This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview of Atty. Barry Gutierrez on Teleradyo Balita

    Interview of Atty. Barry Gutierrez on Teleradyo Balita

    [START]

    CHRISTIAN ESGUERRA: Makakasama natin ngayon via Zoom si Attorney Barry Gutierrez. Siya po ang spokesman ni Vice President Leni Robredo na isa po sa mga tumatakbo sa pagka-pangulo, magandang umaga po sir.

    BARRY GUTIERREZ: Good morning Christian, magandang umaga Zen.

    CHRISTIAN ESGUERRA: Pag-usapan po natin itong last few days or less than two weeks before the election day on May 9. So, nakikita po natin may mga realignment of forces, may mga nag-endorse doon sa kandidato niyo po, kasama na diyan 'yung UBJP, 'yung United Bangsomoro Justice Party, 'yung political party ng MILF. So, sa tingin niyo itong re-alignment of forces would be enough to surmount that perceived survey lead ng nangungunang kandidato.

    BARRY GUTIERREZ: Well kailangan nating alalahanin, hindi lang naman 'yan ang nadagdag, 'yung patuloy talaga na paglakas noong ating people's campaign, kasama nitong pagsuporta ng iba't ibang mga grupong politikal at mga local leaders natin, sa tingin namin has clearly given 'yung kampanya ni VP Leni 'yung momentum na kinakailangan niya papasok dito sa huling dalawang linggo ng kampanya para kami manalo sa May 9.

    CHRISTIAN ESGUERRA: And how would you intend to deal doon sa mga tinatawag nating black ops o dirty tricks or negative campaigning, 'yung pinaka mild na word ano, doon sa final stretch ng campaign. Nakikita po natin 'yan ngayon at saka noong mga previous election cycles. For example, 'yung pinakalat recently na adviser daw ni Leni Robredo si Jose Maria Sison, 'yung sex video na sabi nila si Aika Robredo na– peke po 'yun ha– at kung matino kayong tao, hindi niyo po papanoorin or more so isha-share 'yun. So, how do you intend to deal with this kind of black ops during the final stretch?

    BARRY GUTIERREZ: Actually, 'yung mga black ops na 'yan patunay talaga na lalong lumalakas 'yung kampanya eh. Kasi, bakit mo babatuhin 'yung tao na alam mo naman ay nasa dulo, di ba? Kaya talagang, well, kahit na nakakainis na harapin, kahit na minsan kasuka-suka na 'yung ginagawa at sinusubukang ibato kay VP Leni, eh tinitingnan namin bilang bahagi noong kanyang patuloy na paglakas at pagtaas.

    So, papaanong gagawin? Well, kailangan talagang i-call out. Ang isang natutunan namin sa nakaraang anim na tao, hindi mo puwedeng hayaan lang, hindi ka puwedeng umasa na dahil sobrang absurdo noong mga ibang mga nilalaman ng fake news na ito ay hindi maniniwala ang mga tao. Dapat kaagad-agad ay ating i-call out, kailangang i-correct, kailangang ilabas 'yung katotohanan.

    Ngayon itong huli, itong kay Joma Sison, eh ang kaiba dito, lumabas sa isang diyaryo eh. Hindi lang ito basta parang anonymous na kinalat na fake news sa Facebook o sa Youtube, talagang merong byline, talagang nilabas sa isang diyaryo, kaya binanggit nga ni VP Leni kahapon sa kanyang statement, kasalukuyang pinag-aaralan ito ng aming legal team at talagang balak naming mag-pursue ng legal action dito dahil hindi na tama ito. Di ba, 'yung ganitong fabrication, imbento talaga, pawang kasinungalingan. Hindi na puwedeng basta i-correct lang, hindi na puwedeng basta palagpasin kahit na malungkot mang isipin, naging bahagi na ito ng ating pangangampanya, pero kailangan talagang aksyunan at balak naming gawin 'yan through our legal team.

    ZEN HERNANDEZ: Pero mahaba-habang proseso 'yan. Gaano kayo ka-desidido sa pag-pursue? I mean, beyond elections ba no matter what the results are?

    BARRY GUTIERREZ: Wala kang magagawa eh, kailangan talagang i-call out eh, mabagal ang ating legal system, unfortunately. Pero sa kasong ito, kung hindi natin sisikaping habulin 'yung accountability, lalo na sa hindi mga anonymous na tao, pero'di ba mga miyembro ng journalistic profession, baka mamaya maging 'yan na ang ano, 'yan na ang kalakaran sa mga darating na– hindi lang sa eleksyon pero sa anumang usaping pampolitika, di ba? Puwede kang mag-imbento, puwede kang gumawa ng kung ano-anong kasinungalingan at kung palalagpasin lang ito, baka ulitin, di ba? Ayaw na naming mangyari 'yun, so talagng balak naming i-pursue itong partikular na usaping ito.

    ZEN HERNANDEZ: Kanina pa nga namin pinag-uusapan din 'yung negative campaigning. Sinasabi naman ni VP Leni na parang lagi siya 'yung subject at ito ba, for the longest time ay hindi niyo pinagtataka, given again, I keep going back doon sa mga survey results na kung ikaw at number two at napakalaki noong lead noong una, does it make sense sa inyo na siya 'yung target lagi at subject?

    BARRY GUTIERREZ: 'Yun nga 'yung binanggit ko kanina eh. Di ba, parang affirmation ito na 'yung matagal na naming sinasabi, 'yung matagal na naming nararamdaman sa ground mismo na talagang lumalakas ang kampanya ni VP Leni. Even sa surveys papataas ang trajectory ng kanyang numero, at talagang 'yung ano, 'yung gigil at 'yung lalim ng suporta galing sa mga tao. Kahapon sa Pasay, over 400,000 ang nagpunta. Madami sa kanila, umaga pa lang nandoon, 12 hours naghintay para lang marinig magsalita si VP Leni.

    Sa akin, 'yung ganoong klaseng level ng enthusiasm, ng excitement, 'yan ang nakakapagpanalo ng eleksyon. At sa tingin ko, 'yun din ang nararamdamang takot noong kabilang kampo. Kahit na kine-claim nila paulit-ulit na lamang sa survey, siguradong panalo na, 'yung kanilang ginagawa na patuloy na pag-atake, 'yung ginagawa nilang patuloy na paninira doon sa isang tao, na sabi mo nga supposedly second plalce lang sa survey, ay patunay na talagang merong kaba dahil dito sa momentum na malinaw na meron itong kampanya ni VP.

    ZEN HERNANDEZ: Pero Barry, saan siya nanggagaling? 'Yung mga atake, from a single source lang ba 'yan based on your assessment or talagang iba-ibang grupo?

    BARRY GUTIERREZ: Well, tingin ko kahit na iba-ibang grupo, single source in terms of isang kampo ang pinanggagalingan, di ba? Ayoko nang– ayoko nang mag speculate ng mas specific doon, pero alam naman natin kung saang diyaryo lumabas itong huling kasinungalingang ito na talagang lantarang imbento na lang. At alam naman natin kung sino may-ari ng diyaryong 'yan. Kung titignan natin–

    CHRISTIAN ESGUERRA: Actually, alam po natin 'yung sagot doon.

    BARRY GUTIERREZ: Di ba, alam mo naman Christian, di ba? Alam mo naman Zen, di ba? Pero–

    CHRISTIAN ESGUERRA: Hindi ko po alam–

    BARRY GUTIERREZ: Pag tiningnan mo 'yung kanilang tabloid na kanilang pag-aari, pag tinignan mo 'yung front page, halos isang bawat araw na lang, puro batikos kay VP Leni. Di ba? Limang article, batikos di ba? At karamihan pa doon, talagang imbento din. So, alam naman natin kung saan nanggagaling ito di ba? Part of me feels, malungkot mang isipin, nagiging part of the game na, ganoon talaga. Pero tingin ko, kailangan pa rin talagang guhitan kahit papaano. At the minimum, send the message na hindi puwedeng basta lumagpas 'yung ganitong lantarang pagsisinungaling, ‘yung ganitong lantarang paninira, kahit pa ito ay eleksyon at kahit pa may mga madaming nagsasabi, ganyan na talaga ang kampanya sa Pilipinas.

    ZEN HERNANDEZ: So what's the ano na lang, oo. Ay go, may tanong yata. May tanong ka?

    CHRISTIAN ESGUERRA: Oo, recently sinagot niya 'yung statement ni Mayor Isko Moreno, so huwag daw kayo, wag muna daw kayo magsalita for the Vice President, let her speak directly at sagutin 'yung sinasabi na you tried to convince different candidates to withdraw. Ang sagot niyo sa Twitter, "K." So, what did that indicate?Kumbaga hindi niyo ba sineseryoso si Isko Moreno na at this stage of the campaign, na talagang iba 'yung focus niyo?

    BARRY GUTIERREZ: Tawang-tawa ako sa isang headline na lumabas after 'yung kanyang statement na 'yan eh, di ba, parang pinapatigil mo magsalita ang spokesperson ng isang kandidato. Eh di ba by definition ang trabaho ng spokesperson ay magsalita para sa taong 'yun? Hindi ko maintindihan talaga 'yung posisyon na hindi dineny ng kampo ni VP Leni itong mga alegasyon na ito, eh sa dineny ko eh, eh sino ako? Di ba? Hindi ba ako tagapagsalita, hindi ba 'yun ang trabaho ko? Hindi ba pag ako nagsabi, parang nanggaling na talaga officially 'yun from the campaign?

    So, may pagka-absurdo talaga 'yung sinabing 'yun. At ang– siguro kaya 'yung sagot ganoon na lang, eh paulit-ulit nang sinagot itong issue na ito eh, tapos pinipilit pa rin talagang itulak. Pinipilit pa ring buhayin, pinipilit pa rin talagang magpapansin. Eh sa puntong ito, sabi nga ni VP Leni, focus na dapat tayo sa kampanya, 15 days na lang bago tayo bumoto sa eleksyon. Dapat 'yun ang tutok natin, huwag na tayong magpa-distract dito sa mga bagay bagay na ito. So, talagang hanggang "K" na lang muna 'yung mga ganyang klaseng mga issue na alam naman nating recycled na lang.

    ZEN HERNANDEZ: Naniniwala pa rin ba kayo na mahina ang Leni-Kiko tandem sa Class D and E ng ating mga kababayan? Ano 'yung stratehiya sa susunod na dalawang Linggo?

    BARR6Y GUTIERREZ: Una, hindi ako naniniwala na mahina ang suporta ni VP Leni at Senator Kiko sa D and E. Maski tingnan mo 'yung mga surveys di ba, 'yung kanilang suportang nakukuha from D and E, hindi substantially malayo for ‘yung nakukuha nila sa A, B and C. Lalo na sa Class E na nakaraang anim na taon, si VP Leni ay talagang nagtrabaho, nagbigay ng serbisyo, nagpatupad ng mga napakaraming proyekto para sa mga tinatawag nga nating mga nasa laylayan, 'yung mga malaki ang pangangailangan na suporta sa gobyerno. So, kami hindi kami naniniwala doon.

    Pero, that said, anong strategy sa susunod na dalawang linggo? Ang nalalabing dalawang linggo bago tayo ay bumoto, patuloy lang 'yung pagtutok at pagpapalakas ng ating people's campaign. 'Yung ikot ni VP Leni sa iba't ibang probinsya at isa sa mga advantages naman niya 'yan eh. Secret weapon, maski sa mga nakaraang kampanya 'yung sipag ni VP Leni. Talagang 'yung schedule niya pamatay, nakakadalawang probinsya, tatlong probinsya minsan bawat araw. At sa naiiwang two weeks na ito, talagang pupuntahan niya ng lahat na puwede niyang puntahan, imo-motivate niya at imo-mobilize lahat ng ating mga supporter sa iba't ibang lugar at 'yung patuloy na ground campaign kasama noong ating mga volunteers na ang laki talaga ng aming pasasalamat. House-to-house, market-to-market, tao-sa-tao, puso-sa-puso, 'yun 'yung ating ginawa sa nakaraang mga linggo. 'Yan ang nakapagpataas ng numero at tingin namin, 'yan ang magpapatuloy na magcoconvert ng suporta para kay VP Leni at Senator Kiko. So, itutuloy lang natin 'yan hanggang sa dulo.

    ZEN HERNANDEZ: Okay. Maraming salamat po, Attorney Barry.

    BARRY GUTIERREZ: Thank you Zen, thank you Christian at stay safe kayo lagi.

    [END]

     

     

    Posted in Transcripts on Apr 24, 2022