This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview of DZBB with Georgina Hernandez

    2 May 2017

    Georgina Hernandez

    Spokesperson, Office of the Vice President

    Q: Ano po ang reaksyon ng Bise Presidente dito sa nakatakdang paghain po na impeachment complaint laban po sa kanya mamaya? Georgina: Ito naman pong impeachment complaint na sinasabi na ifi-file mamaya, hindi na rin naman po itong ikinagugulat ni VP Leni. Sakatunayan, ilang linggo na rin naman ang nakaraan kung saan ang kampo ng mga nais mag-file ng impeachment complaint ay nagsasabi at nagbabanta na sila nga po ay magfi-file. Pero sa tagal po ng kanilang oras na hinintay. Talagang masasabi namin na halos wala naman talaga silang ebidensya na maipakita at isa itong fishing expedition na walang batayan iyong kanilang pinaplanong pag-file. Pero sa amin po ay handa naman po harapin ng aming kampo ang kanilang ifi-file na impeachment complaint. Sakaling matuloy ito.

    Q: Sinasabi ninyo po ang grounds, mayroon pong binabangit dito na isa daw po sa dahilan ay ang misrepresentation sa statement of assets, liabilities, and net worth – SALN at maling paggamit ng pondo ng HUDCC. Georgina: Tungkol po sa dalawang bagay na iyon, hinihintay natin kung sila ay makakapaghain ng ano mang ebidensiya tungkol po diyan. Tayo po ay nakakasiguro na malinis po ang record ng ating pangalawang pangulo patungkol doon sa dalawang bagay na iyan.

    Q: Mayroon pong isang sinasabing basehan, yung video message po niya sa United Nations noong March, kung saan sinabi po ng Bise Presidente ang isyu ng palit ulo sa ginta ng kampanya laban sa droga ng administration at sinasabi po na ang palit ulo ng dinidescribe ni Vice President Leni Robredo ay hindi daw po ganun ang sistemang umiiral na sinasabi ng Philippine National Police. Georgina: Hindi na rin po namin kailangan ipagpaliwanag po iyan dahil mismo pong mga pamilya na nabiktima ng sinasabing palit ulo. Nai-cover na rin po ng iba’t ibang media dito sa ating bansa, local media, at pati international media at sa tingin natin, hindi naman labag sa ating batas or hindi naman iligal na magkaroon at magsabi ng totoo at iyon lang ang ginawa ni VP Leni sa kanyang pahayag na video message sa isang side meeting sa UN conference na ginawa sa Vienna, Austria.

    Q: Nagbayad na po ata kayo ng 8 milyon pesos. Kailangan pa ba ito ipaliwanag kung saan po galing ang pondo na ito considering na maliit lang daw ang SALN ng Bise Presidente, Ma’am Georgina? Georgina: Mismong si VP Leni na po ang nagsabi na hindi naman talaga po naging madali na makalikom nang ganitong amount na 8 milyon pesos nga po na kalahati lang po ito sa buong bayad. Ito ang requirement na within 5 days makabayad siya tungkol dito. At nakalabas na din po ng statement ang aming kampo patungkol dito na hindi nga lahat ito ay personal na nanggaling kay VP Leni. Bagamat iba po dito ay galing sa personal niya pong pera, ang iba po ay inutang po sa kanya ng mga kamag-anak po ng yumaong asawa na si Secretary Jesse Robredo at ito po ay kanyang babayaran sa tamang panahon.

    Q: Sa mga kaanak po ang nangaling. Ano po ba ito halos kalahati ba po ito or maliit lang na bahagi ang nautang po? Georgina: Karamihan po ay inutang. Ito po iyong mga pangalan for transparency, inilabas na rin po namin iyong detalye. Ang mga kamag-anak po ng asawa ni VP Leni na yumaong na si Sec. Jesse. Ang mga ay sina Vicente Hao Chin, Pablito Chua, at Rafael Bondoc.

    Q: Ito naman po ay babayaran? Georgina: Opo. Inutang sa mga kamag-anak at babayaran na po ito pag kakayanin na po. At kung baga, ito pong sinasabi ni VP Leni na hindi niya tatakbuhan iyong kanyang responsibilidad. At dahil nag-order na iyang Korte Supreme, kahit noong una tumatawad talaga si VP Leni na magkaroon ng kaunting palugit dahil malaki-laki ang amount na ito. Hindi katulad po ng kampo ni Mr. Marcos na agad-agad nakapagbayad. Hindi naman ganoon kadali para kay VP Leni dahil alam naman nating lahat na kahit matagal sa pulitika ang kanyang asawa, wala po silang ganitong halagang pera. Pero para kay VP Leni, hindi lang para sa kanya ang labang ito. Para po ito sa lahat ng mga pamilya na nagtitiwala at naniniwala sa naging malinis na eleksyon. Kaya patuloy po na naglalaban si VP Leni para sa mga ordinaryong pamilyang Pilipino na siya rin nagpapanalo sa kanya.

    Q: Balikan ko lang iyong palit ulo na binanggit ni Vice President Leni sa UN. Itong mga kaso na nabanggit sa media nagkaroon ba ng comparison sa PNP? Kasi ang sinasabi po ng PNP na wala silang nabanggit na wala naman silang natira na ganoon. Parang ang pahiwatig ay hindi pulis ang kumuha or dumukot doon sa mga sabing biktima o biktima ng mga palit ulo? Georgina: siguro po mas maganda kung ang mga pamilya mismo ang magsalita tungkol dito. Hindi pa nagkakaroon ng pagkakataon ang kampo na makipagtulungan sa PNP tungkol dito dahil iyong karamihan ng lumapit kay VP Leni ay natatakot para sa kanilang mga buhay. Mayroong mga iba na nagkalakas na loob na lumabas sa publiko pero hindi naman sila nakipag-ugnayan sa amin. Kaya mas maganda kung sila makausap ninyo.

    Q: Hindi po nakipag-ugnayan sa inyo? Georgina: Marami po kasing iba’t ibang grupo. At hindi naman po lahat ay nakikipag-ugnayan sa amin. Iyong mga na-interview man ng media tungkol sa palit ulo ay hindi po namin nakausap.

    Q: Maganda din siguro, tutal baka iyan ay maging, ito nga iyong isa sa mga laman ng impeachment maganda siguro baka doon na din ang pagkakataon – Georgina: Tama po iyon kung tutuloy man itong impeachment, sakaling matuloy ang kanilang magfi-file lalabas din po ang katotohanan. At sa huli ang pinakamahalaga hindi lamang na malinis ang pangalan ng Pangalwang Pangulo pero iyong patuloy na protektahan ang mga karapatan pang tao ng mga pamilyang Pilipino na nagdurusa dito sa mga nangyayari na extra judicial killings at palit ulo.

    Posted in Transcripts on May 01, 2017