This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Atty. Barry Gutierrez on SOS

    Interview with Atty. Barry Gutierrez on SOS
    SOS: Special on Saturday with Cesar Chavez, DZRH News

    [START 00:00:00]

    CESAR CHAVEZ: Siya ho ang opisyal na tagapag-salita ni Vice President Leni Robredo. Attorney Barry? Magandang umaga ho sa inyo.

    BARRY GUTIERREZ: Magandang umaga Ka Cesar at magandang umaga sa lahat ng ating mga tagapakinig.

    CESAR CHAVEZ: Infiltrated na raw kayo? Ang nagsalita ay isang senador at ang isa ay isang kongresista. Infiltrated na raw kayo ng National Democratic Front Communist Party of the Philippines, New People's Army, ang hanay daw ni Vice President Leni Robredo ay infiltrated na ng mga ito. Ano ho ang opisyal na pahayag ng ating pangalawang pangulo?

    BARRY GUTIERREZ: Una, ito'y pawang kasinungalingan Ka Cesar. Klarong klaro na 'yung mismong mga taong nagpaparatang nitong napaka-lalang bintang na ito ay wala namang naipre-presentang kahit na anong ebidensya. Nagsalita na ang mismong mga supporters natin, ‘yung Robredo's People Council sa Cavite at sila na ang tumanggi dito sa pangyayaring ito at nainsulto pa nga sila dahil parang tinawaran 'yung mga kanilang efforts at 'yung kanilang pagpapakahirap para siguraduhing madaming makapunta doon.

    So, ito'y isang bagay na klaro na ano lang, pamumulitika lang, walang batayan at nakakabahala lalo na– lalo na ngayong panahon dahil obviously ang sinisikap nito ay takutin 'yung mga tao mula sa pagpunta sa mga– mga rally ni VP Leni, at natutuwa naman tayo na kung pagbabatayan natin 'yung kahapon sa Bacolod na 70,000 ang nagpunta, eh mukha namang hindi yata umubra. Kaya buti na lang hindi naniniwala ang mga tao dito sa paratang na ito.

    CESAR CHAVEZ: In-expect ho ba ninyo na darating sa punto ang ganitong mga paratang laban sa inyong kampo?

    BARRY GUTIERREZ: Well, sanay na kami Ka Cesar sa ganitong klaseng paninira pero ibang level ito. Siguro talaga may na– merong nararamdamang pagbabago sa ihip ng hangin ngayong mga nakaraang mga linggo, lalo na't padami ng padami ang mga dumadalo sa mga rally ni VP Leni, at klaro na lumalakas lalo ang suporta para sa kanya. So, siguro kailangan lang naming masanay na papalapit sa eleksyon habang lalong lumalakas 'yung momentum, eh talagang magkakaroon ng ganitong klaseng mga– mga pagbibintang then itong klaseng paggagawa ng kuwento, ganitong klaseng fake news na ibabato sa ating kampanya.

    CESAR CHAVEZ: Kung sakali na si Vice President Leni Robredo ang papalarin na maging pangulo at manalo sa May 9, 2022 elections, ano ang magiging pagtrato ng isang Leni Robredo sa mga puwersa katulad ng NDF, Muslim groups, mga indigenous peoples, 'yung mga merong matitinding agenda ng pagbabago sa pamahalaan at sa lipunan. Ano ho ang magiging pagtrato ng– kaya ng ating pangalawang pangulo sa kanil?

    BARRY GUTIERREZ: Well klaro na ang sinabi ni VP Leni tungkol sa usapin ng ganitong klaseng mga tunggalian na sisikapin nating magkaroon uli ng peace talks, sisikapin nating magkaroon ng maayos na pag-uusap, para matapos itong– itong gulong ito. Pero kung hindi magiging matagumpay ang peace talks, bilang commander in chief, 'di ba bilang pangulo ng ating bansa, eh ipapatupad niya ang batas at talagang gagamitin ang kailangang gamitin, kung military force man 'yan o anuman, para tiyakin na 'yung mga lumalaban sa gobyerno ay hindi mapapayagang makagulo sa buhay ng ating mga kababayan at ng ating lipunan.

    CESAR CHAVEZ: Naipapabalita Attorney Gutierrez ng ating pangalawang pangulo ay more less buo na ang kanyang national security team or at least 'yung mga tao na retired generals na eligible sa national defense and security, international security. Napag-uusapan ho ba ninyo, number one 'yung kung ano ang magiging agenda ng ating pangulo pag dating sa militar, sa Philippine national police, law enforcement agency, buo na ho ba ang kanyang legislative at executive agenda sa larangang ito?

    BARRY GUTIERREZ: Meron nang plano Ka Cesar. In fact sa mga nakaraang interview at sa nakaraang debate, na-discuss na niya ang mga ibang aspeto ng kanyang national security at peace and order strategy. Kasama dito ang patuloy at ng pagpapalakas at modernization ng ating Armed Forces of the Philippines, ang patuloy na pagtulak at pag-promote ng institutional independence at professionalism. Ganoon din sa Philippine National Police, balak niyang magkaroon din ng modernization program for PNP. Hindi lang in terms of 'yung equipment, o kagamitan pero pati ng mga law enforcement at crime solving techniques.

    So naintindihan ni VP Leni, madami sa mga problemang hinaharap natin lalo na 'yung issue natin sa West Philippine sea, ay nag-rerequire ng isang handa at malakas na sandatahang lakas ng Pilipinas, at siya ay determinado na 'yan ay magawa para sa kabutihan at para sa kapakanan ng ating bansa.

    CESAR CHAVEZ: Alright. Attorney Gutierrez, kahapon sa isang pagpupulong ng 1Sambayan, inilahad at inilatag ng ilang miyembro ng National Security Team ni Vice President Leni Robredo ang shift– posibleng shift sa maritime power. Ano ho kaya ang ibig sabihin ho nito?

    BARRY GUTIERREZ: Eh kasi Ka Cesar, archipelago tayo 'di ba? Parang isla at karagatan ang Pilipinas. So, dagdag pa dito 'yung ating kasalukuyang issue sa West Philippine Sea, malinaw na meron tayong pangangailangan na palakasin ang ating kakayahan na mag-exert ng ating kapangyarihan sa ating mga karagatan di ba? Sa West Philippine Sea, sa iba pang mga lugar na nakapaligid na tubig dito sa ating bansa kaya 'yun ang kailangang tutukan. Sa nakaraang mga taon, meron tayong modernization program na pinapatupad. bahagi na dito ang pagpapalakas ng ating Navy. Pero dapat pa nating lalong dagdagan ang ating kakayahan dito sa issue na ito, Navy at Coast Guard, dahil mahalaga 'yan para mabantayan ang ating teritoryo.

    CESAR CHAVEZ:: Alright. By the way, naipapabalita na parang may threat din sa kaligtasan ng ating pangalawang pangulo, ito ho ba ay validated? Itong threat na ho ba ito– ito ho ba ay physical threat Mr. Spokesperson?

    BARRY GUTIERREZ: Well Ka Cesar noong isang araw, nagkaroon ng post sa social media. Merong nananakot na bubuhusan daw ng asido si VP Leni sa kanyang pagdalaw sa Bacolod. Ito ay napa-abot na sa kanyang security team kaya pinaghandaan naman ito para matiyak na siya ay maging ligtas, maging ligtas 'yung kanyang mga kasama, maging ligtas ang sino mang mga supporter na dadalo dito sa mga– sa kanyang mga political rallies. Naibanggit na rin ito at nai-report sa mga awtoridad at nagpapasalamat naman tayo na merong pag-tugon dito. Kasalukuyang iniimbestigahan, kasalukuyang tinitignan at salamat naman na kahapon, doon sa napakalaking rally sa Bacolod, wala namang nangyaring insidente at hindi naka-apekto sa pag dalo ng, sabi ko nga kanina, 70,000 na mga Negrenses sa rally sa Bacolod.

    So, sanay na rin kami. Kahit papaano sa mga ganitong klaseng mga pananakot, pero siyempre bawat threat, bawat banta kay VP Leni at sa kanyang kaligtasan ay siniseryoso ng kanyang security team at ginagawa ang kailangang gawin para siya ay maprotektahan.

    CESAR CHAVEZ: Sabi ng marami, 'yung from Iloilo inilipat 'yung korona, nakapag-break ng numero ang Cavite kahapon si Board Member Kerby, meron daw bang turnover ng korona sa Bacolod. Pero ngayong sumisigaw 'yung mga nakikinig sa atin sa DZRH Tuguegarao, at sa Isabela sapagkat pupunta raw ang ating pangalawang pangulo from Bacolod to Region Two. Sabi ng marami at nagtatanong, saan ba humuhugot ng energy ang ating pangalawang pangulo?

    BARRY GUTIERREZ: Talaga namang dati pang malalim ang balon ng enerhiya ng– ni VP Leni Ka Cesar. Kami nga sa OVP, sa nakaraang halos anim na taon, minsan kami ang hirap na hirap na sumabay sa kanya. Kasi parang hindi siya nagpapahinga, tuloy-tuloy ang trabaho. So, hindi katakataka para sa mga matagal na siyang nakakatrabaho itong ganitong klaseng schedule na kanyang sinusunod. Parang magkakasunod na araw mula Visayas papuntang Northern Luzon eh parang balewala lang. So, ganyan lang talaga si VP Leni. Tingin ko, 'yung pagpunta ng mga marami sa ating mga kababayan at 'yung kanilang pinararamdam sa kanya na pagmamahal at suporta malaki ding tulong sa pagbibigay ng energy kay VP Leni para sa mga ikot na ito.

    CESAR CHAVEZ: Attorney Barry, 'yung pataas ng pataas ang numero sa mga dumadalo, ano kaya ang pinahihiwatig po nito? And sa kabilang banda, 'yung mga nakalipas na survey ay number two pa rin ang ating pangalawang pangulo at medyo malayo, malayo ang distansya sa nangunguna. Papaano natin ire-reconcile ang isang katotohanan na may survey at ang isang katotohanan na nakikita ang tao na dinudumog ang kanyang rally?

    BARRY GUTIERREZ: Alam naman natin Ka Cesar na ang mga surveys, snapshot yan di ba? Snapshot ng isang– para siyang punto ng panahon, di ba? Ganyan ang nararamdaman ng mga taong na-interview sa survey na 'yun. Pero tingin ko, itong mga nakaraang araw, itong nakaraang mga linggo na lalong klaro na kahit saan siya magpunta, padami nang padami ang mga taong nagpupunta. At hindi lang sila sa madami, talagang excited, talagang energetic, talagang kita mo talaga na sila ay kumilos para mapunta doon. Hindi lang napilitan pero talagang kusang nagpunta, ito ay isa rin snapshot ng nakikita naman natin on the ground, di ba? So ang aming pagtingin dito, ito ay nakakapagbigay ng momentum kay VP Leni, ito ay makakapaggalaw ng numero at buo ang ating loob, 'yang survey susunod 'yan sa nakikita natin sa lupa nitong mga nakaraang araw.

    CESAR CHAVEZ: Walang bayaran dito Attorney Gutierrez?

    BARRY GUTIERREZ: Naku, walang wala. Eh kahapon nga, halos lahat ng– mula ng nagkaroon ng ganyang paratang sa isang pulitiko, bawat punta ni VP Leni bawat rally, nagcha-chanting ang mga tao "Hindi kami bayad." Kasi nga, kitang kita mo naman, ito talaga ay mga taong kusang nagpunta, excited na magpunta, hindi pwinersa o napilitan. Makikita mo naman eh, 'yung mga taong hakot eh medyo matamlay 'yan di ba? Parang naghihintay lang na matapos. Pero pag nakita mo 'yung mga dumadalo sa mga rally ni VP Leni, hindi lang nakatayo doon at nanonood, talagang excited na excited, nagdadala ng kanilang mga homemade sign, nagchi-cheering, kumakanta. Ibang klase, ang taas talaga ng level of energy at talagang mabubuhayan ka na buhay na buhay ang people's campaign na sumusuporta kay VP Leni pag nagpunta ka sa mga events na ito.

    CESAR CHAVEZ: I'm sure you're also guided by surveys, per sector, per region, national demographic, socio-demographic, classes. Sa internal survey niyo ho ba ninyo umaangat ang numero ng pangalawang pangulo?

    BARRY GUTIERREZ: Umaangat naman ang numero. Actually, kung titingnan mo naman maski hindi sa internal survey pero doon sa mga survey ng ating mga ibang polling firms, meron namang trajectory na papataas si VP Leni. 'Yun nga lang, hindi pa ganoon kabilis nitong nakaraang buwan pero umaasa tao na dahil nga dito sa napakalakas na showing ng turning out sa kanyang mga nakaraang mga rally ay lalong magkakaroon ng momentum at lalakas 'yung pagtaas ng kanyang numero sa darating na mga survey.

    CESAR CHAVEZ: 'Yung napakaraming volunteers: Luzon, Visayas, at Mindanao at habang nagsasagawa kayo, halimbawa, ng rally sorties on Negros, Bacolod, meron ding mga nagaganap sa ilang bahagi ng Visayas, Luzon, at Mindanao, saan ninyo puwedeng i-attribute 'yang dumaraming mga volunteers sa kampo ho ninyo?

    BARRY GUTIERREZ: Well una, meron talagang tiwala ang madami sa ating mga kababayan kay VP Leni. Klaro naman talaga 'yun eh, kita mo talaga na kapag nakita nila si VP, gusto talaga nilang makausap, magpa-selfie, mainit talaga ang pagtanggap sa kanya kahit saan man siya magpunta. Pero lagpas kay VP, feeling ko, madami sa ating mga kababayan ay hinahangad 'yung kanyang inaalok: isang gobyernong tapat, isang gobyerno na maaasahan na magtatrabaho para sa kapakanan ng ating mga kababayan, isang gobyerno na makakatugon doon sa mga madaming problemang kasalukuyan nating hinaharap, isang gobyernong makakapagbibigay muli sa kanila ng pag-asa. At tingin ko, 'yung ang talagang nanaig, 'yung nakikita nilang pag-asa kay VP Leni, 'yung tiwala nila na si VP Leni ay makapag-aahon sa atin sa kasalukuyan nating krisis na hinaharap, at kahit saan ka magpunta, gaya ng sabi niyo Ka Cesar, mula Mindanao, mula Visayas, hanggang Luzon, talagang madaming mga taong pinapakita ang kanilang paniniwala at ang kanilang tiwala sa pagkilos ng kusa kahit nasaan man sila: pagdalo dito sa mga rally, paggawa ng mga sari-sariling campaign activities kahit na hindi sila nauutusan o napapagsabihan o pinapaki-usapan ng kampanya. At 'yang ganyang people's campaign, 'yang ganyang volunteerism, 'yan talaga ang inaasahan naming magiging batayan ng patuloy na pag-angat ng numero ni VP Leni hanggang sa kanyang pagkapanalo sa Mayo.

    CESAR CHAVEZ: Habang papalapit tayo sa May 9 elections, dumarami 'yung mga artista, mga banda, na nag-peperform sa rallies, sorties ng ating pangalang pangulo, bayad ho ba ang mga 'yun?

    BARRY GUTIERREZ: Hindi. Actually, 'yan ang isang sobra naming pinapasalamatan. Alam naman natin na kapag election, talagang ang kagawian, magbabayad ka di ba? Para magkaroon ka ng mga performers, para magkaroon ka ng mga celebrities na pupunta para mag-endorse, para mag-perform sa mga rallies, pero sa aming kaso, hindi eh. Lahat 'yan ay volunteer, lahat 'yan ay kusang sila ang lumapit para magsabi na mag-peperform sila dahil naniniwala sila kay VP Leni.

    At hindi lang mga celebrities o mga performers ang pinag-uusapan natin dito, Ka Cesar, madaming mga ibang volunteers: abogado, doktor, mga creatives, mga galing sa mga ad agency, na ino-offer 'yung kanilang services na libre dito sa kampanyang ito. Ako, ngayon lang ako nakakita ng ganitong level of volunteerism, at talagang nakakalakas siya ng loob, talagang nakakabuhay siya ng paniniwala na kayang ipanalo ito, at tingin ko, isa nga 'yan sa mga sikreto talaga ng campaign ni VP Leni, 'yung level of volunteerism at 'yung level na suporta galing sa mga tao na kusang nag-aalok ng kanilang serbisyo, kusang nagbibigay ng kanilang suporta.

    CESAR CHAVEZ: 'Yung mga pumupunta sa kanya, dumaraming pumupunta sa kanyang rally, ano ho 'yun? Karamihan ho ba ay nandoon dahil kay Vice President, pangalawa dahil lang ba sa ideya, pag-asa na kanyang inalalako, o dahil sa gustong manood ng mga banda't mga artista na mga kumakanta?

    BARRY GUTIERREZ: Tingin ko, hindi mo puwedeng ipaghiwalay 'yung nagpupunta para kay VP Leni at 'yung mga nagpupunta dahil 'yung nakikitang pag-asang nire-represent niya. Kasi, madami namang mga tao tingin ko, kaya sumusuporta kay VP Leni dahil gaya nga ng binanggit ko kanina, nakikita nila ang pag-asa ng ating bansa sa kanya. Nakikita nila ang posibilidad ng pagkakaroon ng maayos at tapat na gobyerno kung siya ang mahalal. So, 'yun 'yung nagdo-draw sa mga tao at tingin ko, walang nagpupunta para lang sa banda o para sa entertainment. Halos lahat nagpupunta dahil sila ay naniniwala, dahil sila ay merong shini-share na pangitain kasama si VP Leni, dahil sila ay gustong magpahayag ng kanilang pakiisa sa kanya at sa kanyang inaalok na kinabukasan para sa ating bansa.

    CESAR CHAVEZ: Attorney Barry Gutierrez, maraming salamat ho at sa oras na pinagkaloob po ninyo sa ating palatuntunan sa umagang ito, happy weekend po.

    BARRY GUTIERREZ: Maraming salamat din Ka Cesar, happy weekend, stay safe lagi.

    [END 00:18:21]

    Posted in Transcripts on Mar 12, 2022