunteers ‘yan. Ayan na naman, ‘di ba. Ang mga volunteers natin, gumagawa ng kani-kanilang mga materyales, ‘di ba, na lumalabas sa social media. Hindi naman lahat ‘yun naa-approve nung– nung campaign eh, ‘di ba. May– may sarili silang ideya, may sariling ano.

    JORGE BANDOLA: Pero lumabas.

    ATTY: BARRY GUTIERREZ: Lumabas, ‘di ba? Madaming hindi natuwa. But on the other hand, pag tiningnan mo ‘yung ano niyan ah, ‘yung reach niyan, mahigit milyon-milyon. Milyon-milyon ang reach niyan sa TikTok. So, ‘di ba, madaming hindi naka-gusto, pero madaming nakakita at pinag-usapan. Tama ka doon, sir.

    JORGE BANDOLA: ‘Yun ang goal, pinag-usapan, ‘di ba?

    WILLIE DELGADO: Oo.

    ATTY: BARRY GUTIERREZ: Oo, tama.

    JORGE BANDOLA: Pero, pero, partner, anong sinasabi mo?

    WILLIE DELGADO: Eh wala, baka– baka hindi na umulit si Atty.

    ATTY: BARRY GUTIERREZ: [laughs] Hindi lang, sige lang, naku. [laughs] Sa mga– sa ating mga kapwa gwapo, ‘di ba kahit ano puwede pag-usapan, ‘di ba.

    WILLIE DELGADO: Teka lang, baka– baka hindi na umulit si attorney. [laughs]

    BARRY GUTIERREZ: [laughs] Hindi lang, sige lang, nako. Sa mga– sa– sa ating mga kapwa-gwapo, di ba, kahit ano, puwedeng pag-usapan. Di ba? [laughs]

    WILLIE DELGADO & JORGE BANDOLA: [laughs] Oo nga naman.

    JORGE BANDOLA: Pero– pero ito. Hindi ba kayo natatakot doon sa mga overwhelming support na nakukuha noong– sabihin natin, si BBM. In all the surveys na lumalabas, at one digit lang halos, suwerte nang maka-two digit halos si Ma'am Leni sa mga lumalabas na survey. Hindi ba kayo na-aano doon, na-didisappoint?

    BARRY GUTIERREZ: Hindi? Siyempre, una, talagang nakaka– hindi naman nakakasindak, pero siyempre mas gusto mo na mas mataas ang numero mo eh, di ba, sa survey, di ba? At definitely, 'yung numero ni BBM, malaki ang lamang niya, malaki 'yung kailangang habulin.

    Pero natutuwa kami, unang-una, na malaki na ang tinaas ng numero ni VP Leni. Di ba? Nagsimula siya, mga 6%, 8%. Ngayon nasa 20. Di ba? So, mali– mahigit doble na 'yung tinaas. So sa aming– sa aming plan– plano, sa aming trajectory, sapat na muna 'yun hanggang ma– para sa ngayon. Di ba? Umabot ng mga 20, 20+ by December. So nagawa namin 'yun.

    Ang hamon ngayon, paanong mapapa-ata– mapapa-taas pa lalalo 'yun, at lalong mapaliit itong– itong lamang na kasalukuyang hinahawakan ni– ni BBM. At ako, ang tingin ko, survey naman kasi, hindi naman 'yan ang eleksyon eh. Di ba? Parang indicator 'yan, snapshot sa puntong ito, pero mahaba pa ang– one hundred– ano ba ngayon? One hundred fifteen days pa bago– bago mag-eleksyon.

    At nabubuhayan ang loob ko tuwing nakikita ko 'yung aming iniisip na advantage sa– sa kampanyang ito: 'yung lakas at 'yung sigla, at 'yung kilos noong mga volunteers. Ngayon lang ako nakakita ng ganyan talaga kalaka– ano, ka-active ng mga volunteers. Imbes na sila 'yung popondohan mo, eh sila mismo naglalabas ng pondo eh. Imbes na sila maghihintay lang para ka anon– ano 'yung sasabihin sa kanilang gawin, sila mismo nag-iinitiate noong kanilang mga pagkilos.

    Kaya, ako, 'yun ang inaasahan namin, at tingin ko, malaki ang maitutulong noon sa lalong pagtaas ng numero ni VP sa darating na mga buwan dito sa naiiwang 115 days bago eleksyon sa Mayo.

    WILLIE DELGADO: So, attorney, having said that, may kinalaman diyan sa survey, is it tantamount to admission na you recognize 'yung survey?

    BARRY GUTIERREZ: Ako naman, mahirap namang hindi i-recognize ang survey eh. Di ba? Scien– basta, scientific 'yan, at nakabatay talaga sa isang maayos na proseso, meron talagang accuracy 'yan.

    Pero gaya nga ng sinabi ko, snapshot 'yan. Ibig sabihin, hindi yan ang– hindi yan ibig sabihin, 'yan na ang magiging resulta. Di ba? 'Yan ang– 'yan ang sentimiento ng mga tao sa kasalukuyan, pero kaya ka nga may kampanya eh, di ba? At kung titignan natin ang kasaysayan ng mga surveys sa eleksyon, kadalasan, 'yung lamang ng ganitong panahon, December, early January, ah, hindi pa sigurado 'yan. Madami pang nagbabago. Di ba?

    At sa amin, doon magkakasubukan eh, di ba, pag 'yung kurso ng kampanya, sa sipag noong mga kumikilos, sa marami pang mangyayari. Yan ang magbabago ng numero, at sa dulo, 'yan ang magdidikta kung ano ang magiging resulta ng ating eleksyon.

    JORGE BANDOLA: Sabi nga, judging from the 2016 elections, partner and Atty. Barry, di ba nangunguna noon si– naalalala mo, si Jejomar Binay?

    WILLIE DELGADO: Oo, oo.

    BARRY GUTIERREZ: Wala.

    JORGE BANDOLA: Ano– anong nangyari, di ba?

    WILLIE DELGADO: Oo.

    BARRY GUTIERREZ: Saka huwag nating kalimutan 'yung ano, 'yung vice presidential election noon. January noon, si VP Leni wala pa yatang 10% eh. Nagsimula nga siya, 1% eh, di ba, noong– noong puntong ito. Sa dulo, siya ang nanalo.

    So... ano 'yan eh, kaya nga may kampanya tayo eh. Di ba? Para may– ibig sabihin, hindi, ano, hindi nakataga sa bato anumang resulta ng survey. Lalo na ganito pa ka– ganito kaaga.

    WILLIE DELGADO: Pero speaking of kampanya, nabanggit mo na rin lang, eh kasabay na lumalabas diyan 'yung mga, may mga fake news fake news daw. Na– hindi ba kayo nahihirapang i– i-address itong ano, itong mga fake news na ito against VP?

    BARRY GUTIERREZ: Well, mahirap dahil ang dami. Di ba, 'yun 'yung punto? At hindi lang ngayon nagsimula 'yan, ngayong kampanya. Talagang lima't kalahating taon na naming binubuno 'yung paglalabas ng fake news laban kay VP, sa kanyang pamilya, sa kanyang mga anak, etc. Di ba? Tuloy-tuloy ang paninirang 'yan.

    Pero ang isang bagay na natutunan namin, kailangan talaga, kontrahin kaagad. Hindi puwedeng tumahimik, hindi puwedeng umasa ka lang na, ay hindi maniniwala mga tao diyan. Kahit gaano ka-absurdo 'yung sasabihin basta paulit-ulit na marinig, may maniniwala't maniniwala eh. So...

    WILLIE DELGADO: Eh kasi parang lumalabas, Attorney, parang wala nang magandang nasabi si VP eh.

    BARRY GUTIERREZ: 'Yun nga eh, pag– pag pinakinggan mo 'yung mga trolls, 'yun nga 'yun. Pero ngayon, tingin ko unti-unti namang lumalakas 'yung mga boses na kumokontra dito sa fake news na ito. Lumalakas din 'yung boses ng mga supporters na nilalabas 'yung katotohanan tungkol sa ano ba talagang nagawa ni VP Leni. Kasi halimbawa ang isang paulit-ulit na sinasabi, wala daw nagawa. Hindi daw– wala naman daw– wala naman daw ginawang mabuti. Eh kung titingnan mo 'yung listahan ng mga ginawa ni VP Leni, isa siya sa mga pinaka-masipag na opisyal ng ating pamahalaan. Hindi lang panahon ng COVID pero noong panahon pa na walang COVID, 'yung kanyang Angat Buhay program. Siya mismo nagpupunta sa malalayong lugar para magdala ng tulong sa mga tinamaan ng bagyo, tinamaan ng lindol, nadamay sa pagputok ng bulkan, di ba? So ako ano lang, ang kailangan lang talaga mangyari, maipalabas 'yung katotohanan. At nagpapasalamat kami na dahil nga very active 'yung mga volunteers, malaki ang kanilang natutulong at kanilang nasusuporta para maipalabas ito at ma-kontra 'yung fake news laban kay VP Leni.

    JORGE BANDOLA: Speaking of support, hindi ba kayo natatakot na mawala ang mga financial supporters ng– ni VP Leni kapag nagpatuloy naman ang trend na mababa pa– na mababa siya sa mga survey?

    BARRY GUTIERREZ: Ako hindi, dahil papataas nga 'yung numero niya eh, di ba. In fact, parang noong lumabas 'yung 20 at malinaw na na ang magigi– na mukhang ang magiging eleksyon na ito Marcos versus Robredo, ako parang feeling ko mas madaming susuporta kay VP Leni kasi lahat ng mga hindi komportable na sumuporta kay Bongbong Marcos ay nakikitang– siya na lang ang kandidatong kanilang nakikitang may pag-asa na– na manalo laban sa kanya at si VP Leni 'yun. So ako tingin ko magandang-maganda ang aming posisyon sa kasalukuyan.

    JORGE BANDOLA: Maliban doon, anong– anong factor noong ano, noong manifest of support noong mga dating opisyal ni– ni dating Pangulong FVR?

    BARRY GUTIERREZ: Well ano talaga 'yun, ang laking boost noon both morally saka politically di ba. Kasi syempre morale boost 'yun eh. Mga tao ito na nagsilbi sa gobyerno. Madaming nagsasabi si FVR isa sa mga pinakamahusay nating naging Pangulo at 'yung kanyang Gabinete isa sa mga pinaka respetado na– na Gabinete sa ating kasaysayan di ba. So 'yung makuha 'yung kanilang suportang ganoon, magsabi na buo ang kanilang tiwala kay VP at sa kanyang pamumuno, laking morale boost noon. Politically, syempre itong mga taong 'to madaming– may impluwensya 'yan kahit papaano. May mga– may kanya-kanyang constituencies 'yan, may kanya-kanyang spheres of influence at hopefully di ba, magti-trigger din 'yan ng mas madaming suporta na susunod sa kanila para kay VP Leni. So malaking pasasalamat talaga at malaking tulong 'yan sa aming tingin.

    JORGE BANDOLA: Last question on my part, Atty. Barry. Wala bang last-ditch– wala ba kayong nakikitang last-ditch effort to– to unite itong kampo nina Pacman, nila Isko, nila Ping just to support behind VP Leni?

    WILLIE DELGADO: Naunang naging ano– naunang naging objective ng ano di ba ng kampo ni VP Leni?

    BARRY GUTIERREZ: Well ang sinabi naman niya diyan talagang ginawa niya lahat ng magagawa niya para pag– pag-isahin, kinausap lahat di ba. Unfortunately, hindi natuloy. Ngayon, sa pansamantala ang focus talaga kani-kaniyang kampanya pero mahaba pa eh. Apat na buwan pa 'to, marami pang posibleng mangyari. Lagi namang bukas si VP na makinig at makipag-usap kung sakaling may posibilidad pa at kung 'yan ang mangyayari sa darating na mga linggo, eh di ba parang tingnan na lang natin, di ba? Anything is still possible, 'yun ang aming sinasabi dito.

    WILLIE DELGADO: Okay, Atty. Barry, maraming salamat. Ingat po kayo ha. Kumusta na lang kay VP Leni.

    BARRY: Ingat din kayo, maraming salamat. Aasahan kong iimbitahin niyo 'ko uli dito ha?

    WILLIE DELGADO: Sure. Gusto namin live, live ka na.

    BARRY GUTIERREZ: Pag wala nang surge sige mag-live tayo. Sige ingat, ingat. Ingat kayo. Salamat din.

    WILLIE DELGADO: Maraming salamat. Si Atty. Barry Gutierrez, siya pong opisyal na tagapagsalita ng kampo ni Vice President Leni Robredo.

    [END 29:06]

    Posted in Transcripts on Jan 14, 2022