05 January 2017
QUESTION: Ano po purpose ng inyong pagdalaw?
VP LENI: Mas assessment kung ano ang pangangailangan. Ngayon nakita natin ilang barangay na ang pinuntahan natin. Number 1 talaga shelter.
Ang pangalawa pagtulong sa pananim. Kung titignan natin majority ng source of livelihood dito ay abaca at lahat iyon halos ay nasira. Ang report sa atin ni Gov at Mayor, it will take another 18 months bago tumubo ulit ang mga nasira. So ibig sabihin for the next 18 months ang mga tao dito walang source of income.
Tinatanong natin kanina kung ganito ang nangyayari anong ginagawa? Iyong out migration daw napakalaki. Kaya ang gagawin natin pagbalik ng Maynila, isipin kung paano makakatulong ang gobyerno para iyong mga tao habang wala pang kita sa agriculture matulungan man lang sana pantawid gutom. Iyon siguro ang tututukan natin.
Ngayon nagbibigay tayo ng temporary shelter materials pero papagawan natin ng plano, matulungan sana ang mga tao na pag rebuild mas sturdy na ang bahay lalo na sa coastal.
Iyong nandito, kung titignan natin iyong community halos naubos so ibig sabihin talagang malakas ang hangin.
QUESTION: So may aasahan po ba tayong mga housing materials…
VP LENI: Oo naman. Mayroon tayong fund para diyan. Mayroon tayo sa DSWD, sa Office of Civil Defense. Iyong pinakatulong ng opisina namin nakikipag-coordinate kami sa local officials para iyong mga requirements matutukan na at ma-release agad.
Kasi ang experience natin masyadong matagal dumadating ang tulong dahil sa bureaucratic red tape. Kaya ngayon hopefully pagbalik ko sa Manila ito na ang gusto kong gawin ang matutukan ang mga request nila.
Earlier may mga binisita tayong coastal communities, may mga request for seawall. May binuild sila before at naisalba sana iyong mga kaakibat na pinsala pero gusto natin maubos na at malagyan ng seawall dahil highly vulnerable ang lugar na ito.
QUESTION: May binabanggit po sila na evacuation center sa mga barangay…
VP LENI: Iyong bawat sana na highly vulnerable na barangay, magkaroon ng evacuation center na dapat two floors.
QUESTION: Kuwento kanina diyan halos nagpupulasan sila kung saan pupunta…
VP LENI: Totoo. Iyong inaasahan nila dito iyong mga konkretong mga bahay pero kapag sobra kasing lakas, ilan lang ang maaaccommodate na bahay nito. Kanina may nakita tao sa Barasoain na evacuation center pero parang hindi siya designed para sa lugar. One floor na maliit.
Ma-identify sana ang highly vulnerable areas. Hindi lang evacuation centers kundi pati paaralan gawing concrete slab. Hindi na yero tapos convertible siya to evacuation center kasi iiyon lang ang makakatulong sa tao in times of sakuna.
QUESTION: Immediate needs po ng mga tao from your office, iyong materials po how many days would it take?
VP LENI: Mayroon na tayong dala ngayon pero partial pa lang iyon. May mga dala tayo ngayong GI sheets at iiwan na natin iyon sa mga local officials. Ang pag-distribute mas alam nila kung sino ang dapat tumanggap. Ito galing lang ito sa private donors.
Ang gusto sana natin makuha natin iyong galing mismo sa gobyerno. Iyong shelter assistance mula sa DSWD at OCD para may masimulan na sila. Gaya nito mga temporary lang ang ginawa. Ang pag-aalala kasi natin gaya ngayon masama nanaman ang panahon, kahit naka-build na sila basa ulit iyan.
Talagang kailangan sana maibaba na dito. Pakiusap namin sana kanila na ang labor pero ang mga materials maibaba na. Iyong dala natin ngayon, temporary lang iyan.
Mga GI sheets para sa mga nawaan ng bubong. Pero dito halos to the ground talaga wala so kailangang asikasuhin. So ngayon ang mga nag-dodonate sa atin mga shelter materials. Sabi natin tapos na tayo sa relief lipat na tayo sa rehabilitation. So iyong lahat ng parating ngayon shelter materials. So pinipili ng pagbisita natin ang pinakaaffected para iyon din ang uunahin.
QUESTION: Message to the people of Catanduanes
VP LENI: Nandito po kami para makiramay sa sinapit nating damage sa Typhoon Nina. Binibigyan po namin kayo ng assurance na hindi kayo nakakalimutan ng gobyerno.
Nandito po kami para i-assess kung ano iyong mga pangangailangan. Nailista na po namin. Mukhan matagal-tagal pa po na walang kuryente mayroon din tayong na-solicit na solar lamps sa mga lugar na mahuhuli pa.
Pero ito iyong hinihingi nating tulong galing sa pribado. Next week po nasa Maynila na ako at pagbalik ko po bitbit ko na ang mga request dito.
Kanina po pag-ikot sinabihan ko na ang mga local officials na gumawa na ng resolusyon ng mga pangangailangan nila para malakad ko pagdating ko ng Maynila.